“Bes, kanina pa may tumatawag sa cellphone mo, ayaw mo bang sagutin iyan?” Napalingon si Maddox sa kan’yang kaibigan, nawala kasi ang pokus niya dahil busy siya sa kakapanuod ng telebisyon sa harap nila. “Ano ba iyang pinapanuod mo? OMG! Ang tagapagmana ng Xander Company na si Kai Xander ay naaks
Limang araw ang nakalipas nang naiburol ng matiwasay ang labi ng kan’yang lola, iyak lang siya ng iyak habang binabagtas nila ang kamaynilaan. Pagkatapos kasi ng burol ay hindi na nag-aksaya pa ang kan’yang mga magulang ng panahon at pinag-impake na agad siya. “Maddy, tandaan mo ang habilin ko sa’y
Naging usap-usapan sa mga tao sa mansyon ang pagbalik ni Maddox sa pamilyang Corpus. Halos lahat ng kasambahay roon ay pinagkukumpara ang dalawang magkapatid. “Sino ang mas maganda sa kanila?” tanong ng isa saka napahawak ng baba. “Halatang-halata naman, kahit simple lamang si Ma’am Maddox manam
“Oh, bumaba na pala ang kapatid kong probinsyana, kumusta ang kwarto mo, Ate? Maganda ba? Ako ang nag-design niyan,” pagmamalaki ni Sapphire kay Maddox na kabababa lang ng daghan. Hindi pa nga siya nakakatuntong sa sahig ay agad na siyang nitong sinalubong. “Maganda naman ngunit hindi ko gusto ang
Inipon ni Maddox ang kan’yang lakas para sa pagkikita nila ng magiging bago niyang pamilya, ang pamilya Xander. Matapos siyang mag-ayos ng kan’yang sarili ay agad s’yang bumaba para hintayin ang mga magulang niya.Hindi niya inaasahang naroon na pala ang mga ito sa baba, lahat ay busy sa pag-aayos n
Ilang minuto ring naghintay si Maddox para kitain ang kan'yang kaibigan. Tumambay siya sa office nito dahil iyon ang tinuro ng guard sa kan'ya. Dumating siya ng alas tres ng hapon upang bisitahin ang professor niyang kaibigan sa isang tanyag na paaralan sa Kamaynilaan. “Doctor Angel!” Napalingon s
Malaki ang ngiti ni Sapphire habang pauwi ng mansion, ang makita ang idolo niyang si Dr. Angel ay sobrang napakalaking pribilehiyo sa kan'ya. Mabuti na lang at nakita niya si Professor Imee kung hindi, baka maubusan siya ng seats sa gagawing seminar nito. Alam niyang magkakanda-ubusan ng tickets kap
“I am not a student at Oxvord University. Hindi rin ako nag-graduate roon…” Natahimik ang lahat, halos lahat ng tao roon sa dining room ay napalingon lamang kay Maddox at napanganga. Nalusaw ang katahimikan nang tumawa ng malakas si Carmina samantalang si Sebastian ay nakatingin lamang ng masama sa
Sa taas ng kwarto kung saan naroon si Nynaeve ay kakatapos lang na magbabad sa bathtub kung kaya’t sinuot na niya ang nightgown na pantulog niya.Sa paglabas niya pa lang ng silid ay narinig niya ang pag-notif ng kanyang Uchat message sa kanyang phone na nasa bedside table. Ipinulupot niya ang tuwa
Si Zeke na kanina pa nakikinig sa usapan ng mag-ama ay napabuga ng iniinom nitong juice dahil sa sinabi ni Nynaeve. Tumawa ito ng malakas habang napapahawak pa sa tiyan. “Ikaw? Pagmamay-ari mo ba ang UP kung kaya’t nasasabi mo ‘yan? Nagbibiro ka lang ‘di ba, Nyna?” Napataas ng kilay si Nyna, nawala
Si Dr. Black ay kilala sa buong mundo dahil sa kahanga-hangang galing pagdating sa acupuncture, massage therapy at pagiging psychiatrist nito. Ang matanda ay isang hinahangad na doktor ng maraming makapangyarihang tao kagaya rin ni Dr. Angel noon. Pero mas malala si Dr. Angel dahil halos ito ang hin
Sa isip-isip ni Nynaeve, kapag nalaman ni Dr. Black na ang matalik nitong kaibigan ay hindi maganda ang kalagayan ay talagang tutulongan nito ang kaibigan. Isa pa, dati na nitong nagamot ang ama nitong si Daemon Xander kung kaya’t alam niyang tatanggapin agad ng matanda ang paggamot sa matandang Xan
Ang panganay naman na anak ni Inigo Xander na si Ion ay agad na lumapit kay Mr. Smith. “Anong nangyayari sa loob? Bakit nila binigyan ng hindi naman kilalang gamot ang matanda?” nag-aalala nitong tanong sa lalaking nakatayo. Si Inigo Xander ay ang pumapangalawa sa magkakapatid na si Daemon, Oliver
Si Aemond ay napatingin kay Nynaeve, “Makakatulog ng mahimbing? Kailangan ng therapy session at sigurado kang makaka-recover ang lola?” Sumingkit ang mga mata ni Aemond dahil sa sinabi ng dalaga. Bago pa man makapagsalita si Nynaeve ay agad na nagsalita ang isa pang doktor na naroon sa silid. “Hija
Sa mga oras na iyon pumasok sila sa isang malaking kwarto sa loob ng courtyard at nakita niyang may mga doktor na napapalibutan ang isang matanda habang tsini-tsek nila ang vital sign ng matanda. Mahina na ito kung kaya't nakahiga na lamang. Ang kwento sa kanya ni Lilac ay hindi raw makatulog ang ma
Kinuha ni Nynaeve ang kanyang cellphone nang marinig na nag-ring ito. Napakunot ang kanyang noo nang makitang tumatawag ang kanyang kaibigan na si Lilac. “Bakit ka napatawag, Lilac? May problema ba?” “Raven, nakauwi ka na ba sa Pilipinas?” malambing na tanong ng partner niyang si Lilac sa kanya. “
Kinuyom ni Hector ang kamao, hindi pwedeng hindi nito makuha ang anak. “Nyna, ako ang ama mo. Ako lang naman ang pinakamalapit at kadugo mong kamag-anak kaya naman bakit naman kita ipapahamak, ‘di ba? Para naman ito sa kalagayan mo.” “Sumunod ka na lang sa iyong ama. Hayaan mo, magpapapunta ako ng