Share

Karma : Kill me or Love me
Karma : Kill me or Love me
Author: Alab ng Apoy

Chapter 1

Author: Alab ng Apoy
last update Huling Na-update: 2023-01-22 16:58:40

Sa isang maliit na bayan na tinatawag na Rifongie na matatagpuan sa mabundok na bahagi ng bansang Tengne. Nabubuhay ang halos tatlong milyong nilalang.

Mula sa itaas ay makikita mo ang payak at simpleng pamumuhay ng mga naroon na malayo sa modernisyasyon kung saan mayroong nagtataasang mga gusali at maiingay na sasakyan na meron sa earth.

Mayroon itong mga malilinis na ilog, malalawak na bukid at masasaganang mga kagubatan. Sa unang tingin ay pangkaraniwang lugar lang ito na makikita sa Earth ngunit doon ka nagkakamali dahil ang lugar na ito ay hindi matatagpuan sa Earth.

Ang lugar na nakikita nyo ngayon ay nasa ibang planeta na isa lang sa mga planeta sa kabilang universe.

Ang mundong ito ay hindi lang mga tao ang namumuhay dahil kasamang namumuhay nila ang mga kakaibang nilalang na naninirahan dito kagaya ng mga halimaw, elf, vampire, dragon at kung ano ano pa.

Hindi kapani paniwala hindi ba na malaman na may umiiral na planeta sa sa ibang universe na kagaya nito? Isa rin sa kamangha manghang bagay sa mundong ito ay ang pag iral ng mga mahika at super powers na nakasanayan na natin na makita sa mga fantasy movie.

Nakakabilib diba? Pero papunta pa lang tayo sa exciting part dahil sa mundong ito ay malaya kang makakagamit ng mga mahika habang namumuhay sa loob ng magandang syudad. Hindi uso dito ang gulo at krimen hanggat nasa loob ka ng bayan.

Kung mahilig ka rin sa paglalakbay ay tamang tama sayo ang mundong ito dahil ang pangunahing kinabubuhay ng mga naririto ay ang pagiging adventurer. Mga nilalang na sumusuyod sa mga dungeon, nangungulekta ng mga rare item at kung ano ano pa na alinsunod sa quest na kinuha mo sa iyong guild.

Napakapamhira, hindi ba ? Umiiral din sa mundong ito ang Demon lord na tanging ginagalang at sinasamba ng mga halimaw sa mundong ito. Marahil pangkaraniwan nyo ng maririnig na maraming bayani ang nagtatangkang pabagsakin at talunin ang demon lord sa mundong ito. Exciting diba? Ang hindi lang naman exciting sa mga narito ay ang kin

Marahil iisipin nyo ay bilang isa sa mga nabubuhay sa pambihirang mundong ito ay isa rin ako sa mga nilalang na nakikita nyo ngayon sa maluwag na kalye sa lungsod na abalang abala at ine-enjoy ang kani-kanilang araw. Dyan kayo nagkakamali dahil kahit libutin pa natin ang kasuloksulukan ng lungsod na iyan ay hindi nyo ko dyan matatagpuan.

Dahil narito ako sa isang parte ng gubat ilang kilometro ang layo mula sa masaganang bayan. Isang magulo at walang katahimikan na lugar sa gitna ng gubat na pinaliligiran ng mga mababangis na halimaw. 

Hindi ako isang Dragon o isang espesyal na nilalang na makikita mo sa gubat na ito na pagala gala. Kung gusto mo akong makita ay kailangan mong maghanap ng maigi dahil nabibilang ako sa mga uri ng nilalang na kinakailangan magtago upang mabuhay. Ang pinakamasamang bagay ay ang uri ko ay isa sa paboritong gulohin ng ibang nilalang at wala na akong magagawa sa bagay na yun dahil parte iyon ng pamumuhay dito bago pa ako ipadala sa mundong ito.

Nasaan ako? Heto ako sa loob ng higanteng puno na itinuturing kong bahay. Ang karaniwan tawag sa uri ko ay Dwende. Tama ang narinig nyo. Ako si Karma at isa akong Dwende.

Gusto kong kwentohan kayo ng kaunti tungkol saakin dahil medyo nababagot din ako dito na tumambay sa apat na sulok ng bahay ko at sa paligid ng teritoryo ko sa kagubatan na kailangan kong bantayan araw araw.

Limang taon na rin mula nung mapapad ako sa mundong ito at maraming nangyari na sa unang buwan ko dito na halos sa daming pangyayari ay nawala na ang excitement ko. Malamang nahihiwagaan kayo kung bakit ako napunta sa sitwasyon na ito at nagtatanong kung bakit ako nabubuhay sa malapantasyang lugar na ito na madalas sa Earth ay sa mga movie o book series lang nakikita.

Masyadong komplikado pero mas simple ay pwede natin paikliin at simulan ang paliwanag nung namatay ako sa Earth. Isa ako sa napili at pinagpala na magtungo sa ibang mundo upang gawin ang isang dakilang bagay, oh diba, umpisa pa lang mukha ng exciting. Tama, ganun ang nangyari saakin pero sa kasamaang palad ay napunta ako sa weirdong dyosa na hindi ko mawari kong alagad ng dakilang lumikha o power triper lang.

Dinahilan nya saakin na dahil marami na raw syang ipinadalang bayani sa mga planetang hawak nya ay masyado na syang abala at na babagot kaya naman para exciting ay pinagpa ikot nya ako sa roleta kung saan nakasalalay ang tatahakin kong kapalaran sa mundong pupuntahan ko at hulaan nyo kung anong nangyari.

Marahil kapalaran ko talaga maging malas dahil sa tatlong beses na nagpaikot ako ng roleta ay hindi ito man lang natapat sa gusto kong mangyari sa buhay ko at hanggang sa pagpili ng lahi na kabibilangan ko ay naging madamot ang swerte.

Pinadala nya ako dito na walang tiyak na misyon na para bang sinasabi nya na bahala na ako sa buhay ko at sumabay na lang sa agos ng buhay. Gayumpaman ay hindi nya naman ako pinabayaan ng lubos dahil binigyan nya ako ng espesyal na prebilehiyo na wala ang ibang nabubuhay doon.

Nabuhay ako sa mundong maitutulad sa isang online games kung saan ang mga naroon ay may level at mga abilidad na panlaban at lahat ng abilidad ko ay nasa mataas na antas na kaya hindi ako basta basta magagapi ng sino man.

Sa tingin nyo maganda yun? Ok, ang astig nga pero hindi yun naging ganun ka exciting kung isa kang maliit at hindi kagwapuhang nilalang. Lumang pantalon at dilaw na tshirt ang aking kasuotan na pinartneran pa ng patusok na sumblero at itim din ang aking mga mata na lalong kinaweirduhan ng lahi namin bilang mga mandirigmang dwende.

Limitado rin ang mga kakayahan o kayang gawin ng isang dwende sa mundong ito at sa totoo lang hindi sya nakatulong masyado para maging exciting ang mga bagay bagay saakin. Oo malakas ako pero ano bang exciting sa maliit na palaso ko? Sinong matutuwa kung paulit ulit na lang akong tatapakan ng higanteng halimaw o ikulong ako sa isang black hole ng mga mage. 

Nagagawa kong makatakas at gulpihin ang lahat pero nakakapagod makipaglaban na wala ka naman pinaglalaban talaga dahil pinadala ka lang naman sa planetang ito para sa wala.

Iyon ang dahilan kaya nagdesisyon akong magkulong na lang at ubusin ang oras sa payak na lugar na ito.Hindi naman ganung kasama dahil mayaman sa prutas ang puno na ito at may ligtas at malinis na tubig na dumadaloy sa batis dito sapat na para mabuhay ako ng maraming taon.

Well, sa ayaw ko man o gusto ay wala akong pagpipilian dahil ito na ang pinaka maganda lugar para sa uri ko dahil hindi pwedeng pumasok ang kagaya ko sa bayan kung nasaan ang iba dahil para sa kanila isa lang akong bagay na papatayin at ibebenta sa guild.

Anong masasabi mo ngayong narinig mo ang dahilan ng pagpunta ko sa mundong ito? Hindi ko natitiyak kong para saan pa ang pananatili ko o hanggang kailan ako magtitiis mabuhay dito pero hanggat hindi ako binabalikan ng dyosa ay sa tingin ko mananatili akong nakakulong sa mundong ito.

Kaugnay na kabanata

  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 2

    Sa Pagsikat muli ng araw sa gubat na iyon ay nag handa na ako at kagaya ng pang araw araw na ginagawa ko ay maaga pa lang ay lumalabas na ako ng bahay ko upang manguha ng prutas sa nakapaligid na puno sa teritoryo ko.Hindi masyadong dinadayo ng malalakas na halimaw ang lugar na ito dahil puro maliliit na slime ang mga narito at iilan lang talaga ang pwedeng kainin karne.Mga nasa lvl 1 hanggang lvl 3 lang ang mga nandito at malayo masyado sa bayan. Kaya Hindi rin masyadong sulit sa ibang tao ang puntahan ito dahil aaksayahin lang nila ang oras nila para lang kumuha ng 1 exp para mag pataas ng level.Ibigsabihin kahit mahuli nila ang mga halimaw dito ay wala silang masyadong mapapala maliban sa item na nalalaglag sa mga mahihinang halimaw ay low class na pang beginner Quest at kung nagtataka kayo kung bakit wala akong kasamang ibang dwende ay yun ay dahil nasa kabilang gubat ang orihinal na tirahan nila.Hindi ko maunawaan ang takbo ng pamumuhay nila doon. Alam naman nila na mapangani

    Huling Na-update : 2023-01-22
  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 3

    Isang araw lang lumipas sa kagubatan ay muling may nagtungo ulit na mga adventurer upang mangolekta ng item at hindi yun magandang pangitain para sakin dahil dumadami na ang bilang nila kada araw na lumilipas. Kapag hinayaan ko sila ay masisira ang katahimikan ng teritoryo ko." Parami ng parami na ang nakakaalam sa lugar na ito. Kapag hinayaan ko lang sila ay tiyak na aaraw arawin nila dito. " Sa pagkakataon na iyon ay nagpasya akong bumaba mula sa itaas ng puno at lumapit sa mga adventurer na nanghuhuli ng wild rabbit. Ang apat na batang adventurer na iyon na binubuo ng swordsman, mage,healer at hunter ay magkakaparty na kumukuha ng quest para magkapera para pang gastos sa araw araw o bumili ng mga magagandang item." Kaawa awa naman sila kung pati ang kakarampot na kikitain nila sa trabaho nila ay hahadlangan ko pa." Bulong ko sa hangin. Napapaisip ako tuloy kung ipagkakait ko ba yung pagkakataon sa kanila na makatapos ng quest at hadlangan ang kanilang pag unlad. Sino naman nap

    Huling Na-update : 2023-01-22
  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 4

    Sa pagpapatuloy ng pagtatagpo namin ng misteryosang mage ay agad nyang pinaramdam saakin gamit ang nag uumapaw na awra ang kanyang lakas. "Mukhang hindi ka nasaktan sa ginawa ko, munting nilalang? " Sambit nito.Nagulat ako sa narinig ko dahil nakakapag salita sya ng lengwahe na nagmula sa Earth. Hindi ko yun inaasahan at halos dahil sa tagal ng panahon na wala akong nakakausap ay hindi ko na rin ito ginagamit lalo pa mas sanay ang katawan at utak ko bilang dwende sa lengwahe ng lahi na kinabibilangan ko." Anong sabi mo? Nakakapagsalita ka ng lengwahe na mula sa earth." Pagtataka ko. Palaisipan para saakin kung sino ang babaeng nasa harap ko at kung paano sya natuto ng lengwahe na mula sa earth pero mas inaalala ko kung ano ang sadya nya saakin. Nandoon ba sya para tapusin ako o may iba syang layunin? "Malamang na nakakapagsalita ako ng lengwahe na mula sa Earth dahil minsan na akong nabuhay doon bago ako napunta sa lugar na ito." Sambit nito "Kung naitanong mo yan ay natitiyak

    Huling Na-update : 2023-01-22
  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 5

    Napangiwi na lang ako lalo na yung ipakita nito ang pagmamaldita nito sa harap ko habang binabanggit na saakin na hindi na raw nya problema kung paano ko didiskartehan iyon basta may gawin akong paraan na tila ba ipinapasa saakin ang mga problema nya.Hindi nya naisip na kung may kakayahan akong lumaban sa malalakas eh di sana kahit itong nakakairitang kadenang ito ay kanina ko pa natanggal sa katawan ko para tumakas sa lugar na ito. Walang kwenta ang pisikal na lakas ko dahil pinapahina ito ng spell na bumabalot sa kanyang ginawang sealing spell.Habang nagpapaliwanag ay nabanggit nya na kailangan matapos ang itinakda ng dyosa upang makalaya na sya sa tadhana nya na kagaya ko ay naitakda dahil sa pagpapaikot lang ng roleta. Kung iisipin ay pareho lang kaming minalas sa roleta ng dyosa pero kahit naman papaano ay sampung beses na mas ok pa yung kinalalagyan nya kesa saakin.Dito tuloy tuloy syang nagdadabog at nagrereklamo dahil nga raw halos limang taon na mula nung napadpad sya dito

    Huling Na-update : 2023-01-22
  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 6

    Lumipas ang ilang araw pagkatapos ang pagtatagpo namin ng demonlord na si freya ay nagdesisyon ito na mananatili sya sa bahay ko habang hindi pa ako handa sa pinapagawa nya. Binigyan nya ako ng isang lingo para magdesisyon at magpasya kung ano ang pipiliin ko sa dalawang pabor na hinihingi nya. Syempre pinagbantaan nya pa rin ako na kapag hindi nya nagustuhan ang desisyon ko ay agad nya akong tatapusin at upang hindi ako makatakas habang nag iisip ay naglagay sya ng spell saakin para mahanap ako kahit saan ako mag punta. Hindi ito makatarungan at malaking problema para saakin dahil wala akong pagpipilian at para bang binigyan nya na lang ako ng pagkakataon na pahabain pa ang oras bago ako mamatay.Malakas at mabilis ako pero kung abilidad, spell at teknik ay bale wala ang tulad ko sa mga alpha at kung iniisip nyo na bakit hindi ko kaagad piliin ang pangalawang hiling nya na sumama sa kanya para manatili sa sky tower of doom kasama sya ay sasabihin ko sainyo na naisip ko na rin yan p

    Huling Na-update : 2023-02-23
  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 7

    Nagsimula akong magtaka sa mga nagaganap lalo pa hindi namin kayang alamin ang pagkakaiba ng mga nilalang dito at mga tao na pinadala sa mundong ito. Wala man lang akong naramdamang espesyal o sensyales gayong ilang beses na kami nagkikita." Ibig bang sabihin nito ay hindi lang kami ang taga earth na narito? "Maaari sa limang taon ko sa mundong ito ay matagal ko na silang nakasalubong o nakaharap pero hindi ko man lang ito napansin. Siguro may kinalaman ito sa tadhanang binigay saakin. Kung sa bagay hindi nga pala ako ang itinakda ng dyosa sa mahalagang bagay at kung matatandaan ko may bayani sa roletang ipinaikot ko. Pinapunta lang pala ako dito para sa wala kaya bakit pa ako magtataka kung wala akong kakayahan na makilala kung sino sino ang mga itinakda." Marahil ganun na nga, kumbaga sa isang kwento sa mga palabas ay hamak na extra lang ako at walang espesyal na gagampanan. Napaka unfair na dyosa na iyon." Dahil sa pagbulong ko sa hangin ay narinig ako ng dalagang nasa harap k

    Huling Na-update : 2023-02-26
  • Karma : Kill me or Love me   chapter 8

    Ang propesiya tungkol sa paglalakbay ng bayani na itinakda ng kalangitan ay nakasulat na sa mundong ito na syang magbibigay ng katahimikan sa planetang ito at kahit mga halimaw ay alam ang tungkol dito.Gayumpaman ay walang nakakaalam kung sino ito o kailan magaganap ang itinakda. Isa rin palaisipan kung naisilang na ba ang bayani o baka ilang dekada pa ang lilipas. Kaya naman ganun na lamang ang pagkagulat ko na malaman na nabubuhay na pala ito at nagsisimula na ang kanyang alamat pero ang hindi ko maunawaan ay kung bakit sya pa?" Seryoso ka? Ikaw ang itinakdang bayani? " Pagtatanong ko rito." Kasamaang palad ay tama ka, ako ang napili maging bayani ng planetang ito. Obligado akong tapusin ang misyon ko kung gusto kong maka alis sa mundong ito. Iyon ang sabi ng dyosa." Malungkot nyang sagot kasabay ang Pag buntong hininga nya.Sa reaksyon nya ay para bang ang malas malas nya pero sa totoo lang kung ginagamit nya lang ang utak nya ay maiisip nya na napaka swerte nyang nilalang. naka

    Huling Na-update : 2023-03-02
  • Karma : Kill me or Love me   chapter 9

    Hindi ko agad nakuha ang gusto nyang mangyari kaya naman pinaulit ko ito at umaasa na baka nagkamali lang ako ng dinig pero." Hahaha, A-ano ulit yun? " Nakangiting tanong ko.Dito ay inilapit nya ang mukha nya saakin at ibinulong sa tainga ko." Ang sabi ko pwede bang hayaan mo patayin kita alang alang sa sangkatauhan." Sambit nito." Nagbibiro ka lang diba? "Sambit ko.Ilang segundo rin itong hindi nagsalita at ningitian lang ako habang hinihintay ko ang sagot nya. Medyo hindi ko gets ang trip nya pero mukhang hindi nagbibiro ang babaeng ito sa pag hiling nya na patayin ako." Humihiling ka saakin na tulungan kita at ang gusto mo hayaan ko na mamatay sa kamay mo. Ganun ba? " " Hmm... Parang ganun na nga. Hindi ka naman kasi madaling patayin kaya naisip ko na baka makipagtulungan ka na lang para mas mapadali ang lahat. " Sambit nito na tila ba napakainosente nya." Ayos lang ba sayo ? " Dagdag nito.Sa pagkakataon na iyon ay itinulak ko ang mukha nya palayo saakin at sinigawan ito.

    Huling Na-update : 2023-03-06

Pinakabagong kabanata

  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 10

    Hindi ako nakaporma sa biglaang atake nya lalo na naging kampante ako na hindi ako aatakehin ng babaeng si Mirai o baka masyado rin akong nagtiwala sa kanya dahil naging mahinahon naman sya pero nakalimutan kong desperado na rin sya na matapos ang kanyang misyon para makaalis sa mundong ito.Hindi! bakit ba ganito ang kinahantungan ko? masyadong itong hindi makatarungan kung mamamatay ako ng hindi man lang lumalaban. Hindi ko matatangap na dito lang magtatapos ang buhay ko. " Hindi ko ito matatangap ! " Sigaw ko habang nagpakawala ng eneehiya.Muling nagliwanag ang aking mga mata at nabalutan ng enerhiya ang katawan habang ginagawa ang lahat upang makaligtas.Sa pagkakataon na iyon ay may nahulog na malaking sànga ng puno sa harap ko na nag mula sa itaas na syang humarang sa espada. medyo mabigat ito at malaki kaya nagawa nitong kayanin ang pwersa ng espada.Dahil doon nagawa kong makaligtas sa pagtama ng espada at agad na tumalon palayo." Tsk, muntik na ako sa isang iyon, mabuti um

  • Karma : Kill me or Love me   chapter 9

    Hindi ko agad nakuha ang gusto nyang mangyari kaya naman pinaulit ko ito at umaasa na baka nagkamali lang ako ng dinig pero." Hahaha, A-ano ulit yun? " Nakangiting tanong ko.Dito ay inilapit nya ang mukha nya saakin at ibinulong sa tainga ko." Ang sabi ko pwede bang hayaan mo patayin kita alang alang sa sangkatauhan." Sambit nito." Nagbibiro ka lang diba? "Sambit ko.Ilang segundo rin itong hindi nagsalita at ningitian lang ako habang hinihintay ko ang sagot nya. Medyo hindi ko gets ang trip nya pero mukhang hindi nagbibiro ang babaeng ito sa pag hiling nya na patayin ako." Humihiling ka saakin na tulungan kita at ang gusto mo hayaan ko na mamatay sa kamay mo. Ganun ba? " " Hmm... Parang ganun na nga. Hindi ka naman kasi madaling patayin kaya naisip ko na baka makipagtulungan ka na lang para mas mapadali ang lahat. " Sambit nito na tila ba napakainosente nya." Ayos lang ba sayo ? " Dagdag nito.Sa pagkakataon na iyon ay itinulak ko ang mukha nya palayo saakin at sinigawan ito.

  • Karma : Kill me or Love me   chapter 8

    Ang propesiya tungkol sa paglalakbay ng bayani na itinakda ng kalangitan ay nakasulat na sa mundong ito na syang magbibigay ng katahimikan sa planetang ito at kahit mga halimaw ay alam ang tungkol dito.Gayumpaman ay walang nakakaalam kung sino ito o kailan magaganap ang itinakda. Isa rin palaisipan kung naisilang na ba ang bayani o baka ilang dekada pa ang lilipas. Kaya naman ganun na lamang ang pagkagulat ko na malaman na nabubuhay na pala ito at nagsisimula na ang kanyang alamat pero ang hindi ko maunawaan ay kung bakit sya pa?" Seryoso ka? Ikaw ang itinakdang bayani? " Pagtatanong ko rito." Kasamaang palad ay tama ka, ako ang napili maging bayani ng planetang ito. Obligado akong tapusin ang misyon ko kung gusto kong maka alis sa mundong ito. Iyon ang sabi ng dyosa." Malungkot nyang sagot kasabay ang Pag buntong hininga nya.Sa reaksyon nya ay para bang ang malas malas nya pero sa totoo lang kung ginagamit nya lang ang utak nya ay maiisip nya na napaka swerte nyang nilalang. naka

  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 7

    Nagsimula akong magtaka sa mga nagaganap lalo pa hindi namin kayang alamin ang pagkakaiba ng mga nilalang dito at mga tao na pinadala sa mundong ito. Wala man lang akong naramdamang espesyal o sensyales gayong ilang beses na kami nagkikita." Ibig bang sabihin nito ay hindi lang kami ang taga earth na narito? "Maaari sa limang taon ko sa mundong ito ay matagal ko na silang nakasalubong o nakaharap pero hindi ko man lang ito napansin. Siguro may kinalaman ito sa tadhanang binigay saakin. Kung sa bagay hindi nga pala ako ang itinakda ng dyosa sa mahalagang bagay at kung matatandaan ko may bayani sa roletang ipinaikot ko. Pinapunta lang pala ako dito para sa wala kaya bakit pa ako magtataka kung wala akong kakayahan na makilala kung sino sino ang mga itinakda." Marahil ganun na nga, kumbaga sa isang kwento sa mga palabas ay hamak na extra lang ako at walang espesyal na gagampanan. Napaka unfair na dyosa na iyon." Dahil sa pagbulong ko sa hangin ay narinig ako ng dalagang nasa harap k

  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 6

    Lumipas ang ilang araw pagkatapos ang pagtatagpo namin ng demonlord na si freya ay nagdesisyon ito na mananatili sya sa bahay ko habang hindi pa ako handa sa pinapagawa nya. Binigyan nya ako ng isang lingo para magdesisyon at magpasya kung ano ang pipiliin ko sa dalawang pabor na hinihingi nya. Syempre pinagbantaan nya pa rin ako na kapag hindi nya nagustuhan ang desisyon ko ay agad nya akong tatapusin at upang hindi ako makatakas habang nag iisip ay naglagay sya ng spell saakin para mahanap ako kahit saan ako mag punta. Hindi ito makatarungan at malaking problema para saakin dahil wala akong pagpipilian at para bang binigyan nya na lang ako ng pagkakataon na pahabain pa ang oras bago ako mamatay.Malakas at mabilis ako pero kung abilidad, spell at teknik ay bale wala ang tulad ko sa mga alpha at kung iniisip nyo na bakit hindi ko kaagad piliin ang pangalawang hiling nya na sumama sa kanya para manatili sa sky tower of doom kasama sya ay sasabihin ko sainyo na naisip ko na rin yan p

  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 5

    Napangiwi na lang ako lalo na yung ipakita nito ang pagmamaldita nito sa harap ko habang binabanggit na saakin na hindi na raw nya problema kung paano ko didiskartehan iyon basta may gawin akong paraan na tila ba ipinapasa saakin ang mga problema nya.Hindi nya naisip na kung may kakayahan akong lumaban sa malalakas eh di sana kahit itong nakakairitang kadenang ito ay kanina ko pa natanggal sa katawan ko para tumakas sa lugar na ito. Walang kwenta ang pisikal na lakas ko dahil pinapahina ito ng spell na bumabalot sa kanyang ginawang sealing spell.Habang nagpapaliwanag ay nabanggit nya na kailangan matapos ang itinakda ng dyosa upang makalaya na sya sa tadhana nya na kagaya ko ay naitakda dahil sa pagpapaikot lang ng roleta. Kung iisipin ay pareho lang kaming minalas sa roleta ng dyosa pero kahit naman papaano ay sampung beses na mas ok pa yung kinalalagyan nya kesa saakin.Dito tuloy tuloy syang nagdadabog at nagrereklamo dahil nga raw halos limang taon na mula nung napadpad sya dito

  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 4

    Sa pagpapatuloy ng pagtatagpo namin ng misteryosang mage ay agad nyang pinaramdam saakin gamit ang nag uumapaw na awra ang kanyang lakas. "Mukhang hindi ka nasaktan sa ginawa ko, munting nilalang? " Sambit nito.Nagulat ako sa narinig ko dahil nakakapag salita sya ng lengwahe na nagmula sa Earth. Hindi ko yun inaasahan at halos dahil sa tagal ng panahon na wala akong nakakausap ay hindi ko na rin ito ginagamit lalo pa mas sanay ang katawan at utak ko bilang dwende sa lengwahe ng lahi na kinabibilangan ko." Anong sabi mo? Nakakapagsalita ka ng lengwahe na mula sa earth." Pagtataka ko. Palaisipan para saakin kung sino ang babaeng nasa harap ko at kung paano sya natuto ng lengwahe na mula sa earth pero mas inaalala ko kung ano ang sadya nya saakin. Nandoon ba sya para tapusin ako o may iba syang layunin? "Malamang na nakakapagsalita ako ng lengwahe na mula sa Earth dahil minsan na akong nabuhay doon bago ako napunta sa lugar na ito." Sambit nito "Kung naitanong mo yan ay natitiyak

  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 3

    Isang araw lang lumipas sa kagubatan ay muling may nagtungo ulit na mga adventurer upang mangolekta ng item at hindi yun magandang pangitain para sakin dahil dumadami na ang bilang nila kada araw na lumilipas. Kapag hinayaan ko sila ay masisira ang katahimikan ng teritoryo ko." Parami ng parami na ang nakakaalam sa lugar na ito. Kapag hinayaan ko lang sila ay tiyak na aaraw arawin nila dito. " Sa pagkakataon na iyon ay nagpasya akong bumaba mula sa itaas ng puno at lumapit sa mga adventurer na nanghuhuli ng wild rabbit. Ang apat na batang adventurer na iyon na binubuo ng swordsman, mage,healer at hunter ay magkakaparty na kumukuha ng quest para magkapera para pang gastos sa araw araw o bumili ng mga magagandang item." Kaawa awa naman sila kung pati ang kakarampot na kikitain nila sa trabaho nila ay hahadlangan ko pa." Bulong ko sa hangin. Napapaisip ako tuloy kung ipagkakait ko ba yung pagkakataon sa kanila na makatapos ng quest at hadlangan ang kanilang pag unlad. Sino naman nap

  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 2

    Sa Pagsikat muli ng araw sa gubat na iyon ay nag handa na ako at kagaya ng pang araw araw na ginagawa ko ay maaga pa lang ay lumalabas na ako ng bahay ko upang manguha ng prutas sa nakapaligid na puno sa teritoryo ko.Hindi masyadong dinadayo ng malalakas na halimaw ang lugar na ito dahil puro maliliit na slime ang mga narito at iilan lang talaga ang pwedeng kainin karne.Mga nasa lvl 1 hanggang lvl 3 lang ang mga nandito at malayo masyado sa bayan. Kaya Hindi rin masyadong sulit sa ibang tao ang puntahan ito dahil aaksayahin lang nila ang oras nila para lang kumuha ng 1 exp para mag pataas ng level.Ibigsabihin kahit mahuli nila ang mga halimaw dito ay wala silang masyadong mapapala maliban sa item na nalalaglag sa mga mahihinang halimaw ay low class na pang beginner Quest at kung nagtataka kayo kung bakit wala akong kasamang ibang dwende ay yun ay dahil nasa kabilang gubat ang orihinal na tirahan nila.Hindi ko maunawaan ang takbo ng pamumuhay nila doon. Alam naman nila na mapangani

DMCA.com Protection Status