Share

SPECTRUM

Author: LAbagarinao
last update Last Updated: 2021-05-28 15:32:42

Naaalala ko pa kung paano kami nagkakilala ni Max noon, mga panahong hindi pa rin ako out as bisexual. He's cute, hindi naman maikakaila na may itsura siya at sa tuwing magsasalita siya ay tila ba huhukayin niya ang tenga at matres mo dahil sa lalim ng boses niya.

Way back two thousand and eighteen, I'd joined this hiking group para makalimot sa problema at makatakas sa nakakabaliw kong trabaho. That time, unti-unti na akong dinudurog ng trabaho ko, dagdag pa ang mga pait ng nakaraan. Nilalamon ako ng katanungang, "Madali ba akong iwan?". My dad, my mom, ang mga kapatid ko, and that guy from Spain. I guess, I'll be alone forever.

"Hi!"

"Hi," sagot ko.

"Bakit mag-isa ka? I mean, we're almost twenty hikers here pero bakit wala kang buddy?" tanong niya.

"I prefer to be alone."

Hindi na siya sumagot pa at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi ko akalain na sa usapang iyon magsisimula ang lahat, doon magbabago ang takbo ng buhay ko. Noong una, wala naman talaga akong balak na kausapin siya, but his voice was too husky and angelic to be ignored.

"I'm Theo." Muli siyang lumingon sa 'kin at inalok ang kamay niya.

"Max," he said, then smiled.

Mula sa ilang oras na paglalakad, narating na rin namin ang tuktok ng bundok. Mamasa-masa ang paligid, malamang dahil sa hamog at ulap. Tanaw mula sa kinatatayuan ko ang malaking parte ng Maynila: ang maliwanag na araw, ang mga ulap, at nagsasayawang mahahabang damo. Napalingon ako at napansin na ang lahat ay kumukuha ng kani-kanilang mga litrato, kaniya-kaniyang selfie at group photos. Samantalang ako ay nakatayo lang at nilalanghap ang sariwang hangin. Inilabas ko rin ang aking phone para kumuha ng selfie, pero nahihiya akong mag-picture ng sarili ko. Napakalungkot naman ng buhay ko, walang kaibigan o kasintahan na handang kunan ako ng larawan.

"Akin na 'yan." Inagaw ni Max ang aking phone.

"Oh? Hoy, phone ko 'yan."

"Sa tingin mo naman, e, itatakbo ko 'to? Saan pa ako pupunta? E, pagdiretso ko na lang dito baka sa baba na ako pulutin, suwerte ko na lang kung buo pa'ng katawan ko." Hindi ko malilimutan ang una naming naging biruan.

Kinunan niya ako ng mga larawan. Noong una nakakahiya pero mamimili pa ba ako?

Lumipas ang oras at magkasama kaming nanood ng sunset, magkatabi, at tanging nasa paglubog lang ng araw ang atensiyon.

"Ang gago ng mundo, 'no? Ang unfair lang, 'di ba?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi naman talaga mundo ang gago, 'yong mga tao. Alam mo ba na halos lahat ng mga nakakasama ko sa hiking ay kung hindi broken ay hinahanap ang sarili?"

"Nahanap ba naman nila?"

"First time mo ba?" tanong niya.

"Probably, last ko na rin," biro ko sa kaniya.

"So, saan ka do'n? Sa broken? Sa hinahanap ang sarili? Sa stressed? Sa nagtatago sa utang? O sa naghahanap ng inspirasyon para mabuhay?"

"P'wedeng all of the above?"

"Grabe naman 'yon, pinasan mo naman yata'ng lahat ng batch na nakasama ko." Natawa na lang kami pareho sa naging usapan namin.

Hindi na namin namalayan ang oras, kumikinang na ang mga bituin sa langit at ilang beses na rin kaming nakakita ng bulalakaw.

"Nagwi-wish ka ba 'pag may shooting star?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi, kung totoo ang paghiling sa mga tala, e 'di sana, lahat ng tao nasa labas ng bahay nila at nag-aabang ng shooting star."

"May point ka rin naman."

"Bakit? Ikaw ba?"

"Hindi rin, kung totoo ang mga paghiling na 'yan, e 'di sana, wala ako rito. Lahat na yata ng p'wedeng paraan ng paghiling ginawa ko na, kulang na lang ialay ko'ng kaluluwa ko para lang matupad ang mga gusto ko, pero ang ending, ito . . . heto ako."

"Mukhang malalim yata ang pinaghuhugutan mo, ah." "Hindi naman, sabihin na lang nating taksil ang mundo. Sarili

ko na nga lang ang meron ako, 'tapos sisirain pa niya. G*go!" G*go naman talaga ang mundo. Minsan ka na nga lang mabubuhay, 'tapos bubuhusan ka pa ng sandamakmak na problema. Minsan, hindi ko nga alam kung tao pa ba ako na may problema, o problema na may kaunting tao. Daig ko pa ang presidente ng bansa, parang pasan ko ang lahat ng problema sa buong mundo, isama n'yo pa ang Mars.

Darating tayo sa punto ng ating buhay na kailangan nating maglakad sa ibang daan, sa ibang ruta, at iwan ang taong dumaan sa buhay natin. Pabalik na kami ng Manila no'n, magkaiba kami ng sasakyang bus ni Max. Nagpaalam na ako sa kaniya, akmang aakyat na ako ng sasakyan nang bigla siyang nagtatakbo palapit sa 'kin.

"Penge akong number mo!" sigaw niya.

"Libreng load?" tanong ko.

Simula noon ay madalas na kaming magkausap. Magkalayo ang tinutuluyan naming bahay. Ilang oras pa mula sa apartment ko ang bahay nila, minsan nagkikita rin kami pero limitado ang oras dahil sa pareho kaming may trabaho.

I can still remember the moment na nag-out ako, magkasama kami ni Max na pumunta sa puntod ni dad. Alam ko na kung sakali mang buhay pa siya ay mahihirapan siyang tanggapin ang pinili kong landas. For sure, baka hindi ako kausapin no'n dahil sa pagkadismaya. Tanggapin man natin o hindi, kahit naman ramdam na ng mga magulang natin na kaiba tayo sa inaasahan nila ay hindi pa rin maiaalis ang katotohanan na masasaktan sila sa oras na sabihin nating hindi tayo tuwid, siguro'y matatanggap nila pero paniguradong matatagalan. Kaya nga napakasuwerte ng mga taong madaling natanggap ng pamilya nila.

Dati, nagagalit pa ako 'pag kinukutya akong bakla dahil sa pagkamalambot, lubos kong dinadamdam at pinakaiisip kung totoo ba. Ilang taon ko ring niloko ang sarili ko, pinaniwalang lalaki ako. Lalaki pa rin naman, kaso lalaki rin ang gusto. Nagkakagusto rin naman ako sa babae. Minsan mahirap, hindi mo alam kung crush mo si Wonder Woman dahil maganda siya, o mas gusto mo si Superman dahil sa sobrang hot niya. Minsan hindi ko alam kung bakit ako lumilingon kapag may dumadaang magsyota, dahil ba sa babae o dahil cute 'yong lalaki.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ni Dad kung sabihin ko mang bisexual ako, pero pihadong siya pa rin ang gigising sa 'kin sa umaga para sa almusal ko, siya pa rin ang tatawag sa 'kin sa gabi sa tuwing hindi pa ako umuuwi, siya pa rin ang tatay ko na kasama ko sa ilang kaarawan, Pasko, Bagong Taon, at Valentine's day. Pero ngayon, paano ko aaminin kay Dad ang lahat kung iniwan na rin niya ako?

Nakaupo kami ni Max noon sa damuhan sa tabi ng libingan ni Dad. Ilang buwan na rin kaming magkakilala ni Max at aaminin kong sinusubukan niya akong ligawan pero palagi kong sinasabing straight ako, hindi ko alam kung naniniwala ba siya dahil napaniwala rin ako sa kasinungalingang 'yon simula pa dati.

"Ipagpapaalam ko lang po sana, nililigawan ko po ang anak ninyo."

"Hoy, g*go! Nakakahiya kay Dad. Ako na lang sana nagsabi sa kaniya."

"Antagal mo, e, excited na akong ikuwento kay Tito."

"Dad, sorry, mali ang pagpapakilala ni Max. H'wag kang maniniwala dyan, ha."

"Ano'ng mali? E, 'di ba, totoo namang nililigawan kita? Ikinakahiya mo ba ako?"

"Dad, oh, inaaway ako agad. Pakinig na pakinig mo, inaaway ako ng boyfriend ko."

Hindi maintindihan ni Max ang magiging reaksiyon niya, tanaw mula sa mga mata niya ang pagkagalak. Doon ko nasaksihan kung gaano kapuro ang pagmamahal niya sa 'kin at kung gaano siya kaseryoso sa mga sinasabi niya.

Doon ko naramdaman ang pagiging Malaya. Doon ko tinanggap ko ang sarili ko sa kung ano ba talaga ako. Sunod akong nag-out kay Mace, sa aking best friend. Since first year college ay magkasama na kami kaya alam kong hindi na siya magugulat kung aminin ko man.

"Bes, may aaminin ako sa 'yo." Sa totoo lang naiilang pa rin akong pag-usapan ang issue na 'to pero naisip ko na kaibigan ko naman siya.

"Anet?"

"Bisexual ako."

"Ah, okay . . ."

"Ano? Antagal kong pinag-ipunan ng lakas ng loob lahat ng 'to, 'tapos 'yan lang ang isasagot mo?"

"I mean, oh? Shocks, hindi ko alam. O . . . M . . . G, I'm so proud of you. Gano'n ba dapat? Timothy, kilala na kita. Alam ko na ang amoy ng utot at kulay ng libag mo. Kahit naman ano ka, alam mo namang mahal na mahal kita. Pati hello, kahit maging pawikan ka ngayon, I will still love you. We're friends and also, ilang beses na rin kitang napapansin na tingin ka nang tingin do'n sa sinasabi mong friend mo, ha. Lagi kayong magka-text, nakikita ko 'yon. Kayo ba? Pati hello, ilang gay p*rn na ang nakita ko sa history ng browser mo."

"Alam mo, kahit kailan bida-bida ka. Puwedeng hintayin mong ikuwento ko?"

"Ay, nagagalit? Gustong manakit? H'wag kang ma-high blood, basta ang masasabi ko lang, tanggap kita. Alam na ba 'yan ng mama mo?"

"Bakit pa? Ano'ng sense?"

"Mama mo pa rin 'yon."

"Yeah, but of all people na puwede kong pagkuwentuhan, alam kong wala siya do'n."

Sa dami ng oras at panahon na pinagdaanan ko, isa sa mga natutunan ko ay hindi naman talaga kailangang malaman ng lahat kung sino ka. Nasa 'yo na kung kanino mo sasabihin pero hindi mo kailangan ang validation ng ibang tao, maging totoo ka lang sa sarili mo, sapat na. Marahil, nakakagaan ng loob ang pagsasabi sa mga magulang, kaibigan, o sa mga pinagkakatiwalaan mo kung sino at ano ka talaga, pero hindi ibig sabihin noon ay malaya ka nang lubusan. Indikasyon lang ito na handa ka nang tanggapin ang sarili mo, ang pinakauna at pinakamahalagang hakbang para mas maunawaan mo ang totoong ikaw. Pero h'wag kang magmadali, h'wag kang makikinig sa dikta nila, h'wag mong habulin ang panahon, hintayin mo lang ang tamang pagkakataon.

Hindi ibang tao ang sumusulat ng kwento ng buhay mo. H'wag kang magpapaapekto, h'wag kang makikinig sa dikta ng mundo. Ang mahalaga ay alam mo ang pagsabay sa sayaw ng alon, ang pag-indak sa himig ng malakas na hangin, at ang paghimig sa ilalim ng mga bituin. Dahan-dahan mong tahakin ang hiwaga ng mundo, marahan kang maglakbay, at alamin ang totoong halaga ng pagkatao mo.

Noon pa man ay madalas na akong umunan sa hita ni Max habang siya ay nakaupo at nagbabasa ng mga libro sa sofa. Napakatahimik, perpekto, at kontento na ako pero kung hindi man kami ang totoong pinagtagpo ng mga bituin, o pansamantala lang ang lahat ng nararanasan namin, nais kong sabihin na wala akong pagsisisihan na siya ang naging daan para mamulat ako sa totoong kulay ng bahaghari.

Related chapters

  • Love, Lust and Lies   FADED

    Dumating na ang araw ng exhibit, ngayon ko lang napansin na ayos din naman nga pala ang mga kuha ko. Mga larawan na tumatalakay sa personal na buhay ng mga LGBTQIA+ members, mga litrato na tungkol sa human rights, at mga editorial shots.Everything's perfect, napakaperpekto ng gabing 'to lalo na sana kung narito si Max. Mabilis na dumami ang tao sa venue, ilang oras pa lang mula nang magbukas kami ay tila ba hindi ko na alam kung paano kakausapin ang mga bisita sa dami nila.Habang nag-aasikaso ako ng mga bisita, biglang lumapit sa 'kin si Mace."Hoy, bes! I saw all of the photographs, magaganda. Hindi na talaga ako mag-iiba ng photographer para sa prenup ko. Sobrang excited na ako. Alam mo, gusto kong iregalo 'yong isang picture sa mother-in-law ko. 'Yong picture ng batang babae na na

    Last Updated : 2021-05-30
  • Love, Lust and Lies   SHIFT

    Mabagal ang paglipas ng gabi. Ilang mga butil ng luha ang kailangan kong ibuhos para mapawi ang sakit na nararamdaman ko. Umaga na nang lumabas ako ng kuwarto at nakitang natutulog si Max sa sofa. Lumapit ako at kinumutan siya bago binigyan ng halik. "Babe? Lipat ka na sa kuwarto para makapagpahinga ka na nang maayos," sambit ko. Naalimpungatan siya at tumalikod sa akin. Ang hirap pala na kaaway mo siya, 'no? Na hindi mo alam kung paano ibabalik ang tiwala niya. Wala ka namang ginawang masama pero bakit ganito? Bumalik ba ang galit sa 'kin ng mundo? "Kapag tumawag si Kim, h'wag mong sasagutin." "Max, itatanong ko lang kung bakit mo kinansel? Hindi ka ba natutuwa? Pangarap mo 'yo

    Last Updated : 2021-05-31
  • Love, Lust and Lies   MOON CRIES

    In just a blink of an eye, nagbago ang lahat. Those happy moments are now just memories, but I can't leave Max on his miserable days. He was once my sunshine, he was once my knight-in-shining armor, siguro'y it's time to pay him back the love he has given me.Umaga na, gaya ng dati, nagtungo ako sa kusina para ipagluto si Max ng agahan namin. Matapos magluto at maghanda ng pagkain ay bumalik ako sa kuwarto, niyapos siya, at ikinulong sa aking mga binti at saka tinadtad ng halik."Babe, gising na!"Naalimpungatan siya at ngumiti sa akin, "I love you." Nagbalik ang lahat, bumalik ang mga ngiti niya. Bumalik ang sigla, bumalik ang pagmamahal. Tumayo siya mula sa pagkakahiga niya, hinaplos ang mukha ko. Napansin kong nasa likod niya ang isa niyang kamay, tila may itinatago.

    Last Updated : 2021-05-31
  • Love, Lust and Lies   HARD ON

    Mahirap pala ang nasanay kang nariyan siya, nariyan sa tabi mo sa oras na magigising ka. Mahirap pala na masyado kang nagmahal, mahirap na masyado mong ibinigay lahat. Wala namang nagsabi na ganito pala katanga ang magmahal. Ang alam ko lang, may masasaktan pero walang nagsabi na ganito kasakit.Ikalawang linggo na simula nang mawala siya. Gabi-gabi akong umiiyak, gabi-gabi ko siyang iniisip. Nangungulila ako sa pagmamahal niya, sa kaniya. Nakakabaliw, hindi ko na alam kung ano'ng gagawin at anong dapat isipin.Hindi na rin ako nakakakain nang tama, hindi na lumalabas ng bahay, at hindi na rin nakakatulog kaiisip kung nasaan na siya, kung ayos pa ba siya, o kung ano na ang nangyari sa kaniya.Umiiyak ang gabi, nakikidalamhati a

    Last Updated : 2021-06-04
  • Love, Lust and Lies   FALLS

    Naaalala mo ba kung kailan ka huling ngumiti? Naaalala mo ba kung kailan huling hindi ka nag-iisa sa gabi? Kung kailan naging matamis ang pumait mong panlasa? Naaalala mo ba kung kailan mo huling naramdaman na minahal ka? At kailan ka huling nakaramdam na masaya ka na pala?"Theo, ikaw na muna dito sa bahay, ah. Kailangan kong pumunta sa probinsiya, 'yon kasing supplier ko ng kape ay hindi makapunta at nagkaproblema raw. Baka gabihin ako, may ready-to-cook foods na sa ref, ikaw na lang ang bahala kapag nagutom ka. If you need anything, just call me.""Gael, can I come with you?""Seryoso ka ba?""Yeah, I mean kung okay lang naman. Pero kung makakaistorbo lang ako, you can leave me here, it's fine."

    Last Updated : 2021-06-07
  • Love, Lust and Lies   DEAR THEO

    Mabagal ang paglipas ng gabi. Ilang mga butil ng luha ang kailangan kong ibuhos para mapawi ang sakit na nararamdaman ko. Umaga na nang lumabas ako ng kuwarto at nakitang natutulog si Max sa sofa. Lumapit ako at kinumutan siya bago binigyan ng halik."Babe? Lipat ka na sa kuwarto para makapagpahinga ka na nang maayos," sambit ko.Naalimpungatan siya at tumalikod sa akin.Ang hirap pala na kaaway mo siya, 'no? Na hindi mo alam kung paano ibabalik ang tiwala niya. Wala ka namang ginawang masama pero bakit ganito? Bumalik ba ang galit sa 'kin ng mundo?"Kapag tumawag si Kim, h'wag mong sasagutin.""Max, itatanong ko lang kung bakit mo kinansel? Hindi ka ba natutuwa? Pangarap mo 'yon, 'd

    Last Updated : 2021-06-18
  • Love, Lust and Lies   THOUGHTS AND LIQUOR

    Araw-araw, may mga kakaibang bagay akong napapansin mula kay Theo. Tuwing gabi, lagi siyang binabangungot, at tuwing umaga naman ay nakatulala lang siya habang nasa shower. Hinahayaan ko na lang dahil baka doon siya magiging ayos. Baka ang paghihintay na lang na maging maayos siya ang maaari kong maitulong sa kaniya at sa kaniyang paghilom.Napansin ko rin na madalas na siyang nagsusulat, naggagawa ng mga tula at tinutuloy ang kaniyang libro. Malimit na rin siyang kumukuha ng mga litrato gamit ang kaniyang camera. Minsan nga, nahuhuli ko siya na kinukuhanan ako ng mga larawan nang hindi namamalayan.Isang umaga, nagpatulong ako kay Manong Rex na aming caretaker ng bahay sa pag-aayos ng isa pang bangka na matagal na naming hindi nagagamit."Antagal na nito, ah, bakit 'di ninyo ginagamit

    Last Updated : 2021-06-29
  • Love, Lust and Lies   FAKE SMILE

    Nagising ako na wala na sa tabi ko si Theo, malamang naliligo na 'yon gaya ng lagi niyang ginagawa sa umaga. Bumangon ako para sana magluto sa kusina pero napansin ko na nakapagluto na si Theo. Hinanap ko siya pero wala siya sa banyo. Natagpuan ko siya sa tabing-dagat, nakatayo sa dalampasigan at nakatitig sa kalmadong alon. Hindi siya kumikibo, nakatitig lang sa kawalan.Baka gusto na niyang bumalik ng Manila. Araw-araw, walang oras na hindi siya malungkot. Madali siyang mapangiti pero mas madali siyang malumbay. Baka gusto na niyang bumalik kay Max. Baka lang naman, baka pati sa 'kin, e, malungkot na rin siya.Nagtungo ako sa banyo para magsipilyo at maghilamos, tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Pinilit kong ngumiti, lumabas ako at lumapit sa tabi ni Theo. Nakatitig pa rin siya sa alon, tila ba hindi napansin ang pagdating ko.

    Last Updated : 2021-07-06

Latest chapter

  • Love, Lust and Lies   CONFESSION OF A SINNER

    Bumuhos ang malakas na ulan, nagising na lang ako na wala siya. Alam ko na hahantong dito, naupo ako saglit sa kama bago tumayo para hanapin si Theo pero sa kahit saang sulok ng bahay, wala na ang bakas niya. He left . . . Theo's gone. Kasabay ng malakas na alon ng dagat, hindi nagpatinag ang lakas ng ulan sa kaniyang pagbagsak. Malayang dumampi ang butil ng tubig sa aking balat. Hindi na gaya ng dati, ramdam ko na ang lamig. Kagabi, yakap pa kita pero sa paggising ko, wala ka na. Mami-miss kita, miss na kita. Naupo ako sa tapat ng mesa, may nakahanda na roong pagkain na malamang ay inihanda niya bago siya umalis. Kagabi pa lang, ramdam ko na aalis na siya, alam ko na iyon na ang huling gabi na magkakasama kami. Tanggap ko na, tanggap ko na wala ka na, pero ang sakit

  • Love, Lust and Lies   MISERY

    Ang matulog sa lilim ng buwan nang mag-isa at yakap ang sarili ay tila ba panibagong parusa. Aaminin ko, natatakot ako. Natatakot na baka bukas wala ka na, na baka bukas umalis ka o piliing buuin ang sarili mo nang hindi ako kasama. Natatakot ako na baka bukas, hindi na ako.Hanggang kailan ba ako gigising na ganito? Hanggang kailan ako gigising na malungkot? Hanggang kailan ako mangangamba na baka mawala ka sa 'kin?Pero ano ba'ng kasiguraduhan na hindi mo ako iiwan? Kahit naman maayos mo ang sarili mo, baka sa dulo ay hindi pa rin ako ang piliin mo.Mahal kita.Habang mag-isa akong nag-aalmusal ay lumabas siya ng kuwarto, blangko ang ekspr

  • Love, Lust and Lies   FAKE SMILE

    Nagising ako na wala na sa tabi ko si Theo, malamang naliligo na 'yon gaya ng lagi niyang ginagawa sa umaga. Bumangon ako para sana magluto sa kusina pero napansin ko na nakapagluto na si Theo. Hinanap ko siya pero wala siya sa banyo. Natagpuan ko siya sa tabing-dagat, nakatayo sa dalampasigan at nakatitig sa kalmadong alon. Hindi siya kumikibo, nakatitig lang sa kawalan.Baka gusto na niyang bumalik ng Manila. Araw-araw, walang oras na hindi siya malungkot. Madali siyang mapangiti pero mas madali siyang malumbay. Baka gusto na niyang bumalik kay Max. Baka lang naman, baka pati sa 'kin, e, malungkot na rin siya.Nagtungo ako sa banyo para magsipilyo at maghilamos, tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Pinilit kong ngumiti, lumabas ako at lumapit sa tabi ni Theo. Nakatitig pa rin siya sa alon, tila ba hindi napansin ang pagdating ko.

  • Love, Lust and Lies   THOUGHTS AND LIQUOR

    Araw-araw, may mga kakaibang bagay akong napapansin mula kay Theo. Tuwing gabi, lagi siyang binabangungot, at tuwing umaga naman ay nakatulala lang siya habang nasa shower. Hinahayaan ko na lang dahil baka doon siya magiging ayos. Baka ang paghihintay na lang na maging maayos siya ang maaari kong maitulong sa kaniya at sa kaniyang paghilom.Napansin ko rin na madalas na siyang nagsusulat, naggagawa ng mga tula at tinutuloy ang kaniyang libro. Malimit na rin siyang kumukuha ng mga litrato gamit ang kaniyang camera. Minsan nga, nahuhuli ko siya na kinukuhanan ako ng mga larawan nang hindi namamalayan.Isang umaga, nagpatulong ako kay Manong Rex na aming caretaker ng bahay sa pag-aayos ng isa pang bangka na matagal na naming hindi nagagamit."Antagal na nito, ah, bakit 'di ninyo ginagamit

  • Love, Lust and Lies   DEAR THEO

    Mabagal ang paglipas ng gabi. Ilang mga butil ng luha ang kailangan kong ibuhos para mapawi ang sakit na nararamdaman ko. Umaga na nang lumabas ako ng kuwarto at nakitang natutulog si Max sa sofa. Lumapit ako at kinumutan siya bago binigyan ng halik."Babe? Lipat ka na sa kuwarto para makapagpahinga ka na nang maayos," sambit ko.Naalimpungatan siya at tumalikod sa akin.Ang hirap pala na kaaway mo siya, 'no? Na hindi mo alam kung paano ibabalik ang tiwala niya. Wala ka namang ginawang masama pero bakit ganito? Bumalik ba ang galit sa 'kin ng mundo?"Kapag tumawag si Kim, h'wag mong sasagutin.""Max, itatanong ko lang kung bakit mo kinansel? Hindi ka ba natutuwa? Pangarap mo 'yon, 'd

  • Love, Lust and Lies   FALLS

    Naaalala mo ba kung kailan ka huling ngumiti? Naaalala mo ba kung kailan huling hindi ka nag-iisa sa gabi? Kung kailan naging matamis ang pumait mong panlasa? Naaalala mo ba kung kailan mo huling naramdaman na minahal ka? At kailan ka huling nakaramdam na masaya ka na pala?"Theo, ikaw na muna dito sa bahay, ah. Kailangan kong pumunta sa probinsiya, 'yon kasing supplier ko ng kape ay hindi makapunta at nagkaproblema raw. Baka gabihin ako, may ready-to-cook foods na sa ref, ikaw na lang ang bahala kapag nagutom ka. If you need anything, just call me.""Gael, can I come with you?""Seryoso ka ba?""Yeah, I mean kung okay lang naman. Pero kung makakaistorbo lang ako, you can leave me here, it's fine."

  • Love, Lust and Lies   HARD ON

    Mahirap pala ang nasanay kang nariyan siya, nariyan sa tabi mo sa oras na magigising ka. Mahirap pala na masyado kang nagmahal, mahirap na masyado mong ibinigay lahat. Wala namang nagsabi na ganito pala katanga ang magmahal. Ang alam ko lang, may masasaktan pero walang nagsabi na ganito kasakit.Ikalawang linggo na simula nang mawala siya. Gabi-gabi akong umiiyak, gabi-gabi ko siyang iniisip. Nangungulila ako sa pagmamahal niya, sa kaniya. Nakakabaliw, hindi ko na alam kung ano'ng gagawin at anong dapat isipin.Hindi na rin ako nakakakain nang tama, hindi na lumalabas ng bahay, at hindi na rin nakakatulog kaiisip kung nasaan na siya, kung ayos pa ba siya, o kung ano na ang nangyari sa kaniya.Umiiyak ang gabi, nakikidalamhati a

  • Love, Lust and Lies   MOON CRIES

    In just a blink of an eye, nagbago ang lahat. Those happy moments are now just memories, but I can't leave Max on his miserable days. He was once my sunshine, he was once my knight-in-shining armor, siguro'y it's time to pay him back the love he has given me.Umaga na, gaya ng dati, nagtungo ako sa kusina para ipagluto si Max ng agahan namin. Matapos magluto at maghanda ng pagkain ay bumalik ako sa kuwarto, niyapos siya, at ikinulong sa aking mga binti at saka tinadtad ng halik."Babe, gising na!"Naalimpungatan siya at ngumiti sa akin, "I love you." Nagbalik ang lahat, bumalik ang mga ngiti niya. Bumalik ang sigla, bumalik ang pagmamahal. Tumayo siya mula sa pagkakahiga niya, hinaplos ang mukha ko. Napansin kong nasa likod niya ang isa niyang kamay, tila may itinatago.

  • Love, Lust and Lies   SHIFT

    Mabagal ang paglipas ng gabi. Ilang mga butil ng luha ang kailangan kong ibuhos para mapawi ang sakit na nararamdaman ko. Umaga na nang lumabas ako ng kuwarto at nakitang natutulog si Max sa sofa. Lumapit ako at kinumutan siya bago binigyan ng halik. "Babe? Lipat ka na sa kuwarto para makapagpahinga ka na nang maayos," sambit ko. Naalimpungatan siya at tumalikod sa akin. Ang hirap pala na kaaway mo siya, 'no? Na hindi mo alam kung paano ibabalik ang tiwala niya. Wala ka namang ginawang masama pero bakit ganito? Bumalik ba ang galit sa 'kin ng mundo? "Kapag tumawag si Kim, h'wag mong sasagutin." "Max, itatanong ko lang kung bakit mo kinansel? Hindi ka ba natutuwa? Pangarap mo 'yo

DMCA.com Protection Status