Nagising ako na wala na sa tabi ko si Theo, malamang naliligo na 'yon gaya ng lagi niyang ginagawa sa umaga. Bumangon ako para sana magluto sa kusina pero napansin ko na nakapagluto na si Theo. Hinanap ko siya pero wala siya sa banyo. Natagpuan ko siya sa tabing-dagat, nakatayo sa dalampasigan at nakatitig sa kalmadong alon. Hindi siya kumikibo, nakatitig lang sa kawalan.
Baka gusto na niyang bumalik ng Manila. Araw-araw, walang oras na hindi siya malungkot. Madali siyang mapangiti pero mas madali siyang malumbay. Baka gusto na niyang bumalik kay Max. Baka lang naman, baka pati sa 'kin, e, malungkot na rin siya.
Nagtungo ako sa banyo para magsipilyo at maghilamos, tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Pinilit kong ngumiti, lumabas ako at lumapit sa tabi ni Theo. Nakatitig pa rin siya sa alon, tila ba hindi napansin ang pagdating ko.
Ang matulog sa lilim ng buwan nang mag-isa at yakap ang sarili ay tila ba panibagong parusa. Aaminin ko, natatakot ako. Natatakot na baka bukas wala ka na, na baka bukas umalis ka o piliing buuin ang sarili mo nang hindi ako kasama. Natatakot ako na baka bukas, hindi na ako.Hanggang kailan ba ako gigising na ganito? Hanggang kailan ako gigising na malungkot? Hanggang kailan ako mangangamba na baka mawala ka sa 'kin?Pero ano ba'ng kasiguraduhan na hindi mo ako iiwan? Kahit naman maayos mo ang sarili mo, baka sa dulo ay hindi pa rin ako ang piliin mo.Mahal kita.Habang mag-isa akong nag-aalmusal ay lumabas siya ng kuwarto, blangko ang ekspr
Bumuhos ang malakas na ulan, nagising na lang ako na wala siya. Alam ko na hahantong dito, naupo ako saglit sa kama bago tumayo para hanapin si Theo pero sa kahit saang sulok ng bahay, wala na ang bakas niya. He left . . . Theo's gone. Kasabay ng malakas na alon ng dagat, hindi nagpatinag ang lakas ng ulan sa kaniyang pagbagsak. Malayang dumampi ang butil ng tubig sa aking balat. Hindi na gaya ng dati, ramdam ko na ang lamig. Kagabi, yakap pa kita pero sa paggising ko, wala ka na. Mami-miss kita, miss na kita. Naupo ako sa tapat ng mesa, may nakahanda na roong pagkain na malamang ay inihanda niya bago siya umalis. Kagabi pa lang, ramdam ko na aalis na siya, alam ko na iyon na ang huling gabi na magkakasama kami. Tanggap ko na, tanggap ko na wala ka na, pero ang sakit
"Bless me, Father, for I have sinned."Minsan, hindi natin inaasahan na sa gitna ng buhay, may darating na pagkakamali. Isang pagkakamali na hindi natin maitatangging magbubukas sa 'tin ng bagong kamalayan, sa bagong ikaw. Isang pagkakamali na parang ayaw mong itama. Isang pagkakamali na sana'y hindi na lang naging mali."Forgive me, Father," I whispered"Pinagsisisihan mo na ba ang nagawa mo?" he asked Masama ba akong tao kung sasabihin kong masaya ako saginawa ko? Na masaya ako sa nangyari? Masama ba akong tao kung sasabihin ko ang totoo na ginusto ko 'to?Am I a devil kung sasabihin kong ito ang pagkakamaling ni minsan ay hindi ko naisip at ninais na itama?
IBIZA TOWN, SPAIN2017It was a hot summer afternoon in Spain. I can still remember the beautiful seashore view from my hotel room balcony, the fine white sand of the area, and the fresh salty air that touched my skin. It was indeed relaxing! A boring day for some but a peaceful hour for someone who's totally stressed about the shitty games of the world, like me. I can still remember the sound of the guitars being played by locals selling fresh fruits on the road side.Naaalala ko pa kung paanong nagsimula ang lahat. Tahimik ang buong paligid, tanging paghampas lang ng alon at ang malayang paglalaro ng mga ibon sa himpapawid ang maririnig. Nakatayo ako noon sa balkonahe ng aking kuwarto habang pinapanood ang magandang tanawin na aminado akong
I woke up with this emptiness inside me. Alam n'yo 'yon, hindi naman malungkot, hindi rin masaya, parang wala lang. Parang mapapatanong na lang ako, nag-i-exist pa ba ako? Marahil, sanay na ako sa ganitong pakiramdam. Tila ba sinaksakan ka ng isang dosenang pain killer ng mundo para hindi mo maramdaman na masakit o ayos ka pa pala.Wala namang dahilan para malungkot. Wala naman yata. Tumayo ako sa pagkakahiga ko at nagtungo sa kusina paramagtimpla ng kape. Matapos nito ay naupo ako sa may balkonahe, pinapanood ang mga dumaraang barko sa hindi kalayuang dagat. Sa loob ng isang buwan, ganitong tanawin lagi ang pupukaw sa inaantok kong pagkatao."Pangatlong araw ko na rito sa Ibiza pero museum pa lang ang nararating ko. Partida, halos ilang minutong lakarin lang ito mula rito sa tinutulu
Kinabukasan, wala nang ibang tumakbo sa isip ko kundi ang ikinuwento sa akin ni Gael at ang mga nabasa ko sa diary ni Don Tucio. Doon, nagkakaroon na ako ng ideya kung anong libro ang puwede kong isulat. I want something realistic, something bold, and something new.Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at nagpunta sa paborito kong tambayan, ang puwesto sa tapat ng bintana kung saan tanaw ko ang malawak na dagat ng Ibiza.Biglang nag-vibrate ang phone ko.Unknown numbermessaged you,basa ko sa notification."Hi, Theo, this is Gael. I would like to invite you sa lunch mamaya rito sa bahay. May mga gusto rin akong ikuwento pa about kay Lola, baka makatulong sa libro mo."
His eyes, his body, and his voice . . . he's a total perfection.Sa loob ng dalawang linggo, naging mas malapit kami sa isa't isa. Lagi kaming magkausap, laging magkasama, at halos nalibot namin ang maraming lugar sa Spain. From Ibiza Town to Barcelona, at sa iba pang maaaring puntahan dito. Mahilig siyang humawak sa kamay ko. Noong una, parang nakakailang pero habang patagal nang patagal, mas nararamdaman ko na ligtas ako sa bawat oras na gagawin niya 'yon. Para akong natutulog na bituin sa gabi, na bigla na lang lumiwanag mula sa madilim na kalangitan.Is this still right? We're both guys, dreaming about having families of our own.It's my twenty-third day in Ibiza, mabilis na lumipas ang oras. Hindi ko na rin namala
Present Time, Philippines (2020)"Let's all welcome, the man behind the successful book 'Sex, Lies, and Art,' Timothy!""Kaya ko 'to. Kaya ko 'to. Kaya ko 'to!" paulit-ulit kong bulong sa sarili ko, habang naglalakad papunta sa stage.Naupo ako sa sofa at kumaway sa mga tao."Hi, hello po. I'm Timothy," pagbati ko sa mga manonood. "Kumusta, Timothy? How's life as the best-selling author?" "Okay naman po ako, and before anything else, gusto ko lang po munang mag-thank you sa mga sumusuporta sa 'kin, sa mga kaibigan ko, and sa mga patuloy pa rin na bumibili ng libro ko.""So tell us, what's with the book? Ano ba talaga ang laman nito? At totoo ba ang balita na
Bumuhos ang malakas na ulan, nagising na lang ako na wala siya. Alam ko na hahantong dito, naupo ako saglit sa kama bago tumayo para hanapin si Theo pero sa kahit saang sulok ng bahay, wala na ang bakas niya. He left . . . Theo's gone. Kasabay ng malakas na alon ng dagat, hindi nagpatinag ang lakas ng ulan sa kaniyang pagbagsak. Malayang dumampi ang butil ng tubig sa aking balat. Hindi na gaya ng dati, ramdam ko na ang lamig. Kagabi, yakap pa kita pero sa paggising ko, wala ka na. Mami-miss kita, miss na kita. Naupo ako sa tapat ng mesa, may nakahanda na roong pagkain na malamang ay inihanda niya bago siya umalis. Kagabi pa lang, ramdam ko na aalis na siya, alam ko na iyon na ang huling gabi na magkakasama kami. Tanggap ko na, tanggap ko na wala ka na, pero ang sakit
Ang matulog sa lilim ng buwan nang mag-isa at yakap ang sarili ay tila ba panibagong parusa. Aaminin ko, natatakot ako. Natatakot na baka bukas wala ka na, na baka bukas umalis ka o piliing buuin ang sarili mo nang hindi ako kasama. Natatakot ako na baka bukas, hindi na ako.Hanggang kailan ba ako gigising na ganito? Hanggang kailan ako gigising na malungkot? Hanggang kailan ako mangangamba na baka mawala ka sa 'kin?Pero ano ba'ng kasiguraduhan na hindi mo ako iiwan? Kahit naman maayos mo ang sarili mo, baka sa dulo ay hindi pa rin ako ang piliin mo.Mahal kita.Habang mag-isa akong nag-aalmusal ay lumabas siya ng kuwarto, blangko ang ekspr
Nagising ako na wala na sa tabi ko si Theo, malamang naliligo na 'yon gaya ng lagi niyang ginagawa sa umaga. Bumangon ako para sana magluto sa kusina pero napansin ko na nakapagluto na si Theo. Hinanap ko siya pero wala siya sa banyo. Natagpuan ko siya sa tabing-dagat, nakatayo sa dalampasigan at nakatitig sa kalmadong alon. Hindi siya kumikibo, nakatitig lang sa kawalan.Baka gusto na niyang bumalik ng Manila. Araw-araw, walang oras na hindi siya malungkot. Madali siyang mapangiti pero mas madali siyang malumbay. Baka gusto na niyang bumalik kay Max. Baka lang naman, baka pati sa 'kin, e, malungkot na rin siya.Nagtungo ako sa banyo para magsipilyo at maghilamos, tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Pinilit kong ngumiti, lumabas ako at lumapit sa tabi ni Theo. Nakatitig pa rin siya sa alon, tila ba hindi napansin ang pagdating ko.
Araw-araw, may mga kakaibang bagay akong napapansin mula kay Theo. Tuwing gabi, lagi siyang binabangungot, at tuwing umaga naman ay nakatulala lang siya habang nasa shower. Hinahayaan ko na lang dahil baka doon siya magiging ayos. Baka ang paghihintay na lang na maging maayos siya ang maaari kong maitulong sa kaniya at sa kaniyang paghilom.Napansin ko rin na madalas na siyang nagsusulat, naggagawa ng mga tula at tinutuloy ang kaniyang libro. Malimit na rin siyang kumukuha ng mga litrato gamit ang kaniyang camera. Minsan nga, nahuhuli ko siya na kinukuhanan ako ng mga larawan nang hindi namamalayan.Isang umaga, nagpatulong ako kay Manong Rex na aming caretaker ng bahay sa pag-aayos ng isa pang bangka na matagal na naming hindi nagagamit."Antagal na nito, ah, bakit 'di ninyo ginagamit
Mabagal ang paglipas ng gabi. Ilang mga butil ng luha ang kailangan kong ibuhos para mapawi ang sakit na nararamdaman ko. Umaga na nang lumabas ako ng kuwarto at nakitang natutulog si Max sa sofa. Lumapit ako at kinumutan siya bago binigyan ng halik."Babe? Lipat ka na sa kuwarto para makapagpahinga ka na nang maayos," sambit ko.Naalimpungatan siya at tumalikod sa akin.Ang hirap pala na kaaway mo siya, 'no? Na hindi mo alam kung paano ibabalik ang tiwala niya. Wala ka namang ginawang masama pero bakit ganito? Bumalik ba ang galit sa 'kin ng mundo?"Kapag tumawag si Kim, h'wag mong sasagutin.""Max, itatanong ko lang kung bakit mo kinansel? Hindi ka ba natutuwa? Pangarap mo 'yon, 'd
Naaalala mo ba kung kailan ka huling ngumiti? Naaalala mo ba kung kailan huling hindi ka nag-iisa sa gabi? Kung kailan naging matamis ang pumait mong panlasa? Naaalala mo ba kung kailan mo huling naramdaman na minahal ka? At kailan ka huling nakaramdam na masaya ka na pala?"Theo, ikaw na muna dito sa bahay, ah. Kailangan kong pumunta sa probinsiya, 'yon kasing supplier ko ng kape ay hindi makapunta at nagkaproblema raw. Baka gabihin ako, may ready-to-cook foods na sa ref, ikaw na lang ang bahala kapag nagutom ka. If you need anything, just call me.""Gael, can I come with you?""Seryoso ka ba?""Yeah, I mean kung okay lang naman. Pero kung makakaistorbo lang ako, you can leave me here, it's fine."
Mahirap pala ang nasanay kang nariyan siya, nariyan sa tabi mo sa oras na magigising ka. Mahirap pala na masyado kang nagmahal, mahirap na masyado mong ibinigay lahat. Wala namang nagsabi na ganito pala katanga ang magmahal. Ang alam ko lang, may masasaktan pero walang nagsabi na ganito kasakit.Ikalawang linggo na simula nang mawala siya. Gabi-gabi akong umiiyak, gabi-gabi ko siyang iniisip. Nangungulila ako sa pagmamahal niya, sa kaniya. Nakakabaliw, hindi ko na alam kung ano'ng gagawin at anong dapat isipin.Hindi na rin ako nakakakain nang tama, hindi na lumalabas ng bahay, at hindi na rin nakakatulog kaiisip kung nasaan na siya, kung ayos pa ba siya, o kung ano na ang nangyari sa kaniya.Umiiyak ang gabi, nakikidalamhati a
In just a blink of an eye, nagbago ang lahat. Those happy moments are now just memories, but I can't leave Max on his miserable days. He was once my sunshine, he was once my knight-in-shining armor, siguro'y it's time to pay him back the love he has given me.Umaga na, gaya ng dati, nagtungo ako sa kusina para ipagluto si Max ng agahan namin. Matapos magluto at maghanda ng pagkain ay bumalik ako sa kuwarto, niyapos siya, at ikinulong sa aking mga binti at saka tinadtad ng halik."Babe, gising na!"Naalimpungatan siya at ngumiti sa akin, "I love you." Nagbalik ang lahat, bumalik ang mga ngiti niya. Bumalik ang sigla, bumalik ang pagmamahal. Tumayo siya mula sa pagkakahiga niya, hinaplos ang mukha ko. Napansin kong nasa likod niya ang isa niyang kamay, tila may itinatago.
Mabagal ang paglipas ng gabi. Ilang mga butil ng luha ang kailangan kong ibuhos para mapawi ang sakit na nararamdaman ko. Umaga na nang lumabas ako ng kuwarto at nakitang natutulog si Max sa sofa. Lumapit ako at kinumutan siya bago binigyan ng halik. "Babe? Lipat ka na sa kuwarto para makapagpahinga ka na nang maayos," sambit ko. Naalimpungatan siya at tumalikod sa akin. Ang hirap pala na kaaway mo siya, 'no? Na hindi mo alam kung paano ibabalik ang tiwala niya. Wala ka namang ginawang masama pero bakit ganito? Bumalik ba ang galit sa 'kin ng mundo? "Kapag tumawag si Kim, h'wag mong sasagutin." "Max, itatanong ko lang kung bakit mo kinansel? Hindi ka ba natutuwa? Pangarap mo 'yo