KINUHA ko ang isang denim skirt mula sa closet ko at nang maisuot ko iyon ay saka naman ako namili ng maiteternong pantaas doon. I picked a white V-neck knitted crop top which was very suited to my slender body. I also chose white open toe thick heels to match my outfit.
Binilisan ko na ang kilos ko nang mapatingin ako sa wall clock ng kwarto ko. Humarap ako sa dresser at nag-pulbo lang ng kaunti. Nag-apply din ako ng kaunting tint sa pisngi at mga labi ko. I curled my lashes, but I didn't bother anymore to put some mascara 'cause my eyelashes are already thick and so dark.
I wasn't really fond of putting make-up on my face on an everyday basis. I only put some when there's an occasion or something. Pero kung araw-araw or kahit magpupunta lang sa mall? Nah. It's just a waste of time for me. Bukod sa tinatamad ako ay maiirita lang ako dahil feel ko palagi ay mabigat siya sa mukha.
Sinuklay ko lang ang buhok ko at hinayaan itong nakalugay. Nasa gitna ang hati nito. Maalon, hanggang ibaba ng dibdib ang haba, at natural na kulay brown. My hair was one of the things that I really liked about my being because it matched my skin. I'm morena. Someone once said to me that my skin color looked like an expensive caramel.
Iyong ibang mga babaeng kakulay ko, gustong-gusto nilang pumuti. Ako, never akong nagpaputi. Mahal ko ang natural kong kutis at proud ako ro'n. Medyo makapal din ang kilay ko at medyo may kataasan ang arch pero maganda naman ang pagkakahubog. My eye shape was upturned and my nose was okay— I mean... it wasn't really that pointed and it wasn't flat either. My lips was in a Cupid's bow shape.
Ang hindi ko lang gusto sa akin ay ang height ko. 5 flat tapos hindi rin ako tabain. Petite, kaya akala tuloy ng iba palagi ay mas bata ako sa kasalukuyan kong edad.
Marahas kong naisara ang zipper ng pouch ko nang maalala ko na naman iyong buwisit na Zamile Cornejo na sinabihan akong mukha akong 15 noong isang linggo sa dinaluhan naming event nila Mommy.
Oh, well... I couldn't do anything with my body built anymore. I mean—girl, just freaking accept your all and stop complaining—bulong ng kabilang parte ng aking utak.
Nang matapos sa pag-aayos ay agad na akong lumabas ng kwarto. Kanina pa umalis sina Mommy't Daddy. Maaga talaga sila palaging pumapasok sa Munisipyo. Si Kuya naman, malamang ay tulog pa pero paniguradong pupunta rin iyon doon mamaya.
I was about to go inside our car where my driver was already waiting for me when my phone suddenly rang. I rolled my eyes before pulling it from my bag.
"Yes?" medyo mataray kong pagsagot.
"Where the hell are you, Cassidy." I heard Decka's voice, my best friend.
Pumasok na ako sa sasakyan at agad na sinenyasan ang driver kong si Kuya Larry na mag-drive na.
"I'm on my way."
"Are you aware na five minutes na lang ay darating na si Ma'am? Girl, late ka na naman."
Muli akong umirap. "I don't care. Bye."
Hindi ko na siya hinintay pang makasagot. Agad ko na siyang binabaan ng tawag at muli kong ipinasok ang cellphone ko sa bag ko. Ten minutes lang naman ang biyahe mula sa bahay namin papuntang Costa del Fuego University. Pagkarating ko roon, halos lakad-takbo ang ginagawa ko dahil mahigit five minutes na akong late. Nakakairita pa dahil may mga nakakasabay akong grupo ng Senior High na akala mo e mga namamasyal sa park. Kung puwede ko lang silang ipagtutulak lahat para mabilis silang mapatabi sa dinadaanan ko.
"Excuse me," matigas kong saad matapos huminga nang malalim.
Nahati sa gitna ang kumpulan nila kaya nagkaroon na ng sapat na daan para sa akin. Pasimple akong umirap at binilisan na ang lakad. Taas noo at diretso ang tingin.
"Sungit naman no'n," rinig ko pang bulong ng isa sa kanila.
"True. Well, what do we expect? She's a Salvatorre. Mayayabang talaga ang mga 'yan."
Gosh, these kids! Nakakairita. Bakit kasi nagkaroon pa ng K-12? Ang gulo-gulo na tuloy ngayon dito sa school. Ang dami-dami na namin. Buti na lang talaga, last year ko na 'to. Ga-graduate na 'ko sa March. Ang batch namin noong high school ang huling batch ng old curriculum kaya sa tingin ko ay masuwerte pa rin ako. Buti na lang ay hindi ako naabutan ng K-12 dahil mai-stress lang siguro ako kung ilang taon pa ang gugugulin ko bago makapag-college.
Hindi ko na lang pinansin ang mga narinig ko. It would just be a waste of time if I would confront them. They don't matter, anyway.
Pagkarating ko sa room para sa unang subject ko, hindi na ako nagulat na naroon na si Ma'am Lucero. Tinaasan niya ako ng kilay nang pumasok ako at tiningnan mula ulo hanggang paa.
"You're late again, Ms. Salvatorre," bungad niya.
Tipid lang akong ngumiti bago ako naglakad papunta sa upuan ko.
"Obviously," mahina kong bulong bilang sagot sa sinabi niya na hind niya naman narinig.
"I don't really understand why you reached fourth year college with that attitude of yours." She chuckled. "Sabagay... may mga bagay talaga na nagagawan ng paraan. Lalo na kung ginagamitan ng pera at konesksyon. Just like what your older brother did with his studies, right? Hindi pumapasok pero naka-graduate pa rin."
Nang sa wakas ay makaupo ako ay sarkastiko ko lang siyang tiningnan ngunit hindi ko na inabala pa ang sarili ko na makipagsagutan sa kaniya. It would just be useless because almost everyone in this town believe that our family was manipulative and always use money and power as a way to get to the top.
Sometimes, they're wrong. Most of the times, they're right. I wouldn't deny that Kuya Ysmael really paid all of his professors and even the CEO of our school just so he could graduate on time even if he wasn't attending his classes. I wouldn't deny that my parents used their power to own a land even if it wasn't theirs to claim.
Pero hindi naman ako sobrang katulad ng pamilya ko. Alam ko pa rin kung ano ang tama at mali. Hindi ko inaabuso ang kapangyarihan namin sa lugar na ito. Tulad ngayon. Puwedeng-puwede kong patalsikin itong si Ma'am Lucero kung gugusuthin ko. Alam kong pagbibigyan ako nila Daddy. Ngunit hindi ko 'yon gagawin. May awa pa rin ako at alam kong hindi iyon tama.
I didn't use our power to get to where I was right now. Excuse me, I studied hard and I have brains. The lowest grade I had here in college was 1.75. Guess who gave me that? Sino pa ba? E 'di ang bruhang nasa harap ngayon.
Sa kaniya lang talaga ako nagpapa-late dahil nabubuwisit ako sa kaniya. Kung hindi niya ako favorite student, hindi ko rin siya favorite.
***
"Ang excited naman. Bakit naglalagay na agad ng Christmas decorations? November pa lang, duh," naiiritang saad ni Decka habang naglalakad kami sa hallway.
Tuwing Tuesday, 2 PM ang uwian namin kaya diretso kami ng mall parati. Ganoon kami tuwing linggo dahil parehas kaming nabuburyo lang sa bahay. Saka tuwing Tuesday lang naman. Hindi na kami nakakagala sa iba pang mga araw dahil late na ang uwian namin.
Papunta na kami ng parking lot nang marinig kong mag-ring ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha mula sa bag ko. Hinarap ko ang palad ko ay Decka upang patigilin muna siya sa kadadaldal. Tumigil naman siya.
"Yes, Mom?" pagsagot ko sa tawag.
"Cassidy!" nahimigan ko ang saya sa kaniyang boses.
"Yeah? What is it?"
"Umuwi ka na ngayon! Hurry up!" she seemed excited and really happy.
Umikot ang mga mata ko at tumigil sa paglalakad. Napatigil din tuloy si Decka at kuryoso akong tiningnan.
"Mom, you know that every Tuesday—"
"I know, hija. But please? Umuwi ka na! We have a visitor here!"
Kumunot ang noo ko. Kung may bisita, napakaimportante naman yata no'n at kailangan pang naroon ako? Usually kasi, silang dalawa lang ni Daddy ang talagang humaharap sa mga bisita.
"Mom, I don't care whoever that is. You know me. Bakit kailangan-"
"Just go home already! Huwag kang matigas ang ulo," sumeryoso na ang boses niya at dumiin na rin.
I groaned out of irritation.
"But, Mommy!"
"The Cornejos are here! Bilisan mo at ipakikilala kita kay Zamiel."
Namilog ang mga mata ko at halos umusok ang ilong.
TININGALA ko ang maaliwalas na kalangitan. Hindi ko na pinagkaabalahang itaas ang kamay upang proteksyunan ang mga mata sa maaaring pagkasilaw dahil hindi na gaanong maliwanag ang langit. Anong oras na ba at tila bumababa na ang araw?"Cassidy! Naku, nariyan ka lang pala! Alas kwatro y kinse na, kailangan mo nang maghanda!"Nasagot ang tanong sa aking utak nang tawagin ako ni Ate Leng, ang pinakabatang tagapagsilbi namin na siyang pinakamalapit din sa akin. She was just 22—four years older than me, so we could really relate to some things.Bumuntong hininga ako at tamad na umirap bago nilisan ang terrace ng study room. Nilapitan ko ang payat na kasambahay na agad naman akong hinila palabas ng silid na iyon."Nai-stress na ang Mommy mo! Kanina pa hanap nang hanap sa 'yo. Alam mo namang alas sais ang umpisa ng party—""Cassidy!" singhal ni Mommy nang makasalubong namin ito sa corridor. "My God! Saan ka ba nagsususuot? You haven't even taken a bath yet! Our glam team is already here!"Ba
HUMAKBANG siya palapit lalo sa akin. Halos manginig ang tuhod ko. Ang kaninang malambot at malambing niyang tingin sa akin ay napalitan ng galit."I'm asking you, Cassidy! Is that true?" bahagyang tumaas ang boses niya kaya mas lalong nadagdagan ang luha sa mga mata ko.Hindi ko na kaya pang salubungin ang tingin niya kaya napayuko ako at pinaglaruan ang mga kamay."I-It's true, but—""You fucking fooled me?""Zamiel..."Pinutol niya muli ako. Nag-angat ulit ako ng tingin sa kaniya. Umiigting ang panga niya at mas lalong dumilim ang tingin sa akin."I'm so disappointed in you." He eyed me with insult. "You're disgusting."A sharp metal seemed to pierce through my chest. The sharpness of his words was enough to make my heart bleed in sorrow. Hearing his excruciating words felt like I was facing an entirely different person. It stung so badly. It hurts more because I knew that I was the reason why he was acting this way."I-I'm sorry, Zamiel. Let me explain—"Isang taas niya lamang ng k
KINUHA ko ang isang denim skirt mula sa closet ko at nang maisuot ko iyon ay saka naman ako namili ng maiteternong pantaas doon. I picked a white V-neck knitted crop top which was very suited to my slender body. I also chose white open toe thick heels to match my outfit.Binilisan ko na ang kilos ko nang mapatingin ako sa wall clock ng kwarto ko. Humarap ako sa dresser at nag-pulbo lang ng kaunti. Nag-apply din ako ng kaunting tint sa pisngi at mga labi ko. I curled my lashes, but I didn't bother anymore to put some mascara 'cause my eyelashes are already thick and so dark.I wasn't really fond of putting make-up on my face on an everyday basis. I only put some when there's an occasion or something. Pero kung araw-araw or kahit magpupunta lang sa mall? Nah. It's just a waste of time for me. Bukod sa tinatamad ako ay maiirita lang ako dahil feel ko palagi ay mabigat siya sa mukha.Sinuklay ko lang ang buhok ko at hinayaan itong nakalugay. Nasa gitna ang hati nito. Maalon, hanggang ibab