Home / Romance / Kismet / Chapter 11

Share

Chapter 11

Author: MD Rosario
last update Last Updated: 2021-07-06 22:41:32

>xi<

Nasilaw ako bigla sa liwanag ng ilaw nang idilat ko ang mga mata ko. Itatabing ko pa sana ang braso ko para maidilat ang mga mata ko nang bigla akong makaramdam ng pagkirot mula sa kanang braso ko. 

"Ah..." napadaing ako nang hindi lang simpleng kirot ang naramdaman ko duon kundi sakit na sumisigid sa buto. 

"Don't move too much with your right arm," malumanay na sabi ng isang babae mula sa tabi ko. 

Tuluyan na akong napadilat at agad na binalingan ang babae. Parang may artista akong kaharap. Una ko agad napansin ang bilugan niyang mukha. Ang dark blonde nyang buhok, maayos na pagkakaahit ng kilay, malalantik na pilikmata, brown ang mga mata, matangos na ilong at manipis na labi, artistahing-artistahin. No, para siyang dyosa. 

Nakaupo siya malapit sa hospital bed ko at nakangiti sa akin. Hospital bed? Yes, I'm perfectly aware na nasa ospital ako, sa amoy pa lang naman at kulay puting paligid na namulatan ko, surely, ospital ito at hindi na din ako nagtaka kung bakit ako nandito dahil rumagasa agad sa ala-ala ko ang nangyari at ang napala ko sa katangahan ang nagdala sa akin dito. 

"Sino ka?" usisa ko sa babaeng nakatunghay sa akin. 

Hindi ko yata matandaang may ibang babae sa lugar na iyon bukod sa akin, tatlo lang naman kami dun. Ako, yung holdaper at si Marione. Bigla akong natigilan sa naisip. Teka nga, nandun si Marione? Imposible. Agad kong nilibot ng tingin ang buong kwarto, nagbabakasakali na nandoon ito.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko ng hindi ko siya makita sa kwarto. Hindi na lang yata braso ko ang kumikirot ngayon. Hindi siguro totoo na sya ang nagligtas sa akin, baka nagha-hallucinate lang ako. Tama! Dinadaya lang ako ng mga mata ko. Grabe, muntik na nga akong mapatay dun, sya pa ang naiisip ko. 

Did I just think that he'll come and save me? I groaned in frustration. Sa fairytales at movies lang yun. Ugh, this is hopeless. 

"May masakit ba sayo?" atubiling dumulog sa akin ang dyosang nasa tabi ko. 

Oo nga pala, may kasama nga pala ako. Siya siguro ang tumulong sakin. Ipinilig ko ang ulo ko, baka sakaling malinawan, kung saan-saan na naman kasi nakakarating. 

Umiling ako. "A, hindi. Okay lang ako. Thank you nga pala sa pagliligtas mo sakin," sabi ko na sinamahan pa ng matamis na ngiti. 

"Oh, no. I'm not the one who saved you last night," nakangiti pa din nitong turan. "Lumabas lang sya, may aasikasuhin lang daw. Pinabantayan ka muna nya sa akin baka daw kasi bigla kang magising."

Napatango nalang ako kahit na medyo naguluhan sa sinabi nito. Hindi daw siya ang nagligtas sa akin. Kung sa bagay ay lalaki ang nakita kong kapambuno ng holdaper. 

Ibinaling kong muli ang tingin sa babaeng nagbantay sa akin. Nakaka-intimidate ang kagandahang taglay nitong kaharap ko. Nakakahiya tuloy dumikit. 

"Anyway, I'm Sarrina Eldritch. Pinsan ko yung nagligtas sayo," she said brightly. "Kasama nya ako nung nakita ka namin na na-hold up. You’re so brave back then, hindi ka ba natakot?"

Napamaang ako bigla habang naaalala ang mga nangyari. Ang tapang ko ba? Takot na takot nga ako, kaso sabi ng instinct ko, lumaban daw ako. Hay, thank you Lord, di mo pa ako kinuha. 

"Natakot syempre pero marahil ay instinct na rin. Nasa bag kasi yung mga importanteng papeles ko kaya siguro nagawa ko ring lumaban," pagpapaliwanag ko. 

"Damnit!" 

Halos mapabangon ako sa kinahihigaan ng marinig ko ang biglang pagsigaw kasabay ng pagbagsak ng pinto. Gulat ding napalingon doon ang katabi ko. 

"To hell with those stupid stuffs! You almost got yourself killed."

Umalingawngaw sa buong silid ang sigaw ng lalaking hindi namin namalayang nakapasok na pala sa loob. Literal na nanigas ako sa higaan pagkakita sa kanya. Hindi ko na kailangang alamin kung sino iyon pero hindi ko pa din mapigilan na sulyapan dahil baka pinepeke na naman ako ng mga mata ko. 

There in his full glory, striding towards me, with his blazing eyes laced with fury and.... fear? Pero bakit? Hindi ba at kinasuklaman niya ako noong huli naming pagkikita?

Pigil ang hiningang napatitig lang ako sa maamo niyang mukha na gwapo pa din kahit halos magbuga na ng apoy sa kung ano mang dahilan na ikinagagalit niya. Pakiramdam ko ay biglang bumagal sa pag-ikot ang mundo. Juice colored! Muntik pa akong mapahawak sa dibdib ko. Ang puso ko kasi, bigla nalang nagwala. He still looked devilishly handsome in his white long sleeve polo shirt. Teka, ito din yung suot nya kagabi. Umaga na hindi ba? Hindi pa rin ba siya umuuwi? Nandito siya buong magdamag? Pero bakit? At ano ba ang ikinagagalit niya? Kung makasigaw pa akala mo hari. Akala siguro ng ungas na ito nakalimutan ko na ang pangmamaliit nya sakin sa party. Pero.... Siya ang nagligtas sa akin. Kung ganoon ay hindi nga ako nililinlang ng mga mata ko. 

"Ano ba ang pumasok sa isip mo at nanlaban ka duon sa snatcher na iyon?" walang kaabog-abog na singhal niya ulit sa akin. “Hindi ka ba nag-iisip?”

Tuluyan na akong hindi nakapagsalita. Natulala pa ako sa kanya pagkadinig sa dire-diretso niyang pananagalog. Akala ko hindi ko na ito maririnig na managalog. Palibhasa, mayaman kaya matatas sa english. Pero sa kabila ng pagsigaw niya ay wala akong ibang mahimigan doon kundi pag-aalala. Sana lang ay hindi ako nililinlang ng aking pandinig.

Tila nabigla din si Sarri sa outburst ng pinsan kaya napatayo at pinigilan si Marione na makalapit sa akin. Agad niya itong hinarang at hinawakan sa magkabilang braso.

"Alistair, stop it," pigil nito sa pinsan na may halong pagkalito. "Why are you shouting at her? Do you know her?"

Pero hindi naman sya pinansin ng Greek God na ito sa halip ay hinawi lang sya nito at lalo pang lumapit sakin. His eyes still settled on me, penetrating through my very soul. Siete! Imbis na magalit ako dahil sa paninigaw sa akin, heto at tulala pa sa kagwapuhan ng ungas na ito. Parang nanghipnotismo ang abuhin niyang mga mata. Oh, how I longed to see those crystal gray eyes once again. I even dreamed of it every now and then. 

"Sarri, you can go home now. I'll take care of this," utos ng hari habang hindi pa din natitinag sa pagkakatitig sa akin. Goodness! Stop staring at me already. Nalulusaw na ako.

Teka lang! Uuwi? Maiiwan kaming dalawa? Natauhan ako bigla sa sinabi nya. Kaagad ang kabang dumaloy sa buong katawan ko. Nagwala yatang lalo si heart sa ideyang mapagsosolo kami ng hari. Hindi pwede yun. Hindi naman sa iniisip kong may masama syang gagawin dahil alam kong hindi niya ako sasaktan pero to think na kami lang dalawa? Iniisip ko pa lang, gusto ko ng kumaripas ng takbo. Kakaibang kabog sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Kabog na may halong tuwa at kaba. Ngunit agad ding nabahiran ng takot ang kabog na iyon ng maalala ko ang nangyari sa charity ball.

"H-hindi pwede," atubili kong sabi na siyang ikinalingon agad sa akin ng dalawa. Lalo namang kumunot ang noo ni Marione. Ayokong mapag-isa kasama siya. Pero may kung ano din sa loob ko na gustong makasama ang lalaking ito. Parang gusto ko ng sapakin ang sarili ko dahil hindi ko na rin maintidihan ang nararamdaman ko.

"I can take care of this, Sarri, just go home. Don't tell anybody my whereabouts," malumanay ngunit may awtoridad na utos nitong hindi man lang pinansin ang pagtutol ko. 

Ilang sandali pang nakipagtitigan si Sarri dito bago bumuntong hininga tanda ng pagsuko. Nasa mukha niya ang pagtataka pero hindi na nagtanong pa sa halip ay humarap siya sa akin at ngumiti ulit. 

"Well, I gotta go, missy," sabi niya ng nakangiti pa rin. Ramdam ko ang sinseridad ng mga ngiti nya. Abot-abot ang pagpipigil ko wag lamang siyang pigilan pero hindi ko magawa. "I haven't got your name."

"A... Do-Dominique," halos magkandautal kong sagot sa kanya. Pero hindi iyon ang gusto kong sabihin. 

"Bye Dominique. Nice meeting you. Please bear with my hard headed cousin. He can be a pain in the ass most of the times," may bahid ng kapilyahang turan nito na sinabayan pa ng kindat. 

"Sarrina.." suway ng hari ng may pagbababala. Humagikgik naman ang dyosa saka agad na tinungo ang pinto. Kumaway muna sya sa akin bago tuluyang isara ang pinto. 

Nalunok ko na yata pati ang dila ko nang sa wakas ay mapag-isa na kami sa kwarto. May aircon naman ngunit bakit pakiramdam ko ay biglang uminit. Agad kong inilingap ang mga mata para maghagilap ng ibang mapapagtuunan ng pansin at hindi ko siya matignan pero useless. 

Akala ko ay malulusaw na ako ng biglang syang umupo sa kama katabi ko. Habang magkaharap kami ay nakatitig lang sya na parang ayaw na nya akong mawala sa paningin nya. Parang mawawala ako kapag kumurap sya. Gusto ko man ding salubungin siya ng tingin, hindi ko magawa. Natatakot kasi ako. Natatakot akong masalubong ang malamig nyang tingin tulad ng nakita ko noon sa party. Kapag naaalala ko yon, nakakaramdam ako ng sakit. Sakit na ayoko ng alamin kung bakit.

Related chapters

  • Kismet   Chapter 12

    >xii<"Bakit nagpaiwan ka pa? Umuwi ka na din. Kaya ko na ang sarili ko. Salamat sa tulong." Sinadya kong palamigin ang boses ko. May parte sa akin na gusto syang makasama kahit sandali pero may parte din na ayoko na syang makita. Ngunit sa dalawang iyon ay mas nananaig ang una. Pero kailangan kong kumapit sa realidad dahil iyon ang tama."Does it still hurt?" concern evident in his voice. Lalo tuloy lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi man lamang niyapinansin ang mga sinabi ko."Hindi mo na kailangang magkunwari na nag-aalala. Kaya ko na ang sarili ko. Umuwi ka na," sagot ko nang hindi pa din siya sinusulyapan. Narinig ko pa ang kanyang malalim na buntong hininga. Restraining himself from another outburst, maybe.

    Last Updated : 2021-07-06
  • Kismet   Chapter 13

    >xiii< "Nikki... Please... Don't fall in love with me... " Ang huli niyang sinabi sakin bago siya umalis sa ospital ilang buwan na ang nakakaraan. Tsk. Parang gusto kong maiyak kapag naaalala ko iyon. Gago na yun. Para na niyang sinabi na wag akong huminga. Pwes para sabihin ko sa kanya, huli na siya. I already fell for him. Peste namang mata to, nagbabadya na naman. Oo na, umiyak ako ng mismong pagkaalis nya. Pero pinapangako ko, iyon na ang huling pagkakataong iiyakan ko sya dahil itaga nya sa bato, kakalimutan ko na talaga sya. Akala nya kung sino sya, bwisit na yun. Teka nga, bat ba inaalala ko yung hinayupak na yun. Umagang-umaga sya agad nasa isip ko. Dapat wala na akong naaalala. Wala na akong kilalang-- Ugh! Hindi ko na

    Last Updated : 2021-07-08
  • Kismet   Chapter 14

    >xiv<Kailan ko ba huling nakita ang ngiti niyang iyon? O kung nakita ko na ba iyon? Pati ang abohin niyang mga mata na tumatagos sa kaluluwa kapag tinititigan ka. Parang gusto ko nalang tumitig doon. Ayoko nang pumikit dahil baka wala na siya pagdilat ko. Nakaramdam ako bigla ng kalungkutan ng matuon ang tingin ko sa kasama niyang babae. Sino kaya iyon? Girlfriend nya o baka naman asawa? Isipin ko palang na alin iyon sa dalawa ay ramdam ko na ang pagkadurog ng puso ko paano pa kaya kapag totoo? Kung sabagay, ito ang nababagay sa kanya. Elegante, edukada, mayaman. Hindi tulad ko. Ugh! This is hopeless. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Parang bigla ay gusto kong umiyak.Nasa ganoon akong posisyon ng biglang lumingon sa gawi ko si Sir Loki saka ngumiti sa akin. I blink back the tears immediately saka ngumiti

    Last Updated : 2021-07-08
  • Kismet   Chapter 15

    >xv< Buong akala ko ay mababawasan na ang sakit paggising ko pero nandito pa din. Buong-buo. Walang labis, walang kulang. Kung pwede lang tanggalin nalang ang puso ay ginawa ko na. Napakatanga mo kasi Dominique, hinayaan mo ang sarili mong mahulog. Lakas tuloy ng lagapak mo. Pakiramdam ko ay isang buwan na ang lumipas sa maghapong ito. Napakatagal lumipas ng oras. Kulang nalang ay hilahin ko ang kamay ng orasan para bumilis ito. Gusto ko nang umuwi hindi dahil sa kung ano pang bagay kundi para magkulong ulit sa kwarto. Pambihira kasing lalaki iyun. Hindi ko naman pwedeng sabihin na sana di ko na lang siya nakita o nakilala dahil utang ko sa kanya ang puri ko. I mean, buhay ko pala. Paano ba ang g

    Last Updated : 2021-07-08
  • Kismet   Chapter 16

    >xvi<Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig? Hindi ba niya alam na masakit? Gusto ko na syang sapakin para maramdaman nya ang sakit na nararamdaman ko pero alam kong hindi ko iyon kayang gawin. At lalong hindi rin iyon sapat. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng mga sulok ng aking mata. Hindi ko na yata matatagalan ito."Tama," may kalakip na sakarsmong sagot ko para maitago ang sakit. "Sino ba naman ako para pag-aksayahan mo ng napakahalaga mong oras. Isa lang naman akong hamak na probinsyana para sa iyo."Nanatili ang mga mata ko sa harapan habang ang isip ay kinakain ng kawalan ng pag-asa. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang bawat hakbang niya na hindi ko malaman kung saan papunta. Baka paalis na."Sa tingin mo

    Last Updated : 2021-07-09
  • Kismet   Chapter 17

    >xvii< Posible pa pala ang ganito. Ang magustuhan din ng taong gusto mo. Want, just the same with like and the start of love, di ba? Okay na yun kaysa wala di ba? Hanep, parang gusto kong magtatalon sa tuwa. Parang hindi pa din ako makapaniwala. "Totoo ba ito?" wala sa loob na tanong ko habang nakapikit at ninanamnam ang init ng yakap nya. Kailangang sulitin dahil baka di na maulit. Bahagya siyang natawa bago sumagot. "Yes, this is real. Why, you still can't believe it?" aniya at hinigpitan ang pagkakayakap sakin kaya't ultimo hangin ay hindi na makadaan sa pagitan namin. Hindi na ako makasagot kaya tumango na lamang ako. Napasinghap ako ng makaramdam ako ng malambot na bagay na dumampi sa sulok

    Last Updated : 2021-07-09
  • Kismet   Chapter 18

    >xviii<Kahit gaano ako kaabala sa trabaho, hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari nang nakaraang gabi. Hindi ko nga malaman kung matutuwa ako o maiinis sa Marione na iyon. Pagkatapos kasi ng nangyaring iyon ay hindi na siya ulit nagparamdam. Pang-limang araw na siyang walang paramdam sa akin kaya konting-konti nalang ay maniniwala na akong pinaglalaruan niya lang ako. Ni ha, ni ho, ay wala. Kahit text, wala. Sabagay, wala naman akong number nya kaya bakit ko ba naisip na magte-text siya. At isa pa, hindi ko naman sya boyfriend para hagilapin ko sya ng ganito. Tsk. Sino ba sya para mamiss ko. To hell with that stupid monster. Wag na siyang magpapakita sakin. Pagkatapos nya akong nakawan ng halik ng ilang beses, saka sya biglang mawawala? Naku, huwag talagang magpapakita sa akin ang pangit na halimaw na yun. Bwisit sya!

    Last Updated : 2021-07-13
  • Kismet   Chapter 19

    >xix<Pinilit kong hindi magpaapekto at agad na binalikan ang ginagawa ko. Hindi ko sya dapat intindihin. May atraso pa sya sa akin. Saka mas importante ang trabaho ko. At iyon ang dapat kong unahin.Kahit rambol-rambol ang isip ko ay nagawa kong ayusin ang dinner nila Boss Eros. Inilagay ko na iyon agad sa tray para madala na sa kanila. Ayoko sanang ako ang maghatid sa opisina niya pero alam kong mapapagalitan ako noon kapag hindi ako ang nag-serve. Kabilin-bilinan pa naman nitong huwag kong ipapasa sa iba ang utos niya sa akin. Ilang buwan na din kasi mula ng makahiligan niya akong mag-prepare ng pagkain niya or si Cess. At sa hindi ko malamang dahilan ay basta nalang ako napag-initan ni Boss na syang gawing utusan kapag mayroon siyang naisipan o nagustuhang hingin. Kaya sa ayaw at sa gusto ko ay no choice. Kailangan pa ring sumunod dahil si

    Last Updated : 2021-07-13

Latest chapter

  • Kismet   Chapter 30

    >xxx<Hindi ako mapakali habang nasa byahe kami ni Marione pauwi ng Pangasinan. Gusto ko sanang ako nalang ang umuwi para hindi na siya maabala pero nagpumilit pa rin siya. Isa pa ay hindi din daw sya mapapakali kung pababyahehin niya akong mag-isa kaya sumama na siya. Hindi ko naman maialis ang isip ko sa pamilya ko at sa sinabi ni Angelo sa linya kanina. Inatake daw si tatay na siya namang ipinagtataka ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala sa lahi nila ang may sakit sa puso kaya hindi ko malaman kung bakit siya bigla nalang inatake.Sa tana kasi ng buhay ko ay ngayon lang inatake sa puso si tatay. Halos halukayin ko na ang utak ko sa posibleng dahilan para atakehin ito pero wala naman akong maisip. Wala naman kasi silang sinasabing problema sa lupang sinasaka nila, hindi rin naman ako pumapalya sa pagpapadala sa kanila buwan-buwan.

  • Kismet   Chapter 29

    >xxix<Halos inip na inip ako sa maghapon habang hinihintay na gumabi. Ewan ko ba kung bakit ganito. Hindi rin kasi maalis sa isip ko si Marione at sa kung ano na ang estado namin. Maging ang tungkol kay Mira ay hindi rin maalis sa isip ko. Ayokong manghusga pero hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong kung bakit at paano niya nagawang maglihim sa akin ng tungkol kay Jake.Napabuntong-hininga ako habang nakapalumbaba sa may counter at nakatunghay sa mga naglilinis na mga kasamahan ko sa buong restaurant. Sarado na rin kasi kami at naglilinis na lamang bago umuwi. So far wala pa naman nakakapansin sa pagtunganga ko dito kaya't malaya pa rin akong namamahinga. Nakakatuwa din kasi silang pagmasdan na habang abala sa pagpupunas ng mga lamesa at pagma-mop sa sahig ay walang katapusan ang chismisan nila at labasan ng sama ng l

  • Kismet   Chapter 28

    "Why don't you turn around so we can talk properly, wallflower?" panunubok ko sa kanya ng wala akong makuhang reaksyon.Nakalimutan na kaya niya ako? Shit! Just the thought of her forgetting me, pisses me off. How dare her forget me so easily while I'm still stuck here wanting to see her again. Nauubusan na ako ng pasensya ng hindi ko man lang siya nakitang natinag sa kinatatayuan. Didn't she want to see me? Napakuyom ang kamay ko."Or should I call you , Dominique, Miss wallflower?" Ani ko na sadyang hinaluan pa ng sarkasmo. I am Marione Alistair Eldritch, CEO of the well-known Eldritch Hotels Inc. and son of the shipping magnate, Marcus Eldritch. She can never get rid of me. Even if she tries to forget me, well, too bad. I'll never let her.

  • Kismet   Chapter 27

    >xxvii<I snarled at her but she just stared at me like she was still shocked by what she did. She looked horrified while tears brimming down her beautiful face. My hands itched to wipe off her tears. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkaalarma nang makita ko siyang nanginginig. Parang may kung ano tuloy sa akin na parang gusto siyang hilahin at ikulong sa mga bisig ko."Miss, you alright? Are you hurt?""Dominique!"Someone from afar shouted. Nakita kong nanginig lalo ang dalaga saka atubiling lumapit sa akin. I guess that was the guy who ran after her a while ago.I can't help but to stare at her eyes. Para kasing nang-aakit iyon na tumingin dito kahit na hilam na ito ng luha at nababahiran ng takot. Nainis ako bigla. Why does these eyes have to be shadowed wit

  • Kismet   Chapter 26

    >xxvi<*Marione's*I went straight to my parents house pagkatapos kong maihatid si Nikki sa trabaho. Bumusina ako para ipaalam ang pagdating ko at para na rin pagbuksan ng gate. Hindi rin naman nagtagal at pinagbuksan din ako.Agad akong nagmaniobra papasok at nag-park sa may garahe. It was a huge space packed with cars in different sizes before. But now, it was only my parents' was there. Well, my brother and his wife already have their own house and family anyway.Pagkaibis ko ay may naghihintay agad na maid sa akin para kunin ang dala kong coat at case. Pagkaabot ay dumiretcho na ako sa loob ng malaking kabahayan. Pagkabukas ko ng pinto ay ang pamilyar na malaking chandelier sa taas ng malawak na sala ang nabungaran ko. Sa magkabilang gilid naman ay ang eleganteng hagdan na halatang alaga sa linis. Habang nagmamasid

  • Kismet   Chapter 25

    >xxv< MALIWANAG na sa labas ng magmulat ako ng mata. Ang sarap ng tulog ko kagabi. Nanaginip pa yata ako na katabi ko daw si Marione. Natigilan ako ng may maramdaman ako na marahang paghinga sa tabi ko. Lilingunin ko na sana ito ngunit hindi ko na nagawa dahil nakasiksik ang mukha nito sa leeg ko. Agad na gumapang ang kilabot sa buong katawan ko. Bibiling na sana ako ngunit hindi ko rin nagawa dahil naroon din ang braso nito sa may tiyan ko at ang mabigat niyang hita na nakadantay sa binti ko. Hindi ako makagalaw pero ayos lang. Ang sarap matulog na katabi siya. Kung sana ay laging ganito ang magigisnan ko sa umaga. Nuon ko napansin ang kumot na nakapatong sa amin. Wala naman akong kinuhang kumot kagabi dahil di ko naman akalain na dito na kami makakatulog. Natigilan ako ng may maalala.&n

  • Kismet   Chapter 24

    >xxiv<Habang nasa daan ay walang kumikibo sa aming dalawa ni Marione. Ramdam ko pa rin ang tensyon mula sa nangyari. Gusto ko sana siyang kausapin kaso para kasing may madilim na aura sa paligid niya na handang manakmal oras na hindi niya magustuhan ang sasabihin ko. Parang hanggang ngayon ay nagtitimpi pa rin siya ng galit. Isa pa, hindi ko din alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na imbes na naroon ako sa tabi niya ay nandoon ako at yakap-yakap ni Jake. Ayokong isipin niyang hinabol ko si Jake pero hindi ko naman magawang magsalita. Kaya nanatili na lang akong nakatingin sa labas habang kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isip.Maya-maya pa ay naramdaman kong huminto na ang sasakyan. Nang lumingon ako sa paligid ay saka ko lang namalayan na nakarating na pala kami sa tapat ng apartment.

  • Kismet   Chapter 23

    >xxiii<"Cass!" wala sa loob na tawag ko sa kanya. Alam kong hindi niya narinig dahil halos pabulong lamang iyon. Akmang lalapitan ko na siya nang maramdaman ko na may kamay na pumigil sa akin. Nalingunan ko roon si Marione na diretchong nakatingin sa akin. Umiling lamang sya dahilan para maguluhan ako. Agad akong napalingon sa dance floor ng makarinig ako ng tilian.Naroon at nakahandusay na sa semento ang kanina lang na kasayaw ni Cass. Pinupunasan nito ang labi na marahil ay sa pagdurugo dahil sa suntok ng lalaking bigla nalang sumulpot sa kung saan. Lahat ay nabigla sa bilis ng mga pangyayari kaya’t hindi agad na napigilan ang mga iyon. Mabilis na tumayo ang lalaking kasayaw kanina ni Cass at mabilis na dinaluhong ang bagong dating. Nasa mukha nito ang galit at nasa mga mata ang pagnanais na

  • Kismet   Chapter 22

    >xxii< Tila ako naitirik sa kinatatayuan ng marinig ko ang pamilyar na baritonong boses na nanggaling sa likuran ko. Mahina lamang iyon pero sapat na para makarating sa aking pandinig. Agad na nanindig ang balahibo ko sa nerbyos at takot habang parang may tila vtr na nag-play sa utak ko ang mga nangyari ilang taon na ang nakakaraan. Bigla ay parang gusto ko nang tumakbo palabas sa lugar na ito at bumalik sa kotse ni Marione. Si Marione! Goodness! Bakit ba kasi lumayo ako sa kanya? "Hindi mo man lang ba ako haharapin? It's been years since we last saw each other." Hinawakan niya ang siko ko at pinaharap sa kanya. Pakiramdam ko ay para akong estatwa na nakatayo sa harapan niya.

DMCA.com Protection Status