Home / All / Love, Lust and Lies / LA PINCELADA

Share

LA PINCELADA

Author: LAbagarinao
last update Last Updated: 2021-05-03 12:26:22

I woke up with this emptiness inside me. Alam n'yo 'yon, hindi naman malungkot, hindi rin masaya, parang wala lang. Parang mapapatanong na lang ako, nag-i-exist pa ba ako? Marahil, sanay na ako sa ganitong pakiramdam. Tila ba sinaksakan ka ng isang dosenang pain killer ng mundo para hindi mo maramdaman na masakit o ayos ka pa pala.

Wala namang dahilan para malungkot. Wala naman yata. Tumayo ako sa pagkakahiga ko at nagtungo sa kusina para

magtimpla ng kape. Matapos nito ay naupo ako sa may balkonahe, pinapanood ang mga dumaraang barko sa hindi kalayuang dagat. Sa loob ng isang buwan, ganitong tanawin lagi ang pupukaw sa inaantok kong pagkatao.

"Pangatlong araw ko na rito sa Ibiza pero museum pa lang ang nararating ko. Partida, halos ilang minutong lakarin lang ito mula rito sa tinutuluyan ko. Paano ba ako makakahanap ng inspirasyon sa susulatin kong libro kung hindi ako lumalabas?" Napalingon ako sa calling card na binigay sa 'kin ni Gael kahapon.

*****

"Hello, Gael? It's me, 'yong sa gallery last day."

"Oh yeah, I still remember you. Napatawag ka? Are you going to buy the painting na ba?"

"Baliw? Saan ako kukuha ng one hundred thousand? Ano'ng gusto mo, ibenta ko muna ang sarili ko? Hindi 'yon ang itinawag ko, I'm just wondering if you have some free time, maybe later?"

"Yeah, I'm still thinking if I'm gonna open the shop or not. Napasobra ang inom kagabi kaya parang lutang ako ngayon. Why?" "Hindi ba't tour guide ka? Bayaran na lang kita, just help me."

"Let me think. Yeah sure, punta ka na lang sa shop. I'll wait you there."

Wow, ang bilis mag-decide, madaling kausap. Sa lahat ng taong puwedeng magkaroon ng ganiyang katangian, bakit ikaw pa? Bakit hindi na lang ang boss kong walang ibang alam gawin kung hindi ang i-pressure ang mga empleyado niya.

*****

Matapos makausap si Gael, nag-shower na agad ako at nagbihis. "Don't ruin your day, Theo. Hindi dapat sirain ang araw sa

kaiisip," bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa gallery ni Gael.

My friends call me Theo. Noong una nakakailang pero nakasanayan ko na rin.

"So, where do you wanna go?" tanong ni Gael habang ikinakandado ang kaniyang shop.

"Bring me here," sambit ko, sabay abot ng papel sa kaniya. "Oh, okay. Medyo malayo 'to from here, maybe twenty minutes or more. Minsan kalahating oras pa, e."

"I don't care. Just bring me there. I'll pay you," sagot ko sa kaniya, sabay hithit sa sigarilyong hawak ko.

"Okay, Sir."

Habang sakay ng bus, pansin ko ang pagkatahimik ni Gael.

He's just looking out the window, walang emosyon.

"Ayos ka lang?" I asked him.

"Yeah, matanong ko lang, ano ba'ng gagawin natin sa Sant Joan de Labritja? Sa dami ng puwedeng puntahan, like Barcelona, do'n mo pa napili? What's with Sant Joan?"

"I'm a writer, kailangan ko ng inspirations para sa isusulat ko. Kasi hanggang ngayon, wala akong maisip. Baka maubos lang ang oras ko sa hotel kaiisip at mabaliw lang ako. I need to explore and search for something new, something unique, or kahit anong something, basta may sense."

"Oh, matanong ko lang ulit. Naniniwala ka na bang Don Tucio is gay?" Napatingin ako sa kaniya, parang kilala ko na nga rin siya.

Ah, oo, he's the guy who talked to me yesterday at the museum.

"Teka, ikaw ba 'yong sa museum? The one who told me na bading si Don Tucio? Are you even serious? Nababaliw ka na ba? Sisiraan mo 'yong pintor sa tapat ng painting niya?" Natawa ako sa kalokohan niya.

"Well, nakita lang kita na nakatayo sa tapat ng painting niya. And napansin ko na ikaw 'yong pinakamatagal na tumitig do'n, so dahil mukhang interesado ka, nagbigay ako ng fact."

"Alam mo bang puwede kitang pakasuhan?" biro ko.

"Your interpretation about his painting's totally wrong. It's not about loving yourself, not loving himself. It's something more, something deep."

"Proof?"

"Willing to change your route?" he asked.

"Bakit? Saan tayo pupunta?"

"I'm gonna show you the proofs."

"Seryoso ka? Like, anong proof na bading ang isang tao? And also, he's already dead, so what's the point?"

"I thought you are looking for new ideas. Don't worry, safe 'to and I promise that this is not gonna be a waste of time." Tumayo siya at lumapit sa driver.

Pinilit ni Gael na pababain kami mula sa bus pero hindi pumayag ang driver dahil kailangang sa sunod na istasyon pa ang baba ng lahat ng pasahero.

"Please, por favor, Señor, drop us here. We left our bags in Ibiza town," pagdadahilan ni Gael.

"No, Sir, we can only drop you on the next station," paliwanag ng driver.

"Drop us here, please! Por favor! Please," sigaw ni Gael.

"Go back to your seat, Señor. We do not entertain shits here."

"I'm dying!" sigaw ko habang nagkukunwaring masakit ang tiyan. "My tiyan! My stomach! My ano!"

Nabigla si Gael, napatingin sa 'kin. Kinindatan ko siya na senyales na sumakay sa palabas ko.

"See, he's dying! Stop the bus! His medicines are inside our bag, but the bag was left in Ibiza town." Huminto ang sasakyan at galit na binuksan ng driver ang pintuan.

Agad hinawakan ni Gael ang kamay ko at hinila ako palabas ng bus at saka kami nagtatakbo palayo.

"Hijo de puta!" sigaw ng driver sa aming dalawa.

Nang makalayo ay nahinto kami sa isang tindahan, pumasok siya saglit at lumabas na may dalang bote ng tubig.

"Napagod ka ba?" tanong niya.

"Shit, Gael! Mapapahamak tayo sa kalokohan mo, puwede namang bumaba tayo sa tamang babaan bago tayo sumakay ulit pabalik," sagot ko habang hinihingal pa rin sa pagtakbo namin.

"Inom ka muna." Iniabot niya sa akin ang bote ng tubig na kaniyang binili.

Nagkatinginan na lang kami at natawa sa nangyari. Seryoso ba? Siraulo talaga yata ang lalaking 'to. Matapos makapahinga ay tumawag siya ng taxi.

"Señorito Gael?" sambit ng driver.

"Julio, my friend! Please bring us home."

Doon na nagsimula ang pagbabago ko ng ruta, hindi ko rin akalain na sa oras na 'yon din magbabago ang ihip ng hangin. Ibinaba kami ng driver sa tapat ng gate ng isang malaking bahay.

"Hoy! Puwede rito? Sure ka? Baka mabaril tayo, trespassing."

Binuksan ni Gael ang pinto ng sasakyan at nauna siyang bumaba. Hinawakan niya ang pinto at ngumiti sa akin.

"Come on."

Pagbaba ko ng sasakyan, doon ko lang napagmasdan ang pagkakagawa ng bahay. Sobrang laki nito, tila ba nagmukhang luma dahil sa disenyo pero halatang alaga ang bawat detalye mula sa labas.

"This house was built in nineteen-fifties pa yata, something like that. And it was owned by your beloved, Don Tucio."

"Seryoso? Bahay niya 'to?" I'm in total shock, hindi ako makapaniwalang nasa tapat na ako ng bahay ng isang sikat na pintor.

"Take a deep breath, handa ka na bang malaman ang mga katotohanan?" Binuksan niya ang gate.

"Hoy, Gael. H'wag na. Baka may sundalo sa loob na nagbabantay, ayoko pang mamatay."

"Ako'ng bahala sa 'yo."

"Seryoso nga, Gael, ayoko. Nakakatakot, baka kasi makasuhan pa tayo ng trespassing," paliwanag ko.

Maya-maya pa ay may biglang sumigaw mula sa loob ng gate.

"Buenas tardes, Señor Gael!" bati ng isang babae. (Good afternoon, Señorito Gael.)

"Hola, Dina! Prepare us some foods. We'll be there later. Muchas gracias!" (Hello, Dina! Prepare us some foods. We'll be there later. Thank you very much!)

Señor Gael? Malaking bahay? Señor Gael? Teka, ayaw magsink-in sa utak ko. Dalawang bagay lang 'to, senior citizen na 'tong si Gael, o siya ang nakatira dito? Malabo 'yong senior citizen siya, edited ba ang taong kasama ko ngayon? Hindi, baliw na ako. Kailan pa na-edit ang tao? Baka dito posible, nasa Spain ka, Theo! Everything is possible, sa Pilipinas lang uso ang Camera 360 at Picsart. Baka dito sa Spain, tao na mismo ang ineedit nila, teka . . . nababaliw na ako.

"Hoy?"

Nagising ako mula sa pagkakatulala ko.

"Gael? Sa 'yo 'to?" Tanong ko.

Ngumiti lang siya sa 'kin at binuksan ang pinto.

"Tara na sa loob?"

*****

Dinala ako ni Gael sa isang kuwarto, mukhang silid na nilaan talaga para sa pagpipinta. Doon nakalagay ang mga canvas at paintings na tila ba ilang taon nang nakatago. Maalikabok ang loob ng silid at halatang hindi sadyang binibisita ng mga tao.

"These are his paintings. As you can see, puro lalaki ang nakapinta sa mga canvas niya. Hindi pa ba halata kung ano siya?"

"Maybe he's just amazed by male anatomy? Or maybe, insecurities niya 'yan kaya ipinipinta niya."

Marahan kong nilibot ang silid at tiningnan ang bawat painting. Nakakapagtaka nga na puro lalaki, hubad na lalaki, at mga naghahalikang mga lalaki ang nasa larawan.

"No, he's not gay. Look!" Itinuro ko ang isang painting ng babae, nag-iisa ang larawan ng babaeng iyon sa silid.

"That's Doña Georgia, the wife of Don Tucio. My grandparents."

Akala ko tapos na sa surprises ang araw kong 'to, kung gaano ako kabagot kahapon ay ngayon naman ako pinaulanan ng mga ganap. Apo ni Don Tucio si Gael? Teka, teka! Tatlong araw pa lang ako rito, pero bakit pang-climax na sa pelikula ang mga ganap? Akala ko, tour guide lang siya kaya maraming alam sa history at tsismis. Hindi ko naman akalain na apo siya ng pintor at totoong dito siya nakatira.

"Tama na ang joke, Gael."

"Alam mo ba kung bakit sumikat ang After the Rain painting ni Lolo? The one you saw yesterday at the museum, it's because of its history. Mahal na mahal ni Lola si Lolo. They were both on their seventies, may sakit si Lolo noon. He's dying, every day he's getting weaker and weaker, and you know what? He asked my lola to get his canvas and brushes."

Naupo ako sa kama habang nakikinig sa kuwento ni Gael.

"Noong una, akala nila ay ipipinta niya si Lola pero mali. He painted this guy with erected dick, baliw na nga yata si Lolo. Akala ng lahat, siya 'yong ipininta niya, hindi nila alam na it was his first love. Walang nakakaalam noon, maliban kay Lola. From the very first stroke of his paintbrush on the canvas, he made my Lola realize na hindi siya ang ipipinta niya. It was Dylan, a French soldier na nakilala ni Lolo noong nasa twenties pa siya. Nagkaroon sila ng affair, but Dylan died after a war. Doon nakilala ni Lolo si Lola, nagkaroon sila ng relasyon, nagpakasal. Iyon na yata ang

pinakamalaking kasalanan ni Lolo sa buhay, ang magmahal muli kahit hindi pa niya nakakalimutan si Dylan. He's in love, crazy in love with that French soldier, and the day Dylan died, he also buried his gay identity."

Hindi ko alam ang isasagot sa mga ikinuwento ni Gael. "So after my Lolo painted Dylan, he died na rin. My lola kept the painting. Akala ng lahat, si Lolo ang nasa larawan. It was a lie, at hanggang ngayon, itinatago ng pamilya namin ang katotohanan dahil alam nilang baka makasira ito sa pangalan namin. Isang araw, ipinalipat ni Lola ang libingan ni Lolo, sa lugar kung saan inilibing si Dylan. The next day, my lola died. And that painting na tinutukoy mo kanina, ang portrait ni Lola na nag-iisang babae sa silid na 'to ay mismong painting ko. Ako ang nagpinta and not my lolo."

"Uy, panyo?" Inabutan niya ako ng panyo.

"I'm okay, don't worry. Mahal talaga ni Doña Georgia ang asawa niya." Hindi ko mapigilan ang mapaluha habang nakikinig sa mga kuwento niya.

"Alam ni Lola na never siyang naging first sa buhay ni Lolo, alam niyang bago siya pumasok sa buhay ni Lolo ay pangalawa na lang siya. Someone already took the first place in my Lolo's heart. Martir si Lola, tinalo pa niya si Dylan na isang sundalo sa sobrang dakila niya. The saddest part? Nandiyan siya ng mga panahong malungkot, may sakit, sa hirap, at ginhawa, pero sa dulo, hindi siya ang huling inisip ni Lolo." Inilabas ni Gael ang isang notebook mula sa cabinet, ihinipan ang alikabok na bumabalot dito at iniabot sa akin.

"What's this?" Nagtataka ako sa iniabot niya.

"That's my Lolo's diary, it was kept by my Lola. Nakalagay d'yan kung paanong nahulog ang loob ni Lolo kay Dylan at kung paano sila naging masaya sa mga araw na magkasama sila. Araw-araw hiniling ni lola na sana siya na lang ang tauhang nasa diary, but masyado siyang martir para tanggapin na she's just fantasizing.

Masyado siyang naniwala sa pag-ibig. Baka hindi ka pa rin naniniwala na bading si Lolo, that's the proof na hinahanap mo."

"But why are you telling me this?" I asked.

"Alam mo ba kung gaano kalungkot ang mamatay na hindi alam ng mundo kung sino at ano ka talaga? There's a missing page on that diary, it's not really missing kasi ako ang pumunit. Doon nakasulat ang huling hiling ni Lolo, ang maging malaya."

Hindi ko na napansin ang oras dahil sa pagkukuwento ni Gael. Inaya niya akong kumain ng inihanda ng mga kasambahay niya. Tahimik pa rin ako habang kumakain, iniisip ang kuwento ni Don Tucio. I'm still in shock, hindi ko alam kung paano tatanggalin ang lungkot sa isip ko.

Mabilis na tumakbo ang oras, mabilis ang pagsulpot ng buwan. Tanaw mula sa kalangitan ang mga bituwin, mula sa bintana ng sasakyan ni Gael. Ramdam ko ang pagpasok ng malamig na hangin at ang pagdampi nito sa katawan ko. Inihatid niya ako sa tapat ng aking tinutuluyang hotel.

"I'm Timothy, but you can call me Theo." Ngumiti ako sa kaniya bago tuluyang lumabas ng kotse at pumasok sa hotel.

Related chapters

  • Love, Lust and Lies   SWEAT, PAINT, AND ORAL

    Kinabukasan, wala nang ibang tumakbo sa isip ko kundi ang ikinuwento sa akin ni Gael at ang mga nabasa ko sa diary ni Don Tucio. Doon, nagkakaroon na ako ng ideya kung anong libro ang puwede kong isulat. I want something realistic, something bold, and something new.Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at nagpunta sa paborito kong tambayan, ang puwesto sa tapat ng bintana kung saan tanaw ko ang malawak na dagat ng Ibiza.Biglang nag-vibrate ang phone ko.Unknown numbermessaged you,basa ko sa notification."Hi, Theo, this is Gael. I would like to invite you sa lunch mamaya rito sa bahay. May mga gusto rin akong ikuwento pa about kay Lola, baka makatulong sa libro mo."

    Last Updated : 2021-05-03
  • Love, Lust and Lies   BLOOM

    His eyes, his body, and his voice . . . he's a total perfection.Sa loob ng dalawang linggo, naging mas malapit kami sa isa't isa. Lagi kaming magkausap, laging magkasama, at halos nalibot namin ang maraming lugar sa Spain. From Ibiza Town to Barcelona, at sa iba pang maaaring puntahan dito. Mahilig siyang humawak sa kamay ko. Noong una, parang nakakailang pero habang patagal nang patagal, mas nararamdaman ko na ligtas ako sa bawat oras na gagawin niya 'yon. Para akong natutulog na bituin sa gabi, na bigla na lang lumiwanag mula sa madilim na kalangitan.Is this still right? We're both guys, dreaming about having families of our own.It's my twenty-third day in Ibiza, mabilis na lumipas ang oras. Hindi ko na rin namala

    Last Updated : 2021-05-07
  • Love, Lust and Lies   AFFECTION

    Present Time, Philippines (2020)"Let's all welcome, the man behind the successful book 'Sex, Lies, and Art,' Timothy!""Kaya ko 'to. Kaya ko 'to. Kaya ko 'to!" paulit-ulit kong bulong sa sarili ko, habang naglalakad papunta sa stage.Naupo ako sa sofa at kumaway sa mga tao."Hi, hello po. I'm Timothy," pagbati ko sa mga manonood. "Kumusta, Timothy? How's life as the best-selling author?" "Okay naman po ako, and before anything else, gusto ko lang po munang mag-thank you sa mga sumusuporta sa 'kin, sa mga kaibigan ko, and sa mga patuloy pa rin na bumibili ng libro ko.""So tell us, what's with the book? Ano ba talaga ang laman nito? At totoo ba ang balita na

    Last Updated : 2021-05-10
  • Love, Lust and Lies   PURE LOVE

    Nakahiga siya sa bathtub na puno ng tubig nang pumasok ako sa banyo. He smiled at me."Gising ka na pala," sambit ni Max."What do you want for breakfast?"Ngumiti lang siya sa 'kin. Hinubad ko ang suot kong bath robe. Tumambad sa kaniya ang hubad kong katawan.Dumantay ako sa dibdib niya habang nakalubog ang mga katawan namin sa tubig. Nagsimula siyang halikan ako, alam na alam niya kung paano ako simulan at kung nasaan ang kiliti ko. Ramdam ko rin ang init ng hininga niya at malakas na kabog ng kaniyang dibdib.Gumapang ang mga daliri niya mula sa aking dibdib, pababa sa aking pusod habang nilalaro ng isa niyang kamay ang aking mga labi. Ipinasok niya ang isa niyang daliri sa aking

    Last Updated : 2021-05-26
  • Love, Lust and Lies   SPECTRUM

    Naaalala ko pa kung paano kami nagkakilala ni Max noon, mga panahong hindi pa rin ako out as bisexual. He's cute, hindi naman maikakaila na may itsura siya at sa tuwing magsasalita siya ay tila ba huhukayin niya ang tenga at matres mo dahil sa lalim ng boses niya.Way back two thousand and eighteen, I'd joined this hiking group para makalimot sa problema at makatakas sa nakakabaliw kong trabaho. That time, unti-unti na akong dinudurog ng trabaho ko, dagdag pa ang mga pait ng nakaraan. Nilalamon ako ng katanungang, "Madali ba akong iwan?". My dad, my mom, ang mga kapatid ko, and that guy from Spain. I guess, I'll be alone forever."Hi!""Hi," sagot ko."Bakit mag-isa ka? I mean, we're almost twenty hikers here pero bakit wala kang budd

    Last Updated : 2021-05-28
  • Love, Lust and Lies   FADED

    Dumating na ang araw ng exhibit, ngayon ko lang napansin na ayos din naman nga pala ang mga kuha ko. Mga larawan na tumatalakay sa personal na buhay ng mga LGBTQIA+ members, mga litrato na tungkol sa human rights, at mga editorial shots.Everything's perfect, napakaperpekto ng gabing 'to lalo na sana kung narito si Max. Mabilis na dumami ang tao sa venue, ilang oras pa lang mula nang magbukas kami ay tila ba hindi ko na alam kung paano kakausapin ang mga bisita sa dami nila.Habang nag-aasikaso ako ng mga bisita, biglang lumapit sa 'kin si Mace."Hoy, bes! I saw all of the photographs, magaganda. Hindi na talaga ako mag-iiba ng photographer para sa prenup ko. Sobrang excited na ako. Alam mo, gusto kong iregalo 'yong isang picture sa mother-in-law ko. 'Yong picture ng batang babae na na

    Last Updated : 2021-05-30
  • Love, Lust and Lies   SHIFT

    Mabagal ang paglipas ng gabi. Ilang mga butil ng luha ang kailangan kong ibuhos para mapawi ang sakit na nararamdaman ko. Umaga na nang lumabas ako ng kuwarto at nakitang natutulog si Max sa sofa. Lumapit ako at kinumutan siya bago binigyan ng halik. "Babe? Lipat ka na sa kuwarto para makapagpahinga ka na nang maayos," sambit ko. Naalimpungatan siya at tumalikod sa akin. Ang hirap pala na kaaway mo siya, 'no? Na hindi mo alam kung paano ibabalik ang tiwala niya. Wala ka namang ginawang masama pero bakit ganito? Bumalik ba ang galit sa 'kin ng mundo? "Kapag tumawag si Kim, h'wag mong sasagutin." "Max, itatanong ko lang kung bakit mo kinansel? Hindi ka ba natutuwa? Pangarap mo 'yo

    Last Updated : 2021-05-31
  • Love, Lust and Lies   MOON CRIES

    In just a blink of an eye, nagbago ang lahat. Those happy moments are now just memories, but I can't leave Max on his miserable days. He was once my sunshine, he was once my knight-in-shining armor, siguro'y it's time to pay him back the love he has given me.Umaga na, gaya ng dati, nagtungo ako sa kusina para ipagluto si Max ng agahan namin. Matapos magluto at maghanda ng pagkain ay bumalik ako sa kuwarto, niyapos siya, at ikinulong sa aking mga binti at saka tinadtad ng halik."Babe, gising na!"Naalimpungatan siya at ngumiti sa akin, "I love you." Nagbalik ang lahat, bumalik ang mga ngiti niya. Bumalik ang sigla, bumalik ang pagmamahal. Tumayo siya mula sa pagkakahiga niya, hinaplos ang mukha ko. Napansin kong nasa likod niya ang isa niyang kamay, tila may itinatago.

    Last Updated : 2021-05-31

Latest chapter

  • Love, Lust and Lies   CONFESSION OF A SINNER

    Bumuhos ang malakas na ulan, nagising na lang ako na wala siya. Alam ko na hahantong dito, naupo ako saglit sa kama bago tumayo para hanapin si Theo pero sa kahit saang sulok ng bahay, wala na ang bakas niya. He left . . . Theo's gone. Kasabay ng malakas na alon ng dagat, hindi nagpatinag ang lakas ng ulan sa kaniyang pagbagsak. Malayang dumampi ang butil ng tubig sa aking balat. Hindi na gaya ng dati, ramdam ko na ang lamig. Kagabi, yakap pa kita pero sa paggising ko, wala ka na. Mami-miss kita, miss na kita. Naupo ako sa tapat ng mesa, may nakahanda na roong pagkain na malamang ay inihanda niya bago siya umalis. Kagabi pa lang, ramdam ko na aalis na siya, alam ko na iyon na ang huling gabi na magkakasama kami. Tanggap ko na, tanggap ko na wala ka na, pero ang sakit

  • Love, Lust and Lies   MISERY

    Ang matulog sa lilim ng buwan nang mag-isa at yakap ang sarili ay tila ba panibagong parusa. Aaminin ko, natatakot ako. Natatakot na baka bukas wala ka na, na baka bukas umalis ka o piliing buuin ang sarili mo nang hindi ako kasama. Natatakot ako na baka bukas, hindi na ako.Hanggang kailan ba ako gigising na ganito? Hanggang kailan ako gigising na malungkot? Hanggang kailan ako mangangamba na baka mawala ka sa 'kin?Pero ano ba'ng kasiguraduhan na hindi mo ako iiwan? Kahit naman maayos mo ang sarili mo, baka sa dulo ay hindi pa rin ako ang piliin mo.Mahal kita.Habang mag-isa akong nag-aalmusal ay lumabas siya ng kuwarto, blangko ang ekspr

  • Love, Lust and Lies   FAKE SMILE

    Nagising ako na wala na sa tabi ko si Theo, malamang naliligo na 'yon gaya ng lagi niyang ginagawa sa umaga. Bumangon ako para sana magluto sa kusina pero napansin ko na nakapagluto na si Theo. Hinanap ko siya pero wala siya sa banyo. Natagpuan ko siya sa tabing-dagat, nakatayo sa dalampasigan at nakatitig sa kalmadong alon. Hindi siya kumikibo, nakatitig lang sa kawalan.Baka gusto na niyang bumalik ng Manila. Araw-araw, walang oras na hindi siya malungkot. Madali siyang mapangiti pero mas madali siyang malumbay. Baka gusto na niyang bumalik kay Max. Baka lang naman, baka pati sa 'kin, e, malungkot na rin siya.Nagtungo ako sa banyo para magsipilyo at maghilamos, tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Pinilit kong ngumiti, lumabas ako at lumapit sa tabi ni Theo. Nakatitig pa rin siya sa alon, tila ba hindi napansin ang pagdating ko.

  • Love, Lust and Lies   THOUGHTS AND LIQUOR

    Araw-araw, may mga kakaibang bagay akong napapansin mula kay Theo. Tuwing gabi, lagi siyang binabangungot, at tuwing umaga naman ay nakatulala lang siya habang nasa shower. Hinahayaan ko na lang dahil baka doon siya magiging ayos. Baka ang paghihintay na lang na maging maayos siya ang maaari kong maitulong sa kaniya at sa kaniyang paghilom.Napansin ko rin na madalas na siyang nagsusulat, naggagawa ng mga tula at tinutuloy ang kaniyang libro. Malimit na rin siyang kumukuha ng mga litrato gamit ang kaniyang camera. Minsan nga, nahuhuli ko siya na kinukuhanan ako ng mga larawan nang hindi namamalayan.Isang umaga, nagpatulong ako kay Manong Rex na aming caretaker ng bahay sa pag-aayos ng isa pang bangka na matagal na naming hindi nagagamit."Antagal na nito, ah, bakit 'di ninyo ginagamit

  • Love, Lust and Lies   DEAR THEO

    Mabagal ang paglipas ng gabi. Ilang mga butil ng luha ang kailangan kong ibuhos para mapawi ang sakit na nararamdaman ko. Umaga na nang lumabas ako ng kuwarto at nakitang natutulog si Max sa sofa. Lumapit ako at kinumutan siya bago binigyan ng halik."Babe? Lipat ka na sa kuwarto para makapagpahinga ka na nang maayos," sambit ko.Naalimpungatan siya at tumalikod sa akin.Ang hirap pala na kaaway mo siya, 'no? Na hindi mo alam kung paano ibabalik ang tiwala niya. Wala ka namang ginawang masama pero bakit ganito? Bumalik ba ang galit sa 'kin ng mundo?"Kapag tumawag si Kim, h'wag mong sasagutin.""Max, itatanong ko lang kung bakit mo kinansel? Hindi ka ba natutuwa? Pangarap mo 'yon, 'd

  • Love, Lust and Lies   FALLS

    Naaalala mo ba kung kailan ka huling ngumiti? Naaalala mo ba kung kailan huling hindi ka nag-iisa sa gabi? Kung kailan naging matamis ang pumait mong panlasa? Naaalala mo ba kung kailan mo huling naramdaman na minahal ka? At kailan ka huling nakaramdam na masaya ka na pala?"Theo, ikaw na muna dito sa bahay, ah. Kailangan kong pumunta sa probinsiya, 'yon kasing supplier ko ng kape ay hindi makapunta at nagkaproblema raw. Baka gabihin ako, may ready-to-cook foods na sa ref, ikaw na lang ang bahala kapag nagutom ka. If you need anything, just call me.""Gael, can I come with you?""Seryoso ka ba?""Yeah, I mean kung okay lang naman. Pero kung makakaistorbo lang ako, you can leave me here, it's fine."

  • Love, Lust and Lies   HARD ON

    Mahirap pala ang nasanay kang nariyan siya, nariyan sa tabi mo sa oras na magigising ka. Mahirap pala na masyado kang nagmahal, mahirap na masyado mong ibinigay lahat. Wala namang nagsabi na ganito pala katanga ang magmahal. Ang alam ko lang, may masasaktan pero walang nagsabi na ganito kasakit.Ikalawang linggo na simula nang mawala siya. Gabi-gabi akong umiiyak, gabi-gabi ko siyang iniisip. Nangungulila ako sa pagmamahal niya, sa kaniya. Nakakabaliw, hindi ko na alam kung ano'ng gagawin at anong dapat isipin.Hindi na rin ako nakakakain nang tama, hindi na lumalabas ng bahay, at hindi na rin nakakatulog kaiisip kung nasaan na siya, kung ayos pa ba siya, o kung ano na ang nangyari sa kaniya.Umiiyak ang gabi, nakikidalamhati a

  • Love, Lust and Lies   MOON CRIES

    In just a blink of an eye, nagbago ang lahat. Those happy moments are now just memories, but I can't leave Max on his miserable days. He was once my sunshine, he was once my knight-in-shining armor, siguro'y it's time to pay him back the love he has given me.Umaga na, gaya ng dati, nagtungo ako sa kusina para ipagluto si Max ng agahan namin. Matapos magluto at maghanda ng pagkain ay bumalik ako sa kuwarto, niyapos siya, at ikinulong sa aking mga binti at saka tinadtad ng halik."Babe, gising na!"Naalimpungatan siya at ngumiti sa akin, "I love you." Nagbalik ang lahat, bumalik ang mga ngiti niya. Bumalik ang sigla, bumalik ang pagmamahal. Tumayo siya mula sa pagkakahiga niya, hinaplos ang mukha ko. Napansin kong nasa likod niya ang isa niyang kamay, tila may itinatago.

  • Love, Lust and Lies   SHIFT

    Mabagal ang paglipas ng gabi. Ilang mga butil ng luha ang kailangan kong ibuhos para mapawi ang sakit na nararamdaman ko. Umaga na nang lumabas ako ng kuwarto at nakitang natutulog si Max sa sofa. Lumapit ako at kinumutan siya bago binigyan ng halik. "Babe? Lipat ka na sa kuwarto para makapagpahinga ka na nang maayos," sambit ko. Naalimpungatan siya at tumalikod sa akin. Ang hirap pala na kaaway mo siya, 'no? Na hindi mo alam kung paano ibabalik ang tiwala niya. Wala ka namang ginawang masama pero bakit ganito? Bumalik ba ang galit sa 'kin ng mundo? "Kapag tumawag si Kim, h'wag mong sasagutin." "Max, itatanong ko lang kung bakit mo kinansel? Hindi ka ba natutuwa? Pangarap mo 'yo

DMCA.com Protection Status