"Let’s go?" aya nya. Napansin niyang kasing iba na naman ang titig ni Clark sa kanya. Baka hindi na naman sila makakaalis agad. Magkahawak-kamay silang bumaba ng hagdan. Nakita niyang andoon na ang mga kasambahay ni Clark. "Manang aalis muna kami, kayo muna ang bahala dito, ha," wika ni Clark. "Opo, Senyorito. Mag-ingat po kayo ni Ma’am Fe." nakangiting sagot ng isa sa kanila, na para bang may ideya na sa nangyari kagabi. Paano ba naman... sabog ang buong bahay! Ang kalat nila, pati ang pool area, parang nag party ng bente katao, samantalang dalawa lang naman sila. "Pasensya ka na, ang kalat namin ni Clark kagabi..." nahihiyang wika ni Fe. "Walang anuman ’yon, Ma’am Fe. Ang importante, nag-enjoy kayo ni Mayor Clark. Saka nakaalala na siya. Masaya ako para sa inyong dalawa," sagot ng kasambahay. Naluha si Fe sa sinabi nito. Halos pangalawang nanay na rin ito ni Clark, at kilala na rin siya dahil madalas siya doon sa mansion noong magkaibigan pa lang sila. "Aalis na kami, Manang.
Salamat din sa inyo, guys. Hindi kami magkakabalikan kung hindi sa tulong niyo. Andyan kayo lagi para sa amin… Though there are times na naiinis na ako sa panghihimasok niyo sa relasyon namin." wika ni Clark na may halong panunumbat. "Tumagal ang pagbabalikan namin dahil hindi niyo sinasabi sa akin kung nasaan si Fe noong hinahanap ko siya." dagdag pa nito na ikinatawa ng mag asawa. "Hahaha… That is because we don't know what your intentions are! At saka kasal ka kay Cindy, Clark! We know you both love each other, pero ayaw naman namin hanapin mo si Fe tapos hindi pa kayo parehas na handa. Kita mo naman, pagkahiwalay niyo ni Cindy ay sinama ka agad namin sa Iloilo, 'di ba?" paliwanang ni Jonie. "Hahaha… Joke lang, guys… I love you all!" wika ni Clark saka siya niyakap ng mahigpit. "Tara na nga sa function hall. Nagpahanda ako ng simple snacks for us." Kumapit si Jonie sa kanya saka sabay silang naglakad papunta sa hall. Lahat ng madadaanan nilang empleyado ay kumakaway sa kanya. Pa
"Are you happy?" bulong ni Clark na yumakap sa likod niya saka mahigpit na hinigit sa bewang. 'Yun ang paboritong posisyon nito kapag yayakapin siya—sa likod. Maging sa sex, ay parang 'yun din ang paborito nito. Makita lang siyang nakatuwad ng kaunti ay didikitan na kaagad. Lihim siyang natawa sa mga naalala niya. "Oh, bakit ka natawa?" "Hahaha… Wala, may naalala lang. Thank you, babe… Thank you sa surprise mo sa akin." "Huh? This?" nagtatakang tanong ni Clark. "Oh no, this is not my surprise for you!" Siya din ay nagtaka. Ang akala niya ay 'yun na ang surprise nito.... Meron pa ba? "Later… you'll see..." nakangising wika nito. Hinawakan nito ang kamay niya saka niyaya doon sa mga dati niyang mga kasama sa trabaho… at doon nakipag-chikahan… "Mam Fe, congrats sa proposal ni Mayor Clark sa'yo ha! Alam na namin talaga dati pa na kayo ang para sa isa’t isa, eh! Hihihi..." kinikilig na sabi ng right hand niya dati na si Cherry. Kung si Jonie ay siya ang right hand, siya rin ay
Napangiti siya habang pinipigilan ang pagbagsak ng luha sa pisngi. Ramdam niya ang tapat at taos-pusong pagmamahal ni Clark. Wala na siyang mahihiling pa.... Kumpleto na ang puso niya. Lumipad ang helicopter ng may ilang minuto pa, at sa bawat segundo ay lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. Excited na siya. Naiiyak sa tuwa. Parang gusto na niyang mag-time skip para makarating agad sa anak nila. Paglapag ng helicopter sa isang private helipad ay may sumundo kaagad sa kanila. Namukhaan niya ang service na sumundo sa kanila... Service ito ng resort nila ni Jonie. Napangiti siya nang kinutsaba din ni Clark pati ang resort para sa surprise sa kanya... Lihim siyang kinilig. "Hello Ma’am Fe... welcome back po!" wika ng driver nila sa resort. Nagmamadaling umakyat na siya sa van. Wala naman silang dalang maleta ni Clark. Sarili lang nila ang nadala nila. Hindi naman niya alam na makakauwi siyang Iloilo sa araw na 'yun. "Kamusta po, Mang Pedring?" "Ok naman po," matamis ang ngiting wik
“Thank you...” bulong niya kay Clark habang nakaupo sila. Hawak niya si Clarkson na natutulog na sa bisig niya. “For what?” Matamis ang ngiti nitong tumingin sa kanya. “For this... pinaligaya mo ang puso ko. You make me feel special... kami ng anak natin.” “You deserve this, Fe... Alam kong ilang beses din kitang nabalewala... and this time, hindi ko na gagawin ‘yon sa’yo.” Umiwas siya ng tingin. Naalala niya kasi ang mga panahong hindi siya pinipili ni Clark. Pero hindi na para magdamdam pa siya doon... Eto na si Clark at bumabawi na sa kanya. Nakatingin sila sa kasiyahan ng lahat ng mga empleyado nila. ‘Yun ang surprise ni Clark sa kanya... ang umuwi ng Iloilo at magpaalam sa mga magulang na magpapakasal na sila at makita ang anak nila. Maya-maya ay napahikab siya. “Are you tired already?” tanong ni Clark. “Medyo... Ang dami kasi nating ganap sa araw na ‘to. Saka first time ko din sumakay ng helicopter. Kahit na nakaka-enjoy, na-stress din ako sa takot.” kwento niya. “Hahaha
Nagising siya kinaumagahan na nakatabi ang Clark. Nakayakap ito sa likod niya habang siya naman ay nakaharap sa anak niyang si Clarkson. Nasa Iloilo sila at nagbabakasyon dahil sa surprise ni Clark sa kanya.Tiningnan niya ang anak na mahimbing na natutulog. Dahan-dahan niyang hinawakan ang maliliit na kamay nito pero iniiwasang maistorbo sa mahimbing na pagtulog ni Clarkson.Habang lumalaki si Clarkson ay nagiging kamukha na ni Clark. Hindi maitatangging anak talaga siya ni Clark. Hindi na kailangan ng DNA testing... ang makapal na kilay pa lang nito ay kuhang-kuha na sa ama. Lihim siyang napangiti.She’s glad na habang wala pang muwang si Clarkson sa mundo ay nagkaayos at nagkabalikan na sila ni Clark. Iyon ang ikinakatakot niya noong ipinagbubuntis pa lang niya si Clarkson... na balang araw sa paglaki nito ay wala itong kilalaning ama.Lumaki siya na may ama at ina sa tabi niya. Masaya ang pamilya nila kahit salat lang sila noon sa pera kaya hindi niya noon lubos maisip na lumaki a
Tahimik lang sina Clark habang pinagmamasdan ang mga guest na masayang naliligo. May mga pamilyang magkakasama, may mga magkasintahan, at tila ba wala silang iniisip na problema. Kapag nakaharap ka talaga sa dagat, parang sinasama palayo ng hangin ang mga alalahanin mo sa buhay. Napakapayapa ng paligid.Maya-maya, dumating na si AJ dala ang kanilang almusal.“Gusto mo bang maiwan muna rito sa Iloilo kapag bumalik na ako ng Maynila?” walang anu-ano’y tanong ni Clark habang sabay silang kumakain.“Why?” tanong niya, bahagyang naguguluhan.“Kung gusto mo lang naman... Baka kasi mamiss mo agad si Clarkson. Hindi kasi ako pwedeng magtagal dito, kailangan ko nang bumalik sa munisipyo.”“Hindi... Sasama ako sa’yo. Andito naman sina Nanay, Tatay, pati na sina Tita Felicia at Tito Amado para tumulong sa pag-aalaga kay Clarkson. Magkasama tayong pumunta dito, magkasama rin tayong babalik.”“Sige, if that’s what you want. Mamayang hapon na tayo babalik. Lunes bukas, at kailangan kong maaga sa op
“Anyway bestie, salamat sa pagpahiram ng helicopter niyo. Ang saya dahil nakita ko na naman si Clarkson.”“Anything for you, bestie.” sagot ni Jonie na halatang namomroblema pa din sa anak. “We have to go na. Bukas may pasok pa si Clark sa munisipyo, at sasamahan ko siya.”“Sige bestie, ingat sa pag-uwi.”Nagpaalam na sila sa mag-asawa. May sarili nang bahay ang mga ito sa building ng Miller Stell Corporation.“Bakit ka tahimik d'yan, babe?” tanong ni Clark habang nagda-drive pauwi sa mansion.“Nag-aalala lang ako kay Gray. Habang lumalaki, parang lalo siyang nagiging pasaway.”“Ganun talaga ang mga bata. Marami silang gustong gawin sa buhay. Saka lalaki ‘yan... makulit talaga ang mga lalaki. Pero mare-realize din nila ang lahat kapag lumaki na. Don’t stress yourself too much.”Gabi na nang dumating sila sa bahay. Hindi na sila nag-dinner at dumiretso na lang sa kwarto.Habang naka-upo sa kama, tinawagan niya ang nanay niya at pinaalam na nasa Manila na ulit sila. Ngayon pa lang ay n
"Hahaha... Sorry, I can't help it."Parang mahihirapan talaga siya kay Rosabel. Kung ibang babae lang ito, ay baka naglumpasay na sa kilig kapag binanatan niya ng kanyang mga pambobola. Pero iba si Rosabel. Supalpal siya palagi dito.Pero sa kabila ng lahat ay sobrang saya niya na nagkakausap na sila ni Rosie ng gano'n. Komportable na ito sa kanya, pakiramdam niya ay close na sila. Nakatulong siguro ang ambiance at malamig na hangin sa Baguio kaya sila naging at ease sa isa't isa.Pinagpatuloy pa niya ang pagsagwan. Nang nilibot niya ang mata sa paligid, ay napansin niyang sila na lang pala ang naroroon. Ang mga kaibigan ni Rosie ay andoon na sa waiting area at naghihintay sa kanila. Napasarap ang pagkukuwentuhan nila ni Rosie."Tara na sa kanila..." aya nito. Tumango siya at nagsagwan pabalik sa pampang."Bati na ba tayo? Hindi ka na galit sa akin?""Galit? Hindi naman ako galit ah.""'Di ba galit ka kahapon dahil hindi ko tinupad ang pangako kong ilibre kita ng milktea?""Ahahaha...
Dumukwang din siya at pabulong na sinabi... "What if I don't want to? I like holding your hands. So firm and strong... but soft." Sumimangot ito... and also... muling sabi niya... "I want to kiss your pouting lips." Doon na nagulat si Rosie at tinulak siya. "Wag mo nga akong biruin ng ganyan, Sir Gray! Puro ka kalokohan!" "Ahahaha... joke lang, Rosie." biglang bawi niya. Medyo komportable na si Rosie sa kanya kaya ayaw niyang muling lumayo ito dahil sa mga pahaging nya. Pinagbigyan nito ang gusto niyang sumakay sila sa swan na bangka. Partner silang dalawa. Siya ang nagsasagwan. Ang ibang mga kaibigan nito ay nasa kabila ding bangka. "Di ko alam ganito pala kasaya dito sa Baguio. Kaya pala ayaw mong umalis dito? Now I understand." nakangiting wika nya "Hindi lang naman ang lugar ang ayaw kong iwan. Pati ang mga kaibigan ko.... Mamimiss ko sila." "Don't worry... Kung mamimiss mo sila, sasamahan kitang bisitahin sila dito. Mag-road trip tayo." "Talaga, Sir Gray?" Lumiwan
Isa-isang sumakay ang mga kaibigan ni Rosie. Mabuti na lang at malaking sasakyan ang dala niya. "Rosie, dito ka sa front seat. Samahan mo ako dito." utos niya sa dalaga. "Ay, Rosie? "Rosie" ang tawag mo sa kanya, Sir Gray?" tudyo ng bakla na ipinakilala ni Jonie kanina na si Gwen. " Ayaw niyang tinatawag siya ng ibang pangalan. Ikaw lang ang tumatawag sa kanya ng gano'n." "Hahaha... talaga ba? Kung gano'n, 'yun na ang itatawag ko sa'yo palagi." natatawang sabi nya. Nakita niyang sumimangot si Rosabel, parang gusto na tuloy niyang halikan ang labi nitong palaging nakasimangot... Ang cute kasi. "Saan niyo gustong pumunta?" tanong nya sa mga kaibigan nito. "Tambay tayo sa Burnham Park, Sir. Madaming mga streetfoods doon... sarap tumambay." "Huy bakla, tumahimik ka. Nakakahiya ka na!" saway ni Rosie sa kaibigan. "It's okay, babe..." wika niya. Sinadya niya iyong tawagin si Rosie ng "babe" para muli silang tuksohin. Nag-eenjoy siya habang nakikitang namumula ito sa pagkahiya. "
"Bitawan mo siya, Rey!" sabi ng boyfriend ni Rosie. "Bakit? Kaya mo na ba ako? Huh, Ralph?" Sinuntok ng lalaki ang tinatawag nitong Ralph na nobyo ni Rosie at napahiga ito sa sahig. "Ano ka ba, Rey! Bakit ka nagugulo dito?" sigaw ni Rosie "Ikaw eh... Ayaw mo akong kausapin. Sino ba ang pinagmamalaki mo? Itong bakla mong kaibigan?" "Tama na, umalis ka na!" sigaw ni Rosabel sa lalaki pero hinawakan ito ng dalawang lalaki sa kamay. Hindi na siya nakatiis at lumapit sa mga ito at isa-isang sinuntok ang mga lalaking nanggugulo. Napasigaw naman ang mga kasamahan ni Rosie dahil pinagbubugbog niya ang mga ito. Maya-maya ay dumating na din ang security guard at pinalayas ang mga nanggugulong lalaki. Natutulalang nakatingin si Rosie sa kanya dahil nalaglag ang shades niya at kumalas ang hood sa ulo niya. "Sir Gray? What are you doing here?" nagulat na wika nito. "Ayan kasi ayaw mong magpasama sa akin. Mabuti na lang pala at sinundan kita. Paano kung wala ako dito edi nasaktan ka na n
"Bhie, sure na lilipat ka sa Manila?""Oo.. yun ang gusto ng amo ng nanay. Saka okay na din iyon para makasama ko naman si nanay.""Bisitahin mo ako dito palagi ha.""Syempre naman! Ikaw pa ba?" Kinurot pa ni Rosie sa pisngi ang lalaki na muli niyang ikinaselos. Bakit hindi ginagawa iyon ni Rosie sa kanya? Kapag siya ang kasama nito ay napaka-aloof ng dalaga na halos ayaw magsalita. Ngayon niya lang nakita ang tunay nitong personalidad na napakaingay pala. Para din itong bakla katulad ng mga kasama nito."Order lang kayo ng gusto niyo mga mhie!... My treat"."Wow, galante!""Hindi naman. Medyo malaki lang ang binigay na allowance ni Mam Jonie kaya may panglibre ako sa inyo."Ganoon pala ha. Sabihan kaya niya ang Mommy Jonie niya na bawasan ang allowance ni Rosie para hindi nito malibre ang mga kaibigan?Ayaw niyang aminin pero naiinggit siya sa pakikisama ni Rosie sa mga kaibigan nito. Sana ganoon din si Rosie ka-bubbly at masayahin kapag magkasama sila.Masayang kumakain ang mga ito
Maaga siyang nagising, ngayon ang araw ng pag-uwi ni Rosabel sa Bagiuo. Aabangan niya ang pag-alis nito. Lihim siyang napangiti dahil kanina pa siya sa kotse niya tumatambay. At hindi nga siya nagkamali, nakita niya itong dali-daling lumabas ng mansion at sumakay ito sa taxi.Ayaw kasi siyang isama nito kaya susundan na lang niya.Pagdating sa terminal, bumaba si Rosabel sa taxi at sumakay sa bus patungong Baguio. Hindi naiwasang matawa sa sarili. Para siyang isang NBI agent na sinusundan ang isang suspect. Hindi na niya pinansin ang mga tao sa paligid habang nagmamasid kay Rosabel.Sandali siyang bumaba ng kotse nang hindi pa umaalis ang bus na sinakyan ni Rosabel. Marahil ay naghihintay pa ng ibang pasahero. Pumunta siya sa isang tindahan at bumili ng soft drinks at chichirya. Hindi siya nakapag-prepare ng maayos para sa mission na ito dahil kagabi lang naman niya naisipang sundan si Rosabel.Suot siya ng jacket at malaking shades para maitago ang kanyang identity sakaling makita si
GRAY'S POV:Fuck! sigaw ng isip niya. Pabalik na siya sa kwarto. Kakagaling lang sa kusina at sumabay sa pagkain kay Rosie.Naiinis siya sa sarili... bagamat pinapansin siya nito, alam niyang masama ang loob ng dalaga sa kanya. He is clueless, Hindi siya sanay. Lalo pa siyang nainis ng makita kanina na kasama ito ni Peter.Fuck! Mukhang mauunahan pa siya ng kaibigan niya kay Rosabel. Ang akala niya ang lahat ay makukuha niya. Pero mukhang wala atang interes sa kanya ang dalaga.Lalo pa siyang nalungkot ng tinanggihan nito ang offer niyang samahan ito sa Baguio bukas. He really wants to go with Rosabel. Tila may magneto itong hindi niya malaman kung bakit gusto niyang makita at makasama lagi ang dalaga.Di kaya gusto na niya si Rosabel?Fuck no! This can't be happening!Muli niyang kinuha ang susi ng kotse at lumabas ng kwarto. Aalis siya. Makikipagkita siya sa mga kaibigan niya.Kinuha niya ang cellphone bago pinaandar ang kotse. "Asan kayo?" tanong niya kay Peter. Tinawagan niya ito.
“So... varsity ka pala sa dati mong school? Kaya pala gano'n na lang ang katawan mo. Akala ko naggy-gym ka kaya medyo ma-muscle ka. Dahil pala 'yan sa kakapalo ng bola.” nakangiting wika nito. Hindi niya alam kung bakit siya nito kinakausap. Kanina lang ay suplado ito sa kanya. Baliw ba ito?Hindi siya sumagot. Hindi niya alam kung compliment iyon o insulto. Pinagpatuloy niya lang ang pagkain. Wala siyang pakialam kung amo niya ito. Napapagod na siyang magpakumbaba sa lalaking ito. Dapat na din siguro itong makatikim ng pagka-suplada niya para hindi ito namimihasa sa pakikialam sa buhay niya.“Ahm Rosie... sasamahan kita bukas sa Baguio.”“Wag na kuya. Narinig mo naman ang sabi ko kay Mam Jonie, di ba? Di pa ako makakaalis agad. Saka wala ka naman gagawin doon. Magbo-bored ka lang.”“Gusto kong gumala eh. Pwede mo ba akong i-tour sa Baguio?”“Magbo-bonding kami ng mga kaibigan ko. Wala akong time mag-tour sayo. Aalalahanin pa kita doon.” diretsahang sabi nya.“Ang suplada mo naman.”B
Pagdating nila sa bahay, naunang bumaba si Gray sa kotse at nagpatuloy na sa paglalakad. Ni hindi man lang siya inalalayan.Bakit ka niya aalalayan? Girlfriend ka ba niya? Saka, hindi ka naman kasing ganda ng Bianca na 'yon! Wag ka nang umasa na aalalayan ka pa ni Gray na 'yan. Hindi siya gentleman!Kausap niya ang sarili, pilit kinukumbinsi ang sariling huwag magkagusto sa amo niyang suplado. Gwapo lang ito at mayaman, pero wala nang ibang maganda sa kanya... isa itong walking red flag!Pagpasok niya sa living room, nadatnan niya si Mam Jonie at Gray na nag-uusap. Parang hinihintay talaga siya ng dalawa. Agad na ngumiti si Mam Jonie nang makita siya."Iha, kamusta ang pagbisita mo sa bago mong school? Nagustuhan mo ba?" tanong ni Mam Jonie, puno ng saya ang boses.Napatingin siya kay Gray. Matalim ang tingin nito sa kanya, parang binabantaan siya na huwag magsumbong."Ah... okay naman po, Mam Jonie. Maganda po ang school... malaki." Napangiwi cya sa sagot niya habang nakayuko, nagmu