Share

Chapter 1

Author: xxLauxx
last update Huling Na-update: 2022-11-29 08:22:25

HUMAKBANG siya palapit lalo sa akin. Halos manginig ang tuhod ko. Ang kaninang malambot at malambing niyang tingin sa akin ay napalitan ng galit.

"I'm asking you, Cassidy! Is that true?" bahagyang tumaas ang boses niya kaya mas lalong nadagdagan ang luha sa mga mata ko.

Hindi ko na kaya pang salubungin ang tingin niya kaya napayuko ako at pinaglaruan ang mga kamay.

"I-It's true, but—"

"You fucking fooled me?"

"Zamiel..."

Pinutol niya muli ako. Nag-angat ulit ako ng tingin sa kaniya. Umiigting ang panga niya at mas lalong dumilim ang tingin sa akin.

"I'm so disappointed in you." He eyed me with insult. "You're disgusting."

A sharp metal seemed to pierce through my chest. The sharpness of his words was enough to make my heart bleed in sorrow. Hearing his excruciating words felt like I was facing an entirely different person. It stung so badly. It hurts more because I knew that I was the reason why he was acting this way.

"I-I'm sorry, Zamiel. Let me explain—"

Isang taas niya lamang ng kamay niya ay napahinto na ako sa pagsasalita. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang paglapit nila Mommy. Tahimik ang lahat at sa amin lamang nakatutok ang mga mata, tila kami nasa isang pelikula.

"You have nothing to explain now, Cassidy. I get it. We all get it. Mas pinatunayan mo lang na talagang mandaraya ang buong pamliya n'yo."

Inilipat niya ang mga mata kina Mommy.

Mas lalong binaha ng luha ang mukha ko. Paano ba kami napunta sa ganitong sitwasyon? Bakit kailangang magkaganito? At lalong bakit kailangan kong mahulog sa kaniya kung sa simula pa lang ay hindi ko naman talaga siya gusto?

"You see that young man over there, Cassidy?" Itinuro ni Mommy ang isang pamilyar na lalaki na pormal na nakikipag-usap sa mga negosyante sa hindi kalayuan.

Napangiwi ako at taas kilay na tinitigan ang lalaking iyon.

"What about him?" tamad kong tanong.

"That's Zamiel Cornejo. Anak nina Celeste at Eliezer Cornejo. Konsehal din 'yan."

I lazily rolled my eyes and carefully snatched a champagne from a waiter who passed by.

"I know him, Mom."

Gulat na napalingon sa akin si Mommy. "Oh, you do?"

Nagulat siya na kilala ko ito dahil alam naman niyang wala akong kainte-interes sa mga politiko.

Sumimsim ako sa champagne bago nagsalita. "Yeah. I hear so many rumors about him in school, you know. He's actually a womanizer."

Akala ko'y sisimangot si Mommy at magsasabi na rin ng hate comments patungkol kay Zamiel ngunit ikinagulat ko ang natutuwa niyang pagtawa.

"Oh, dear. I don't expect a man like him to stick with only one woman. With his charm and powerful influence, he has every right to date any girl he wants."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Even dating them all at the same time?"

"Yes!"

I didn't hesitate to show her my disgusted look. She just chuckled.

"Seriously, Mommy, some of your perspectives are really pitiful."

Nagkibit-balikat lamang siya at hindi na sinalungat iyon. Paano, alam niya na mismo sa sarili niya 'yon. Some of her views in life and on people really suck. Tss.

Humalukipkip ako at tamad na nilibot ulit ng tingin ang magarbong hall na kinaroroonan namin. Puro matatandang negosyante at politiko ang nakikita ko. Mga nagkikinangan ang suot at sumisingaw ang yabang at pera sa buong katawan.

Seryoso, gusto ko nang umuwi. Ayaw ko naman talagang sumama pero pinilit ako ni Mommy. Kung hindi lang dahil sa maganda at eleganteng dress na ibinili niya para sa akin, hindi talaga ako sasama. It was a silver dress coated with Swarovski crystal beads all over. Tube style and perfectly fitted on my slender body—making my curves very visible. It has also had a high slit.

I admitted, I fell in love with this dress the moment my mom stepped in my room and showed it to me. It just really looked so stunning. Bumagay rin ito sa morena kong kulay kaya gustong-gusto ko.

Sa paglibot ko muli ng tingin sa buong hall, muling tumama ang mga mata ko kay Zamiel. Nakikipagkuwentuhan na siya ngayon sa mga pinsan niya. Kilala naman kasi talaga ang mga Cornejo rito sa lugar namin kaya hindi imposible sa akin na maging pamilyar sa bawat isa sa kanila.

Naningkit ang mga mata ko habang nakatitig kay Zamiel. I didn't really know when I exactly started to hate him. I just remembered girls from our school crushing over him and eventually ended up crying. Also for me, I found him arrogant. He was always chin up and standing tall.

He seldom smile, as well. Judgmental na kung judgmental, pero nahahanginan talaga ako sa aura niya.

Naningkit ang mga mata ko nang makita ko siyang ngumiti sa sinabi ng kapatid niyang si Jake. He actually looked good when he smile, though. And I couldn't believe that I was praising him now when I always talked ill about...

Hindi sinasdayang napatingin siya sa gawi ko. Napakurap-kurap ako at agad na napaiwas ng tingin. Nakakahiya! Nahuli niya ba akong pinaniningkitan siya ng tingin?

Ilang segundo muna ang pinalipas ko. Nang sa tingin ko'y baka sa ibang direksyon na siya nakatingin ay unti-unti kong iginalaw ang ulo ko upang matingnan siya ulit.

He smirked a little when our eyes met once again.

Oh, my gosh! No! Ayoko na! Hindi na ako titingin ulit! This was really embarrassing. Baka mamaya ay isipin pa niya na nagnanakaw ako ng sulyap sa kaniya. At lalong baka isipin niya na katulad ako ng mga baliw na babaeng nagkakagusto sa kaniya. No way.

I cleared my throat and just sat prettily and unbothered on my seat. I didn't dare to roam my eyes again to avoid meeting someone's eyes.

Nang ma-bored ako nang tuluyan sa upuan ko, nagpasya akong mag-ikot-ikot sa buong hall. Wala naman akong kilala dahil puro matatanda ang narito kaya walang nag-abalang kumausap sa akin.

Napunta ako sa wine station. Tahimik kong binasa ang mga mamahaling wine na naroon at nang makapili ng iinumin, kumuha ako ng wine glass at nagpalagay sa waiter. May hesitasyon sa mukha nito habang hindi malaman kung lalagyan ba ng wine ang baso ko o hindi.

"What?" mataray kong tanong.

"Uh... ilang taon na po kayo, Ma'am?"

Kumunot ang aking noo at nawiwirdohan siyang tiningnan.

"What?" I confusedly asked.

He cleared his throat. "You, Ma'am. How old?" barok niyang pag-i-ingles.

Halos umikot ang mga mata ko sa pagkairita.

"My gosh, are you for real? Hindi ko ipinapa-english ang itinanong mo. What I meant was, why do you need to know my age?" Hindi ko na napigilang magtaray.

"He needs to know, kid," may ibang sumagot para sa waiter.

Zamiel Cornejo stood beside me while his eyes were eyeing the wines in front of him. I looked at him in disbelief.

"What did you just call me?"

Doon na siya tuluyang tumingin sa akin. Dalawang beses akong kumurap nang makita ko nang malapitan ang itim na itim niyang mga mata. He was also towering over me. I suddenly looked like a kitten being trapped in front of a wolf.

"He's asking for your age because these drinks are only for adults. You look like fifteen, so..."

Napasinghap ako at halos sampalin siya ngunit pinigilan ko ang aking kamay.

"Excuse me?" I couldn't hide the irritation in my voice.

His brow shot up at my response. I let out a sarcastic chuckle.

"I'm already eighteen, okay? Calm the shit down." Inirapan ko siya.

Unti-unti, ibinaba niya ang tingin niya sa kabuoan ng katawan ko. Ang insulto sa mga mata niya ay hindi nakatakas sa akin. Nang muli niyang ibalik ang tingin sa mukha ko, may paglalaro na sa mga mata niya at may multo na rin ng ngisi sa labi.

"I apologize. Mukha ka kasi talagang fifteen lang."

At inulit pa talaga! Sasagot na sana ako at handa na siyang bugahan ng apoy ngunit tumalikod na siya at naglakad palayo. Napapadyak na lamang ako sa inis at halos maibato sa waiter ang hawak kong baso.

That fucking arrogant! I hate him!

Kaugnay na kabanata

  • Kiss and Makeup    Chapter 2

    KINUHA ko ang isang denim skirt mula sa closet ko at nang maisuot ko iyon ay saka naman ako namili ng maiteternong pantaas doon. I picked a white V-neck knitted crop top which was very suited to my slender body. I also chose white open toe thick heels to match my outfit.Binilisan ko na ang kilos ko nang mapatingin ako sa wall clock ng kwarto ko. Humarap ako sa dresser at nag-pulbo lang ng kaunti. Nag-apply din ako ng kaunting tint sa pisngi at mga labi ko. I curled my lashes, but I didn't bother anymore to put some mascara 'cause my eyelashes are already thick and so dark.I wasn't really fond of putting make-up on my face on an everyday basis. I only put some when there's an occasion or something. Pero kung araw-araw or kahit magpupunta lang sa mall? Nah. It's just a waste of time for me. Bukod sa tinatamad ako ay maiirita lang ako dahil feel ko palagi ay mabigat siya sa mukha.Sinuklay ko lang ang buhok ko at hinayaan itong nakalugay. Nasa gitna ang hati nito. Maalon, hanggang ibab

    Huling Na-update : 2022-11-29
  • Kiss and Makeup    Prologue

    TININGALA ko ang maaliwalas na kalangitan. Hindi ko na pinagkaabalahang itaas ang kamay upang proteksyunan ang mga mata sa maaaring pagkasilaw dahil hindi na gaanong maliwanag ang langit. Anong oras na ba at tila bumababa na ang araw?"Cassidy! Naku, nariyan ka lang pala! Alas kwatro y kinse na, kailangan mo nang maghanda!"Nasagot ang tanong sa aking utak nang tawagin ako ni Ate Leng, ang pinakabatang tagapagsilbi namin na siyang pinakamalapit din sa akin. She was just 22—four years older than me, so we could really relate to some things.Bumuntong hininga ako at tamad na umirap bago nilisan ang terrace ng study room. Nilapitan ko ang payat na kasambahay na agad naman akong hinila palabas ng silid na iyon."Nai-stress na ang Mommy mo! Kanina pa hanap nang hanap sa 'yo. Alam mo namang alas sais ang umpisa ng party—""Cassidy!" singhal ni Mommy nang makasalubong namin ito sa corridor. "My God! Saan ka ba nagsususuot? You haven't even taken a bath yet! Our glam team is already here!"Ba

    Huling Na-update : 2022-11-29

Pinakabagong kabanata

  • Kiss and Makeup    Chapter 1

    HUMAKBANG siya palapit lalo sa akin. Halos manginig ang tuhod ko. Ang kaninang malambot at malambing niyang tingin sa akin ay napalitan ng galit."I'm asking you, Cassidy! Is that true?" bahagyang tumaas ang boses niya kaya mas lalong nadagdagan ang luha sa mga mata ko.Hindi ko na kaya pang salubungin ang tingin niya kaya napayuko ako at pinaglaruan ang mga kamay."I-It's true, but—""You fucking fooled me?""Zamiel..."Pinutol niya muli ako. Nag-angat ulit ako ng tingin sa kaniya. Umiigting ang panga niya at mas lalong dumilim ang tingin sa akin."I'm so disappointed in you." He eyed me with insult. "You're disgusting."A sharp metal seemed to pierce through my chest. The sharpness of his words was enough to make my heart bleed in sorrow. Hearing his excruciating words felt like I was facing an entirely different person. It stung so badly. It hurts more because I knew that I was the reason why he was acting this way."I-I'm sorry, Zamiel. Let me explain—"Isang taas niya lamang ng k

  • Kiss and Makeup    Prologue

    TININGALA ko ang maaliwalas na kalangitan. Hindi ko na pinagkaabalahang itaas ang kamay upang proteksyunan ang mga mata sa maaaring pagkasilaw dahil hindi na gaanong maliwanag ang langit. Anong oras na ba at tila bumababa na ang araw?"Cassidy! Naku, nariyan ka lang pala! Alas kwatro y kinse na, kailangan mo nang maghanda!"Nasagot ang tanong sa aking utak nang tawagin ako ni Ate Leng, ang pinakabatang tagapagsilbi namin na siyang pinakamalapit din sa akin. She was just 22—four years older than me, so we could really relate to some things.Bumuntong hininga ako at tamad na umirap bago nilisan ang terrace ng study room. Nilapitan ko ang payat na kasambahay na agad naman akong hinila palabas ng silid na iyon."Nai-stress na ang Mommy mo! Kanina pa hanap nang hanap sa 'yo. Alam mo namang alas sais ang umpisa ng party—""Cassidy!" singhal ni Mommy nang makasalubong namin ito sa corridor. "My God! Saan ka ba nagsususuot? You haven't even taken a bath yet! Our glam team is already here!"Ba

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status