Sa kailaliman ng kakahuyan ay may mga paang nakayapak ang matulin na bumabaybay sa kagubatan. Ito ay ang tatlong babae na nagawang makatakas sa panganib.
Maya't maya silang tumitingin sa likod, inaalam kung nandyan pa ba ‘siya.’

Habang tumatakbo palayo ay nakarinig sila ng tila kumakalampang na mga bakal mula sa kung saan.
Mukhang malayo ang pinan-gagalingan ng mga tunog na yun pero para sa tatlo ay parang malapit lang 'to sa kanila.
Agad namutla ang kanilang mga mukha, batid na sa sandaling maubotan sila ‘nito’ ay wala na silang takas pa. Sa gano'ng pag-iisip ay pinaigting nila ang kanilang bilis, umaasa na kahit sa pamamagitan nito ay makakalayo na sila.
Napalinga sa likuran ang nauunang babae.
Sa kanyang pagtingin ay namataan niya ang hindi matukoy na bagay na lumilipad patungo sa kanila.
Sobrang dilim ng paligid no'n anupat hindi niya agad mapunto kung ano iyon.
Hanggang sa tuluyan na ngang makalapit ang bagay na 'yon at isa-isa sila nitong tinamaan.
Sabay na bumagsak sa lupa ang tatlo, kasunod ang pulang likido na bumulwak at umagos mula sa kanilang mga katawan.
Huli na upang malaman kung ano iyon.
Samantala, sa 'di kalayuan ay may isang pigura ang naglalakad papunta sa tatlong nakahandosai.
Hatak-hatak ng magkabilaan nitong kamay ang mahabang kadena na may bahid ng likidong pula na kinuha sa mga binawian ng hininga.
Kulay puti ang balat nito, na parang pininturahan.
Itim ang buhok.
Mga matang mala-kulay abo na kung tumitig ay matalim.
Sa kanyang mukha, mula sa noo hanggang pisngi ay may dalawang linyang itim.
Gayundin sa likuran nito na tila naghuhugis pakpak ng anghel na umaabot hanggang sa balikat.
Pawang pan-ibaba naman ang kasuotan nito na abot paa ang haba at napapaikutan ang bewang ng balat ng lobo na kulay abo.
Tinitigan niya lamang ang tatlo. Walang kahit anong emosyon ang makikita sa kanyang mga mata, ni katiting na awa ay wala.
"Mga mahihinang nilalang," sabi niya, "kung ang pagtakas lang ang nakikita niyong paraan... puwes nagkakamali kayo,” Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Sa simula't sapul pa lang kayong mga mahihinang nilalang ay nakatadhana ng tapakan at burahin sa mundong ito. Kaya't kahit sumigaw kayo, magdasal at maghintay na may magliligtas sa inyo ay balewala pa rin." nanalim ang mga mata ng puting nilalang, "Tama lang na mawala kayong mga walang silbi."
"Kay sakit naman ng iyong sinabi?" sabat ng isa. Lumakas ang ihip ng hangin nang may magsalita.
Agad tumingala ang puting nilalang at kalmadong iginala ang paningin sa paligid. Walang pagpa-panic o takot ang rumehistro sa kanyang mukha. Wala ring pagkagulat o pagtataka sapagkat batid niya ng ganito ang mangyayari. Kasama na iyon sa kanyang plano.
Isang yapak ang kanyang narinig mula sa likuran. Ito na siguro ang matagal na niyang hinihintay."Sa wakas... dumating ka rin..." Wika ng puting nilalang. Tumalikod siya't nakita ang isangnakasuot na maskarang walang mata, puting buhok na hanggang batok, baluting pandigma na animoy yari sa buto at espadang nakasukbit. "Ruwi." tawag niya dito.
"Ako man din ay natutuwang makaharap ka... Gilan." sagot nito at matalim na binalingan ng tingin ang mga nakahandusay sa lupa at si Gilan.
Tila pansin naman ng puting nilalang ang mga titig ni Ruwi anupat bahagya niyang ini-angat ang bitbit na mga kadena, "Sinubukan ko lang naman ang kadena na ito sa kanila at makita kung karapat-dapat ba'ng gamitin bilang sandata, tulad ng paggamit mo sa iyong kakaibang armas."
Na milog ang kamao ni Ruwi. Waring nangagalaiti sa tila pang-iinsulto sa kanya ng puting nilalang na si Gilan, "Iba-iba tayo ng panlasa sa pagpili ng sandata, Gilan. Hindi ko na problema kung may disgusto ka sa aking armas, gayunpaman, ang sukatin ang kakayahan ng isang sandata sa ganitong kababaw na gawain ay kasuka-suka at 'di hamak na maitutulad sa isang mahinang nilalang. Sa madaling sabi, ba't mo papatulan ang walang muwang at walang kalaban-laban na tulad nila at hindi sa mga kagaya mo?"
"Hmm, mukhang wala kang nalalaman sa mga ganitong bagay. O baka naman, mali lang ako ng pagkakaunawa. Ruwi, ikaw ay isang kilalang mandirigma at tama lang na bigyang sukat ang pamamaraan ng iyong pakikipag-laban. Hindi mahalaga kung ito ay malakas o mahina, ang mas importante ay kung malilibang ako sa 'yo o hindi.”
“Pasensya na ngunit hindi kita magagawang aliwin ka. Maling tao ang pinagtangon mo Gilan.”
“Gano'n ba? Hmmp, may nakapag sabi rin sa akin na kung nais kong lupigin ang mundo ay kailangan kong talunin ang isa sa apat na hari ng apoy... ang huling hari ng apoy at ikaw iyon."
"O...? Hindi ko alam kung saan mo nakuha iyan pero paumanhin Ginoong Gilan pagkat hindi ako ang haring tinutukoy mo at wala ako'ng na-aalalang naging hari ako. Saka 'di mo ba nakitang isa lamang akong hamak na manlalakbay."
"Sinungaling... paano mo nasasabi sa akin iyan kung nakikita ko ang iyong kaluluwa. Ang katotohanan na taglay mo ang bato ng Fenrir ay patunay na isa ka sa kanila."
"Nakikita mo ang bato ng Fenrir?! Hindi ako makapaniwala!" Humalakhak si Ruwi, "Alam mo ba'ng ilang libong taon ko na to'ng sinilyado. Hay... mukhang tunay nga ang kasabihan na walang lihim ang hindi mabubunyag. Kung sa bagay, hindi na rin iyon kataka-taka... lalo nat sa isang tulad mo?” ngumiti ito ng nakakalokong ngisi, “May naisip akong ideya, total nandito na rin tayo... e bakit hindi natin tapusin kung ano ang ating nasimulan?"
"Sang-ayon ako at sa pagkakataong ito... sisi guraduhin kong wala ng hahadlang sa mga plano ko." pomustora ang kaliwang kamay ni Gilan, “Isasama kita sa paglilinis ng mundong ito.”
"Parehas lang tayo Gilan. May binabalak rin ako sa mundong ito at hindi ako makapapayag sa intensyon mo'ng mamuno."
"Gusto mong solohin ang mundong ito? Kung ganun..." mula sa kanang kamay ni Gilan ay tila may usok ang lumabas at komorteng espada. Mahigpit ang pagkakahawak ni Gilan dito at ma ta lim siyang tumingin ng masama kay Ruwi, "BAKIT HINDI NATIN SIMULAN PARA MAG KAALAMAN NA!?" Biglang bulalas ni Gilan at patakbong sumugod sa nakamaskara.
Kaagad namang may lumitaw na mga kadena mula sa kamay ni Ruwi at ito ang pinan salubong niya kay Gilan, "Ah!!" Hiyaw niya.
Nang mag tagpo ang talim ng espada at ng nag kukumpulang mga kadena ay naka gawa ito ng pambihirang puwersa. At sa lakas non ay naitulak nila ang isa't isa at napaatras.
Inunahan agad ni Gilan si Ruwi nang pahalang niyang iwinasiwas ang kanyang espada.
Ngunit nailagan ito ni Ruwi matapos humakbang paatras at tumungo sa likod ng puting nilalang.
Akmang susunggaban ni Ruwi ang puting nilalang na mabilis namang nahadlangan nang humarap.
Nagpatuloy ang palitan nila ng mga atake at sa bawat daluhong ng kanilang mga sandata ay agad namang na sasalagan.
Tila ba'y basang basa ng nila ang mga ikikilos at gagawing pag-atake ng bawat isa. 'Di maikakailang kapwa silang mahusay sa larangan ng pakikipaglaban.
Nagtagal pa ang kanilang tungalian, habulan at takbuhan. Hanggang sa mapadpad sila sa kapatagan.
Sa pagkakataong iyon ay parehas na silang may tamo ng mga galos at sugat sa katawan.
Pagod at kawalan ng lakas ang mapapansin sa kanilang mukha at sa sandaling ito ay kapwa silang napapayuko at halos ma tu tum ba na.
Nanginginig ang katawan sa malalim na paghinga habang nakapako ang tingin nila sa isa't-isa, pahiwatig na wala sa kanila ang balak sumuko.
Nagsimula namang mag sipagdatingan ang makapal na kalangitan, bitbit ang kulog at kidlat at ulan.
Tumigil ang paghahabol nila ng hangin, tumindig ng tuwid at huminga ng malalim. Nag-iipon ng lakas at naghihintay ng tamang tiyempo na sumalakay.
Saglit pa'y nanghina ang ulan na sinabayan naman ng pagkabingi ng buong kapaligiran.
Hindi pa rin kumikilos ang dalawa hanggang sa nabasag ang katahimikan nang walang ano-anong nagpaka-wala ang kalangitan ng kidlat.
Dumampi ito sa lupa at tinamaan ang isang puno, dahilan upang masunog at mahati sa kalahati.
Ito na ang hudyat na kanilang hinihintay upang sumalakay.
“Ah!" Sabay na sigaw ng dalawa at patakbong sinugod ang isa't isa ng walang pakundangan, animoy walang takot na haharapin ang sariling kamatayan.
Itinuon nila ang kanilang buong lakas para sa huling sandali.
"AAAAAAAAA!"
Nang mapang-abot ang kanilang mga sandata ay biglang sumambulat ang nakasisilaw na liwanag.
Halos hindi na maaninag ang buong paligid. Maging ang dalawang mandirigma ay hindi rin makita.
Sa unti unting paglaho ng liwanag ay isang lalaki naman ang namulat mula sa pag gunita ng nakaraan.
Nakatayo ito sa terrace, sa harap ng Heritage House Museum na kung saan ito ay matatagpuan sa tuktok ng Mount Nima.
Pinapanood ang pagbubukang-liwayway sa Unihil District na dati ay kilalang Rizal province.
"Another dream again... how nostalgic," untag nito, "It's been so long since that thing happened and no one knows it." Bumaling siya sa likuran at pahapyaw na tiningnan ang Museyo, "This place... this is where it all began." dagdag nito
Sa paglabas ng araw ay nakita niya ang ilang mga airship na lumilipad sa kalangitan. Bawat isa dito ay may malalaking screen sa gilid, ina-advertise ang kani-kanilang mga produkto tulad ng dati.
May tren na mabilis na naglalakbay, mga umaandar na sasakyang walang gulong na pinapagana ng quantum locking o quantum levitation, mga bahay at iba pa'ng mga gusali.
Abot-tanaw niya rin ang Solar plant sa bandang timog-silangan ng Unihil na animo'y nangingislap dahil sa sinag ng araw.
Nakangiting pumikit ang lalake.
Pinakikinggan ang huni ng mga ibon, mga ingay ng sasakyan at ang bulong ng kalmadong hangin.
Feeling the simplicity and serenity.
Dumilat ang lalake, "I'm glad that I was able to witness this scene again."


 Paupong napabangon ang isang binatilyo sa kanyang kama matapos magising mula sa isa na namang panaginip. Tagaktak ng pawis ang katawan, habol-habol ang malalim na hininga. Nihilamos niya ang kanyang mga kamay sa mukha at kinusot-kusot ang mata. Napahilod din siya sa magkabilang sentido at bumuntong ng mabigat, 'Na naman...' ani niya sa sarili. Tagos ang tingin niya nang tumama sa kumot at naramdaman ang kabigatang nagtatago sa kanyang balikat. Dahil ba ito sa bangungot? Malamang. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na managinip siya. Pilit siyang nagsawalang bahala sa pananginip na iyon at piniling kumilos. Sa pag-angat ng kanyang mukha ay tila may naaninagan siyang puting usok. Hindi siya sigurado kung ano i
  “Hey, what's up,” Agad napabalik sa reyalidad si Hanson nang basagin ng boses na 'yon ang kanyang pagmumuni. Napaangat siya ng tingin at nakita ang nag-aalalang mukha ni Mike, "are you alright?"dugtong nito. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo pre' ah. Baka pwedeng i-share mo naman sa amin ang blessings." Biro ni Jacob. "Naku! 'Wag mo nang asahan 'yan cause he will say only one thing." Sarkastikong sabat ni Janine. "Ah-eh nothing, wala lang ito," sagot ni Hanson at umusap sa kanyang isipan, 'As if namang may maniniwala sa paliwanag ko.' "Oh 'di ba tama ang hula ko!"
  “So here's the plan,” anya ni Janine, not giving Hanson a chance to speak, “March 6, sa linggo magkita-kita tayo sa fountain sa Amusement park at exactly 7:30 am para pagdating ng 8 am ay pupunta na tayo doon. And syempre kasama din dapat si VD para happy.” “Wait guys, sa pagkakaalam ko 8:30 ang bukas ng Heritage House, 'eh bakit ang aga naman natin?” Punto ni Jacob. “E kasi nga linggo na ang festival at marami ang walang pasok kaya for sure mahaba ang pila sa entrace at maraming tao ang dadagsa doon.” Naghimas ng baba si Ja
Kinagabihan ng March 5, 2061 araw ng sabado; Naghihintay si Hanson ng dalaw ng antok. Kanina pa siyang nakamasid sa madilim na puting kisame, mula sa pagkagat ng gabi hanggang sa mga oras na ito.Tahimik.Wala siyang ibang naririnig kundi ang orasan na patuloy lang sa pagtunog. Nagmistula namang lumulutang sa ere ang kurtina dahil sa hangin na tumatangay dito. Tumingin ang binatilyo sa kanyang kaliwa at tiningnan ang orasang nakapatong sa study table, “Alas onse na pala.”Tinapunan niya rin ng tingin ang sahig at nakita ang mga nakasalansang papel, katabi si Mike na mahimbing ng natutulog. Malakas ang hilik na halos umalingawngaw na sa buong kwarto, ngunit
  Naglalakad na ang dalawa patungo sa Hover Van nang bumukas ang pangalawang pinto nito at dumungaw ang isang lalaki. Gaya ng dati'y naka-headband ito at may nakabinbin na headset sa leeg. Mukhang hindi na mawawala sa style ni Jacob 'yon. Pumalakpak ito ng tatlong beses, “Yun oh, Lodi! Bilisan ninyo! Hehehe.” nakangiwing sabi ni Jacob. Hanson and Mike speed up their pace as they saw Jacob and the others inside. At nang makapasok ay agad na isinara ni Jacob ang pinto ng Van, “Ang tagal niyo naman bro.” Anang nito. Pumwesto sa pang-apat na hanay sina Hanson, VD at Mike. Nasa pangalawang passenger seat naman si Jacob, malapit sa pint
  "Hanson..." Napatigil si Hanson at lumingon sa likuran. Naniningkit ang kanyang mga mata nang tumanaw sa malayo, hinahagilap kung sino ang tumawag sa kanya. Pabaling-baling. Pinagtuonan din niya ang mga taong nagkukumpulan na tumitingin sa mga painting. Doon din sa gitna ng grupong iyon ay may napansin siyang kakaiba. Isang kakatwang pigura. Isang taong nakatindig sa gitna ng mga ito. All white ang kasoutan na tila bathrobe. Puti ang buhok at bungo? The familiarity of that figure gives him chills. Nang m
[Earlier..]"THUD"Isang kalabog ang agad na umagaw sa atensyon ng mga taong naroroon, nagtataka kung ano ang bumagsak sa sahig. Sa pagtuon nila ng pansin dito ay isang lalake pala ang nawalan ng malay.Agad napatingin si Mara sa likuran, "Hanson!" gulat niya nang makitang nakabulagta na sa sahig ang binatilyo. Walang pag-aatubili siyang lumapit dito at tinapik-tapik ang pisngi, "Hanson! Hanson, gumising ka anong nangyayari sa 'yo?!"Napahinto rin si Sarah at patakbong
  Gabi na nang umalis si Catherine sa kanyang trabaho, nagmamadali. Usapan pa naman nila ni Hanson na magkikita sila sa may fountain, sa Amusement Park ng 6pm. Subalit sa dami ng ginagawa niya ay 7pm na siya naka-alis. Pati mga ibang magulang ng kaibigan ni Hanson ay darating din. “Baka kanina pa naghihintay ang mga 'yon.” Sabi niya. Pagdating ni Catherine sa naturang lugar ay bumungad sa kanya ang hile-hilerang mga tindahan. Nag-aagaw sa atensyon ang mga kumukutitap-kutitap na ilaw sa Ferris wheel, gayon' din ang carousel at ng kung anu-ano pang mga pang-aliw na sasakyan at palaro na makikita doon. Kapansin-pansin din ang dami ng mga dumadagsa sa lugar. Malamang, araw ng piyesta ngayon kaya hindi ito palalagpasin ng
Abala sa pagbabasa si Trixie. Hindi pa rin siya lumalabas sa kanyang kwarto mula ng maagang magising ngayong umaga. Hindi rin niya pinapansin ang mga katok sa kanyang pintuan, ni ang tawag ng kanilang katulong ay kibit-balikat lang siyang nagbibingi-bingihan. Ganito na ang nakagawian niya sa tuwing magbabasa, walang pakielam sa paligid.Mabilisan niyang pinalipat-lipat ang mga pahina. Hindi niya nilalahat dahil maka-ilang beses niya na itong basahin, liban sa mga dayalogo na kanyang binibigyang pansin. Sandali pa'y dinapuan siya ng kawalang ganang magpatuloy.Tumindig siya mula sa kanyang higaan. Kinuha ang lahat ng mga libro sa study table at isinalansang sa kama. Balewala kung nakakalat ang mga ito dahil ililigpit niya rin naman pagkatapos.Nagbuklat siya ng isa at nagsimula. Subalit wala pa'ng isang kabanata ay tinapos niya na ito agad. Napabuntong hininga siya. Tila ba'y pinagsawaan ang libro. Bukod sa nagsawa na
Ura-uradang tinahak ni Sarah ang pasilyo sa HUMSS 2. Holding her cellphone, typing her message. May nakalabas na maliit na hologram image ito sa ibabaw at makikita doon ang mga letrang kanyang tinatayp. It was a short and important message that should be taken into account. She sent it afterwards without any thoughts. Sa kanyang pagpasok classroom ay sinalubong siya ng dalawang ka-eskwela, isang babae at isang lalake. "Sarah! Tamang-tama pinapahanap ka sa amin ni coach." anya ng babae. "Bakit daw?" "Well, its for the upcoming competition." saad ng lalake. "You mean the qualification match?" "Yes, and we also want to confirm kung sasali ka pa rin sa team?" sabi ng babae. "Yes ofcourse sasali pa rin ak
Sa abalang silid ng Grade 11-A sa HUMMS 2 building, Hanson was on his chair. Kaharap si Mike na dikit ang mukha sa armchair at si Jacob na dekwatro ang upo sa ibabaw ng munting mesa. His brows were slightly raised. Eyes looking to the left side. Lihis sa dalawang kasama, frowning, "Wait a sec'..." Hanson mumbled, "what are you guys doing here again?" "O yeah, now that you mentioned it..." pukaw ni Jacob. He rested his chin on his right thumb and lifted. Then a sudden smile plastered on his face, jerking, "I have no idea," he teased. Hanson gave a straight face, eyes closed in two straight lines like a tired, as if he was at the end of one's rope.
Sarah is currently walking her way to Vicentian University. Hindi niya kasabayan si Mara, masama raw ang pakiramdam ayon sa ina nito. Maging si Trixie ay hindi rin pinapasok dala ng kahapon. She wrapped her arms around herself and bowed her head. Shadows took over her face. ‘Mara who is confused by hallucinations and Trixie who just lost someone,’ sapantaha niya, ‘I pity them. I wanted to help but...’ She tightened her grip, ‘I don't get it...’ ‘Bakit paniwalang-paniwala si Mara that h
Malamig na simoy na hangin ang siyang dumako sa buong katawan ni Jacob dahilan upang siya'y tamading bumangon. "Jacob, anak bumangon ka na d'yan," Sabi ng tiyuhin niyang si June, tinatapik-tapik ang paa ni Jacob. "Eeeee... ayoko pa'ng bumangon inaantok pa ako e," sabi niya sabay tagilid sa kaliwa at kumubli sa kumot. "Jacob, bumangon ka na d'yan," sabi muli ni June, “grounded ka ng 1 week sa xbox kapag hindi ka pa tumayo dyan.” Bumalikwas si Jacob sa kama, "Opo opo 'eto na tatayo na po," aniya, “sinapian na po ako ng kasipagan.”
Walang ganang tinungo ni Trixie ang kanyang kwarto. Mailawalas at organisado ang mga kagamitan sa silid. Walang kalat at makulay. Pink ang dingding at ang ilang mga gamit. Mapusyaw na rosas ang kumot. Kulay berde ang unan at kisame at puti naman ang kurtina. Kaakit-akit sa mata. Akmang-akma ang pagka-blend ng mga kulay, subalit kung ano naman ang ikinaganda ay siya namang ikinabingi ng paligid. Buhay na buhay nga ang kulay subalit napakalungkot at sobrang tahimik. Sumandal siya sa pintuan, leaning her head against it. She closed her eyes and let out a deep breath. She was stuck there for a moment, as if she had lost the strength to walk. She doesn't want to leave there though. She just wants to lie on the floor and squirm, but what can such an action do? Nothing.
Mag-isang tinatahak ni Sarah ang daan pauwi. Nauna na kase sa kanya si Mara sa kadahilanang may kailangan daw itong gawin. Meron naman siyang nakakasabay na taga-V.U. na karamihan ay panay kuha ng picture sa kanya sa malayo, pero hindi niya kilala ang mga ito. It'll be awkward for her to approach them suddenly, lalo na kung tanyag siya bilang team captain ng Arnis Team. Baka kung ano na namang tsismis ang m****a niya sa bulletin news ng university. But no. Even if wala siyang gawin ngayon ay tiyak na may lalabas na balita, not about her but to Mrs. Olivero. Mrs. Tisha Olivero-Alconrad is Trixie's step-mom, known as Mrs. Olivero or Ma'am Oli by her colleagues. She was their neighbor for as long as she can remember. A good teacher and a loving person. Bahagyang lumukot ang mukha ni Sarah.
Habang abala sa pagkain ay panaka-nakang napapatingin si Janine kay Jacob. Naniningkit ang mga titig nito. Nangingilatis. Bagabag na nangusap ang isipan ni Janine, 'Si Maam Oli kaya ang nakita niya kanina?' kuro-kuro niya. Isa isa niyang binulay-bulay ang kanyang mga nalalaman, 'if that so, maybe he knows something. He may have witnessed the suicide himself. But the question is... why did he followed her? And if I were to base the place, time and distance, it would be far away. Maybe it wasn't Oli but someone else..' Hindi mawari ni Janine ang lohika sa likod nito at sa pagnanais na malaman ang kasagutan ay napag-pasyahan niyang mang-usisa, "Jacob, sino nga pala 'yong sinunda
"Ano?!" gitla ni Sarah. "Nangyari iyon after mo'ng umalis from faculty room." Saad ni Mara. Siya'y napalagok at tila nagdadalawang-isip kung ilalahad pa ba ang kanyang nalalaman, ngunit may pag-aalangan man ay pinili niyang magsalita. "Bigla akong napatingin sa bintana, ng mga oras na iyon ay parang nakita ko ng harap-harapan si Ma'am Oli. Biglang tumalas ang paningin ko, as if it like- like I'm wearing binocular." Natulala lamang si Sarah sa kaibigan, waring hindi makapaniwala sa sanaysay nito. *Flashback* Naghihiyawan ang mga tao sa paligid ni Mara habang hawak ang pana't palaso, inaasinta ang puting bilog na may pulang marka sa gitna.