Home / Romance / Kismet / Chapter 10

Share

Chapter 10

Author: MD Rosario
last update Last Updated: 2021-07-06 20:37:30

>x<

"Thank you po, sir," pasasalamat ko sa may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ni Cess saka diretsong lumabas ng opisina nito para kitain ang kaibigan kong naghihintay sa labas. 

Pagkabihis ko kanina ay nagmadali agad akong pinapunta ni Cess dito sa restaurant dahil gusto daw akong kausapin ng amo nya. Sinabi nya daw kasi dito na kung maaari nya akong maipasok kahit waitress man lang. Pumayag naman daw agad ang amo nya kaya tinawagan niya ako agad. 

Matagal ko nang nahahalata na malakas si Cess sa may-ari dahil sa ilang benepisyong nakukuha nito na minsan ay higit sa karaniwan. Minsan nga naisip ko pang may namamagitan na dito at dun sa boss dahil kapag nalelate ito ng uwi ay laging inihahatid ng huli. Kung tutuusin, wala naman sigurong masama kung magkakatuluyan ang mga ito. Parehas naman silang single at may kaya sa buhay.

Hay, buti pa mga kaibigan ko, blooming na ang lovelife samantalang ako, eto, ampalaya na, hopia pa. Ang pinakamasaklap pa, matagal pa yata bago makarating ang man of my dreams ko. Lakas maka-ampalaya nito, grabe. Hay, deadma na nga lang yun muna sa ngayon basta happy ako ngayon. 

"Kailan ka daw magsisimula?" masayang bungad saken ni Cess pagka sara ko ng pinto. 

"Sa monday na daw," masigla kong sagot. Napatili pa ako ng bahagya sa sobrang tuwa ngunit hininaan ko lang dahil baka madinig ako ng boss. 

"This calls for a celebration," anunsyo ni Cess. 

"Ha? Eh, teka muna. Saka na yung celebration pag may panglibre na ako sa inyo. 

Agad naman niya akong iningusan. "Kami naman sasagot e. Kaya wag mo nang problemahin yun."

Napasimangot naman ako sa sinabi nya. Madami na nga akong utang sa kanila, tapos sila pa ang magbo-blow out, baka hindi na ako makaharap sa kanila kinabukasan. 

"Hindi na Cess, saka nalang pag nagkapera na ako saka na natin i-celebrate. Marami na akong utang sa inyo kaya ako naman ang sasagot kahit sa ganitong maliit na bagay," pagpapaliwanag ko sa kanya para hindi na sya magpumilit. Alam kong makukuha agad ni Cess ang ibig kong sabihin at hindi na magpupumilit pa, hindi tulad ni Cass na makulit at ipipilit ang gusto. 

Ngumiti pa sya sakin. "Okay sige, pagbibigyan kita. Pero ngayon lang ha."

Tumango naman ako. Kaya mahal ko itong mga kaibigan ko e, lagi nila akong iniintindi at naiintindihan. Hindi man ako pinagpala ng magandang buhay, pinagpala naman ako sa mga taong mapagmahal sakin. 

Nagpaalam na akong umuwi kay Cess, tutal ay hindi naman kami magkakasabay dahil malelate daw sya ng uwi mamaya, nauna na ako, hindi ko rin naman siya mahihintay. Nag-aalala kasi ako sa bahay. Ibinilin ko naman kay Cass na ilock ang pinto pag-umalis sya pero ang mas inaalala ko, kung buo pa ba ang bahay at ang mga gamit. Baka kasi mamaya hindi na napigilan ni Cass ang sarili, ibalibag nalang lahat ng gamit kay Elric. Mahirap pa namang magpundar ng gamit. 

Madilim na sa labas nang umalis ako ng restaurant. Wala ring gaanong dumadaan na taxi or jeep dahil masyadong sosyal ang lugar na kinapupwestuhan noon. Mga rich kasi ang mga customers lagi kaya puro mga de-kotse. Hindi tuloy gaanong napagdadadaanan ng mga pampasaherong sasakyan. 

At dahil halos may isang oras na akong nagbabaka sakali na may mapadaang jeep o taxi, naglakad na ako papunta sa main road. Medyo nakaurong kasi ang location ng resto mula sa main road, ngunit hindi naman kalayuan. 

Hindi pa man ako nakakalayo ay may naramdaman akong may tila nakasunod sa akin. Kinabahan ako agad. Paanong hindi, walang gaanong tao sa lugar, hindi ganun kaliwanag ang ilaw sa mga posteng nakapaligid, may mga resto din iyong katabi pero dadaan muna ako sa obstacle ng mga nakapark na sasakyan kung sakaling hihingi ako ng tulong. Kinabahan tuloy agad ako. 

Nagkunwari akong may hinagilap lang sa likod para makumpirma ang kutob ko. At kumabog bigla ang dibdib ko. Totoo nga, meron ngang nakasunod saken. Nakasuot iyon ng kulay abong tshirt at itim na pants. Hindi katangkaran at balingkinitan ang katawan. Hindi ko na nagawang aninawin ang mukha dahil bukod sa agad kong binalik ang tingin sa dinadaanan ay nakasumbrero pa ito. 

Baka naman passer by lang. Pero mukhang kahina-hinala ang itsura ee. Tila video recorder na biglang nagbalik sa isip ko ang nangyari three years ago. Agad na sinalakay ng takot ang kalooban ko at sumisiksik iyon sa bawat parte ng katawan ko. 

Binilisan ko ang lakad ko nang hindi lumilingon sa likod. Ano naman ang pakay ng lalaking yun? Wala naman syang makukuha saken. Wala pa nga akong pera, yung cellphone ko naman kahit na hindi pa naman nalalaos, gasgas na, pagiinteresan pa ba nya? Paano kung iba din ang gusto? 

Hindi pwede. Kailangan kong makaalis dito. Halos lakad takbo na ang ginawa ko ng maramdaman kong tila binilisan din nito ang lakad. Nagpalingap-lingap pa ako para makahanap ng mahihingan ng tulong kung sakali pero sa kasamaang palad, puro mga mamahaling kotse lang ang nanduon at walang gaanong tao. Bakit ba hindi nalang yung mga kotse ang pag-interesan nung mama' na yun? Masama na kung masama pero yung kotse kasi mapapalitan ng may-ari, maibabalik din pag narecover pa e kung ako? Pag hindi maganda naisip nung lalaki, baka ito na last day ko, hindi na ako maibabalik sa face ni mother earth kaya hamo ng kotse kuhanin nya, please Lord. 

Nakahinga ako ng maluwag ng may dumaan na kulay itim na toyota hi-ace. I felt relieved. Huminto iyon sa parking space sa harap ko at nagsibabaan ang mga sakay. Mukhang kakain ang mga iyon sa isang restaurant na nandoon. 

Nang mapalingon ako sa likod ay hindi ko na nakita ang lalaking nakasumbrero kaya napanatag na ako. Hindi naman siguro ganun nga yung pakay nung lalaki. Nag-isip lang talaga ako ng masama. E paano ba naman kasi, mukha siyang hoodlum. 

Nang makalayo ako at hindi na nakita pa yung lalaki ay bumagal na din ang lakad ko. Napabuga ako ng hininga na hindi ko namalayang pinipigilan ko pala. Kamoteng lalaki yun, natakot ako. Dapat pala hinintay ko nalang si Cess. May mga nagkalat pala ditong kawatan. Sabagay ano pa ba ipagtataka ko, ee maynila ito. Natural na yun. 

"H'wag kang gagalaw, at wag ka ding sisigaw kung hindi gigripuhan kita," nagbabantang bulong ng isang lalaki galing sa likod nya. 

Bigla ang salakay ng takot sa kabuuan ko. Napatango nalang tuloy ako sa lalaki. Kahit naman hindi nya sabihin ay talagang hindi na ako makagalaw. Goodness, will this gonna be the end? Lord, wag muna po.

Gusto ko mang humingi ng tulong ay hindi ko magawa dahil maski boses ko ay umurong sa takot. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko ng subukan kong yakapin ang shoulder bag na dala ko kung san nakalagay ang cellphone at konting perang dala ko pamasahe. 

"Akin na yang bag mo!" utos nito at sinubukang hablutin ang bag nya na agad naman nyan inilayo dito. 

"h-huwag kuya, w-wala ka namang makukuha dito e. W-Wala akong pera s-saka cellphone, w-wala kang makukuha saken", pagmamakaawa ko pa kahit halos magkandautal na ako sa takot. 

Last day ko na ba talaga ito? Hindi pa ako pwedeng mategi, Lord. Paano mga kapatid ko? Ang mga magulang ko? May mga taong umaasa saken, hindi pa pwede. Saka hindi pa ako nagkakalovelife, Lord, ayokong mategi ng bitter. Virgin pa ako.  Saka mag-aasawa pa ako. Maghahanap pa ako ng forever ko. 

"Hindi mo ko mapapaniwala. Akin na yang bag mo," singhal nito sabay hablot ng bag ko. 

On impulse, hinablot ko din ang bag ko. Nandito lahat ng papeles ko at mahahalagang gamit ko kaya hindi nya pwedeng makuha. Tug of war tuloy ang eksena namin. Tila kami nagsusukatan ng lakas, alam ko mang mas malakas siya pero hindi ko pa din pwedeng pabayaan nalang na makuha nya ang bag ko. 

Pero ang hindi ko inaasahan at hindi rin napaghandaan ay ang bigla nyang pagwasiwas ng kutsilyong dala nya. Isang hagod pa papunta sakin noon, ay agad ko pang naisip na umilag bago mahagip ulit ng mata ko ang kinang ng talim nuon na ngayon ay may bahid na ng dugo. 

Halos lumuwa ang mata ko pagkakita ko ng pulang likidong iyon. Natigilan ako panandalian ng maramdaman ang hapdi sa braso ko na agad pinagbalingan ng mata ko. Lalo akong napadaing ng makita ko kung gaano kalaki ang nalikhang sugat noon. Nanlata ako ngunit hindi ko tuluyang nabitawan ang bag ko. Ramdam ko ang panlalambot ng tuhod ko pero nanatili akong nakatayo. Alam kong natigilan ang lalaki pero saglit lamang iyon. 

Hahablutin na sana nito ang bag ng mapatigil ito, hindi lang pala ito, kami, dahil sa headlights ng isang kotseng palapit samen. Bahagya pa akong napaatras dahil akala ko ay sasagasaan kami nuon pero ang holdaper pala ang target nito. 

Hindi naman nito nabangga ang lalaki pero napaupo pa din iyon sa takot. Huminto ang kotse sa mismong harap nito. Napansin ko pang bumukas ang pinto sa driver seat pero hindi ko na nakita ang driver dahil nabigla ako ng may humila sa bag ko. Nakatayo na pala ang lalaki at nagmamadaling hinatak ang bag ko pero nagawa ko pang hatakin kahit wala ng gana ang mga braso ko. 

"Put*ng *na, bitiwan mo sabi," sigaw nito. 

Nakita ko pang inamba nya saken ang kutsilyo at itatarak pero hindi na ako makagalaw sa sobrang panginginig. Halo-halo na ang nararamdaman ko pero mas nangingibabaw ang iniinda kong sugat. Napapikit nalang ako at hinihintay ang sakit na hatid ng saksak nito pero wala akong maramdaman. 

Idinilat kong muli ang mata ko para lang magitla sa nagaganap sa harap ko. Nandoon at nakatalikod sa akin ang driver ng kotse at nakikipagbuno sa holdaper. Hawak nito ang kamay ng huli na may hawak na kutsilyo saka pinalipit iyon dahilan para mabitawan iyon nung holdaper. Naging mabilis ang mga pangyayari, mabilis din ang galaw ng driver ng kotse. 

Hindi ko na nakayanan ang panlalambot kaya napaupo nalang ako. Nanunuot ang hapdi sa braso ko at damang dama ko ang pag-agos ng dugo duon. Lalo akong pinanlamigan ng makita kong hindi maampat ang dugo nuon. Alam kong namumutla na ako pero pinilit kong hindi muna panawan ng ulirat dahil gusto kong malaman kung sino ang nagligtas saken. 

Binalingan kong muli ang dalawang lalaki. Binigyan ng driver ng isang suntok sa mukha ang holdaper na naging dahilan ng pagbagsak nuon. Masyado yatang malakas ang tagapagligtas ko. Well, kung katawan lang naman ang pagbabasehan, walang sinabi ang katawan ng holdaper sa well-built na katawan nito, naggagalawan pa ang mga muscles nito sa bawat galaw. Kitang-kita kasi sa suot nitong puting long sleeve polo shirt na nakatupi pa hanggang siko ang sleeve. Naka-black slacks pa ito at leather shoes. Masyadong pormal ang postura nito para maging driver lang. Maganda din ang tindig na madaling i-describe kahit nakatalikod pa ito sa akin. May naalala tuloy ako sa tindig nito. Teka.... Imposible. Malaki ang maynila. 

Akmang lalapitan pa nung driver yung holdaper pero kumaripas na ito ng takbo. Nang masiguro ng una na nakalayo na nga ang huli ay saka ito bumaling sa akin. Nakalimutan ko na yatang huminga ng salubungin ako nito ng tingin. Bigla na namang nagwala ang puso ko. Gusto na yatang lumabas ng rib cage ko. God, how could I ever get over this man who can make my heart beat erratically? 

Nanlilisik ang mga mata nya habang titig na titig saken pero agad ding napalitan ng pag-aalala ng bumaba sa braso ko ang tingin nya.

Lalo yatang nanghina ang pakiramdam ko. Ito ang mukha ng lalaking nakilala ko tatlong taon na ang nakakaraan, hindi ang lalaking nasa party.

Napahawak ako sa sementong kinauupuan ko ng biglang umalon ang buong paligid. Sinubukan ko pang kumuha duon ng suporta ng tumindi ang pag-alon na ngayon ay umiikot na. Pero useless din iyon dahil nawalan na ako ng lakas at unti-unti ng dumidilim ang paligid. Nakita ko pang tumakbo sya papunta sakin. 

"Marione..."

Isang tawag sa pangalan niya at tuluyan ng nagdilim ang paligid.

Related chapters

  • Kismet   Chapter 11

    >xi<Nasilaw ako bigla sa liwanag ng ilaw nang idilat ko ang mga mata ko. Itatabing ko pa sana ang braso ko para maidilat ang mga mata ko nang bigla akong makaramdam ng pagkirot mula sa kanang braso ko."Ah..." napadaing ako nang hindi lang simpleng kirot ang naramdaman ko duon kundi sakit na sumisigid sa buto."Don't move too much with your right arm," malumanay na sabi ng isang babae mula sa tabi ko.Tuluyan na akong napadilat at agad na binalingan ang babae. Parang may artista akong kaharap. Una ko agad napansin ang bilugan niyang mukha. Ang dark blonde nyang buhok, maayos na pagkakaahit ng kilay, malalantik na pilikmata, brown ang mga mata, matangos na ilong at manipis na labi, artistahing-artistahin. No

    Last Updated : 2021-07-06
  • Kismet   Chapter 12

    >xii<"Bakit nagpaiwan ka pa? Umuwi ka na din. Kaya ko na ang sarili ko. Salamat sa tulong." Sinadya kong palamigin ang boses ko. May parte sa akin na gusto syang makasama kahit sandali pero may parte din na ayoko na syang makita. Ngunit sa dalawang iyon ay mas nananaig ang una. Pero kailangan kong kumapit sa realidad dahil iyon ang tama."Does it still hurt?" concern evident in his voice. Lalo tuloy lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi man lamang niyapinansin ang mga sinabi ko."Hindi mo na kailangang magkunwari na nag-aalala. Kaya ko na ang sarili ko. Umuwi ka na," sagot ko nang hindi pa din siya sinusulyapan. Narinig ko pa ang kanyang malalim na buntong hininga. Restraining himself from another outburst, maybe.

    Last Updated : 2021-07-06
  • Kismet   Chapter 13

    >xiii< "Nikki... Please... Don't fall in love with me... " Ang huli niyang sinabi sakin bago siya umalis sa ospital ilang buwan na ang nakakaraan. Tsk. Parang gusto kong maiyak kapag naaalala ko iyon. Gago na yun. Para na niyang sinabi na wag akong huminga. Pwes para sabihin ko sa kanya, huli na siya. I already fell for him. Peste namang mata to, nagbabadya na naman. Oo na, umiyak ako ng mismong pagkaalis nya. Pero pinapangako ko, iyon na ang huling pagkakataong iiyakan ko sya dahil itaga nya sa bato, kakalimutan ko na talaga sya. Akala nya kung sino sya, bwisit na yun. Teka nga, bat ba inaalala ko yung hinayupak na yun. Umagang-umaga sya agad nasa isip ko. Dapat wala na akong naaalala. Wala na akong kilalang-- Ugh! Hindi ko na

    Last Updated : 2021-07-08
  • Kismet   Chapter 14

    >xiv<Kailan ko ba huling nakita ang ngiti niyang iyon? O kung nakita ko na ba iyon? Pati ang abohin niyang mga mata na tumatagos sa kaluluwa kapag tinititigan ka. Parang gusto ko nalang tumitig doon. Ayoko nang pumikit dahil baka wala na siya pagdilat ko. Nakaramdam ako bigla ng kalungkutan ng matuon ang tingin ko sa kasama niyang babae. Sino kaya iyon? Girlfriend nya o baka naman asawa? Isipin ko palang na alin iyon sa dalawa ay ramdam ko na ang pagkadurog ng puso ko paano pa kaya kapag totoo? Kung sabagay, ito ang nababagay sa kanya. Elegante, edukada, mayaman. Hindi tulad ko. Ugh! This is hopeless. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Parang bigla ay gusto kong umiyak.Nasa ganoon akong posisyon ng biglang lumingon sa gawi ko si Sir Loki saka ngumiti sa akin. I blink back the tears immediately saka ngumiti

    Last Updated : 2021-07-08
  • Kismet   Chapter 15

    >xv< Buong akala ko ay mababawasan na ang sakit paggising ko pero nandito pa din. Buong-buo. Walang labis, walang kulang. Kung pwede lang tanggalin nalang ang puso ay ginawa ko na. Napakatanga mo kasi Dominique, hinayaan mo ang sarili mong mahulog. Lakas tuloy ng lagapak mo. Pakiramdam ko ay isang buwan na ang lumipas sa maghapong ito. Napakatagal lumipas ng oras. Kulang nalang ay hilahin ko ang kamay ng orasan para bumilis ito. Gusto ko nang umuwi hindi dahil sa kung ano pang bagay kundi para magkulong ulit sa kwarto. Pambihira kasing lalaki iyun. Hindi ko naman pwedeng sabihin na sana di ko na lang siya nakita o nakilala dahil utang ko sa kanya ang puri ko. I mean, buhay ko pala. Paano ba ang g

    Last Updated : 2021-07-08
  • Kismet   Chapter 16

    >xvi<Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig? Hindi ba niya alam na masakit? Gusto ko na syang sapakin para maramdaman nya ang sakit na nararamdaman ko pero alam kong hindi ko iyon kayang gawin. At lalong hindi rin iyon sapat. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng mga sulok ng aking mata. Hindi ko na yata matatagalan ito."Tama," may kalakip na sakarsmong sagot ko para maitago ang sakit. "Sino ba naman ako para pag-aksayahan mo ng napakahalaga mong oras. Isa lang naman akong hamak na probinsyana para sa iyo."Nanatili ang mga mata ko sa harapan habang ang isip ay kinakain ng kawalan ng pag-asa. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang bawat hakbang niya na hindi ko malaman kung saan papunta. Baka paalis na."Sa tingin mo

    Last Updated : 2021-07-09
  • Kismet   Chapter 17

    >xvii< Posible pa pala ang ganito. Ang magustuhan din ng taong gusto mo. Want, just the same with like and the start of love, di ba? Okay na yun kaysa wala di ba? Hanep, parang gusto kong magtatalon sa tuwa. Parang hindi pa din ako makapaniwala. "Totoo ba ito?" wala sa loob na tanong ko habang nakapikit at ninanamnam ang init ng yakap nya. Kailangang sulitin dahil baka di na maulit. Bahagya siyang natawa bago sumagot. "Yes, this is real. Why, you still can't believe it?" aniya at hinigpitan ang pagkakayakap sakin kaya't ultimo hangin ay hindi na makadaan sa pagitan namin. Hindi na ako makasagot kaya tumango na lamang ako. Napasinghap ako ng makaramdam ako ng malambot na bagay na dumampi sa sulok

    Last Updated : 2021-07-09
  • Kismet   Chapter 18

    >xviii<Kahit gaano ako kaabala sa trabaho, hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari nang nakaraang gabi. Hindi ko nga malaman kung matutuwa ako o maiinis sa Marione na iyon. Pagkatapos kasi ng nangyaring iyon ay hindi na siya ulit nagparamdam. Pang-limang araw na siyang walang paramdam sa akin kaya konting-konti nalang ay maniniwala na akong pinaglalaruan niya lang ako. Ni ha, ni ho, ay wala. Kahit text, wala. Sabagay, wala naman akong number nya kaya bakit ko ba naisip na magte-text siya. At isa pa, hindi ko naman sya boyfriend para hagilapin ko sya ng ganito. Tsk. Sino ba sya para mamiss ko. To hell with that stupid monster. Wag na siyang magpapakita sakin. Pagkatapos nya akong nakawan ng halik ng ilang beses, saka sya biglang mawawala? Naku, huwag talagang magpapakita sa akin ang pangit na halimaw na yun. Bwisit sya!

    Last Updated : 2021-07-13

Latest chapter

  • Kismet   Chapter 30

    >xxx<Hindi ako mapakali habang nasa byahe kami ni Marione pauwi ng Pangasinan. Gusto ko sanang ako nalang ang umuwi para hindi na siya maabala pero nagpumilit pa rin siya. Isa pa ay hindi din daw sya mapapakali kung pababyahehin niya akong mag-isa kaya sumama na siya. Hindi ko naman maialis ang isip ko sa pamilya ko at sa sinabi ni Angelo sa linya kanina. Inatake daw si tatay na siya namang ipinagtataka ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala sa lahi nila ang may sakit sa puso kaya hindi ko malaman kung bakit siya bigla nalang inatake.Sa tana kasi ng buhay ko ay ngayon lang inatake sa puso si tatay. Halos halukayin ko na ang utak ko sa posibleng dahilan para atakehin ito pero wala naman akong maisip. Wala naman kasi silang sinasabing problema sa lupang sinasaka nila, hindi rin naman ako pumapalya sa pagpapadala sa kanila buwan-buwan.

  • Kismet   Chapter 29

    >xxix<Halos inip na inip ako sa maghapon habang hinihintay na gumabi. Ewan ko ba kung bakit ganito. Hindi rin kasi maalis sa isip ko si Marione at sa kung ano na ang estado namin. Maging ang tungkol kay Mira ay hindi rin maalis sa isip ko. Ayokong manghusga pero hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong kung bakit at paano niya nagawang maglihim sa akin ng tungkol kay Jake.Napabuntong-hininga ako habang nakapalumbaba sa may counter at nakatunghay sa mga naglilinis na mga kasamahan ko sa buong restaurant. Sarado na rin kasi kami at naglilinis na lamang bago umuwi. So far wala pa naman nakakapansin sa pagtunganga ko dito kaya't malaya pa rin akong namamahinga. Nakakatuwa din kasi silang pagmasdan na habang abala sa pagpupunas ng mga lamesa at pagma-mop sa sahig ay walang katapusan ang chismisan nila at labasan ng sama ng l

  • Kismet   Chapter 28

    "Why don't you turn around so we can talk properly, wallflower?" panunubok ko sa kanya ng wala akong makuhang reaksyon.Nakalimutan na kaya niya ako? Shit! Just the thought of her forgetting me, pisses me off. How dare her forget me so easily while I'm still stuck here wanting to see her again. Nauubusan na ako ng pasensya ng hindi ko man lang siya nakitang natinag sa kinatatayuan. Didn't she want to see me? Napakuyom ang kamay ko."Or should I call you , Dominique, Miss wallflower?" Ani ko na sadyang hinaluan pa ng sarkasmo. I am Marione Alistair Eldritch, CEO of the well-known Eldritch Hotels Inc. and son of the shipping magnate, Marcus Eldritch. She can never get rid of me. Even if she tries to forget me, well, too bad. I'll never let her.

  • Kismet   Chapter 27

    >xxvii<I snarled at her but she just stared at me like she was still shocked by what she did. She looked horrified while tears brimming down her beautiful face. My hands itched to wipe off her tears. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkaalarma nang makita ko siyang nanginginig. Parang may kung ano tuloy sa akin na parang gusto siyang hilahin at ikulong sa mga bisig ko."Miss, you alright? Are you hurt?""Dominique!"Someone from afar shouted. Nakita kong nanginig lalo ang dalaga saka atubiling lumapit sa akin. I guess that was the guy who ran after her a while ago.I can't help but to stare at her eyes. Para kasing nang-aakit iyon na tumingin dito kahit na hilam na ito ng luha at nababahiran ng takot. Nainis ako bigla. Why does these eyes have to be shadowed wit

  • Kismet   Chapter 26

    >xxvi<*Marione's*I went straight to my parents house pagkatapos kong maihatid si Nikki sa trabaho. Bumusina ako para ipaalam ang pagdating ko at para na rin pagbuksan ng gate. Hindi rin naman nagtagal at pinagbuksan din ako.Agad akong nagmaniobra papasok at nag-park sa may garahe. It was a huge space packed with cars in different sizes before. But now, it was only my parents' was there. Well, my brother and his wife already have their own house and family anyway.Pagkaibis ko ay may naghihintay agad na maid sa akin para kunin ang dala kong coat at case. Pagkaabot ay dumiretcho na ako sa loob ng malaking kabahayan. Pagkabukas ko ng pinto ay ang pamilyar na malaking chandelier sa taas ng malawak na sala ang nabungaran ko. Sa magkabilang gilid naman ay ang eleganteng hagdan na halatang alaga sa linis. Habang nagmamasid

  • Kismet   Chapter 25

    >xxv< MALIWANAG na sa labas ng magmulat ako ng mata. Ang sarap ng tulog ko kagabi. Nanaginip pa yata ako na katabi ko daw si Marione. Natigilan ako ng may maramdaman ako na marahang paghinga sa tabi ko. Lilingunin ko na sana ito ngunit hindi ko na nagawa dahil nakasiksik ang mukha nito sa leeg ko. Agad na gumapang ang kilabot sa buong katawan ko. Bibiling na sana ako ngunit hindi ko rin nagawa dahil naroon din ang braso nito sa may tiyan ko at ang mabigat niyang hita na nakadantay sa binti ko. Hindi ako makagalaw pero ayos lang. Ang sarap matulog na katabi siya. Kung sana ay laging ganito ang magigisnan ko sa umaga. Nuon ko napansin ang kumot na nakapatong sa amin. Wala naman akong kinuhang kumot kagabi dahil di ko naman akalain na dito na kami makakatulog. Natigilan ako ng may maalala.&n

  • Kismet   Chapter 24

    >xxiv<Habang nasa daan ay walang kumikibo sa aming dalawa ni Marione. Ramdam ko pa rin ang tensyon mula sa nangyari. Gusto ko sana siyang kausapin kaso para kasing may madilim na aura sa paligid niya na handang manakmal oras na hindi niya magustuhan ang sasabihin ko. Parang hanggang ngayon ay nagtitimpi pa rin siya ng galit. Isa pa, hindi ko din alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na imbes na naroon ako sa tabi niya ay nandoon ako at yakap-yakap ni Jake. Ayokong isipin niyang hinabol ko si Jake pero hindi ko naman magawang magsalita. Kaya nanatili na lang akong nakatingin sa labas habang kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isip.Maya-maya pa ay naramdaman kong huminto na ang sasakyan. Nang lumingon ako sa paligid ay saka ko lang namalayan na nakarating na pala kami sa tapat ng apartment.

  • Kismet   Chapter 23

    >xxiii<"Cass!" wala sa loob na tawag ko sa kanya. Alam kong hindi niya narinig dahil halos pabulong lamang iyon. Akmang lalapitan ko na siya nang maramdaman ko na may kamay na pumigil sa akin. Nalingunan ko roon si Marione na diretchong nakatingin sa akin. Umiling lamang sya dahilan para maguluhan ako. Agad akong napalingon sa dance floor ng makarinig ako ng tilian.Naroon at nakahandusay na sa semento ang kanina lang na kasayaw ni Cass. Pinupunasan nito ang labi na marahil ay sa pagdurugo dahil sa suntok ng lalaking bigla nalang sumulpot sa kung saan. Lahat ay nabigla sa bilis ng mga pangyayari kaya’t hindi agad na napigilan ang mga iyon. Mabilis na tumayo ang lalaking kasayaw kanina ni Cass at mabilis na dinaluhong ang bagong dating. Nasa mukha nito ang galit at nasa mga mata ang pagnanais na

  • Kismet   Chapter 22

    >xxii< Tila ako naitirik sa kinatatayuan ng marinig ko ang pamilyar na baritonong boses na nanggaling sa likuran ko. Mahina lamang iyon pero sapat na para makarating sa aking pandinig. Agad na nanindig ang balahibo ko sa nerbyos at takot habang parang may tila vtr na nag-play sa utak ko ang mga nangyari ilang taon na ang nakakaraan. Bigla ay parang gusto ko nang tumakbo palabas sa lugar na ito at bumalik sa kotse ni Marione. Si Marione! Goodness! Bakit ba kasi lumayo ako sa kanya? "Hindi mo man lang ba ako haharapin? It's been years since we last saw each other." Hinawakan niya ang siko ko at pinaharap sa kanya. Pakiramdam ko ay para akong estatwa na nakatayo sa harapan niya.

DMCA.com Protection Status