Share

CHAPTER 3

Present

“M-manong s-sino ka?” Parang lumalaki na ang ulo niya sa sobrang kaba na nararamdaman, dama na rin niya ang panlalamig ng buong katawan niya. “S-san mo a-ako dadalhin?” Kay-bilis ng andar ng sinasakyan niya at base sa nakikita niya sa labas ng bintana ay hindi na siya pamilyar sa lugar na iyon.

Pero nananatili sa pagmamaneho ang lalaki, mistulang hindi siya alintana nito. Gusto na niyang umiyak ng malakas sa sobrang takot. Hindi niya lubos na maisip na kawakasan na ng buhay niya.

Humugot siya ng malalim na paghinga. Pilit niyang pinagana ang kanyang isip. Kailangan na makagawa siya ng paraan. Ipagtatanggol niya ang sarili kahit ang kapalit pa ay ang kamatayan niya. Hindi siya papayag na magawa ng masamang tao na iyon ang masamang balak sa kanya. Dahan dahan niyang hinawakan ang bukasan ng pinto ng sasakyan, pero sa kasamaang palad ay nakalock iyon. Dahil hindi siya magdadalawang isip na tumalon kahit mabilis pa ang takbo ng kotse.

Hindi niya mapigil na maglandas sa kanyang mga mata ang kanyang mga luha. Naiisip niya ang kanyang ina dahil tiyak na nag-aalala na iyon ng sobra sa kanya. Hinihintay siya nito.

Kaya hindi siya dapat sumuko at panghinaan ng loob.

Matapang niyang kinausap ang nagdadrive.

“Manong sino ka ba? Anong kailangan mo sa akin?” Malakas ang boses niya pero sa malas ay bingi yata ang lalaki. Hindi siya pinapansin. Naiisip niya kasi na bawat minuto na nagdaraan ay lalo siyang napapalayo sa Mama niya at lumalaki ang tsansa na mapahamak talaga siya. “Hoy sinu ka!?” Galit na siya, nababawasan na ang takot niya.

Hinampas niya iyon sa likuran. “Anong kailangan mo sa akin?” Kasabay ng muli niyang panghampas. Naghahanap din ang kanyang mga mata ng maaari niyang magamit na panlaban dito.

Doon na siya tinignan ng lalaki, bahagya iyon nag-angat ng paningin. Nakita niya ang mga matang iyon na parang pinagbabantaan siya, tinititigan siya mula sa rearview mirror. Kaya muli siyang nakaramdam ng matinding takot. Kahit paulit ulit niyang isipin kung kilala ba niya ito ay hindi talaga. Parang ngayon niya lang naencounter ang lalaki.

“A-anong kailangan mo sa akin?” Puno ng takot ang kanyang pagkatao. Wala na siyang kasiguraduhan kung makikita pa ba niya ang pagsikat ng araw sa kinabukasan.

“Miss wag kang mag-alala, walang mangyayari sa iyo na masama.” Iyon lang ang isinagot nito, sa kabila ng marami niyang katanungan. Ewan ba niya kung panghahawakan niya ang narinig sa driver.

Nakita niyang kumilos ang lalaki tapos ay may isinuot ito sa mukha habang nagmamaneho, parang nose protection yata iyon. Kaya lalo siyang naguluhan.

Kasunod niyon ay may parang kinalabit ito sa tagilirang bahagi ng sasakyan. Saka may lumabas na mga usok sa parteng likuran ng kotse. Nagpanic na siya dahil doon. Pinaghahampas niya ang salamin ng kotse. Kahit napakaliit ng tsanta ay umaasa siya na may makakakita sa kanya para saklolohan siya, o mabasag niya ang salamin na iyon para makasigaw siya at makahingi ng tulong sa kahit na sinong tao.

Pero unti unti ng nagdidilim ang paningin niya at buong paligid niya. Pinipilit pa rin niyang panatilihin na gising ang diwa niya pero sadyang matapang ang gamot sa usok na pumapasok sa kanyang baga. Hanggang sa magdilim na ang lahat sa kanya.

FORTEEN YEARS AGO.

“Alex may chika ako sa iyo! Bilis lika dito.” Mukha ngang excited ang kaibigang si Cecile ng oras na iyon. Si Cecile ang pinaka bestfriend niya na maituturing.

Kararating lang niya ng umagang iyon sa loob ng classroom nila. Nasa ikaapat na taon na sila ng mataas na paaralang iyon.

May isang buwan pa lang ang nakalilipas ng magsimula ang school year.

“Ano iyon Cecile? Positive ba iyan?” Tanong niya.

“Oo naman sis, very positive!” May pagpikit pa na sabi nito, kilig na kilig ang face.

“Oh sige ano yan?”

“May newly transfer dito sa section natin, lalaki sis at ang gwapo.” Natawa siya sa narinig, basta talaga gwapo ay buhay na buhay si Cecile.

“Talaga?”

“Yes sis, kahapon nakita ko siya na kausap si Ma’am Tess, may kasamang nanay din at dito nga siya mapupunta sa section natin.” Excited ang tinig nito, medyo napalinga tuloy siya baka kasi naryan na ang sinasabi nito. Pero kilalang kilala niya ang mga mukha nang mga kasama nila. Kaya ibig sabihin ay wala pa ang tinutukoy nito. “Mamaya sis makikita mo siya, i-rate mo sa akin ha, ako kasi 10 out of 10 siya.” Kasunod nga malakas na tawa.

“Alex anong masasabi mo kay Cedrix de Trinidad?” Nasa canteen na sila ni Cecile ng oras na iyon.

Kanina ay nagpakilala nga ang new classmate nila sa harap ng klase. May itsura nga ang lalaki, matangkad, makinis naman at malaki ang katawan.

Pero sa kanya ay normal lang ang itsura ni Cedrix. Mahilig kasi siyang manuod ng mga koreanovela, kaya para sa kanya ay ang mga koreano ang mga gwapo sa paningin niya.

“Okay naman siya.” Sagot niya sa kaharap.

“Okay lang sis?” Takang tanong nito. “Hindi ka nagwapuhan?”

“Gwapo din naman Cecile, magkaiba kasi tayo ng taste, saka diba alam mo naman na ang gwapo sa akin ay mga koreano.” Nakatawang paliwanag niya. Natawa din si Cecile

“Sabagay, mas okay nga iyon wala akong kaagaw kay Cedrix.” Turan sa kanya. Kilala niya ang kaibigan. Pinakamatagal na ang dalawang buwan tapos ay kusa din mawawala ang pagkakagusto nito sa isang guy. Sa tagal nila na magkaibigan ay nasa hundred na yata ang bilang ng mga naging crush nito.

Pansin niya sa bagong kaklase nila ay tahimik lang na tao. Bihira niyang makita na nagsasalita o may kausap. Patingin tingin  lang, pati nga sa kanya ay patingin tingin lang din nahuhuli niya kasi ito, at minsan ay nagtatama pa ang mga mata nila tapos ay ngingitian na lamang niya. Alam niya na naghahanap ang binata ng mga magiging kaibigan.

Hindi kasi siya suplada, halos lahat nga ng mga kakalse nila ay nakakausap niya araw araw, si Cecile lang ang pinakaclose niya sa lahat.

Wiiling siya na maging kaibigan ang bagong transfer na iyon, kung gugustuhin nun.

“Hello.” Napaangat ang mata niya sa nagsalita sa bandang harap niya. Nakaupo siya sa isang bench na nasa ilalim ng puno that time. Wala si Cecile, absent ng araw na iyon. Ang sabi nito sa chat ay not feeling well ito kaya hindi na muna pumasok.

“Hmm, ikaw pala Cedrix.” Nakangiting sabi niya. Medyo nakatingala siya sa lalaki nakatayo kasi ito sa harapan niya, nagbabasa siya ng book

“Eh p-pwedeng makitabi ng upo?” Dama niya na nahihiya sa kanya si Cedrix. Agad naman siyang tumango at bahagyang umusog para bigyan daan sa pag-upo ang lalaki. “Thank you.”

“Mag-isa ka lang dito kaya nilapitan na lang kita, wala din akong kasama kasi.” Paliwanag sa kanya ng katabi.

“Buti nilapitan mo nga ako, wala kasi si Cecile, may sakit kaya nag-absent today.” Pinasisigla niya ang boses habang nagsasalita, gusto niyang maging friendly voice kay Cedrix.

“Ah, ganun ba, sana gumaling siya agad.” Narinig niya sa katabi, nakatingin na kasi siya sa librong hawak. “Alexandra ang name mo diba?”

“Yes, but you can call me Alex for short.” Tapos anyong makikipagshake hands siya sa kaharap. “I’m Alex.” Saka siya ngumiti ng matamis, naiisip na niya si Cecile kung ano ang magiging reaksyon kapag nalaman na nilapitan siya mismo ni Cedrix.

“Alex.” Wala sa loob yata na nasambit ng katabi saka tinanggap ang pakikipagkamay niya. “Ako naman ang nickname ko ay Drix.” Napatango siya.

“So, Drix na lang ang itatawag naming sa iyo ni Cecile?” Tanong niya.

“Yes, mas prepared ko nga ang Drix na tawag sa akin.” Sang-ayon nito.

May ilang bagay pa silang napag-usapan, saka nagtanong din ang katabi tungkol sa book na binabasa niya. Nang sabihin niyang isang comedy book iyon ay mukhang naging interested din ito, saka nakibasa pa sa kanya, tapos ay muling tumunog na ang school bell, hudyat na balikan na sa kani-kanyang classroom.

Iyon ang naging simula ng paglapit-lapit ni Cedrix sa kanya, sa kanilang dalawa ni Cecile, nakikisabay na iyon sa pagpunta nila sa school canteen, tapos minsan ay nakakasabay pa nila sa uwian.

Syempre tuwang tuwa ang kaibigan niyang si Cecile, madalas nga niyang tuksuhin ng palihim ito kay Cedrix, tapos makikita niyang kilig na kilig ang babae.

Kaya kapag kasama nila si Cedrix ay hinahayaan niyang mag-usap ang dalawa, gumagawa siya ng paraan para magkunwari na busy siya, may ginagawa, para nga maging mas close pa ang mga ito. Masaya siya para sa kaibigan  niya.

Ang kaso isang umaga ay may bago na namang sinabi sa kanya si Cecile.

May bago na naman itong hinahangahan, isang varsity player ng basketball sa campus nila. Ayon dito ay nakasabay daw nito sa paglalakad pauwi ng bahay, at malapit lang ang bahay pala ng new crush nito sa bahay nila Cecile.

Wala pang dalawang buwan ang nakakalipas ng magpalit na ng crush ang bestfriend niya kaya napapailing na lang talaga siya. Ganon kasi talaga ang dalaga.

Lagi kasi nilang kasama si Cedrix kaya malamang ay nagsawa na din ito.

Hindi niya inaasahan ang mababasa niyang message ng hapon na iyon, Sabado.

Nag-chat kasi si Cedrix, niyaya siya magpunta sa mall. Kakain lang daw sila ganon. Tapos magkukwentuhan, at takenote, ililibre daw siya kaya wala na siyang dapat ipag-alala. Nakikiusap pa nga na sana daw ay huwag siyang tumanggi. First time na lalabas sila ng lalaki.

Naisip niyang i-chat din si Cecile, tinanong niya kung may ginagawa ang kaibigan, gusto sana niya na kasama ito. Medyo awkward kasi kung dalawa lang sila ni Cedrix, hindi pa siya nag-oo sa lalaki.

Nang hindi niya makontak ang kaibigan ay nagdadalawang isip na talaga siya na sumama, offline iyon. Wala siyang ideya kung nasaan si Cecile.

Nang biglang magring ang kanyang phone, tumatawag si Cedrix.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status