Chapter fifty oneJAMIEMaski kaarawan ko nakalimutan ko, hindi ko namalayan, oo tanda ko kaarawan ko kaso hindi ko na namalayan na sumapit na.Mas lalong hindi ko inasahan na maaalala pa ng dati kong asawa na kaarawan ko ngayon, akala ko ang mga binili niya kanina ay pasalubong niya sa girlfriend niya, yun pala para sa akin.“Healthy foods lahat yan huwag ka mag alala, maski yung cookies.”Hindi ako makapagsalita, gusto ko umiyak pero pinipigilan ko na lang kase magmumukha lang akong tanga sa harapan ng dati kong asawa.Natural naman talaga sa kaniya ang magregalo, kase birthday ko, tama! Wala namang malisya ito. “Salamat.”Kinuha ko ang mga regalo at inalalayan niya akong bumaba, napansin kong nakatanaw ang mga kasambahay niya sa bintana at nakatingin sa amin.Pinigilan kong ngumiti kase ngiting ngiti sila sa nakita nila.Mabuti na lang teary eye palang ako kanina, tears of joy ba, hindi naman kase ako madalas makatanggap ng ganito sa kaarawan ko.Pagpasok ko. “Happy birthday!” siga
Chapter fifty twoJAMIEAko na hindi makamove on kanina sa birthday ko kanina kaya hindi ako makatulog, napapatingin ako sa bulaklak na niregalo sa akin ni Lance.Binibigyan naman niya ako nang mga ganiyan noon kaso kapag may sapat na budget, ang mahal kase ng mga bouquet, parang ilang araw na sahod ko yun noon.Pero ngayon kahit ilan png bulaklak ang ibigay niya ayos lang nakakatuwa lag kase naalala niy ako, inalala pala, ako kase wala na akong pakesa mga birthday birthday nay an, nililipas ko na lang, kung may babati man sa akin edi thank you, kung wala naman salamat pa rin kase malusog at nakaabot pa ako sa birthday ko ganun lang.Ngayon lang ako ulit naging masama.Narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Lance.Napabangon ako sa kama ko, mukhang kasama na niya si Grace, meaning kase ng busina niya buksan ang pinto, palagi naman may nakaabang kapag paparating si Lance tinatawagan niya ang mga kasambahay niya bago siya pumasok dito sa compound.Nacurious ako bigla, ewan basta gusto
Chapter fifty threeJAMIEBasta kapag kakatapos kong umiyak nagiging okay na ako, pero kapag naaalala ko nanaman ang sitwasyon ko ganun nanaman malungkot nanaman.Ibang iba talaga nararamdaman ng buntis napakasensitive, hindi naman kase ako ganito noon kaya babawi ako kapag nakapanganak ako, babawi ako sa sarili ko, iiwas talaga ako sa mga malulungkot.“Gusto mo bang sumama?” tanong sa akin ni Lance.“Saan?”“Birthday nang kumapare ko, alam ko kilala mo siya si Jun gusto kong dalawin.”“Paano si Grace?”“Masama daw pakiramdam niya, hindi naman siya madalas sumama sa akin.”Kilala ko nga yung tinutukoy niya kaso naiilang ako bakit ako ang isasama niya at hindi si Grace? Naaawa naman ako sa kaniya naghahanap ng kasama.“Sige sasama ako.”“Matagal na rin simula nang huli naming pagkikita I think ilang taon na din, puro chat lang kami sa tingin ko naman makikilala ka pa niya.”“Kilala ko rin naman siya kaso hindi ko gaanong kaclose lalo pa at hindi naman ako mahilig sa social media.” Suma
Chapter fifty fourLANCEAko yung mali dito.Ako yung masama.Pero hindi ko kase alam kung ano at sino ang uunahin ko, ang nararamdaman ko ba? O ang nararamdaman ng iba?Nalilito na ako, alam kong may masasaktan ako kapag pinili ko ang sarili ko, nakokonsensya ako dahil ako naman talaga ang pulot dulo nito.Simula nang dumating dito sa bahay si Janie naobserbahan ko ang aking sarili kung ano ba talaga at sino ba talaga ang gusto ko.Wala namang perpektong relasyon, maski kami ni Grace nag aaway din kahit noon pang hindi pa tumitira dito si Jamie, hindi ko maiwasang maikumpara ang dati kong asawa sa kaniya, mas malala talaga ang ugali ni Grace kesa kay Jamie, dahil mahal ko siya tinanggap ko.Kaso nga lang mas palala ng palala ang ginagawa niya ngayon, tinitiis ko lang dahil kasalanan ko rin naman, ako naman talaga ang dapat sisihin dito.Lahat at bawat galaw ko ipinapaalam ko kay Grace, siya nga itong madalang magsabi sa akin kung nasaan siya, kung sino ang kasama niya, ganiyan na siy
Chapter fifty fiveJAMIEParang gusto kong isalba ang asawa ko sa isang babaeng bruha na kung ano ano ang ginagawa at wala sa tamang pag iisip, siguro kung hindi ko na talaga mahal si Lance wala na talaga akong pake sa kaniya kaso hindi eh, iba ang nararamdaman ko ngayon para sa kaniya.Pwede ko naman siyang iligtas sa ganiyang sitwasyon kaso baka mapahiya lang ako, yun bang kahit masama na ang trato sa kaniya ni Grace siya pa din ang pipiliin niya, ang hirap magdecide.Pinapalipas ko ang araw kaso nga lang iba ang nakikita kong nangyayari sa kanilang dalawa para kaseng binabastos n ani Grace si Lance sa sarili niyang pamamahay, yun bang wala na siyang respeto sa partner niya?Nakikita ko naman ang ginagawa niya hindi lang ako nangengealam, simula noong nagkasama kami ni Lance sa pupuntahan niya naging ganiyan na siya, ay hindi pala, simula noong dumating pala ako dito nakikita ko na ang lagay ng dati kong asawa.Nakakapanghinayang kase napakaganda na ng pamumuhay niya kaso nga lang m
Chapter fifty sixJAMIENaka tatak sa isipan ko ngayon ang sinabi ni Lance na mag usap kami, hindi naman siya galit diba? Hindi naman mataas ang tono ng boses niya kanina.Sana nga hindi niya ako ipahiya o pagalitan sa ginawa at sinabi ko kay Grace, hindi lang kase ako makapagpigil kanina, para akong nanay na sumugod para ipagtanggol ang anak kaso parang ako pa ang masama, nahihiya ako sa mga sinasabi ko kanina.Nakaupo lang ako dito sa sofa at naghihintay kay Lance, hindi pa siya lumalabas sa kwarto nil ani Grace mag iisang oras na, punta na lang kaya ako sa kwarto ko? Baka kung ano pa ginagawa nila.Tatayo na sana ako kaso biglang may narinig akong naglalakad alam kong si Lance na iyon kaya hindi na ako tumuloy na umalis.“Hinihintay mo ko?” tanong niya sa akin habang paupo sa gilid ko.“Papasok na rin sana ako sa kwarto ko.”“Pasensya na.” iba yung hingal niya ngayon, ang lungkot pa rin ng mukha niya, ano kaya nangyari sa kwarto nila? Bakit iba ang naiisip ko na ginawa nila kaso an
Chapter fifty sevenJAMIETinignan ko phone ko wala namang reply si Lance, bahala siya diyan basta nasabi ko na aalis ako, wala namang masama kung lalabas ako kasama ang kaibigan ko, labas na siya dito.Hays, bakit ba ako kinakabahan kahit wala naman akong ginagawang masama.“Wow ang ganda naman dito.” Dinala niya ako sa isang resort at may magandang restaurant sa loob.“Bagong bukas kase ito, naalala kita kaya inaya kita dito.”Hindi gaanong marami ang tao sakto lang naman kaso halos mayayaman halata naman sa pananamit at sa itsura ng mga narito, ako lang nga yung dukkha dito, parang hindi ako belong dito, mabuti na lang si Arthur mukhang mayaman din, mukha akong katulong niya.Sumusunod lang ako sa kaniya, inaalalayan naman niya ako dahil nga baka mabangga ang tiyan ko.Papunta kami sa may restaurant at maghahanap kami ng mapwepwestuhan, ang aliwalas tignan ng lugar nakakagoodvibes, hindi ako nagsisi na sumama kase gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakakalabas ng bahay.Nakahanap na s
Chapter fifty eightLANCENagtataka ako sa sarili ko kung bakit hindi ako masaya, hindi ako komportable at mas lalong hindi ako nag eenjoy, hindi ko alam bakit ganito ako ngayon kahit maayos na kami ni Grace.Diba dapat masaya na ako?Diba dapat masigla na ulit ako?Kaso yung pakiramdam ko parang iritang irita ngayon at hindi mapakali, yun pakiramdam na may gustong gusto kang kunin pero hindi mo nakuha, ganun ako ngayon kaya para akong walang gana at napipilitan.“Hindi mo naman ako iiwan diba Lance?” tanong sa akin ni Grace matapos namin mag usap dahil hinatid ko siya dito sa kwarto, sumabat si Jamie noong nakita niyang nag aaway kami, hindi ko akalain na ganun ang gagawin ni Jamie at sasabihin, para akong nakaramdam ng pagkakomportable, yung may nagtatanggol sayo kahit na lalake ka.Si Grace lumala ang ginagawa, nananakit na kase ng husto, hindi ko naman pwedeng patulan, hindi naman kase ako ganun na mananakit ng babae kahit sobrang sakit na ng ginagawa niya sa akin, basta ang sa ak
EpilogueJAMIEHindi na takot ang nararamdaman ko ngayon kung hindi kaba, anong pinaplano ni Lance at gusto niya akong ilayo muna?Bakit? ano naman kaya ang gagawin niya? yan ang nasa isip ko kanina pa, ang dami kong katanungan pero hindi niya masagot ng maayos, basta basta na lang siya nagplaplano pero may tiwala naman ako sa kaniya, hindi naman niya ako ipapahamak.Nasa ospital kami ngayon at nagtatago, tinago kami dito ni Lance at pinakiusapan ang doktor, ibubuko niya daw si Grace yun ang sabi niya sa akin kanina.Kinakabahan ako dahil baka kung anong mangyari sa kaniya, nababaliw pa man din ang babaeng iyon.“Tara na, okay na yung sasakyan ko dadalhin nakita sa dati mong tinitirahan.”“Sige.” Sabi ko kay Arthur.Binilin siya ni Lance na dalhin ako doon, nagpaalam na din kami sa doktor ko dahil dito kami nagtago sa opisina niya, nakakahiya nga eh kaso si Lance na ang nakiusap.Hindi nawawala sa isipan ko si Lance, inaalala ko siya dahil baka gawan siya ng masama ni Grace, hays kinak
Chapter seventy sevenLANCESaktong pagdating ni Grace sinagawa na namin ang plano, lahat ng nasa bahay alam ang mangyayari at may tiwala ako sa kanila na hindi nila sasabihin ito kay Grace.Sinugod namin kunwari si Jamie sa ospital, inalalayan naman namin ni Arthursi Jamie papunta sa sasakyan ko.“Deretso tayo sa ospital.” Sabi ko, tatlo lang kami na pupuntang ospital.“Baka sumunod siya?”“Oo susunod talaga yan kaya kailangan natin magmadali.”“Anong plano mo?”“Papalabasin natin na nakunan si Jamie, hindi ka pwedeng makita ni Grace.”“Huh? Paano kung puntahan niya ako?”“Ako na bahala, basta dederetso tayo ngayon sa ospital at pagdating ni Grace dalhin mo si Jamie sa dati niyang tinutuluyan, doon muna siya, babalikan ko siya bukas.” Paliwanag ko.“Paano ka? Anong gagawin mo?” pag aalala ni Jamie sa akin.“Ako na bahala kay Grace, kailanan ko siyang mabisto sa personal upang wala na siyang maidahilan.”“Sige.”Alam kong susunod si Grace sa amin kaya dumiretso muna kami sa ospital, si
Chapter seventy sixLANCEMuntik na akong maniwala sa pagbabago niya.Oo aaminin ko gusto ko pa sana siyang bigyan ng chance dahil nakikita ko yung pagpupursigi niyang tumulong at magbago, pero mali pala, hindi pala lahat ng pinapakita niya ay totoo.May masama pala siyang binabalak kaya siya nagbago, ang akala ko pa naman totoo na at ginagawa niya iyon para sa amin para sa relasyon namin kaso iba ang balak niya.Napakasakit para sa akin ng ipaalam iyon ni Jamie, wala akong ibang pinagdududahan maliban sa kaniya dahil siya lang naman ang may ayaw kay Jamie at sa anak ko dito, ang mga ibang kasama namin sa bahay ay wala namang galit sa mag ina ko.Hindi ko malaman ang gagawin at magiging desisyon ko pero sa ngayon? galit ang nararamdaman ko para sa kaniya, dinamay niya ang baby ko na walang kamalay malay.Hindi ko siya mapapatawad, ang kailangan kong gawin ngayon ay ang mahuli siya sa akto, yung mismong malalaman ko na siya nga ang may dala ng gamot na iyon sa bahay.Iniisip ko kung pa
Chapter seventy fiveJAMIEHindi ko pa sinasabi kay Lance tungkol sa hinala ko, ayaw kong magkagulo agad ng walang malakas na proweba at matinding basehan sa mga binibintang ko.Hinihintay kong umalis si Lance lalo na si Grace, kaso si Lance lang ang umalis at pumunta sa kompanya itong si Grace naman naiwan sa bahay, hindi ako nagpahalata sa kaniya na aalis ako dahil baka sumama sa akin.“Pakisabi kasama ko kaibigan ko kapag hinanap ako ni Grace.”“Opo maam, pero saan po kayo pupunta?”“Ah eh kasama ko kaibigan ko, diyan lang kami sa fast food, ngayon lang kase kami ulit magkikita.”“Ah ganun po ba maam ako na po kukuha ng masasakyan niyo.”“Salamat.”Hindi pa lumalabas ng kwarto si Grace kailangan kong magmadali baka makita niya ako, dala ko ang gamot na nakuha ko sa sahig ng kusina, ipapakita ko ito sa doktor.Grabe ang kaba ko habang palabas ng bahay, kase baka makita ako ni Grace at sumama sa akin, kailangan kong malaman kung anong gamot ba ito kaya pupuntahan ko ang doktor ko upa
Chapter seventy fourJAMIEHindi maganda ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw, hindi ko malaman kung bakit, maski ako nagtataka, sinusunod ko naman mga bilin ng doktor sa akin, naiinom ko naman sa oras ang mga gamot ko na nireseta sa akin.Mga vitamins namin ni baby iyon at maganda sa katawan, nakailang take na nga ako, yung sa pagkain naman namin iisa lang ang kinakain naming lahat, wala namang kakaiba sa pagkain ko, kung ano ang kainin ko yun din naman ang kinakain nila maski prutas.Kaya nagtataka ako bakit ang hina ng katawan ko nitong mga nakaraang linggo, pinipilit ko na lamang minsan magkikilos para hindi nila ako asikasuhin ayaw ko talaga kase magpaasikaso sa kanila dito nahihiya ako.Gusto ko ako yung makatulong sa kanila dahil libre na ako sa lahat dito kaso umiiba pakiramdam ko, nadala na ako noon sa ospital ni Grace tapos nitong nakaraan si Lance naman at ngayon umiiba nanaman pakiramdam ko.Noong hindi ko na kinaya dinala na ako ni Lance sa ospital, kinausap ako ng
Chapter seventy threeGRACEAng aga ko pang nagising para maobserbahan si Jamie, magtatanghalian na hindi pa sumasakit ang tiyan niya, hindi pa siya sinusugod sa ospital.Paano nangyari yun?Kase noong mga araw na nilalagyan ko ng gamot yung ulam namin mga ilang minuto pa lang sumasakit na ang kaniyang tiyan.Baka hindi na sumasakit dahil wala na yung bata sa tiyan niya?Hindi ako mapakali, hindi ko malaman kung anong lagay ni Jamie, hindi sa concern ah kung hindi dahil kailangan nasa ospital na siya ngayon at umiiyak.Kaso patawa tawa pa siya doon sa loob ng kitchen, bakit ganun? Mabisa naman yung gamot na iyon ilang araw ng ana nadadala sa ospital si Jamie tapos ngayong huli ng lagay ko wala ng epekto sa kaniya? Imposible.“Sumakit nanaman tiyan ko, nakaraang linggo ganito nanaman eh.”“Ako naman hindi.”Rinig kong usapan ng mga kasambahay. Ganiyan din ang epekto noong naglagay ako kaso iisa lang ang nagtae ngayon mukhang naimmune na ata ang iba o baka hindi sila kumain ng niluto ko
Chapter seventy twoGRACENapakadali nilang pasakayin, hindi ko alam kung tanga ba sila o ano, hindi ba nila pansin na nagpapanggap lang ako? Hindi naman nila ako tinatanong o sinisita, mas lalo si Lance hindi niya ako tinatanong kung bakit ganito na ang ugali ko, basta ang akala nila dahil sa gamot ko na nireseta ng doktor.Hahaha napakadali nilang utuhin, halata minsan sa kanila ang pagtataka pero ang dali lang pagtakpan, hindi nila namamalayan ang palihim kong balak para sa kanila.Bahala sila magtaka diyan, bahala silang mag isip tungkol sa akin, basta yung plano ko maisagawa ko ayos na iyon.Hindi na nila ako mapagbibintangan.Halos ilang linggo din akong nagpapakatanga sa kanila, nakakasuka nga makisama lalo kay Jamie kung alam lang niya hahaha.Kaso hindi talaga niya mapansin mga ginagawa ko sa kaniya na puro kasinungalingan lamang para maisagawa ang plano ko.Ang totoo niyang balak ko talaga makuha ang loob nila. Lalo na si Jamie na uto uto, or let say magaling din makipagplas
Chapter seventy oneLANCENaninibago ang lahat kay Grace maski naman ako dahil iba ang ikinikilos niya, para sa akin, sana noon pa, kaso ngayon hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko, na parang wala na patutunguhan ang relasyon namin ni Graxe kahit pa magpakabait siya.Alam ko naman kase ang tunay niyang ugali, babalik at babalik siya sa ganung ugali.Hindi ko alam kung epekto ba talaga ng gamot yun o nagpapanggap lang siya, ayaw ko sana na nagpapanggap lang siya o epekto ng gamot ang pinapakita niya dahil parang ang pinapahiwatig nun ay pansamantala lang ang ganung ugali niya.Ayaw ko naman na ganun lalo magkakaanak ako, hindi ko alam kung maganda pa ang ipapakita niyang ugali sa anak ko o hindi, ayaw ko naman ilayo ni Jamie ang anak ko kapag nangyari iyon, ayaw ko magsisi sa huli kaya kailangan kong ayusin lahat ng desisyon ko.Minsan finofocus ko na lang sa trabaho ang sarili ko para mawala sa isip ko ang mga problema dito sa bahay.Pagdating ko sa bahay tulog sila Grace at
Chapter seventyJAMIESa araw araw na lumilipas nagiging okay naman na ang pakikitungo ni Grace sa akin kahit na wala si Lance, hindi na niya ako inuutusan kagaya ng dati, siya pa nga ang nagkukusa sa sarili niya para tulungan ako.Pero iniiwasan ko na siya.Baka kase hindi ako maging aware kapag nadala ako sa pagiging mabait niya sa akin, hindi ko alam kung kailan babalik ang tunay niyang ugali.Mahirap maniwala pero makikisama ako.Kung nginingitian ako, ngingitian ko rin, kung mabait ang pakikitungo sa akin mabait din ang itutungo ko sa kaniya, pero kung pinaplastik niya ako plaplastikan ko din siya.Ayaw ko nga minsan na dalawa lang kami, mabuti nga at nandito ang mga kasambahay nakamasid sa amin palagi, alam naman yan ni Grace.Habang nakatayo ako at naghihiwa bigla akong nakaramdam ng masakit sa tiyan ko, matagal pa naman ang kabuwanan ko pero bakit iba yung sakit?Napahinto ako at nakiramdam, nirerelax ko ang utak ko dahil natataranta ang katawan ko, iba yung sakit ngayon ng ti