Share

Kabanata 19

Offer

Diretso akong nagtungo sa locker sa restaurant nang sumapit ang oras ng trabaho ko. Buti na lang talaga hindi ganoon kalayo ang resto dahil walking distance lang at malapit din pala sa Elites village.

Napansin ko rin na bukas na ang second floor ng resto at puno na agad ng mga customer. Nagmdali akong nagbihis at lumabas.

Hinanap ng mata ko si Kendra dahil hindi ko pa siya nakikita at hindi niya rin ako sinalubong kanina at kinulit pagdating ko kaya nakakapagtaka.

Ngayon lang ito nangyari o talagang nasanay lang ako sa kaniya. Pinusod ko ang mahaba kong buhok at naglakad palapit sa dishwasher.

"Hi, nakita mo ba si Kendra?" pabulong na tanong ko.

Nilingon ako ni Rina at malaungkot na ngumiti. Ang alam ko kahit paano ay close sila ni Kendra dahil pareho silang naka-assign sa opening ng resto.

"Umalis na si Kendra, Kyline."

Umawang ang labi ko sa narinig. "K-Kailan pa bakit hindi ko alam?"

"Kaninang umaga. Hindi ko nga alam anong nangyari sa kaniya eh. Mugto ang mga mata niya kanin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status