Home / All / Love, Lust and Lies / IBIZA TOWN, SPAIN

Share

IBIZA TOWN, SPAIN

Author: LAbagarinao
last update Last Updated: 2021-05-03 12:22:56

IBIZA TOWN, SPAIN

2017

It was a hot summer afternoon in Spain. I can still remember the beautiful seashore view from my hotel room balcony, the fine white sand of the area, and the fresh salty air that touched my skin. It was indeed relaxing! A boring day for some but a peaceful hour for someone who's totally stressed about the shitty games of the world, like me. I can still remember the sound of the guitars being played by locals selling fresh fruits on the road side.

Naaalala ko pa kung paanong nagsimula ang lahat. Tahimik ang buong paligid, tanging paghampas lang ng alon at ang malayang paglalaro ng mga ibon sa himpapawid ang maririnig. Nakatayo ako noon sa balkonahe ng aking kuwarto habang pinapanood ang magandang tanawin na aminado akong minsan ko lang masilayan.

Payapa, masarap nga pala ang maging malaya.

Saglit akong nag-shower at nagbihis bago tuluyang nagtungo sa isang museum malapit sa aking tinutuluyan. Kaiba ang mga museyo rito sa Espanya, 'di gaya ng sa Pilipinas na amoy mo mula sa pagpasok pa lang ang kalumaan ng mga pinturang ginamit sa mga painting. Kaliwa't kanan, hindi mo mabibilang ang dami ng mga turistang naglilibot sa loob. Napukaw ang aking atensiyon sa isang painting na tila ba hindi gaanong pinapansin ng mga tao, isang pamilyar na imahe.

Hindi ko na namalayan na ilang minuto na pala akong nakatayo sa harap ng larawan na ipininta ni Don Tucio, isang sikat na pintor dito sa Spain. Hindi ko rin akalain na dito ko makikita ang sikat na larawang ito. Ilang ulit ko na ring nabasa sa mga magazine at libro ang pangalan ni Don Tucio.

"Is it great?" tanong ng isang estranghero.

Hindi ko siya hinarap, nakapako pa rin ang tingin ko sa larawan.

"Did you know that Don Tucio is gay?" pagpapatuloy niya na tila ba pinipilit agawin ang atensiyon ko.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Hindi ako nagpunta sa Spain para sumagap ng tsismis, ayaw kong makipagdiskusyon pero mukhang sinasagad niya ang pasensiya ko.

"Just because he painted this doesn't mean he's gay. There's always something behind everything. I just learned earlier that Don Tucio's inspiration for this painting was his body," I explained.

"He is gay . . ."

"This painting is literally a painting of a naked guy with an erected dick. He's laying down on the grass while it's raining. What's gay about it? All guys have dicks. It's normal," pagpapatuloy ko.

"Well . . ." Huminga siya nang malalim at natawa sa naging sagot ko bago umalis sa kinatatayuan niya.

Patuloy akong tumitig sa larawan, hanga rin naman ako sa galing ni Don Tucio. Hindi ako magaling sa pagpipinta ngunit masasabi kong ibinuhos niya ang lahat ng emosyon niya habang ginagawa ito.

Ilang minuto pa ay lumabas ako ng Museum at naglakad-lakad. Since this is my second day here in Ibiza, I want to discover and explore more by myself. Ayoko naman na masayang ang araw ko sa kaiisip at kapoproblema sa buhay.

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay naupo ako saglit sa isang bench kung saan tanaw mo ang malaking parte ng Ibiza. Nagsindi ako ng yosi at hinithit ito, ramdam ang init ng usok sa aking lalamunan . . . sabi nga nila, pantanggal ng stress. Malamang alam n'yo na kung anong klase akong tao, isang problemadong indibidwal at busy na empleyado mula sa mausok na lugar ng Maynila.

"Narating na rin kita, Spain," bulong ko sa sarili ko.

By the way, I'm Timothy Escañez. I'm a freelance photographer as sideline and a creative writer sa isang sikat na kompanya. So if you are wondering kung bakit ako nasa Spain, yes, tama ang nasa isip n'yo, dahil sa trabaho. I was sent here by my company para sa isang business meeting and I am their representative. At the same time, magandang opportunity na rin para makapag-relax at makakuha ng inspiration sa bago kong susulating libro.

My phone suddenly rang. Inilabas ko 'to mula sa aking bulsa at sinagot ang tawag.

"Hello, 'Ma."

"Iho, ano . . . natuloy ka ba? Nasaan ka na? Inaantay ka na namin dito? I cooked your favorite Adobo. Let me know kung nasa airport ka na para masundo ka na namin. Sobrang excited na ang mga kapatid mo na makita ka."

"'Ma, hindi ba sinabi kong hindi naman na ako matutuloy? 'Ma naman! Ayoko nga at saka, busy ako sa work ko. Mahirap bang intindihin na hindi ako pupunta sa Spain?"

"Ganoon ba, Anak? Sayang naman, excited pa naman ang Daddy Fred mo na makita ka na ulit. Pasensiya na ha, ang kulit ko. Gusto ko lang makasama ka ulit. Akala ko, matutuloy ka sa Spain, antagal ko lang inintay ang panahong ito. Matagal-tagal na rin kasi mula no'ng nagkausap tayo nang personal . . . matagal na panahon na rin mula no'ng mabuo tayo."

"Daddy Fred? Are you serious? Bye, may gagawin pa ako," sambit ko, sabay patay ko ng phone.

Mabuo? Simula nang tumuntong siya sa Spain, hindi ko na naranasan ang sinasabi niyang buo.

Hindi alam ni Mama na nasa Spain na rin ako, ayoko lang talagang makasama sila. Hindi naman sa galit ako sa kaniya pero

hindi ko matanggap na may iba na siyang asawa. Hindi ko lang matanggap si Fred.

Two years ago, my mom left my dad. Nagtatrabaho na si mama sa Spain noon. She went back to the Philippines hindi para mabuo muli kami pero para sabihin kay Papa na may iba na siyang pamilya sa Spain. It was really a downfall for my family, especially for my dad.

He waited ten years for her to come back. Akala namin, magiging masaya pa kami. Pinagsisihan ko ang gabi-gabi kong pagdarasal na umuwi si Mama, kasi . . . my dad took his life after knowing na may iba ng pamilya si Mama. Sana pala, hindi ko na lang hiniling na umuwi siya, e 'di sana, kasama ko pa si Papa ngayon.

My father was my savior. He's literally my best friend, taliwas sa iba na hindi kasundo ang kanilang mga ama. Kaya nagtatampo ako sa kaniya na iniwan niya akong mag-isa, iniwang mag-isa sa mundo na puno ng problema. Madaya ang mundo, pero mas madaya siya, madaya si Papa.

May dalawa akong kapatid, pareho na silang nandito sa Spain. Si Mama naman at si Fred ay may dalawa rin na anak. Simula nang sumama ang mga kapatid ko kay Mama, hindi ko na sila kinausap pa.

Alam mo 'yong pakiramdam na parang pinagtaksilan na rin nila si Papa. And I hate the fact na naging madali lang sa kanila ang lahat. Andali nilang napatawad ang babaeng naging dahilan kung bakit nawala sa akin ang taong hindi ako pinabayaan.

Anyway, enough with the flashbacks! I'm here in Spain para na rin makapag-relax, hindi para mas malungkot.

Tumayo na ako at pabalik na sana sa hotel nang mapansin ko ang isang maliit na Art Gallery. Walang ibang tumitingin kaya pumasok ako sa loob.

Sinalubong ako ng isang lalaki, he's wearing his white polo and loose pants. Mukhang mayaman, pormahang Niño Rico.

"Buenas tardes!" aniya. (Good Afternoon!)

Ngumiti lang ako sa kaniya at dumiretso sa pagpasok ko. Seeing these paintings on the wall made me feel like the world

stopped for a while for me. For the second time around, Ibiza made me fall in love with art. Hindi ko alam kung bakit pero naluha ako habang nakatitig sa mga ito. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang epekto sa 'kin ng mga larawan. Tila ba may halong lungkot ang bawat paghagod sa pintura.

Maraming larawan ang napansin ko pero bukod-tangi ang isa na nasa dulo. Makikita rito ang isang lalaki na nakaupo sa kama, hawak ang isang piraso ng rosas. Nakatitig din ito pabalik sa akin, pansin ang malungkot na mga mata at sinag ng araw na tumatama sa bandang katawan niya.

"¿Quieres comprarlo?" he asked. (Do you want to buy it?)

"Lo Siento. No," sagot ko. (I'm Sorry. No.)

Ngumiti lang siya sa akin at sinamahan akong tumayo sa tapat ng painting.

"English? Do you speak English?" nagbabaka-sakali kong tanong.

"Oh, yes. I'm Gael Alejandre, the owner of this shop. Of all these paintings, what made you stare at this one the whole time?"

"Oh hi, it looks so sad. Somehow, it made me feel like . . . the one who painted this might be one of the saddest persons here in Spain. I hope he's doing well," I sighed

"Wait, I think I've seen you before. Have we met?" tanong niya sa akin. Humarap ako sa kaniya at nag-isip kung nagkita na nga ba kami. Maaaring sa Maynila pero hindi ko siya natatandaan.

"Probably not yet. I'm just new here, a tourist. I'm from the Philippines."

"Pilipinas? Seriously? Bakit hindi ko agad naisip?" sagot niya.

"Pinoy ka?" nagtataka kong tanong sa kaniya matapos niyang magsalita ng Filipino nang dire-diretso.

"Not totally, my grandmother is from the Philippines also. And I have a lot of Filipino friends kaya marunong akong mag-Filipino. My mom is half-Pinoy, half-Italian, so yeah . . ."

"Seryoso ba? Sana, nag-Tagalog ka na lang kanina. Hindi ako makakibo, e, hindi gano'n kalalim ang alam ko sa Spanish. Spanish bread lang naman kasi ang sikat sa Pinas. Minsan nga, may amag pa." Sabay kaming natawa sa naging sagot ko.

"Pero teka, oo, 'yon nga! Tanda ko na, ikaw ba 'yong nasa museum kanina?"

"Yeah, nandoon ako kanina pero hindi kita napansin. Sa dami ng tao na nasa loob noon, talagang ako ang napansin mo?"

"No, hindi sa gano'n." Naglakad na siya pabalik sa counter at kapansin-pansin ang mga ngiti niya.

"Who painted these?" tanong ko habang binabaybay ang mga larawan sa dingding.

"Grandson of Don Tucio, the famous painter here in Spain." "Seryoso? E 'di, ang mahal ng bawat isa nito?"

"Hindi naman, nasa fifty to eighty thousand in Philippine peso. But the one na tinititigan mo kanina is about a hundred thousand pesos."

"Oh, I see." Napatingin ako sa relo ko. "Oh wait, I have to go now. May pupuntahan pa kasi ako, e. Adiós!" pagpapaalam ko.

"Wait! You've said na you're just new here, right? If you need a tour guide, I am also a tour guide. You can call me anytime." Inabot niya sa 'kin ang calling card niya.

"Yeah, sure. Thank you, Garel?" I smiled.

"It's Gael. Ga-el."

"Ah, Gael, nice name."

Related chapters

  • Love, Lust and Lies   LA PINCELADA

    I woke up with this emptiness inside me. Alam n'yo 'yon, hindi naman malungkot, hindi rin masaya, parang wala lang. Parang mapapatanong na lang ako, nag-i-exist pa ba ako? Marahil, sanay na ako sa ganitong pakiramdam. Tila ba sinaksakan ka ng isang dosenang pain killer ng mundo para hindi mo maramdaman na masakit o ayos ka pa pala.Wala namang dahilan para malungkot. Wala naman yata. Tumayo ako sa pagkakahiga ko at nagtungo sa kusina paramagtimpla ng kape. Matapos nito ay naupo ako sa may balkonahe, pinapanood ang mga dumaraang barko sa hindi kalayuang dagat. Sa loob ng isang buwan, ganitong tanawin lagi ang pupukaw sa inaantok kong pagkatao."Pangatlong araw ko na rito sa Ibiza pero museum pa lang ang nararating ko. Partida, halos ilang minutong lakarin lang ito mula rito sa tinutulu

    Last Updated : 2021-05-03
  • Love, Lust and Lies   SWEAT, PAINT, AND ORAL

    Kinabukasan, wala nang ibang tumakbo sa isip ko kundi ang ikinuwento sa akin ni Gael at ang mga nabasa ko sa diary ni Don Tucio. Doon, nagkakaroon na ako ng ideya kung anong libro ang puwede kong isulat. I want something realistic, something bold, and something new.Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at nagpunta sa paborito kong tambayan, ang puwesto sa tapat ng bintana kung saan tanaw ko ang malawak na dagat ng Ibiza.Biglang nag-vibrate ang phone ko.Unknown numbermessaged you,basa ko sa notification."Hi, Theo, this is Gael. I would like to invite you sa lunch mamaya rito sa bahay. May mga gusto rin akong ikuwento pa about kay Lola, baka makatulong sa libro mo."

    Last Updated : 2021-05-03
  • Love, Lust and Lies   BLOOM

    His eyes, his body, and his voice . . . he's a total perfection.Sa loob ng dalawang linggo, naging mas malapit kami sa isa't isa. Lagi kaming magkausap, laging magkasama, at halos nalibot namin ang maraming lugar sa Spain. From Ibiza Town to Barcelona, at sa iba pang maaaring puntahan dito. Mahilig siyang humawak sa kamay ko. Noong una, parang nakakailang pero habang patagal nang patagal, mas nararamdaman ko na ligtas ako sa bawat oras na gagawin niya 'yon. Para akong natutulog na bituin sa gabi, na bigla na lang lumiwanag mula sa madilim na kalangitan.Is this still right? We're both guys, dreaming about having families of our own.It's my twenty-third day in Ibiza, mabilis na lumipas ang oras. Hindi ko na rin namala

    Last Updated : 2021-05-07
  • Love, Lust and Lies   AFFECTION

    Present Time, Philippines (2020)"Let's all welcome, the man behind the successful book 'Sex, Lies, and Art,' Timothy!""Kaya ko 'to. Kaya ko 'to. Kaya ko 'to!" paulit-ulit kong bulong sa sarili ko, habang naglalakad papunta sa stage.Naupo ako sa sofa at kumaway sa mga tao."Hi, hello po. I'm Timothy," pagbati ko sa mga manonood. "Kumusta, Timothy? How's life as the best-selling author?" "Okay naman po ako, and before anything else, gusto ko lang po munang mag-thank you sa mga sumusuporta sa 'kin, sa mga kaibigan ko, and sa mga patuloy pa rin na bumibili ng libro ko.""So tell us, what's with the book? Ano ba talaga ang laman nito? At totoo ba ang balita na

    Last Updated : 2021-05-10
  • Love, Lust and Lies   PURE LOVE

    Nakahiga siya sa bathtub na puno ng tubig nang pumasok ako sa banyo. He smiled at me."Gising ka na pala," sambit ni Max."What do you want for breakfast?"Ngumiti lang siya sa 'kin. Hinubad ko ang suot kong bath robe. Tumambad sa kaniya ang hubad kong katawan.Dumantay ako sa dibdib niya habang nakalubog ang mga katawan namin sa tubig. Nagsimula siyang halikan ako, alam na alam niya kung paano ako simulan at kung nasaan ang kiliti ko. Ramdam ko rin ang init ng hininga niya at malakas na kabog ng kaniyang dibdib.Gumapang ang mga daliri niya mula sa aking dibdib, pababa sa aking pusod habang nilalaro ng isa niyang kamay ang aking mga labi. Ipinasok niya ang isa niyang daliri sa aking

    Last Updated : 2021-05-26
  • Love, Lust and Lies   SPECTRUM

    Naaalala ko pa kung paano kami nagkakilala ni Max noon, mga panahong hindi pa rin ako out as bisexual. He's cute, hindi naman maikakaila na may itsura siya at sa tuwing magsasalita siya ay tila ba huhukayin niya ang tenga at matres mo dahil sa lalim ng boses niya.Way back two thousand and eighteen, I'd joined this hiking group para makalimot sa problema at makatakas sa nakakabaliw kong trabaho. That time, unti-unti na akong dinudurog ng trabaho ko, dagdag pa ang mga pait ng nakaraan. Nilalamon ako ng katanungang, "Madali ba akong iwan?". My dad, my mom, ang mga kapatid ko, and that guy from Spain. I guess, I'll be alone forever."Hi!""Hi," sagot ko."Bakit mag-isa ka? I mean, we're almost twenty hikers here pero bakit wala kang budd

    Last Updated : 2021-05-28
  • Love, Lust and Lies   FADED

    Dumating na ang araw ng exhibit, ngayon ko lang napansin na ayos din naman nga pala ang mga kuha ko. Mga larawan na tumatalakay sa personal na buhay ng mga LGBTQIA+ members, mga litrato na tungkol sa human rights, at mga editorial shots.Everything's perfect, napakaperpekto ng gabing 'to lalo na sana kung narito si Max. Mabilis na dumami ang tao sa venue, ilang oras pa lang mula nang magbukas kami ay tila ba hindi ko na alam kung paano kakausapin ang mga bisita sa dami nila.Habang nag-aasikaso ako ng mga bisita, biglang lumapit sa 'kin si Mace."Hoy, bes! I saw all of the photographs, magaganda. Hindi na talaga ako mag-iiba ng photographer para sa prenup ko. Sobrang excited na ako. Alam mo, gusto kong iregalo 'yong isang picture sa mother-in-law ko. 'Yong picture ng batang babae na na

    Last Updated : 2021-05-30
  • Love, Lust and Lies   SHIFT

    Mabagal ang paglipas ng gabi. Ilang mga butil ng luha ang kailangan kong ibuhos para mapawi ang sakit na nararamdaman ko. Umaga na nang lumabas ako ng kuwarto at nakitang natutulog si Max sa sofa. Lumapit ako at kinumutan siya bago binigyan ng halik. "Babe? Lipat ka na sa kuwarto para makapagpahinga ka na nang maayos," sambit ko. Naalimpungatan siya at tumalikod sa akin. Ang hirap pala na kaaway mo siya, 'no? Na hindi mo alam kung paano ibabalik ang tiwala niya. Wala ka namang ginawang masama pero bakit ganito? Bumalik ba ang galit sa 'kin ng mundo? "Kapag tumawag si Kim, h'wag mong sasagutin." "Max, itatanong ko lang kung bakit mo kinansel? Hindi ka ba natutuwa? Pangarap mo 'yo

    Last Updated : 2021-05-31

Latest chapter

  • Love, Lust and Lies   CONFESSION OF A SINNER

    Bumuhos ang malakas na ulan, nagising na lang ako na wala siya. Alam ko na hahantong dito, naupo ako saglit sa kama bago tumayo para hanapin si Theo pero sa kahit saang sulok ng bahay, wala na ang bakas niya. He left . . . Theo's gone. Kasabay ng malakas na alon ng dagat, hindi nagpatinag ang lakas ng ulan sa kaniyang pagbagsak. Malayang dumampi ang butil ng tubig sa aking balat. Hindi na gaya ng dati, ramdam ko na ang lamig. Kagabi, yakap pa kita pero sa paggising ko, wala ka na. Mami-miss kita, miss na kita. Naupo ako sa tapat ng mesa, may nakahanda na roong pagkain na malamang ay inihanda niya bago siya umalis. Kagabi pa lang, ramdam ko na aalis na siya, alam ko na iyon na ang huling gabi na magkakasama kami. Tanggap ko na, tanggap ko na wala ka na, pero ang sakit

  • Love, Lust and Lies   MISERY

    Ang matulog sa lilim ng buwan nang mag-isa at yakap ang sarili ay tila ba panibagong parusa. Aaminin ko, natatakot ako. Natatakot na baka bukas wala ka na, na baka bukas umalis ka o piliing buuin ang sarili mo nang hindi ako kasama. Natatakot ako na baka bukas, hindi na ako.Hanggang kailan ba ako gigising na ganito? Hanggang kailan ako gigising na malungkot? Hanggang kailan ako mangangamba na baka mawala ka sa 'kin?Pero ano ba'ng kasiguraduhan na hindi mo ako iiwan? Kahit naman maayos mo ang sarili mo, baka sa dulo ay hindi pa rin ako ang piliin mo.Mahal kita.Habang mag-isa akong nag-aalmusal ay lumabas siya ng kuwarto, blangko ang ekspr

  • Love, Lust and Lies   FAKE SMILE

    Nagising ako na wala na sa tabi ko si Theo, malamang naliligo na 'yon gaya ng lagi niyang ginagawa sa umaga. Bumangon ako para sana magluto sa kusina pero napansin ko na nakapagluto na si Theo. Hinanap ko siya pero wala siya sa banyo. Natagpuan ko siya sa tabing-dagat, nakatayo sa dalampasigan at nakatitig sa kalmadong alon. Hindi siya kumikibo, nakatitig lang sa kawalan.Baka gusto na niyang bumalik ng Manila. Araw-araw, walang oras na hindi siya malungkot. Madali siyang mapangiti pero mas madali siyang malumbay. Baka gusto na niyang bumalik kay Max. Baka lang naman, baka pati sa 'kin, e, malungkot na rin siya.Nagtungo ako sa banyo para magsipilyo at maghilamos, tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Pinilit kong ngumiti, lumabas ako at lumapit sa tabi ni Theo. Nakatitig pa rin siya sa alon, tila ba hindi napansin ang pagdating ko.

  • Love, Lust and Lies   THOUGHTS AND LIQUOR

    Araw-araw, may mga kakaibang bagay akong napapansin mula kay Theo. Tuwing gabi, lagi siyang binabangungot, at tuwing umaga naman ay nakatulala lang siya habang nasa shower. Hinahayaan ko na lang dahil baka doon siya magiging ayos. Baka ang paghihintay na lang na maging maayos siya ang maaari kong maitulong sa kaniya at sa kaniyang paghilom.Napansin ko rin na madalas na siyang nagsusulat, naggagawa ng mga tula at tinutuloy ang kaniyang libro. Malimit na rin siyang kumukuha ng mga litrato gamit ang kaniyang camera. Minsan nga, nahuhuli ko siya na kinukuhanan ako ng mga larawan nang hindi namamalayan.Isang umaga, nagpatulong ako kay Manong Rex na aming caretaker ng bahay sa pag-aayos ng isa pang bangka na matagal na naming hindi nagagamit."Antagal na nito, ah, bakit 'di ninyo ginagamit

  • Love, Lust and Lies   DEAR THEO

    Mabagal ang paglipas ng gabi. Ilang mga butil ng luha ang kailangan kong ibuhos para mapawi ang sakit na nararamdaman ko. Umaga na nang lumabas ako ng kuwarto at nakitang natutulog si Max sa sofa. Lumapit ako at kinumutan siya bago binigyan ng halik."Babe? Lipat ka na sa kuwarto para makapagpahinga ka na nang maayos," sambit ko.Naalimpungatan siya at tumalikod sa akin.Ang hirap pala na kaaway mo siya, 'no? Na hindi mo alam kung paano ibabalik ang tiwala niya. Wala ka namang ginawang masama pero bakit ganito? Bumalik ba ang galit sa 'kin ng mundo?"Kapag tumawag si Kim, h'wag mong sasagutin.""Max, itatanong ko lang kung bakit mo kinansel? Hindi ka ba natutuwa? Pangarap mo 'yon, 'd

  • Love, Lust and Lies   FALLS

    Naaalala mo ba kung kailan ka huling ngumiti? Naaalala mo ba kung kailan huling hindi ka nag-iisa sa gabi? Kung kailan naging matamis ang pumait mong panlasa? Naaalala mo ba kung kailan mo huling naramdaman na minahal ka? At kailan ka huling nakaramdam na masaya ka na pala?"Theo, ikaw na muna dito sa bahay, ah. Kailangan kong pumunta sa probinsiya, 'yon kasing supplier ko ng kape ay hindi makapunta at nagkaproblema raw. Baka gabihin ako, may ready-to-cook foods na sa ref, ikaw na lang ang bahala kapag nagutom ka. If you need anything, just call me.""Gael, can I come with you?""Seryoso ka ba?""Yeah, I mean kung okay lang naman. Pero kung makakaistorbo lang ako, you can leave me here, it's fine."

  • Love, Lust and Lies   HARD ON

    Mahirap pala ang nasanay kang nariyan siya, nariyan sa tabi mo sa oras na magigising ka. Mahirap pala na masyado kang nagmahal, mahirap na masyado mong ibinigay lahat. Wala namang nagsabi na ganito pala katanga ang magmahal. Ang alam ko lang, may masasaktan pero walang nagsabi na ganito kasakit.Ikalawang linggo na simula nang mawala siya. Gabi-gabi akong umiiyak, gabi-gabi ko siyang iniisip. Nangungulila ako sa pagmamahal niya, sa kaniya. Nakakabaliw, hindi ko na alam kung ano'ng gagawin at anong dapat isipin.Hindi na rin ako nakakakain nang tama, hindi na lumalabas ng bahay, at hindi na rin nakakatulog kaiisip kung nasaan na siya, kung ayos pa ba siya, o kung ano na ang nangyari sa kaniya.Umiiyak ang gabi, nakikidalamhati a

  • Love, Lust and Lies   MOON CRIES

    In just a blink of an eye, nagbago ang lahat. Those happy moments are now just memories, but I can't leave Max on his miserable days. He was once my sunshine, he was once my knight-in-shining armor, siguro'y it's time to pay him back the love he has given me.Umaga na, gaya ng dati, nagtungo ako sa kusina para ipagluto si Max ng agahan namin. Matapos magluto at maghanda ng pagkain ay bumalik ako sa kuwarto, niyapos siya, at ikinulong sa aking mga binti at saka tinadtad ng halik."Babe, gising na!"Naalimpungatan siya at ngumiti sa akin, "I love you." Nagbalik ang lahat, bumalik ang mga ngiti niya. Bumalik ang sigla, bumalik ang pagmamahal. Tumayo siya mula sa pagkakahiga niya, hinaplos ang mukha ko. Napansin kong nasa likod niya ang isa niyang kamay, tila may itinatago.

  • Love, Lust and Lies   SHIFT

    Mabagal ang paglipas ng gabi. Ilang mga butil ng luha ang kailangan kong ibuhos para mapawi ang sakit na nararamdaman ko. Umaga na nang lumabas ako ng kuwarto at nakitang natutulog si Max sa sofa. Lumapit ako at kinumutan siya bago binigyan ng halik. "Babe? Lipat ka na sa kuwarto para makapagpahinga ka na nang maayos," sambit ko. Naalimpungatan siya at tumalikod sa akin. Ang hirap pala na kaaway mo siya, 'no? Na hindi mo alam kung paano ibabalik ang tiwala niya. Wala ka namang ginawang masama pero bakit ganito? Bumalik ba ang galit sa 'kin ng mundo? "Kapag tumawag si Kim, h'wag mong sasagutin." "Max, itatanong ko lang kung bakit mo kinansel? Hindi ka ba natutuwa? Pangarap mo 'yo

DMCA.com Protection Status