>xii<
"Bakit nagpaiwan ka pa? Umuwi ka na din. Kaya ko na ang sarili ko. Salamat sa tulong." Sinadya kong palamigin ang boses ko. May parte sa akin na gusto syang makasama kahit sandali pero may parte din na ayoko na syang makita. Ngunit sa dalawang iyon ay mas nananaig ang una. Pero kailangan kong kumapit sa realidad dahil iyon ang tama.
"Does it still hurt?" concern evident in his voice. Lalo tuloy lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi man lamang niyapinansin ang mga sinabi ko.
"Hindi mo na kailangang magkunwari na nag-aalala. Kaya ko na ang sarili ko. Umuwi ka na," sagot ko nang hindi pa din siya sinusulyapan. Narinig ko pa ang kanyang malalim na buntong hininga. Restraining himself from another outburst, maybe.
"I know I had been a jerk. I'm sorry," halos pabulong na turan nya.
Abot-abot ang pagpipigil kong humarap sa kanya. Bakit ba parang totoo ang pinapakita nyang pag-aalala? Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Naguguluhan na ako sa pinapakita nya. Once, he's nice and caring, then cold and distant the next.
"Wala ka naman kailangang ihingi ng sorry. Natural na sa mga mayayaman ang ganoong pag-uugali. Matagal ko ng alam kaya sige na, umalis ka na."
Hindi sya sumagot kaya inakala kong aalis na sya. Mabuti na siguro yon. Mas makakabuti yon kahit na masakit.
"Dominique." Hindi ko sya nilingon.
"Dominique." Ulit nya. Umalis ka nalang. Please! Mariin kong ipinikit ang mata ko. "Look at me," utos niya pero hindi ko pa din sinunod.
Napasinghap ako ng hawakan nya ang baba ko saka iniharap sa kanya. Gusto ko sanang tanggalin ang kamay nya dahil sa pamilyar na kuryenteng naramdaman ko galing doon pero hindi ko magawa. I was incapable of doing anything when he's around. I felt like i’m paralized just by the touched of his skin.
My heart pounded when I finally met his eyes. Naglahong parang bula ang takot ko ng masilayan ko ang mga mata nyang puno ng emosyon. Hindi sya ang lalaking nakausap ko sa party kundi ang lalaking nagligtas sa akin. Tila may mainit na palad na humaplos sa puso ko pagkakita ko sa nag-aalala niyang mukha. Nangangati tuloy ang palad kong haplusin iyon at damhin.
"Forgive me for being rude. I didn't mean what I said that night," sabi nya. "I did what I thought was right without even thinking that it could hurt you."
Natigilan ako ng tila nag-echo bigla sa utak ko ang mga sinabi nya noon. "Tama ka naman. Hindi ako dapat dun dahil mahirap lang ako at probinsyana," i said bitterly saka direktang tumitig sa mga mata nya. Sa mukha nyang ilang sentimetro nalang ang layo sa akin. "At itong ginagawa mo, mali din."
"Your right, this is wrong as well," nang-uuyam ang tinig nya ngunit iba ang inilalarawan ng mukha nya. "But sometimes, you have to risk doing wrong to determine what really is right."
He flashed his heart melting smirk again. Juice colored! Why so gwapo naman? Hindi lang yata galit ko ang nalusaw, pati yata mga buto ko. Sana hindi nya marinig ang paghuhurumentado ng puso ko. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Seryoso ba itong bugok na ito o pinagtitripan lang ako. Maryosep, may sakit nga yata ito.
"May MPD ka ba?" hindi ko na napigilang tanungin na siyang ikinakunot na naman ng noo niya.
"Multiple Personality Disorder?" gulat nya pang tanong na tinanguan ko lang.
Tumulo yata ang laway ko nang bigla syang tumawa. Pwede bang magkaron ng gayuma ang tawa? Para kasing nakakahumaling ang tawa nya, ang sarap pakinggan. Kailan pa ba nakagwapo ang pagtawa? Dapat galit ako sa kanya e, but i can't stand being mad at him for too long.
Matamis na ngiti ang iginawad nya sa akin ng mapagod sya sa pagtawa. Teka, yung panty ko, nalaglag na yata. Pambihira, lakas maka-heart attack ng ngiti nya. Parang nagkaroon ng sunlight sa loob ng hospital room ko. Si Marione ba talaga ito? Teka, tinawag siyang Alistair ng pinsan niya kanina. Kung ganon ay Marione Alistair pala siya. Pati ba naman pangalan kailangan gwapo din?
"Does it still hurts?" tanong nya at binalingan ang nakabenda kong braso.
Nakaramdam ulit ako ng kirot mula doon ng matignan ko kung gaano kalaki ang bandage. Bakit hindi ko ito naramdaman kanina? Nai-immune yata ako sa kirot na pisikal kapag nandito sya.
Magaan nyang hinaplos ang may benda kong braso dahilan para magsipagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Why does it feel so good and electrifying at the same time?
Nagpakawala muna sya ng buntong hininga bago tumitig ulit sa mga mata ko. Patuloy pa rin ang paghaplos nya sa sugat ko na tila ba maiibsan noon ang kirot.
"Didn't I tell you to be safe?" halos pabulong na sabi nya.
I was out of breath from what he said. Konti nalang at malapit na talaga akong maniwala na nag-aalala sya. Shit! Pwede na bang mag-collapse? Parang hindi ko na yata mapapanindigan ang pagmo-move on ko kapag ganito sya. Ano ba nakain nito? Ipapakain ko lagi.
"I wonder how you survived those years without getting hurt."
His eyes clouded with mingled amazement and longing as it stared down at me. Was it his feelings? Or is it just mine reflecting through his? Pakiramdam ko tuloy nakikita na nya ang kaluluwa ko.
"Hey." Nakakunot-noo na sya nang hindi ako makasagot at nanatiling tahimik. Paano ako sasagot e masyado akong na-o-overwhelm sa presence nya.
Tumikhim ako para sandaling hamigin ang sarili ko. Teka nga, ano ba akala nya sa akin, lampa? Nabuhay ang inis ko. Mahina pala tingin nya sa akin.
"Hindi porket dalawang beses mo na akong iniligtas, hindi ko na kayang alagaan ang sarili ko. Ganun ba kalampa ang tingin mo sakin para hindi maka-survive mag-isa? Kayang-kaya kong alagaan ang sarili ko." Pinatigas ko ang tinig at anyo ko bago pa ako tuluyang bumigay. Napaigik ako ng maitukod ko ang braso kong may sugat ng magbaling ng pwesto. Pakiramdam ko ay nababanat ang balat at parang hinihiwa.
Mukha namang hindi sya naapektuhan ng pagtataray ko sa halip ay naging alerto at dinaluhan ako. Naiinis na tinabig ko ang kamay nyang nakaalalay sa akin. Wala ba akong epekto sa lalaking ito? Ako lang yata nakakaramdam ng ganito sa aming dalawa.
Lalong nalukot ang noo nya sa ikinilos ko. Napansin kong nagtagis ang mga bagang nya.
"You're so reckless. You almost got killed back there, you dared even fight. D'you think that snatcher will spare your life?" may bahid ng pagkairitang sermon nya sa akin na nakadagdag ng inis ko sa kanya. His eyes now darkened with irritation.
"Nagawa ko lang naman iyon dahil importante ang laman ng--"
"Good heavens! Makikipagpatayan ka dahil lang sa walang kwentang papeles at cellphone?" nagpupuyos na putol nya sa akin. Pinipigilang magtaas ng boses. Even trying so hard to hold back his growing anger. "You're willing to sacrifice your life for that nonsense tapos sasabihin mo sa akin na kaya mong alagaan ang sarili mo?"
"E sa mahalaga sa akin ang mga iyon e. Palibhasa kasi mayaman ka kaya wala lang sayo kung manakawan ka ng kakarampot na halaga at cellphone." Hindi ko na napigilang sumigaw. Nagpupuyos na din ang galit sa loob ko. Ano ba pakialam nya sa akin para sermonan ako?
"That's not what I mean--"
"Then what? Hindi mo naman kailangang ipamukha sakin ang estado ko tulad ng ginawa mo noon sa party dahil alam ko ang lulugaran ko," mapait kong sabi sa kanya saka pinagkatitigan sya. "Or don't tell me na nag-aalala ka sakin dahil sigurado akong hindi."
He was quite taken aback. Bakit? Hindi ba nya inaasahang masasabi ko iyon o dahil naipamukha ko sa kanya ang mga sinabi nya sa akin noon. Guilt shadowed his beautiful gray eyes. His face softened.
"You're right. Wala dapat ako dito. Hindi dapat ako nag-aalala sayo. Yun ang tama di ba? Yun ang dapat," sabi nya na halos pabulong na. "Tell me what to do now, Dominique. Cause right now I can't help but to worry about you. I can no longer walk away from you."
Parang bulang biglang nawala ang pagpupuyos ng kalooban ko sa galit. Napilitan ng mga paru-parong agad na naglamyerda sa tiyan ko. Tama ba ang narinig ko? Did he just confess? Gusto kong malaman kung totoo ang sinasabi nya. Gusto kong makita ang mga mata nya kaso ay nakayuko siya at nakapikit.
Pero hindi naman I love you yung sinabi nya di ba? E bakit nagbubunyi na ang kalooban ko sa tuwa. Biglang nakaipon ng pag-asa ang puso ko. May possibility kaya na pareho kami ng nararamdaman? Teka, wait. Stop. Hindi pwede. Umaasa ako at masakit yun. Kailangan kong magpakatotoo. Kailangan kong maging makatotohanan dahil yung sinasabi nya ay malayo sa katotohanan.
"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ka naman lasing hindi ba?" nagawa ko pang sabihin kahit matindi na ang lagabog sa dibdib ko. Na sana ay hindi niya marinig.
Nag-angat sya ng tingin at tinitigan akong muli na tila gusto ko ng pagsisihan kung bakit hiniling ko pa dahil purong sinseridad ang nakikita ko doon. Hindi ko alam kung kailan pa ako natutong bumasa ng damdamin sa mga mata pero ramdam ko na iyon ang gustong iparating ng magaganda nyang mata.
Nahigit ko ang aking hininga ng unti-unti nyang ilapit ang mukha nya sa akin. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung ano ang binabalak nya pero hindi ako natatakot sa kung ano man ang pwedeng mangyari. Kung ano ang pwede niyang gawin.
This man had managed to slipped his way to my heart effortlessly in just a few moments. Napapikit nalang ako at hinihintay kung anong mangyayari sa susunod. Siguro naman baka pwedeng pagbigyan ko muna ang sarili ko ngayon.
Pinigilan kong mapapitlag nang marahan nyang inilapat ang noo nya sa noo ko. Hindi man ito ang inaasahan ko pero sapat na iyon para maramdaman kong muli ang init sa aking puso. Korni na kung korni pero ganun talaga kapag nagmamahal, hindi ba? At oo na, sige na, mahal ko ito. Kahit iniligtas niya lang ako, kahit hindi naging maganda ang pakikitungo nya sa akin noon, nagawa ko pa din syang mahalin. Hindi ko alam kung bakit at paano basta nagising nalang ako isang araw na nararamdaman ito. Saglit lang lahat ng iyon pero wala namang nakakaalam kung paano nangyayari iyon, di ba? Nobody knows how the magic of love can do the such.
Ilang sandali rin kaming nanatili sa gaanong ayos. Parang ayoko ng matapos ang oras. Parang gusto kong huminto nalang iyon at manatili sa mga bisig nya, na ganito kalapit sa kanya na para bang posible lahat. Napakasarap sa pakiramdam ng ganito, nakapalibot sa bewang ko ang mga braso nya na halos yakapin na nya ako habang nakasandal ang noo namin sa isa't isa. Pakiramdam ko ligtas ako at walang makakapanakit saken.
"Dominique," untag nya nang makadistansya ng bahagya.
Noon ko muling idinilat ang mga mata ko. Hindi ako umimik at itinutok ang tingin sa pinakapaborito kong parte ng mukha nya, sa kanyang mga mata. Na nababahiran na ngayon ng sakit. Sakit na hindi ko malaman kung saan nanggagaling. Ang kapanatagang nararamdaman ko kanina ngayon ay nawala na. Sa halip ay napalitan iyon ng takot. Takot na masaktan sa kung anong binabalak niyang sabihin.
"Dominique", ulit nya at muling idinikit ang noo sa akin saka muling pumikit.
"Nikki...please.. don't fall in love with me."
>xiii< "Nikki... Please... Don't fall in love with me... " Ang huli niyang sinabi sakin bago siya umalis sa ospital ilang buwan na ang nakakaraan. Tsk. Parang gusto kong maiyak kapag naaalala ko iyon. Gago na yun. Para na niyang sinabi na wag akong huminga. Pwes para sabihin ko sa kanya, huli na siya. I already fell for him. Peste namang mata to, nagbabadya na naman. Oo na, umiyak ako ng mismong pagkaalis nya. Pero pinapangako ko, iyon na ang huling pagkakataong iiyakan ko sya dahil itaga nya sa bato, kakalimutan ko na talaga sya. Akala nya kung sino sya, bwisit na yun. Teka nga, bat ba inaalala ko yung hinayupak na yun. Umagang-umaga sya agad nasa isip ko. Dapat wala na akong naaalala. Wala na akong kilalang-- Ugh! Hindi ko na
>xiv<Kailan ko ba huling nakita ang ngiti niyang iyon? O kung nakita ko na ba iyon? Pati ang abohin niyang mga mata na tumatagos sa kaluluwa kapag tinititigan ka. Parang gusto ko nalang tumitig doon. Ayoko nang pumikit dahil baka wala na siya pagdilat ko. Nakaramdam ako bigla ng kalungkutan ng matuon ang tingin ko sa kasama niyang babae. Sino kaya iyon? Girlfriend nya o baka naman asawa? Isipin ko palang na alin iyon sa dalawa ay ramdam ko na ang pagkadurog ng puso ko paano pa kaya kapag totoo? Kung sabagay, ito ang nababagay sa kanya. Elegante, edukada, mayaman. Hindi tulad ko. Ugh! This is hopeless. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Parang bigla ay gusto kong umiyak.Nasa ganoon akong posisyon ng biglang lumingon sa gawi ko si Sir Loki saka ngumiti sa akin. I blink back the tears immediately saka ngumiti
>xv< Buong akala ko ay mababawasan na ang sakit paggising ko pero nandito pa din. Buong-buo. Walang labis, walang kulang. Kung pwede lang tanggalin nalang ang puso ay ginawa ko na. Napakatanga mo kasi Dominique, hinayaan mo ang sarili mong mahulog. Lakas tuloy ng lagapak mo. Pakiramdam ko ay isang buwan na ang lumipas sa maghapong ito. Napakatagal lumipas ng oras. Kulang nalang ay hilahin ko ang kamay ng orasan para bumilis ito. Gusto ko nang umuwi hindi dahil sa kung ano pang bagay kundi para magkulong ulit sa kwarto. Pambihira kasing lalaki iyun. Hindi ko naman pwedeng sabihin na sana di ko na lang siya nakita o nakilala dahil utang ko sa kanya ang puri ko. I mean, buhay ko pala. Paano ba ang g
>xvi<Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig? Hindi ba niya alam na masakit? Gusto ko na syang sapakin para maramdaman nya ang sakit na nararamdaman ko pero alam kong hindi ko iyon kayang gawin. At lalong hindi rin iyon sapat. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng mga sulok ng aking mata. Hindi ko na yata matatagalan ito."Tama," may kalakip na sakarsmong sagot ko para maitago ang sakit. "Sino ba naman ako para pag-aksayahan mo ng napakahalaga mong oras. Isa lang naman akong hamak na probinsyana para sa iyo."Nanatili ang mga mata ko sa harapan habang ang isip ay kinakain ng kawalan ng pag-asa. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang bawat hakbang niya na hindi ko malaman kung saan papunta. Baka paalis na."Sa tingin mo
>xvii< Posible pa pala ang ganito. Ang magustuhan din ng taong gusto mo. Want, just the same with like and the start of love, di ba? Okay na yun kaysa wala di ba? Hanep, parang gusto kong magtatalon sa tuwa. Parang hindi pa din ako makapaniwala. "Totoo ba ito?" wala sa loob na tanong ko habang nakapikit at ninanamnam ang init ng yakap nya. Kailangang sulitin dahil baka di na maulit. Bahagya siyang natawa bago sumagot. "Yes, this is real. Why, you still can't believe it?" aniya at hinigpitan ang pagkakayakap sakin kaya't ultimo hangin ay hindi na makadaan sa pagitan namin. Hindi na ako makasagot kaya tumango na lamang ako. Napasinghap ako ng makaramdam ako ng malambot na bagay na dumampi sa sulok
>xviii<Kahit gaano ako kaabala sa trabaho, hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari nang nakaraang gabi. Hindi ko nga malaman kung matutuwa ako o maiinis sa Marione na iyon. Pagkatapos kasi ng nangyaring iyon ay hindi na siya ulit nagparamdam. Pang-limang araw na siyang walang paramdam sa akin kaya konting-konti nalang ay maniniwala na akong pinaglalaruan niya lang ako. Ni ha, ni ho, ay wala. Kahit text, wala. Sabagay, wala naman akong number nya kaya bakit ko ba naisip na magte-text siya. At isa pa, hindi ko naman sya boyfriend para hagilapin ko sya ng ganito. Tsk. Sino ba sya para mamiss ko. To hell with that stupid monster. Wag na siyang magpapakita sakin. Pagkatapos nya akong nakawan ng halik ng ilang beses, saka sya biglang mawawala? Naku, huwag talagang magpapakita sa akin ang pangit na halimaw na yun. Bwisit sya!
>xix<Pinilit kong hindi magpaapekto at agad na binalikan ang ginagawa ko. Hindi ko sya dapat intindihin. May atraso pa sya sa akin. Saka mas importante ang trabaho ko. At iyon ang dapat kong unahin.Kahit rambol-rambol ang isip ko ay nagawa kong ayusin ang dinner nila Boss Eros. Inilagay ko na iyon agad sa tray para madala na sa kanila. Ayoko sanang ako ang maghatid sa opisina niya pero alam kong mapapagalitan ako noon kapag hindi ako ang nag-serve. Kabilin-bilinan pa naman nitong huwag kong ipapasa sa iba ang utos niya sa akin. Ilang buwan na din kasi mula ng makahiligan niya akong mag-prepare ng pagkain niya or si Cess. At sa hindi ko malamang dahilan ay basta nalang ako napag-initan ni Boss na syang gawing utusan kapag mayroon siyang naisipan o nagustuhang hingin. Kaya sa ayaw at sa gusto ko ay no choice. Kailangan pa ring sumunod dahil si
>xx<Napasandal ako sa pinto ng maisara ko iyon pagkalabas ko. Hindi ko malaman kung maiinis o matutuwa ako sa nangyari. Napahawak ako sa dibdib ko ng wala sa loob. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko na halos di na ako makahinga. Nanakawan na naman ako ng halik ng damuho na iyon. Nakakarami na ang lalaking yun sa akin. Pero in all fairness, kahit na dampi lang yung halik na ginawa niya ay nagawa pa rin niyang buhayin ang lahat ng nerves ko sa katawan. Para tuloy hindi ko na ma-contain ang kilig ko. To the point na parang ora mismo ay gusto kong magwala at magtatalon. Pakiramdam ko ay para akong nagdadalaga na ngayon lang naranasang kiligin.Nawala ang pinipigil kong kilig nang makarinig ako ng nabasag na pinggan galing sa kitchen kasabay ng paglabas ng humahangos na si Abbie. Nakayuko lamang ito habang naglalakad at tila
>xxx<Hindi ako mapakali habang nasa byahe kami ni Marione pauwi ng Pangasinan. Gusto ko sanang ako nalang ang umuwi para hindi na siya maabala pero nagpumilit pa rin siya. Isa pa ay hindi din daw sya mapapakali kung pababyahehin niya akong mag-isa kaya sumama na siya. Hindi ko naman maialis ang isip ko sa pamilya ko at sa sinabi ni Angelo sa linya kanina. Inatake daw si tatay na siya namang ipinagtataka ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala sa lahi nila ang may sakit sa puso kaya hindi ko malaman kung bakit siya bigla nalang inatake.Sa tana kasi ng buhay ko ay ngayon lang inatake sa puso si tatay. Halos halukayin ko na ang utak ko sa posibleng dahilan para atakehin ito pero wala naman akong maisip. Wala naman kasi silang sinasabing problema sa lupang sinasaka nila, hindi rin naman ako pumapalya sa pagpapadala sa kanila buwan-buwan.
>xxix<Halos inip na inip ako sa maghapon habang hinihintay na gumabi. Ewan ko ba kung bakit ganito. Hindi rin kasi maalis sa isip ko si Marione at sa kung ano na ang estado namin. Maging ang tungkol kay Mira ay hindi rin maalis sa isip ko. Ayokong manghusga pero hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong kung bakit at paano niya nagawang maglihim sa akin ng tungkol kay Jake.Napabuntong-hininga ako habang nakapalumbaba sa may counter at nakatunghay sa mga naglilinis na mga kasamahan ko sa buong restaurant. Sarado na rin kasi kami at naglilinis na lamang bago umuwi. So far wala pa naman nakakapansin sa pagtunganga ko dito kaya't malaya pa rin akong namamahinga. Nakakatuwa din kasi silang pagmasdan na habang abala sa pagpupunas ng mga lamesa at pagma-mop sa sahig ay walang katapusan ang chismisan nila at labasan ng sama ng l
"Why don't you turn around so we can talk properly, wallflower?" panunubok ko sa kanya ng wala akong makuhang reaksyon.Nakalimutan na kaya niya ako? Shit! Just the thought of her forgetting me, pisses me off. How dare her forget me so easily while I'm still stuck here wanting to see her again. Nauubusan na ako ng pasensya ng hindi ko man lang siya nakitang natinag sa kinatatayuan. Didn't she want to see me? Napakuyom ang kamay ko."Or should I call you , Dominique, Miss wallflower?" Ani ko na sadyang hinaluan pa ng sarkasmo. I am Marione Alistair Eldritch, CEO of the well-known Eldritch Hotels Inc. and son of the shipping magnate, Marcus Eldritch. She can never get rid of me. Even if she tries to forget me, well, too bad. I'll never let her.
>xxvii<I snarled at her but she just stared at me like she was still shocked by what she did. She looked horrified while tears brimming down her beautiful face. My hands itched to wipe off her tears. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkaalarma nang makita ko siyang nanginginig. Parang may kung ano tuloy sa akin na parang gusto siyang hilahin at ikulong sa mga bisig ko."Miss, you alright? Are you hurt?""Dominique!"Someone from afar shouted. Nakita kong nanginig lalo ang dalaga saka atubiling lumapit sa akin. I guess that was the guy who ran after her a while ago.I can't help but to stare at her eyes. Para kasing nang-aakit iyon na tumingin dito kahit na hilam na ito ng luha at nababahiran ng takot. Nainis ako bigla. Why does these eyes have to be shadowed wit
>xxvi<*Marione's*I went straight to my parents house pagkatapos kong maihatid si Nikki sa trabaho. Bumusina ako para ipaalam ang pagdating ko at para na rin pagbuksan ng gate. Hindi rin naman nagtagal at pinagbuksan din ako.Agad akong nagmaniobra papasok at nag-park sa may garahe. It was a huge space packed with cars in different sizes before. But now, it was only my parents' was there. Well, my brother and his wife already have their own house and family anyway.Pagkaibis ko ay may naghihintay agad na maid sa akin para kunin ang dala kong coat at case. Pagkaabot ay dumiretcho na ako sa loob ng malaking kabahayan. Pagkabukas ko ng pinto ay ang pamilyar na malaking chandelier sa taas ng malawak na sala ang nabungaran ko. Sa magkabilang gilid naman ay ang eleganteng hagdan na halatang alaga sa linis. Habang nagmamasid
>xxv< MALIWANAG na sa labas ng magmulat ako ng mata. Ang sarap ng tulog ko kagabi. Nanaginip pa yata ako na katabi ko daw si Marione. Natigilan ako ng may maramdaman ako na marahang paghinga sa tabi ko. Lilingunin ko na sana ito ngunit hindi ko na nagawa dahil nakasiksik ang mukha nito sa leeg ko. Agad na gumapang ang kilabot sa buong katawan ko. Bibiling na sana ako ngunit hindi ko rin nagawa dahil naroon din ang braso nito sa may tiyan ko at ang mabigat niyang hita na nakadantay sa binti ko. Hindi ako makagalaw pero ayos lang. Ang sarap matulog na katabi siya. Kung sana ay laging ganito ang magigisnan ko sa umaga. Nuon ko napansin ang kumot na nakapatong sa amin. Wala naman akong kinuhang kumot kagabi dahil di ko naman akalain na dito na kami makakatulog. Natigilan ako ng may maalala.&n
>xxiv<Habang nasa daan ay walang kumikibo sa aming dalawa ni Marione. Ramdam ko pa rin ang tensyon mula sa nangyari. Gusto ko sana siyang kausapin kaso para kasing may madilim na aura sa paligid niya na handang manakmal oras na hindi niya magustuhan ang sasabihin ko. Parang hanggang ngayon ay nagtitimpi pa rin siya ng galit. Isa pa, hindi ko din alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na imbes na naroon ako sa tabi niya ay nandoon ako at yakap-yakap ni Jake. Ayokong isipin niyang hinabol ko si Jake pero hindi ko naman magawang magsalita. Kaya nanatili na lang akong nakatingin sa labas habang kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isip.Maya-maya pa ay naramdaman kong huminto na ang sasakyan. Nang lumingon ako sa paligid ay saka ko lang namalayan na nakarating na pala kami sa tapat ng apartment.
>xxiii<"Cass!" wala sa loob na tawag ko sa kanya. Alam kong hindi niya narinig dahil halos pabulong lamang iyon. Akmang lalapitan ko na siya nang maramdaman ko na may kamay na pumigil sa akin. Nalingunan ko roon si Marione na diretchong nakatingin sa akin. Umiling lamang sya dahilan para maguluhan ako. Agad akong napalingon sa dance floor ng makarinig ako ng tilian.Naroon at nakahandusay na sa semento ang kanina lang na kasayaw ni Cass. Pinupunasan nito ang labi na marahil ay sa pagdurugo dahil sa suntok ng lalaking bigla nalang sumulpot sa kung saan. Lahat ay nabigla sa bilis ng mga pangyayari kaya’t hindi agad na napigilan ang mga iyon. Mabilis na tumayo ang lalaking kasayaw kanina ni Cass at mabilis na dinaluhong ang bagong dating. Nasa mukha nito ang galit at nasa mga mata ang pagnanais na
>xxii< Tila ako naitirik sa kinatatayuan ng marinig ko ang pamilyar na baritonong boses na nanggaling sa likuran ko. Mahina lamang iyon pero sapat na para makarating sa aking pandinig. Agad na nanindig ang balahibo ko sa nerbyos at takot habang parang may tila vtr na nag-play sa utak ko ang mga nangyari ilang taon na ang nakakaraan. Bigla ay parang gusto ko nang tumakbo palabas sa lugar na ito at bumalik sa kotse ni Marione. Si Marione! Goodness! Bakit ba kasi lumayo ako sa kanya? "Hindi mo man lang ba ako haharapin? It's been years since we last saw each other." Hinawakan niya ang siko ko at pinaharap sa kanya. Pakiramdam ko ay para akong estatwa na nakatayo sa harapan niya.