Share

Chapter 7

“Mahal ko gising na.” Gumigising sa diwa niya ang kanyang narinig, sarap na sarap pa sana siyang matulog dahil napakalamig ng nararamdaman niya, idagdag pa ang malambot na higaan na damang dama ng kanyang katawan. “Ready na ang breakfast mo Alex.” Dahan dahan na niyang iminulat ang isa pa lang niyang mata. Masyado pa kasing mabigat ang mga talukap na iyon. Parang hinihila pa rin siya sa pagtulog.

“Alex.” Kasunod ng marahang paghimas ng kanyang ulo pababa sa buhok, parang inaayos nito iyon. Nang tuluyang magising ang diwa niya, inaantok na nagmulat siya ng mga mata at tumingin sa nagsasalita.

Dahang dahang lumalaki na ang kanyang mga mata sa gulat.

Si Cedrix naroroon, nakatunghay sa kanya habang nakangiti. Parang gustong sumakit ang ulo niya sa lahat ng mga pangyayari na sabay sabay na pumasok sa isip niya.

Ang pagkidnap sa kanya, tapos ang nangyari na mainit na engkwentro sa kanila ng lalaki na sa una ay hindi pa niya kilala. Yung bumalik lahat ng mga alaala ng pagniniig nila ni Drix noon, yung masarap na pag-angkin sa kanya na kusang naalala ng kanyang katawan dahil sa pagpapaalala ng lalaki sa kanya sa kadiliman ng gabi.

Para na siyang mababaliw, nakakabigla ang mga biglang pangyayari na nagaganap.

Kahapon ay nasa opisina lang naman siya at maayos na nagtatrabaho doon.

“Kumain ka na muna Alex, alam ko na gutom ka na.” Napakabait ng pagkakasabi ni Drix, parang kay-among tupa ito sa paningin niya. Napatingin siya sa itinuro nitong tray ng pagkain. “I cooked for you.” Sabi pa nito.

Bigla nga niyang naamoy ang masarap na amoy ng bagong lutong pagkain at pagkatapos ay kumalam na ang sikmura niya dahil doon. Ayon sa tingin niya ay fried rice iyon, may fried egg and bacon. May hot coffee at fruits din.

Pero alanganin siya na kumain. Dahil ang ibig sabihin ay bati na sila, na tinatanggap na niya ito, pati ang ginawang pagkidnap sa kanya ay tanggap na niya. Hindi siya papayag. Sa totoo lang ay gulong gulo siya, gusto na niya umuwi. Napasibangot siya na tumingin dito.

Tiyak siya na hindi na mapakali ang Mama niya sa pag-aalala sa kanya, baka iniisip ng kanyang ina na napahamak na siya.

Pero hindi nga ba siya napahamak?

Kagabi hindi na nagsalita pa ang lalaki. Nilayasan siya nito sa kwartong iyon. Hindi nito sinagot ang mga katanungan niya. Wala siyang magawa kundi ang umiyak. Nakatulugan nga niya ang pag-iyak, ngayon niya lang napagtanto.

“Alex please eat first, then later we will talk.” Saad nito habang nakatitig sa kanya nang buong pagmamahal yata iyon. Pero hindi siya sang-ayon. Gusto na niyang umuwi, alam na alam niya na sobrang nag-aalala na ang kanyang ina sa kanya. Dapat ay nakauwi na siya kagabi pa.

“No!” Malakas na sagot niya saka nakasibangot na tumingin dito. Nakatingin naman ito sa kanya na parang nag-aalala pa. “Hindi ako kakain.” Matigas na sabi niya. “Gusto ko ng umuwi.” Nakita niya ang kalituhan sa mukha ni Cedrix. Agad na inalis na niya ang tingin niya dito sa inis na nadarama niya.

Ilang sandaling katahimikan ang namayani.

Kahit anong mangyari ay uuwi siya sa bahay nila ng araw na iyon, sabi niya sa sarili. Saka na niya iisipin kung isusuplong niya sa pulis ang ex-boyfriend niya dahil sa pagkidnap sa kanya.

Basta pakiramdam niya ay gusto niyang makalayo sa lalaki, kay Drix.

“Alex.” Kasunod ng isang buntong hininga. Tapos ay naupo iyon sa gilid ng kama na kinaroroonan niya. Hindi pa rin siya tumitingin dito.

“Please kumain ka muna para hindi ka manghina, iiwan muna kita para makakain ka ng maayos.” Nagulat siya sa narinig kaya napatingin siya dito pero nakatalikod na ito. Parang gusto niyang magwala sa galit na nadarama niya.

Mistulang walang pakialam si Drix sa sinasabi niyang gusto na niyang umuwi.

Naikuyom na lamang niya ang kanyang mga kamay habang matalim ang mga mata niyang nakasunod ng tingin dito, tuluyan na kasing nakalabas ang lalaki sa kwartong iyon.

Ilang sandal din siyang tulala, pakiramdam niya ay ayaw gumana ng utak niya.

Maya maya pa ay bumangon siya mula sa malambot na kama. Binalewala niya ang pagkain na nakahain, nagugutom siya pero mas nananaig ang kagustuhan niya na makatakas sa lugar na iyon.

Agad niyang isinuot ang damit na nasa kanyang paanan, no choice siya kundi iyon na muna ang isuot. isang maluwag na t-shirt, parang sadyang inihanda ni Drix para may maisuot siya sa hubad na katawan. kung nasaan ang kanyang damit kahapon na suot ay wala siyang ideya.

Dahan dahan siyang lumapit sa nakapinid na pinto, pilit siyang umaasa na makakalabas siya doon. Pero nang malaman niyang nakalock yata iyon mula sa labas ay gusto na niyang umiyak. Sinubuk-subukan pa niya kung magagawa niyang buksan ang pintuan gamit ang kanyang lakas, pero napagod lang siya. Nanghihina na napaupo siya sa sahig. Habang iginagala niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid.

Wala man lang bintana ang kwartong kinalalagyan niya, puro puting pader pati ang aircon ay split type. Kung window type sana iyon ay baka makagawa siya ng paraan na baklasin ang aircon para makita niya ang labas.

Pero sadyang ginawa yata ang silid na iyon para magkulong ng tao. Wala talagang lalabasan.

Napaiyak na siya sa tindi ng depresyon na nadarama niya. Ni wala kasi siyang ideya kung nasaan ba siyang lugar. Kung bahay ba ang kinalalagyan niya o isang building.

Nang maalala niya ang kanyang bag ay napatayo siya. Nandoon kasi ang kanyang phone. Kung hawak niya iyon ay matatawagan niya ang kanyang ina, masasabi niya dito ang nangyari sa kanya, kahit papaano ay hindi iyon mag-aalala ng sobra kapag nalaman nito na maayos naman siya at si Drix ang dumukot sa kanya.

Tinignan niya ang mga patungan doon, pati ang ilalim ng kama ay sinilip niya, pero wala ang kanyang bag. Nang mapadako ang kanyang mata sa isang malaking built-in cabinet ay agad siyang lumapit doon. Nagbabakasakaling baka nailagay doon ang kanyang bag.

Pero sa pagkadismaya niya ay wala doon ang kanyang hinahanap.

Ang laman ng cabinet ay mga dress na maayos na nakahanger. May bulaklakin ang design, may mga white dresses, mga light color dress ang nakita niya, at iba pang ladies things.

Ayaw niyang isipin na para sa kanya yata ang mga iyon.

Alam niya na alam ni Drix ang mga hilig niyang damit, pero wala siyang pakialam. Kung para man sa kanya ang mga iyon ay wala siyang balak na gamitin, dahil ang balak niya ay makauwi na sa bahay nila, sa Mama niya.

Ilang sandali din siya na umiiyak dala ng kinasasangkutan niyang problema.

Nung una nga ay malakas ang pag-iyak niya na parang bata, gusto niya kasi na marinig ni Drix na umiiyak siya at para puntahan siya doon. Pero sa katagalan ay napagod din siya kaya naging hikbi na lang ang kanyang pag-iyak.

Hindi na niya alam kung gaano katagal siya na umiiyak at nasa ganoong ayos. Pero pagod na talaga siya idagdag pa na nagugutom na siya kaya yata siya lalong nanghihina.

Pilit siyang tumayo, para pumunta sa isang maliit na pintuan. Sa tingin niya kasi ay isang banyo iyon.

Hindi naman siya nagkamali. Napakapayak ng pagkakagawa ng comfort room na iyon. May inidoro, shower area at maliit na lababo.

Humarap siya sa salamin at tinignan ang sarili.

Medyo nagulat pa siya sa nakita niya. Wala sa ayos ang itsura niya, at hindi siya sanay ng ganoon. Kaya naghilamos siya at inayos niya ang kanyang sarili sa banyo na iyon.

Gusto na niyang mawalan ng pag-asa habang papalabas siya ng banyo, wala pa rin kasi siyang nakikitang maaaring maging paraan na makatakas siya doon. Sobrang solido ang pagkakagawa ng silid. Wala siyang pwedeng labasan.

Ang totoo wala man lang siyang ideya kung anong oras na din.

Wala sa loob na napalapit siya sa pagkain na nasa tray.

Gutom na gutom na talaga siya.

Naisip din kasi niya na kung nagbabalak siya na makatakas sa lugar na iyon ay kailangan niya ng lakas. Pero kung hindi siya kakain ay talagang manghihina siya ng sobra. Kaya baka magkasakit pa siya at lalo siyang hindi makagawa ng paraan na makaalis doon.

Dahil sa isipin na iyon, ay nagsimula na siyang kumain.

Pero kahit gaano man kasarap ang pagkain na kinakain niya ay nakasibangot siya habang ngumunguya. Galit na galit kasi talaga siya sa taong naghanda ng pagkain na iyon.

Hindi tuloy siya makapag-isip ng tama, puro galit kasi ang nararamdaman niya. Yung gusto niyang gumanti kay Drix sa ginagawa nito sa kanya pero wala siyang lakas para magawa iyon.

Walang wala sa hinagap niya na darating ang ganoong pagkakataon sa buhay niya. Pinakawalan na niya si Drix at nagpasyang kalimutan ito. Kaya hindi niya malaman kung bakit nagawa ng lalaki sa kanya ang ganoong bagay, gayong iyon naman ang may kasalanan sa kanya, iyon naman ang nanakit sa kanya.

Hindi niya maisip kung gaano kalakas ang loob ng Ex niya para gawan siya ng masamang bagay.

Gusto na niyang kasuklaman iyon.

Hindi tuloy niya naubus ang pagkain dahil sa galit na nadarama niya. Naging mapait sa panlasa niya ang kanyang kinakain.

Nang makapagbanyo siyang muli ay wala sa loob na napaupo muli siya sa malambot na kama at kalaunan ay napahiga siya. Para kasi siyang nakakaramdam ng antok, parang ang sarap sarap matulog dahil kay lamig ng paligid, tapos ay katatapos niya lang kumain kaya talagang aantukin siya.

Pero pilit pa rin niyang nilalabanan ang antok, dahil gusto niyang makaisip ng plano kung paano siya makakakawala sa poder ni Drix.

Wala kasi siyang ideya kung ano ba ang balak ni Drix sa kanya.

Maraming katanungan sa isip niya. Ang kaso dahil sa tindi ng galit na nadarama niya sa lalaki ay ayaw niya itong kausapin, ni ayaw niyang makita ang mukha nito.

Yung pakiramdam na magiging bingi siya sa lahat ng gagawing paliwanag sa kanya. Dahil isa lang naman ang ibig sabihin ng lahat. Kinidnap siya ng ex-boyfriend niya at isang krimen iyon.

Pero nang sumagi sa isip niya na makukulong ang lalaki kapag isinuplong niya ito sa mga awtoridad ay parang kumokontra ang puso niya.

May bahagi ng puso niya ang nag-aalala pa rin sa kanyang –ex-boyfriend. Bagay na pilit na tinututulan ng isip niya. Gusto niyang papanaigin ang galit at dapat lang na magbayad si Drix sa ginagawa sa kanya.

Hindi niya namamalayan na napapapikit na pala siya nakakaramdam talaga siya ng antok na parang wala siyang lakas na labanan.

Naaalala niya ang kanyang ina, alam niyang sobra nag-aalala na iyon sa kakahanap sa kanya. Sa opisina nila tiyak niya na nagkakagulo na dahil nawawala siya.

Ni walang ideya ang mga ito kung anong nangyari sa kanya? Kung nasaan na siya?

pero wala siyang kakayahan na maiparating man lang sa kahit na sino ang nangyayari sa kanya.

Lalo tuloy siyang nakakaramdam ng galit kay Drix, sa lalaking kidnapper niya. Talagang sinabi niya sa sarili na pagbabayaran nito ang lahat ng ginagawa nito sa kanya.

At kapag may nangyaring masama sa kanyang ina dahil sa pag-aalala sa kanya, ay isinusumpa niya na mabubulok ito sa kulungan dahil hindi siya titigil hangga’t hindi ito makukulong.

kiyomi the otor

hello readers,, kindly support my newly signed story. enjoy reading

| 3
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Annie Valerio Cruz
Maganda at nakakakilig
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status