Bigla cyang kinabahan... di kaya si Ken iyon? Pero ano naman ang gagawin ni Ken sa labas? Andon lang yun kanina sa table ng mga magulang nya at Papa nito... bakit sabi ng mga yaya ay nasa labas daw ito at parang hinihintay cya? Ang party ay nasa labas... anong ginagawa nito sa loob ng bahay nila? Baka naman nagkamali lang ang mga yaya. Inayos nya muli ang sarili at naglakad papuntang pinto at lumabas doon...At sa kanyang pagkagulat ay andoon nga si Ken na naag hihintay sa kanya! Nakasandig ito sa pader sa tabi ng pinto ng kwarto ni Gray. Bigla cyang kinabahan... di kaya alam na nito ang tungkol kay Gray? Bakit cya nito sinundan doon? Hindi ba ito natatakot na may makakita dito?Pagkakita nito sa kanya ay bigla cya nitong hinablot sa kamay at hinatak papasok sa isang bakanteng kwarto "Ouch!!!... Nasasaktan ako!" Pasigaw na reklamo nya pero parang wala itong narinig mula sa kanya. Pagkasarado nito ng pinto ay pabalang sya nito na pinako sa pader. Napangiwi cya sa sakit, parang wal
Kinalma nya ang sarili... pinahid nya ang mga luha. Hindi cya magpapatalo kay Ken! Porke't nakakalakad na ito ay bumalik na naman ang ugali nitong mapanakit sa kanya? Sana hindi nya nalang ito tinulungang makalakad... nagkamali cya!Inayos nya ang damit na nasira ni Ken... masakit pa din ang pulsuhan nya dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanya kanina. Kitang-kita nya ang galit sa mga mata nito... kung pwede lang ay baka napatay na cya nito kanina. Muntik pa nga sya matamaan ng suntok nito... mabuti nalang at sa pader iyon dumapo.Lumabas cya ng kwartong iyo at lumipat sa kwarto nya. Mag-aayos cya ng sarili, magpapalit ulit cya ng damit na hindi kita ang pamumula sa kamay nya saka maglalagay ulit ng make-up na hindi mapapansing kakagaling lang nya sa pag-iyak. Humanda ka Kenneth Enriquez! Hindi cya si Jonie Miller para lang saktan ng kung sinong lalaki! Baka nakakalimutan nitong makapangyarihan din cya?.. kaya nya itong patumbahin with a snap of her hands! Gaganti cya... hindi
"Okay, since your already here anak, we'll talk about business." Sambit ng Papa nya. "Since magaling na si Ken at nakakalakad na ay ipagkatiwala ko na sa inyong dalawa ang Miller Steel. Bukas na bukas din ay aalis kami papuntang Pampanga ni Gilbert dahil doon muna kami ng mama mo sa rancho na binili namin.. kailangan ng Mama mo ipaayos iyon.""I think hindi ko na kailangan ng katulong sa pag patakbo ng Miller Steel dad... kaya ko naman yun! Anjan naman si Fe na katulong ko. Maybe Ken needs to rest more dahil hindi pa cya lubusang magaling." Pasimpleng pag-salungat nya sa sinabi ng Papa nya. Ayaw nyang makatrabaho si Ken at makasama sa isang building. "Ano ang akala mo sa akin Jonie, mahina? You think hindi ko kaya? Baka nakakalimutan mo ako ang boss mo bago ka pa man napunta sa kung saan ka ngayon?" Tahasang pang-iinsultong wika nito sa kanya. Hindi ito nakatakot kahit pa nasa harap nila ang Mama at Papa nya. "Oo nga pala, nakalimutan ko... pero ako na ang boss ngayun Ken... so ako
**************KEN:Nakatingin nalang sila sa paalis na si Jonie... bigla cyang na konsensya sa ginawa nya kay Jonie... hindi nya akalain na masasaktan nya na naman ito. Dalawang beses na nya itong nasaktan ng pisikal! Nung una ay nasampal nya ito sa condo noong nagsisimula palang silang mag live-in... at ang pangalawa ay ngayon! Hindi nya na-control ang sarili at napalakas ang pag hawak nya kanina kay Jonie kaya gann nalang ang pag pasa nito. "Did you do that to Jonie, Ken?" diritsahang tanong ni Clark sa kanya ng tuluyan ng naka-alis si Jonie. Tiningnan nya lang ito habang papalayo... gusto nya mang sundan ito pero hindi nya ginawa. "Ken!" Muling pukaw nito sa kanya."Yes, I did that and she deserves it!" Sambit nya. Wala cyang pakialam kung magalit man sa kanya ang mga kaibigan nila... galit din cya! "What is wrong with you man!" May kakayahan ka nang manakit ng babae? Hindi ganyang ang pagkakilala namin sayo!" Galit na wika ni Clark. Hindi makapaniwala ang mga ito na nagawa
"Napakasama mo Jonie!... pinaasa mo lang ako huhuhu!..." gumagulgol cya habang hawak ng manibela. paminsan minsan ay sinusuntok nya ito... tila doon nya binubuhos ng sakit na nararamdaman.Hinayaan nya ang sariling umiyak ng umiyak.. hindi sya aalis doon hangga't hindi nya mauubos ang luha. baka kasi madisgrasya na naman cya habang nagda-drive. Ayaw na nyang mangyari iyon. Kung mangyari man iyon ay sana diritsong patay na cya ng sa ganun ay hindi na cya mahirapan pa!Huminga cya ng malalim, kinalma nya ang sarili... akmang papaandarin nya na ang makina ng kotse ng makita nya si Jonie sa bintana mula sa isa sa mga kwarto doon sa bahay. Nasa likod ng bahagi cya ng bahay naka park kaya hindi nito alam na andoon cya. Nakapatay din kasi ang ilaw ng kotse nya, walang nakaka-alam na andoon sya sa loob ng kotse nya. Pinagmasdan nya ng asawa, hindi pa ito nakabihis ng damit, naka black long sleeve dress pa din ito na halos luwa nag ang boobs nito. Sa totoo lang ay napakaganda talaga nito sa s
"Ibig mong sabihin Sir pinagpalit ka ni Mam Jonie? Napaka player naman pala ni Mam! Pero kung ako din naman sa katayuan nya sigradong madami ngang magkakagusto sa kanya ng higit pa sayo Sir!.. Imagine she is one of the richest woman in the world?! Pasalamat ka pa nga pala sir dahil napansin ka nya?" Mhabang linya ni Calvin.Tinapunan nya ito ng masamang tingin... hindi nya alam kung kanino ito kampi... lahat nalang ba ay kakampi kay Jonie?"Pero kung ako sayo Sir, wag mo cyang habulin!... magpa hard to get ka din. Ang mga babae kasi kapag hinahabol lalong nagpapahabol, pero kapag pinakita mong wala ka ng interest sa kanila ay gagawa yan ng paraan para magpapa-pansin ulit sayo!Napatingin ullit sya dito, may punto din ang sinasabi ng mokong na to!...gawin nya kayang love guro ito, masyadong madaming alam tungkol sa pag-ibig... lagi cyang sapul!"Kumuha ka nga ng beer doon sa ref, mag-inuman tayong dalawa dito." Utos nya kay Calvin. Hindi nya lang masabi dito na gusto nya itong maka-u
"Sige... pagkatapos ng serbisyo mo sa akin ay ililipat na kita sa office, dalawa kayo ni Alex ang magiging executive secretary ko... sya sa K.E. Builders at ikaw naman sa Miller Steel Corp.."T-talaga po Boss?" Lumaki ang mata nito ng marinig ang sinabi nya...tila hindi ito makapaniwala."Gusto mo ng trabaho di ba?.. Ayan na, tinatanggap na kita!... Ang tanong kaya mo bang magtrabaho sa office?" "Oo naman Boss! Napag-aaralan naman ang lahat ng yan! Yung ibang nursing graduate nga sa sa call center din nagta-trabaho! Pareahas lang din sa akin yan! Wala na sa kurso ngayon yan, ang importante ngayon ay diskarte sa buhay... kung saan ka magkaka-pera ay doon ka!" nakangising wika nito. "Ok it's settled then..." wika nya. napabilib sya ni Calvin sa diskarte nito sa buhay. "Salamat talaga Boss!" Tumayo pa ito at akmang yayakap sa kanya pero umiwas cya at tinaasan ito ng kilay. "Hahaha!... may trabaho na ulit ako!" tuwang-tuwang wika nito. "This calls for a celebration! Inum pa tayo Bos
Sa dami ng ininum nya kagabi ay himalang wala cyang hang-over. Mabuti naman kung ganun! sambit nya sa sarili. Pumunta cya sa kusina para magtimpla ng sarili nyang kape."Calvin, ikaw na ang bahala kay Sir mo... aalis na ako." Narinig nyang bilin nito kay Calvin dahil andoon lang naman cya."Opo Sir Gilbert. May therapy po kami ngayon tapos diritso na po kami ng opisina nya. Ako na din po kasi ang Executive Secretary nya simula ngayon!" Nakangising balita nito sa Papa nya. Napatigil ito sa paglabas ng pinto. "Bakit ka kukunin na secretary kung nurse ka?" Nagtatakang tanong din nito kay Calvin. Biglang namuti si Calvin... ang akala nito ay makakalusot ito sa Papa nya. "Ah eh Sir... kaya ko naman po yun eh! Hindi naman po mahirap yun, saka ayaw mo po yun may nagbabantay kay Sir Ken?" Sandaling natigilan si Gilbert saka nag-isip. "Sige tanggap ka na... doblehin ko sweldo mo basta sabihin mo sa akin ang lahat na kabulastugan na ginagawa ng anak ko."Biglang lumaki ang mga ngiti sa labi
“Anyway bestie, salamat sa pagpahiram ng helicopter niyo. Ang saya dahil nakita ko na naman si Clarkson.”“Anything for you, bestie.” sagot ni Jonie na halatang namomroblema pa din sa anak. “We have to go na. Bukas may pasok pa si Clark sa munisipyo, at sasamahan ko siya.”“Sige bestie, ingat sa pag-uwi.”Nagpaalam na sila sa mag-asawa. May sarili nang bahay ang mga ito sa building ng Miller Stell Corporation.“Bakit ka tahimik d'yan, babe?” tanong ni Clark habang nagda-drive pauwi sa mansion.“Nag-aalala lang ako kay Gray. Habang lumalaki, parang lalo siyang nagiging pasaway.”“Ganun talaga ang mga bata. Marami silang gustong gawin sa buhay. Saka lalaki ‘yan... makulit talaga ang mga lalaki. Pero mare-realize din nila ang lahat kapag lumaki na. Don’t stress yourself too much.”Gabi na nang dumating sila sa bahay. Hindi na sila nag-dinner at dumiretso na lang sa kwarto.Habang naka-upo sa kama, tinawagan niya ang nanay niya at pinaalam na nasa Manila na ulit sila. Ngayon pa lang ay n
Tahimik lang sina Clark habang pinagmamasdan ang mga guest na masayang naliligo. May mga pamilyang magkakasama, may mga magkasintahan, at tila ba wala silang iniisip na problema. Kapag nakaharap ka talaga sa dagat, parang sinasama palayo ng hangin ang mga alalahanin mo sa buhay. Napakapayapa ng paligid.Maya-maya, dumating na si AJ dala ang kanilang almusal.“Gusto mo bang maiwan muna rito sa Iloilo kapag bumalik na ako ng Maynila?” walang anu-ano’y tanong ni Clark habang sabay silang kumakain.“Why?” tanong niya, bahagyang naguguluhan.“Kung gusto mo lang naman... Baka kasi mamiss mo agad si Clarkson. Hindi kasi ako pwedeng magtagal dito, kailangan ko nang bumalik sa munisipyo.”“Hindi... Sasama ako sa’yo. Andito naman sina Nanay, Tatay, pati na sina Tita Felicia at Tito Amado para tumulong sa pag-aalaga kay Clarkson. Magkasama tayong pumunta dito, magkasama rin tayong babalik.”“Sige, if that’s what you want. Mamayang hapon na tayo babalik. Lunes bukas, at kailangan kong maaga sa op
Nagising siya kinaumagahan na nakatabi ang Clark. Nakayakap ito sa likod niya habang siya naman ay nakaharap sa anak niyang si Clarkson. Nasa Iloilo sila at nagbabakasyon dahil sa surprise ni Clark sa kanya.Tiningnan niya ang anak na mahimbing na natutulog. Dahan-dahan niyang hinawakan ang maliliit na kamay nito pero iniiwasang maistorbo sa mahimbing na pagtulog ni Clarkson.Habang lumalaki si Clarkson ay nagiging kamukha na ni Clark. Hindi maitatangging anak talaga siya ni Clark. Hindi na kailangan ng DNA testing... ang makapal na kilay pa lang nito ay kuhang-kuha na sa ama. Lihim siyang napangiti.She’s glad na habang wala pang muwang si Clarkson sa mundo ay nagkaayos at nagkabalikan na sila ni Clark. Iyon ang ikinakatakot niya noong ipinagbubuntis pa lang niya si Clarkson... na balang araw sa paglaki nito ay wala itong kilalaning ama.Lumaki siya na may ama at ina sa tabi niya. Masaya ang pamilya nila kahit salat lang sila noon sa pera kaya hindi niya noon lubos maisip na lumaki a
“Thank you...” bulong niya kay Clark habang nakaupo sila. Hawak niya si Clarkson na natutulog na sa bisig niya. “For what?” Matamis ang ngiti nitong tumingin sa kanya. “For this... pinaligaya mo ang puso ko. You make me feel special... kami ng anak natin.” “You deserve this, Fe... Alam kong ilang beses din kitang nabalewala... and this time, hindi ko na gagawin ‘yon sa’yo.” Umiwas siya ng tingin. Naalala niya kasi ang mga panahong hindi siya pinipili ni Clark. Pero hindi na para magdamdam pa siya doon... Eto na si Clark at bumabawi na sa kanya. Nakatingin sila sa kasiyahan ng lahat ng mga empleyado nila. ‘Yun ang surprise ni Clark sa kanya... ang umuwi ng Iloilo at magpaalam sa mga magulang na magpapakasal na sila at makita ang anak nila. Maya-maya ay napahikab siya. “Are you tired already?” tanong ni Clark. “Medyo... Ang dami kasi nating ganap sa araw na ‘to. Saka first time ko din sumakay ng helicopter. Kahit na nakaka-enjoy, na-stress din ako sa takot.” kwento niya. “Hahaha
Napangiti siya habang pinipigilan ang pagbagsak ng luha sa pisngi. Ramdam niya ang tapat at taos-pusong pagmamahal ni Clark. Wala na siyang mahihiling pa.... Kumpleto na ang puso niya. Lumipad ang helicopter ng may ilang minuto pa, at sa bawat segundo ay lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. Excited na siya. Naiiyak sa tuwa. Parang gusto na niyang mag-time skip para makarating agad sa anak nila. Paglapag ng helicopter sa isang private helipad ay may sumundo kaagad sa kanila. Namukhaan niya ang service na sumundo sa kanila... Service ito ng resort nila ni Jonie. Napangiti siya nang kinutsaba din ni Clark pati ang resort para sa surprise sa kanya... Lihim siyang kinilig. "Hello Ma’am Fe... welcome back po!" wika ng driver nila sa resort. Nagmamadaling umakyat na siya sa van. Wala naman silang dalang maleta ni Clark. Sarili lang nila ang nadala nila. Hindi naman niya alam na makakauwi siyang Iloilo sa araw na 'yun. "Kamusta po, Mang Pedring?" "Ok naman po," matamis ang ngiting wik
"Are you happy?" bulong ni Clark na yumakap sa likod niya saka mahigpit na hinigit sa bewang. 'Yun ang paboritong posisyon nito kapag yayakapin siya—sa likod. Maging sa sex, ay parang 'yun din ang paborito nito. Makita lang siyang nakatuwad ng kaunti ay didikitan na kaagad. Lihim siyang natawa sa mga naalala niya. "Oh, bakit ka natawa?" "Hahaha… Wala, may naalala lang. Thank you, babe… Thank you sa surprise mo sa akin." "Huh? This?" nagtatakang tanong ni Clark. "Oh no, this is not my surprise for you!" Siya din ay nagtaka. Ang akala niya ay 'yun na ang surprise nito.... Meron pa ba? "Later… you'll see..." nakangising wika nito. Hinawakan nito ang kamay niya saka niyaya doon sa mga dati niyang mga kasama sa trabaho… at doon nakipag-chikahan… "Mam Fe, congrats sa proposal ni Mayor Clark sa'yo ha! Alam na namin talaga dati pa na kayo ang para sa isa’t isa, eh! Hihihi..." kinikilig na sabi ng right hand niya dati na si Cherry. Kung si Jonie ay siya ang right hand, siya rin ay
Salamat din sa inyo, guys. Hindi kami magkakabalikan kung hindi sa tulong niyo. Andyan kayo lagi para sa amin… Though there are times na naiinis na ako sa panghihimasok niyo sa relasyon namin." wika ni Clark na may halong panunumbat. "Tumagal ang pagbabalikan namin dahil hindi niyo sinasabi sa akin kung nasaan si Fe noong hinahanap ko siya." dagdag pa nito na ikinatawa ng mag asawa. "Hahaha… That is because we don't know what your intentions are! At saka kasal ka kay Cindy, Clark! We know you both love each other, pero ayaw naman namin hanapin mo si Fe tapos hindi pa kayo parehas na handa. Kita mo naman, pagkahiwalay niyo ni Cindy ay sinama ka agad namin sa Iloilo, 'di ba?" paliwanang ni Jonie. "Hahaha… Joke lang, guys… I love you all!" wika ni Clark saka siya niyakap ng mahigpit. "Tara na nga sa function hall. Nagpahanda ako ng simple snacks for us." Kumapit si Jonie sa kanya saka sabay silang naglakad papunta sa hall. Lahat ng madadaanan nilang empleyado ay kumakaway sa kanya. Pa
"Let’s go?" aya nya. Napansin niyang kasing iba na naman ang titig ni Clark sa kanya. Baka hindi na naman sila makakaalis agad. Magkahawak-kamay silang bumaba ng hagdan. Nakita niyang andoon na ang mga kasambahay ni Clark. "Manang aalis muna kami, kayo muna ang bahala dito, ha," wika ni Clark. "Opo, Senyorito. Mag-ingat po kayo ni Ma’am Fe." nakangiting sagot ng isa sa kanila, na para bang may ideya na sa nangyari kagabi. Paano ba naman... sabog ang buong bahay! Ang kalat nila, pati ang pool area, parang nag party ng bente katao, samantalang dalawa lang naman sila. "Pasensya ka na, ang kalat namin ni Clark kagabi..." nahihiyang wika ni Fe. "Walang anuman ’yon, Ma’am Fe. Ang importante, nag-enjoy kayo ni Mayor Clark. Saka nakaalala na siya. Masaya ako para sa inyong dalawa," sagot ng kasambahay. Naluha si Fe sa sinabi nito. Halos pangalawang nanay na rin ito ni Clark, at kilala na rin siya dahil madalas siya doon sa mansion noong magkaibigan pa lang sila. "Aalis na kami, Manang.
Kinabukasan, nang magising siya ay wala na si Clark sa tabi niya. Naririnig niyang may lagaslas ng tubig sa shower. Naliligo ang fiancé niya doon. Napangiti siya sa naalala. Tinaas niya ang kamay at tiningnan ang makinang na diamond ring sa kanyang daliri. Hindi siya makapaniwala na nag-propose si Clark sa kanya kagabi. "Good morning, babe," wika ni Clark habang nagpupunas ng basang buhok. Lumabas na ito sa banyo. Nakabalabal lang ito ng tuwalya sa bewang. Naamoy niya mula sa kinahihigaan niya ang ginamit nitong sabon. Parang ang sarap amuyin ng nobyo niya. "Close your mouth, babe. Baka pasukan ng langaw..." natatawang wika ni Clark. Agad siyang nagising sa kanyang pagpantasya. Natutulala pala siya kay Clark nang hindi niya napapansin. Bigla siyang namula at nagtakip ng kumot. "Hahaha... ang cute mo babe. Nauna na akong maligo sa'yo. Ayaw kasi kitang abalahin sa pagtulog mo. I know you're tired." Muli siyang namula. Naalala niya kung paano siya pinanggigilan ni Clark kagabi. Halo