Home / Romance / Kismet / Chapter 9

Share

Chapter 9

Author: MD Rosario
last update Last Updated: 2021-07-06 20:08:24

>ix<

"Naiinis talaga ako pag naaalala ko yung mukha ng Elric na yun," nanggigigil na litanya ni Cass. 

Ilang beses ko na bang paulit-ulit na narinig iyon mula pa kagabi pag-uwi nito. Ang Elric na tinutukoy nito ay ang lalaking humabol sa kanya nung party three months ago. Yep, three months ago na simula ng tinalikuran ko ang lalaking nagligtas sa buhay ko. Three months na din akong nagtitiis ng sakit sa puso dahil sa mga nangyari ng gabing iyon. Kung bakit kahit anong pilit kong kalimutan, pilit na sumisiksik sa isip ko yung ungas na yun. Oo na, hindi ko na ide-deny na sa insidenteng yun three years ago ay na-fall agad ako sa kanya. Tsk. Totoo pala ang love at first sight yun nga lang sa maling tao. Pero ika nga nila, "love is blind". Tss.

Hay, tama na nga. Lalong dumadaing si heart eh. Nasasaktan na naman daw sya. Unti-unting nag-re-replay sa utak ko ang nangyari kaya agad ko iyong pinalis. Ganito ang drama ko sa mga nakaraang buwan pero hanggang ngayon, wala pa ding improvement. 

Napahugot ako ng malalim na hininga at ibinalik ulit ang tingin kay Cass bago pa mag-throwback thursday ang utak ko kahit martes pa lang. 

"Baka kaya iba na yan Cass?" tukso ko sa kanya. 

Lagi nalang kasing ganyan ang eksena niya kapag tungkol sa binata ang pinag-uusapan. Ang lalaking yun kasi ang gustong ipakilala sa kanya ng daddy nya. Palibhasa ay anak ng ninong nya kaya nagsanib-pwersa pa ito at ang daddy nito para paglapitin silang dalawa. 

Kaya heto at pinagsisintir ang pagwa-walk out sa binata at ang pagiging magkasama nila sa trabaho. Nagsimula na daw kasi itong pag-aralan ang pamamahala sa kumpanya. Which means, mas mataas ang posisyon kaysa dito. Bilang tagapagmana nga naman kasi ng kompanya ng magulang nito ay kailangang magtrabaho nito doon. Kaya gustuhin man "daw" umiwas ni Cass ay wala siyang magagawa. Kaya ang ending, dahil isang linggo na silang magkatrabaho, isang linggo na akong piniperwisyo nito ng mga tantrums nya. Nakucurious tuloy ako sa binata. Gusto ko tuloy makita. 

Tumalim naman ang tingin nito sakin habang nilalantakan ang kalahating gallon ng ice cream na dala nito. As if naman matatakot niya ako ng mga ganyang tingin nya. Napailing ako bago umupo sa tabi nya. Nanatili naman syang walang imik habang minumurder ang kawawang ice cream. 

"Huwag mong pagdiskitahan yang ice cream, hindi yan gaganti", puna ko sa kanya nang ibaling ko ang tingin ko sa tv. 

Sumimangot naman syang lalo saka nag-indian sit sa couch. Para tuloy syang bata. Pambihira, parang ngayon lang nainlove to kung umasta. Yun lang, kung inlove nga sya. 

"Bwisit talaga yung lalaking yun. Makikita nya. Gaganti ako," naghuhurumentadong sabi nya. 

"Ano ba kasi nangyari?"

"Paano ba naman Niks, hindi nya ako sinipot," napabusangot syang lalo sa pagkukwento. 

Nalukot ang noo ko sa narinig. Parang may mali. "Akala ko ba nag-walk out ka?"

Bumuntong hininga muna ito bago tinantanan ang pang-aapi niya sa ice cream. "Oo nga, nag-walk out nga ako. Pagdating niya. Kasi naman halos two hours akong naghihintay akala ko hindi na sya dadating tapos nung dapat na paalis na ako, saka sumulpot ang hudas na yun tapos prente pang naupo sa harap ko, akala mo walang nangyari," nanggigigil na kwento ni Cass habang binalikan ulit ang ice cream at duon inilabas ang sama ng loob. Tsk tsk. I pity that ice cream. 

"Tapos ang idadahilan nya lang saken, he accidentally met somebody on his way and that somebody just happened to be his ex. Syete."

Sabagay, lakas maka-hurt nun. Biruin mo maghihintay ka ng pagkatagal tagal para lang malaman na may mas inuna kaysa sayo. Siete nga naman. 

Pinagmasdan ko ulit ang bff ko. Para namang hindi lang siya naiinis dahil kung naiinis lang siya hindi naman aabot sa pagmumukmok at paghuhuramentado ang mangyayari. Hindi naman ganun si Cass, kung bakit ganito nalang sya makareak ngayon. Napangisi tuloy ako sa naisip. 

"Hay naku Cass, kung hindi ko lang alam na nanggigigil ka sa inis, iisipin ko ng nagseselos ka," sabi na sinabayan ko pa ng iling. 

Halos maibuga nya ang isinubong ice cream pagkadinig sa sinabi ko saka ako pinanlakihan ng mata. "NO WAY!" sigaw niya. "Bakit ako magseselos? Magsama pa sila ng ex nya."

"Okay! Okay!" sabi ko sabay taas ng kamay bilang pagsuko. Looking at her, mukha na siyang mangangain ng tao any minute. "Hindi ka na nagseselos. Napaghahalata ka kasi e."

"Dominique", tili nya kaya napatawa ako ng malakas na sinabayan ko naman ng pagtayo dahil baka bigla nalang nya akong sunggaban. Mahirap na katabi ko pa naman sya. Sarap kasing asarin nitong si Cass ee, saka madalang lang siyang mainis ng ganito kaya sasamantalahin ko na. 

"Alam mo kasi bakuran mo na para hindi kung sino-sino ang lumalapit," tudyo ko pa. Lukot na lukot na tuloy ang mukha nya. 

"Bakit ko gagawin yun? Never kong gagawin yun. Hinding hindi ko magugustuhan yung lalaking yun ever. Itaga mo yan sa bato." Idinuro pa nya sakin yung kutsarang hawak nya. "Dun nalang sya sa mga babae nya. Mga pangit sila. Tapos akala mo kung sinong gwapo. Naku!" 

Napapalatak pa ako sabay iling saka iwinagayway sa mukha niya ang isang daliri ko. "Wag kang magsasalita ng tapos, bessy. Baka kainin mo sinabi mo," banta ko sa kanya. 

Umiling naman sya at hindi man lang natinag sa pananakot ko. "Hindi mo ko matatakot  dahil hindi ako maiinlove sa ungas na yon. Nevah!"

"Sabi mo yan aa. Tatandaan ko yan."

"Hay! Enough of this! Ang mabuti pa, samahan mo nalang ako sa birthday--"

"Ayoko na Cass," putol ko sa sasabihin nya. Sinabi ko noon na hinding hindi na ako sasama sa kanya sa kahit anong social events o gatherings. Ayoko ng magkaroon pa ng kahit katiting na pagkakakataong magsalubong pa ulit ang landas namin ng lalaking gusto ko ng kalimutan. Naiisip ko na naman ang magaganda niyang mata. 

"Don't tell me naaalala mo na naman sya?" untag nya na may paninita sa tinig.

Ipinilig ko ang ulo ko para alisin ang biglang sumagi sa isip ko. Hindi ko siya sinagot sa halip ay bumalik ako sa tabi niya at kinuha ang ice cream sa kamay nya at sumubo. 

Pinanliitan nya ako ng mata. "Akala ko ba kinalimutan mo na?"

Bumuntong-hininga ako. Gigisahin na naman ako nito. Buti nalang wala sina Cess at Mira kung hindi malala pa sa gisa ang ending ko. 

"Ayoko ng pag-usapan, Cass."

"Aist!" she hissed. "He's no good for you. Forget about him. Alam kong hindi madali sa una pero you'll feel better eventually. It's been three months, since the last time you've met, pasasaan ba't makakalimutan mo din yun. Kung hindi lang ako ginalit nung Elric na yun edi sana naiganti kita dun sa hudas na mapanglait na yun. Akala mo ku--"

"Cass," putol ko sa kanya. "Ayoko ng maalala, please. Kinakalimutan ko na eh."

Alam kong concern lang sya sakin at alam ko din kung gaano siya, or sila nila Cess at Mira, kainis kay Marione pagkakwento ko sa kanila ng nangyari pero ayoko ng maalala pa yun. Tanggap ko naman ng iba sya sa inaakala ko, pero mahirap pa ring marinig ang katotohanan. 

Narinig ko pa siyang bumuntong-hininga. "Fine. Sorry."

Nag-iba tuloy ang atmosphere sa sala dahil sa naging usapan. Hindi na rin ako kumibo nang manahimik siya. Dumadaing pa rin kasi sa sakit si heart kapag napapag-usapan ang nangyari. 

Nanatili nalang kami sa panonood ng tv kahit palipat-lipat ng channel si Cass. At dahil may balak pa yata siyang gawing piano yung remote, pinabayaan ko nalang tutal ay naglalakbay din naman kung saan-saan ang utak ko. 

Ilang sandali pang nanaig ang katahimikan bago pa namin marinig ang doorbell. Napaisip naman ako. Wala naman akong inaasahan ngayon, wala ring ibinilin si Cess sa akin kung may magpupuntang kakilala. 

"May inaasahang kang bisita?" usisa ni Cass. 

"Wala," nagtataka kong sagot. 

Agad akong lumapit sa pinto habang ibinalik naman ni Cass ang tingin sa tv. 

Nalaglag yata ang panga ko pagkabukas ko ng pinto. Hombre. Husme, may Greek God na nahulog galing langit. Nagmimilagro si Lord. Naglaglag ng hombre sa pintuan namin. Grabe, kinabog na niya ang mga nakikita kong model at artista sa tv. 

Looking at him, mukha siyang may pupuntahang business meeting. Soft but manly ang features nya. Mula sa hindi kakapalang kilay, expressive pero makikitaan ng kapilyuhan ang mga mata, matangos na ilong hanggang sa manipis at mapupulang labi, walang sinabi ang mga artista. Pero mas gwapo pa din si... 

Nagitla ako sa bigla kong naisip. Siya na naman ba ang comparison? Binalingan ko ulit ng atensyon ang lalaki sa harap ko at pinasadahan ng tingin, head to foot. Napaka-formal nito sa business suit na suot. Lalo tuloy nakagwapo sa kanya. Pati ang tangkad. Para na siyang lumabas sa magazine at kumatok sa pinto ko. Pero mas maganda pa ring magdala ng damit si Marione. 

Tsk. Ano ba? Ipinilig ko ang ulo ko. Nakangiti na sakin si Mr. Handsome. Masyado ko na yata siyang pinagmamasdan. Kahit gwapo sya sa ngiting yan, kay Marione lang nalalaglag ang panty ko pag ngumingiti. 

Napasinghap ako sa naisip. Buset na utak to, hindi ba talaga titigil kakaisip sa ungas na yun. Kailangan ko na talaga ng mapapaglibangan para hindi kung saan-saan napupunta ang utak ko. 

"Uh... Hi!" tila naiilang na bungad ni kuyang gwapo. Medyo napatagal yata ang pagmamasid ko. Peste, may naalala ako sa kuyang gwapo. Urgh. 

Nginitian ko siya ng matamis. May gwapo na sa harap ko, sya pa iniisip ko. Pambiriha naman. 

"Hello, Mr. Handsome," nakangiti ko pa ring sagot sa kanya. 

He smiled humbly. Oo nga mas gwapo si Marione pero nakakakilig din naman itong ngumiti. Teka nga, gwapong naka-business suit, hindi kaya? 

"Looking for someone?" pagkukumpirma ko.

Nabasa niya siguro sa reaksyon ko na alam ko na kung sino ang hinahanap niya kaya sumeryoso ang mukha nya. Nagtaka man ako kung paano niya nalaman ang lugar ko, hindi ko na tinanong. Maybe he had ways. Hindi naman siguro sasabihin ni Cass dito ang address ko para sundan lang sya. 

"Is she?" nag-aalangan niyang tanong. Akala nya siguro naiinis ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Hmm. Tingin ko, it's unnecessary lalo pa't sinundan pa niya dito. Baka naman may namumuo na. 

Napangisi ako ng wala sa oras. "Cassidy," tawag ko sa loob. "May naliligaw na Greek God dito, hinahanap ka."

"Ano?" curious na tanong ni Cass saka lumapit sa amin. 

Natigilan siya sa paglapit ng makita kung sino ang bisita. Ang kaninang kalmado niyang mukha ay napalitan ng pagkairita at inis. Agad ang tensyong bumalot sa paligid. 

"Anong ginagawa mo dito?" hasik agad ni Cass. 

"Sinusundo ka," matigas na sagot ni Mr. Handsome na kung hindi ako nagkakamali ay ang Elric na sinasabi niya. 

Uh-oh. Mukhang hindi maganda to. Feeling ko kailangan ko ng umalis dito at baka pati ako madamay. 

Laking pasalamat ko ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa coffee table. Nanatili pa rin ang dalawa sa kinatatayuan habang nagsusukatan pa rin ng tingin. Hindi ko naman na sila inintindi at kinuha nalang ang cellphone ko. Agad ko iyong sinagot pagkakita ko sa pangalan ni Cess sa screen. 

"Hello, Cess," bungad ko. 

"Nikki, pumunta ka dito sa resto. Bilis. Gusto kang kausapin ni Sir Eros," diretsahang sabi nito ng may pagmamadali. 

Nabigla man ako sa sinabi ni Cess ay agad din akong nakabawi at binalingan ang dalawa. Mukha namang nabawasan na ang tensyon kaya hinarap ko si Elric na nakatayo pa din sa may pinto. I mentally slapped myself. Hindi ko pa nga pala siya napapapasok. 

"Ehrm..," basag ko sa katahimikan. "Elric, right?" paninigurado ko pero hindi na ako naghintay pa ng sagot nang lumingon na sya sakin. "Come in."

"Dominique--," reklamo ni Cass. 

"Bisita siya Cass so better treat him nicely", putol ko sa kanya bago pa siya makapaglitanya. Alam kong kokontra sya pero this is my place kaya kailangan niyang sumunod. "Ikaw na ang mag-asiste sa kanya. Ikuha mo ng juice at makakain. Kailangan kong umalis, pinapupunta ako ni Cess sa resto. Hindi ko alam kung bakit."

"Sasam--"

"Hindi. Dito ka lang. Nakita mong may bisita tapos iiwan mo?" Tinignan ko sya ng masama. Tsk tsk. Tatakas ka pa ee. 

Ibinalik naman nya sakin ang matalim na tingin. Alam kong sinasakal niya na ako sa utak nya pero tingin ko kailangan nilang mag-usap. Hindi naman siguro pupunta dito tong gwapong to kung walang pakialam sa kanya. 

"Tss," angil ni Cass pero hindi ko pinansin. Nilingon ko ulit si Elric. "Upo ka muna handsome. Si Cassidy na bahala sayo."

Nakita ko namang napangisi ang gwapo, yun nga lang hindi ko alam kung dahil sa inaddress ko sa kanya o ang kaalaman na mapagso-solo silang dalawa ni Cass. 

Nagdadabog namang sumunod si Cass at nagpunta sa kusina habang naupo naman sa sofa si Elric. Mukha namang hindi pa magpapatayan itong dalawang ito kaya pumanhik na ako para makapagbihis. 

Related chapters

  • Kismet   Chapter 10

    >x<"Thank you po, sir," pasasalamat ko sa may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuhan ni Cess saka diretsong lumabas ng opisina nito para kitain ang kaibigan kong naghihintay sa labas.Pagkabihis ko kanina ay nagmadali agad akong pinapunta ni Cess dito sa restaurant dahil gusto daw akong kausapin ng amo nya. Sinabi nya daw kasi dito na kung maaari nya akong maipasok kahit waitress man lang. Pumayag naman daw agad ang amo nya kaya tinawagan niya ako agad.Matagal ko nang nahahalata na malakas si Cess sa may-ari dahil sa ilang benepisyong nakukuha nito na minsan ay higit sa karaniwan. Minsan nga naisip ko pang may namamagitan na dito at dun sa boss dahil kapag nalelate ito ng uwi ay laging inihahatid ng huli. Kung tutuusin, wala naman sigurong masama kung magkakatuluyan ang

    Last Updated : 2021-07-06
  • Kismet   Chapter 11

    >xi<Nasilaw ako bigla sa liwanag ng ilaw nang idilat ko ang mga mata ko. Itatabing ko pa sana ang braso ko para maidilat ang mga mata ko nang bigla akong makaramdam ng pagkirot mula sa kanang braso ko."Ah..." napadaing ako nang hindi lang simpleng kirot ang naramdaman ko duon kundi sakit na sumisigid sa buto."Don't move too much with your right arm," malumanay na sabi ng isang babae mula sa tabi ko.Tuluyan na akong napadilat at agad na binalingan ang babae. Parang may artista akong kaharap. Una ko agad napansin ang bilugan niyang mukha. Ang dark blonde nyang buhok, maayos na pagkakaahit ng kilay, malalantik na pilikmata, brown ang mga mata, matangos na ilong at manipis na labi, artistahing-artistahin. No

    Last Updated : 2021-07-06
  • Kismet   Chapter 12

    >xii<"Bakit nagpaiwan ka pa? Umuwi ka na din. Kaya ko na ang sarili ko. Salamat sa tulong." Sinadya kong palamigin ang boses ko. May parte sa akin na gusto syang makasama kahit sandali pero may parte din na ayoko na syang makita. Ngunit sa dalawang iyon ay mas nananaig ang una. Pero kailangan kong kumapit sa realidad dahil iyon ang tama."Does it still hurt?" concern evident in his voice. Lalo tuloy lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi man lamang niyapinansin ang mga sinabi ko."Hindi mo na kailangang magkunwari na nag-aalala. Kaya ko na ang sarili ko. Umuwi ka na," sagot ko nang hindi pa din siya sinusulyapan. Narinig ko pa ang kanyang malalim na buntong hininga. Restraining himself from another outburst, maybe.

    Last Updated : 2021-07-06
  • Kismet   Chapter 13

    >xiii< "Nikki... Please... Don't fall in love with me... " Ang huli niyang sinabi sakin bago siya umalis sa ospital ilang buwan na ang nakakaraan. Tsk. Parang gusto kong maiyak kapag naaalala ko iyon. Gago na yun. Para na niyang sinabi na wag akong huminga. Pwes para sabihin ko sa kanya, huli na siya. I already fell for him. Peste namang mata to, nagbabadya na naman. Oo na, umiyak ako ng mismong pagkaalis nya. Pero pinapangako ko, iyon na ang huling pagkakataong iiyakan ko sya dahil itaga nya sa bato, kakalimutan ko na talaga sya. Akala nya kung sino sya, bwisit na yun. Teka nga, bat ba inaalala ko yung hinayupak na yun. Umagang-umaga sya agad nasa isip ko. Dapat wala na akong naaalala. Wala na akong kilalang-- Ugh! Hindi ko na

    Last Updated : 2021-07-08
  • Kismet   Chapter 14

    >xiv<Kailan ko ba huling nakita ang ngiti niyang iyon? O kung nakita ko na ba iyon? Pati ang abohin niyang mga mata na tumatagos sa kaluluwa kapag tinititigan ka. Parang gusto ko nalang tumitig doon. Ayoko nang pumikit dahil baka wala na siya pagdilat ko. Nakaramdam ako bigla ng kalungkutan ng matuon ang tingin ko sa kasama niyang babae. Sino kaya iyon? Girlfriend nya o baka naman asawa? Isipin ko palang na alin iyon sa dalawa ay ramdam ko na ang pagkadurog ng puso ko paano pa kaya kapag totoo? Kung sabagay, ito ang nababagay sa kanya. Elegante, edukada, mayaman. Hindi tulad ko. Ugh! This is hopeless. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Parang bigla ay gusto kong umiyak.Nasa ganoon akong posisyon ng biglang lumingon sa gawi ko si Sir Loki saka ngumiti sa akin. I blink back the tears immediately saka ngumiti

    Last Updated : 2021-07-08
  • Kismet   Chapter 15

    >xv< Buong akala ko ay mababawasan na ang sakit paggising ko pero nandito pa din. Buong-buo. Walang labis, walang kulang. Kung pwede lang tanggalin nalang ang puso ay ginawa ko na. Napakatanga mo kasi Dominique, hinayaan mo ang sarili mong mahulog. Lakas tuloy ng lagapak mo. Pakiramdam ko ay isang buwan na ang lumipas sa maghapong ito. Napakatagal lumipas ng oras. Kulang nalang ay hilahin ko ang kamay ng orasan para bumilis ito. Gusto ko nang umuwi hindi dahil sa kung ano pang bagay kundi para magkulong ulit sa kwarto. Pambihira kasing lalaki iyun. Hindi ko naman pwedeng sabihin na sana di ko na lang siya nakita o nakilala dahil utang ko sa kanya ang puri ko. I mean, buhay ko pala. Paano ba ang g

    Last Updated : 2021-07-08
  • Kismet   Chapter 16

    >xvi<Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig? Hindi ba niya alam na masakit? Gusto ko na syang sapakin para maramdaman nya ang sakit na nararamdaman ko pero alam kong hindi ko iyon kayang gawin. At lalong hindi rin iyon sapat. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng mga sulok ng aking mata. Hindi ko na yata matatagalan ito."Tama," may kalakip na sakarsmong sagot ko para maitago ang sakit. "Sino ba naman ako para pag-aksayahan mo ng napakahalaga mong oras. Isa lang naman akong hamak na probinsyana para sa iyo."Nanatili ang mga mata ko sa harapan habang ang isip ay kinakain ng kawalan ng pag-asa. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang bawat hakbang niya na hindi ko malaman kung saan papunta. Baka paalis na."Sa tingin mo

    Last Updated : 2021-07-09
  • Kismet   Chapter 17

    >xvii< Posible pa pala ang ganito. Ang magustuhan din ng taong gusto mo. Want, just the same with like and the start of love, di ba? Okay na yun kaysa wala di ba? Hanep, parang gusto kong magtatalon sa tuwa. Parang hindi pa din ako makapaniwala. "Totoo ba ito?" wala sa loob na tanong ko habang nakapikit at ninanamnam ang init ng yakap nya. Kailangang sulitin dahil baka di na maulit. Bahagya siyang natawa bago sumagot. "Yes, this is real. Why, you still can't believe it?" aniya at hinigpitan ang pagkakayakap sakin kaya't ultimo hangin ay hindi na makadaan sa pagitan namin. Hindi na ako makasagot kaya tumango na lamang ako. Napasinghap ako ng makaramdam ako ng malambot na bagay na dumampi sa sulok

    Last Updated : 2021-07-09

Latest chapter

  • Kismet   Chapter 30

    >xxx<Hindi ako mapakali habang nasa byahe kami ni Marione pauwi ng Pangasinan. Gusto ko sanang ako nalang ang umuwi para hindi na siya maabala pero nagpumilit pa rin siya. Isa pa ay hindi din daw sya mapapakali kung pababyahehin niya akong mag-isa kaya sumama na siya. Hindi ko naman maialis ang isip ko sa pamilya ko at sa sinabi ni Angelo sa linya kanina. Inatake daw si tatay na siya namang ipinagtataka ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala sa lahi nila ang may sakit sa puso kaya hindi ko malaman kung bakit siya bigla nalang inatake.Sa tana kasi ng buhay ko ay ngayon lang inatake sa puso si tatay. Halos halukayin ko na ang utak ko sa posibleng dahilan para atakehin ito pero wala naman akong maisip. Wala naman kasi silang sinasabing problema sa lupang sinasaka nila, hindi rin naman ako pumapalya sa pagpapadala sa kanila buwan-buwan.

  • Kismet   Chapter 29

    >xxix<Halos inip na inip ako sa maghapon habang hinihintay na gumabi. Ewan ko ba kung bakit ganito. Hindi rin kasi maalis sa isip ko si Marione at sa kung ano na ang estado namin. Maging ang tungkol kay Mira ay hindi rin maalis sa isip ko. Ayokong manghusga pero hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong kung bakit at paano niya nagawang maglihim sa akin ng tungkol kay Jake.Napabuntong-hininga ako habang nakapalumbaba sa may counter at nakatunghay sa mga naglilinis na mga kasamahan ko sa buong restaurant. Sarado na rin kasi kami at naglilinis na lamang bago umuwi. So far wala pa naman nakakapansin sa pagtunganga ko dito kaya't malaya pa rin akong namamahinga. Nakakatuwa din kasi silang pagmasdan na habang abala sa pagpupunas ng mga lamesa at pagma-mop sa sahig ay walang katapusan ang chismisan nila at labasan ng sama ng l

  • Kismet   Chapter 28

    "Why don't you turn around so we can talk properly, wallflower?" panunubok ko sa kanya ng wala akong makuhang reaksyon.Nakalimutan na kaya niya ako? Shit! Just the thought of her forgetting me, pisses me off. How dare her forget me so easily while I'm still stuck here wanting to see her again. Nauubusan na ako ng pasensya ng hindi ko man lang siya nakitang natinag sa kinatatayuan. Didn't she want to see me? Napakuyom ang kamay ko."Or should I call you , Dominique, Miss wallflower?" Ani ko na sadyang hinaluan pa ng sarkasmo. I am Marione Alistair Eldritch, CEO of the well-known Eldritch Hotels Inc. and son of the shipping magnate, Marcus Eldritch. She can never get rid of me. Even if she tries to forget me, well, too bad. I'll never let her.

  • Kismet   Chapter 27

    >xxvii<I snarled at her but she just stared at me like she was still shocked by what she did. She looked horrified while tears brimming down her beautiful face. My hands itched to wipe off her tears. Bigla ay nakaramdam ako ng pagkaalarma nang makita ko siyang nanginginig. Parang may kung ano tuloy sa akin na parang gusto siyang hilahin at ikulong sa mga bisig ko."Miss, you alright? Are you hurt?""Dominique!"Someone from afar shouted. Nakita kong nanginig lalo ang dalaga saka atubiling lumapit sa akin. I guess that was the guy who ran after her a while ago.I can't help but to stare at her eyes. Para kasing nang-aakit iyon na tumingin dito kahit na hilam na ito ng luha at nababahiran ng takot. Nainis ako bigla. Why does these eyes have to be shadowed wit

  • Kismet   Chapter 26

    >xxvi<*Marione's*I went straight to my parents house pagkatapos kong maihatid si Nikki sa trabaho. Bumusina ako para ipaalam ang pagdating ko at para na rin pagbuksan ng gate. Hindi rin naman nagtagal at pinagbuksan din ako.Agad akong nagmaniobra papasok at nag-park sa may garahe. It was a huge space packed with cars in different sizes before. But now, it was only my parents' was there. Well, my brother and his wife already have their own house and family anyway.Pagkaibis ko ay may naghihintay agad na maid sa akin para kunin ang dala kong coat at case. Pagkaabot ay dumiretcho na ako sa loob ng malaking kabahayan. Pagkabukas ko ng pinto ay ang pamilyar na malaking chandelier sa taas ng malawak na sala ang nabungaran ko. Sa magkabilang gilid naman ay ang eleganteng hagdan na halatang alaga sa linis. Habang nagmamasid

  • Kismet   Chapter 25

    >xxv< MALIWANAG na sa labas ng magmulat ako ng mata. Ang sarap ng tulog ko kagabi. Nanaginip pa yata ako na katabi ko daw si Marione. Natigilan ako ng may maramdaman ako na marahang paghinga sa tabi ko. Lilingunin ko na sana ito ngunit hindi ko na nagawa dahil nakasiksik ang mukha nito sa leeg ko. Agad na gumapang ang kilabot sa buong katawan ko. Bibiling na sana ako ngunit hindi ko rin nagawa dahil naroon din ang braso nito sa may tiyan ko at ang mabigat niyang hita na nakadantay sa binti ko. Hindi ako makagalaw pero ayos lang. Ang sarap matulog na katabi siya. Kung sana ay laging ganito ang magigisnan ko sa umaga. Nuon ko napansin ang kumot na nakapatong sa amin. Wala naman akong kinuhang kumot kagabi dahil di ko naman akalain na dito na kami makakatulog. Natigilan ako ng may maalala.&n

  • Kismet   Chapter 24

    >xxiv<Habang nasa daan ay walang kumikibo sa aming dalawa ni Marione. Ramdam ko pa rin ang tensyon mula sa nangyari. Gusto ko sana siyang kausapin kaso para kasing may madilim na aura sa paligid niya na handang manakmal oras na hindi niya magustuhan ang sasabihin ko. Parang hanggang ngayon ay nagtitimpi pa rin siya ng galit. Isa pa, hindi ko din alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na imbes na naroon ako sa tabi niya ay nandoon ako at yakap-yakap ni Jake. Ayokong isipin niyang hinabol ko si Jake pero hindi ko naman magawang magsalita. Kaya nanatili na lang akong nakatingin sa labas habang kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isip.Maya-maya pa ay naramdaman kong huminto na ang sasakyan. Nang lumingon ako sa paligid ay saka ko lang namalayan na nakarating na pala kami sa tapat ng apartment.

  • Kismet   Chapter 23

    >xxiii<"Cass!" wala sa loob na tawag ko sa kanya. Alam kong hindi niya narinig dahil halos pabulong lamang iyon. Akmang lalapitan ko na siya nang maramdaman ko na may kamay na pumigil sa akin. Nalingunan ko roon si Marione na diretchong nakatingin sa akin. Umiling lamang sya dahilan para maguluhan ako. Agad akong napalingon sa dance floor ng makarinig ako ng tilian.Naroon at nakahandusay na sa semento ang kanina lang na kasayaw ni Cass. Pinupunasan nito ang labi na marahil ay sa pagdurugo dahil sa suntok ng lalaking bigla nalang sumulpot sa kung saan. Lahat ay nabigla sa bilis ng mga pangyayari kaya’t hindi agad na napigilan ang mga iyon. Mabilis na tumayo ang lalaking kasayaw kanina ni Cass at mabilis na dinaluhong ang bagong dating. Nasa mukha nito ang galit at nasa mga mata ang pagnanais na

  • Kismet   Chapter 22

    >xxii< Tila ako naitirik sa kinatatayuan ng marinig ko ang pamilyar na baritonong boses na nanggaling sa likuran ko. Mahina lamang iyon pero sapat na para makarating sa aking pandinig. Agad na nanindig ang balahibo ko sa nerbyos at takot habang parang may tila vtr na nag-play sa utak ko ang mga nangyari ilang taon na ang nakakaraan. Bigla ay parang gusto ko nang tumakbo palabas sa lugar na ito at bumalik sa kotse ni Marione. Si Marione! Goodness! Bakit ba kasi lumayo ako sa kanya? "Hindi mo man lang ba ako haharapin? It's been years since we last saw each other." Hinawakan niya ang siko ko at pinaharap sa kanya. Pakiramdam ko ay para akong estatwa na nakatayo sa harapan niya.

DMCA.com Protection Status