Share

Chapter 6

Author: Alab ng Apoy
last update Huling Na-update: 2023-02-23 14:07:58

Lumipas ang ilang araw pagkatapos ang pagtatagpo namin ng demonlord na si freya ay nagdesisyon ito na mananatili sya sa bahay ko habang hindi pa ako handa sa pinapagawa nya. Binigyan nya ako ng isang lingo para magdesisyon at magpasya kung ano ang pipiliin ko sa dalawang pabor na hinihingi nya.

Syempre pinagbantaan nya pa rin ako na kapag hindi nya nagustuhan ang desisyon ko ay agad nya akong tatapusin at upang hindi ako makatakas habang nag iisip ay naglagay sya ng spell saakin para mahanap ako kahit saan ako mag punta. Hindi ito makatarungan at malaking problema para saakin dahil wala akong pagpipilian at para bang binigyan nya na lang ako ng pagkakataon na pahabain pa ang oras bago ako mamatay.

Malakas at mabilis ako pero kung abilidad, spell at teknik ay bale wala ang tulad ko sa mga alpha at kung iniisip nyo na bakit hindi ko kaagad piliin ang pangalawang hiling nya na sumama sa kanya para manatili sa sky tower of doom kasama sya ay sasabihin ko sainyo na naisip ko na rin yan pero yung ideya na magiging masaya ba ako o papabor saakin na makasama sya ay hindi ko dapat asahan lalo pa masyado syang paladesisyon at napansin ko na gumagamit agad ng dahas laban saakin. Doon palang may duda na ako na magiging madali ba ang buhay ko na kasama sya o makukulong lang din ako sa sky tower habang buhay habang inaalipin nya.

Sa tatlong araw na kasama ko sya sa aking bahay ay ginawa nya lang akong personal na alalay. Kung ano ano ang hinihingi nya mag mula sa kakainin nya at pati sa ayos ng kwarto sa bahay ay inuutos nyang baguhin.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang kailangan nya nung sinabi nya na makasama ako sa sky tower , kung personal na alalay o isang partner.

Pero hindi ko rin naman kailangan mag assume na mamahalin ako ng isang kagaya nya dahil sa itsura ko bilang itim na dwende. Gusto nya lang ng makakasama dahil taga earth din ako kagaya nya. Nabangit din nya saakin na hindi nya itinuturing na totoong nilalang ang mga nasa paligid nya lalo na't ang mga halimaw na kasama nya.

Wala kahit sino ang naniniwala sa mga sinasabi namin tungkol sa dyosa at roleta. Well, sa tingin ko kung ako rin naman ay hindi rin maniniwala kung hindi ko mismo nararanasan ngayon ito.

Isa rin sa nabanggit nya na kahit na daw na sya ang demonlord ay kailangan nyang sundin ang tradition at sistema ng mundong ito at kahit ayaw nya manatili sa tuktok at magbakasyon kahit saglit ay hindi nya pwedeng lisanin ang teritoryo nya dahil sya ang tinuturing na pinakahari ng palapag ng sky tower na pinupuntahan ng mga adventurer upang gapiin.

" bakit parang ang unti ng maliliit na halimaw sa lugar na ito? " sambit ko habang naglalakad sa gubat.

Sa ngayon ay nasa labas ako ng tinuturing kong teritoryo para mangaso ng wild boar at kumuha malinis na tubig sa kabilang batis para ipakain sa spoiled brat na iyon dahil gusto nya ng masasarap na putahe tuwing kakain.

Hindi naman masama ang inuutos nya dahil pareho kaming kumakain nito pero yung tatlong beses akong maghahanda ng espesyal na putahe kada araw ay masyadong nakakasawa na gawin. Sabayan mo pa ng pagbabantay sa teretoryo ko sa mga dayo na lalong nag ubos ng oras ko sa araw araw.

" Tinatablan kaya ng lason ang isang yun? Pero sigurado lagot ako kung hindi sya mamatay pag nilason ko sya."

Habang naglalakad ako sa gitna ng gubat ay nakarinig ako ng pag lalaban mula sa mga adventurer at mga halimaw na naninirahan sa lugar na iyon.

" Pati ba naman dito nakakaabot na rin sila "

Dumeretso na lang ako sa paglalakad dahil kailangan kong maiuwi agad ang mga nakoleta kong karne at tubig para sa tanghalian dahil tiyak magagalit nanaman yung bruha.

Hindi ko inaasahan na magwawala ang halimaw na kinakalaban ng mga adventurer at pupunta sa direksyon kung saan ako naglalakad.

Dahil sa pagyanig ng lupa na gawa ng pagtakbo nito ay agad kong naramdaman ang panganib na paparating saakin likuran. Agad kong binababa ang karne at galon ng tubig na buhat ko para kunin ang palaso ko.

" Asar naman, pwede ba wag nyong dagdagan ang gawain ko."

Isang higanteng orc ang nagmamadali na tumakas at winawasak ang ano mang humarang sa dadaanan nya at kasama ako sa gusto nyang atakehin kaya naman wala akong nagawa kundi patamaan sya sa ulo ng palaso.

"Bull's eye "

Agad itong tinamaan at bumagsak sa lupa. Hindi na ito umabot pa sa akin pagkatapos nito sumadsad at ilang segundo lang ay unti unti na itong naglalaho at magiging maliit na cristal.

Nagulat ang mga adventurer sa nakita nila dahil bihira sa mga halimaw ang atakehin ang mas malakas sa kanila. Nasa level 15 na ang orc kaya mas makapangyarihan dapat ito sa isang dark dwarf na kagaya ko.

" Dapat pala hindi ko sa ulo pinatamaan, pwede ko rin pala iluto ang karne nya sa braso."

Maingay ang mga adventurer at parang may sinasabi saakin pero dahil hindi ko naman sila maintindihan ay hindi ko na lang pinansin kasabay ang pagtadyak sa cristal upang makuha nila. Naisip ko na kung makukuha nila yun ay di na nila ako gagambalain.

" Wala akong oras sainyo, dalhin nyo na yan at umalis."

Hindi ko na pinagkainteresan na atakehin pa ang mga adventurer dahil mukhang wala naman silang balak na umatake dahil na rin sa takot at gulat sa mga ginawa ko sa higante.

Binuhat ko muli ang karne at galon ng tubig at umalis ng lugar. Ilang minuto lang ay mararating ko na ang bukanan ng teritoryo ko at habang binabagtas ang daan ay naka rinig ako ng kakaibang tunog.

Naintriga ako sa tunog kaya naman dahan dahan na nilapitan ko ang pinang gagalingan nito at dito ko na kita ang pag huhukay ng butas ng isang dalagang adventurer.

Ang dalagang adventurer na yun ay ang kaparehong adventurer na palaging pumupunta sa lugar ko para hulihin ako.

" Sya nanaman, kailan ba sya titigil ?"

Napabuntong hininga na lang ako sa nakita ko dahil mukhang tinubos nanaman sya sa chapel ng guild nya para mabuhay ulit at nandito nanaman sya para gambalain ang araw ko.

Pero iba sa karaniwan ay may kakaiba syang ginagawa sa araw na yun. Kesa abangan ako ay nag huhukay ito at mukhang gumagawa sya ng patibong para mahuli ako.

" Ano kaya ang trip nya ngayon? "

Dito ay hinintay ko sya matapos sa ginagawa nya at nung nagtago na sya sa likod ng puno ay agad na akong lumabas sa tinataguan ko para lapitan ang bitag na ginawa nya.

" Isang bitag na gawa sa mahahabang sanga at sariwang dahon sa gitna ng gubat, napaka halata at kahit bata ay hindi mahuhulog sa patibong nya. "

Hindi ko alam kung maiinsulto ako o matatawa dahil iniisip nya na mahuhulog ako sa pambata na bitag nya pero habang lumalapit ako sa bitag ay napansin ko na may nakalagay sa gitna nito na isang bagay.

" Teka ano naman yun ? "

Sa paglapit ko pa ay nakita ko ang mga dirty magazine sa gitna ng patibong nya. Mukhang ang totoong strategy nya ay mahuli ako gamit ang paglalagay ng mga ito sa butas.

" Sa tingin nya talaga mahuhuli nya ang isang dwende sa paglalagay ng bastos na magazine ng mga tao? Seryoso ba talaga sya? "

" Galit ang dwende sa lahi ng mga tao kaya bakit sila magkakainteres sa n*******d na katawan ng mga ito? Pero sa bagay kahit na dwende ako ay may isip ako na pang tao. Pakikinabangan ko rin ito."

Dinaanan at nilagpasan ko lang ang butas at kinuha ang magazine ng hindi nahuhulog dito.

oo, hindi ako bumagsak sa butas kahit na dumaan ako dito habang may buhat na tumitimbang ng halos 20 kilos dahil sa karne at galon na hawak ko.

Isa akong dwende at hindi naman talaga mabigat ang mga kagaya ko at samahan pa na may espesyal na abilidad akong taglay para magawang makatawid sa patibong nya.

Dahil sa gulat ng dalaga ay napalabas ito sa kanyang pinagtataguan at biglang sumigaw. Napapangiwi na lang ito at tila nagdadabog.

"Waahhh!!! bakit hindi ka nahulog."

Kitang kita sa mukha nya ang pagkadismaya sa nabigo nyang mga plano. Plano na hindi ko alam kung pinag isipan ng isang adventurer o trip trip lang ng batang inaaliw ang sarili. Kung sa bagay marahil isang oras nya rin pinag abalahan ang pag gawa nito kahit na pipitsugi lang ito . Pagtapos nya sumigaw ay bigla syang lumusob hawak ang kanyang espada para hulihin ako.

Hindi ko na pinag abalahan pa na ibaba ang buhat kong karne at galon ng tubig para iwasan ang gagawin nyang atake dahil mismong sya ang dumaan sa bitag na gawa nya at dahil nga sa mabigat sya ay agad na nabali ang mga sanga sa butas at nahulog ang dalaga.

" Huh? "

Hindi naman ganun kalalim ang hinukay nya kaya agad syang umakyat dito pero puno sya ng mga pang ipit at tumatakbo palayo habang inaalis ang mga talisman na dumikit sa kanya.

Ang mga talisman na ito ay mga pangpasabog na nag titriger sa loob ng limang segundo pagkatapos madikit sa target.

Dahil hindi nya maalis ang mga ito sa katawan nya ay nag mistulan syang fireworks na tumatakbo habang sumasabog.

Nagpagulong gulong sya para patayin ang apoy at lumilipad sa bawat pag putok ng mga ito sa katawan nya.

" Ang weird nya, Hindi nya na kailangan ng kalaban para matalo sa isang laban, totoo nga ang kasabihan na ang sarili mo ang iyong tunay na kalaban."

Pero hindi ko inaasahan na gagamit ng ganyan ang isang swordman kaya lalo akong nawi-weirdohan sa babaeng ito."

Kahit na nakakatawa ay bigla akong naweirduhan sa kanyang mga paraan dahil ibang iba sya sa ibang adventurer na nakita at nakaharap ko na. Marahil dahil doon kaya naisipan kong tulungan sya dahil kung hindi ay mamamatay ulit sya.

Gamit ang espesyal na abilidad ko na Karma kung saan kaya kong bigyan ng kamalasan at swerte ang isang bagay o nilalang sa maikling panahon.

Madalas ito rin ang dahilan kung bakit buhay pa ako at palaging nakakatakas sa panganib laban sa mga malalakas na adventurer at halimaw na nakakaharap ko noon. Gayumpaman, kahit na kapakipakinabang sa laban ay may limitasyon at kondisyon ang abilidad na ito kaya hindi rin ako masyadong umaasa at abusuhin ito laban sa iba.

Tumigil ang pagsabog at nagpagulong gulong ang dalagang ito hanggang sumadsad sya sa mismong harapan ko. Dito ay agad ko syang tinutukan ng palaso sa crossbow na hawak ko.

" Aray ko.. huh? " Sambit nito.

Agad nya itong napansin at kahit na puno ng sugat ay agad syang lumuhod para magmakaawa saakin. Sa mga oras na iyon ay biglang may hindi ako inaasahang marinig sa babaeng ito.

" Wahhh!! Paki usap! Wag mo akong patayin. Marami na akong utang sa guild. Kapag namatay pa ako baka hindi na nila ako kunin sa chapel." Sigaw nito habang nagmamakaawa.

Halos hindi ako makapagsalita ng marinig ko ang hiling nyang wag syang atakehin. Tama, dahil sa pangalawang pag kakataon ay nakarinig ako ng nilalang na kayang mag salita ng lengwahe sa Earth.

"Huh ?"

Halos limang segundo rin akong napatunganga at biglang nagtanong sa babaeng yun.

" Teka kaya mo rin magsalita ng lengwahe na nagmula sa earth?" Sambit ko.

Maging sya ay nagulat at napatayo agad ng marinig akong magsalita.

" Wahh!! Nakakapagsalita ka rin ng tagalog? " Gulat nito.

Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko at magiging reaksyon dahil napakaraming beses na kaming nagtatagpo pero hindi ko man lang nahalata na marunong sya magtagalog. Kung sabagay, madalas ay inaatake ko agad sya at hindi ko na naiisipan na kausapin gayung lahat naman ng adventurer na nasasalubong ko ay hindi ko maunawaan ang sinasabi.

Iba ang lengwahe nila saakin at hindi kasama sa ibinigay ng diwata ang abilidad na kayang umunawa sa mga ibat ibang salita at lengwahe sa mundong ito.

Pero sino nga ba ang babaeng ito at paano sya natutong magsalita ng lengwahe na mula sa earth? Sa reaksyon nya ay mukhang nagulat din sya na malaman na nakakapagsalita rin ako ng tagalog. Ibigsabihin nagkataon lang ito o baka itinadhana talaga ang pagkikita namin.

Kaugnay na kabanata

  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 7

    Nagsimula akong magtaka sa mga nagaganap lalo pa hindi namin kayang alamin ang pagkakaiba ng mga nilalang dito at mga tao na pinadala sa mundong ito. Wala man lang akong naramdamang espesyal o sensyales gayong ilang beses na kami nagkikita." Ibig bang sabihin nito ay hindi lang kami ang taga earth na narito? "Maaari sa limang taon ko sa mundong ito ay matagal ko na silang nakasalubong o nakaharap pero hindi ko man lang ito napansin. Siguro may kinalaman ito sa tadhanang binigay saakin. Kung sa bagay hindi nga pala ako ang itinakda ng dyosa sa mahalagang bagay at kung matatandaan ko may bayani sa roletang ipinaikot ko. Pinapunta lang pala ako dito para sa wala kaya bakit pa ako magtataka kung wala akong kakayahan na makilala kung sino sino ang mga itinakda." Marahil ganun na nga, kumbaga sa isang kwento sa mga palabas ay hamak na extra lang ako at walang espesyal na gagampanan. Napaka unfair na dyosa na iyon." Dahil sa pagbulong ko sa hangin ay narinig ako ng dalagang nasa harap k

    Huling Na-update : 2023-02-26
  • Karma : Kill me or Love me   chapter 8

    Ang propesiya tungkol sa paglalakbay ng bayani na itinakda ng kalangitan ay nakasulat na sa mundong ito na syang magbibigay ng katahimikan sa planetang ito at kahit mga halimaw ay alam ang tungkol dito.Gayumpaman ay walang nakakaalam kung sino ito o kailan magaganap ang itinakda. Isa rin palaisipan kung naisilang na ba ang bayani o baka ilang dekada pa ang lilipas. Kaya naman ganun na lamang ang pagkagulat ko na malaman na nabubuhay na pala ito at nagsisimula na ang kanyang alamat pero ang hindi ko maunawaan ay kung bakit sya pa?" Seryoso ka? Ikaw ang itinakdang bayani? " Pagtatanong ko rito." Kasamaang palad ay tama ka, ako ang napili maging bayani ng planetang ito. Obligado akong tapusin ang misyon ko kung gusto kong maka alis sa mundong ito. Iyon ang sabi ng dyosa." Malungkot nyang sagot kasabay ang Pag buntong hininga nya.Sa reaksyon nya ay para bang ang malas malas nya pero sa totoo lang kung ginagamit nya lang ang utak nya ay maiisip nya na napaka swerte nyang nilalang. naka

    Huling Na-update : 2023-03-02
  • Karma : Kill me or Love me   chapter 9

    Hindi ko agad nakuha ang gusto nyang mangyari kaya naman pinaulit ko ito at umaasa na baka nagkamali lang ako ng dinig pero." Hahaha, A-ano ulit yun? " Nakangiting tanong ko.Dito ay inilapit nya ang mukha nya saakin at ibinulong sa tainga ko." Ang sabi ko pwede bang hayaan mo patayin kita alang alang sa sangkatauhan." Sambit nito." Nagbibiro ka lang diba? "Sambit ko.Ilang segundo rin itong hindi nagsalita at ningitian lang ako habang hinihintay ko ang sagot nya. Medyo hindi ko gets ang trip nya pero mukhang hindi nagbibiro ang babaeng ito sa pag hiling nya na patayin ako." Humihiling ka saakin na tulungan kita at ang gusto mo hayaan ko na mamatay sa kamay mo. Ganun ba? " " Hmm... Parang ganun na nga. Hindi ka naman kasi madaling patayin kaya naisip ko na baka makipagtulungan ka na lang para mas mapadali ang lahat. " Sambit nito na tila ba napakainosente nya." Ayos lang ba sayo ? " Dagdag nito.Sa pagkakataon na iyon ay itinulak ko ang mukha nya palayo saakin at sinigawan ito.

    Huling Na-update : 2023-03-06
  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 10

    Hindi ako nakaporma sa biglaang atake nya lalo na naging kampante ako na hindi ako aatakehin ng babaeng si Mirai o baka masyado rin akong nagtiwala sa kanya dahil naging mahinahon naman sya pero nakalimutan kong desperado na rin sya na matapos ang kanyang misyon para makaalis sa mundong ito.Hindi! bakit ba ganito ang kinahantungan ko? masyadong itong hindi makatarungan kung mamamatay ako ng hindi man lang lumalaban. Hindi ko matatangap na dito lang magtatapos ang buhay ko. " Hindi ko ito matatangap ! " Sigaw ko habang nagpakawala ng eneehiya.Muling nagliwanag ang aking mga mata at nabalutan ng enerhiya ang katawan habang ginagawa ang lahat upang makaligtas.Sa pagkakataon na iyon ay may nahulog na malaking sànga ng puno sa harap ko na nag mula sa itaas na syang humarang sa espada. medyo mabigat ito at malaki kaya nagawa nitong kayanin ang pwersa ng espada.Dahil doon nagawa kong makaligtas sa pagtama ng espada at agad na tumalon palayo." Tsk, muntik na ako sa isang iyon, mabuti um

    Huling Na-update : 2023-03-12
  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 1

    Sa isang maliit na bayan na tinatawag na Rifongie na matatagpuan sa mabundok na bahagi ng bansang Tengne. Nabubuhay ang halos tatlong milyong nilalang. Mula sa itaas ay makikita mo ang payak at simpleng pamumuhay ng mga naroon na malayo sa modernisyasyon kung saan mayroong nagtataasang mga gusali at maiingay na sasakyan na meron sa earth. Mayroon itong mga malilinis na ilog, malalawak na bukid at masasaganang mga kagubatan. Sa unang tingin ay pangkaraniwang lugar lang ito na makikita sa Earth ngunit doon ka nagkakamali dahil ang lugar na ito ay hindi matatagpuan sa Earth. Ang lugar na nakikita nyo ngayon ay nasa ibang planeta na isa lang sa mga planeta sa kabilang universe. Ang mundong ito ay hindi lang mga tao ang namumuhay dahil kasamang namumuhay nila ang mga kakaibang nilalang na naninirahan dito kagaya ng mga halimaw, elf, vampire, dragon at kung ano ano pa. Hindi kapani paniwala hindi ba na malaman na may umiiral na planeta sa sa ibang universe na kagaya nito? Isa rin sa ka

    Huling Na-update : 2023-01-22
  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 2

    Sa Pagsikat muli ng araw sa gubat na iyon ay nag handa na ako at kagaya ng pang araw araw na ginagawa ko ay maaga pa lang ay lumalabas na ako ng bahay ko upang manguha ng prutas sa nakapaligid na puno sa teritoryo ko.Hindi masyadong dinadayo ng malalakas na halimaw ang lugar na ito dahil puro maliliit na slime ang mga narito at iilan lang talaga ang pwedeng kainin karne.Mga nasa lvl 1 hanggang lvl 3 lang ang mga nandito at malayo masyado sa bayan. Kaya Hindi rin masyadong sulit sa ibang tao ang puntahan ito dahil aaksayahin lang nila ang oras nila para lang kumuha ng 1 exp para mag pataas ng level.Ibigsabihin kahit mahuli nila ang mga halimaw dito ay wala silang masyadong mapapala maliban sa item na nalalaglag sa mga mahihinang halimaw ay low class na pang beginner Quest at kung nagtataka kayo kung bakit wala akong kasamang ibang dwende ay yun ay dahil nasa kabilang gubat ang orihinal na tirahan nila.Hindi ko maunawaan ang takbo ng pamumuhay nila doon. Alam naman nila na mapangani

    Huling Na-update : 2023-01-22
  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 3

    Isang araw lang lumipas sa kagubatan ay muling may nagtungo ulit na mga adventurer upang mangolekta ng item at hindi yun magandang pangitain para sakin dahil dumadami na ang bilang nila kada araw na lumilipas. Kapag hinayaan ko sila ay masisira ang katahimikan ng teritoryo ko." Parami ng parami na ang nakakaalam sa lugar na ito. Kapag hinayaan ko lang sila ay tiyak na aaraw arawin nila dito. " Sa pagkakataon na iyon ay nagpasya akong bumaba mula sa itaas ng puno at lumapit sa mga adventurer na nanghuhuli ng wild rabbit. Ang apat na batang adventurer na iyon na binubuo ng swordsman, mage,healer at hunter ay magkakaparty na kumukuha ng quest para magkapera para pang gastos sa araw araw o bumili ng mga magagandang item." Kaawa awa naman sila kung pati ang kakarampot na kikitain nila sa trabaho nila ay hahadlangan ko pa." Bulong ko sa hangin. Napapaisip ako tuloy kung ipagkakait ko ba yung pagkakataon sa kanila na makatapos ng quest at hadlangan ang kanilang pag unlad. Sino naman nap

    Huling Na-update : 2023-01-22
  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 4

    Sa pagpapatuloy ng pagtatagpo namin ng misteryosang mage ay agad nyang pinaramdam saakin gamit ang nag uumapaw na awra ang kanyang lakas. "Mukhang hindi ka nasaktan sa ginawa ko, munting nilalang? " Sambit nito.Nagulat ako sa narinig ko dahil nakakapag salita sya ng lengwahe na nagmula sa Earth. Hindi ko yun inaasahan at halos dahil sa tagal ng panahon na wala akong nakakausap ay hindi ko na rin ito ginagamit lalo pa mas sanay ang katawan at utak ko bilang dwende sa lengwahe ng lahi na kinabibilangan ko." Anong sabi mo? Nakakapagsalita ka ng lengwahe na mula sa earth." Pagtataka ko. Palaisipan para saakin kung sino ang babaeng nasa harap ko at kung paano sya natuto ng lengwahe na mula sa earth pero mas inaalala ko kung ano ang sadya nya saakin. Nandoon ba sya para tapusin ako o may iba syang layunin? "Malamang na nakakapagsalita ako ng lengwahe na mula sa Earth dahil minsan na akong nabuhay doon bago ako napunta sa lugar na ito." Sambit nito "Kung naitanong mo yan ay natitiyak

    Huling Na-update : 2023-01-22

Pinakabagong kabanata

  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 10

    Hindi ako nakaporma sa biglaang atake nya lalo na naging kampante ako na hindi ako aatakehin ng babaeng si Mirai o baka masyado rin akong nagtiwala sa kanya dahil naging mahinahon naman sya pero nakalimutan kong desperado na rin sya na matapos ang kanyang misyon para makaalis sa mundong ito.Hindi! bakit ba ganito ang kinahantungan ko? masyadong itong hindi makatarungan kung mamamatay ako ng hindi man lang lumalaban. Hindi ko matatangap na dito lang magtatapos ang buhay ko. " Hindi ko ito matatangap ! " Sigaw ko habang nagpakawala ng eneehiya.Muling nagliwanag ang aking mga mata at nabalutan ng enerhiya ang katawan habang ginagawa ang lahat upang makaligtas.Sa pagkakataon na iyon ay may nahulog na malaking sànga ng puno sa harap ko na nag mula sa itaas na syang humarang sa espada. medyo mabigat ito at malaki kaya nagawa nitong kayanin ang pwersa ng espada.Dahil doon nagawa kong makaligtas sa pagtama ng espada at agad na tumalon palayo." Tsk, muntik na ako sa isang iyon, mabuti um

  • Karma : Kill me or Love me   chapter 9

    Hindi ko agad nakuha ang gusto nyang mangyari kaya naman pinaulit ko ito at umaasa na baka nagkamali lang ako ng dinig pero." Hahaha, A-ano ulit yun? " Nakangiting tanong ko.Dito ay inilapit nya ang mukha nya saakin at ibinulong sa tainga ko." Ang sabi ko pwede bang hayaan mo patayin kita alang alang sa sangkatauhan." Sambit nito." Nagbibiro ka lang diba? "Sambit ko.Ilang segundo rin itong hindi nagsalita at ningitian lang ako habang hinihintay ko ang sagot nya. Medyo hindi ko gets ang trip nya pero mukhang hindi nagbibiro ang babaeng ito sa pag hiling nya na patayin ako." Humihiling ka saakin na tulungan kita at ang gusto mo hayaan ko na mamatay sa kamay mo. Ganun ba? " " Hmm... Parang ganun na nga. Hindi ka naman kasi madaling patayin kaya naisip ko na baka makipagtulungan ka na lang para mas mapadali ang lahat. " Sambit nito na tila ba napakainosente nya." Ayos lang ba sayo ? " Dagdag nito.Sa pagkakataon na iyon ay itinulak ko ang mukha nya palayo saakin at sinigawan ito.

  • Karma : Kill me or Love me   chapter 8

    Ang propesiya tungkol sa paglalakbay ng bayani na itinakda ng kalangitan ay nakasulat na sa mundong ito na syang magbibigay ng katahimikan sa planetang ito at kahit mga halimaw ay alam ang tungkol dito.Gayumpaman ay walang nakakaalam kung sino ito o kailan magaganap ang itinakda. Isa rin palaisipan kung naisilang na ba ang bayani o baka ilang dekada pa ang lilipas. Kaya naman ganun na lamang ang pagkagulat ko na malaman na nabubuhay na pala ito at nagsisimula na ang kanyang alamat pero ang hindi ko maunawaan ay kung bakit sya pa?" Seryoso ka? Ikaw ang itinakdang bayani? " Pagtatanong ko rito." Kasamaang palad ay tama ka, ako ang napili maging bayani ng planetang ito. Obligado akong tapusin ang misyon ko kung gusto kong maka alis sa mundong ito. Iyon ang sabi ng dyosa." Malungkot nyang sagot kasabay ang Pag buntong hininga nya.Sa reaksyon nya ay para bang ang malas malas nya pero sa totoo lang kung ginagamit nya lang ang utak nya ay maiisip nya na napaka swerte nyang nilalang. naka

  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 7

    Nagsimula akong magtaka sa mga nagaganap lalo pa hindi namin kayang alamin ang pagkakaiba ng mga nilalang dito at mga tao na pinadala sa mundong ito. Wala man lang akong naramdamang espesyal o sensyales gayong ilang beses na kami nagkikita." Ibig bang sabihin nito ay hindi lang kami ang taga earth na narito? "Maaari sa limang taon ko sa mundong ito ay matagal ko na silang nakasalubong o nakaharap pero hindi ko man lang ito napansin. Siguro may kinalaman ito sa tadhanang binigay saakin. Kung sa bagay hindi nga pala ako ang itinakda ng dyosa sa mahalagang bagay at kung matatandaan ko may bayani sa roletang ipinaikot ko. Pinapunta lang pala ako dito para sa wala kaya bakit pa ako magtataka kung wala akong kakayahan na makilala kung sino sino ang mga itinakda." Marahil ganun na nga, kumbaga sa isang kwento sa mga palabas ay hamak na extra lang ako at walang espesyal na gagampanan. Napaka unfair na dyosa na iyon." Dahil sa pagbulong ko sa hangin ay narinig ako ng dalagang nasa harap k

  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 6

    Lumipas ang ilang araw pagkatapos ang pagtatagpo namin ng demonlord na si freya ay nagdesisyon ito na mananatili sya sa bahay ko habang hindi pa ako handa sa pinapagawa nya. Binigyan nya ako ng isang lingo para magdesisyon at magpasya kung ano ang pipiliin ko sa dalawang pabor na hinihingi nya. Syempre pinagbantaan nya pa rin ako na kapag hindi nya nagustuhan ang desisyon ko ay agad nya akong tatapusin at upang hindi ako makatakas habang nag iisip ay naglagay sya ng spell saakin para mahanap ako kahit saan ako mag punta. Hindi ito makatarungan at malaking problema para saakin dahil wala akong pagpipilian at para bang binigyan nya na lang ako ng pagkakataon na pahabain pa ang oras bago ako mamatay.Malakas at mabilis ako pero kung abilidad, spell at teknik ay bale wala ang tulad ko sa mga alpha at kung iniisip nyo na bakit hindi ko kaagad piliin ang pangalawang hiling nya na sumama sa kanya para manatili sa sky tower of doom kasama sya ay sasabihin ko sainyo na naisip ko na rin yan p

  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 5

    Napangiwi na lang ako lalo na yung ipakita nito ang pagmamaldita nito sa harap ko habang binabanggit na saakin na hindi na raw nya problema kung paano ko didiskartehan iyon basta may gawin akong paraan na tila ba ipinapasa saakin ang mga problema nya.Hindi nya naisip na kung may kakayahan akong lumaban sa malalakas eh di sana kahit itong nakakairitang kadenang ito ay kanina ko pa natanggal sa katawan ko para tumakas sa lugar na ito. Walang kwenta ang pisikal na lakas ko dahil pinapahina ito ng spell na bumabalot sa kanyang ginawang sealing spell.Habang nagpapaliwanag ay nabanggit nya na kailangan matapos ang itinakda ng dyosa upang makalaya na sya sa tadhana nya na kagaya ko ay naitakda dahil sa pagpapaikot lang ng roleta. Kung iisipin ay pareho lang kaming minalas sa roleta ng dyosa pero kahit naman papaano ay sampung beses na mas ok pa yung kinalalagyan nya kesa saakin.Dito tuloy tuloy syang nagdadabog at nagrereklamo dahil nga raw halos limang taon na mula nung napadpad sya dito

  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 4

    Sa pagpapatuloy ng pagtatagpo namin ng misteryosang mage ay agad nyang pinaramdam saakin gamit ang nag uumapaw na awra ang kanyang lakas. "Mukhang hindi ka nasaktan sa ginawa ko, munting nilalang? " Sambit nito.Nagulat ako sa narinig ko dahil nakakapag salita sya ng lengwahe na nagmula sa Earth. Hindi ko yun inaasahan at halos dahil sa tagal ng panahon na wala akong nakakausap ay hindi ko na rin ito ginagamit lalo pa mas sanay ang katawan at utak ko bilang dwende sa lengwahe ng lahi na kinabibilangan ko." Anong sabi mo? Nakakapagsalita ka ng lengwahe na mula sa earth." Pagtataka ko. Palaisipan para saakin kung sino ang babaeng nasa harap ko at kung paano sya natuto ng lengwahe na mula sa earth pero mas inaalala ko kung ano ang sadya nya saakin. Nandoon ba sya para tapusin ako o may iba syang layunin? "Malamang na nakakapagsalita ako ng lengwahe na mula sa Earth dahil minsan na akong nabuhay doon bago ako napunta sa lugar na ito." Sambit nito "Kung naitanong mo yan ay natitiyak

  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 3

    Isang araw lang lumipas sa kagubatan ay muling may nagtungo ulit na mga adventurer upang mangolekta ng item at hindi yun magandang pangitain para sakin dahil dumadami na ang bilang nila kada araw na lumilipas. Kapag hinayaan ko sila ay masisira ang katahimikan ng teritoryo ko." Parami ng parami na ang nakakaalam sa lugar na ito. Kapag hinayaan ko lang sila ay tiyak na aaraw arawin nila dito. " Sa pagkakataon na iyon ay nagpasya akong bumaba mula sa itaas ng puno at lumapit sa mga adventurer na nanghuhuli ng wild rabbit. Ang apat na batang adventurer na iyon na binubuo ng swordsman, mage,healer at hunter ay magkakaparty na kumukuha ng quest para magkapera para pang gastos sa araw araw o bumili ng mga magagandang item." Kaawa awa naman sila kung pati ang kakarampot na kikitain nila sa trabaho nila ay hahadlangan ko pa." Bulong ko sa hangin. Napapaisip ako tuloy kung ipagkakait ko ba yung pagkakataon sa kanila na makatapos ng quest at hadlangan ang kanilang pag unlad. Sino naman nap

  • Karma : Kill me or Love me   Chapter 2

    Sa Pagsikat muli ng araw sa gubat na iyon ay nag handa na ako at kagaya ng pang araw araw na ginagawa ko ay maaga pa lang ay lumalabas na ako ng bahay ko upang manguha ng prutas sa nakapaligid na puno sa teritoryo ko.Hindi masyadong dinadayo ng malalakas na halimaw ang lugar na ito dahil puro maliliit na slime ang mga narito at iilan lang talaga ang pwedeng kainin karne.Mga nasa lvl 1 hanggang lvl 3 lang ang mga nandito at malayo masyado sa bayan. Kaya Hindi rin masyadong sulit sa ibang tao ang puntahan ito dahil aaksayahin lang nila ang oras nila para lang kumuha ng 1 exp para mag pataas ng level.Ibigsabihin kahit mahuli nila ang mga halimaw dito ay wala silang masyadong mapapala maliban sa item na nalalaglag sa mga mahihinang halimaw ay low class na pang beginner Quest at kung nagtataka kayo kung bakit wala akong kasamang ibang dwende ay yun ay dahil nasa kabilang gubat ang orihinal na tirahan nila.Hindi ko maunawaan ang takbo ng pamumuhay nila doon. Alam naman nila na mapangani

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status