SI LIBERTY KAAGAD ang unang tiningnan ni King nang makapasok sa kwarto nito. Makikita ang labis na pag-aalala sa kanya nang makita ang kalagayan ng babae. Pawis na pawis si Liberty at makikita rito na nahihirapang huminga. Mahahalata rin na wala ito sa wisyo dahil kung saan-saan tumitingin. Talo pa ang nagdedeliryo ng babae kahit pa ang dahilan lamang ay nakaamoy ito ng kung ano sa tela na iyon.Sinubukan pa ng binata amuyin iyon upang malaman ang nakalagay doon. Sa isang singhot pa lamang ni King ay dali-dali na kaagad ang paglayo niya sa panyo kasabay nang malakas niyang pagmumura.“What the fvck?” malakas ang kanyang naging bulalas dahil sa galit. “Is he trying to r@pe you—no! That’s what he’s going to do!”Sa isiping iyon pa lamang, gusto niyang balikan ang empleyado at bugbugin itong muli. Ngunit sa isiping kailangan niyang iwan si Liberty, pilit na kinakalma ni King ang kanyang sarili. Hindi niya pwedeng maiwan ito sa ganitong kalagayan.“What’s wrong with me?” naiinis niyang t
KAILANMAN HINDI PUMASOK sa isipan ni Liberty na magigising siya isang araw na gumagawa ng makamundong bagay. Wala siyang kahit na anong maalala sa mga nangyari sa kanya nang maggising at makabalik sa wisyo. Ngunit hindi siya maaaring magkamali sa nagawa dahil na rin sa nagkalat niyang damit sa lapag at makita ang sarili na hubo’t hubad nang makatapat siya sa salamin.Takot ang unang namayani sa kanya nang mga sandaling iyon habang maraming tanong ang pumapasok sa kanyang isipan. Wala sa sariling isa-isa niyang pinulot ang mga damit at isinilid iyon sa isang lalagyan. Sinigurado niyang bago siya makalabas ng kwartong iyon ay presintable ang kanyang damit at hindi siya magmumukhang kawawa sa kahit sinong makakaharap sa labas.Sa paglabas niya ng kwarto, unti-unting nanunumbalik sa kanyang isipan ang mga pinagdaanan sa kamay ni Diego. Sa isipin pa lamang na lahat ay ginawa niya upang makapanlaban dito ay kinikilabutan na siya. Hanggang sa gumunita sa isipan niya ang sandali na mag-black
“ANO BANG PINAG-AALALA mo?” nahihilong tanong ni Olga kay Celine.Heto na naman ang pagbalik-balik na paglalakad ng asawa ni Mr. Walton habang bakas sa mukha nito ang matinding problema ang kinahaharap.“I’m just telling you this because—”“Paano kung magsumbong pala iyong palpak na lalaking iyon?” hindi na nito mapigilang tanungin. “Isa kang Romanova, Olga. Bakit ka bumababa sa ganyang lebel? Why are your wasting your time to that cheap woman? May asawa na iyong tao. She’s not even a threat to you—”“Shut up!” nag-echo ang boses niya sa kwartong iyon.Si Celine na marami pang sasabihin ay nahinto sa pagsasalita dahil sa malakas na pagsigaw niya.“Don’t even think about saying anything to me! Why are you so worried? It's not your name that will be implicated in the crime just in case,” kalmadong sambit ni Olga. “Don’t even think about him. Hawak ko siya sa leeg. I know what I’m doing. Hindi pa ako pumalpak na kahit minsan.”“A-ano na namang ginawa mo?” bakas sa boses ni Celine ang pag
KANINA PA ANG pagpaparoo’t parito ni Liberty sa loob ng kanyang kwarto. Malaya niyang nagagawa ang mga ganito dahil magkalayo sila ng silid ni Duncan katulad na rin ng gusto niya. Heto na naman ang pagdadalawang-isip niya na gawin ang nais. Hindi niya maintindihan ang sarili. Pagdating kay King, tila ba hirap na hirap siya gumawa ng desisyon. Napakadali lang naman ng kailangan niyang gawin. Tatawagan lang ang binata at magpapasalamat siya rito ngunit inabot na siya ng ilang minuto ay hindi niya pa rin iyon magawa.Sa huli, naging buo na ang pasya niya, nag-dial siya sa binata. Napakapangit kung magpapadala lamang siya ng mensahe rito. Mas pormal sana kung makapagpapasalamat siya sa trabaho ngunit sa susunod na linggo pa ang balik niya sa kumpanya nito. May mga kailangan silang ayusin ni Charles at minamadali na iyon.Kasabay ng pagpindot niya ng dial, ang siya ring pagkatok ng asawa niya sa kanyang pinto. Dali-dali tuloy ang pagtaob niya ng cellphone na hindi napansin ang pagtuloy pag
MAINIT NA NAMAN ang ulo ni King nang pumasok sa opisina. Ilang araw na iyong nangyayari magsimula noong marinig niya ang mga sinabi ni Liberty sa asawa nito. Hindi rin siya makapagtrabaho nang maayos dahil bigla na lamang iyong sumasagi sa kanyang isipan ang sinabi nito.Halata rin sa nanlalalim niyang mga mata na ilang araw na siyang walang tulog kahit pa nasa bahay naman ang mommy niya na nagbibigay ng kapanatagan sa kanya.Pabagsak na nailapag niya ang makapal na dokumentong binabasa dahil nasa labas pa rin si James at inaayos ang problema na gawa ng mga Walton. Naiinis na nahilot niya rin ang kanyang sentido kasabay ng paghinga nang malalim.“You look wasted, King!” sabi ni Charles na kapapasok pa lang ng kanyang opisina. “And you’re here to waste my time again!” lalong naging mapakla ang mukha ni King nang makita ang kaibigan.“Dinadalaw lang naman. Ang arte—”“I’m not a prisoner, Charles.”“I’m not a prisoner, Charles,” panggagaya sa kanya ng kaibigan na may kasamang pang-aasar
HETO NA NAMAN ang malapad na ngiti ni Celine nang makita ang resulta ng ginawa niyang paninira sa mga Salvantez. Isa-isa ng bumabagsak ang kompanya na matagal nilang pinaghirapan.“They really love my drama, Hon!” proud na sabi ni Celine. “Ilang investors na ang tumanggi sa mga Salavantez. Lalong-lalo na application na ginawa ng babaeng iyon.”“I’m so lucky that you did not pursue your acting career.” Umiiling na sambit ni Frank.Heto na naman ang matinding pagngisi ni Celine. Hindi siya makapaniwala na magagawa niya itong lahat nang walang tulong ni Olga. “It’s time for the Salvantez to step down. Being at the top for more than a decade couldn’t save them now. Sila naman ang luluhod sa atin,” nakangiti pa ring sambit ni Celine bago maglaho iyon nang maaalala ang nangyari sa sariling party. “Pinahiya nila ako! Parang hindi ko na ulit makikita pa ang sarili ko na magpa-party.”“Hon…” “Do you think magkakagusto na talaga si Olga sa isang Salvantez?”“Your friend loves challenges, Hon,
MAKIKITA SA MATINDING pamumula ni Liberty ang inis na hindi niya na mapigilan sa lasing na nasa kanyang harapan. Marami na siyang iniisip pero dumagdag pa ang pambabastos nito sa dapat niyang bigyang pansin.Dahil ang atensyon ng mga nasa loob ng club ay nasa kanilang mga kausap, walang nakapansin sa gulong ibinibigay nito na naging dahil upang tumagal pa ang kanilang argyumento.“Iyang alak, sa tiyan mo ilagay, huwag sa ulo!” napipikon niyang sambit dito. “Kung tapos ka ng umubos ng pasensya ko, padaanin mo na ako—”“Walanghiyang babaeng ‘to!” galit na sambit ng lalaki. “Sinampal mo ako?” hindi nito makapaniwalang tanong.Natawa si Liberty. “Hindi ba parang masyado ng huli iyang reaksyon mo? Tumabi-tabi ka sa dinaraanan ko—”“Ang dapat sa mga katulad mong babae ka ay nagtatanda!” mas nagalit ito habang pilit siyang hinihila paalis sa lugar na iyon.Matindi ang naging pagpupumiglas ni Liberty ngunit dahil mas malakas ang lalaki ay natatangay pa rin siya nito. Dahil rin sa paghila niya
“PATI BA NAMAN pag-uwi ko kailangang bantayan mo pa,” puna ni Liberty nang makapasok sa bahay ni Duncan.Masyado ng sira ang buong araw niya para dagdagan pa ng asawa. Tama na ang mga kamalasang nangyayari sa kanya para makisali pa ito sa init ng ulo niya.“Tinatanong lang kita kung saan ka galing—”“But the way you are asking?” ganoon na lamang ang kanyang pag-iling. “I’m not even your prisoner na kailangan mong bantayan bente-kwatro oras, Duncan.”“Magsisimula na naman ba tayo sa pag-aaway?”“Sino ba ang parating nagsisimula?”Heto na naman ang nagmamalaking pagngisi ni Duncan. Alam niyang pagsisimulan na naman iyon ng away kaya ang plano niya’y magtuloy-tuloy na pagpunta ng kanyang kwarto. Ngunit natigilan siya nang magsalitang muli si Duncan.“Sa tingin mo, hindi ko alam kung bakit ka narito?”Dahil sa sinabi ng asawa, nabato si Liberty sa kinatatayuan habang akma ang pag-akyat niya ng hagdan. Nang mga sandaling iyon din ay ganoon na lamang ang matinding pagkabog ng kanyang dibdib
“D-DIYOS KO NAMAN…” mahinang bulong ni Cole. “Ang yaman-yaman mo, gusto mo magnakaw tayo?” Ilang beses na nahilamos ni King ang palad niya sa kanyang mukha. May magagawa ba siya kung ito ang gusto ng asawa niya?“Huwag kang tumawa riyan, Charles! Kasama ka ring magnanakaw!” pagbabanta ni Cole sa kaibigan.Ganoon na lamang ang pagsibangot ni Charles. Hindi rin ito nakaligtas sa paglilihi ni Liberty. Ngayon tuloy magkakasama silang apat para lamang gawin ang isang bagay na kailanman ay hindi nila akalaing magagawa.“Secretary lang naman ako, bakit kailangan kong masali rito?” tanong din ni James.“All for one, one for all! Kapag nakulong naman tayo magkakasama rin.” Umiiling na sambit ni Charles habang todo pa rin ang pagyuko sa pagpasok nila sa bakuran nang may bakuran.“Paano ba nalaman ng asawa mo na may kambal na saging dito, King?” problemadong tanong ni Cole.“I don’t know,” sagot ni King na pulang-pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. “Malamang niyan kasama niya na naman si Ruff
DAMA NI KING ang pagbagal ng kanyang mundo. Kung maaari lamang din ay gusto niya ng pahintuin ang pag-ikot nito. Si Liberty lamang ang kanyang nakikita. Ang babaeng dati’y pinangarap niya lamang ay narito sa kanyang harapan at ikakasal sa kanya. Tinanggap niyang hindi na ito mapapasakanya dahil may nagmamay-ari ng iba rito. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi siya nakikita sa pagtitipon ng Salvantez. Ikinakatakot niya na mas magustuhan pa ito at maging dahilan ng kanyang pagkabigo.Maraming pagkakataon na parati siyang kalmado. Kailanman ay hindi niya nailabas ang emosyon sa maraming tao. Ngunit iba ang araw na iyon. Napakaespesyal sa kanya na hindi siya magtatangka na masira. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni King habang papalapit ang babae na makakasama niya sa panghabangbuhay. Para sa kanya, ang salitang iyon ay isa lamang malaking pantasya ngunit narito na ito at binago kung paano niya tignan ang mundo. Habang patungo sa altar si Liberty, muli niyang naalala ang u
“KILALA NIYO BA ako? Isa akong Romanova! Romanova ako!” “Walang kahit na sinong makakatapak sa akin!” “Kilalanin niyo ang binabangga niyo!”“King, King, come here! Be with me! We should be together—hindi kayo bagay ni Liberty!”Iyon ang mga paulit-ulit na sinasabi ni Olga nang dumalaw sila sa pasilidad kung saan matutukan ito ng mga doktor. Ganito ang sitwasyon nito sa oras na sumpungin ng kanyang sakit. Hindi nila alam kung paano nangyari, ngunit isang araw ay nagiging kaaway na nito ang mga inmate sa kulungan dahil bigla na lamang nagwawala, umiiyak, o kaya naman nagsisigaw.Hindi alam ni Liberty kung anong mararamdaman niya mula sa sitwasyon sinapit nito nang mabaliw. Ang alam niya’y nagmahal lang ito nang totoo. Ngunit ang pagmamahal na iyon ay sobra. At lahat ng labis na nakasasama.Naniniwala din siya na sa oras na ipilit ang sarili sa mga bagay na hindi naman para sa atin, lalo lamang ipamumukha sa atin ng tadhana na hindi ito ibibigay.Humigpit ang hawak ni Lenard sa kamay n
“KAMI NA ANG bahala rito,” sabi ni Jude na kadarating lamang sa pinangyarihan ng insidente. “Huwag niyong hayaan na pagpyestahan ng media si Benjamin,” sabi ni Cole. “Sa kabila ng mga nagawa ng kapatid niya, naging mabait pa rin sa akin ang tatay nila King.”“I know what I am doing,” sagot naman ni Jude.Dumating ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente habang si King ay tulala pa rin. Kinailangan pa siyang tulungan ng kaibigan para lamang makatayo mula sa pagkakasalampak.“L-let’s go to the hospital…” iyon kaagad ang sinabi niya rito.Hindi niya na nagawa pang intindihin ang mga naging tanong sa kanya ng pulis at tanging ang nasa isipan lamang ay ang asawa na maaaring nahihirapan ngayon sa panganganak.Nagpatiuna rin si Cole sa kanya upang ito na ang magmaneho ng sasakyan.Habang nasa biyahe sila ay mas tumitindi ang kaba na kanyang nararamdaman. Matindi pa rin ang pagkakapisil niya sa braso na may sugat. Siya na mismo ang kumontra na magpagamot at gawin na lamang iyon sa hospital
HINDI SI KING ang uri ng tao na gagawa pa ng pagsisihan niya sa huli. Nakalimutan ng mga ito na kung ang kalaban niya ay tuso, mas nagiging tuso rin siya at hindi mapagpatawad. Kaya naman nang makita niya ang ngisi ng kapatid noong mahuli ito ng mga pulis, kaagad ang naging pagdedesisyon niya. Plinano niya ang mga hakbang na gagawin nang walang makakapansin sa kanya.Kaagad ang naging pagtawag niya kay Cole at sinabi na sikretong magpadala ng mga tauhan sa kanilang bahay. Malaki ang koneksyon nito, mabilis na nakakuha ito ng bilang na kakailanganin. Hindi rin gumawa ang mga ito ng hakbang nang patayin ang tauhan niya na nagbabantay sa tarangkahan. Iyon lamang ang nakitang paraan nito upang mailigtas pa ang mas maraming buhay na nasa looban.Habang nasa byahe ang sinasakyan niya kasama ng mga tauhan ni Benjamin ay nagsisimula namang magdis-arma ng bomba ang mga eksperto sa panig ni Cole. Kinailangan niyang makakuha ng maraming oras para gawin iyon.Nang mga sandaling iyon din ay nahuli
“A-ANO?” NAPABALIKWAS NG tayo si Liberty nang marinig ang naging pag-uusap ni Benjamin at King.Hindi niya alam kung dahil din sa kaba kaya ganoon na lamang ang pagguhit ng sakit sa kanyang tiyan pababa sa kanyang hita.“B-bomba?” hindi niya makapaniwalang sambit habang hawak pa rin ang kanyang tiyan. “Ang bahay napapalibutan ng bomba?” Mali ba na umuwi sila? Dahil sa pagpupumilit niya na sa sariling bansa makapanganak ito ang sasapitin nila. Kung nanahimik na lang sana siya sa ibang bansa kung saan malayo sa lahat, maaaring hindi niya pa nailagay sa panganib ang buhay ng kapatid at ng mga taong isinama niya sa pag-uwi.“Why are you crying?” kalmadong tanong sa kanya ni King. “Don’t cry, Mi Raina. I am here. Walang mangyayari sa inyo ng anak natin.”Dahil sa sinabi ni King, lalong bumagsak ang kanyang luha.Paano nito nakuhang maging kalmado sa kabila ng sitwasyon? Kailan ba sila lulubayan ng mga problemang hindi matapos-tapos?Sa matinding kaba at takot na nararamdaman, hindi na nak
HINDI NAKAGALAW SI King sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya’y namamalikmata lamang siya habang nakatingin sa babaeng inaasam-asam na muling makita.Ang huling sinuot din ni Liberty ang natatanging alaala ang mayroon siya sa bahay na nakalagay pa sa kanyang unan upang sa tuwing mami-miss niya ito ay yakap niya nang mahigpit iyon.At ngayong nasa harapan niya ang babaeng kamukha ng babaeng tanaw niya lamang dati sa malayo ay hindi siya makapaniwala. Tulala sa ilang segundo sa kanyang pagkakatayo si King bago bumaba ang tingin sa tyan nito na napakalaki na.“Tititigan na lamang ba natin ang isa’t isa?” natatawang tanong ni Liberty sa kanya. “Hindi mo ba ako yayakapin, King?”Napadilat-pikit ng mga mata niya ang binata. Ang tingin ay na kay Liberty pa rin. Totoo ba talaga ang kanyang nakikita? Hindi ba ito parte ng kanyang ilusyon? Dama niya ang panghihina ng mga tuhod nang sandaling iyon. Habang ang kanyang luha ay pabagsak na sa kanyang mga mata. Hindi niya rin matagpuan ang saril
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot na ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa. Tanging pagtangis lamang na luha nitong ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Isa na ito ngayong baldado.Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga ginawang pagkakasala. Sapat ng magbayad ito sa mga kamaliang iyon.Tamang-tama, kapapasok niya lamang sa hospital nang marinig ang sunod-sunod na pagtunog ng alarma kaya ganoon na lamang ang pagkakagulo ng mga pasyente at staff ng hospital na nasa loob.“Code gray! I repeat code gray!” anunsyong narinig niya sa speaker.Hin
HINDI KAILANMAN PUMASOK sa isipan ni King na aabot ang ganito sa lahat. Hindi niya hiniling na magdusa ang pamangkin sa mga pagkakasala nitong nagawa sa paraang mararamdaman nito na bangungot ang karma na dumating sa kanya. Sa ilang araw na pananatili nito sa hospital, hindi niya nakita na may iba itong ginawa kahit magagamit ang isang kamay na walang posas. Tanging pagtangis lamang dahl sa luhang ito mismo ang may gawa. Parati rin itong tulala at walang kinakausap na kahit sino.Ang pagpapanggap nito, hindi niya akalain na magiging totoo. Sa kabila ng mga pagkakasala ni Duncan sa babaeng pinakamamahal niya, hindi umabot sa punto na humiling siya na danasin nito nang triple ang mga pinagdaanan ni Liberty sa buhay.Galit din sa kanya si Victoria. Siya ang sinisisisi nito sa mga kamalasang nagawa ng anak. Hindi siya sumagot. Wala siyang panahong makipagtalo sa mga baluktot na paniniwala nito. Sa oras na pwede na itong lumabas ng hospital, sisimulan na rin ang trial nito. Hindi lamang sa