Chapter forty sevenJAMIEYung mga litrato na itinabi namin ni Lance galing sa lumang bahay ay nilagay namin sa isang lalagyan, may mga nakita pa akong gamit dito, ayaw ko na sana kunin kaso parang may nag uudyok sa akin na kunin ang mga iyon, ang mga ala-ala noong kasla namin kagaya ng souvenir at kung ano ano pa, nakagilid lang sila at nakalagay sa paper bag.Hindi alam ni Lance na dinala ko ang mga bagay na iyon pauwi, nagpaalam na kami sa land lady kase naman nagiging emosyonal na ako sa loob ng bahay maski si Lance, naging seryoso ang usapan namin ng ilang minuto na para bang yun talaga ang gusto naming pag usapan noon pa, kaso nga lang hindi namin magawang makapag usap ng kagaya kanina.Sobrang seryoso ng usapan namin na para bang kahapon lang nangyari ang lahat, ang dami ng kaganapan at ang dami na ring nagbago.Nananahimik tuloy kaming dalawa habang nasa sasakyan, kase naman kanina hindi ko na napigilan mapaiyak na parang kahapon lang at kanina ang mga nangyari.“Ayos ka lang?
Chapter forty eightJAMIEParang iba ang kutob ko sa mga nangyayari, kase naman si Grace halata namang galit na galit kay Lance lalo at umasa ito. Huwag lang niya ako idamay dahil wala naman akong pakealam sa kaniya, hindi ko pinapakealaman ang buhay niya, ang tungkol naman sa annulment pwede naman namin iyon ituloy ipipilit na lang namin, bahala na. Si Lance na lang bahala doon kesa naman ako ang mapagbuntunan ni Grace, ayaw ko pumatol sa mga kagaya niyang paranoid, pero mas paranoid ako ngayon lalo kapag dinadamay ang anak ko. Mas matapang talaga ang mga buntis, ngayon ko lang napanutanayan.Nagdahan dahan ako upang hindi mapansin nila Lance, baka kase makita nila ako dito sa malapit, mapagkamalan pang tsismosa, hindi ko naman sinasadyang marinig ang mga usapan nila, kaso sa nakikita at naririnig ko kanina malamang damay nanaman ako, at masisisi nanaman ako ni Grace.Huwag naman sana, ayaw ko ng gulo o away, gusto ko lang ng katahimikan lalo pa at ganito ang lagay ko, ang hirap kaya
Chapter forty nineJAMIEBinabagabag ako ng konsensya ko ngayon, kapag kalmado kana pala tsaka mo marerealize yung nagawa mong mali.Hindi na lang sana ako pumatol kay Grace alam kong magsusumbong siya, alam kong hindi naman ako ang kakampihan, at alam kong mali na nakapanakit ako ng tao.Tumitingin ako sa labas dahil inaabangan ko si Lance kaso wala pa siya, wala pa yung sasakyan niya, napansin ko na may tao sa labas at si Grace yun, halatang naghihintay at nag aabang kay Lance.I’m sure magsusumbong yan, halata naman dahil sa harapan pa siya naghintay. Uunahan na niya ako magsabi sa mga nangyari dito, kasalanan naman niya yun, nauna siya kaso may kasalanan din ako pumatol ako at nanakit.Sakto naman na may bumusina na at alam kong si Lance yun, nagpapahiwatig na buksan ang gate kaso si Grace na ang gumawa nun.Hindi na ako mag aabalang magpaliwanag, hahayaan ko na lang na siya mismo ang kumausap sa akin dahil may nauuna ng magsumbong, anong laban ko diyan? Siya ang mahal niya.Pumas
Chapter fiftyJAMIENaging normal na ang sitwasyon, iniiwasan ko na kase si Grace kesa naman ang makipagtalo pa ako sa kaniya ako nanaman yung makakapanakit, ako nanaman yung masama, mas okay umiwas.Kapag nakikita ko siya umaalis agada ko at lumalayo, para akong takot pero hindi ganun ang nangyayari, alam ko ugali niya nambabaliktad siya kaya iiwasan ko na lang.Check up ko pala ngayon, babalikan daw ako ni Lance after ng meeting niya, maaga kase siyang umalis at alam din naman niyang check up ko ngayon.Naghanda na ako dahil maya maya bubusina na si Lance, dinala ko na rin yung mga records ko at nagdala ng extrang damit baka kase mabasa nanaman likod ko, ang dali kong pagpawisan din.On time din si Lance kaya lumabas na agada ko, nilingon lingon ko pa ang paligid at wala si Grace, hindi ko siya napansin kung lumabas o nasa kwarto.“Bakit para kang kriminal?”“Mainit kase.” Yung itsura ko kase kanina lingon ng lingon tapos ang bilis maglakad.“Nagdala ka sana ng payong.”“Hindi na, m
Chapter fifty oneJAMIEMaski kaarawan ko nakalimutan ko, hindi ko namalayan, oo tanda ko kaarawan ko kaso hindi ko na namalayan na sumapit na.Mas lalong hindi ko inasahan na maaalala pa ng dati kong asawa na kaarawan ko ngayon, akala ko ang mga binili niya kanina ay pasalubong niya sa girlfriend niya, yun pala para sa akin.“Healthy foods lahat yan huwag ka mag alala, maski yung cookies.”Hindi ako makapagsalita, gusto ko umiyak pero pinipigilan ko na lang kase magmumukha lang akong tanga sa harapan ng dati kong asawa.Natural naman talaga sa kaniya ang magregalo, kase birthday ko, tama! Wala namang malisya ito. “Salamat.”Kinuha ko ang mga regalo at inalalayan niya akong bumaba, napansin kong nakatanaw ang mga kasambahay niya sa bintana at nakatingin sa amin.Pinigilan kong ngumiti kase ngiting ngiti sila sa nakita nila.Mabuti na lang teary eye palang ako kanina, tears of joy ba, hindi naman kase ako madalas makatanggap ng ganito sa kaarawan ko.Pagpasok ko. “Happy birthday!” siga
Chapter fifty twoJAMIEAko na hindi makamove on kanina sa birthday ko kanina kaya hindi ako makatulog, napapatingin ako sa bulaklak na niregalo sa akin ni Lance.Binibigyan naman niya ako nang mga ganiyan noon kaso kapag may sapat na budget, ang mahal kase ng mga bouquet, parang ilang araw na sahod ko yun noon.Pero ngayon kahit ilan png bulaklak ang ibigay niya ayos lang nakakatuwa lag kase naalala niy ako, inalala pala, ako kase wala na akong pakesa mga birthday birthday nay an, nililipas ko na lang, kung may babati man sa akin edi thank you, kung wala naman salamat pa rin kase malusog at nakaabot pa ako sa birthday ko ganun lang.Ngayon lang ako ulit naging masama.Narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Lance.Napabangon ako sa kama ko, mukhang kasama na niya si Grace, meaning kase ng busina niya buksan ang pinto, palagi naman may nakaabang kapag paparating si Lance tinatawagan niya ang mga kasambahay niya bago siya pumasok dito sa compound.Nacurious ako bigla, ewan basta gusto
Chapter fifty threeJAMIEBasta kapag kakatapos kong umiyak nagiging okay na ako, pero kapag naaalala ko nanaman ang sitwasyon ko ganun nanaman malungkot nanaman.Ibang iba talaga nararamdaman ng buntis napakasensitive, hindi naman kase ako ganito noon kaya babawi ako kapag nakapanganak ako, babawi ako sa sarili ko, iiwas talaga ako sa mga malulungkot.“Gusto mo bang sumama?” tanong sa akin ni Lance.“Saan?”“Birthday nang kumapare ko, alam ko kilala mo siya si Jun gusto kong dalawin.”“Paano si Grace?”“Masama daw pakiramdam niya, hindi naman siya madalas sumama sa akin.”Kilala ko nga yung tinutukoy niya kaso naiilang ako bakit ako ang isasama niya at hindi si Grace? Naaawa naman ako sa kaniya naghahanap ng kasama.“Sige sasama ako.”“Matagal na rin simula nang huli naming pagkikita I think ilang taon na din, puro chat lang kami sa tingin ko naman makikilala ka pa niya.”“Kilala ko rin naman siya kaso hindi ko gaanong kaclose lalo pa at hindi naman ako mahilig sa social media.” Suma
Chapter fifty fourLANCEAko yung mali dito.Ako yung masama.Pero hindi ko kase alam kung ano at sino ang uunahin ko, ang nararamdaman ko ba? O ang nararamdaman ng iba?Nalilito na ako, alam kong may masasaktan ako kapag pinili ko ang sarili ko, nakokonsensya ako dahil ako naman talaga ang pulot dulo nito.Simula nang dumating dito sa bahay si Janie naobserbahan ko ang aking sarili kung ano ba talaga at sino ba talaga ang gusto ko.Wala namang perpektong relasyon, maski kami ni Grace nag aaway din kahit noon pang hindi pa tumitira dito si Jamie, hindi ko maiwasang maikumpara ang dati kong asawa sa kaniya, mas malala talaga ang ugali ni Grace kesa kay Jamie, dahil mahal ko siya tinanggap ko.Kaso nga lang mas palala ng palala ang ginagawa niya ngayon, tinitiis ko lang dahil kasalanan ko rin naman, ako naman talaga ang dapat sisihin dito.Lahat at bawat galaw ko ipinapaalam ko kay Grace, siya nga itong madalang magsabi sa akin kung nasaan siya, kung sino ang kasama niya, ganiyan na siy
EpilogueJAMIEHindi na takot ang nararamdaman ko ngayon kung hindi kaba, anong pinaplano ni Lance at gusto niya akong ilayo muna?Bakit? ano naman kaya ang gagawin niya? yan ang nasa isip ko kanina pa, ang dami kong katanungan pero hindi niya masagot ng maayos, basta basta na lang siya nagplaplano pero may tiwala naman ako sa kaniya, hindi naman niya ako ipapahamak.Nasa ospital kami ngayon at nagtatago, tinago kami dito ni Lance at pinakiusapan ang doktor, ibubuko niya daw si Grace yun ang sabi niya sa akin kanina.Kinakabahan ako dahil baka kung anong mangyari sa kaniya, nababaliw pa man din ang babaeng iyon.“Tara na, okay na yung sasakyan ko dadalhin nakita sa dati mong tinitirahan.”“Sige.” Sabi ko kay Arthur.Binilin siya ni Lance na dalhin ako doon, nagpaalam na din kami sa doktor ko dahil dito kami nagtago sa opisina niya, nakakahiya nga eh kaso si Lance na ang nakiusap.Hindi nawawala sa isipan ko si Lance, inaalala ko siya dahil baka gawan siya ng masama ni Grace, hays kinak
Chapter seventy sevenLANCESaktong pagdating ni Grace sinagawa na namin ang plano, lahat ng nasa bahay alam ang mangyayari at may tiwala ako sa kanila na hindi nila sasabihin ito kay Grace.Sinugod namin kunwari si Jamie sa ospital, inalalayan naman namin ni Arthursi Jamie papunta sa sasakyan ko.“Deretso tayo sa ospital.” Sabi ko, tatlo lang kami na pupuntang ospital.“Baka sumunod siya?”“Oo susunod talaga yan kaya kailangan natin magmadali.”“Anong plano mo?”“Papalabasin natin na nakunan si Jamie, hindi ka pwedeng makita ni Grace.”“Huh? Paano kung puntahan niya ako?”“Ako na bahala, basta dederetso tayo ngayon sa ospital at pagdating ni Grace dalhin mo si Jamie sa dati niyang tinutuluyan, doon muna siya, babalikan ko siya bukas.” Paliwanag ko.“Paano ka? Anong gagawin mo?” pag aalala ni Jamie sa akin.“Ako na bahala kay Grace, kailanan ko siyang mabisto sa personal upang wala na siyang maidahilan.”“Sige.”Alam kong susunod si Grace sa amin kaya dumiretso muna kami sa ospital, si
Chapter seventy sixLANCEMuntik na akong maniwala sa pagbabago niya.Oo aaminin ko gusto ko pa sana siyang bigyan ng chance dahil nakikita ko yung pagpupursigi niyang tumulong at magbago, pero mali pala, hindi pala lahat ng pinapakita niya ay totoo.May masama pala siyang binabalak kaya siya nagbago, ang akala ko pa naman totoo na at ginagawa niya iyon para sa amin para sa relasyon namin kaso iba ang balak niya.Napakasakit para sa akin ng ipaalam iyon ni Jamie, wala akong ibang pinagdududahan maliban sa kaniya dahil siya lang naman ang may ayaw kay Jamie at sa anak ko dito, ang mga ibang kasama namin sa bahay ay wala namang galit sa mag ina ko.Hindi ko malaman ang gagawin at magiging desisyon ko pero sa ngayon? galit ang nararamdaman ko para sa kaniya, dinamay niya ang baby ko na walang kamalay malay.Hindi ko siya mapapatawad, ang kailangan kong gawin ngayon ay ang mahuli siya sa akto, yung mismong malalaman ko na siya nga ang may dala ng gamot na iyon sa bahay.Iniisip ko kung pa
Chapter seventy fiveJAMIEHindi ko pa sinasabi kay Lance tungkol sa hinala ko, ayaw kong magkagulo agad ng walang malakas na proweba at matinding basehan sa mga binibintang ko.Hinihintay kong umalis si Lance lalo na si Grace, kaso si Lance lang ang umalis at pumunta sa kompanya itong si Grace naman naiwan sa bahay, hindi ako nagpahalata sa kaniya na aalis ako dahil baka sumama sa akin.“Pakisabi kasama ko kaibigan ko kapag hinanap ako ni Grace.”“Opo maam, pero saan po kayo pupunta?”“Ah eh kasama ko kaibigan ko, diyan lang kami sa fast food, ngayon lang kase kami ulit magkikita.”“Ah ganun po ba maam ako na po kukuha ng masasakyan niyo.”“Salamat.”Hindi pa lumalabas ng kwarto si Grace kailangan kong magmadali baka makita niya ako, dala ko ang gamot na nakuha ko sa sahig ng kusina, ipapakita ko ito sa doktor.Grabe ang kaba ko habang palabas ng bahay, kase baka makita ako ni Grace at sumama sa akin, kailangan kong malaman kung anong gamot ba ito kaya pupuntahan ko ang doktor ko upa
Chapter seventy fourJAMIEHindi maganda ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw, hindi ko malaman kung bakit, maski ako nagtataka, sinusunod ko naman mga bilin ng doktor sa akin, naiinom ko naman sa oras ang mga gamot ko na nireseta sa akin.Mga vitamins namin ni baby iyon at maganda sa katawan, nakailang take na nga ako, yung sa pagkain naman namin iisa lang ang kinakain naming lahat, wala namang kakaiba sa pagkain ko, kung ano ang kainin ko yun din naman ang kinakain nila maski prutas.Kaya nagtataka ako bakit ang hina ng katawan ko nitong mga nakaraang linggo, pinipilit ko na lamang minsan magkikilos para hindi nila ako asikasuhin ayaw ko talaga kase magpaasikaso sa kanila dito nahihiya ako.Gusto ko ako yung makatulong sa kanila dahil libre na ako sa lahat dito kaso umiiba pakiramdam ko, nadala na ako noon sa ospital ni Grace tapos nitong nakaraan si Lance naman at ngayon umiiba nanaman pakiramdam ko.Noong hindi ko na kinaya dinala na ako ni Lance sa ospital, kinausap ako ng
Chapter seventy threeGRACEAng aga ko pang nagising para maobserbahan si Jamie, magtatanghalian na hindi pa sumasakit ang tiyan niya, hindi pa siya sinusugod sa ospital.Paano nangyari yun?Kase noong mga araw na nilalagyan ko ng gamot yung ulam namin mga ilang minuto pa lang sumasakit na ang kaniyang tiyan.Baka hindi na sumasakit dahil wala na yung bata sa tiyan niya?Hindi ako mapakali, hindi ko malaman kung anong lagay ni Jamie, hindi sa concern ah kung hindi dahil kailangan nasa ospital na siya ngayon at umiiyak.Kaso patawa tawa pa siya doon sa loob ng kitchen, bakit ganun? Mabisa naman yung gamot na iyon ilang araw ng ana nadadala sa ospital si Jamie tapos ngayong huli ng lagay ko wala ng epekto sa kaniya? Imposible.“Sumakit nanaman tiyan ko, nakaraang linggo ganito nanaman eh.”“Ako naman hindi.”Rinig kong usapan ng mga kasambahay. Ganiyan din ang epekto noong naglagay ako kaso iisa lang ang nagtae ngayon mukhang naimmune na ata ang iba o baka hindi sila kumain ng niluto ko
Chapter seventy twoGRACENapakadali nilang pasakayin, hindi ko alam kung tanga ba sila o ano, hindi ba nila pansin na nagpapanggap lang ako? Hindi naman nila ako tinatanong o sinisita, mas lalo si Lance hindi niya ako tinatanong kung bakit ganito na ang ugali ko, basta ang akala nila dahil sa gamot ko na nireseta ng doktor.Hahaha napakadali nilang utuhin, halata minsan sa kanila ang pagtataka pero ang dali lang pagtakpan, hindi nila namamalayan ang palihim kong balak para sa kanila.Bahala sila magtaka diyan, bahala silang mag isip tungkol sa akin, basta yung plano ko maisagawa ko ayos na iyon.Hindi na nila ako mapagbibintangan.Halos ilang linggo din akong nagpapakatanga sa kanila, nakakasuka nga makisama lalo kay Jamie kung alam lang niya hahaha.Kaso hindi talaga niya mapansin mga ginagawa ko sa kaniya na puro kasinungalingan lamang para maisagawa ang plano ko.Ang totoo niyang balak ko talaga makuha ang loob nila. Lalo na si Jamie na uto uto, or let say magaling din makipagplas
Chapter seventy oneLANCENaninibago ang lahat kay Grace maski naman ako dahil iba ang ikinikilos niya, para sa akin, sana noon pa, kaso ngayon hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko, na parang wala na patutunguhan ang relasyon namin ni Graxe kahit pa magpakabait siya.Alam ko naman kase ang tunay niyang ugali, babalik at babalik siya sa ganung ugali.Hindi ko alam kung epekto ba talaga ng gamot yun o nagpapanggap lang siya, ayaw ko sana na nagpapanggap lang siya o epekto ng gamot ang pinapakita niya dahil parang ang pinapahiwatig nun ay pansamantala lang ang ganung ugali niya.Ayaw ko naman na ganun lalo magkakaanak ako, hindi ko alam kung maganda pa ang ipapakita niyang ugali sa anak ko o hindi, ayaw ko naman ilayo ni Jamie ang anak ko kapag nangyari iyon, ayaw ko magsisi sa huli kaya kailangan kong ayusin lahat ng desisyon ko.Minsan finofocus ko na lang sa trabaho ang sarili ko para mawala sa isip ko ang mga problema dito sa bahay.Pagdating ko sa bahay tulog sila Grace at
Chapter seventyJAMIESa araw araw na lumilipas nagiging okay naman na ang pakikitungo ni Grace sa akin kahit na wala si Lance, hindi na niya ako inuutusan kagaya ng dati, siya pa nga ang nagkukusa sa sarili niya para tulungan ako.Pero iniiwasan ko na siya.Baka kase hindi ako maging aware kapag nadala ako sa pagiging mabait niya sa akin, hindi ko alam kung kailan babalik ang tunay niyang ugali.Mahirap maniwala pero makikisama ako.Kung nginingitian ako, ngingitian ko rin, kung mabait ang pakikitungo sa akin mabait din ang itutungo ko sa kaniya, pero kung pinaplastik niya ako plaplastikan ko din siya.Ayaw ko nga minsan na dalawa lang kami, mabuti nga at nandito ang mga kasambahay nakamasid sa amin palagi, alam naman yan ni Grace.Habang nakatayo ako at naghihiwa bigla akong nakaramdam ng masakit sa tiyan ko, matagal pa naman ang kabuwanan ko pero bakit iba yung sakit?Napahinto ako at nakiramdam, nirerelax ko ang utak ko dahil natataranta ang katawan ko, iba yung sakit ngayon ng ti