Paupong napabangon ang isang binatilyo sa kanyang kama matapos magising mula sa isa na namang panaginip. Tagaktak ng pawis ang katawan, habol-habol ang malalim na hininga. Nihilamos niya ang kanyang mga kamay sa mukha at kinusot-kusot ang mata. Napahilod din siya sa magkabilang sentido at bumuntong ng mabigat, 'Na naman...' ani niya sa sarili.
Tagos ang tingin niya nang tumama sa kumot at naramdaman ang kabigatang nagtatago sa kanyang balikat. Dahil ba ito sa bangungot? Malamang. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na managinip siya.
Pilit siyang nagsawalang bahala sa pananginip na iyon at piniling kumilos. Sa pag-angat ng kanyang mukha ay tila may naaninagan siyang puting usok. Hindi siya sigurado kung ano iyon dahil bigla itong naglaho na parang bula.
May pagkabalisang iginala ni Hanson ang kanyang paningin sa paligid. Palinga-linga. Iniisip na baka panaginip lamang ang kanyang paggising. False Awakening ika nga, isang paggising mula sa panaginip but in reality, the dreamer still continues to sleep.

"Are you okay? Are you okay?" Sa pagtanong ng pet robot na ito ay unti-unting naparam ang kanyang pagkabalisa. Tila ba ito ang nagbigay sa kanya ng katiyakan na siya'y hindi nanaginip, "Ah... Yes I'm fine," tugon niya, "what time is it?"
"6 am, 6 am, 6 am. Two hours before the class starts, before the class starts." sagot ni VD.
"Two hours huh?" walang gana niyang sambit. Tila wala pa siya sa wisyo para kumilos pero pinilit na lamang niyang tumayo upang mag-ayos. Sayang lang kasi sa oras kung liliban siya ngayon ng dahil lang sa panaginip.
Matapos mag-ayos ay minasdan niya ang sarili sa malaking salamin na nasa cabinet, suot ang puting polo at itim na slacks. Simpleng kasuotan ngunit bagay naman sa kanya kahit hindi katangkaran, maliit na pangangatawan, moreno ang kutis, malakulay tsokolate ang mata, itim ang buhok at maamong mukha. "Ayos na," kontento niyang sabi.
"Hanson," dinig niyang tawag naman mula sa unang palapag, "bumaba ka na!"
"Opo, nariyan na!" sagot niya. Bumaba siya bitbit ang kanyang gamit, kasunod ni VD, parang aninong bumubuntot sa binatilyo. Nagtungo sila sa kusina at doon ay naabutan ang kanyang Auntie Catherine na nag-aayos ng hapag-kainan.
"Good morning tita," Bati niya dito. Nilingunan naman siya ng ginang at nginitian, "Magandang umaga rin sa iyo."
Dali-daling lumapit sa mesa si Hanson at naupo, "Aba," pasaglit siyang napapikit at nilanghap ang mga pagkain, "amoy pa lang masarap na." Dugtong niya nang muling imulat ang mata, natatakam sa inihaing pagkain na sinangag na kanin, crispy bacon, sunnyside up egg at ng mainit-init na gatas sa umaga.
"Naman, talagang espesyal at masarap akong mag-luto no.'" Pagmamalaki ni Catherine, "'O sya, sya kumain ka na habang mainit-init pa."
Matapos kumain ay tumindig siya at naglakad patungong devider. Minasdan ang larawan ng isang lalake, si Tristan Sidis, ang kinikilala niyang kapatid. "Papasok na po ako kuya Tristan," mahinang sambit niya, nakangiti subalit may bakas ng lumbay sa kanyang mukha.
Luminga siya sa Tita Catherine niya nang may maaliwalas na mukha, "Tita, alis na po ako."
"Mag-iingat ka."
"Goodbye Hanson, Goodbye Hanson!" Segunda ni VD.
Dali-daling lumabas ng bahay si Hanson at sumakay sa bisekletang nakaparada sa tabi ng bungad ng pintuan. Binaybay niya ang eskinita kung saan ang labas nito'y kalsada na.
Sa pag-labas ni Hanson sa eskinitang iyon ay nakasalubong niya ang isa sa matatalik niyang kaibigan, si Michael Zellweger o kilala sa tawag na Mike, isang fil-am. Binati siya nito na ginantihan naman niya ng ngiti ngunit blangkong mukha.
Mike chuckled, "Well, well, well, you are gloomy and cold as usual, Hanson. Can you smile at least once in a while?"
"No you didn't, I saw it."
"Ok you win."
"Nightmares again?" Wika ni mike sa mapanglaw na pananalita.
"Well... yeah I have, but that's not a big deal to me. I'm used to it already since childhood." Hanson said with a straight face. Telling him the truth of having a dream last night, but getting 'use to it' is just an excuse.
Patuloy sila pagbibisekleta. Sa pagtungo sa paaralan ay kapansin-pansin ang mga nakasabit na bantiritas sa mga puno, gan'on din ang mga hologram galing sa ilang airship na palipad-lipad sa ibabaw ng Unihil. Napangisi na lamang si Hanson nang sumulyap dito, 'Happy 31th Wishing Tree Festival,' Basa niya, ‘Sa linggo na pala ang piyesta huh? For sure busy na naman ang mga tao sa Unihil,' magalak niyang ani, pero siya'y napa-isip, 'What am I going to do? Hangout with friends or stay at home and study?'
"It's seven o'clock in the morning but it feels like afternoon already!" angal ni Mike.
Napaangat ng tingin si Hanson sa kalangitan. Sa totoo lang ay kanina pa niya napapansin ang sobrang init. Pati ang pagdaloy ng pawis sa kanyang likuran ay ramdam niya rin, pero dedma lang iyon sa kanya, "Well, ganito talaga ang klima dito sa Unihil," sambit niya, "no wait, I mean the whole Philippines."
Nanuya naman si Mike, "It's easy for you to say that because you were born here."
Umiling si Hanson, "Sa bagay."
"I do not understand how and why you are able to endure the heat if there's a technology that can control the weather? I mean come on, it's already 2061."
Tumalima si Hanson sa puna nito, "I dunno, perhaps the mindset of some people here is different. You know, money first before everything. Nothing has changed in mankind even after the third great war where half of the world's population were reduced."
Nagmuni-muni si Hanson, '2061 huh... It has been centuries since modern technology began. Diseases that were once incurable are now curable. The ones who have been amputated are already using highly-advance bionic limbs, AI's, pet robot... but still no changed.'
"I hope they've learned their mistake." usal niya.
"Huh?"
"Nothing. I'm just talking to myself."
Ilang minuto ang lumipas ay naaninagan nila ang mataas na pader ng paaralan na yari sa bakal.

Pitong metro ang taas nito. May kalumaan ang itsura nito at kapansin-pansin ang paglitaw ng kalawang mula sa nagtataping pintura na berde.
Sa kalagitnaan ng kahabaan ng pader na ito ay makikita ang nag-iisang gate patungo sa loob ng paaralan. Sa ibabaw nito ay mababasa ang katagang 'Vicentian University.'

Unang bubungad ang tila malawak na hardin sa magkabilang panig ng maliit na kalsada. Patag at mabeberdeng damo na may mga umbok ng makukulay na santan, gan'on din sa gilid ng lansangan. Maging ang mga puno ng narra ay nakahilera sa gilid ng daan.
Sa dulo ng maliit na kalsada ay unang madadaanan ang Maceda, ang pambungad na gusali ng Vicentian University. Mayroon 'tong dalawang palapag at 'sing haba ng gusaling ito ang pader ng VU. Dirty-white ang kulay ng dingding na bagong lagay lang ng pintura. May kalakihan ang mga bintana nito na halos 'sing laki ng tao at bawat agwat ay may tig-kalahating metro ang pagitan. Sa itsura ng gusaling iyon ay hindi mapaghahalatang ito'y luma na at ni-renovate lamang.

Mayroong pasilyo sa gitna ng Maceda at sa kaliwang dingding nito ay may malaking bulletin board. Matapos nilang landasin ito ay itinabi na nila ang kanilang bisekleta at pumaroon sa itinakdang silid-aralan, ang 10 A. Ang Section A ang highest section sa lahat ng baitang, at sa taong ito ay magkaklase sina Hanson at Mike.
Sa kanilang pagpasok sa silid ay sinalubong agad sila ng isang pagbati, "Hi guys!" Pambungad ng isang babae; abot bewang ang buhok nito. Tisay at may katamtamang pangangatawan. Siya si Janine Alvarez. Nakaupo siya malapit sa bintana, kasama ang dalawang lalake at isa pang babae na katabi niya rin.
Masaya namang kumaway dito si Hanson.
"Aba-aba, ano't sobrang saya mo ngayon?" Pangiting tanong ni Janine sa kanya, tila may halo itong pagbibiro habang nakataas ang kaliwang kilay.
"Naman, ganyan talaga kapag umiibig, always bright and smiling face na parang nasilayan mo ang crush mo." Pabirong sabat ni Jacob Barbosa. Balingkinitan ang katawan. May suot na stretch na head band sa ulo at may nakasabit na head phone sa kanyang leeg. Mayroon din itong hawak na baraha na kanya namang binabalasa.
"Haha, hindi naman sa gan'on." Natatawang sambit ni Hanson.
"Agad-agad, kesyo nakangiti lang in-love agad. Hindi ba pwedeng may something lang, mga judgemental talaga kayo." Sabat naman ng isa pang lalakeng nakasalamin na si Jason Alvarez, ang kakambal ni Janine. Seryosong nakatuon sa librong hawak.
"Wow, mukhang lume-level up ka na ngayon Jason ah." Tudyo ni Jacob, "Ikaw ba 'yan Jason o sinasapian ka na naman."
Ibinaba ni Jason ang hawak nitong libro, nauuyam itong luminga kay Jacob, "You know what, nanahimik akong nagbabasa dito, nagrereview for the upcoming exams habang kayo naman ay maliligalig. Do you have any plans for your future? And by the way Jacob, wala akong balak na palitan ang trono mo. Thank you na lang sa compliment."
"Sandali matanong ko lang, anong hangin na naman ba ang nagdala sa inyo at napadpad kayo dito?" Tanong ni Hanson.
"Ano pa ba 'e 'di para magkita-kita tayo. Friendship never apart, in distance or in heart, 'di ba? So, sa ayaw at sa gusto mo pupunta at pupunta pa rin kami dito," Wika ni Janine.
"Eh?"
"I already asked them," segunda ni Jason.
"Pero nagkikita naman tayo tuwing break time. May birthday pa nga at christmas. May new year pa at reunions. Saka matatapos na rin ang school year natin, magbabakasyon na kaya." Puna ni Hanson.
"You know what, ang harsh mo. Moment na nga natin ito ganyan ka pa," ani ni Janine, nakabusangot ang mukha, "ayaw mo yata kaming makita, 'e."
"Ito naman, parang hindi ka na mabiro," anya ni mike, patawa-tawa. "You know how serious Hanson is when it comes to matters about life." dugtong ni Mike.
Ngiting pilit naman si Hanson, "Hindi naman sa ganun guys."
"Nakaka-tanda kaya ang sobrang seryoso," saad ni Jason at pahapyaw na sumulyap kay Hanson, "pero in fairness ha, hindi halatang tumatanda siya."
"Boom sabog!" sabi ni Jacob.
Nanlaki ang mata ni Jason, "Hoy tigil-tigilan niyo nga ako ha. Isa ka pa Jacob."
"Noon 'yon, hindi ngayon. And don't compare the former with the present 'cause magkaiba iyon."
"Huwag mo ng paitin ang ulo n'yan Jacob kase may dalaw siya ngayon." anya ni Janine. Umerap naman ng tingin si Jason.
"Grabe, since kinder ko na kayo kilala pero until now parang wala pa rin kayong pinagbago," parinig ni Hanson.
"No' ka ba tol tumatanda lang kami, saka Hanson may sasabihin lang ako sa 'yo," untag sa kanya ni Jacob.
"What is it?"
"Ano kaya kung maupo ka muna baka bigla ka'ng tumangkad 'e,"
Biglang nagtawanan ang apat, kasama si Jason na hindi mapigilan ang pagngiti. Kanina pa kase nilang napapansin na kanina pa'ng nakatayo si Hanson habang ang kasabayan nitong si Mike ay pumuwesto na sa upuan.
"Hindi na, magpapatangkad na lang ako sayang e." sagot ni Hanson. Sa halip na mag-react sa harap nila ay tahimik siyang tumungo sa kanyang silya at naupo.
Ganito na ang sitwasyon ni Hanson mula nang makilala niya sila. Tuwing tatapak sa silid aralan ay sila na agad ang bubungad sa kanya. Minsan ay magugulat siyang nasa tapat ng kanilang bahay ang mga 'to at sasabay sa pagpasok o kung anuman ang maisip nilang gawin. Kung tutuusin ay pasimula ito ni Janine. Inulit-ulit hanggang sa mabilis itong nakahawa at naging nakasanayan na ng lahat.
Sa isip-isip ni Hanson, siguro kung hindi lang dahil sa kalagayan niya'y baka hindi lagi ganito ang nangyayari. Pakiramdam niya tuloy siya ang naging sentro ng samahan nila. Pero ok na rin iyon dahil nabibigyan sila ng inspirasyon at motibasyon para mapabago ang mga sarili nila. Hindi naman lahat pero sapat na iyon para kay Hanson, isa pa, sanay na siya sa kanila. Immune na siya sa mga kalokohan ng mga ito.
At si Liliane, na isang linggo pa lamang sa lugar ay tila napalapit na sa barkada kahit nitong huwebes lang sila nagkakilala. Nahawaan na rin ito ng kakabiang gawi kaya ayan, pati siya ay madalas na rin niyang makita.
Nagpatuloy lamang ang kanilang tawanan at asaran sa pangunguna ni Jacob, kasama ang numero uno nitong ka-tandem na si Jason na sa kabaligtaran ay pikunin at madaling mainis. Sa tuwing binibiro ito ni Jacob ay laging may balik na sagot itong si Jason na may kasamang siyentipikong eksplenasyon. Parang aso't pusa kung magtalak ang dalawa.
Syempre, sinasabayan naman ito ni Janine ng mga pabebe "words of wisdom." Dagdagan pa ni Mike na walang ibang masambit kundi 'tama na 'yan', 'baka' o di kaya 'umh siguro' habang si Liliane naman ay nakikinig lamang.
Naaaliw si Hanson habang pinagmamasdan ang mga ito. May mga pagkakataong napapahalakhak na lamang siya dahil sa sobrang kakwelahan nila. Pakiwari niya ay parang nanonood siya ng komedya sa telebisyon.
Subalit ang masasayang sandaling iyon ay parang bulang naparam sa labi ni Hanson. 'Sa sunday na ang festival huh?' Tila nanilim ang mukha ni Hanson at parang may paru-paro ang lumilipad sa kanyang tiyan.


  “Hey, what's up,” Agad napabalik sa reyalidad si Hanson nang basagin ng boses na 'yon ang kanyang pagmumuni. Napaangat siya ng tingin at nakita ang nag-aalalang mukha ni Mike, "are you alright?"dugtong nito. "Mukhang ang lalim ng iniisip mo pre' ah. Baka pwedeng i-share mo naman sa amin ang blessings." Biro ni Jacob. "Naku! 'Wag mo nang asahan 'yan cause he will say only one thing." Sarkastikong sabat ni Janine. "Ah-eh nothing, wala lang ito," sagot ni Hanson at umusap sa kanyang isipan, 'As if namang may maniniwala sa paliwanag ko.' "Oh 'di ba tama ang hula ko!"
  “So here's the plan,” anya ni Janine, not giving Hanson a chance to speak, “March 6, sa linggo magkita-kita tayo sa fountain sa Amusement park at exactly 7:30 am para pagdating ng 8 am ay pupunta na tayo doon. And syempre kasama din dapat si VD para happy.” “Wait guys, sa pagkakaalam ko 8:30 ang bukas ng Heritage House, 'eh bakit ang aga naman natin?” Punto ni Jacob. “E kasi nga linggo na ang festival at marami ang walang pasok kaya for sure mahaba ang pila sa entrace at maraming tao ang dadagsa doon.” Naghimas ng baba si Ja
Kinagabihan ng March 5, 2061 araw ng sabado; Naghihintay si Hanson ng dalaw ng antok. Kanina pa siyang nakamasid sa madilim na puting kisame, mula sa pagkagat ng gabi hanggang sa mga oras na ito.Tahimik.Wala siyang ibang naririnig kundi ang orasan na patuloy lang sa pagtunog. Nagmistula namang lumulutang sa ere ang kurtina dahil sa hangin na tumatangay dito. Tumingin ang binatilyo sa kanyang kaliwa at tiningnan ang orasang nakapatong sa study table, “Alas onse na pala.”Tinapunan niya rin ng tingin ang sahig at nakita ang mga nakasalansang papel, katabi si Mike na mahimbing ng natutulog. Malakas ang hilik na halos umalingawngaw na sa buong kwarto, ngunit
  Naglalakad na ang dalawa patungo sa Hover Van nang bumukas ang pangalawang pinto nito at dumungaw ang isang lalaki. Gaya ng dati'y naka-headband ito at may nakabinbin na headset sa leeg. Mukhang hindi na mawawala sa style ni Jacob 'yon. Pumalakpak ito ng tatlong beses, “Yun oh, Lodi! Bilisan ninyo! Hehehe.” nakangiwing sabi ni Jacob. Hanson and Mike speed up their pace as they saw Jacob and the others inside. At nang makapasok ay agad na isinara ni Jacob ang pinto ng Van, “Ang tagal niyo naman bro.” Anang nito. Pumwesto sa pang-apat na hanay sina Hanson, VD at Mike. Nasa pangalawang passenger seat naman si Jacob, malapit sa pint
  "Hanson..." Napatigil si Hanson at lumingon sa likuran. Naniningkit ang kanyang mga mata nang tumanaw sa malayo, hinahagilap kung sino ang tumawag sa kanya. Pabaling-baling. Pinagtuonan din niya ang mga taong nagkukumpulan na tumitingin sa mga painting. Doon din sa gitna ng grupong iyon ay may napansin siyang kakaiba. Isang kakatwang pigura. Isang taong nakatindig sa gitna ng mga ito. All white ang kasoutan na tila bathrobe. Puti ang buhok at bungo? The familiarity of that figure gives him chills. Nang m
[Earlier..]"THUD"Isang kalabog ang agad na umagaw sa atensyon ng mga taong naroroon, nagtataka kung ano ang bumagsak sa sahig. Sa pagtuon nila ng pansin dito ay isang lalake pala ang nawalan ng malay.Agad napatingin si Mara sa likuran, "Hanson!" gulat niya nang makitang nakabulagta na sa sahig ang binatilyo. Walang pag-aatubili siyang lumapit dito at tinapik-tapik ang pisngi, "Hanson! Hanson, gumising ka anong nangyayari sa 'yo?!"Napahinto rin si Sarah at patakbong
  Gabi na nang umalis si Catherine sa kanyang trabaho, nagmamadali. Usapan pa naman nila ni Hanson na magkikita sila sa may fountain, sa Amusement Park ng 6pm. Subalit sa dami ng ginagawa niya ay 7pm na siya naka-alis. Pati mga ibang magulang ng kaibigan ni Hanson ay darating din. “Baka kanina pa naghihintay ang mga 'yon.” Sabi niya. Pagdating ni Catherine sa naturang lugar ay bumungad sa kanya ang hile-hilerang mga tindahan. Nag-aagaw sa atensyon ang mga kumukutitap-kutitap na ilaw sa Ferris wheel, gayon' din ang carousel at ng kung anu-ano pang mga pang-aliw na sasakyan at palaro na makikita doon. Kapansin-pansin din ang dami ng mga dumadagsa sa lugar. Malamang, araw ng piyesta ngayon kaya hindi ito palalagpasin ng
*ROOOOAAAAARRRR!Isang nakakagimabal at matagal na sigaw ang biglang kumawala mula sa kagubatan, dahilan upang mabulabog ang mga ibon at magsiliparan ang mga ito palayo.Napatingin ang lahat sa isa't isa at nagpalingon-lingon sa paligid, sinusubukang alamin kung ‘ano’ ang pinagmulan ng ingay. Iba't ibang mga katanungan ngayon ang lumalabas mula sa kanilang mga bibig.“What's that noise?”“Is that thing coming to us?”
Abala sa pagbabasa si Trixie. Hindi pa rin siya lumalabas sa kanyang kwarto mula ng maagang magising ngayong umaga. Hindi rin niya pinapansin ang mga katok sa kanyang pintuan, ni ang tawag ng kanilang katulong ay kibit-balikat lang siyang nagbibingi-bingihan. Ganito na ang nakagawian niya sa tuwing magbabasa, walang pakielam sa paligid.Mabilisan niyang pinalipat-lipat ang mga pahina. Hindi niya nilalahat dahil maka-ilang beses niya na itong basahin, liban sa mga dayalogo na kanyang binibigyang pansin. Sandali pa'y dinapuan siya ng kawalang ganang magpatuloy.Tumindig siya mula sa kanyang higaan. Kinuha ang lahat ng mga libro sa study table at isinalansang sa kama. Balewala kung nakakalat ang mga ito dahil ililigpit niya rin naman pagkatapos.Nagbuklat siya ng isa at nagsimula. Subalit wala pa'ng isang kabanata ay tinapos niya na ito agad. Napabuntong hininga siya. Tila ba'y pinagsawaan ang libro. Bukod sa nagsawa na
Ura-uradang tinahak ni Sarah ang pasilyo sa HUMSS 2. Holding her cellphone, typing her message. May nakalabas na maliit na hologram image ito sa ibabaw at makikita doon ang mga letrang kanyang tinatayp. It was a short and important message that should be taken into account. She sent it afterwards without any thoughts. Sa kanyang pagpasok classroom ay sinalubong siya ng dalawang ka-eskwela, isang babae at isang lalake. "Sarah! Tamang-tama pinapahanap ka sa amin ni coach." anya ng babae. "Bakit daw?" "Well, its for the upcoming competition." saad ng lalake. "You mean the qualification match?" "Yes, and we also want to confirm kung sasali ka pa rin sa team?" sabi ng babae. "Yes ofcourse sasali pa rin ak
Sa abalang silid ng Grade 11-A sa HUMMS 2 building, Hanson was on his chair. Kaharap si Mike na dikit ang mukha sa armchair at si Jacob na dekwatro ang upo sa ibabaw ng munting mesa. His brows were slightly raised. Eyes looking to the left side. Lihis sa dalawang kasama, frowning, "Wait a sec'..." Hanson mumbled, "what are you guys doing here again?" "O yeah, now that you mentioned it..." pukaw ni Jacob. He rested his chin on his right thumb and lifted. Then a sudden smile plastered on his face, jerking, "I have no idea," he teased. Hanson gave a straight face, eyes closed in two straight lines like a tired, as if he was at the end of one's rope.
Sarah is currently walking her way to Vicentian University. Hindi niya kasabayan si Mara, masama raw ang pakiramdam ayon sa ina nito. Maging si Trixie ay hindi rin pinapasok dala ng kahapon. She wrapped her arms around herself and bowed her head. Shadows took over her face. ‘Mara who is confused by hallucinations and Trixie who just lost someone,’ sapantaha niya, ‘I pity them. I wanted to help but...’ She tightened her grip, ‘I don't get it...’ ‘Bakit paniwalang-paniwala si Mara that h
Malamig na simoy na hangin ang siyang dumako sa buong katawan ni Jacob dahilan upang siya'y tamading bumangon. "Jacob, anak bumangon ka na d'yan," Sabi ng tiyuhin niyang si June, tinatapik-tapik ang paa ni Jacob. "Eeeee... ayoko pa'ng bumangon inaantok pa ako e," sabi niya sabay tagilid sa kaliwa at kumubli sa kumot. "Jacob, bumangon ka na d'yan," sabi muli ni June, “grounded ka ng 1 week sa xbox kapag hindi ka pa tumayo dyan.” Bumalikwas si Jacob sa kama, "Opo opo 'eto na tatayo na po," aniya, “sinapian na po ako ng kasipagan.”
Walang ganang tinungo ni Trixie ang kanyang kwarto. Mailawalas at organisado ang mga kagamitan sa silid. Walang kalat at makulay. Pink ang dingding at ang ilang mga gamit. Mapusyaw na rosas ang kumot. Kulay berde ang unan at kisame at puti naman ang kurtina. Kaakit-akit sa mata. Akmang-akma ang pagka-blend ng mga kulay, subalit kung ano naman ang ikinaganda ay siya namang ikinabingi ng paligid. Buhay na buhay nga ang kulay subalit napakalungkot at sobrang tahimik. Sumandal siya sa pintuan, leaning her head against it. She closed her eyes and let out a deep breath. She was stuck there for a moment, as if she had lost the strength to walk. She doesn't want to leave there though. She just wants to lie on the floor and squirm, but what can such an action do? Nothing.
Mag-isang tinatahak ni Sarah ang daan pauwi. Nauna na kase sa kanya si Mara sa kadahilanang may kailangan daw itong gawin. Meron naman siyang nakakasabay na taga-V.U. na karamihan ay panay kuha ng picture sa kanya sa malayo, pero hindi niya kilala ang mga ito. It'll be awkward for her to approach them suddenly, lalo na kung tanyag siya bilang team captain ng Arnis Team. Baka kung ano na namang tsismis ang m****a niya sa bulletin news ng university. But no. Even if wala siyang gawin ngayon ay tiyak na may lalabas na balita, not about her but to Mrs. Olivero. Mrs. Tisha Olivero-Alconrad is Trixie's step-mom, known as Mrs. Olivero or Ma'am Oli by her colleagues. She was their neighbor for as long as she can remember. A good teacher and a loving person. Bahagyang lumukot ang mukha ni Sarah.
Habang abala sa pagkain ay panaka-nakang napapatingin si Janine kay Jacob. Naniningkit ang mga titig nito. Nangingilatis. Bagabag na nangusap ang isipan ni Janine, 'Si Maam Oli kaya ang nakita niya kanina?' kuro-kuro niya. Isa isa niyang binulay-bulay ang kanyang mga nalalaman, 'if that so, maybe he knows something. He may have witnessed the suicide himself. But the question is... why did he followed her? And if I were to base the place, time and distance, it would be far away. Maybe it wasn't Oli but someone else..' Hindi mawari ni Janine ang lohika sa likod nito at sa pagnanais na malaman ang kasagutan ay napag-pasyahan niyang mang-usisa, "Jacob, sino nga pala 'yong sinunda
"Ano?!" gitla ni Sarah. "Nangyari iyon after mo'ng umalis from faculty room." Saad ni Mara. Siya'y napalagok at tila nagdadalawang-isip kung ilalahad pa ba ang kanyang nalalaman, ngunit may pag-aalangan man ay pinili niyang magsalita. "Bigla akong napatingin sa bintana, ng mga oras na iyon ay parang nakita ko ng harap-harapan si Ma'am Oli. Biglang tumalas ang paningin ko, as if it like- like I'm wearing binocular." Natulala lamang si Sarah sa kaibigan, waring hindi makapaniwala sa sanaysay nito. *Flashback* Naghihiyawan ang mga tao sa paligid ni Mara habang hawak ang pana't palaso, inaasinta ang puting bilog na may pulang marka sa gitna.