Kahit lalaki siya, ay talagang napaiyak siya pagpasok pa lang ng kanilang private room. Buti na lang, at mahimbing na natutulog si Diana.Wala itong kaalam alam sa nararamdaman niyang bigat ng kalooban. Hindi pa siya handa na maiwan mag-isa ng asawa niya. Kahit inaalis niya sa isip ang posibilidad na iyon, ay hindi pa rin niya magawa.Actually, kanina pa niya pinipigil ang mabigat na emosyon sa harapan ng Doktor ng kanyang asawa.Less than an hour after Diana fell asleep. The nurse called him para pumunta siya sa doctor’s office. He knew why, but he was still worried at natatakot sa sasabihin sa kanya. Kung pwede lang na mamaya na, saka na or wag na lang siyang makipag-usap.Doon niya nalaman na mas malala pa pala ang misis niya kaysa sa kanyang inaasahan. The laboratory result tells na hindi na tinatanggap ng katawan ni Diana ang anumang gamot na ibinibigay dito. Mas lalo pa daw iyon nakakapagdulot ng sakit na nadarama ng asawa niya, kaya ang payo ng Doctor ay iuwi na lamang niya ang
Four Months Later…“Good morning my wife, your looking good and beautiful today.” Nakangiting bati niya sa kanyang asawa. Hinalikan rin niya ito sa humpak nitong pisngi.“Good morning too.” Mahinang balik bati nito sa kanya, nakaupo na ito sa wheel chair ng datnan niya. Alam niya na hirap ang babae na lumipat sa wheelchair mula sa higaan nito. Pero kusa pa rin nitong ginagawa kung minsan, dama niya na nahihiya ito sa kanya.Ayaw siya nitong istorbohin sa pagtulog, kaya naman daw nito, ang laging katwiran sa kanya. Kaya nga sa madalas ay pinipilit niya na mas maunang magising sa asawa. Pero may mga pagkakataon na paggising niya ay hindi na nga niya ito katabi.Nadatnan niya ang asawa sa may balcony nila. Hinihimas himas nito ang mga bumukang bulaklak ng mga alaga nitong rose at sunflower.Kahit papaano ay nabawasan aang pag-aalala niya dahil nakita niyang parang masaya si Diana. Marami kasing mga nagsibukahan na mga bulaklak kaya masaya ito.“Wait Honey, I will prepare our breakfast, o
Naging maayos naman na ang pakiramdam ng asawa niya kinabukasan.Wala siyang ideya kung bakit nagdugo ang ilong nito, siguro napagod talaga o baka na-stress dahil sa paghihintay sa kanya. Batid niya kahit hindi magsabi ang asawa ay nag-iisip ito kapag nawawala siya sa paningin nito.Nang matiyak na niya na nakahanda na ang lahat, katulad ng pagkain ni Diana, gamot, ang mga gagamitin nito sa araw na iyo ay umupo na siya sa kanyang setup table. Nakapagsabi na siya sa babae na magsisimula na siyang magtrabaho sa kabilang silid.Naroroon lang naman ito sa may veranda nila at kasama ng mga alaga nitong bulaklak.Excited siya habang binubuksan ang kanyang computer. Sa totoo lang ay muli siyang nakaramdam ng eagerness to work, sa tingin niya ay gusto talaga niya ang trabaho na iyon.Agad na nag-join siya sa meeting nila online. Some of his workmate ay binati siya na ginantihan naman niya ng pagbati, binati din siya ni Miss Angel.Very impormative ang lahat ng mga narinig niya sa kanyang hand
“Cedrix please sit down.” Kasunod ng isang matamis na ngiti sa kanya, yung tipong ngiti na gagaan talaga ang loob mo. Kaya kahit no idea siya kung bakit siya kakausapin ng boss niya, ay nagkakaroon siya ng pag-asa na baka ang boss niya ang kanyang magiging big blessings para sa kanyang ina.Agad na tinawag nito ang isang waiter at ito na mismo ang umorder ng pagkain na para sa kanya, nang dumating kasi siya doon ay may juice and bread na ito sa lamesa.Nagpasalamat siya agad.Mabilis namang dumating ang order niya.Inilapag ng waiter sa tapat niya ang dalawang slice ng cake at may isa pang bread, may kasama pa iyong cold coffee latte.Nahihiyang nagpalasamat siya sa kaharap.Sa totoo lang ay kahapon pa ang last na kain niya. Nakakaramdam siya ng gutom pero wala kasi siyang gana dahil sa dami ng kanyang iniisip. Kaya hindi niya nabibigyan ng oras pa ang kumain.“Cedrix I know you’re tired, please eat first.” Anyaya sa kanya habang nakangiti, hindi pa niya kasi ginagalaw ang pagkain na
"Buti ay dumating ka na Drix" Napatitig siya sa mukha ng nobya, nakita niya na naiinip na nga ito sa paghihintay sa kanya.Pagsilip niya nadatnan niya ang nobya sa loob ng ospital room ng Mama niya, nakabantay pa ito habang nakahawak pa sa palad ng nanay niya na walang malay, sa wari ay pinalalakas nito ang loob ng Mama niya. Kahit na wala itong maiambag para sa pagpapagamot ay damang dama naman niya ang full support ni Alex sa pamilya nila. Isang kapamilya na ang turingan nila sa isa’t isa kasama ng nanay at mga kapatid niya. Kaya nga sa araw araw ay lalo itong napapamahal sa kanya. Napakabuting nobya nito para sa kanya.Napatayo si Alex agad pagkakita sa kanya, at umaliwalas ang mukha. Alam niya na naghihintay ang babae sa magandang balita na sasabihin niya."Kumusta si Mama?"Tanong niya habang hinahalikan niya ang nobya sa noo."Ayos lang naman siya, nagising siya kanina, pero nakatulog din agad. Dalawang beses na rin na nagrounds yung nurse." Hinawakan ni Alex ang palad niya.Niya
“Sure kaba Alex hindi mo na ako hihintayin?” Medyo worried na tanong ng bestfriend niyang si Annie. Sabay sana silang uuwe ng gabing iyon, pero mauuna na siya.“Yeah, don’t worry Annie kaya ko ng umuwing mag-isa.” Assurance niya sa kaibigan, sabay tapik sa balikat ng kaibigan, nakatayo siya sa gilid nito. Busy pa ito sa ginagawang report, tutok ito sa monitor.Nagchat kasi ang Mama niya at sinabihan siya na umuwe na, medyo late na rin kasi. Past nine na ng gabing iyon at hindi pa daw kumakain ang Mama niya dahil hihintayin daw siya nito. Naglalambing ito sa kanya ng pagkakataon na iyon.Si Annie naman ay may kailangan pa daw tapusin kaya mauuna na talaga siya.“Oh sige Alex, take care ha, chat me if nakauwe ka na.” Bilin pa ng kaibigan niya habang papalayo siya dito.Accounting Head ang kaibigan niya at siya naman ay HR Supervisor sa malaking kumpanya na iyon na nakabase sa oil product manufacturer. Almost five years na siyang nagtatrabaho doon.Nang biglang nagring ang hawak niyang p
Eight years ago.Paulit ulit siyang umiiling habang walang tigil ang pagdaloy ng masaganang mga luha sa kanyang dalawang mata. Hindi siya makapaniwala sa lahat ng sinabi ni Drix, Nagpapaalam na ito sa kanya, nakikipaghiwalay. Hindi na daw nito kaya pang ipagpatuloy ang kanilang relasyon na tumagal ng anim na taon. High School pa lang sila ng maging official ang relasyon nila, ng sagutin niya ito. At sa loob ng mga taon na iyon ay talagang naging napakasaya niya, minahal niya ng lubos ang lalaki, ganun din ito sa kanya. Talagang ipinadama nito na nag-iisa siyang babae sa buhay nito, minahal inalagaan at ipinangako na siya lamang ang mamahalin nito sa habang buhay. Akala niya ay wala ng katapusan ang lahat.“Hindi na kita mahal Alex, sana ay maintindihan mo.” Iyon na yata ang pinakamasakit na salita ang narinig niya mula kay Drix. Bigla na lang naglaho ang pagmamahal nito sa kanya ng ganoon kadali, hindi talaga siya makapaniwala. Pinahid niya ang dalawang mata niya na tigmak ng mga luha
Present“M-manong s-sino ka?” Parang lumalaki na ang ulo niya sa sobrang kaba na nararamdaman, dama na rin niya ang panlalamig ng buong katawan niya. “S-san mo a-ako dadalhin?” Kay-bilis ng andar ng sinasakyan niya at base sa nakikita niya sa labas ng bintana ay hindi na siya pamilyar sa lugar na iyon.Pero nananatili sa pagmamaneho ang lalaki, mistulang hindi siya alintana nito. Gusto na niyang umiyak ng malakas sa sobrang takot. Hindi niya lubos na maisip na kawakasan na ng buhay niya.Humugot siya ng malalim na paghinga. Pilit niyang pinagana ang kanyang isip. Kailangan na makagawa siya ng paraan. Ipagtatanggol niya ang sarili kahit ang kapalit pa ay ang kamatayan niya. Hindi siya papayag na magawa ng masamang tao na iyon ang masamang balak sa kanya. Dahan dahan niyang hinawakan ang bukasan ng pinto ng sasakyan, pero sa kasamaang palad ay nakalock iyon. Dahil hindi siya magdadalawang isip na tumalon kahit mabilis pa ang takbo ng kotse.Hindi niya mapigil na maglandas sa kanyang mga