>xv<
Buong akala ko ay mababawasan na ang sakit paggising ko pero nandito pa din. Buong-buo. Walang labis, walang kulang. Kung pwede lang tanggalin nalang ang puso ay ginawa ko na. Napakatanga mo kasi Dominique, hinayaan mo ang sarili mong mahulog. Lakas tuloy ng lagapak mo.
Pakiramdam ko ay isang buwan na ang lumipas sa maghapong ito. Napakatagal lumipas ng oras. Kulang nalang ay hilahin ko ang kamay ng orasan para bumilis ito. Gusto ko nang umuwi hindi dahil sa kung ano pang bagay kundi para magkulong ulit sa kwarto.
Pambihira kasing lalaki iyun. Hindi ko naman pwedeng sabihin na sana di ko na lang siya nakita o nakilala dahil utang ko sa kanya ang puri ko. I mean, buhay ko pala. Paano ba ang gagawin ko?
Halos mabilaukan ako ng binili sa aking float ni Loki ng marinig ko ang kanta sa stereo ng kotse nya. Nagpresinta ulit kasi siya na ihatid ako tulad kahapon at dahil guilty pa din ako dahil sa napurnada naming dinner ay pumayag na ako.
Paano ang gagawin ko
Na sana'y nasa piling mo?
Sana'y hindi tayo magkalayo
Sana'y naririnig mo...
Hindi ko kaya ang limutin kita
Masdan mong lumuluha ang aking mga mata
Pilitin ko man, ako'y nasasaktan
Ang katotohanan
Ay mahal pa rin kita...
Ngaling-ngaling kong ilipat sa ibang istasyon ang radio kaso baka magtaka bigla si Loki kaya hinayaan ko na lang.
"You alright?" kunot noo nyang tanong sa akin.
"Oo naman," sagot ko na sinamahan pa ng tipid na ngiti. Saka muling ibinaling sa daan ang tingin.
Hindi man siya mukhang kumbinsido ay pinapalampas na lang din marahil nya. Hindi na rin siya muling nagsalita pa.
Hindi na ako nagpababa sa mismong tapat ng bahay namin namang makarating kami dahil maraming langaw na umaaligid. Well, they’re not totally flies, but I prefer to call them that. Mga chismosa at inggiterang mga kapitbahay na halos lumuwa ang mga mata ng makakita ng magarang kotse kahapon ng ihatid ako ni Loki. Awtomatikong nagsisihaba ang mga leeg at lumalaki ang mga tenga kapag may kakaibang nakita.
Noong una ay nagpupumilit pa sya pero nagmatigas ako kaya sa kanto na lamang niya ako ibinababa. Malapit lang din naman iyon sa bahay at kaya nang lakarin. Agad din naman siyang nagpaalam dahil may pupuntahan pa daw siya.
Madilim pa ang buong kabahayan nang matanawan ko ito sa malayo kaya nakasisiguro akong hindi pa nakakauwi si Cess. Nadadalas na ang late na pag-uwi nya nitong nakakaraan. Mukhang may tinatago yata sa akin ang kaibigan ko. Kung sabagay, kung ano man iyon ay nasisigurado kong malalaman ko din yon.
Madilim man sa dinaraanan ko ay panatag ang kalooban kong maglakad. Wala sa akin ang takot sa ngayon. Pakiramdam ko nga mas safe ang ganito. Tahimik, madilim, payapa. Ganito ako kapag may iniisip o kaya ay nalulungkot. And I was actually feeling those things all at the same time. Nasaktan na ako dati pero hindi ganito. Kung bakit ganito na lang katindi nang masaktan ako ngayon. Ngayon pa na sa isang taong minsan ko lang nakita at nakilala.
Ganoon nalang ba ako umasa na sya na ang para sa akin? Dahil lang ba sa inasta nya ay nahulog na ako? Dahil ba sa malalagkit nyang tingin? Dahil ba iniligtas niya ako? O dahil nabulag ako sa katangiang meron siya na pinapangarap ko sa isang lalaki? Oo. Lahat ng iyan ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Napailing ako. So much for a fairytale dream?
Lulong sa isipin kung kaya’t hindi ko na napansin ang dinadaanan ko dahilan para mabangga ako sa isang poste. Pero bakit ganon, bakit hindi masakit? Teka, may poste sa gitna ng kalsada?
"You should look where you are going."
Ang boses na yon. Nanlaki ang mata ko pagkadinig sa lalaking-lalaki nitong boses. Nagsasalita na ba ang poste? At pati poste ginagaya ang boses niya?
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang boses na iyon. Siya ba ang nasa harap ko? Siya na ang nabangga ko? Gusto kong malaman kung siya nga pero hindi ko magawang tignan. Hindi ko sya magawang tingalain kaya't nanatili lang sa ibaba ang tingin ko. Noon ko napansin ang suot nitong Nike sneakers. Mariin kong naipikit ang mga mata ko.
Napasinghap ako ng hapitin ako nito dahilan para mapabagsak ako sa katawan nito. Dagli kong naramdaman ang pamilyar na kuryente mula sa simpleng pagdidikit lamang ng mga katawan namin. Hindi ko namalayang nakahawak na pala ang mga kamay nya sa braso ko kanina para hindi ako matumba kaya madali nitong naipalibot sa bewang ko ang mga braso. Nakayakap na sya sa akin ngunit nanatili pa ring nakahawak sa braso nya ang mga kamay ko.
"Like what you're touching?" nanunukso nyang bulong ng inilapit ang bibig sa tenga ko.
Halos magsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa ginawa nya. Hinamig ko agad ang sarili ko bago pa ako mawala ng tuluyan sa katinuan dahil sa presensya nito. Pilit kong itinukod ang mga braso ko para gumawa ng distansya sa pagitan namin. Pakiramdam ko ay lalo akong hindi makakapag-isip ng maayos kapag ganito kami kalapit. I missed him, really, pero kailangan kong dumistansya. Though pushing him made poor attempt because he's pulling me back.
"Marione..." untag ko sa kanya ng hinigpitan niya ang yakap sa akin. Ano ba nangyayari sa kanya? Hindi naman siya amoy alak pero bakit kakaiba ang ikinikilos niya? Nahihirapan ako. Lalo lamang nitong ginugulo ang isip ko.
"Will Loki kill me for this?"
Hindi pa rin ako makasagot. Iniisip ba niyang may relasyon kami ni Loki kaya siya nagkakaganito? Kaya ba siya nagpunta dito? Kung alam ko lang na si Loki ang magiging dahilan para magkita kami ulit at magkaganito siya ay matagal na sana akong nakipaglapit. Napailing ako sa isip. Hindi. That's selfish. This isn't right. Noon ko biglang naalala ang babaeng kasama nito sa restaurant. May girlfriend siya. Tapos ang lakas ng loob niyang pumunta dito at umasta ng ganito?
"Nikki... Please... Don't fall in love with me... "
Umalingawngaw pa muli sa isip ko ang sinabi nya. Noon ko inipon ang lahat ng lakas ko at tinulak siya. Sa pagkakataong ito ay nagtagumpay ako. Napaatras siya ng bahagya saka kunot-noong tumitig sa akin.
"Ano ba?" singhal ko saka lakas loob na sinalubong ang titig nya. "Ano bang problema mo?"
Ang mga matang iyon. Pakiramdam ko ay gusto kong maiyak habang nakatingin ako sa abuhin nitong mata. Agad kong ipinikit nang mariin ang mga mata dahil alam kong ano mang sandali ay bibigay ako. Galit ako sa kanya. Galit ako. Bagay na pilit kong pinagsisiksikan sa isip ko.
"Is he your boyfriend now?"
Bakit parang may nahihimigan akong pait sa tinig nya? Hindi. Nililinlang na naman ako ng pandinig ko. Namali lang ako ng dinig. Niloloko ko na naman ang sarili ko.
"Ano bang pakialam mo? Hindi ba at may girlfriend ka? Duon ka na sa kanya o kung asawa mo man siya. Umalis ka na dito."
Tinalikuran ko na sya at tinungo ang gate. Akmang bubuksan ko na iyon ng mabilis niyang naiharang ang mga braso sa pinto. Aalis na sana ako sa kinatatayuan ko ng iharang niya naman ang isa pang braso sa kabila dahilan para makulong ako sa pagitan niya at ng gate. Kumabog ng malakas ang dibdib ko pero nanatili lamang akong nakatalikod sa kanya.
Nahihirapan na akong huminga dahil sa naghuhurumentado kong puso. Napakasarap makulong sa mga bisig niya pero hindi ito tama. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko na tila gusto ko nalang maiyak sa paghahalo ng dalawang emosyon. Bakit ba ganito kahirap? Bakit ba ganito kakomplikado?
Naramdaman ko nang ilapit niya ang mukha sa tenga ko. Sumisigid sa bawat himaymay ng katawan ko ang init ng hininga niyang tumatama sa balikat at leeg ko. Tila naaakit na tuloy akong humarap sa kanya ngunit pinigilan ko ang sarili ko.
"Did I smell jealousy?" mapanukso pa rin niyang turan.
Selos? Hindi ba't selos din ang nahimigan ko sa kanya kanina? Ano ba ito? Naglolokohan na lang ba kami? Naglalaro? Alin man duon, sa dulo ako rin lang naman ang matatalo.
"Umalis ka na," matigas kong sabi. Nakayuko ko siyang hinarap saka tinulak ng buong lakas. Napaatras ulit siya ngunit hindi iyon nakapaglagay ng malaking distansya sa pagitan namin.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong napalitan ng blankong ekspresyon ang mukha niya. Mataman na niya akong tinitigan. Titig na tumatagos sa kaluluwa ko at halos magpalambot ng tuhod ko pero hindi ko na hahayaang malaman o makita pa niya iyon.
"Ano bang ginagawa mo? Paano mo nalamang dito ako nakatira? "
"Pinagbawalan ka na ba ng boyfriend mo na tumanggap ng bisita?" pagbabalewala niya sa mga tanong ko.
"Ano bang ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako? Ano bang kailangan mo?" ulit ko sa sariling tanong. Sinusubukang balewalain ang mga sinasabi niya. Matapos kong ibato ang mga tanong ay hindi na siya umimik pa. Sa halip ay pinagkatitigan ako. His eyes held answers pero nanatili pa rin siyang walang imik.
"Kung pinaglalaruan mo lang ako, please iba nalang," buong pait kong sabi sa kanya saka siya tinalikuran. Hindi pa man din ako nakaka-isang hakbang ng magsalita siya.
"Sa tingin mo ba, pinaglalaruan lang kita?" malamig nyang tanong sa akin.
Ramdam ko ang mumunting karayom sa dibdib ko. Nanatili pa rin akong nakatalikod dahil hindi ko na kayang makipagtagisan pa ng titig sa kanya.
"Hindi nga ba?" balik-tanong ko sa kanya.
"Sa tingin mo ba ay mag-aaksaya ako ng panahon para puntahan ka at paglaruan kung marami naman dyan na nagkakandarapa sa atensyon ko?" aniya saka unti-unting humahakbang palapit sa akin.
>xvi<Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig? Hindi ba niya alam na masakit? Gusto ko na syang sapakin para maramdaman nya ang sakit na nararamdaman ko pero alam kong hindi ko iyon kayang gawin. At lalong hindi rin iyon sapat. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng mga sulok ng aking mata. Hindi ko na yata matatagalan ito."Tama," may kalakip na sakarsmong sagot ko para maitago ang sakit. "Sino ba naman ako para pag-aksayahan mo ng napakahalaga mong oras. Isa lang naman akong hamak na probinsyana para sa iyo."Nanatili ang mga mata ko sa harapan habang ang isip ay kinakain ng kawalan ng pag-asa. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang bawat hakbang niya na hindi ko malaman kung saan papunta. Baka paalis na."Sa tingin mo
>xvii< Posible pa pala ang ganito. Ang magustuhan din ng taong gusto mo. Want, just the same with like and the start of love, di ba? Okay na yun kaysa wala di ba? Hanep, parang gusto kong magtatalon sa tuwa. Parang hindi pa din ako makapaniwala. "Totoo ba ito?" wala sa loob na tanong ko habang nakapikit at ninanamnam ang init ng yakap nya. Kailangang sulitin dahil baka di na maulit. Bahagya siyang natawa bago sumagot. "Yes, this is real. Why, you still can't believe it?" aniya at hinigpitan ang pagkakayakap sakin kaya't ultimo hangin ay hindi na makadaan sa pagitan namin. Hindi na ako makasagot kaya tumango na lamang ako. Napasinghap ako ng makaramdam ako ng malambot na bagay na dumampi sa sulok
>xviii<Kahit gaano ako kaabala sa trabaho, hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari nang nakaraang gabi. Hindi ko nga malaman kung matutuwa ako o maiinis sa Marione na iyon. Pagkatapos kasi ng nangyaring iyon ay hindi na siya ulit nagparamdam. Pang-limang araw na siyang walang paramdam sa akin kaya konting-konti nalang ay maniniwala na akong pinaglalaruan niya lang ako. Ni ha, ni ho, ay wala. Kahit text, wala. Sabagay, wala naman akong number nya kaya bakit ko ba naisip na magte-text siya. At isa pa, hindi ko naman sya boyfriend para hagilapin ko sya ng ganito. Tsk. Sino ba sya para mamiss ko. To hell with that stupid monster. Wag na siyang magpapakita sakin. Pagkatapos nya akong nakawan ng halik ng ilang beses, saka sya biglang mawawala? Naku, huwag talagang magpapakita sa akin ang pangit na halimaw na yun. Bwisit sya!
>xix<Pinilit kong hindi magpaapekto at agad na binalikan ang ginagawa ko. Hindi ko sya dapat intindihin. May atraso pa sya sa akin. Saka mas importante ang trabaho ko. At iyon ang dapat kong unahin.Kahit rambol-rambol ang isip ko ay nagawa kong ayusin ang dinner nila Boss Eros. Inilagay ko na iyon agad sa tray para madala na sa kanila. Ayoko sanang ako ang maghatid sa opisina niya pero alam kong mapapagalitan ako noon kapag hindi ako ang nag-serve. Kabilin-bilinan pa naman nitong huwag kong ipapasa sa iba ang utos niya sa akin. Ilang buwan na din kasi mula ng makahiligan niya akong mag-prepare ng pagkain niya or si Cess. At sa hindi ko malamang dahilan ay basta nalang ako napag-initan ni Boss na syang gawing utusan kapag mayroon siyang naisipan o nagustuhang hingin. Kaya sa ayaw at sa gusto ko ay no choice. Kailangan pa ring sumunod dahil si
>xx<Napasandal ako sa pinto ng maisara ko iyon pagkalabas ko. Hindi ko malaman kung maiinis o matutuwa ako sa nangyari. Napahawak ako sa dibdib ko ng wala sa loob. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko na halos di na ako makahinga. Nanakawan na naman ako ng halik ng damuho na iyon. Nakakarami na ang lalaking yun sa akin. Pero in all fairness, kahit na dampi lang yung halik na ginawa niya ay nagawa pa rin niyang buhayin ang lahat ng nerves ko sa katawan. Para tuloy hindi ko na ma-contain ang kilig ko. To the point na parang ora mismo ay gusto kong magwala at magtatalon. Pakiramdam ko ay para akong nagdadalaga na ngayon lang naranasang kiligin.Nawala ang pinipigil kong kilig nang makarinig ako ng nabasag na pinggan galing sa kitchen kasabay ng paglabas ng humahangos na si Abbie. Nakayuko lamang ito habang naglalakad at tila
>xxi<Bago pa man din sumalya sa semento ang lasing na si Abbie ay maagap na siyang nasalo ni Loki. Agad akong lumapit sa kanila. Hindi man maganda ang naging pakitunguan namin ni Abbie, hindi naman ako ganun kasama para hindi mag-alala sa kanya. Alam ko kung anong pinagdadaanan niya. "Abbie? Abbie?" untag ni Loki sa wala nang malay na dalaga. "You better bring her home," suhestyon ni Marione na lumapit na din sa amjn. Kunot-noong napatingala sa amin si Loki na tila ba nagdadalawang-isip kung susundin ba ang sinabi ni Marione o hindi. "But-"
>xxii< Tila ako naitirik sa kinatatayuan ng marinig ko ang pamilyar na baritonong boses na nanggaling sa likuran ko. Mahina lamang iyon pero sapat na para makarating sa aking pandinig. Agad na nanindig ang balahibo ko sa nerbyos at takot habang parang may tila vtr na nag-play sa utak ko ang mga nangyari ilang taon na ang nakakaraan. Bigla ay parang gusto ko nang tumakbo palabas sa lugar na ito at bumalik sa kotse ni Marione. Si Marione! Goodness! Bakit ba kasi lumayo ako sa kanya? "Hindi mo man lang ba ako haharapin? It's been years since we last saw each other." Hinawakan niya ang siko ko at pinaharap sa kanya. Pakiramdam ko ay para akong estatwa na nakatayo sa harapan niya.
>xxiii<"Cass!" wala sa loob na tawag ko sa kanya. Alam kong hindi niya narinig dahil halos pabulong lamang iyon. Akmang lalapitan ko na siya nang maramdaman ko na may kamay na pumigil sa akin. Nalingunan ko roon si Marione na diretchong nakatingin sa akin. Umiling lamang sya dahilan para maguluhan ako. Agad akong napalingon sa dance floor ng makarinig ako ng tilian.Naroon at nakahandusay na sa semento ang kanina lang na kasayaw ni Cass. Pinupunasan nito ang labi na marahil ay sa pagdurugo dahil sa suntok ng lalaking bigla nalang sumulpot sa kung saan. Lahat ay nabigla sa bilis ng mga pangyayari kaya’t hindi agad na napigilan ang mga iyon. Mabilis na tumayo ang lalaking kasayaw kanina ni Cass at mabilis na dinaluhong ang bagong dating. Nasa mukha nito ang galit at nasa mga mata ang pagnanais na
>xxx<Hindi ako mapakali habang nasa byahe kami ni Marione pauwi ng Pangasinan. Gusto ko sanang ako nalang ang umuwi para hindi na siya maabala pero nagpumilit pa rin siya. Isa pa ay hindi din daw sya mapapakali kung pababyahehin niya akong mag-isa kaya sumama na siya. Hindi ko naman maialis ang isip ko sa pamilya ko at sa sinabi ni Angelo sa linya kanina. Inatake daw si tatay na siya namang ipinagtataka ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala sa lahi nila ang may sakit sa puso kaya hindi ko malaman kung bakit siya bigla nalang inatake.Sa tana kasi ng buhay ko ay ngayon lang inatake sa puso si tatay. Halos halukayin ko na ang utak ko sa posibleng dahilan para atakehin ito pero wala naman akong maisip. Wala naman kasi silang sinasabing problema sa lupang sinasaka nila, hindi rin naman ako pumapalya sa pagpapadala sa kanila buwan-buwan.
>xxix<Halos inip na inip ako sa maghapon habang hinihintay na gumabi. Ewan ko ba kung bakit ganito. Hindi rin kasi maalis sa isip ko si Marione at sa kung ano na ang estado namin. Maging ang tungkol kay Mira ay hindi rin maalis sa isip ko. Ayokong manghusga pero hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong kung bakit at paano niya nagawang maglihim sa akin ng tungkol kay Jake.Napabuntong-hininga ako habang nakapalumbaba sa may counter at nakatunghay sa mga naglilinis na mga kasamahan ko sa buong restaurant. Sarado na rin kasi kami at naglilinis na lamang bago umuwi. So far wala pa naman nakakapansin sa pagtunganga ko dito kaya't malaya pa rin akong namamahinga. Nakakatuwa din kasi silang pagmasdan na habang abala sa pagpupunas ng mga lamesa at pagma-mop sa sahig ay walang katapusan ang chismisan nila at labasan ng sama ng l
"Why don't you turn around so we can talk properly, wallflower?" panunubok ko sa kanya ng wala akong makuhang reaksyon.Nakalimutan na kaya niya ako? Shit! Just the thought of her forgetting me, pisses me off. How dare her forget me so easily while I'm still stuck here wanting to see her again. Nauubusan na ako ng pasensya ng hindi ko man lang siya nakitang natinag sa kinatatayuan. Didn't she want to see me? Napakuyom ang kamay ko."Or should I call you , Dominique, Miss wallflower?" Ani ko na sadyang hinaluan pa ng sarkasmo. I am Marione Alistair Eldritch, CEO of the well-known Eldritch Hotels Inc. and son of the shipping magnate, Marcus Eldritch. She can never get rid of me. Even if she tries to forget me, well, too bad. I'll never let her.
>xxvii<I snarled at her but she just stared at me like she was still shocked by what she did. She looked horrified while tears brimming down her beautiful face. My hands itched to wipe off her tears. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkaalarma nang makita ko siyang nanginginig. Parang may kung ano tuloy sa akin na parang gusto siyang hilahin at ikulong sa mga bisig ko."Miss, you alright? Are you hurt?""Dominique!"Someone from afar shouted. Nakita kong nanginig lalo ang dalaga saka atubiling lumapit sa akin. I guess that was the guy who ran after her a while ago.I can't help but to stare at her eyes. Para kasing nang-aakit iyon na tumingin dito kahit na hilam na ito ng luha at nababahiran ng takot. Nainis ako bigla. Why does these eyes have to be shadowed wit
>xxvi<*Marione's*I went straight to my parents house pagkatapos kong maihatid si Nikki sa trabaho. Bumusina ako para ipaalam ang pagdating ko at para na rin pagbuksan ng gate. Hindi rin naman nagtagal at pinagbuksan din ako.Agad akong nagmaniobra papasok at nag-park sa may garahe. It was a huge space packed with cars in different sizes before. But now, it was only my parents' was there. Well, my brother and his wife already have their own house and family anyway.Pagkaibis ko ay may naghihintay agad na maid sa akin para kunin ang dala kong coat at case. Pagkaabot ay dumiretcho na ako sa loob ng malaking kabahayan. Pagkabukas ko ng pinto ay ang pamilyar na malaking chandelier sa taas ng malawak na sala ang nabungaran ko. Sa magkabilang gilid naman ay ang eleganteng hagdan na halatang alaga sa linis. Habang nagmamasid
>xxv< MALIWANAG na sa labas ng magmulat ako ng mata. Ang sarap ng tulog ko kagabi. Nanaginip pa yata ako na katabi ko daw si Marione. Natigilan ako ng may maramdaman ako na marahang paghinga sa tabi ko. Lilingunin ko na sana ito ngunit hindi ko na nagawa dahil nakasiksik ang mukha nito sa leeg ko. Agad na gumapang ang kilabot sa buong katawan ko. Bibiling na sana ako ngunit hindi ko rin nagawa dahil naroon din ang braso nito sa may tiyan ko at ang mabigat niyang hita na nakadantay sa binti ko. Hindi ako makagalaw pero ayos lang. Ang sarap matulog na katabi siya. Kung sana ay laging ganito ang magigisnan ko sa umaga. Nuon ko napansin ang kumot na nakapatong sa amin. Wala naman akong kinuhang kumot kagabi dahil di ko naman akalain na dito na kami makakatulog. Natigilan ako ng may maalala.&n
>xxiv<Habang nasa daan ay walang kumikibo sa aming dalawa ni Marione. Ramdam ko pa rin ang tensyon mula sa nangyari. Gusto ko sana siyang kausapin kaso para kasing may madilim na aura sa paligid niya na handang manakmal oras na hindi niya magustuhan ang sasabihin ko. Parang hanggang ngayon ay nagtitimpi pa rin siya ng galit. Isa pa, hindi ko din alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na imbes na naroon ako sa tabi niya ay nandoon ako at yakap-yakap ni Jake. Ayokong isipin niyang hinabol ko si Jake pero hindi ko naman magawang magsalita. Kaya nanatili na lang akong nakatingin sa labas habang kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isip.Maya-maya pa ay naramdaman kong huminto na ang sasakyan. Nang lumingon ako sa paligid ay saka ko lang namalayan na nakarating na pala kami sa tapat ng apartment.
>xxiii<"Cass!" wala sa loob na tawag ko sa kanya. Alam kong hindi niya narinig dahil halos pabulong lamang iyon. Akmang lalapitan ko na siya nang maramdaman ko na may kamay na pumigil sa akin. Nalingunan ko roon si Marione na diretchong nakatingin sa akin. Umiling lamang sya dahilan para maguluhan ako. Agad akong napalingon sa dance floor ng makarinig ako ng tilian.Naroon at nakahandusay na sa semento ang kanina lang na kasayaw ni Cass. Pinupunasan nito ang labi na marahil ay sa pagdurugo dahil sa suntok ng lalaking bigla nalang sumulpot sa kung saan. Lahat ay nabigla sa bilis ng mga pangyayari kaya’t hindi agad na napigilan ang mga iyon. Mabilis na tumayo ang lalaking kasayaw kanina ni Cass at mabilis na dinaluhong ang bagong dating. Nasa mukha nito ang galit at nasa mga mata ang pagnanais na
>xxii< Tila ako naitirik sa kinatatayuan ng marinig ko ang pamilyar na baritonong boses na nanggaling sa likuran ko. Mahina lamang iyon pero sapat na para makarating sa aking pandinig. Agad na nanindig ang balahibo ko sa nerbyos at takot habang parang may tila vtr na nag-play sa utak ko ang mga nangyari ilang taon na ang nakakaraan. Bigla ay parang gusto ko nang tumakbo palabas sa lugar na ito at bumalik sa kotse ni Marione. Si Marione! Goodness! Bakit ba kasi lumayo ako sa kanya? "Hindi mo man lang ba ako haharapin? It's been years since we last saw each other." Hinawakan niya ang siko ko at pinaharap sa kanya. Pakiramdam ko ay para akong estatwa na nakatayo sa harapan niya.