Share

Collapse

Author: GreeniePage
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Hanson..."

Napatigil si Hanson at lumingon sa likuran. Naniningkit ang kanyang mga mata nang tumanaw sa malayo, hinahagilap kung sino ang tumawag sa kanya. Pabaling-baling. Pinagtuonan din niya ang mga taong nagkukumpulan na tumitingin sa mga painting.

Doon din sa gitna ng grupong iyon ay may napansin siyang kakaiba. Isang kakatwang pigura. Isang taong nakatindig sa gitna ng mga ito. All white ang kasoutan na tila bathrobe. Puti ang buhok at bungo?

The familiarity of that figure gives him chills.

Nang magpulasan ang mga tao ay doon niya na lamang napagtanto kung sino ito. Ang nakamaskarang bungo mula sa kanyang panaginip.

Agad ibinalik ni Hanson ang paningin sa harapan at nakikita niyang abala ang apat na kaibigan sa pakikinig kay Janine habang si Mike naman ay tumitingin-tingin din. Muli niyang ibinalik ang atensyon sa lugar kung saan niya namataan ang nakamaskarang bungo.

Tila kuryente kung gumapang ang kilabot sa buo niyang katawan, kasabay ang pagdaloy ng malamig na pawis sa kanyang gulugod. Nais niyang kumaripas palayo ngunit hindi niya magawa pagkat napako na siya sa kanyang kinatatayuan.

Palingon-lingon siya sa paligid, kapansin-pansin na tila hindi nakikita ng lahat ng naroon ang nakamaskarang bungo, parang hangin lang na dinadaan-daan ito ng mga tao.

Pinilig-pilig ni Hanson ang kanyang ulo. 'Hindi namamalik mata lang ako!' Pikit mata niyang sambit sa isipan at pagkatapos ay dumilat, umaasang tama ang pakiwari. Ngunit hindi, naroroon pa rin ang nakamaskarang bungo at naglalakad patungo sa kanya. Hindi maalis-alis ni Hanson ang paningin dito, hanggang sa nagkalapit na sila't nagkaharap.

Nagpagmasdan ni Hanson nang maigi ang suot nitong maskara at nabatid na hindi ito gawa sa goma o tinapalan ng make-up kundi literal na totoong bungo iyon.

Napalagok siya ng laway, habol-habol ang malalim at mabagal na hininga. Iniisip kung anong gagawin nito sa kanya. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na makaharap ni Hanson ang nakamaskarang bungo pagkat madalas niya itong makita sa panaginip, subalit, hindi niya inakala na kahit sa reyalidad ay makakadaupang niya ito.

"Hindi... Hindi ka totoo. Hindi ka totoo!" He said, forcing himself to believe that this is just part of his hallucination. "Oras na..." sambit nito sa kanya. Tila kahalintulad ng mga kumakaluskos na patay na dahon ang boses nito. Isang nakakatakot na boses.

"Oras? Para...saan?" kunot-noong tanong ni Hanson. Wala pa'ng isang segundo ang lumipas ay biglang nawala na parang usok ang nakamasakarang bungo sa kanyang harapan at sumulpot ang dalawang babae.

"Hoy, Hanson, tulala ka na naman!" Panaas na tawag sa kanya ng babae, niyuyugyog ang magkabilang braso niya.

Dagling naulirat si Hanson, "Mara? Captain?" tawag niya sa dalawa. 'It's gone?' Agad niyang iginala ang paningin sa lugar, naninigurado, 'Hallucinating again?' usap niya sa sarili at napabuntong, tila nakahinga siya ng maluwag nang mabatid na guni-guni lang pala ang lahat.

"Hay naku, ilang ulit ko ba'ng sasabihin sa 'yo na Sarah na lang ang itawag mo sa akin." anya ni Sarah Kawakami, half Japanese at half Filipino. First senior high student at team captain ng Arnis team na kinabibilangan ni Hanson Guevarra. "Saka, tulalang-tulala ka nang makita mo siya 'a," patuloy nito at itinuro ang kasamang si Mara Gardner, isa ring first senior high student at dating miyembro ng Archery team, "siguro may crush ka sa kanya ano'."

Napangiwi si Hanson sa sinabi nito "Huh?" Sa isip-isip niya'y siguro dahil sa malimit siyang mahuli nito na malayo ang tingin. Gusto niya sanang sagutin pero hindi na lang. Baka kung madulas siya't maikwento ang nangyari kanina ay mag-aalala pa sila imbes na mag-enjoy. Sa ngayon ay sasarilin niya muna ito at magpapasalamat na dumating sila dahil kung hindi ay tiyak na nangingisay na naman siya sa takot.

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Sarah "Nah, just kidding," patawa-tawa nitong sambit na pagkaday nawala nang may nahagilap, "oh... nandito rin pala sila?" kunot noong anya niya, nakatingin sa direksyon ng iba pang kasama ni Hanson, "mukhang hindi talaga mapaghihiwalay ang friendship ninyo, tsk tsk tsk."

Napasapo sa batok si Hanson, "Well, today is festival so it's okay for us to go here together at least once in a while."

"Yeah you're right."

"By the way, who's that girl," tanong ni Mara nang mapansin ang babaeng medyo kulot ang buhok at nakatali. Luminga naman si Hanson sa tinutukoy nito. "ngayon ko lang nakita ang mukha niya. Your new classmate?" patuloy ni Mara.

"Ah, si Liliane Serrano, bagong transferee sa University." Tugon ng binatilyo at muling humarap sa kausap, "She came from Alban District at kalilipat lang nila dito nung nakaraang linggo."

"A new member of gang huh? Parang habang tumatagal ay padagdag ng padagdag ang circle of friends natin 'a." Sabi pa ni Sarah habang nakatingin sa direksyon ni Liliane.

"Sort of... well, actually nitong huwebes lang namin siya nakilala, sa canteen. Wala na kaming mapwestuhan noon at nagkataon naman na nag-iisa siya sa mesa kaya nakisabay na lang kami sa kanya." Paliwanag ni Hanson.

Napalinga si Hanson sa kinaroroonan ng kanyang mga kaibigan. Abala ang mga ito sa pakikinig kay Janine na todo sa pagpapaliwanag habang si Mike naman ay nagsosolong tumitingin sa iba. Napansin din niya ang mga mata ni Liliane na patingin-tingin sa direksyon nila. Tila nangugusisa ang mga titig nito habang pinagmamasdan sina Sarah at Mara.

Lumapit ito kay Jason at may ibinulong. Bumulong naman din si Jason dito. Walang malay si Hanson sa kung ano ang pinag-uusapan nila, pero sa isip-isip niya'y malamang tungkol ito sa dalawa. Baka tinatanong nito si Jason kung sino ang dalawa. Muling bumaling si Hanson sa kausap.

"And how about us? 'In' ba kami dyan." Wika ni Mara.

"Well, as you can see marami pa kaming bakante and I'm sure na matutuwa sila." Makahulugang biro ni Hanson sa dalawa.

Sinegundahan naman ito ni VD, "More fun! More fun! More fun!" segunda ni

Natawa naman si Sarah sa tudyo ng binatilyo, "That would be a good idea but apparently may kasama kami." Luminga ito sa likuran at itinuro ang isang batang babae, nakatayo sa tapat ng kwadradong salamin na naglalaman ng isang lumang larawan. May suot itong eyeglasses at hanggang batok ang haba ng buhok. Tahimik lang na pinagmamasadan ng batang iyon ang larawan habang nagsusulat sa hawak nitong maliit na kwaderno.

Sinulyapan ito ni Hanson at naningkit ang mga mata niya nang mapansin ang ekspresyon sa mukha nito. Wala siyang makitang kahit ano sa batang iyon anupa't napatanong na lamang siya sa kanyang sarili kung bakit. Nginisian ni Hanson ang kausap, "Well, that's fine. Sabi nga nila mas marami mas masaya, besides," pumahalang ang labi niya as he looked towards the child again, "parang napapansin kong malungkot ang batang iyon."

"Sinabi mo pa. Sara, why don't we go with them para naman may bago." sabi ni Mara. Humaging si Sarah, sa una'y nag-aalinlangan pa ito subalit kalaunan ay nagpasya siyang tanggapin ang paanyaya ng binatilyo.

Lubos namang ikinatuwa ni Hanson ang pagpayag nito. Ito ang ang unang pagkakataon na makakasama ang team captain sa kanilang pamamasyal. Madalas kaseng busy ang dalawang senior high sa mga gawaing pam-paaralan at mga trainings.

"Trixie!" Tawag ni Sarah sa batang babae. Agad naman itong napalinga sa direksyon nila at lumapit. "Well, this is Trixie Alconrad, anak siya ng kapit bahay namin. Bale isinama namin siya dito para maiba 'yong ambiance niya at malayo sa problema?" kwento ni Sarah.

Napakunot naman si Hanson sa pagtataka, "Problema, anong problema?"

"Naku, mahabang kwento. Sa sobrang haba 'eh baka abutan pa tayo ng gabi."

"Ummh hello guys, anong pinag-uusapan ninyo?" sabat ni Janine na bigla na lamang sumulpot, kasama sina Jason, Jacob at Liliane na nasa likuran nito.

"Kanina pa ba kayo dyan?" Tanong ni Hanson.

Nagkugos-kamay si Jason, "Hindi ngayon lang, kanina pa namin kayong pinakikinggan." Sarkastikong saad nito.

"Chill ka lang Jas' baka may pumutok na hangin." Pilyong wika naman ni Jacob.

Binalinan naman ito ni Jason ng matalim na tingin, "'Wag mo ng tangkaang mag-umpisa Jacob. I'm warning you."

Napasinghap naman si Hanson. Siguradong aalingawngaw na naman ang ingay lalo na't kasama ang kambal at si Jacob. Malakas pa namang magbiro itong si Jacob na kapag nasobrahan ay tila bulkang sasabog sa galit ang magkambal.

'Sana naman hindi sila magkagulo mamaya.'

"Anyway guys, may kasama sina Capt." anya ni Hanson at bumaling sa batang babae na nasa likod ni Sarah, nakahawak sa damit.

"She's Trixie Alconrad," pakilala ni Sarah, "bale nag-aaral din siya sa Vicentian University"

Tila nahihiyang namang bumati si Trixie nang ikumpas ang isang kamay. Nagpatuloy si Sarah, "Trixie, this si Hanson, Janine, Jason, Jacob, Liliane and uhmm... where is he?!"

Nagsitinginan sa isa't isa ang lima.

"'Di ba nasa likod lang natin siya kanina?" Pananong ni Jason kay Jacob nang mapagtantong may kulang sa kanila.

Umiling-iling naman si Jacob dito, "Aba, malay ko ba, kung san'-san' kase nagsu-susuot 'yon e."

"Geee... Kung kailan tayo nagkaroon ng time maghang out saka naman siya nawala. Parang kabute, lulubog-lilitaw. Bigla-biglang mawawala tapos susulpot kung kailan hindi mo na siya hinahanap." himutok ni Janine.

Napapikit na lamang si Hanson at napasinghap. Pakiwari niya'y napahiya siya sa dalawa matapos ipakilala ang bagong kaibigan.

"Ang mabuti pa'y hanapin na lang natin siya." Suhestyon ni Mara.

"Ah-eh oo tama ka. Mabuti pa nga." Tugon ni Hanson. Umaalik-ik ito na tila ba'y naasiwa, nagsisisi kung ba't pa niya inaya ang dalawa. Pakiwari niya tuloy inabala niya lang sila.

###

"Wait, where are they?" Tanong ni Mike sa kanyang sarili habang napapakamot sa ulo, "Perhaps I was carried away to much and got lost without realizing it. They'll definitely get mad at me for this."

Dagli siyang tumila't nagkuro-kuro. Tila ba'y nakikita nito ang isang senaryo sa kanyang isipan. Isang tagpuan kung saang may nai-imagine siya.

Nakikita niya ang namimilog na mga mata ng kambal. Masama ang tingin ng mga 'to sa kanya na para bang ang laki-laki ng nagawang kasalanan. "Hoy! Bakit ngayon ka lang hah?! At saan ka nanggaling?!" korus ng dalawa, nakapamewang.

Bigla naman siyang niyakap nang pasakal sa leeg ni Jacob at nakatawang-asong nagwika, "Ikaw hah kanina ka pa naming hinahanap ah, siguro nan-chicks ka ano?"

Bumalin si Mike patungo kay Hanson na tahimik na nakatingin sa kanya. "Ah-eh Hanson," tawag niya sa binatilyo ngunit umiwas lang ito ng tingin.

Samantalang si Liliane naman ay nanonood lamang sa kanila habang tila naghuhugis pananong ang mukha dahil sa pagtataka. '?'

Dagling bumalik sa reyalidad si Mike, "Ehh... Looks like no one will defend me against those jerks," nakangiwing bulong ni Mike, "Nah... whatever," ani niya at kaswal na nagpatuloy sa paglalakad na para bang walang iniintinding problema.

Malaki at malawak ang 'Heritage House' kumpara sa bahay ng magkambal na kanyang pinuntahan noon. Mayroong dalawang palapag ang 'Heritage House' subalit sa laki at lawak nito ay tiyak na maliligaw ka. Dagdagan pa ng maraming silid at pasikot-sikot dito, tiyak na mahihirapan si Mike sa paghahanap sa kanyang mga kaibigan.

Sa paglilibot ng binatilyo ay kapansin-pansin ang pag-luwag ng paligid. Ka-kaunting gamit na lamang ang naka-display. mga lumang painting na kupas na ang mga kulay at mga antigong gamit na natutuklap na ang pintura. May mangilan-ngilan ring mga tao ang naroroon.

Sa pagtahak ni Mike sa pasilyong iyon ay isang malawak na balkonahe ang umagaw sa kanyang atensyon. Agad siyang tumila at lumapit sa balkonahe upang pagmasdan ang labas. His mouth went round as he saw the scenery that he didn't expect to see, "Wow, the view here is far more better than the other."

Tila ba'y nasa ibabaw siya ng mundo. Puro bulubundukin ang kanyang nakikita, walang gusali o anuman, kung saan ang kaulapan ay humahalik sa maberdeng bundok.

Malawak ang ngiti ng binatilyo, subalit unti-unting napawi nang tila may bigat ang nanahan sa kanyang dibdib. Matamis ang ngiti subalit may bakas ng kalungkutan ang mga mata. Lumakad palayo sa balkonahe si Mike, "I'd better find them right away or otherwise they will surely beat me."

###

Samantala, naghati sa dalawang grupo sina Hanson. Nasa loob ng 'Heritage House' ang binatilyo kasama ang dalawang senior high at ng batang si Trixie habang nasa entrance naman ang magkambal kasama sina Liliane at Jacob.

Ayon kay VD ang hugis ng istraktura ng Heritage House Museum ay parang parehaba na may mga parisukat sa loob. Isang lang ang pangunahing pinto na syang nagsisilibing exit at entrance. May back door at secret door din pero awtorisadong tauhan lang ang pwedeng gumamit, 'yung iba ay naka-close. Dating mansyon ang Heritage House na pina-renovate at ginawang museyo, maraming pasikot-sikot dito kaya iminungkahi ni VD na maghati sa dalawang grupo, ang isa papasok sa loob at ang isa naman ay nasa labas.

"Nakakainis! Kung bakit sa ganitong pagkakataon pang nawala si Mike." Pagmamaktol ni Janine habang itinataas ang cellphone. Naghahagilap ng signal. Makailang ulit na rin niyang tinawagan si Mike subalit gan'on pa rin, "Buwisit! Walang signal! Pa'no natin makokontak si Mike?!"

Sinabihan naman ito ni Jason, "Janine, iilan lang ang tower cell sa Sitio Pinagpala hindi gaya doon sa syudad. Isa pa nasa liblib na bundok ang Heritage House Musem kaya asahan mo ng mahina ang signal dito. At pwede ba'ng baba-babaan mo naman ang boses mo."

"Eh kase naman eeehhh.."

"Ano kaya kung pumasok na lang tayo para mabilis nating mahanap si Mike." Suhestiyon ni Liliane.

Luminga naman dito si Jason, "Si Hanson na ang bahala doon, kasama naman niya 'yong dalawa. Saka kaya tayo bumukod sa kanila ay para kung sakaling magawi dito si Mike." Paliwanag ng binatilyo.

Bigla namang tumayo si Jacob mula sa pagkaka-upo sa sementadong upuan, "Bahala nga kayo diyan."

"Hoy-hoy-hoy san ka pupunta?!" Panunuway ni Jason.

"Ano pa e di papasok. Nababagot na ako sa kahihintay dito sa labas kaya papasok na lang ako sa loob." Sagot nito at walang pakundangan na tinalikuran si Jason at hindi pinansin ang mga tinuran nito.

"Teka sasama ako!" Sabi naman ni Janine na patakbong sumunod kay Jacob.

Sumunod naman si Liliane, "Ako rin!"

"Hoy! Teka iiwan ninyo ako dito!"

"Matanda ka na kaya mo na 'yan!" Nakangiting saad ni Janine na para bang inaasar si Jason.

"Okey fine, whatever! Ganyan naman kayo palagi 'eh mga nang iiwan!" Panghihimutok ni Jason. Busangot ang mukha.

###

Patuloy naman sa paglilibot si Hanson kasama ang tatlo pa. "Mukhang mas luma na ang mga nandito." Puna ni Hanson.

"Pansin ko nga." Saad naman si Sarah.

Sapagbaybay nila sa pasilyo ay tila may napansin si Hanson. Isang lumang painting. Sa 'di malamang dahilan ay agad na tumila si Hanson upang pagmasdan ito. Nakalarawan dito ang malahiganteng puno. May karimliman ang paligid at napapaligirang ng mga alitaptap. Agad siya namutla at nanlamig, tila ba'y nakakita siya ng multo, "Imposible..." usal niya, "Ang larawang ito..." Bumagal ang pintig ng kanyang puso, namigat ang kanyang katawan. Nanlabo rin ang paningin niya, hanggang sa tuluyan ng nandilim.

At isang malakas na kalabog ang agad na umagaw sa atensyon ng ilang naroroon.

May kamalayan pa ang diwa ni Hanson, subalit tila kulob sa pandinig niya ang mga boses anupa't hindi niya matukoy kung sino-sino ang mga nakapaligid sa kanya. Pansin niyang may tumatawag sa pangalan niya at tinatapik-tapik ang kanyang pisngi.

Kumurap ang mata ni Hanson at napuna ang dalawang umaakay sa kanya na pabilis ng pabilis maglakad. Dama niya ang pagsayad ng kanyang mga paa sa marble na sahig. Sa mga sandali ding 'yon ay tila nakaririnig siya ng malalakas na mga hiyawan. Parang takot na takot ang dating ng mga boses na iyon at hindi mapakali.

Dinig niya rin ang pagkalampag ng mga bagay sa paligid na parang mga platong nababasag.

Hindi alam ni Hanson kung ano ang nangyayari sa kanyang paligid hanggang sa tuluyan na ngang nilamon ng kadiliman ang buo niyang kamalayan.

Related chapters

  • Light Begins    Oras na

    [Earlier..]"THUD"Isang kalabog ang agad na umagaw sa atensyon ng mga taong naroroon, nagtataka kung ano ang bumagsak sa sahig. Sa pagtuon nila ng pansin dito ay isang lalake pala ang nawalan ng malay.Agad napatingin si Mara sa likuran, "Hanson!" gulat niya nang makitang nakabulagta na sa sahig ang binatilyo. Walang pag-aatubili siyang lumapit dito at tinapik-tapik ang pisngi, "Hanson! Hanson, gumising ka anong nangyayari sa 'yo?!"Napahinto rin si Sarah at patakbong

  • Light Begins    The howl and the past

      Gabi na nang umalis si Catherine sa kanyang trabaho, nagmamadali. Usapan pa naman nila ni Hanson na magkikita sila sa may fountain, sa Amusement Park ng 6pm. Subalit sa dami ng ginagawa niya ay 7pm na siya naka-alis. Pati mga ibang magulang ng kaibigan ni Hanson ay darating din. “Baka kanina pa naghihintay ang mga 'yon.” Sabi niya. Pagdating ni Catherine sa naturang lugar ay bumungad sa kanya ang hile-hilerang mga tindahan. Nag-aagaw sa atensyon ang mga kumukutitap-kutitap na ilaw sa Ferris wheel, gayon' din ang carousel at ng kung anu-ano pang mga pang-aliw na sasakyan at palaro na makikita doon. Kapansin-pansin din ang dami ng mga dumadagsa sa lugar. Malamang, araw ng piyesta ngayon kaya hindi ito palalagpasin ng

  • Light Begins    Why?

    *ROOOOAAAAARRRR!Isang nakakagimabal at matagal na sigaw ang biglang kumawala mula sa kagubatan, dahilan upang mabulabog ang mga ibon at magsiliparan ang mga ito palayo.Napatingin ang lahat sa isa't isa at nagpalingon-lingon sa paligid, sinusubukang alamin kung ‘ano’ ang pinagmulan ng ingay. Iba't ibang mga katanungan ngayon ang lumalabas mula sa kanilang mga bibig.“What's that noise?”“Is that thing coming to us?”

  • Light Begins    Run for your life

    “Are you alright Liliane?” anya ni Sarah.“Don't worry, we got you.” segunda naman ni Mara.Tila nabalik sa katinuan si Hanson at awtomatikong sinundan ng paningin niya ang tinig na iyon at nagulat ng makita niya sina Sarah at Mara na hawak ang kamay ni Liliane."Hurry up Liliane, before the monster caught us!" Atas ni Sarah na sinunod naman ng dalagita. Kaagad niyang ipinatong ang kanyang paa sa naka-umang na bato at inabot ang naka-usling sanga, inaalalayan siya ng dalawang babae na muling makasampa.Tila umaliwalas ang mukha ni Hanson at kumu

  • Light Begins    Against the all odds

    Sa mga labi ng tanyag na Museyo, sa ilalim ng bumagsak na palapag ay mayroong maliit at mahinang ilaw ang kumikislap. Nagmumula ito sa isang puting bagay na naiipitan ng wasak na pader. Ito ay walang iba kundi si VD, ang AI pet robot na pagmamay-ari ni Hanson. Parang lata ito na nayupi, basag at maraming gasgas ang mala-bakal na katawan, subalit sa kabila ng kalagayan ay nagawa pa rin nitong magwika sa elektronikong boses na batang lalake.Memsys Activate...Subject: AI VDTransferring Memsys to Alpha Veda... CompleteRe-booting System... CompleteAnalyzing Data... CompleteNotice: Data h

  • Light Begins    The Light and the Tree

    Paalis na ang grupo sa lugar pero nagulantang sila nang sumulpot sa harapan nila ang isa pang halimaw. Tila nawala sa isipan nila na dalawa ang tumutugis sa kanila."Tama na ang paglalaro mo, kapatid." wika ng bagong dating na nilalang. Kumulubot ang noo ni Hanson, 'Kapatid? You mean they're siblings?"Samantala, biniyak ng isa ang ugat na nagkukulong sa kanya. Gamit ang malalakas na braso at matatalim na kuko ay walang kahirap-hirap nitong sinira ang ugat ng matandang puno, "Kung sa tingin niyo'y mapipigala

  • Light Begins    12 years

    Matiyagang naghihintay si Catherine sa mahabang upuan, sa labas, malapit sa pinto ng E.R. Kagat-kagat ang labi kasabay ang mabilis na pagtuktok ng kanyang mga talapakan sa sahig.Kasama niya rin sina Ginoong Torio at Mrs. Alvarez sa upuang ding iyon, nakayuko at magkalapat ang mga palad, nagdarasal na dumating ang mabuting balita para sa kanila. Puro parito't paroon naman ang lakad ni Mr. Alvarez, nakapameywang at patingin-tingin sa pintuan. Gano'n din si June na nakasandal sa gilid ng pintuan at maya't mayang sumusulyap sa wristwatch.Bakas sa kanilang ekspresyon ang pagkabalisa na bagamat hindi mapakali ay pilit nilang pinapakalma ang kanilang mga sarili. Nagpapakatatag sa kabil

  • Light Begins    Smoke and Memory

      Nakaupo si Hanson sa kanang bahagi ng kama, nakatingin sa labas ng malaking bintana. Pinapanood ang pagsilip ng haring-araw na karaniwan niyang ginagawa sa umaga mula nang siya ay ma-ospital ilang araw na ang nakakaraan. Minsan nagbibilang siya ng mga dumadaang sasakyan at ng mga naglalakad sa labas. Tatanawin ang mga kabahayan at gusali o 'di kaya'y manonood ng mga palabas sa Internet. Sa lahat-lahat, 'yon lang ang nagagawa niya sa maghapon for almost two months. Hindi naman siya makalabas ng kanyang silid dahil maliit ang nasasakupan ng ospital anupat hanggang dungaw na lamang siya sa bintana.

Latest chapter

  • Light Begins    Sorry part 2

    Abala sa pagbabasa si Trixie. Hindi pa rin siya lumalabas sa kanyang kwarto mula ng maagang magising ngayong umaga. Hindi rin niya pinapansin ang mga katok sa kanyang pintuan, ni ang tawag ng kanilang katulong ay kibit-balikat lang siyang nagbibingi-bingihan. Ganito na ang nakagawian niya sa tuwing magbabasa, walang pakielam sa paligid.Mabilisan niyang pinalipat-lipat ang mga pahina. Hindi niya nilalahat dahil maka-ilang beses niya na itong basahin, liban sa mga dayalogo na kanyang binibigyang pansin. Sandali pa'y dinapuan siya ng kawalang ganang magpatuloy.Tumindig siya mula sa kanyang higaan. Kinuha ang lahat ng mga libro sa study table at isinalansang sa kama. Balewala kung nakakalat ang mga ito dahil ililigpit niya rin naman pagkatapos.Nagbuklat siya ng isa at nagsimula. Subalit wala pa'ng isang kabanata ay tinapos niya na ito agad. Napabuntong hininga siya. Tila ba'y pinagsawaan ang libro. Bukod sa nagsawa na

  • Light Begins    Sorry part 1

    Ura-uradang tinahak ni Sarah ang pasilyo sa HUMSS 2. Holding her cellphone, typing her message. May nakalabas na maliit na hologram image ito sa ibabaw at makikita doon ang mga letrang kanyang tinatayp. It was a short and important message that should be taken into account. She sent it afterwards without any thoughts. Sa kanyang pagpasok classroom ay sinalubong siya ng dalawang ka-eskwela, isang babae at isang lalake. "Sarah! Tamang-tama pinapahanap ka sa amin ni coach." anya ng babae. "Bakit daw?" "Well, its for the upcoming competition." saad ng lalake. "You mean the qualification match?" "Yes, and we also want to confirm kung sasali ka pa rin sa team?" sabi ng babae. "Yes ofcourse sasali pa rin ak

  • Light Begins    Crashes of events part 2

    Sa abalang silid ng Grade 11-A sa HUMMS 2 building, Hanson was on his chair. Kaharap si Mike na dikit ang mukha sa armchair at si Jacob na dekwatro ang upo sa ibabaw ng munting mesa. His brows were slightly raised. Eyes looking to the left side. Lihis sa dalawang kasama, frowning, "Wait a sec'..." Hanson mumbled, "what are you guys doing here again?" "O yeah, now that you mentioned it..." pukaw ni Jacob. He rested his chin on his right thumb and lifted. Then a sudden smile plastered on his face, jerking, "I have no idea," he teased. Hanson gave a straight face, eyes closed in two straight lines like a tired, as if he was at the end of one's rope.

  • Light Begins    Crashes of events

    Sarah is currently walking her way to Vicentian University. Hindi niya kasabayan si Mara, masama raw ang pakiramdam ayon sa ina nito. Maging si Trixie ay hindi rin pinapasok dala ng kahapon. She wrapped her arms around herself and bowed her head. Shadows took over her face. ‘Mara who is confused by hallucinations and Trixie who just lost someone,’ sapantaha niya, ‘I pity them. I wanted to help but...’ She tightened her grip, ‘I don't get it...’ ‘Bakit paniwalang-paniwala si Mara that h

  • Light Begins    Second Day

    Malamig na simoy na hangin ang siyang dumako sa buong katawan ni Jacob dahilan upang siya'y tamading bumangon. "Jacob, anak bumangon ka na d'yan," Sabi ng tiyuhin niyang si June, tinatapik-tapik ang paa ni Jacob. "Eeeee... ayoko pa'ng bumangon inaantok pa ako e," sabi niya sabay tagilid sa kaliwa at kumubli sa kumot. "Jacob, bumangon ka na d'yan," sabi muli ni June, “grounded ka ng 1 week sa xbox kapag hindi ka pa tumayo dyan.” Bumalikwas si Jacob sa kama, "Opo opo 'eto na tatayo na po," aniya, “sinapian na po ako ng kasipagan.”

  • Light Begins    Crumpled Paper

    Walang ganang tinungo ni Trixie ang kanyang kwarto. Mailawalas at organisado ang mga kagamitan sa silid. Walang kalat at makulay. Pink ang dingding at ang ilang mga gamit. Mapusyaw na rosas ang kumot. Kulay berde ang unan at kisame at puti naman ang kurtina. Kaakit-akit sa mata. Akmang-akma ang pagka-blend ng mga kulay, subalit kung ano naman ang ikinaganda ay siya namang ikinabingi ng paligid. Buhay na buhay nga ang kulay subalit napakalungkot at sobrang tahimik. Sumandal siya sa pintuan, leaning her head against it. She closed her eyes and let out a deep breath. She was stuck there for a moment, as if she had lost the strength to walk. She doesn't want to leave there though. She just wants to lie on the floor and squirm, but what can such an action do? Nothing.

  • Light Begins    Confirm and Denial

    Mag-isang tinatahak ni Sarah ang daan pauwi. Nauna na kase sa kanya si Mara sa kadahilanang may kailangan daw itong gawin. Meron naman siyang nakakasabay na taga-V.U. na karamihan ay panay kuha ng picture sa kanya sa malayo, pero hindi niya kilala ang mga ito. It'll be awkward for her to approach them suddenly, lalo na kung tanyag siya bilang team captain ng Arnis Team. Baka kung ano na namang tsismis ang m****a niya sa bulletin news ng university. But no. Even if wala siyang gawin ngayon ay tiyak na may lalabas na balita, not about her but to Mrs. Olivero. Mrs. Tisha Olivero-Alconrad is Trixie's step-mom, known as Mrs. Olivero or Ma'am Oli by her colleagues. She was their neighbor for as long as she can remember. A good teacher and a loving person. Bahagyang lumukot ang mukha ni Sarah.

  • Light Begins    Doubt

    Habang abala sa pagkain ay panaka-nakang napapatingin si Janine kay Jacob. Naniningkit ang mga titig nito. Nangingilatis. Bagabag na nangusap ang isipan ni Janine, 'Si Maam Oli kaya ang nakita niya kanina?' kuro-kuro niya. Isa isa niyang binulay-bulay ang kanyang mga nalalaman, 'if that so, maybe he knows something. He may have witnessed the suicide himself. But the question is... why did he followed her? And if I were to base the place, time and distance, it would be far away. Maybe it wasn't Oli but someone else..' Hindi mawari ni Janine ang lohika sa likod nito at sa pagnanais na malaman ang kasagutan ay napag-pasyahan niyang mang-usisa, "Jacob, sino nga pala 'yong sinunda

  • Light Begins    Suicide

    "Ano?!" gitla ni Sarah. "Nangyari iyon after mo'ng umalis from faculty room." Saad ni Mara. Siya'y napalagok at tila nagdadalawang-isip kung ilalahad pa ba ang kanyang nalalaman, ngunit may pag-aalangan man ay pinili niyang magsalita. "Bigla akong napatingin sa bintana, ng mga oras na iyon ay parang nakita ko ng harap-harapan si Ma'am Oli. Biglang tumalas ang paningin ko, as if it like- like I'm wearing binocular." Natulala lamang si Sarah sa kaibigan, waring hindi makapaniwala sa sanaysay nito. *Flashback* Naghihiyawan ang mga tao sa paligid ni Mara habang hawak ang pana't palaso, inaasinta ang puting bilog na may pulang marka sa gitna.

DMCA.com Protection Status