Kinalma nya ang sarili... pinahid nya ang mga luha. Hindi cya magpapatalo kay Ken! Porke't nakakalakad na ito ay bumalik na naman ang ugali nitong mapanakit sa kanya? Sana hindi nya nalang ito tinulungang makalakad... nagkamali cya!Inayos nya ang damit na nasira ni Ken... masakit pa din ang pulsuhan nya dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanya kanina. Kitang-kita nya ang galit sa mga mata nito... kung pwede lang ay baka napatay na cya nito kanina. Muntik pa nga sya matamaan ng suntok nito... mabuti nalang at sa pader iyon dumapo.Lumabas cya ng kwartong iyo at lumipat sa kwarto nya. Mag-aayos cya ng sarili, magpapalit ulit cya ng damit na hindi kita ang pamumula sa kamay nya saka maglalagay ulit ng make-up na hindi mapapansing kakagaling lang nya sa pag-iyak. Humanda ka Kenneth Enriquez! Hindi cya si Jonie Miller para lang saktan ng kung sinong lalaki! Baka nakakalimutan nitong makapangyarihan din cya?.. kaya nya itong patumbahin with a snap of her hands! Gaganti cya... hindi
"Okay, since your already here anak, we'll talk about business." Sambit ng Papa nya. "Since magaling na si Ken at nakakalakad na ay ipagkatiwala ko na sa inyong dalawa ang Miller Steel. Bukas na bukas din ay aalis kami papuntang Pampanga ni Gilbert dahil doon muna kami ng mama mo sa rancho na binili namin.. kailangan ng Mama mo ipaayos iyon.""I think hindi ko na kailangan ng katulong sa pag patakbo ng Miller Steel dad... kaya ko naman yun! Anjan naman si Fe na katulong ko. Maybe Ken needs to rest more dahil hindi pa cya lubusang magaling." Pasimpleng pag-salungat nya sa sinabi ng Papa nya. Ayaw nyang makatrabaho si Ken at makasama sa isang building. "Ano ang akala mo sa akin Jonie, mahina? You think hindi ko kaya? Baka nakakalimutan mo ako ang boss mo bago ka pa man napunta sa kung saan ka ngayon?" Tahasang pang-iinsultong wika nito sa kanya. Hindi ito nakatakot kahit pa nasa harap nila ang Mama at Papa nya. "Oo nga pala, nakalimutan ko... pero ako na ang boss ngayun Ken... so ako
**************KEN:Nakatingin nalang sila sa paalis na si Jonie... bigla cyang na konsensya sa ginawa nya kay Jonie... hindi nya akalain na masasaktan nya na naman ito. Dalawang beses na nya itong nasaktan ng pisikal! Nung una ay nasampal nya ito sa condo noong nagsisimula palang silang mag live-in... at ang pangalawa ay ngayon! Hindi nya na-control ang sarili at napalakas ang pag hawak nya kanina kay Jonie kaya gann nalang ang pag pasa nito. "Did you do that to Jonie, Ken?" diritsahang tanong ni Clark sa kanya ng tuluyan ng naka-alis si Jonie. Tiningnan nya lang ito habang papalayo... gusto nya mang sundan ito pero hindi nya ginawa. "Ken!" Muling pukaw nito sa kanya."Yes, I did that and she deserves it!" Sambit nya. Wala cyang pakialam kung magalit man sa kanya ang mga kaibigan nila... galit din cya! "What is wrong with you man!" May kakayahan ka nang manakit ng babae? Hindi ganyang ang pagkakilala namin sayo!" Galit na wika ni Clark. Hindi makapaniwala ang mga ito na nagawa
"Napakasama mo Jonie!... pinaasa mo lang ako huhuhu!..." gumagulgol cya habang hawak ng manibela. paminsan minsan ay sinusuntok nya ito... tila doon nya binubuhos ng sakit na nararamdaman.Hinayaan nya ang sariling umiyak ng umiyak.. hindi sya aalis doon hangga't hindi nya mauubos ang luha. baka kasi madisgrasya na naman cya habang nagda-drive. Ayaw na nyang mangyari iyon. Kung mangyari man iyon ay sana diritsong patay na cya ng sa ganun ay hindi na cya mahirapan pa!Huminga cya ng malalim, kinalma nya ang sarili... akmang papaandarin nya na ang makina ng kotse ng makita nya si Jonie sa bintana mula sa isa sa mga kwarto doon sa bahay. Nasa likod ng bahagi cya ng bahay naka park kaya hindi nito alam na andoon cya. Nakapatay din kasi ang ilaw ng kotse nya, walang nakaka-alam na andoon sya sa loob ng kotse nya. Pinagmasdan nya ng asawa, hindi pa ito nakabihis ng damit, naka black long sleeve dress pa din ito na halos luwa nag ang boobs nito. Sa totoo lang ay napakaganda talaga nito sa s
"Ibig mong sabihin Sir pinagpalit ka ni Mam Jonie? Napaka player naman pala ni Mam! Pero kung ako din naman sa katayuan nya sigradong madami ngang magkakagusto sa kanya ng higit pa sayo Sir!.. Imagine she is one of the richest woman in the world?! Pasalamat ka pa nga pala sir dahil napansin ka nya?" Mhabang linya ni Calvin.Tinapunan nya ito ng masamang tingin... hindi nya alam kung kanino ito kampi... lahat nalang ba ay kakampi kay Jonie?"Pero kung ako sayo Sir, wag mo cyang habulin!... magpa hard to get ka din. Ang mga babae kasi kapag hinahabol lalong nagpapahabol, pero kapag pinakita mong wala ka ng interest sa kanila ay gagawa yan ng paraan para magpapa-pansin ulit sayo!Napatingin ullit sya dito, may punto din ang sinasabi ng mokong na to!...gawin nya kayang love guro ito, masyadong madaming alam tungkol sa pag-ibig... lagi cyang sapul!"Kumuha ka nga ng beer doon sa ref, mag-inuman tayong dalawa dito." Utos nya kay Calvin. Hindi nya lang masabi dito na gusto nya itong maka-u
"Sige... pagkatapos ng serbisyo mo sa akin ay ililipat na kita sa office, dalawa kayo ni Alex ang magiging executive secretary ko... sya sa K.E. Builders at ikaw naman sa Miller Steel Corp.."T-talaga po Boss?" Lumaki ang mata nito ng marinig ang sinabi nya...tila hindi ito makapaniwala."Gusto mo ng trabaho di ba?.. Ayan na, tinatanggap na kita!... Ang tanong kaya mo bang magtrabaho sa office?" "Oo naman Boss! Napag-aaralan naman ang lahat ng yan! Yung ibang nursing graduate nga sa sa call center din nagta-trabaho! Pareahas lang din sa akin yan! Wala na sa kurso ngayon yan, ang importante ngayon ay diskarte sa buhay... kung saan ka magkaka-pera ay doon ka!" nakangising wika nito. "Ok it's settled then..." wika nya. napabilib sya ni Calvin sa diskarte nito sa buhay. "Salamat talaga Boss!" Tumayo pa ito at akmang yayakap sa kanya pero umiwas cya at tinaasan ito ng kilay. "Hahaha!... may trabaho na ulit ako!" tuwang-tuwang wika nito. "This calls for a celebration! Inum pa tayo Bos
Sa dami ng ininum nya kagabi ay himalang wala cyang hang-over. Mabuti naman kung ganun! sambit nya sa sarili. Pumunta cya sa kusina para magtimpla ng sarili nyang kape."Calvin, ikaw na ang bahala kay Sir mo... aalis na ako." Narinig nyang bilin nito kay Calvin dahil andoon lang naman cya."Opo Sir Gilbert. May therapy po kami ngayon tapos diritso na po kami ng opisina nya. Ako na din po kasi ang Executive Secretary nya simula ngayon!" Nakangising balita nito sa Papa nya. Napatigil ito sa paglabas ng pinto. "Bakit ka kukunin na secretary kung nurse ka?" Nagtatakang tanong din nito kay Calvin. Biglang namuti si Calvin... ang akala nito ay makakalusot ito sa Papa nya. "Ah eh Sir... kaya ko naman po yun eh! Hindi naman po mahirap yun, saka ayaw mo po yun may nagbabantay kay Sir Ken?" Sandaling natigilan si Gilbert saka nag-isip. "Sige tanggap ka na... doblehin ko sweldo mo basta sabihin mo sa akin ang lahat na kabulastugan na ginagawa ng anak ko."Biglang lumaki ang mga ngiti sa labi
Pagdating nila sa Miller building ay dumiretso na agad cya sa opisina nya. May nakalaan cyang opisina doon na para talaga sa kanya. "Good morning Sir.... nasa opisina mo na po si Mam Melisa, kanina ka pa po nya hinihintay..." Natatarantang wika ng secretarya ng Papa nyang si Ebeth. Tumango lang cya.... naiinis na din cya, ayaw nyang minamadali cya. Bakit kasi hindi man lang ito nag-set ng apppointment? Agad-agad nalang itong pumunta sa opisina nya? "So unproffesional! Bakit wala pa ang boss mo dito? I've been waiting here for almost thirty minutes!!! Hindi ba nya alam na importante din ang oras ko!" Naabutan nya ang galit na babae sa loob ng opisina nya na malamang ay si Melisa Adams. Sakto naman tumayo na ito sa kina-uupuan at akmang na sanang aalis nang pumasok cya ng opisina. Nakasunod lang si Calvin sa likod nya. Tinago nya ang pagka-inis at pinalitan iyon ng ngiti... kahit pa naiinis cya dito ay itatago nya dahil malaking kliyente nila ito. "Good morning Miss Adams... sorry I'
Napansin niyang napatingin si James sa kanya ng saglit pero agad ding bumalik ang atensyon nito kay Amber nang magsalita ito. Inaagaw ulit ni Amber ang atensyon ni James. Parang walang epekto tuloy ang ginagawa nyang papapansin! Nagsimula na siyang maghinanakit. Ang akala niya ay sapat na ang ginawa niyang effort, pero tila mas interesado si James kay Amber. sino ba namang lalaki ang aayaw sa malaking hinarahap ng babae di ba? Maging si James ay hinid exempted doon! Napakagat-labi siya habang iniisip kung ano pa ang dapat niyang gawin. Maya-maya, napansin niyang papunta sa tabi nya si John, may dala itong sandwich na ginawa nya kanina. “Kain ka muna, Bevs” alok nito sa kanya Ngumiti siya at kinuha ang sandwich. Kahit paano ay na-appreciate niya ang ginagawa ni John. “Salamat,” sagot niya nang mahina. “Alam mo, para kang fairy dito sa batis, Bevs” Bulong ni John habang nakatitig sa kanya. "Ang ganda mo na talaga.” Natigilan siya sa sinabi nito. Si John ang nakapansin sa mga pagpap
Ang mga bwisit, sa harap ko pa talaga naglalampungan! At makapagpanggap naman itong si Amber, akala mo siya ang gumawa ng sandwich, eh wala namang ambag! Natuon ang buong atensyon ni James kay Amber habang nakikipag-usap dito. Lalo tuloy siyang nairita at tumindi ang selos niya. “Hey, Bevs. Come, let’s swim!” tawag ni John habang lumapit sa kanya. “Sige... Kanina pa ako nate-tempt na maligo. Ang linaw kasi ng tubig! ” sagot niya, saka tumayo at dahan-dahang tinanggal ang kanyang cover-up nya. Kitang-kita niya kung paano lumuwa ang mata ni James nang makita siya. Napaka-daring kasi ng swimsuit na suot niya...halos kita na ang mga bahagi ng katawan na madalas tinatago. Bukod dito, mas pansinin pa ang bawat kurba ng kanyang katawan. Napatulala si James. Lihim cyang napangiti dahil nakuha nya ang atensyon ng nobyo. Maglaway ka ngayon sa kaseksihan ko! wika nya sa isip. "Ang sexy naman ng mahal ko," komento ni John habang hindi maalis ang ngiti sa kanyang mukha. Napahagikhik siya, p
Hindi siya nakafocus sa pangangabayo dahil ang mata niya ay nakatuon kay James at Amber. Nakayakap si Amber sa likod ni James, at ang dibdib nito ay nakadikit sa likod ng lalaki.“Ang hinayupak! Gustong-gusto naman ang paglalandi ni Amber! At si Amber naman, talagang sinasadya pang idikit ang dibdib sa likod ni James. Mga baboy!” sigaw ng isip niya.“Hey, Bevs, akala ko ba magkakarera tayo?” sigaw ni John sa kanya.Bigla siyang na-excite at sandaling banalik ang atensyon kay John. “Sige ba!” naka-ngising sagot niya sabay lapit kay John. “Ready?”“Don’t be stupid! Baka maaksidente pa kayo!” sigaw ni James sa kanila, pero hindi nila ito pinansin.Nagkatitigan sila ni John at sabay natawa. “Ready?” ulit nitong tanong.“Go!” sigaw niya, at nagsimula na silang mag-unahan sa pangangabayo. Naunahan agad siya ni John, at aminado siyang na-impress sa husay nito sa pangangabayo. Pero hindi siya magpapatalo, competitive cya kaya lahat ng bagay ay gusto nya ay mananalo cya. Binilisan pa niya ang
Pagkatapos ng dinner nila, nagsimula na silang maghanda ng mga dadalhin para sa picnic. Gumawa siya ng sandwich at nagdala ng chips, juice, at soda. Abala siya sa pag-aasikaso ng pagkain nila samantalang si Amber ay nakaupo lang sa sofa. Abala ito sa pagse-cellphone. Mukhang wala itong balak na tumulong. Hinayaan na lang niya ito kaysa makipagplastikan pa habang nag-aayos siya.Nang matapos ang paghahanda ay naglakad siya papunta sa kwarto nya para mag-ayos na rin ng dadalhin niyang panligo sa batis.... Excited na siya!Habang dumadaan siya kay Amber na nakaupo sa sofa ay tinawag siya nito. "Beverly, can you give me juice please?" wika nito nang hindi man lang tumingin sa kanya, abala pa rin ito sa pagpi-pindot ng cellphone."Why don’t you get it yourself?" seryosong sagot niya. Gusto niyang tarayan ito, pero ayaw niyang magsimula ng gulo."Ang lapit-lapit mo na lang sa kitchen, eh. Ano ba naman ‘yung iabot mo lang sa akin ang juice?" sagot ni Amber, halatang inis.Humugot muna siya n
“Napapansin ko, lagi kang umiiwas kapag hahalikan kita... Magkarelasyon na tayo, ‘di ba? Dapat canceled na ‘yung usapan natin na ‘no strings attached!’” reklamo ni John.“Ahm, sorry. Naninibago pa kasi ako, saka hindi pa ako handa,” palusot niya kay John. Gusto na niyang bawiin ang pagsagot dito, pero alam niyang masasaktan si John. Nakita niya kung gaano ito kasaya noong sinagot niya kagabi. Wala rin siyang maibigay na malinaw na dahilan kung bakit niya ito iiwan agad. Hindi niya puwedeng sabihin na may relasyon na sila ng kapatid nitong si James. Walang alam ang mga ito tungkol sa nakaraan nila ni James. Hahayaan na lang niya si James ang gumawa ng paraan tulad ng ipinangako nito sa kanya kanina.“Okay, sige. Pagbibigyan kita. Alam kong nabibigla ka pa. I will give you time. Basta nagpapasalamat ako na sinagot mo na ako. Finally, you’re mine, Bevs. You don’t know how happy I am today,” masayang sabi nito.“Ahm... maliligo muna ako,” sagot niya, sabay alis mula sa yakap ni John.“Sig
Ang kaninang banayad na halik ay ngayo'y naging mapusok. Lumalim ang halikan nila ni James, at ang kamay nito'y naglalakbay sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Ibang-iba ang haplos nito ngayon kumpara kagabi... and she likes it!"Ahhh..." ungol niya nang maramdaman ang labi ni James sa kanyang leeg. Banayad siyang hinahalikan at dinidilaan doon, papunta ang labi nito sa kanyang tenga. Parang libo-libong kuryente ang dumaloy sa kanyang katawan, diretso sa kaibuturan niya. Namasa kaagad ang kanyang panty. Alam na alam ni James kung paano siya paiinitin."Ahhh... damn, sweetie. You're so sweet. Nakakaadik ka. Ikaw lang ang babaeng nakakapagpabaliw sa akin ng ganito..." punong-puno ng libog na sinabi ni James iyon sa kanya.Lihim siyang napangiti... pareho lang pala sila. Hindi rin niya maisip na mapunta pa sa ibang lalaki bukod kay James. Para lang kay James ang buong puso't katawan niya.Pumatong si James sa ibabaw niya, ngunit bigla itong napangiwi. "Awwww!..." anito na parang na
BEBE POV:Nagising siya nang may naramdamang hindi sya nag-iisa sa kama. Pagmulat ng kanyang mga mata ay nakita niya si James na nasa tabi niya... Magkayakap silang dalawa."What the hell just happened? Bakit andito ito sa kwarto ko?" Mahimbing ang tulog nito, suot pa rin ang damit mula sa party. Parehas silang hindi nakabihis.Tinitigan niya ang gwapong mukha ni James. Na-miss niyang matulog na katabi ito. Noong nasa Baguio sila ay lagi silang magkatabi sa pagtulog."Bakit kaya andito siya sa kwarto ko? Hindi ba ito hinahanap ni Amber? At saka, paano siya nakapasok dito nang hindi ko nalalaman? Ang alam ko, ni-lock ko ang pinto kagabi bago ako natulog. Hindi kaya nananaginip lang ako na katabi ko siya?" Pero hindi eh… parang totoo.Dahan-dahan niyang inangat ang kamay at pinisil ang mukha nito. Totoo ngang katabi niya si James. Napangiti siya, pero agad din iyong binawi."Aasa ka na naman? Malay mo, may masama na namang balak sa'yo 'yan kaya siya nandito sa kwarto mo!" saway ng kany
Galit din si Amber nang humarap sa kanya. "Tandaan mo ito, James, hindi ako papayag na may kahati ako sa'yo. Aalamin ko kung sino ang babaeng iyon, at magbabayad siya sa akin!" wika nitong nanlilisik ang mata."At huwag mong kalilimutan, hindi ka na puwedeng umatras sa akin. Mapapahiya ako at ang pamilya ko. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa akin? Dont you dare walk out on me, James!" mariing sabi nito bago tuluyang lumabas ng kwarto niya.“Bitch,” mura niya sa sarili, ramdam pa rin ang init ng galit. Sariwa pa sa isip niya ang alitan nila ni Bebe kaya't nabaling tuloy iyon kay Amber. Hindi naman niya intensyon na mabanggit ang pangalan ni Bebe kanina. Nagkataon lang talaga na lumapit si Amber nang presko pa sa utak niya ang nangyari sa kanila ni Bebe.Sa kabilang banda, parang nabunutan siya ng tinik. Sa wakas, nasabi na niya kay Amber ang totoong nilalaman ng puso nya. Hindi na ito mag-aasam ng higit pa sa kanya dahil alam na nito ang damdamin niya. Hindi lang si Amber ang nag
JAMES POV:"Damn!" mura niya habang sinuntok ang pader sa kwarto niya. Kagagaling lang niya sa kwarto ni Bebe at ginamitan na naman niya ito ng dahas para makuha lang ang dalaga. Ganito na ba talaga siya ka-desperado?Nakita niyang dumugo ang kamao niya, pero hindi niya iyon ramdam. Mas masakit ang puso niya.How can he control his feelings over Bebe? Nagiging bayolente na siya sa sobrang pagmamahal niya dito. Sinubukan niyang layuan ito, tinuon ang atensyon kay Amber, pero pilit siyang bumabalik kay Bebe.At ngayong nalaman niya na sinagot na ni Bebe si John? How can he compete with his brother? Mahal niya ang kapatid niya at ayaw niyang saktan ito!Alam din niyang hindi totoong mahal ni Bebe si John...naramdaman niya iyon. Pero ayaw niyang isipin na siya ang gusto ni Bebe dahil ilang beses na siyang binigo nito.Gusto na niyang tanungin si Bebe pero natatakot siya, may phobia na siya. Sa bawat pambabalewala nito sa kanya ay para iyong kutsilyo na sumasaksak sa puso niya.Sinubukan n