Malaki ang ngiti ni Sapphire habang pauwi ng mansion, ang makita ang idolo niyang si Dr. Angel ay sobrang napakalaking pribilehiyo sa kan'ya. Mabuti na lang at nakita niya si Professor Imee kung hindi, baka maubusan siya ng seats sa gagawing seminar nito. Alam niyang magkakanda-ubusan ng tickets kapag nabalitaan ng mga tao na pupunta si Dr. Angel sa Pilipinas at magkakaroon ng lecture sa university.
Mabilis niyang kinuha ang kan'yang telepono upang mag-post sa kan'yang XYZ account.
“Sabi ng aking source, pupunta raw sa Pilipinas ang idolo kong si Dr. Angel! Sobrang nakaka-excite na ma-meet ang isang napakagaling na doctor sa buong mundo! Sana makakuha ako ng autograph niya at ma-meet ko siya sa personal. Marami akong gustong sabihin sa kan'ya , how about you, guys?
Pipili ako ng limang questions sa comment section: Kapag na-meet ko si Dr. Angel, iyon ang tatanungin ko sa kan'ya! I'm super exciteeeeed! @Dr. Angel can't wait to see you!! #Dr.Angel #Thebestdoctorintheworld #medicalgenius”
Agad na pinost iyon ni Sapphire sa account niya at nakahakot agad siya ng ilang libong likes, sunod-sunod din ang comment ng mga followers sa post niya kaya napangisi siya.
“OMG! Totoo? Dr. Angel is going to visit here in the Philippines? I must save some money for that. I want to meet the most famous and mysterious doctor in the world!”
“Shocks! Is this really true?? Dr. Angel is my idol and I want to meet him too! I'll dm you for the info, I am from Spain, btw…”
Nagulat si Sapphire nang makita ang mga komento ng mga taong nagmula sa iba't-ibang bansa. Nag-trending agad ang kan'yang post sa buong mundo. Bigla siyang napanganga nang makitang milyon na ang likes ng post niya at hundred thousand na rin ang comments at shares kaya napatakip siya ng bibig saka agad na napangisi.
Gagawin niya ang lahat para makalapit kay Dr. Angel, alam niyang sisikat siya kapag nakita ng mga taong kasama niya ito.
‘Just wait, Dr. Angel, magpapapansin talaga ako kapag nagkita tayo sa personal. Gagawin ko ang lahat para mapansin mo lang ako…’ Iyan ang nasa isip ni Sapphire buong byahe.
***
Makalipas ang tatlong araw…
Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang pamilyang Corpus kaya agad silang pumunta sa mansion ng pamilyang Xander. Lahat ay sobrang excited para sa dinner meeting maliban kina Maddox at Kai na siyang ikakasal.
“Magandang gabi, Mrs. Xander…” magalang na bati ng mag-asawang Corpus. Napatango naman ang Donya saka napangiti.
“Magandang gabi rin, upo kayo…”
Agad na umupo ang pamilyang Corpus sa kani-kanilang upuan. Gusto mang igala ni Carmina ang mga mata sa pagilid ngunit hindi niya ginawa. Ayaw niyang makita ni Mrs. Xander na nagagandahan at namamangha siya sa desinyo ng mansion nito. Kung tutuusin mas magarbo at mas malaki ang mansion ng mga Xander kaysa sa kanila. Tunay ngang sobrang yaman ng pamilyang Xander, halos kulay ginto ang nakikita nila sa paligid. Marami rin ang mga kasambahay na nakapaligid at naka-uniporme pa ang mga ito.
“Iyan na ba ang panganay mong anak?” tanong ni Mrs. Xander kaya napalingon si Carmina kay Maddox at napangiti ng malawak.
“Oo, ito ang anak kong si Maddox. Ang pangalawa kong anak naman ay hindi makakarating dahil may inasikaso itong importanteng bagay. I'm sorry for that,” paumanhin ni Carmina ngunit tumango at umiling lamang si Mrs. Xander.
“No worries, Mrs. Corpus… Mas importante naman si Maddox kaysa sa pangalawa mong anak dahil siya ang mapapangasawa ng aking anak na si Kai, right honey?” Napalingon sila sa lalaking katabi ni Mrs. Corpus., it was Kai Xander, ang panganay na anak at tagapagmana ng kompanyang Xander. Naka-wheelchair ito at seryosong nakatingin lamang sa kanila. Mayroon itong puting tela na nakapatong sa hita, pati na ang mga braso ay puno ng gasgas halata mong sariwa pa ang mga sugat dahil sa namumulang mga balat nito at ang mukha ng lalaki ay medyo may gasgas din ngunit hindi pa rin nawawala ang angking kagwapuhan nito. Kahit na puno ito ng gasgas at sugat hindi maikakailang matipuno at magandang lalaki si Kai Xander.
Kanina pa hindi mapakali si Maddox nang makita si Kai na nakaupo katabi ng ina. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa lalaki kapag nagkaharap ang dalawa. She was so nervous at hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niyang ito sa tuwing nakikita ang lalaking nasa harapan niya.
Kanina pa inoobserbahan ni Mrs. Xander si Maddox, sa katunayan napahinga siya ng maluwag dahil sumagad sa expectation niya ang future manugang niya. Akala niya ay isa itong pangit na babae ngunit hindi pala. Mayroon kasing tsismis- tsismis na kaya itinatago ng pamilyang Corpus ang panganay na anak ng mga ito ay hindi ito kagandahan at hindi maaring ibalandra sa madla.
Kabaliktaran ang tsismis na iyon, Maddox is a Goddess. Namamangha siya sa angking kagandahan nito at alam niyang bagay na bagay ito sa panganay niyang anak na si Kai. Subalit nagtataka si Mrs. Xander kung bakit mabilis na tinanggap ng pamilyang Corpus ang proposal niya rito. Kung s’ya man ang ina ni Maddox ay hindi siya papayag na ipakasal ang kan’yang panganay na anak sa isang baldadong lalaki. Well, hindi sa binababa niya ang pagtingin sa anak ay totoo lang naman ang sinasabi niya. Sino nga ba naman ang babaeng ganito kaganda na papayag na mapangasawa ang isang lalaking pilay at baog?
“Ahem… Mrs. Xander, didn’t I tell you that my child graduated at Oxvord University?” tanong ni Mrs. Corpus na may halong pagmamalaki.
Nawala ang atensyon ni Mrs. Xander kay Maddox at napatingin kay Carmina. Tumawa ng mahina si Mrs. Xander at napatango sa babae.
“Oo nga pala, naalala ko nga ang sinabi mo sa mga kaamiga natin. Wow, I can’t believe that you have a child that was so good at academics. No wonder, madali kayong nakausad sa larangan ng negosyo, but ang pinagtataka ko… Sabi kasi ng mga ka amiga natin nagttrabaho raw si Maddox sa isang private hospital sa Bicol… Hindi naman sa kini-kwestyon ko ang career ng anak mo, but why Bicol? Kung pwede naman sa US or dito sa Manila, right?”
Napalunok si Carmina dahil sa tanong ni Mrs. Xander ngunit agad siyang nakaisip ng palusot. Tumawa siya ng pilit saka napahampas sa braso ni Maddox ngunit mahina lamang iyon. Alam ni Maddox kung ano ang ibig sabihin ng kan’yang ina, kailangan nito ng tulong.
“Totoo ngang nagtatrabaho si Maddox sa private hospital ngunit intern lamang siya roon. Mas pinili niyang maging intern sa sarili niyang bansa kaysa roon sa US. Oo nga pala, before I forgot, she’s currently taking a masters degree at Oxvord university din…” paliwanag ng kan’yang ina.
Hindi mapakali si Maddox dahil sa sinabi ng ina. Ayaw na ayaw niya sa lahat ang isang sinungaling. Hindi siya ang tinutukoy nito, hindi naman iyon ang career niya ngayon.
“Totoo ba iyon hija?” tanong ni Mrs. Xander kay Maddox. Tumingin lamang si Maddox ng seryoso sa matanda at napailing. Napanganga naman ang kan’yang ina dahil sa ginawa niya.
“Actually, my mom is lying…”
Napasinghap ang lahat sa sinabi ni Maddox, kahit na ang mga kasambahay roon na nag-se-serve ng pagkain ay nagulat.
“I am not a student at Oxvord University…Hindi rin ako nag-graduate roon,” sambit ni Maddox. Nakaramdam si Maddox ng kurot sa hita at alam niyang ang kan’yang ina iyon, pinapatigil siya. Nahalata naman iyon ni Mrs. Xander kaya alam nitong totoo ang sinasabi ng dalaga sa kanila.