>xiv<
Kailan ko ba huling nakita ang ngiti niyang iyon? O kung nakita ko na ba iyon? Pati ang abohin niyang mga mata na tumatagos sa kaluluwa kapag tinititigan ka. Parang gusto ko nalang tumitig doon. Ayoko nang pumikit dahil baka wala na siya pagdilat ko. Nakaramdam ako bigla ng kalungkutan ng matuon ang tingin ko sa kasama niyang babae. Sino kaya iyon? Girlfriend nya o baka naman asawa? Isipin ko palang na alin iyon sa dalawa ay ramdam ko na ang pagkadurog ng puso ko paano pa kaya kapag totoo? Kung sabagay, ito ang nababagay sa kanya. Elegante, edukada, mayaman. Hindi tulad ko. Ugh! This is hopeless. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Parang bigla ay gusto kong umiyak.
Nasa ganoon akong posisyon ng biglang lumingon sa gawi ko si Sir Loki saka ngumiti sa akin. I blink back the tears immediately saka ngumiti din bago pa siya magtaka. Naging dahilan naman iyon para lumingon din sakin ang lalaking kausap nito. Doon muling nagtama ang aming mata. Tila naitulos ako sa kinatatayuan ko habang nakatitig sa akin ang mga matang matagal ko nang pinanabikang makita ulit, hindi ko man maamin sa sarili ko. Halata sa ekspresyon ng mukha nito ang pagkagulat ngunit madali niya din iyon naitago. Halos hindi na ako makahinga ng ayos dahil malakas na kabog ng dibdib ko. Parang gusto ko na talagang umurong. Makaalis. Tumalikod at maglakad pabalik sa kusina. O kaya naman lamunin nalang ng lupa para mas mabilis. Makatakas sa mas matinding sakit na nakaamba sa akin.
Humugot ako ng malalim na hininga. Hindi pwedeng ganito ako. Kailangang ipakita ko sa kanya na wala na akong pakialam. Na wala lang sya sa akin. Na hindi ako nasasaktan kahit ang kaloob-looban ko, durog na.
Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko palapit sa kanila kahit nangangatog ang aking tuhod sa kaba. Nagpaskil pako ng pilit na ngiti para mas kapanipaniwala at pinatigas ang ekspresyon ng aking mukha.
"This is Nikki, you're server for tonight," pagpapakilala sa akin ni Sir Loki nang tuluyang akong makalapit sa tabi nya.
"Good evening." Pinagsigla ko pa ang tinig. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ako nautal. Iniwasan ko namang mapatingin sa binatang nakaupo sa kaliwa.
"I hope you enjoy your evening, Sir, Ma'am. I must leave you with Nikki," paalam nya. Binalingan pa nya ako ng ngiti at tapik sa balikat bago umalis.
Lalo yatang nangatog ang tuhod ko ng mapag-isa ako sa harap ng dalawang ito. Oh, tadhana bakit napakalupit mo sakin? Baka hindi ko ito kayanin. Lupa, kainin mo na ako ngayon, please!
Iniabot ko na sa kanila ang menu ng hindi tumitingin. Ayokong makasalubong ang mata ng kahit na sino sa kanila.
Kung saan-saan ko inililibot ang paningin ko habang abala sila pareho sa pagpili ng pagkain. Nang makuha ko na ang order nila pareho ay agad kong kinuha ang menu sa kanila at mabilis na nagtungo sa counter.
Laking pasalamat ko na din ng wala akong madatnang nakabantay duon. Bakit ba hindi ko man lang naisip noon na baka may girlfriend na sya o asawa? Edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Kaya pala sinabi niya noon na wag akong ma-inlove sa kanya. Parang gusto kong i-untog ang ulo ko sa pader. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko. Sa dinami-dami ng lalaki, bakit kasi ikaw pa. Ramdam ko ang mainit na likidong umagos sa mukha ko. Kung bakit alam ko na noon na hindi pwede pero ang tangang puso ko umasa pa din. Bullshit.
"Niks, you alright?"
Madali kong pinahiran ang mukha ko pagkarinig kay Loki.
"Yes, sir." Ngumiti pa ako sa lukot niyang mukha. Hindi nya pwedeng malamang umiyak ako. Mahirap na baka magtanong pa sya. "Bakit po?"
Inabot nya ang pisngi ko saka tila may pinahid doon. Kinabahan ako bigla dahil baka may bakas ng luha doon. Agad ko ding iginala ang tingin ko dahil bigla akong nailang sa ginawa nya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang tila nagbabagang mga tingin galing sa dalawang pares ng mga matang mataman pa lang nakatutok sakin. O samin?
Ang isa ay galing sa isang babaeng nakatayo sa di kalayuan, hawak ang isang tray ng mga platitong dadalhin sa dishwasher. Si Abbie. At ang hindi ko inaasahan ay ang nakamamatay na tinging ipinukol sa akin ng lalaking tuluyan ng nahinto ang pagkain at ibinaling na ang buong atensyon sa akin ngayon. Nakakapagtakang ganun na lang sya makatingin sa akin gayong ni hindi man lang niya ako matapunan ng pansin mula ng makita niya ako kanina.
Ano ba ang problema nya? Kung makatingin kasi ito ay parang napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. Hindi ba dapat ay ako ang magalit? His face were blank but his eyes holds all his emotions. Anger. Confusion. Jealousy ?
Agad kong isinantabi ang huli kong naisip dahil alam kong hindi iyon magkakatotoo. Lalong bumigat ang nararamdaman ko. Assuming kasi ako. Ibinalik kong muli ang tingin kay Loki pero mabilis ko ding binawi.
"Nothing. I just thought you're crying," he said while his eyes were searching mine. Hindi tuloy ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Natatakot ako na baka may makita sya dito.
"H-hindi po. Bakit naman ako iiyak?" Sinamahan ko pa ng bahagyang tawa. Pero tila hindi nya binili ngunit hindi naman na din nagtanong. Nanatili lang syang nakatitig sa akin.
"Alright, sabi mo e," sagot nya na base sa pinapakitang emosyon ng mata ay alam kong hindi pa rin ito kumbinsido. Maybe he just didn't want to press on too much na ikinahinga ko ng maluwag. "I'll just want to remind you about our dinner later."
Agad ko namang sinagot iyon ng tango saka isang ngiti. He once again flashed that heart melting smile of his before he turned away. Tama. Ito na nga siguro ang tamang panahon para tuluyan ko ng kalimutan si Marione. Desidido na ako. Ito na ang huling beses na masasaktan ako nang dahil sa kanya.
Hindi naging madali ang nagdaang mga oras kaharap sila ngunit pinilit kong huwag intindihin ang sakit. Pero lalo lamang iyong sumisigid. Hindi na rin nya ako muli pang tinignan pagkatapos ng nangyari kanina. To hell with this guy, he acted like I don't exist. So to give him much pleasure, I did the same. Pero hindi pa pala iyon ang lahat. Naroong magtawanan sila sa harap ko, maglambingan. Ngaling-ngaling ko ng ihampas sa kanila ang tray na hawak ko kanina kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko.
Laking pasasalamat ko nang makaalis na sila. Nakahinga man ako ng maluwag may dumadaing pa rin sa dibdib ko. Pero kahit ganun, hindi ko pa rin alam kung paano ko natagalan ang sakit habang pinagmamasdan sila sa malayo. Oo na, ako na ang martir. Nasasaktan na nga ako nagawa ko pang panoorin. E ano ang magagawa ko? Ang tagal kong humihiling na makita syang muli pero ni sa panaginip ay hindi ko pinanalangin na makita siyang may kasama.
Nasaktan na ako noon pero hindi ganito kasakit. Pakiramdam ko literal na hinihiwa ang puso ko na wala man lang pampamanhid. Nanunuot sa buto ang sakit at wala akong ibang gustong gawin kundi ang umiyak. Pero hindi ko magawa. Gusto kong umalis, umuwi na at magkulong sa kwarto hanggang sa mawala ang sakit pero pilit kong ipinaninindigan ang realidad sa utak na kailangan kong manatili sa trabaho at balewalain ang sakit.
Naalala ko ang sinabi ni Cess kanina. Tingin ko hindi naman talaga para kay Abbie ang una kundi para sa akin. Kailangan ko ng tanggapin na hindi pwede para hindi na ako lalo pang masaktan. Lintik naman kasing puso ito e, minsan ko na nga lang syang nakita, minahal ko pa. Ang tanga.
Hindi ko na yata kayang pakiharapan si Loki. Hindi ko na kayang sumama sa kanyang magdinner lalo pa't wala na akong ganang kumain. Gusto ko na lang mapag-isa at hayaang lamunin ng kalungkutan ang sarili ko. Gusto kong magmukmok kahit ngayon lang. Sisiguraduhin ko naman na ngayon lang ito at hindi na mauulit pa.
Nang makabihis na ako ay agad akong nagpaalam kay Cess na mauuna ng uuwi. Ayokong mahalata niyang nasasaktan ako. Hindi niya alam na nandoon si Marione kanina dahil abala sya sa kusina. Pumayag naman sya agad dahil akala nya ay sa dinner pa rin ako pupunta.
Paglabas ko ay naabutan ko si Loki na naghihintay sa may pinto. Nakapamulsa pa ang isang kamay nito habang nagtitipa naman sa cellphone ang kabila. Hindi nya marahil naramdaman ang paglapit ko. Alam kong madi-disappoint sya sa pagkansela ko sa lakad namin pero hindi ko talaga kayang magpanggap na masaya ngayon.
"Kanina ka pa?" untag ko sa kanya.
Agad naman niya akong nilingon at itinago sa bulsa ang cellphone. Binigyan agad ako ng isang ngiti. "Nope. Let's go?"
"Ah, Loki, pasensya ka na. Sumama kasi ang pakiramdam ko--"
"Yeah. sure," walang bahid ng disappointment na turan niya. Nakangiti pa rin siya ngunit nahahaluan ng kalungkutan ang mga mata. "Some other time then?"
"A-alam mo?" Nabigla ako. Alam ba nyang may kinalaman ito kay Marione?
"Na masama ang pakiramdam mo? Oo, kanina pa. You look quite pale so I assumed."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Kinabahan ako dun. Madali kasing makaramdam at makahalata itong si Loki. Sinagot ko na lamang siya ng tango. Ayoko nang dagdagan pa ang paghihinala niya kaya sumang-ayon na lamang ako.
"So shall we?"
"Ha?" Napamaang ako sa sinabi niya na bahagya naman niyang ikinatawa.
"Wala," anito saka ako marahang iginiya sa parking lot. Nailang man ako hindi na ako nag-abalang alisin pa iyon. "Ang sabi ko, ihahatid na kita."
Tulad nga ng sinabi nya ay inihatid nya agad ako. Panaka-naka siyang gumagawa ng usapan pero hindi rin iyon nagtatagal. Wala kasi ako sa mood para makipag-usap. Parang gusto ko na lang magsulok. Pakiramdam ko kinakain akong lalo ng insecurity ko at kung ano-ano pang negatibong bagay na naiisip ko.
Nang makarating kami ay agad din akong nagpaalam sa kanya. Hindi ko na din siya nagawang imbitahin pa para makapag-juice man lang. Nahihiya man ako sa kanya, ayoko muna siyang makita sa ngayon. Lalo ko kasing naiisip yung lintik na Marione na iyon. Oo at hindi sila magkamukha pero pakiramdam ko umaahon ang damdamin ko para dun sa ungas na iyon sa tuwing nakikita ko si Loki. Hindi ko alam kung tama pa ito pero sa isip at puso ko kasi nagkakaroon ng comparison. At hindi maganda ang nagiging resulta.
Nang makaalis si Loki ay agad akong dumiretso sa kwarto ko saka padapang nahiga sa kama. Doon ko ibubuhos ang lahat ng sama ng loob ko, nagbabakasakaling bukas pag-gising ay mawawala na lahat ng sakit at insekyuridad.
>xv< Buong akala ko ay mababawasan na ang sakit paggising ko pero nandito pa din. Buong-buo. Walang labis, walang kulang. Kung pwede lang tanggalin nalang ang puso ay ginawa ko na. Napakatanga mo kasi Dominique, hinayaan mo ang sarili mong mahulog. Lakas tuloy ng lagapak mo. Pakiramdam ko ay isang buwan na ang lumipas sa maghapong ito. Napakatagal lumipas ng oras. Kulang nalang ay hilahin ko ang kamay ng orasan para bumilis ito. Gusto ko nang umuwi hindi dahil sa kung ano pang bagay kundi para magkulong ulit sa kwarto. Pambihira kasing lalaki iyun. Hindi ko naman pwedeng sabihin na sana di ko na lang siya nakita o nakilala dahil utang ko sa kanya ang puri ko. I mean, buhay ko pala. Paano ba ang g
>xvi<Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig? Hindi ba niya alam na masakit? Gusto ko na syang sapakin para maramdaman nya ang sakit na nararamdaman ko pero alam kong hindi ko iyon kayang gawin. At lalong hindi rin iyon sapat. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng mga sulok ng aking mata. Hindi ko na yata matatagalan ito."Tama," may kalakip na sakarsmong sagot ko para maitago ang sakit. "Sino ba naman ako para pag-aksayahan mo ng napakahalaga mong oras. Isa lang naman akong hamak na probinsyana para sa iyo."Nanatili ang mga mata ko sa harapan habang ang isip ay kinakain ng kawalan ng pag-asa. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang bawat hakbang niya na hindi ko malaman kung saan papunta. Baka paalis na."Sa tingin mo
>xvii< Posible pa pala ang ganito. Ang magustuhan din ng taong gusto mo. Want, just the same with like and the start of love, di ba? Okay na yun kaysa wala di ba? Hanep, parang gusto kong magtatalon sa tuwa. Parang hindi pa din ako makapaniwala. "Totoo ba ito?" wala sa loob na tanong ko habang nakapikit at ninanamnam ang init ng yakap nya. Kailangang sulitin dahil baka di na maulit. Bahagya siyang natawa bago sumagot. "Yes, this is real. Why, you still can't believe it?" aniya at hinigpitan ang pagkakayakap sakin kaya't ultimo hangin ay hindi na makadaan sa pagitan namin. Hindi na ako makasagot kaya tumango na lamang ako. Napasinghap ako ng makaramdam ako ng malambot na bagay na dumampi sa sulok
>xviii<Kahit gaano ako kaabala sa trabaho, hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari nang nakaraang gabi. Hindi ko nga malaman kung matutuwa ako o maiinis sa Marione na iyon. Pagkatapos kasi ng nangyaring iyon ay hindi na siya ulit nagparamdam. Pang-limang araw na siyang walang paramdam sa akin kaya konting-konti nalang ay maniniwala na akong pinaglalaruan niya lang ako. Ni ha, ni ho, ay wala. Kahit text, wala. Sabagay, wala naman akong number nya kaya bakit ko ba naisip na magte-text siya. At isa pa, hindi ko naman sya boyfriend para hagilapin ko sya ng ganito. Tsk. Sino ba sya para mamiss ko. To hell with that stupid monster. Wag na siyang magpapakita sakin. Pagkatapos nya akong nakawan ng halik ng ilang beses, saka sya biglang mawawala? Naku, huwag talagang magpapakita sa akin ang pangit na halimaw na yun. Bwisit sya!
>xix<Pinilit kong hindi magpaapekto at agad na binalikan ang ginagawa ko. Hindi ko sya dapat intindihin. May atraso pa sya sa akin. Saka mas importante ang trabaho ko. At iyon ang dapat kong unahin.Kahit rambol-rambol ang isip ko ay nagawa kong ayusin ang dinner nila Boss Eros. Inilagay ko na iyon agad sa tray para madala na sa kanila. Ayoko sanang ako ang maghatid sa opisina niya pero alam kong mapapagalitan ako noon kapag hindi ako ang nag-serve. Kabilin-bilinan pa naman nitong huwag kong ipapasa sa iba ang utos niya sa akin. Ilang buwan na din kasi mula ng makahiligan niya akong mag-prepare ng pagkain niya or si Cess. At sa hindi ko malamang dahilan ay basta nalang ako napag-initan ni Boss na syang gawing utusan kapag mayroon siyang naisipan o nagustuhang hingin. Kaya sa ayaw at sa gusto ko ay no choice. Kailangan pa ring sumunod dahil si
>xx<Napasandal ako sa pinto ng maisara ko iyon pagkalabas ko. Hindi ko malaman kung maiinis o matutuwa ako sa nangyari. Napahawak ako sa dibdib ko ng wala sa loob. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko na halos di na ako makahinga. Nanakawan na naman ako ng halik ng damuho na iyon. Nakakarami na ang lalaking yun sa akin. Pero in all fairness, kahit na dampi lang yung halik na ginawa niya ay nagawa pa rin niyang buhayin ang lahat ng nerves ko sa katawan. Para tuloy hindi ko na ma-contain ang kilig ko. To the point na parang ora mismo ay gusto kong magwala at magtatalon. Pakiramdam ko ay para akong nagdadalaga na ngayon lang naranasang kiligin.Nawala ang pinipigil kong kilig nang makarinig ako ng nabasag na pinggan galing sa kitchen kasabay ng paglabas ng humahangos na si Abbie. Nakayuko lamang ito habang naglalakad at tila
>xxi<Bago pa man din sumalya sa semento ang lasing na si Abbie ay maagap na siyang nasalo ni Loki. Agad akong lumapit sa kanila. Hindi man maganda ang naging pakitunguan namin ni Abbie, hindi naman ako ganun kasama para hindi mag-alala sa kanya. Alam ko kung anong pinagdadaanan niya. "Abbie? Abbie?" untag ni Loki sa wala nang malay na dalaga. "You better bring her home," suhestyon ni Marione na lumapit na din sa amjn. Kunot-noong napatingala sa amin si Loki na tila ba nagdadalawang-isip kung susundin ba ang sinabi ni Marione o hindi. "But-"
>xxii< Tila ako naitirik sa kinatatayuan ng marinig ko ang pamilyar na baritonong boses na nanggaling sa likuran ko. Mahina lamang iyon pero sapat na para makarating sa aking pandinig. Agad na nanindig ang balahibo ko sa nerbyos at takot habang parang may tila vtr na nag-play sa utak ko ang mga nangyari ilang taon na ang nakakaraan. Bigla ay parang gusto ko nang tumakbo palabas sa lugar na ito at bumalik sa kotse ni Marione. Si Marione! Goodness! Bakit ba kasi lumayo ako sa kanya? "Hindi mo man lang ba ako haharapin? It's been years since we last saw each other." Hinawakan niya ang siko ko at pinaharap sa kanya. Pakiramdam ko ay para akong estatwa na nakatayo sa harapan niya.
>xxx<Hindi ako mapakali habang nasa byahe kami ni Marione pauwi ng Pangasinan. Gusto ko sanang ako nalang ang umuwi para hindi na siya maabala pero nagpumilit pa rin siya. Isa pa ay hindi din daw sya mapapakali kung pababyahehin niya akong mag-isa kaya sumama na siya. Hindi ko naman maialis ang isip ko sa pamilya ko at sa sinabi ni Angelo sa linya kanina. Inatake daw si tatay na siya namang ipinagtataka ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala sa lahi nila ang may sakit sa puso kaya hindi ko malaman kung bakit siya bigla nalang inatake.Sa tana kasi ng buhay ko ay ngayon lang inatake sa puso si tatay. Halos halukayin ko na ang utak ko sa posibleng dahilan para atakehin ito pero wala naman akong maisip. Wala naman kasi silang sinasabing problema sa lupang sinasaka nila, hindi rin naman ako pumapalya sa pagpapadala sa kanila buwan-buwan.
>xxix<Halos inip na inip ako sa maghapon habang hinihintay na gumabi. Ewan ko ba kung bakit ganito. Hindi rin kasi maalis sa isip ko si Marione at sa kung ano na ang estado namin. Maging ang tungkol kay Mira ay hindi rin maalis sa isip ko. Ayokong manghusga pero hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong kung bakit at paano niya nagawang maglihim sa akin ng tungkol kay Jake.Napabuntong-hininga ako habang nakapalumbaba sa may counter at nakatunghay sa mga naglilinis na mga kasamahan ko sa buong restaurant. Sarado na rin kasi kami at naglilinis na lamang bago umuwi. So far wala pa naman nakakapansin sa pagtunganga ko dito kaya't malaya pa rin akong namamahinga. Nakakatuwa din kasi silang pagmasdan na habang abala sa pagpupunas ng mga lamesa at pagma-mop sa sahig ay walang katapusan ang chismisan nila at labasan ng sama ng l
"Why don't you turn around so we can talk properly, wallflower?" panunubok ko sa kanya ng wala akong makuhang reaksyon.Nakalimutan na kaya niya ako? Shit! Just the thought of her forgetting me, pisses me off. How dare her forget me so easily while I'm still stuck here wanting to see her again. Nauubusan na ako ng pasensya ng hindi ko man lang siya nakitang natinag sa kinatatayuan. Didn't she want to see me? Napakuyom ang kamay ko."Or should I call you , Dominique, Miss wallflower?" Ani ko na sadyang hinaluan pa ng sarkasmo. I am Marione Alistair Eldritch, CEO of the well-known Eldritch Hotels Inc. and son of the shipping magnate, Marcus Eldritch. She can never get rid of me. Even if she tries to forget me, well, too bad. I'll never let her.
>xxvii<I snarled at her but she just stared at me like she was still shocked by what she did. She looked horrified while tears brimming down her beautiful face. My hands itched to wipe off her tears. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkaalarma nang makita ko siyang nanginginig. Parang may kung ano tuloy sa akin na parang gusto siyang hilahin at ikulong sa mga bisig ko."Miss, you alright? Are you hurt?""Dominique!"Someone from afar shouted. Nakita kong nanginig lalo ang dalaga saka atubiling lumapit sa akin. I guess that was the guy who ran after her a while ago.I can't help but to stare at her eyes. Para kasing nang-aakit iyon na tumingin dito kahit na hilam na ito ng luha at nababahiran ng takot. Nainis ako bigla. Why does these eyes have to be shadowed wit
>xxvi<*Marione's*I went straight to my parents house pagkatapos kong maihatid si Nikki sa trabaho. Bumusina ako para ipaalam ang pagdating ko at para na rin pagbuksan ng gate. Hindi rin naman nagtagal at pinagbuksan din ako.Agad akong nagmaniobra papasok at nag-park sa may garahe. It was a huge space packed with cars in different sizes before. But now, it was only my parents' was there. Well, my brother and his wife already have their own house and family anyway.Pagkaibis ko ay may naghihintay agad na maid sa akin para kunin ang dala kong coat at case. Pagkaabot ay dumiretcho na ako sa loob ng malaking kabahayan. Pagkabukas ko ng pinto ay ang pamilyar na malaking chandelier sa taas ng malawak na sala ang nabungaran ko. Sa magkabilang gilid naman ay ang eleganteng hagdan na halatang alaga sa linis. Habang nagmamasid
>xxv< MALIWANAG na sa labas ng magmulat ako ng mata. Ang sarap ng tulog ko kagabi. Nanaginip pa yata ako na katabi ko daw si Marione. Natigilan ako ng may maramdaman ako na marahang paghinga sa tabi ko. Lilingunin ko na sana ito ngunit hindi ko na nagawa dahil nakasiksik ang mukha nito sa leeg ko. Agad na gumapang ang kilabot sa buong katawan ko. Bibiling na sana ako ngunit hindi ko rin nagawa dahil naroon din ang braso nito sa may tiyan ko at ang mabigat niyang hita na nakadantay sa binti ko. Hindi ako makagalaw pero ayos lang. Ang sarap matulog na katabi siya. Kung sana ay laging ganito ang magigisnan ko sa umaga. Nuon ko napansin ang kumot na nakapatong sa amin. Wala naman akong kinuhang kumot kagabi dahil di ko naman akalain na dito na kami makakatulog. Natigilan ako ng may maalala.&n
>xxiv<Habang nasa daan ay walang kumikibo sa aming dalawa ni Marione. Ramdam ko pa rin ang tensyon mula sa nangyari. Gusto ko sana siyang kausapin kaso para kasing may madilim na aura sa paligid niya na handang manakmal oras na hindi niya magustuhan ang sasabihin ko. Parang hanggang ngayon ay nagtitimpi pa rin siya ng galit. Isa pa, hindi ko din alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na imbes na naroon ako sa tabi niya ay nandoon ako at yakap-yakap ni Jake. Ayokong isipin niyang hinabol ko si Jake pero hindi ko naman magawang magsalita. Kaya nanatili na lang akong nakatingin sa labas habang kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isip.Maya-maya pa ay naramdaman kong huminto na ang sasakyan. Nang lumingon ako sa paligid ay saka ko lang namalayan na nakarating na pala kami sa tapat ng apartment.
>xxiii<"Cass!" wala sa loob na tawag ko sa kanya. Alam kong hindi niya narinig dahil halos pabulong lamang iyon. Akmang lalapitan ko na siya nang maramdaman ko na may kamay na pumigil sa akin. Nalingunan ko roon si Marione na diretchong nakatingin sa akin. Umiling lamang sya dahilan para maguluhan ako. Agad akong napalingon sa dance floor ng makarinig ako ng tilian.Naroon at nakahandusay na sa semento ang kanina lang na kasayaw ni Cass. Pinupunasan nito ang labi na marahil ay sa pagdurugo dahil sa suntok ng lalaking bigla nalang sumulpot sa kung saan. Lahat ay nabigla sa bilis ng mga pangyayari kaya’t hindi agad na napigilan ang mga iyon. Mabilis na tumayo ang lalaking kasayaw kanina ni Cass at mabilis na dinaluhong ang bagong dating. Nasa mukha nito ang galit at nasa mga mata ang pagnanais na
>xxii< Tila ako naitirik sa kinatatayuan ng marinig ko ang pamilyar na baritonong boses na nanggaling sa likuran ko. Mahina lamang iyon pero sapat na para makarating sa aking pandinig. Agad na nanindig ang balahibo ko sa nerbyos at takot habang parang may tila vtr na nag-play sa utak ko ang mga nangyari ilang taon na ang nakakaraan. Bigla ay parang gusto ko nang tumakbo palabas sa lugar na ito at bumalik sa kotse ni Marione. Si Marione! Goodness! Bakit ba kasi lumayo ako sa kanya? "Hindi mo man lang ba ako haharapin? It's been years since we last saw each other." Hinawakan niya ang siko ko at pinaharap sa kanya. Pakiramdam ko ay para akong estatwa na nakatayo sa harapan niya.