SHIENA CORDOVA POV.
Hindi ko mapigilan ang aking pag-iyak, habang pinagmamasdan ang aking kapatid na hindi pa rin nagigising. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng pera ngayon, upang makabayad dito sa hospital at sa mga utang. Halos million na halaga ang kailangan para sa operasyon. Ngunit, saan ako kukuha ng ganun kalaking halaga? Hindi ko na kaya, kailangan ko nang lumapit ngayon sa aking nobyo. Gagawin ko ang lahat upang mailigtas ang kapatid ko, maging kapalit man nito ang aking buhay. "Alex, nakikita mo naman ang kapatid ko. Alam mong nalubog na rin ako sa utang. Maaari bang pautangin mo ako? Kailangan na kailangan ko ngayon ng pera, upang maoperahan na ang kapatid ko. Pakiusap Alex, pagbigyan mo ang hiling ko kahit ngayon lang..." pagmamaka-awa ko. "Tsk! Ano ka ba! Wala ka na bang ibang malapitan? Kundi ako! Shiena! Mula nang dumating ka sa buhay ko, naging malas na lahat! Alam mo, wala kang kwenta ehh, kaya hindi mo maililigtas ang kapatid mo! Maghiram ka sa iba, pero sa akin huwag na huwag mo nang uulitin pa!" napakupot ang aking labi. "Teka lang, Alex, pakiusap naman. Wala na akong ibang malapitan, pakiusap, Alex," sabay hagulhol ko sa pag-iyak. Hindi ko mapigilan ang mga butil ng luha na tumutulo sa aking mga mata. "Walang hiya! Huwag mo nga akong kapitan!" Kasabay nito ang kanyang pagtanggal ng aking kamay na nakawahak sa kanyang braso. Itinulak niya ako nang malakas, dahilan na nawalan ng balanse ang aking katawan. Pinilit kong tumayo, ngunit nang maitayo ko na ang aking katawan. Bigla niya akong sinipa, dahilan din nito ang aking pagbagsak muli. Sobrang sakit ang natamo ko, nanginginig na pati ang mga tuhod ko. "Tinawagan mo lang talaga ako, para papuntahin dito at mangutang! Mahiya ka, Shiena. Maghintay na tayo, kailanman hindi naman kita minahal. Akala ko nang una, maayos lang babae. Hindi pala! Kahit isang piso nga ay wala ka! Wala kang silbi sa buhay ko! Tapos, uutangan mo pa! Tsk! Walang kwenta!" Napalingon ako sa paligid. Saksi ako sa mga matang masamang nakatingin sa akin. Sinabayan pa ng kanilang pagtawa. Ramdam na ramdam kong ikinakahiya ako nang lahat. Dahil, sa kahihiyan, hindi ko napigilan ang aking sarili na tumakbo papalabas ng hospital. Sa kakaiyak ko, halos matakpan na ang mga ko ng mga luha ko. Hindi ko makita nang maayos ang daan. Hanggang sa, naramdaman kong may kung anong bagay ang aking nabangga sa aking harapan. Dahan-dahan kong itinaas ang aking paningin. Malamig niya akong tinitigan. "Tiyak akong, pinagtatawanan mo din ako," sambit ko sa aking isipan. "Patawad, hindi ko po sinasadyang mabangga ka," nakayukong saad ko. Hinintay ko siyang magsalita, ngunit kahit isang letra lang ay walang lumabas sa kanyang bibig. "Patawad po, ulit." Nagawa kong humakbang, ngunit hindi ko inaasahan ang kanyang ginawa. Hinawakan niya ang aking kamay. Ramdam ko ang init nito. Tila'y may gustong sabihin. "May sulosyon ako sa problema mo, kung papayag ka. Ililigtas ko ang kapatid mo, sa isang kondisyon." Malamig pa rin ang kanyang boses, ganun din ang kanyang mata. Kumabog ang aking dibdib. Tila'y naguguluhan at may halong tuwa. Totoo kaya ang kanyang sinasabi, paano naman niya ako matutulungan. Paano niya rin nalaman ang sitwasyon ng aking kapatid? "Ano ba ang pi-pinagsasabi sa-sabi mo?" putol-putol na salitang lumabas sa aking bibig. Hindi kasi ako makapaniwala sa kanyang sinambit. "Pag-usapan natin ang lahat, ngunit ayaw ko rito sa lugar na ito. Nais kong ikaw lamang ang makakaalam sa pag-uusapan nating dalawa, at hindi ito pwedeng marinig ng iba, maliwanag?" Mahina subalit madiin ang boses. Napalunok laway ako, pinunasan ko ang aking luha gamit ang aking kamay. Suminghap siya at ibinigay sa akin ang isang maliit na tuwalya. Nahihiya akong tanggapin ito sa kanya. Subalit, sa kanyang itsura ay hindi siya pumapayag na hindi ko ito tanggapin. Kaya, kinuha ko na lamang at nagpasalamat. Ginamit ko ito, tila'y may kung anong dumampi sa aking dibdib. Gumaan ang aking pakiramdam. Kalaunan, niyaya niya akong sumakay sa kanyang sasakyan. Subalit, nakaramdam ako nang takot baka kung ano ang gawin niya sa akin. Iniling ko ang aking ulo sabay yuko. "Kung ganun, hindi ka ba sanay? Ayos lang, maglalakad-lakad na lang tayo. Huwag kang matakot, wala din naman akong gagawin sayo, isa pa hindi ako interesado sa katawan mo. Kaya, huwag mo sanang isipin na may masama akong gagawin." Tanging tango ang aking pagsagot. Ngayon, naglakad-lakad nga kami. Ramdam ko ang malamig at tahimik na paligid. Hinihintay kong magsalita siya, dahil siya naman ang may gustong sabihin sa akin. "Ngunit, kung hihintayin ko pa siya kailan ba kami mag-uusap? Bakit ba naman kasi, ang tahimik niya. Kanina lang, natuto naman siya magsalita. Tapos ngayon, wala na naman akong marinig sa kanya," sambit ko sa aking isipin habang napapangiwi na lamang ako. Napapa-isip pa rin ako sa kapatid ko. Hindi ko nagawang magpaalam kanina. Kaya, dapat pala tapusin ko na agad ang dapat naming pag-usapan. "Oo nga pala, ano na ang pag-uusapan natin?" tanong ko, upang masira ang katahimikan na ito. "Simple lang naman ang gusto ko." "Ano ba 'yon?" pagtataka ko. "Pakasalan mo ako, at ibibigay ko ang lahat ng gastusin para sa kapatid mo. Susuportahan din kita." Napahinto ako sa paglalakad, parang umatras ang aking dila, kasabay ng paghinto ng oras. Ano ang pinagsasabi niya, kasal? Hindi laro ang pagpapakasal, malaki din ang ibig sabihin nito. Ano ba ang akala niya sa akin papayag? Kung ganun, ano ang mangyayari? Kapag hindi din ako pumayag, tiyak na hindi magagamot ang kapatid ko. Ito lamang ang pwedeng maging sulosyon ko ngayon. Ngunit, paano ko haharapin ang lahat? "Ano? Papayag ka ba o hindi? Ngayon ko lang sasabihin 'to, ngayon lang din ako nakipag-usap nang ganito. Kung tatangihan mo pa ang inaalok ko, baka hindi mo na ako makita pa. Kaya, ngayon pa lang ibigay mo na sa akin ang sagot mo." Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Hindi ko alam, kung anong salita ang dapat maunang lumabas sa aking labi. Naghahalo ang aking pakiramdam, gumugulo na rin ang aking isipan. Papayag nga ba talaga ako??? Ano ang mangyayari, kung magiging asawa ko ang lalaking hindi ko naman mahal???"Ayos lang, kung ayaw mo. Aalis na ako," sabay talikod niya sa akin. "Saglit lang, sige, sige, papayag na ako. Basta tutuhanin mo ang sinabi mo. Ikaw ang magbayad sa lahat ng gastusin dito sa hospital. Tuparin mo rin ang sinabi mo na susuportahan mo ako, para masuportahan ko rin ang kapatid ko.""Maliwanag sa akin ang lahat. Mula bukas, ipapalipat ko ang kapatid mo sa mga maling na manggagamot. At mula rin bukas, sa akin ka na uuwi.""Ha? Ano? Sayo, ako? Uuwi???" sabay turo ko sa aking sarili. Parang wala naman ito sa usapan namin kanina, kaya ano ang pinagsasabi niyang sa kanya ako uuwi? Ano ba ang tinutukoy niya?"Sandali lang, wala naman 'yan sa usapan, ehh.""Hindi, hindi pwede, isang bahay lang ang dapat tinitirahan ng mag-asawa. Kung ayaw mo, huwag na lang natin ituloy pa.""Ha? Gusto ko, gusto ko, papayag ako. Basta, hi-hindi tayo pwedeng magkatabi sa pag-pagtulog.""Kung 'yan ang nais mo.""Talaga? Papayag ka? Kung ganun, 'yan na ang napag-usapan, ahh. Dapat wala nang ibang m
Lumapit siya sa akin, dahilan na magkalapit ang aming mga mukha. Kulang na lang, maghalikan na kaming dalawa. Napalunok laway naman ako. May kung anong hinawakan siya sa bewang ko. "Huwag kang mag-alala. Hindi ka pa sanay sumakay sa ganitong sasakyan?" May kung anong tali ang inayos niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ito, dahil ngayon lang din naman ako naka-sakay rito."Oum, pasensya na. Hindi ako sanay sa ganito, kaya nga gusto ko na lang maglakad." Suminghap siya at umayos sa kanyang kinauupuan. Kalaunan, may kung anong bagay ang ginalaw niya rito sa loob ng sasakyan. Nagbigay nang gulat sa akin, ang biglang tunog ng sasakyan. Ano ba naman 'to, ano ba ang nangyayari? Parang may ubo ang sasakyan na ito. Nanlaki ang aking paningin, sabay yakap sa aking sarili, nang biglang umandar ito. Dahil sa takot na aking nadarama, napapikit mata na lamang ako. Sabay dalangin na sana'y maging maayos ang lahat.Naramdaman ko ang kanyang pagngisi. Ang galing naman niya, natutuwa pa siyang natat
Matapos akong pumirma, ibinalik ko agad sa kanya. Maya-maya pa, umalis siya ulit. Hindi siya nagpaalam kung saan siya pupunta. Pero, ayos lang naman para sa akin. Dahil, sino nga ba ako? Asawa lang naman niya sa papel. Hindi bale na nga, kailangan kong isipin ngayon ang kapatid ko. Sana ay tuluyan na siyang magising. Ilang oras akong nagkulong dito sa loob. Naisipan kong bumaba, may masarap akong nalanghap. Hindi ko alam kung saan galing ito, kaya sinundan ko na lamang hanggang sa na punta ako sa kusina. Nadatnan ko si Stephen, na nagluluto. Ang ganda ng tindig ng katawan niya. "Mabuti naman, naisipan mo pang lumabas sa kwarto. Tama lang, tapos na akong magluto." "Ahm, diba dapat ako ang nagluluto kasi ako ang babae?" "Hindi ko kailangan maghintay na may magluto. Isa pa, babae man o hindi, kung marunong ka magluto gawin na lang. Hindi ako umaasa sa iba, taandaan mo 'yan." "Ibig sabihin ba, hindi ka rin umaasa na magiging matagumpay ang lahat ng mga plano mo?" Dahil sa sinabi ko,
SHIENA POV. Hindi ko magawang lumabas ng kwarto. Nababahala akong kainin ako ng malaking aso. Mabuti na lamang at may ibinilin na pagkain si Stephen, dito sa loob. Ilang oras na rin pala, wala pa rin siya. 10:25 pm na, asan na kaya siya ngayon. Nakakatakot pa naman rito lalo na at ang tahimik pa. Sana umuwi na siya, hindi naman ako nag-aalala sa kanya. Ano siya senewerte. Sa gitna ng katahimikan bigla kong naalala ang lahat ng mga sinabi sa akin ni, Alex. "Tsk! Ano ka ba! Wala ka na bang ibang malapitan? Kundi ako! Shiena! Mula nang dumating ka sa buhay ko, naging malas na lahat! Alam mo, wala kang kwenta ehh, kaya hindi mo maililigtas ang kapatid mo! Maghiram ka sa iba, pero sa akin huwag na huwag mo nang uulitin pa!" napakupot ang aking labi. "Teka lang, Alex, pakiusap naman. Wala na akong ibang malapitan, pakiusap, Alex," sabay hagulhol ko sa pag-iyak. Hindi ko mapigilan ang mga butil ng luha na tumutulo sa aking mga mata. "Walang hiya! Huwag mo nga akong kapitan!" Kasab
SHIENA POV. Ewan ko sa aking sarili. Matapos ang nangyari sa amin ni, Stephen, tila ba'y gusto ko siyang palaging nakikita at nakakasama. Pananabik ang tanging nararamdaman ko ngayon para sa kanya. Ngunit, may kakaiba rin akong naalala sa pagkatao niya. Kung hindi ako nagkakamali, nakikita ko sa kanya ang aking ninong. Ang ninong kong nangako sa aking ama na hindi niya kami pababayaan. Ngunit, bigla niya kaming iniwan ng aking kapatid. Dahilan ng aming paghihiram at paglubha ng sakit ng aking kapatid. Galit ako sa ninong ko, sa buong buhay ko ayaw ko na siynag makita pa. Kahit, nakaraan na ang lahat ng iyon. Bakat at nakaukit pa rin sa aking dibdib ang sobrang sakit. Sobrang sakit na ginawa niya. Kinakamuhian ko siya, sana nga wala na siya, sana namatay na lng siya, hindi ang Daddy ko. Bakit kasi, inuna pa ni Daddy, ang buhay ng iba kaysa sa amin na pamilya niya. Sana hindi na lang siya nagsundalo kung kapalit nito ang buhay niya. Sa ngayon, ramdam ko pa rin ang lamig, sakit, paghih
"Ate!" Pagkabukas ko ng pintuan ito agad ang bumungad sa akin. Malakas na sigaw ng aking kapatid. Sobrang masaya akong madatnan na gising na siya. Agad akong lumapit sa kanya sabay yakap."Gising na gising na nga talaga ng pinakamabait kong kapatid.""Opo ate, at maayos na rin po ako ngayon, pakiramdam ko po ahmm magaan na po ang lahat. Kaya ko na rin po maglakad lakad, ate maraming salamat. Kasi, ginawa mo ang lahat para sa akin. Hindi ka po napagod para maghanap ng pera at asikasuhin ako. Akala ko ok talaga, mamamatay na po ako dahil sobrang lala na ng sakit ko. Pero, ngayon muli ko na naman masasaksiyahan ang kagandahan ng mundo at ang magandang ate ko." Sabay ngiti niya. "Ikaw talaga, pinapakaba mo talaga ang ate mo. Pero ngayon, sobrang saya na ng ate. Makakasama na rin ang cute na cute na kapatid.""Ehem." Buong boses ni, Stephen."Huh? Ate, sino naman po siya?" Pagtatakang tanong ng kapatid ko sabay lingon kay, Stephen. "Ahmm, basta huwag ka na lang magtanong okay? Basta, siy
Ano na ang ipapaliwanag ko ngayon sa kapatid ko, ito kasi si, Stephen ehh sumakay pa sa kalokohan. AHM, BAKIT BA NAMAN NGAYON HINDI SIYA MAKAPAGSALITA EHH KANINA LANG SINGIT KA NANG SINGIT, AHH. Dapat ko bang sabihin ang lahat sa kapatid ko. Ano na lang ang iisipin niya tungkol sa akin, lalo na at nagpakilala na si Stephen na asawa ko siya. Kung sasabihin ko sa kapatid ko na ang lahat ng ito ay dahil lang sa pera para panggamot niya, ano na lang ang maramdaman niya sa akin. Ayaw ko sa lahat ang maging masama ang loob niya sa akin. "Ahmm, basta. Sa ngayon kailangan mo pang magpahinga, okay? Kaya dapat magpalakas ka, ayaw ni ate na may mangyaring masama sa kapatid niya. Kaya, makinig ka Kay ate, okay? At ang boyfriend boyfriend na iyan, huwag mo na muna isingit sa buhay mo. Makinig ahh, dahil malalagot ko talaga ang lalaking magtatangkang lumapit sayo." Seryoso kong tugon."Ate naman ehh, paano kung tumibok ang puso ko tapos napamahal ako? Ano ang gagawin ko, pipigilan ko na lang ba at
SHIENA POV. WOW, ANONG KLASENG LUGAR NAMAN KAYA ITO. BAKIT PARANG ANG LAKI NITO. AMG LAWAK PA AT KUMIKINANG. Halos mapanganga ako sa aking nakikita, tila'y lumiliwanag ang aking mga mata. Napapatanong din ako sa aking sarili kung bakit niya ako pinunta rito sa ganitong lugar. Hindi ko naman alam kung ano ang tawag nila dito. Hindi ko maiwasan ang napalingon kahit saan. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit, kakaiba ang tingin sa akin ng iba. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila pero, ang sasama ng tingin nila sa akin. "Who's that?""Sino kaya ang kasama ni sir?""Girlfriend???""Ew, girl anong girlfriend pinagsasabi mo diyan? Tingnan niyo ngang mabuti, halos malaki pa yata ang agwat nilang dalawa. Isa pa, ang itsura niya tiyak na mas matatanggap bilang isang taga linis ng dumi."Mga bulong bulongan ng mga babaeng na ang mukha ay parang mga clown. Hinayaan ko na lamang sila at hindi na pinansin pa. Dahil, wala naman akong ka-interest para pagtuunan pa sila nang pansin. Wal
"What happened? For this simple mission, hindi niyo na gawa! Ano na lang ang gagawin natin kung sakaling hindi na magising si Mayor! Ano ba naman kayo! Ang sabi ko matulungan kayo, pero anong ginawa niyo??? Paano natin ipapaliwanag ang lahat nang pangyayari sa mga tao! Alam natin na maraming naghihintay kay Mayor! Sino na ang bahala ngayon sa mga tao??? Walang hiya!" Kanina pa galit si, General.Wala akong magagawa dahil nangyari na. Isa pa, nasa malayo ang iniisip ko ngayon. Kailangan kong maka-uwi, sa lalong madaling panahon. Dahil, habang nandito ako, hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon kay, Shiena. Just like what I said, she's my responsibility. Kapag may mangyaring masama sa kaniya nasa akin ang sisi. Kanina pa sermon nang sermon si, General. Kulang na lang ako naman ang sumigaw rito, dahil ang ingay ng bibig niya. Magiging maayos naman talaga ang mission, kung hindi niya pinadala ang pahamak na inaanak niyang si, Zack. Walang kwenta dahil gumalaw siya nang wala sa plano
STEPHEN POV.Kasama ko ngayon sa tabi ko si Mayor, Lim. Narito rin ang hari ng sendikatong binabantayan namin. Walang mali sa kinikilos ng taong 'to, malinis siyang gumalaw. Ngunit, kahit na ganito ay hindi kami naging kampante. Patuloy pa rin na nagbabantay ang mga kasamahan ko. By the way, normal lang naman ang kasuotan namin. Kaya, hindi kami makikilala nito. "Hi ninong..." Boses ng bata. Nang nilingon ko kung sino, ang inaanak ko pala. Medyo malaki na rin ang batang 'to. "Ninong, where is my gift po?" Nagpa-cute pa talaga ang batang 'to."Later baby, darating ang gift mo, okay?" Nakangiting sambit ko naman sabay himas sa kaniyang buhok. Natutuwa naman siya sa ginawa ko. Masayahin talaga ang batang 'to, kahit matagal na kaming hindi nagkita parang hindi pa rin naman nagbago ang ugali niya."Hahah, pasensya ka na, Stephen. Sadyang pasaway pa rin talaga ang inaanak mo." Natatawang boses ni, Mayor."Ang ganda ng anak mo," nakangiting singit naman ni Haring sendikato. Ikinatuwa naman
Marahan akong naglakad patungo sa itaas. Oo nga pala, tatlo ang kwarto rito at malaki parang bahay na rin ito. Mabuti na nga lang at nagbigay ng ganitong condo si Stephen sa kapatid ko. Dahil kung wala baka saan na kami pupulutin ngayon. Aga akong napahilata sa kama. Nang ipikit ko ang aking mata, biglang pumasok sa isipan ko si, Stephen. Naalala ko ang lahat kung paano niya ako tratuhin."Ayos lang, kung ayaw mo. Aalis na ako.""Saglit lang, sige, sige, papayag na ako. Basta tutuhanin mo ang sinabi mo. Ikaw ang magbayad sa lahat ng gastusin dito sa hospital. Tuparin mo rin ang sinabi mo na susuportahan mo ako, para masuportahan ko rin ang kapatid ko.""Maliwanag sa akin ang lahat. Mula bukas, ipapalipat ko ang kapatid mo sa mga maling na manggagamot. At mula rin bukas, sa akin ka na uuwi.""Ha? Ano? Sayo, ako? Uuwi???" sabay turo ko sa aking sarili. "Sandali lang, wala naman 'yan sa usapan, ehh.""Hindi, hindi pwede, isang bahay lang ang dapat tinitirahan ng mag-asawa. Kung ayaw mo,
"Ano sabihin mo na kasi, dali na. Akala ko ba sasagutin mo ang mga tanong ko, kaya gawin mo na kasi." Pangungulit ko pa."Ano, Sabihin mo na ang tagal tagal naman ehh.""Fine, oo na, oo na. Ang ingay ingay mo na nga kulit kulit mo pa.""Ehh, ikaw naman kasi. Dali na, sabihin mo na, ikaw ba huh?""Oo na, oo na, fine, ako nga." Ikinagulat ko naman ito."Ibig sabihin, señorito din kita???" Pagtataka ko."Hindi, ano ka ba.""Ahh, Akala ko kasi señorito din kita. Mayaman ka pala? Sabi nila mayayaman daw ang taong tinatawag ng ganyan ehh. Isa pa, ano naman ginagawa mo dito? Tapos diyan pa sa ibaba, paano na lang kung na lunod ka, magiging kasalanan ko pa dahil ako lang kasama mo dito???""What? Hahah, kid, huwag ka nga mag-isip ng ganyan. Hindi din ako malulunod, alam kong lumangoy. Isa pa, huwag ka na nga madaming tanong, aalis na ako." Tumalikod siya sa akin, ngunit pumasok sa isipan ko kung saan siya matutulog mamayang gabi. Halata naman na tumakas lang siya sa kanila. "Teka lang!" Siga
"Hey, lumilingon ka pa, tumingin ka nga rito sa ibaba mo." Tumingin naman ako, laking gulat ko na lang na makita ulit ang lalake kanina lanh sa elevator, na nandito na naka-upo sa isang bato. ANO BA ANG GINAGAWA MO MUKHA KANG BALIW."Hoy! Ano ginagawa mo diyan??? Baliw ka bakit naman andiyan ka?""Baliw na ba agad? Tsk! Ikaw bakit ka ba nandito? Sinusundan mo ba ang gwapong tulad ko, huh???""Ang hambog mo naman, akala mo naman gwapo ka talaga? Bakit ko naman susundan ang panget???" "Ayy, aba ang talas naman ng dila mo pandak!""Kahit pandak ako, cute pa rin ako! Ehh, ikaw??? Saan banda ka ba naging cute??""Bakit ba pumunta ka pa dito, ang ingay ingay mo...""Hindi naman ako magiging maingay kung hindi mo ako inunahan. Kaya, huwag ka na lang magreklamo, total ikaw naman ang may kasalanan.""Anong ako? Ako pa talaga? Sino ba sa ating dalawa ang bigla na lang sumusulpot at sisigaw pa na mukhang tanga..." "Hinsi ako tanga noh! Nilalabas ko lang naman ang sakit ng puso ko! Kung sa baga
Dalawa lang kami ang naririto sa elevator, nakapagtataka siya dahil wala siyang imik. Ayaw ba niya sa akin? Hindi bale na nga lang, hindi naman ako interesado sa kanya. Pero, nakakakilabot siya, siguro masamang tao siya? Hindi ko man batid, subalit nakaramdam na lang ako ng panginginig. 'KAILANGAN KONG MAKA-ALIS DITO AGAD, DALAWA LANG KAMI EHH, BAKA MAMAYA KUNG ANO ANG GAWIN NIYA SA AKIN. HINDI PA AKO HANDANG MAMATAY, PAKIUSAP BUMUKAS KA NA ELEVATOR.' Tanging sambit ko sa aking isipan, habang mahigpit na nakahawak sa aking damit at napatingin lang sa pintuan ng elevator. Maya-maya pa, naramdaman ko ang titig niya sa akin. Hindi ko naman siya nilingon pero ramdam ko na malalim ang mga mata niya. HUHUHU, PLEASE, PANGINOON TULUYAN NIYO PO AKO. TULUNGAN NIYO PO AKONG MAKALABAS DITO NG BUHAY. "Hey, what are you doing miss?" Bigla akong natigilan. Ang lalim ng boses niya. HALA! BAKA MAMAYA KAININ NIYA AKO! AYAW KO! AYAW KO! AYAW KO! "Are you crazy????" Dagdag pa niya, dahilan na napatingi
Magkasama kami ngayon sa hapag kainan. Mukhang hindi na yata ako na sanay sa tahimik ngayon. Paano ba naman kasi, maingay si Browy, sa tuwing bumababa ako noon galing sa kwarto ko. Siguro nga inaabangan niya ako palagi, pero ngayon wala na siya. Hindi ko na yata siya makikita palagi. Pero, sana lang magkita pa kami, kahit medyo masungit siya katulad ng amo niyang si, Stephen. AY OO NGA PALA NOH, ASAN NA KAYA SIYA SA MGA ORAS NA ITO. SANA MAAYOS LANG ANG LAGAY NIYA."Ate.... Anong ginagawa ko ate? Kanina ka pa po nag kukutsara diyan pero hindi ka naman po kumakain. Ayaw mo po ba sa luto ko?" Nagbago ang kanyang itsura na nalulungkot siya."Huh? Syempre masarap. Palaging masarap ang luto ng kapatid ko.""Ehh, ate, parang ang lalim po kasi, nang iniisip mo.""Ahh, wala 'to. Naaalala ko lang ang kuya Stephen mo.""Oii... Ate, miss si kuya.""Ano??? Wala akong sinabi ahh, tumigil ka nga, Lina.""Bakit naman ate, normal lang naman 'yan kasi asawa mo siya." Napatigil naman ako. Siguro nga no
Nasa unahan ako nang lahat, habang lumalakad kami papasok. Nang tuluyan kaming naka-pasok ay lahat ng mga tauhan rito ay sumalubong, tumayo ng tuwid at sumaludo sa amin. "Sir, kailangan niyo na pong magpahinga dahil bukas po mismo ang itinakdang araw para kumilos rito sa lugar." Seryosong tugon ng isang sundalo habang nakasalufo sa amin."Mabuti naman kung ganun. Dalhin niyo ako sa kwarto ko." Hambog na sambit ni, Zack. "Ok sir, this way sir." Tsk! Bago pa siya umalis, binigyan pa ako nang masamang tingin. Mas mabuti nga mawala ka na sa paningin ko. "Sir, dito naman po tayo." Boses galing sa likuran ko at familiar ito sa akin. Tiningnan ko kung sino ang biglang sumingit. "Renz, your here???" Pagtataka ko."Yes, I'm here, kuya."Humakbang ako papalapit sa kanya."Kaya mo na bata?" Seryoso kong boses." Ang tapang mo Renz, baguhan ka lang tapos sumabak ka agad sa ganitong mission. Don't worry Stephen, halata naman na kaya niya. Sa tindig pa lang ng batang 'to, maayos na hindi lang '
"Ano wala ka bang balak para magsalita diyan? Tsk! Pwede ba, hindi ka naman astig. Kaya, huwa ka ngang magpanggap diyan. Palagio na lang ako nilalamangan sa mata ng Ninong ko. Alam mo bang, nakakasawa ka. Kung hindi ka lang Colonel, hindi sana kita ngayon binibigyan ng galang." Dagdag pa niya, ngunit hindi ko ma nagawa pang magsalita. Nagbibigay pala siya nang galang? Paano pa at kailan pa nangyati ang bagay 'yon. Tsk! Hambog talaga, kung hind ka lang din inaanak ni Generel. Noon pa sana, nasa mas mababang position ka ngayon. "Ano hindi ka talaha magsalita!" Sigaw pa niya, sabay tayo niya. Ngunit, malamig na paningin ko lamang ang ibinigay ko sa kanya. Wala din naman akong oras para makipagtalo, sasakit lang ang ulo ko. Napansin kong, akmang lalapit na ang mga tauhan ko. Ngunit, itinaas ko ang kamay ko na ang ibig sabihin ay umatras. Hindi sila pwedeng mange-alam sa kung anong problema pa ang dumating sa akin. Baka dumagdag lang din sila. Agad naman sila sumaludo sa akin at bumalik