แชร์

Kabanata 0004

ผู้เขียน: Mysaria
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2024-08-28 09:14:24

“Oh, bumaba na pala ang kapatid kong probinsyana, kumusta ang kwarto mo, Ate? Maganda ba? Ako ang nag-design niyan,” pagmamalaki ni Sapphire kay Maddox na kabababa lang ng daghan. Hindi pa nga siya nakakatuntong sa sahig ay agad na siyang nitong sinalubong.

“Maganda naman ngunit hindi ko gusto ang choice of color mo. Sobrang baduy para sa akin,” sagot niya sa kapatid. Totoo namang baduy ang mga kulay, sino ba namang matinong tao ang magdedesinyo ng kwarto na ang kulay ng pader ay pink at ang kurtina naman ay kulay kahel? Ang sakit sa mata, sa totoo lang.

“Ano?? You’re so ungrateful naman, Ate! Magpasalamat ka na lang, pwede?” inis na wika nito.

“Thank you, then…” Gusto niyang inisin pa lalo ang kapatid ngunit wala na siyang oras para roon, nakakaramdam na kasi siya ng gutom, hindi siya nakapag-lunch kanina.

“Alam mo, Ate, sobrang naaawa ako sa’yo. Akala mo ba maganda ang magiging estado mo sa pamilyang Xander? Nagkakamali ka. Sasabihin ko sa iyo ito dahil alam kong magiging tanga ka lang kapag nagkita kayo ng magiging bagong pamilya mo. At least hindi ka na magugulat dahil alam mo na ang magiging sitwasyon mo…” Kita ni Maddox ang pagngisi ng kan’yang kapatid. Halata mong nag-e-enjoy ito na asarin siya.

“Alam mo bang isang baldado ang mapapangasawa mo? Bali-balita rin na baog na ito at malamang hindi kayo mabibiyayaan ng supling. Mayaman nga kayo ngunit hindi naman kayo magkaka-anak. What’s the use of your marriage? Mas gugustuhin ko pang maging single forever kaysa sa mapangasawa ang isang lalaking aalagain, sobrang naaawa ako sa’yo, Ate. Kung sana’y may magagawa lang ako—” dagdag pa ni Sapphire na para bang iniisip nito ang kapakanan ni Maddox. Halata rin ang pilit na lungkot nito sa mukha ngunit hindi man lang magawang maniwala ni Maddox sa kapatid.

“Sapphire, hindi ako tanga para hindi malaman iyan. Alam kong baldado ang mapapangasawa ko and it doesn’t matter, anyway. I’m a doctor kaya kong pagalingin ang magiging asawa ko,” sagot niya sa babae ngunit malakas itong tumawa.

“Ano?? Eh kahit nga doctor sa U.S. hirap itong pagalingin eh. Ikaw pa kaya na pipitsuging doktor lamang sa probinsya??” Binigyan siya ni Sapphire ng isang nakaka insultong tingin kaya napakuyom siya ng kamao.

Pipitsuging doktor? Nagpapatawa ba ito? Hindi niya makukuha ang M.D. sa pangalan niya kung pipitsugin lang siya. Napahinga siya ng malalim, ubos na ubos na ang pasensya ni Maddox sa kapatid niya.

“Pwede bang tigilan mo na ako Sapphire? Tigilan mo na rin ang kaplastikan mo. Alam kong ayaw mo sa akin at mas ayaw ko rin sa’yo!” madiing sagot niya saka naglakad papuntang kusina ngunit mabilis siya nitong hinila at ibinalik sa harap nito.

“Huwag mo nga akong tatalikuran, ATE! Hindi pa tayo tapos!” inis na saad ni Sapphire at binalibag ang kamay ni Maddox.

“Ano ba, Sapphire, ayaw ko ng makipag-usap sa’yo!” madiing sagot ni Maddox ngunit humarang lamang ito sa harap niya.

“Umatras ka sa kasal mo.” Nagulat si Maddox nang sabihin iyon ng kapatid, hindi niya alam ang rason kung bakit nasabi ni Sapphire iyon ngunit nakaisip siya ng dahilan para mas inisin pa ito.

Ngumisi si Maddox kay Sapphire at napailing.

“Bakit ko naman gagawin iyon? Bigyan mo ako ng isang rason kung bakit ako aatras sa kasal?”

Tila ba napipi si Sapphire sa tanong ni Maddox. Walang lumabas sa bibig nito at napasigaw na lamang dahil sa frustration.

Hinding-hindi aaminin ni Sapphire sa nakakatandang kapatid ang dahilan kung bakit gusto niyang umatras ang kapatid sa kasal nito.

Magkamatayan na ngunit hindi niya aamining mahal niya si Kai Xander matagal na. Wala siyang pakialam kung baldado man ang lalaki dahil hindi naman iyon mahalaga sa kan'ya. Long time crush niya si Kai at pinanalangin niyang maging asawa ito.

Ang problema ni Sapphire ay ang mga magulang nila. Ayaw siya nilang ipakasal sa lalaking walang kwenta at baldado pa. Hindi niya raw iyon deserve. Wala siyang nagawa kung 'di ang sundin ang mga magulang.

“Anong nangyari?? Bakit sumigaw ka, Sapphire?” Napalingon ang magkapatid sa papalapit nilang ina.

Agad namang sinipat ni Carmina ang katawan ni Sapphire at nang makita nitong wala namang nangyari sa anak niya ay napabuga ito ng hininga.

“What's wrong, Darling?” nag-aalalang tanong ni Carmina sa anak.

“Si Ate Maddy po kasi, Mommy pinagsasalitaan ako ng hindi maganda. Ayaw niya raw ho sa akin, at nakakairita raw ang pagmumukha ko. Sinabi niya ring baduy ang gawa kong design sa kwarto niya. Ni hindi nga siya nagpasalamat, eh.”

Napanganga si Maddox sa sinabi ng kapatid. Para itong batang nagsusumbong sa ina dahil inagawan ng lollipop. Maluha-luha pa ito habang ikinikwento ang nangyari kanina at may dagdag pa talaga.

“Ano!? Sinabi mo ba ang mga iyon sa kapatid mo, Maddox?” tanong ni Carmina. Halatang galit ito ngunit wala man lang epekto iyon kay Maddox.

“Well, sinabi kong baduy ang choice of color niya sa kwarto ko in a nice way. Nagpasalamat naman ako Mamá. Isa pa, siya itong nauna, sinabihan niya akong pipitsuging doktor lamang,” katwiran ni Maddox. Nanalangin siya na siya naman ang papaburan ng ina ngunit nagulat si Maddox nang dumapo ang palad ni Carmina sa kan'yang pisngi.

She was really stunned to speak.

Walang nagawa si Maddox kung 'di ang hawakan ang kan'yang namumulang pisngi.

“YOU UNGRATEFUL CHILD!! Gan'to ka ba pinalaki ng lola mo? Masyadong kang ini-spoiled ng mamá! Napakawalang modo!” sigaw ni Carmina habang yakap-yakap si Sapphire na umiiyak.

Gustong matawa ni Maddox nang makita ang pilit na iyak ng kan'yang kapatid. Hindi niya inaasahang may pagka-childish pala ang kapatid niya't sumbungera pa. Akala niya dahil matanda na si Sapphire ay magbabago na ito ngunit nagkakamali siya.

What a spoiled brat!

“I’m sorry, Maddox but I am siding with your sister. I am not being unfair here pero kilala ko ang anak ko o ang kapatid mo. Hindi siya sisigaw at iiyak ng walang dahilan. Binalaan na kita bago pa man tayo umuwi sa mansyon, huwag na huwag mong aawayin ang kapatid mo,” katwiran ni Carmina ngunit napailing lamang si Maddox. Tila ba hindi makapaniwala na nasampal siya ng ina.

Wala pa ngang isang araw ng pamamalagi niya sa mansyon ng mga magulang, nakatamo na agad siya ng isang malutong na sampal.

Napapikit siya ng mariin tila ba kinakalma ang sarili.

Ito ba ang gusto ng lola niya? Ang masaktan siya? Subalit may tiwala pa rin siya rito. Magtitimpi siya dahil gusto niyang mapalapit sa magulang.

She was craving for it when she was a child— Ang kalinga ng tunay niyang mga magulang.

“Magbihis ka na sa taas at darating na ang bisita natin. Huwag mo kaming biguin ng ama mo, Maddox. Tandaan mo ang binilin ko sa'yo.”

Matapos na sabihin iyon ng ina ay agad itong umalis kasama si Sapphire. Maingat nitong inakay ang kapatid saka pinatahan.

Napakapa si Maddox sa kan'yang dibdib. Ramdam niya ang sakit sa kan'yang puso. Para itong tinutusok ng espada ng paulit-ulit. Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib kaya mabilis siyang pumunta sa kusina at uminom ng tubig. Tumulo ang luha niya sa pisngi ngunit agad niya itong pinunasahan.

Hindi siya dapat magpapa apekto sa mga ito.

Sanay na siya 'di ba?

Sanay na ang puso niyang madurog sa tuwing pinapakita ng magulang niya na wala itong pakialam sa kan'ya.
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (6)
goodnovel comment avatar
Anewor Elbafa
grabe Naman pamilya ni Maddox,walang pakialam sa nararamdaman nya
goodnovel comment avatar
Maritoni Lapada Busa
bakit di lahat nabasa, hindi ki na maopen hanngang chapter 8 lang qko
goodnovel comment avatar
Cecille Arca
napkabait na doktor c maddie
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 0005

    Inipon ni Maddox ang kan’yang lakas para sa pagkikita nila ng magiging bago niyang pamilya, ang pamilya Xander. Matapos siyang mag-ayos ng kan’yang sarili ay agad s’yang bumaba para hintayin ang mga magulang niya.Hindi niya inaasahang naroon na pala ang mga ito sa baba, lahat ay busy sa pag-aayos n

    ปรับปรุงล่าสุด : 2024-08-29
  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 0006

    Ilang minuto ring naghintay si Maddox para kitain ang kan'yang kaibigan. Tumambay siya sa office nito dahil iyon ang tinuro ng guard sa kan'ya. Dumating siya ng alas tres ng hapon upang bisitahin ang professor niyang kaibigan sa isang tanyag na paaralan sa Kamaynilaan. “Doctor Angel!” Napalingon s

    ปรับปรุงล่าสุด : 2024-08-29
  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 0007

    Malaki ang ngiti ni Sapphire habang pauwi ng mansion, ang makita ang idolo niyang si Dr. Angel ay sobrang napakalaking pribilehiyo sa kan'ya. Mabuti na lang at nakita niya si Professor Imee kung hindi, baka maubusan siya ng seats sa gagawing seminar nito. Alam niyang magkakanda-ubusan ng tickets kap

    ปรับปรุงล่าสุด : 2024-08-29
  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 0008

    “I am not a student at Oxvord University. Hindi rin ako nag-graduate roon…” Natahimik ang lahat, halos lahat ng tao roon sa dining room ay napalingon lamang kay Maddox at napanganga. Nalusaw ang katahimikan nang tumawa ng malakas si Carmina samantalang si Sebastian ay nakatingin lamang ng masama sa

    ปรับปรุงล่าสุด : 2024-08-29
  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 0009

    Malaki ang panghihinayang ni Sapphire dahil hindi siya naka-attend sa dinner meeting ng pamilyang Corpus-Xander. Hindi kasi siya pinayagan ng kan’yang manager dahil noong nakaraan ay kinancel na niya ang shoot niya. Isa siyang modelo ng isang sikat na clothing design kaya naman napaka importante noo

    ปรับปรุงล่าสุด : 2024-08-29
  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 0010

    Rain_Xander: Okay lang iyan, I was just curious with my future sister-in-law, alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin ‘di ba? Hindi ba pwedeng magtanong sa malapit sa kan'ya?Napangisi si Sapphire dahil sa sinabi ni Rain, napatango-tango pa siya habang binabasa niya ang reply ng lalaki, siguro na

    ปรับปรุงล่าสุด : 2024-08-29
  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 0011

    “Oh I forgot to tell you right away, wala na kasi akong time na mag-chat pa besides I am driving,” dagdag pa ng lalaki. Akmang kukunin nito ang cellphone sa bulsa kaya agad na pinigilan ito ni Sapphire. “AHH! Oorder muna tayo, okay lang naman naiintindihan ko kung bakit na-late ka,” plastik na sago

    ปรับปรุงล่าสุด : 2024-08-29
  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 0012

    Napainom si Rain sa kan'yang baso habang nakatingin kay Sapphire. Alam n'yang ayaw ng babae sa Ate niya kaya naman hindi siya mahihirapang kumbinsihin ito sa plano niya para sa kasal ng kapatid nila. “Let’s get to the point, Sapphire… Alam kong ayaw mo sa kapatid mo and also ayaw ko rin sa kan’ya…”

    ปรับปรุงล่าสุด : 2024-08-29

บทล่าสุด

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 490

    “At bakit hindi niyo na lang pinatay?” galit na tanong niya sa sa dalawa. “Naisip ko kasing makakatulong pa siya sa atin lalo na’t ito ang baby sitter ng batang iyan. Hindi rin namin alam kung paano kumarga ng isang sanggol, Boss! Look, she’s helping right? Kanina ay naririndi kami sa iyak ng sangg

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 489

    Dahil sa nangyaring kumosyon sa UP ay kumalat ang naging eksena nina Maddox at ang tatlong babaeng gustong pabagsakin ang doktor. Hindi iyon nakatakas sa lahat ng medya sa buong mundo. Dahil doon, lahat ng media outlet ay iyon ang headline lalo na sa mga balita sa telebisyon. Si Don Facundo ay nakau

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 488

    Nang makita ni Candy na hinuli si Samantha ng mga pulis ay talagang kinabahan siya ng bonggang-bongga. Hindi niya akalaing ito pala ang legendary fake Angel na sumikat noon sa social media. Ang pinakulong ni Maddox dahil pinagtangakaang patayin ito ng baliw na babae.Napatakip ng bibig si Candy dahi

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 487

    Ang tatlong babae ay hindi makapaniwala dahil sa nangyayari. Hindi nila alam kung paano nangyari ang lahat ng ito. Si Samantha ay napakuyom ng kamao nang makita si Sapphire na lumabas ng stage. Nagulat siya dahil sobrang laki ng pinagbago ngayon ng dalaga. Ang isang spoiled brat, maldita at maarteng

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 486

    Dali-daling tumakbo si Sapphire papunta sa likod ng stage upang maunahan ang dalawang crew na nakita niya kanina. Habang tumatakbo ay nakita pa niya sina Katrina at Candy na nag-aabang sa harap ng stage at ngumingisi habang pinapanuod na magsalita si Maddox sa stage. Marami ang dumalo sa seminar n

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 485

    Hindi naman nahirapan si Sapphire na hanapin ang kanyang kapatid na si Maddox dahil alam niyang pumunta ito sa office ni Professor Imee upang maghanda. Hindi lang iyon, nagulat din siya nang makitang naroon sa silid si Daemon at nakakatayo na pala. Biglang nailang si Sapphire ngunit pinagsa walang-b

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 484

    “Dr. Angel! You’re here!” masiglang tawag ni Professor Imee kay Maddox. Nakasuot ito ng magandang suit at napaka professional nitong tingnan. Parang hindi ito galing sa panganganak kung iisipin. Hindi pa rin kumukupas ang ganda nito. “Prof. Imee, long time no see po,” masayang bati ni Maddox sa pro

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 483

    Si Candy at Samantha ay naroon sa loob ng silid upang makapag-usap ng masinsinan at mapagplanuhan kung ano ang gagawin nila kay Maddox. “Alam mo bang naisilang na ang anak nina Maddox at Kai Daemon?” tanong ni Candy kay Samantha kung kaya’t napatango ito. “Alam ko…” Kinuha nito ang sigarilyo sa ka

  • Love Heals: The CEO's Fiancée is a Medical Genius   Kabanata 482

    Sa loob ng private clinic ay naroon si Don Facundo kasama nito ang anak niyang umiiyak dahil sa pag-aalala pati na ang family doctor nila. Isang oras din bago nagising sa pagkakahimatay ang matanda. “D-Doc, what happened?” nag-aalalang tanong ng matanda sa family doctor nila. Napahinga ng malalim

สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status