Tahimik.
Wala siyang ibang naririnig kundi ang orasan na patuloy lang sa pagtunog. Nagmistula namang lumulutang sa ere ang kurtina dahil sa hangin na tumatangay dito. Tumingin ang binatilyo sa kanyang kaliwa at tiningnan ang orasang nakapatong sa study table, “Alas onse na pala.”
Tinapunan niya rin ng tingin ang sahig at nakita ang mga nakasalansang papel, katabi si Mike na mahimbing ng natutulog. Malakas ang hilik na halos umalingawngaw na sa buong kwarto, ngunit hindi na ito isyu kay Hanson pagkat nasanay na siya sa ingay nito dala ng malimit nitong mag-overnight para mag-group study. Karaniwang inaabot sila ng madaling araw sa pagre-review para sa quizzes at preliminary test, pero ngayong gabi, himalang nakatapos sila ng maaga, salamat sa festival at may dalawang araw silang pahinga mula sa training ng pag-aarnis.
Malaking bagay na 'to para kay Hanson. Ilang buwan na rin kase silang subsuban sa training mula 2pm hanggang 5pm kapag weekdays at 8-4 naman tuwing weekend. Maging hanggang sa pag-uwi nila ay kinailangan pa nilang mag-ensayo. Magjo-jogging ng madaling araw o di kaya'y mag-warm up. Lahat ng ito ay bahagi ng paghahanda nila para sa darating na Palarong Pambansa.
Dagdagan pa ng pag-aaral para sa scholarship program nila. Kailangan nilang magsipag dahil kung hindi ay mawawalan sila ng scholarship at maaaring matanggal pa sa team.
Tumagilid si Hanson sa kanan at napabuntong hininga. Bahagya niyang kinagat ang kanyang mga labi. Inaalala hindi lamang ang mga panaginip kundi pati ang gaganaping Palarong Pambansa.
‘Siguradong sangkaterbang pangungutya na naman ang aabutin ko nito.’ ani niya sa sarili. Mula sa sulok ng kanyang isipan ay tila nakaririnig siya ng mga boses na umaalingawngaw sa loob ng kanyang ulo.
‘May sakit siya pero bakit siya hinayaang sumali?’
‘May potensiyal pero hindi magamit.’
‘Mahusay at kayang tapatan si Sarah pero hindi niya kaya.’
‘Bakit siya sumali sa grupo 'eh wala naman pala siyang binatbat kundi ang manood ng laban at mag-anyo?’
‘Weaklings like you shouldn't have the right to join the team!’
“Stop it...” mariing usal ni Hanson, “Leave me alone.”
Agad na inabot ni Hanson ang isa pa'ng unan at madiing itinaklob sa kanyang mga tenga, maging ang mukha niya'y sinakupan na rin nito, not wanting to see his surroundings. Ngunit sa kabila ng pagtatakip ay patuloy pa rin niyang naririnig ang mga boses na iyon, “Stop it.” Pilit niyang iwinaksi ang kaisipan sa ibang bagay, pero hindi niya magawa pagkat nakatatak na ang mga salitang iyon.
Sa isa't kalahating taon mula ng sumali si Hanson sa Arnis team, ni minsan ay hindi pa siya nagkaroon ng pagkakataong lumahok. Hindi naman dahil sa mahina siya o kung ano pa man, kundi sa PTSD, Post traumatic stress disorder. Alam ng lahat ng mga kasamahan niya sa koponan ang tungkol doon. Ang Head coach, assistant coach, ang team Captain at ang vice captain, lahat sila, batid ang kalagayan ni Hanson, kaya minsan, tampulan siya ng panghuhusga at panunukso.
Pinababayaan naman iyon ni Hanson. Hindi niya pinakinggan ang sinasabi ng mga tao tungkol sa kanya.
Sa katunayan, ang tanging dahilan kung bakit siya sumali sa grupo ay dahil nais niyang malampasan ang kanyang limitasyon, at siyempre para rin sa nakatatandang kapatid at ina-inahan. Nagsumikap siyang maging malakas upang mapagtagumpayan ang kanyang takot. Naging mabuti naman ang kinalabasan nito. Kahit papaano'y nakokontra niya ang kanyang trauma, liban nga lang sa panaginip.
Subalit masakit pa rin. Mahirap para sa kanya ang harapin ang trauma, gayundin ang panghuhusga ng mga tao sa kabila ng pagsusumikap niyang maging matatag at malakas.
Subalit ano pa nga ba ang magagawa niya. Hindi niya maaaring diktahan ang mga bagay na nangyayari sa kanya. Nagpabaling-baling si Hanson sa kanyang higaan. Haharap sa kabila, lilingon sa isa, babaluktot ang katawan at mag-iinat.
Dagli siyang bumangon nang paupo sa kama at hinilamos ang kamay sa kanyang mukha, kinukuskos ang magkabilaang sentido, “Ano ba, Hanson, kalma ka lang, kalma lang ha,” bulong niya. Nagpakawala siya ng hangin at tumindig. Lumapit sa study table kung saan may isang pitsel ng tubig at isang basong nakataob sa maliit na platito.
Inabot niya ang pitsel at nilagyan ng tubig ang baso. Hinila naman niya ang drawer sa ilalim ng study table at kinuha ang maliit na boteng may tatak na Trazodone. Ang Trazodone ay ginagamit kapag may initial-sleep insomnia, lalong-lalo na sa katulad niyang may PTSD. Binuksan niya ito at naglabas ng isang tableta at ininom.
Matapos no'n ay agad niyang nilagpak sa kama ang mabigat na katawan nang patalikod at napabuntong. Humarap din siya at napatulala sa kisame, naghihintay na umepekto ang ininom na gamot.
Unti-unting namigat ang talukap ng kanyang mga mata, hanggang sa tuluya na siyang pumikit. Tila kibit-balikat siyang nagsawalang bahala. Bakas ng kapayapaan sa kanyang mukha. Siguro, sa pagkakataong ito'y hindi na sila magpapakita pa. Sana ganito na lang kapag matutulog na siya.
‘Sana nga.’
Sa kalagitnaan ng kawalang kamalayan ni Hanson ay tila may mga imahe ang sumulpot sa kanyang kaisipan.
May mga paang naglalakad. Nagsasalubungang mga espada at mga hiyawan. Malilim at malabo. Isang hindi mawariang pangitain.
Mula sa tila imaheng iyon ay isang boses lalake ang nagwika, ‘Sa wakas! Dumating ka rin, Kadena’ tinugonan ito ng boses babae, ‘Ako man din ay natutuwang makaharap ka, Gilan.’ Kulob ang mga boses nila at ume-echo.
Dahan-dahang nagbago ang imaheng nakikita ni Hanson at naging isang senaryo kung saan may dalawang pigura ang nakatayo. Nanatili itong malabo anupa't hindi matukoy-tukoy ang kanilang pagkakakilanlan. Pawang hugis ng katawan at kulay lamang ng kanilang mga damit ang tanaw. All-white ang kasuotan ng boses babae, habang ang lalake naman ay mukhang tisoy, topless at abot paa ang pang-ibaba na kulay abo rin.
“Gayung nandito ka rin lang naman...bakit... hindi natin tapusin kung ano ang ating nasimulan?” Anya ng lalake.
“Sang-ayon ako. Sa pagkakataong ito... sisiguraduhin kong mawawala ka na sa landas ko at wala ng hahadlang pa sa mga plano ko.” tugon ng babae.
Humigpit ang pagkakapit ng mga kamay ni Hanson sa kumot, “Pfft-t ugh” usal niya. Nagsimulang mangurap-ngurap ang kanyang mga mata. Maging ang mga likidong butil ay nagsisulputan na sa kanyang mukha at katawan. Pinilig-pilig niya ang kanyang ulo, waring pinipilit na magising mula sa sariling panaginip, subalit wala itong silbi.
“Parehas lang tayo Gilan. May mga pinaplano rin ako sa mundong ito... at hindi ako makapapayag sa binabalak mo.”
“Gusto mong sulohin ang mundong ito? Kung ganun...” panandaliang nanahimik ang lalake, at sa muling pagwika nito'y tila isang nakakikilabot na boses ang bumulalas galing sa bibig nito. Malalim at napakalamig, “BAKIT HINDI NATIN SIMULAN PARA MAGKAALAMAN NAAA!”
Tila may sumulpit na mahaba't mapusyaw na puti sa kanang kamay ng pigurang may boses lalake habang ang isa naman ay may hinugot mula sa kanyang bewang. Sabay silang humiyaw na parang ito na ang huling pagkakataon at pagkatapos ay biglang kumaripas ng takbo ang dalawa patungo sa isa't isa, hawak-hawak ang mahabang puting bagay sa ere na animo'y nakahanda ng iwasiwas.
Walang hinto-hinto sa pagtakbo ang dalawa hanggang sa nagkasalubungan na't magka-dikitan ang puting bagay. Tila may puwersang pumagitan sa kanila at naitulak ang isa't isa at napaatras.
Naunang kumilos ang lalake. Tumakbo ito patungo sa babae at pahalang na iwinasiwas ang hawak nito, ngunit nailagan naman ito ng babae nang umatras.
Napunta sa likuran ang babae at akmang itatarak ang hawak nito sa likod ng lalake, subalit agad naman itong humarap at nahadlangan ang pag-ulos.
Sa isang iglap ay biglang napalitan ang senaryo at sa pagkakataong ito ay kapwa ng nakayuko at tila halos matutumba na dalawa. Dinig na dinig ang malalalim nilang paghinga. Kapansin-pansin din ang tila pagkislap-kislap ng liwanag sa paligid nila, patay-sinde, kasama ang animo'y nangangalit na ingay mula sa taas.
Maya-maya pa'y natigil ang paghabol nila ng hangin. Tumayo sila ng tuwid at huminga ng malalim. Animo nag-iipon ng lakas, naghahanda. Huminto ang kislap ng liwanag, maging ang ingay galing sa taas ay naparam.
Sa walang pagtatagal ay nabasag ito nang walang ano-anong nagpakawala ang kalangitan ng isang kidlat. Dumampi ito sa lupa at natamaan ang isang puno na agad namang nasunog at nahati sa kalahati.
Muling humiyaw ang dalawa ng malakas, gaya ng isang galit na leon, “AAAAAHH!”
Kaagad tumakbo ang dalawa patungo sa isa't isa, walang kinatatakutan. “AAAAAHHHH~~!” Nang mapang-abot ang dal'wa'y biglang sumambulat ang nakasisilaw na liwanag.
“Argh!” tila naimpit ang boses ng binatilyo.
Si VD na kanina'y nanahimik sa tabi ng study table ay biglang nag-ilaw ang malapad na screen na mukha nito. Na-detect niya ang kakaibang gawi at ingay mula kay Hanson anupat siya'y lumapit upang suriin ito. Unang tingin pa lang ay alam niya ng inaatake na naman ito.
Maging si Mike na nahihimbing sa sahig ay naalimpungatan. May pagtataka pa siyang luminga-linga sa paligid, hinahanap ang sanhi ng kanyang pagkagising, nang mapagtanto ang pinagmumulan nito ay kaagad siyang napabalikwas. Sumugod siya dito at tinapik-tapik ang pisngi. “Hey, hey, hey, Hanson. Hanson.” sabi niya pero hindi siya madinig ng binatilyo, “Listen dude, whatever you see there, they are not real.” dugtong niya habang patuloy pa na pinipikpikan ang pisngi. Sinubukan niyang iyugyog ang balikat. Hindi nagtagal ay tumigil na ito at kumalma.
Nakahinga ng maluwag si Mike at napalinga sa pet robot, “What do you think VD, is he gonna be okay?”
“Initiate checking vital signs.” sagot nito. May isang minutong nanaig ang katahimikan sa silid, matapos no'n ay binasag ito ni VD.
“Checking complete.”“Blood pressure: 90/60 mm HgBreathing: 12 to 18 breaths per minutePulse: 60 to 100 beats per minuteTemperature: 36.5°C”“Which means?”
“His vital signs are normal. Based on observation, his panic attack has a 58% chance of coming back. If that percentage surpass then there is a high possibility that his PTSD could be triggered.”
“Okey, so he's fine now, right?”
“Yes.”
Mike breath in relief as he heard those words from VD. Bumalik si Mike sa kanyang tulugan, nagtabing ng kumot at pinagpatuloy ang naudlot niyang tulog.
Si VD naman ay pansamantalang nanatili sa tabi ni Hanson, scanning his condition, looking for other signs that might triggered his PTSD. Nang wala na siyang makitang kahit anong senyalis ay bumalik na rin siya sa kanyang pwesto at marahang naparam ang palinyang ilaw sa mukha.
Mukhang naging maayos naman ang lahat, ngunit iyon ang akala nila. Hindi sa lahat ng oras ay kayang made-detect ni VD kung nanaginip pa ba si Hanson o hindi, at sa pagkakataong ito ay nabigo siya pagkat si Hanson ay patuloy pa ring binabangungot.
Sa mga sandaling iyon, ang kaninang sumabog na liwanag ay biglang naging kulay itim, dahilan upang balutan ng kadiliman ang buong paligid. At doo'y mabilis na dumaan ang ilang senaryo mula sa kung saan. Malabo ang karamihan sa mga ito gaya ng nauna, at sa huling bahagi ay nakita ni Hanson ang puting nilalang na nakatindig sa kawalan. Basang-basa sa ulan. Nakayuko. Walang imik.
###
“Hanson, wake up!” tawag ni Mike na nagmamadaling lumapit sa cellphone niyang nakalapag sa lamiseta sa tabi ng kama. Panay lang ang alarm nito na naka-set ng 6AM pero pasado alas otso na. Dali-dali rin itong pumunta sa bintana at hinawi ang kurtina.
“Hanson gising na, Hanson gising na,” pag-uulit ng pet robot na si VD.
Marahan namang napamulat si Hanson nang madama ang pagtama ng sinag sa kanyang mukha. Tinapikan siya ni Mike, “Come on man!” at humakbang palabas ng kwarto.
Paupong bumangon si Hanson sa higaan, “That's a long dream,” sabi niya nang iangat ang kanyang mga kamay at minasdan. Kapansin-pansin ang pangangatal nito na maging ang mga kalamanan niya'y tila nabalutan ng sobrang takot. Pansin niya rin ang kawalang enerhiya sa kanyang katawan. Ngayon lang siya napagod ng ganito, pati lalamunan niya'y nanuyo.
“Hanson is crying! Hanson is Crying! Crying! Crying!” Basag ni VD sa kanyang pagmumuni.
“No I'm not.” tanggi niya at pinunasan ng kanyang palad ang basang pisngi, “Masama lang ang pakiramdam ko ngayon.” Bumaling siya sa kaliwa at tumingin sa orasan, “8:30 na pala.”
“Hansom bumangon ka na dyan,” tawag muli ni Catherine.
“O-Opo, bababa na po!” nauutal na tugon ni Hans.
“Hurry up Hanson we'll be late!" Dugtong pa ni Mike na nauna ng bumaba.
“Late?” bulong niya. Inalis niya ang kamay sa kanyang mukha at kunot-noong nagtaka sa sinabi nito, “late, para saan?”
Nanatiling kulubot ang kanyang ekspresyon at tila tulog pa ang kanyang diwa upang maunawaan kung ano ang ibig sabihin nito.
Bumaling siya sa kalendaryo. Nakita niyang nakatapat ang petsang iyon sa araw ng sabado, samakatuwid wala silang pasok ngayon. Rest day din nila ngayon sa Training at wala naman siyang naalala na may gagawin sila ngayong araw.
“Ano ba'ng meron?”
Maya-maya pa'y tila biglang may dumako sa kanyang isipan. “Oh shit!”
“Jason will definitely scolding me for being late,” usap niya, “ayaw na ayaw pa naman n'un ang late.”
Nagmadali na siyang kumilos. Wala na siyang oras upang makapaghanda pa't mag-ayos kaya kung ano na lamang ang kanyang mahawakan mula sa drawer ay iyon na. Asul na polo na dinoblehan ng sandong itim at maong na itim ang agad niyang naisuot. Hindi na siya nakaligo at nagwisik-wisik na lang ng pabango at pagkatapos ay patakbo siyang bumaba bitbit si VD.
Pagdating sa kusina ay nakita niya si Mike na kumakain at tila nagmamadali rin. “Good morning po, 'Ta.” Bati niya kay Catherine.
Dali-daling lumapit si Hanson sa mesa at naupo sa upuan. Agad siyang kumuha ng tinapay at inilipat sa kanyang plato. Mabilasan siyang kumain. Halos mapuno na niya ang kanyang bibig at lumunok ng walang humpay. Pagkatapos ay kumuha siya ng isang basong may tubig at ininom.
‘TOOT TOOOT TOOT!’
Isang malakas na busin ang kanyang narinig mula sa labas. Pasaglit na sumulyap si Hanson sa bintana na malapit sa kanya at nakita ang isang itim na mahabang sasakyan na nakaparada sa bungad. Nakalutang ito ng isang talampakan mula sa semento.
Sa apat na sulok ng sasakyang ito ay may tig-iisang bilog, nakausli. Bawat isa ay nag-iilaw ng mint green na kulay at ito ang nagpapa-angat sa sasakyan.
Kilala ang uri ng sasakyang ito bilang Van Holver pero Van pa rin ang tawag nila dito dahil sa pagkakapareho ng disenyo nito sa nauna.
“Bilisan niyo boys nandito na sila.” Sabi ng Tita Catherine sa kanila.
Tapos na siyang kumain sa pagkakataong iyon. Dali-dali ng humakbang si Hanson patungo sa pintuan na dala-dala si VD, gayundin si Mike na kakatapos lang sa pagkain.
Paglabas nila ng bahay, itinaas ni Hanson ang kanyang baba ng may maaliwas na mukha. Huminga siya ng malalim at ngumiti ng mapait, sinusubukang itago ang lumbay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pag-asa. Isang pag-asa na magbabago sa kanyang buhay.
“Hindi pa huli ang lahat. Alam ko'ng darating ang araw na makakawala rin ako sa sakit na ito. And when that happens,——
I'm going to find the justice myself, kuya Tristan.”SPECIAL NOTE:
It is a fact that martial arts can reduce anxiety, panic attacks, and headaches. Not just for self-defense but also raise a person's self-esteem, stress relief etc. It does not cure PTSD but it can be used as a trauma reliever.

  Naglalakad na ang dalawa patungo sa Hover Van nang bumukas ang pangalawang pinto nito at dumungaw ang isang lalaki. Gaya ng dati'y naka-headband ito at may nakabinbin na headset sa leeg. Mukhang hindi na mawawala sa style ni Jacob 'yon. Pumalakpak ito ng tatlong beses, “Yun oh, Lodi! Bilisan ninyo! Hehehe.” nakangiwing sabi ni Jacob. Hanson and Mike speed up their pace as they saw Jacob and the others inside. At nang makapasok ay agad na isinara ni Jacob ang pinto ng Van, “Ang tagal niyo naman bro.” Anang nito. Pumwesto sa pang-apat na hanay sina Hanson, VD at Mike. Nasa pangalawang passenger seat naman si Jacob, malapit sa pint
  "Hanson..." Napatigil si Hanson at lumingon sa likuran. Naniningkit ang kanyang mga mata nang tumanaw sa malayo, hinahagilap kung sino ang tumawag sa kanya. Pabaling-baling. Pinagtuonan din niya ang mga taong nagkukumpulan na tumitingin sa mga painting. Doon din sa gitna ng grupong iyon ay may napansin siyang kakaiba. Isang kakatwang pigura. Isang taong nakatindig sa gitna ng mga ito. All white ang kasoutan na tila bathrobe. Puti ang buhok at bungo? The familiarity of that figure gives him chills. Nang m
[Earlier..]"THUD"Isang kalabog ang agad na umagaw sa atensyon ng mga taong naroroon, nagtataka kung ano ang bumagsak sa sahig. Sa pagtuon nila ng pansin dito ay isang lalake pala ang nawalan ng malay.Agad napatingin si Mara sa likuran, "Hanson!" gulat niya nang makitang nakabulagta na sa sahig ang binatilyo. Walang pag-aatubili siyang lumapit dito at tinapik-tapik ang pisngi, "Hanson! Hanson, gumising ka anong nangyayari sa 'yo?!"Napahinto rin si Sarah at patakbong
  Gabi na nang umalis si Catherine sa kanyang trabaho, nagmamadali. Usapan pa naman nila ni Hanson na magkikita sila sa may fountain, sa Amusement Park ng 6pm. Subalit sa dami ng ginagawa niya ay 7pm na siya naka-alis. Pati mga ibang magulang ng kaibigan ni Hanson ay darating din. “Baka kanina pa naghihintay ang mga 'yon.” Sabi niya. Pagdating ni Catherine sa naturang lugar ay bumungad sa kanya ang hile-hilerang mga tindahan. Nag-aagaw sa atensyon ang mga kumukutitap-kutitap na ilaw sa Ferris wheel, gayon' din ang carousel at ng kung anu-ano pang mga pang-aliw na sasakyan at palaro na makikita doon. Kapansin-pansin din ang dami ng mga dumadagsa sa lugar. Malamang, araw ng piyesta ngayon kaya hindi ito palalagpasin ng
*ROOOOAAAAARRRR!Isang nakakagimabal at matagal na sigaw ang biglang kumawala mula sa kagubatan, dahilan upang mabulabog ang mga ibon at magsiliparan ang mga ito palayo.Napatingin ang lahat sa isa't isa at nagpalingon-lingon sa paligid, sinusubukang alamin kung ‘ano’ ang pinagmulan ng ingay. Iba't ibang mga katanungan ngayon ang lumalabas mula sa kanilang mga bibig.“What's that noise?”“Is that thing coming to us?”
“Are you alright Liliane?” anya ni Sarah.“Don't worry, we got you.” segunda naman ni Mara.Tila nabalik sa katinuan si Hanson at awtomatikong sinundan ng paningin niya ang tinig na iyon at nagulat ng makita niya sina Sarah at Mara na hawak ang kamay ni Liliane."Hurry up Liliane, before the monster caught us!" Atas ni Sarah na sinunod naman ng dalagita. Kaagad niyang ipinatong ang kanyang paa sa naka-umang na bato at inabot ang naka-usling sanga, inaalalayan siya ng dalawang babae na muling makasampa.Tila umaliwalas ang mukha ni Hanson at kumu
Sa mga labi ng tanyag na Museyo, sa ilalim ng bumagsak na palapag ay mayroong maliit at mahinang ilaw ang kumikislap. Nagmumula ito sa isang puting bagay na naiipitan ng wasak na pader. Ito ay walang iba kundi si VD, ang AI pet robot na pagmamay-ari ni Hanson. Parang lata ito na nayupi, basag at maraming gasgas ang mala-bakal na katawan, subalit sa kabila ng kalagayan ay nagawa pa rin nitong magwika sa elektronikong boses na batang lalake.Memsys Activate...Subject: AI VDTransferring Memsys to Alpha Veda... CompleteRe-booting System... CompleteAnalyzing Data... CompleteNotice: Data h
Paalis na ang grupo sa lugar pero nagulantang sila nang sumulpot sa harapan nila ang isa pang halimaw. Tila nawala sa isipan nila na dalawa ang tumutugis sa kanila."Tama na ang paglalaro mo, kapatid." wika ng bagong dating na nilalang. Kumulubot ang noo ni Hanson, 'Kapatid? You mean they're siblings?"Samantala, biniyak ng isa ang ugat na nagkukulong sa kanya. Gamit ang malalakas na braso at matatalim na kuko ay walang kahirap-hirap nitong sinira ang ugat ng matandang puno, "Kung sa tingin niyo'y mapipigala
Abala sa pagbabasa si Trixie. Hindi pa rin siya lumalabas sa kanyang kwarto mula ng maagang magising ngayong umaga. Hindi rin niya pinapansin ang mga katok sa kanyang pintuan, ni ang tawag ng kanilang katulong ay kibit-balikat lang siyang nagbibingi-bingihan. Ganito na ang nakagawian niya sa tuwing magbabasa, walang pakielam sa paligid.Mabilisan niyang pinalipat-lipat ang mga pahina. Hindi niya nilalahat dahil maka-ilang beses niya na itong basahin, liban sa mga dayalogo na kanyang binibigyang pansin. Sandali pa'y dinapuan siya ng kawalang ganang magpatuloy.Tumindig siya mula sa kanyang higaan. Kinuha ang lahat ng mga libro sa study table at isinalansang sa kama. Balewala kung nakakalat ang mga ito dahil ililigpit niya rin naman pagkatapos.Nagbuklat siya ng isa at nagsimula. Subalit wala pa'ng isang kabanata ay tinapos niya na ito agad. Napabuntong hininga siya. Tila ba'y pinagsawaan ang libro. Bukod sa nagsawa na
Ura-uradang tinahak ni Sarah ang pasilyo sa HUMSS 2. Holding her cellphone, typing her message. May nakalabas na maliit na hologram image ito sa ibabaw at makikita doon ang mga letrang kanyang tinatayp. It was a short and important message that should be taken into account. She sent it afterwards without any thoughts. Sa kanyang pagpasok classroom ay sinalubong siya ng dalawang ka-eskwela, isang babae at isang lalake. "Sarah! Tamang-tama pinapahanap ka sa amin ni coach." anya ng babae. "Bakit daw?" "Well, its for the upcoming competition." saad ng lalake. "You mean the qualification match?" "Yes, and we also want to confirm kung sasali ka pa rin sa team?" sabi ng babae. "Yes ofcourse sasali pa rin ak
Sa abalang silid ng Grade 11-A sa HUMMS 2 building, Hanson was on his chair. Kaharap si Mike na dikit ang mukha sa armchair at si Jacob na dekwatro ang upo sa ibabaw ng munting mesa. His brows were slightly raised. Eyes looking to the left side. Lihis sa dalawang kasama, frowning, "Wait a sec'..." Hanson mumbled, "what are you guys doing here again?" "O yeah, now that you mentioned it..." pukaw ni Jacob. He rested his chin on his right thumb and lifted. Then a sudden smile plastered on his face, jerking, "I have no idea," he teased. Hanson gave a straight face, eyes closed in two straight lines like a tired, as if he was at the end of one's rope.
Sarah is currently walking her way to Vicentian University. Hindi niya kasabayan si Mara, masama raw ang pakiramdam ayon sa ina nito. Maging si Trixie ay hindi rin pinapasok dala ng kahapon. She wrapped her arms around herself and bowed her head. Shadows took over her face. ‘Mara who is confused by hallucinations and Trixie who just lost someone,’ sapantaha niya, ‘I pity them. I wanted to help but...’ She tightened her grip, ‘I don't get it...’ ‘Bakit paniwalang-paniwala si Mara that h
Malamig na simoy na hangin ang siyang dumako sa buong katawan ni Jacob dahilan upang siya'y tamading bumangon. "Jacob, anak bumangon ka na d'yan," Sabi ng tiyuhin niyang si June, tinatapik-tapik ang paa ni Jacob. "Eeeee... ayoko pa'ng bumangon inaantok pa ako e," sabi niya sabay tagilid sa kaliwa at kumubli sa kumot. "Jacob, bumangon ka na d'yan," sabi muli ni June, “grounded ka ng 1 week sa xbox kapag hindi ka pa tumayo dyan.” Bumalikwas si Jacob sa kama, "Opo opo 'eto na tatayo na po," aniya, “sinapian na po ako ng kasipagan.”
Walang ganang tinungo ni Trixie ang kanyang kwarto. Mailawalas at organisado ang mga kagamitan sa silid. Walang kalat at makulay. Pink ang dingding at ang ilang mga gamit. Mapusyaw na rosas ang kumot. Kulay berde ang unan at kisame at puti naman ang kurtina. Kaakit-akit sa mata. Akmang-akma ang pagka-blend ng mga kulay, subalit kung ano naman ang ikinaganda ay siya namang ikinabingi ng paligid. Buhay na buhay nga ang kulay subalit napakalungkot at sobrang tahimik. Sumandal siya sa pintuan, leaning her head against it. She closed her eyes and let out a deep breath. She was stuck there for a moment, as if she had lost the strength to walk. She doesn't want to leave there though. She just wants to lie on the floor and squirm, but what can such an action do? Nothing.
Mag-isang tinatahak ni Sarah ang daan pauwi. Nauna na kase sa kanya si Mara sa kadahilanang may kailangan daw itong gawin. Meron naman siyang nakakasabay na taga-V.U. na karamihan ay panay kuha ng picture sa kanya sa malayo, pero hindi niya kilala ang mga ito. It'll be awkward for her to approach them suddenly, lalo na kung tanyag siya bilang team captain ng Arnis Team. Baka kung ano na namang tsismis ang m****a niya sa bulletin news ng university. But no. Even if wala siyang gawin ngayon ay tiyak na may lalabas na balita, not about her but to Mrs. Olivero. Mrs. Tisha Olivero-Alconrad is Trixie's step-mom, known as Mrs. Olivero or Ma'am Oli by her colleagues. She was their neighbor for as long as she can remember. A good teacher and a loving person. Bahagyang lumukot ang mukha ni Sarah.
Habang abala sa pagkain ay panaka-nakang napapatingin si Janine kay Jacob. Naniningkit ang mga titig nito. Nangingilatis. Bagabag na nangusap ang isipan ni Janine, 'Si Maam Oli kaya ang nakita niya kanina?' kuro-kuro niya. Isa isa niyang binulay-bulay ang kanyang mga nalalaman, 'if that so, maybe he knows something. He may have witnessed the suicide himself. But the question is... why did he followed her? And if I were to base the place, time and distance, it would be far away. Maybe it wasn't Oli but someone else..' Hindi mawari ni Janine ang lohika sa likod nito at sa pagnanais na malaman ang kasagutan ay napag-pasyahan niyang mang-usisa, "Jacob, sino nga pala 'yong sinunda
"Ano?!" gitla ni Sarah. "Nangyari iyon after mo'ng umalis from faculty room." Saad ni Mara. Siya'y napalagok at tila nagdadalawang-isip kung ilalahad pa ba ang kanyang nalalaman, ngunit may pag-aalangan man ay pinili niyang magsalita. "Bigla akong napatingin sa bintana, ng mga oras na iyon ay parang nakita ko ng harap-harapan si Ma'am Oli. Biglang tumalas ang paningin ko, as if it like- like I'm wearing binocular." Natulala lamang si Sarah sa kaibigan, waring hindi makapaniwala sa sanaysay nito. *Flashback* Naghihiyawan ang mga tao sa paligid ni Mara habang hawak ang pana't palaso, inaasinta ang puting bilog na may pulang marka sa gitna.