Tungkol sa isang taong pinadala sa ibang mundo bilang dwende na si Karma at habang namumuhay ng tahimik sa mundong iyon ay makakatagpo nya ang succubus demonlord na nag ngangalang Freya na mag uutos sa tila imposibleng bagay kay Karma na tulungan syang tapusin ang misyon nya sa mundo. Pinapili nya ang dwende na si Karma sa dalawang bagay, ito ay ang umakyat sa sky tower of doom upang patayin sya o manatili sa tore at mahalin ito habang buhay at habang ginagawa ang utos nito ay makikilala naman ni Karma ang bayani ng mundo na si Mirai kung saan desperado syang hinahanap at papatayin dahil sa kinakailangan nito makuha ang Itim na cristal sa katawan ni Karma kaya hihilingin nito sa sa binata ang kamatayan nito para sa kapakanan ng sangkatauhan at misyon ng bayani sa planetang iyon gayumpaman dahil hindi pumayag ang binatang si Karma sa pabor ay muli itong nagbigay ng pagpipilian na titigilan sya na atakehin kapalit ng pagsama ni Karma sa kanya upang mamuhay ng payapa sa syudad ng mga tao. Ang pagkaipit nya sa dalawang pabor at misyon na itinakda ng Dyosa sa demonlord at bayani ay ang nag dala sa kanya sa magulo,nakakapraning at walang katapusang pakikipagsapalaran na magpapabago sa tahimik at payapa nyang pamumuhay.
View MoreHindi ako nakaporma sa biglaang atake nya lalo na naging kampante ako na hindi ako aatakehin ng babaeng si Mirai o baka masyado rin akong nagtiwala sa kanya dahil naging mahinahon naman sya pero nakalimutan kong desperado na rin sya na matapos ang kanyang misyon para makaalis sa mundong ito.Hindi! bakit ba ganito ang kinahantungan ko? masyadong itong hindi makatarungan kung mamamatay ako ng hindi man lang lumalaban. Hindi ko matatangap na dito lang magtatapos ang buhay ko. " Hindi ko ito matatangap ! " Sigaw ko habang nagpakawala ng eneehiya.Muling nagliwanag ang aking mga mata at nabalutan ng enerhiya ang katawan habang ginagawa ang lahat upang makaligtas.Sa pagkakataon na iyon ay may nahulog na malaking sànga ng puno sa harap ko na nag mula sa itaas na syang humarang sa espada. medyo mabigat ito at malaki kaya nagawa nitong kayanin ang pwersa ng espada.Dahil doon nagawa kong makaligtas sa pagtama ng espada at agad na tumalon palayo." Tsk, muntik na ako sa isang iyon, mabuti um
Hindi ko agad nakuha ang gusto nyang mangyari kaya naman pinaulit ko ito at umaasa na baka nagkamali lang ako ng dinig pero." Hahaha, A-ano ulit yun? " Nakangiting tanong ko.Dito ay inilapit nya ang mukha nya saakin at ibinulong sa tainga ko." Ang sabi ko pwede bang hayaan mo patayin kita alang alang sa sangkatauhan." Sambit nito." Nagbibiro ka lang diba? "Sambit ko.Ilang segundo rin itong hindi nagsalita at ningitian lang ako habang hinihintay ko ang sagot nya. Medyo hindi ko gets ang trip nya pero mukhang hindi nagbibiro ang babaeng ito sa pag hiling nya na patayin ako." Humihiling ka saakin na tulungan kita at ang gusto mo hayaan ko na mamatay sa kamay mo. Ganun ba? " " Hmm... Parang ganun na nga. Hindi ka naman kasi madaling patayin kaya naisip ko na baka makipagtulungan ka na lang para mas mapadali ang lahat. " Sambit nito na tila ba napakainosente nya." Ayos lang ba sayo ? " Dagdag nito.Sa pagkakataon na iyon ay itinulak ko ang mukha nya palayo saakin at sinigawan ito.
Ang propesiya tungkol sa paglalakbay ng bayani na itinakda ng kalangitan ay nakasulat na sa mundong ito na syang magbibigay ng katahimikan sa planetang ito at kahit mga halimaw ay alam ang tungkol dito.Gayumpaman ay walang nakakaalam kung sino ito o kailan magaganap ang itinakda. Isa rin palaisipan kung naisilang na ba ang bayani o baka ilang dekada pa ang lilipas. Kaya naman ganun na lamang ang pagkagulat ko na malaman na nabubuhay na pala ito at nagsisimula na ang kanyang alamat pero ang hindi ko maunawaan ay kung bakit sya pa?" Seryoso ka? Ikaw ang itinakdang bayani? " Pagtatanong ko rito." Kasamaang palad ay tama ka, ako ang napili maging bayani ng planetang ito. Obligado akong tapusin ang misyon ko kung gusto kong maka alis sa mundong ito. Iyon ang sabi ng dyosa." Malungkot nyang sagot kasabay ang Pag buntong hininga nya.Sa reaksyon nya ay para bang ang malas malas nya pero sa totoo lang kung ginagamit nya lang ang utak nya ay maiisip nya na napaka swerte nyang nilalang. naka
Nagsimula akong magtaka sa mga nagaganap lalo pa hindi namin kayang alamin ang pagkakaiba ng mga nilalang dito at mga tao na pinadala sa mundong ito. Wala man lang akong naramdamang espesyal o sensyales gayong ilang beses na kami nagkikita." Ibig bang sabihin nito ay hindi lang kami ang taga earth na narito? "Maaari sa limang taon ko sa mundong ito ay matagal ko na silang nakasalubong o nakaharap pero hindi ko man lang ito napansin. Siguro may kinalaman ito sa tadhanang binigay saakin. Kung sa bagay hindi nga pala ako ang itinakda ng dyosa sa mahalagang bagay at kung matatandaan ko may bayani sa roletang ipinaikot ko. Pinapunta lang pala ako dito para sa wala kaya bakit pa ako magtataka kung wala akong kakayahan na makilala kung sino sino ang mga itinakda." Marahil ganun na nga, kumbaga sa isang kwento sa mga palabas ay hamak na extra lang ako at walang espesyal na gagampanan. Napaka unfair na dyosa na iyon." Dahil sa pagbulong ko sa hangin ay narinig ako ng dalagang nasa harap k
Lumipas ang ilang araw pagkatapos ang pagtatagpo namin ng demonlord na si freya ay nagdesisyon ito na mananatili sya sa bahay ko habang hindi pa ako handa sa pinapagawa nya. Binigyan nya ako ng isang lingo para magdesisyon at magpasya kung ano ang pipiliin ko sa dalawang pabor na hinihingi nya. Syempre pinagbantaan nya pa rin ako na kapag hindi nya nagustuhan ang desisyon ko ay agad nya akong tatapusin at upang hindi ako makatakas habang nag iisip ay naglagay sya ng spell saakin para mahanap ako kahit saan ako mag punta. Hindi ito makatarungan at malaking problema para saakin dahil wala akong pagpipilian at para bang binigyan nya na lang ako ng pagkakataon na pahabain pa ang oras bago ako mamatay.Malakas at mabilis ako pero kung abilidad, spell at teknik ay bale wala ang tulad ko sa mga alpha at kung iniisip nyo na bakit hindi ko kaagad piliin ang pangalawang hiling nya na sumama sa kanya para manatili sa sky tower of doom kasama sya ay sasabihin ko sainyo na naisip ko na rin yan p
Napangiwi na lang ako lalo na yung ipakita nito ang pagmamaldita nito sa harap ko habang binabanggit na saakin na hindi na raw nya problema kung paano ko didiskartehan iyon basta may gawin akong paraan na tila ba ipinapasa saakin ang mga problema nya.Hindi nya naisip na kung may kakayahan akong lumaban sa malalakas eh di sana kahit itong nakakairitang kadenang ito ay kanina ko pa natanggal sa katawan ko para tumakas sa lugar na ito. Walang kwenta ang pisikal na lakas ko dahil pinapahina ito ng spell na bumabalot sa kanyang ginawang sealing spell.Habang nagpapaliwanag ay nabanggit nya na kailangan matapos ang itinakda ng dyosa upang makalaya na sya sa tadhana nya na kagaya ko ay naitakda dahil sa pagpapaikot lang ng roleta. Kung iisipin ay pareho lang kaming minalas sa roleta ng dyosa pero kahit naman papaano ay sampung beses na mas ok pa yung kinalalagyan nya kesa saakin.Dito tuloy tuloy syang nagdadabog at nagrereklamo dahil nga raw halos limang taon na mula nung napadpad sya dito
Sa pagpapatuloy ng pagtatagpo namin ng misteryosang mage ay agad nyang pinaramdam saakin gamit ang nag uumapaw na awra ang kanyang lakas. "Mukhang hindi ka nasaktan sa ginawa ko, munting nilalang? " Sambit nito.Nagulat ako sa narinig ko dahil nakakapag salita sya ng lengwahe na nagmula sa Earth. Hindi ko yun inaasahan at halos dahil sa tagal ng panahon na wala akong nakakausap ay hindi ko na rin ito ginagamit lalo pa mas sanay ang katawan at utak ko bilang dwende sa lengwahe ng lahi na kinabibilangan ko." Anong sabi mo? Nakakapagsalita ka ng lengwahe na mula sa earth." Pagtataka ko. Palaisipan para saakin kung sino ang babaeng nasa harap ko at kung paano sya natuto ng lengwahe na mula sa earth pero mas inaalala ko kung ano ang sadya nya saakin. Nandoon ba sya para tapusin ako o may iba syang layunin? "Malamang na nakakapagsalita ako ng lengwahe na mula sa Earth dahil minsan na akong nabuhay doon bago ako napunta sa lugar na ito." Sambit nito "Kung naitanong mo yan ay natitiyak
Isang araw lang lumipas sa kagubatan ay muling may nagtungo ulit na mga adventurer upang mangolekta ng item at hindi yun magandang pangitain para sakin dahil dumadami na ang bilang nila kada araw na lumilipas. Kapag hinayaan ko sila ay masisira ang katahimikan ng teritoryo ko." Parami ng parami na ang nakakaalam sa lugar na ito. Kapag hinayaan ko lang sila ay tiyak na aaraw arawin nila dito. " Sa pagkakataon na iyon ay nagpasya akong bumaba mula sa itaas ng puno at lumapit sa mga adventurer na nanghuhuli ng wild rabbit. Ang apat na batang adventurer na iyon na binubuo ng swordsman, mage,healer at hunter ay magkakaparty na kumukuha ng quest para magkapera para pang gastos sa araw araw o bumili ng mga magagandang item." Kaawa awa naman sila kung pati ang kakarampot na kikitain nila sa trabaho nila ay hahadlangan ko pa." Bulong ko sa hangin. Napapaisip ako tuloy kung ipagkakait ko ba yung pagkakataon sa kanila na makatapos ng quest at hadlangan ang kanilang pag unlad. Sino naman nap
Sa Pagsikat muli ng araw sa gubat na iyon ay nag handa na ako at kagaya ng pang araw araw na ginagawa ko ay maaga pa lang ay lumalabas na ako ng bahay ko upang manguha ng prutas sa nakapaligid na puno sa teritoryo ko.Hindi masyadong dinadayo ng malalakas na halimaw ang lugar na ito dahil puro maliliit na slime ang mga narito at iilan lang talaga ang pwedeng kainin karne.Mga nasa lvl 1 hanggang lvl 3 lang ang mga nandito at malayo masyado sa bayan. Kaya Hindi rin masyadong sulit sa ibang tao ang puntahan ito dahil aaksayahin lang nila ang oras nila para lang kumuha ng 1 exp para mag pataas ng level.Ibigsabihin kahit mahuli nila ang mga halimaw dito ay wala silang masyadong mapapala maliban sa item na nalalaglag sa mga mahihinang halimaw ay low class na pang beginner Quest at kung nagtataka kayo kung bakit wala akong kasamang ibang dwende ay yun ay dahil nasa kabilang gubat ang orihinal na tirahan nila.Hindi ko maunawaan ang takbo ng pamumuhay nila doon. Alam naman nila na mapangani
Sa isang maliit na bayan na tinatawag na Rifongie na matatagpuan sa mabundok na bahagi ng bansang Tengne. Nabubuhay ang halos tatlong milyong nilalang. Mula sa itaas ay makikita mo ang payak at simpleng pamumuhay ng mga naroon na malayo sa modernisyasyon kung saan mayroong nagtataasang mga gusali at maiingay na sasakyan na meron sa earth. Mayroon itong mga malilinis na ilog, malalawak na bukid at masasaganang mga kagubatan. Sa unang tingin ay pangkaraniwang lugar lang ito na makikita sa Earth ngunit doon ka nagkakamali dahil ang lugar na ito ay hindi matatagpuan sa Earth. Ang lugar na nakikita nyo ngayon ay nasa ibang planeta na isa lang sa mga planeta sa kabilang universe. Ang mundong ito ay hindi lang mga tao ang namumuhay dahil kasamang namumuhay nila ang mga kakaibang nilalang na naninirahan dito kagaya ng mga halimaw, elf, vampire, dragon at kung ano ano pa. Hindi kapani paniwala hindi ba na malaman na may umiiral na planeta sa sa ibang universe na kagaya nito? Isa rin sa ka...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments