Naging maayos naman na ang pakiramdam ng asawa niya kinabukasan.Wala siyang ideya kung bakit nagdugo ang ilong nito, siguro napagod talaga o baka na-stress dahil sa paghihintay sa kanya. Batid niya kahit hindi magsabi ang asawa ay nag-iisip ito kapag nawawala siya sa paningin nito.Nang matiyak na niya na nakahanda na ang lahat, katulad ng pagkain ni Diana, gamot, ang mga gagamitin nito sa araw na iyo ay umupo na siya sa kanyang setup table. Nakapagsabi na siya sa babae na magsisimula na siyang magtrabaho sa kabilang silid.Naroroon lang naman ito sa may veranda nila at kasama ng mga alaga nitong bulaklak.Excited siya habang binubuksan ang kanyang computer. Sa totoo lang ay muli siyang nakaramdam ng eagerness to work, sa tingin niya ay gusto talaga niya ang trabaho na iyon.Agad na nag-join siya sa meeting nila online. Some of his workmate ay binati siya na ginantihan naman niya ng pagbati, binati din siya ni Miss Angel.Very impormative ang lahat ng mga narinig niya sa kanyang hand
“Cedrix please sit down.” Kasunod ng isang matamis na ngiti sa kanya, yung tipong ngiti na gagaan talaga ang loob mo. Kaya kahit no idea siya kung bakit siya kakausapin ng boss niya, ay nagkakaroon siya ng pag-asa na baka ang boss niya ang kanyang magiging big blessings para sa kanyang ina.Agad na tinawag nito ang isang waiter at ito na mismo ang umorder ng pagkain na para sa kanya, nang dumating kasi siya doon ay may juice and bread na ito sa lamesa.Nagpasalamat siya agad.Mabilis namang dumating ang order niya.Inilapag ng waiter sa tapat niya ang dalawang slice ng cake at may isa pang bread, may kasama pa iyong cold coffee latte.Nahihiyang nagpalasamat siya sa kaharap.Sa totoo lang ay kahapon pa ang last na kain niya. Nakakaramdam siya ng gutom pero wala kasi siyang gana dahil sa dami ng kanyang iniisip. Kaya hindi niya nabibigyan ng oras pa ang kumain.“Cedrix I know you’re tired, please eat first.” Anyaya sa kanya habang nakangiti, hindi pa niya kasi ginagalaw ang pagkain na
"Buti ay dumating ka na Drix" Napatitig siya sa mukha ng nobya, nakita niya na naiinip na nga ito sa paghihintay sa kanya.Pagsilip niya nadatnan niya ang nobya sa loob ng ospital room ng Mama niya, nakabantay pa ito habang nakahawak pa sa palad ng nanay niya na walang malay, sa wari ay pinalalakas nito ang loob ng Mama niya. Kahit na wala itong maiambag para sa pagpapagamot ay damang dama naman niya ang full support ni Alex sa pamilya nila. Isang kapamilya na ang turingan nila sa isa’t isa kasama ng nanay at mga kapatid niya. Kaya nga sa araw araw ay lalo itong napapamahal sa kanya. Napakabuting nobya nito para sa kanya.Napatayo si Alex agad pagkakita sa kanya, at umaliwalas ang mukha. Alam niya na naghihintay ang babae sa magandang balita na sasabihin niya."Kumusta si Mama?"Tanong niya habang hinahalikan niya ang nobya sa noo."Ayos lang naman siya, nagising siya kanina, pero nakatulog din agad. Dalawang beses na rin na nagrounds yung nurse." Hinawakan ni Alex ang palad niya.Niya
“Sure kaba Alex hindi mo na ako hihintayin?” Medyo worried na tanong ng bestfriend niyang si Annie. Sabay sana silang uuwe ng gabing iyon, pero mauuna na siya.“Yeah, don’t worry Annie kaya ko ng umuwing mag-isa.” Assurance niya sa kaibigan, sabay tapik sa balikat ng kaibigan, nakatayo siya sa gilid nito. Busy pa ito sa ginagawang report, tutok ito sa monitor.Nagchat kasi ang Mama niya at sinabihan siya na umuwe na, medyo late na rin kasi. Past nine na ng gabing iyon at hindi pa daw kumakain ang Mama niya dahil hihintayin daw siya nito. Naglalambing ito sa kanya ng pagkakataon na iyon.Si Annie naman ay may kailangan pa daw tapusin kaya mauuna na talaga siya.“Oh sige Alex, take care ha, chat me if nakauwe ka na.” Bilin pa ng kaibigan niya habang papalayo siya dito.Accounting Head ang kaibigan niya at siya naman ay HR Supervisor sa malaking kumpanya na iyon na nakabase sa oil product manufacturer. Almost five years na siyang nagtatrabaho doon.Nang biglang nagring ang hawak niyang p
Eight years ago.Paulit ulit siyang umiiling habang walang tigil ang pagdaloy ng masaganang mga luha sa kanyang dalawang mata. Hindi siya makapaniwala sa lahat ng sinabi ni Drix, Nagpapaalam na ito sa kanya, nakikipaghiwalay. Hindi na daw nito kaya pang ipagpatuloy ang kanilang relasyon na tumagal ng anim na taon. High School pa lang sila ng maging official ang relasyon nila, ng sagutin niya ito. At sa loob ng mga taon na iyon ay talagang naging napakasaya niya, minahal niya ng lubos ang lalaki, ganun din ito sa kanya. Talagang ipinadama nito na nag-iisa siyang babae sa buhay nito, minahal inalagaan at ipinangako na siya lamang ang mamahalin nito sa habang buhay. Akala niya ay wala ng katapusan ang lahat.“Hindi na kita mahal Alex, sana ay maintindihan mo.” Iyon na yata ang pinakamasakit na salita ang narinig niya mula kay Drix. Bigla na lang naglaho ang pagmamahal nito sa kanya ng ganoon kadali, hindi talaga siya makapaniwala. Pinahid niya ang dalawang mata niya na tigmak ng mga luha
Present“M-manong s-sino ka?” Parang lumalaki na ang ulo niya sa sobrang kaba na nararamdaman, dama na rin niya ang panlalamig ng buong katawan niya. “S-san mo a-ako dadalhin?” Kay-bilis ng andar ng sinasakyan niya at base sa nakikita niya sa labas ng bintana ay hindi na siya pamilyar sa lugar na iyon.Pero nananatili sa pagmamaneho ang lalaki, mistulang hindi siya alintana nito. Gusto na niyang umiyak ng malakas sa sobrang takot. Hindi niya lubos na maisip na kawakasan na ng buhay niya.Humugot siya ng malalim na paghinga. Pilit niyang pinagana ang kanyang isip. Kailangan na makagawa siya ng paraan. Ipagtatanggol niya ang sarili kahit ang kapalit pa ay ang kamatayan niya. Hindi siya papayag na magawa ng masamang tao na iyon ang masamang balak sa kanya. Dahan dahan niyang hinawakan ang bukasan ng pinto ng sasakyan, pero sa kasamaang palad ay nakalock iyon. Dahil hindi siya magdadalawang isip na tumalon kahit mabilis pa ang takbo ng kotse.Hindi niya mapigil na maglandas sa kanyang mga
“Salamat Alex sumama ka sa akin ngayon.” Napatingin siya sa kasamang lalaki, kasalukuyan silang kumakain sa isang fast food. Sa may entrance door ng Mall siya hinintay ng kaklase niya. Pero ang gusto talaga sana ni Cedrix ay sunduin siya sa bahay nila, bagay na kinontra niya. Ayaw niya, mahirap na dahil baka mapagkamalan pa ng mga mgaulang niya na nobyo niya ito. Ayaw pa din niyang ipaalam kung saan siya nakatira. Hindi naman malinaw sa kanya kung may pakay ba sa kanya ang kaklase, baka kasi talagang gusto lang nito na maging kaibigan siya, medyo advance siya yata mag-isip. Yun pala ay naisip lang nito na yayain siya ng hapon na iyon. Kanina kasi pagkakita niya dito sa malayo pa lang ay agad niyang nakita ang pagkaway sa kanya ni Cedrix. Pagkalapit naman niya ay agad na humingi ng permiso sa kanya, kung pwede ba siyang manuod ng movie sa theater dahil may dalawang movie ticket daw ito na galling sa cousin nito. Medyo nag-alangan siya dahil wala itong nabanggit sa chat kanina na man
PRESENT Gustong gusto pa niyang matulog ng mahimbing, yung gusto pa niyang manatili sa panaginip ng kanyang masasayang kahapon. Nagbabalik kasi ang nakaraan sa kanyang mahiwagang panaginip. Kasama pa niya ang nag-iisang lalaking minahal niya ng lubos at isinumpang ito lamang ang kanyang mamahalin habang nabubuhay siya. Kay sarap balikan ng mga senaryo na iyon. Na damang dama niya pa ang pagmamahal ni Cedrix. Lalo na yung tagpo na napakahalaga para sa kanya. Isinuko niya sa lalaki ang kanyang pagkababae. Dahil sa labis na pagmamahal niya dito ay pumayag siyang angkinin nito. Gusto din kasi niyang isigurado ang kanilang walang wakas na pagmamahalan sa isa’t isa. “Alex.” Medyo napakunot ang kanyang makinis na noo, habang nakapikit siya, patuloy ang kanyang mga panaginip. Pagkatapos ay sumilay ang ngiti na iyon sa kanyang labi. Ang tinig na hinding hindi niya makakalimutan. Hanggang ngayon ay napakasarap sa kanyang pandinig kapag tinatawag nito ang kanyang pangalan. “Alex, mahal ko