“Hello, Sweetie, bakit ka umiiyak?” Tanong ko sa malambing na tinig bago dinukot ang puting panyo mula sa aking bulsa saka maingat na pinunasan ang mga luha nito sa magkabilang pisngi. Natigilan ako sa ginawa ng bata dahil imbes na sumagot ay mahigpit ako nitong niyakap sa leeg.“Daddy, I miss you so much… I waited for you for a long time, why did you come home now?” Ani nito sa garalgal na tinig habang patuloy na umiiyak sa pagitan ng aking leeg. Wala sa sarili na niyakap ko ito ng mahigpit at ng mga oras na ito ay parang gusto kong umiyak. Saglit kong ipinikit ang aking mga mata at dinama ang kakaibang pakiramdam habang nasa mga bisig ko ang batang ito.“Zevi! I told you he is not our daddy! Why are you stubborn! Let go of my sister!" Galit na sabi ng isang batang lalaki sa aking harapan na ngayon ko lang napansin. Natulala ako ng matitigan ko ang mukha nito dahil parang nakikita ko ang aking kabataan mula sa kanya. Lumapit ito sa amin at pilit na hinila palayo sa akin ang kapatid
Labis na namangha ang lahat ng mga tao sa loob ng paaralan dahil sa presensya ni Zac, hindi nila sukat akalain na mapa-padpad ang isang business tycoon sa kanilang eskwelahan. Kilala siya ng lahat dahil madalas na laman siya ng balita.Maingat na ibinaba ni Zac ang mga bata bago hinawakan ito sa kanilang mga kamay. Walang pakialam na nagpatuloy ito sa paglalakad habang sa likuran ay nakasunod ang dalawang bodyguard nito habang ang iba pa nitong mga kasama ay naiwan sa labas ng school.“My ghod, Zach, saan ba kayo nagpunta? pinag-alala n’yo ako ng husto.” Ani ni teacher Flor halata sa mukha nito ang labis na pag-aalala para sa kanyang mga estudyante.“Cher, we found our Daddy.” Masiglang pagbabalita ni Zevi at ipinakilala ang guro sa kanilang ama, alam ni Teacher Flor na walang ama ang mga bata kaya nakadama siya ng awa para sa kambal habang ang mga tao sa kanilang paligid ay inakala na tatay talaga nila ang binata dahil halos iisa ang kanilang mga mukha.Isang matamis na ngiti ang na
“Zach, what happened to your shoulder?” Nag-aalala na tanong ko sa aking anak. Nang hubarin ko kasi ang suot nitong t-shirt ay tumambad sa akin ang isang pasâ sa kaliwang balikat nito. Hindi naman ito kalakihan ngunit natatakot ako na baka nahulog ito o di kaya ay nabubully na sa school ang mga anak ko ng hindi ko namamalayan.Hindi makasagot sa akin si Zach at nanatili lang itong nakatingin sa sahig, kilala ko ang anak kong ito hindi ito marunong magsumbong sa akin at hangga’t kaya nito ay mananatili itong tahimik.“Zevi?” Ani ko sa kakambal nito, saglit na tumingin si Zevi sa kanyang kapatid bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga na parang akala mo ay matanda."Jasper's father did this to Zach, he held Zach's shoulder so hard that Zach cried yesterday.” Sumbong sa akin ni Zevi habang pinaglalaruan ang mga daliri nito, halatang natatakot ang mga anak ko sa akin dahil alam nila na galit ako. Kaagad na tinawagan ko si teacher Flor upang ipatawag ang magulang ng bata, pagka
“Oh? Anong masamang hangin ang nagtulak sa inyo para mapadpad dito?” Taas kilay kong tanong ng datnan ko sa labas ng pintuan sina Josh, Carlo at Vincent na matiyagang naghihintay sa aking pagdating. Natigilan ako ng hindi gumagalaw ang mga ito mula sa kanilang kinatatayuan at nanatili lang nakatulala sa aking mukha. Umiiling na lumapit ako sa kanilang kinatatayuan, at nang makalapit ay binigyan ko ang mga ito ng tig-isang jab. Napaigík sila saka hinimas ang nasaktan nilang dibdib. “Lanya, itsura mo lang ang nagbago pero ang ugali at kilos ay ugaling askal pa rin.” Nang-aasar na sabi ni Carlo kaya pinukol ko siya ng isang matalim na tingin. “Kung maka-askal ka naman wagas, sinong di maiinis sa inyo eh, tinalo n’yo pa ang mukhang manyakis kung makatingin.” Anya sa sarkastikong tinig. “You know, bro, di mo kami masisisí dahil hindi ka na mukhang astig ngayon parang ikaw yung klase ng babae na siguradong pagpapan-“ hindi na nito itinuloy ang sasabihin ng umangat ang aking kamay sa ere,
“Laopanyang, Tāmen zài zhèlǐ.” Ani ng tauhan ni Mr. Yuay pagkatapos yumuko sa harap nito. “Hao, hm? Nǐ quèdìng tāmen zhīdào wǒsūnnû zài nǎlǐ ma?”(Are you sure they know where my granddaughter is?) seryosong tanong ni Mr. Yuay, habang matamang sinusuri ang kabuuan ng tatlo mula ulo hanggang paa.“What do you want from us?” Matapang na tanong ni Josh habang nakikipag tagisan ng tingin sa matandang Chinese habang si Carlo at Vincent ay labis na namamangha sa sa kabuuan ng malaking bahay na kanilang kinaroroonan. Tumaas ang sulok ng bibig ni Mr. Yuay bago ito nagsalita.“Tell me, where’s Vernice? Anya ng matanda habang nakatayo ito sa kanilang harapan hawak ang itim nitong baston.“We don’t know, you’re wasting your time on us because we don’t know who you're talking about.” Tinatamad na sagot ni Josh na hindi mo man lang kakikitaan ng takot ang mukha nito. Malakas na tinuktok ng matanda ang kanyang tungkod sa sahig kaya kumilos ang isang tauhan nito, bahagya namang napaatras sina Vince
Mula sa pagkaka-luhod sa sahig ay umangat ang luhaan kong mukha at saka matapang na tumitig sa mga mata ng aking ama. Wala akong makita na anumang reaksyon mula sa kanyang mukha at nanatiling blangko ang mga mata nito. Habang sa tabi ng aking Ama ay nakatayo ang walang puso kong Abueló na nanatiling matigas ang bukas ng mukha nito.“Sa simula’t sapul ay ginawa ko na ang lahat para mapansin mo ako at umasa na kahit katiting na pagmamahal mula sayo ay maambunan mo man lang ako. Anak mo ako Papa! at buong buhay ko ng pinagdusahan ang lahat. Sa bawat araw na binabalewala mo ako ay katumbas nito sa akin ay k-kamatayan...” ani ko sa pagitan ng aking pagtangis, ramdam ang matinding emosyon at sakit na kinimkim ko sa aking dibdib sa loob ng mahabang panahon. Unti-unting binalot ng matinding kilabot ang buong pagkatao ko dahil nilalamon ng kapighatian ang puso ko. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha sa makinis kong pisngi habang ang puso ko ay wari mo’y sinasakal dahil nahihirapan na akong
Vernice Point of viewHindi ko alam kung ilang oras na akong nag pabalik-balik ng lakad dito sa loob ng kwarto habang patuloy na pinipiga ang aking mga kamay. Dalawang araw na akong nakakulong sa kwartong ito at kahit isa sa kanila ay hindi man lang ako hinaharap. Labis akong natatakot para sa kalagayan ng aking mga anak halos wala na rin akong tulog dala ng matinding pag-aalala. Lumapit ako sa bintana at hinawi ang puting kurtina saka sumilip sa labas, nag-aagaw na ang liwanag at dilim kaya sa palagay ko ay six thirty na ng hapon. Bigla akong napalayo sa bintana ng marinig ko ang pagpihit ng seradura mula sa labas ng pintuan kasunod nun ay ang pagpasok ng dalawang babae na may seryosong mukha. Pagkatapos nilang isarado ang pintuan ay tumingin sila sa aking direksyon, tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa.Umiilíng na lumapit ang isa sa kanila sa kama saka ibinaba nito ang isang mahabang puting bestida. “”Ma’am, kailangan n’yo ng maligo para maayusan ka na namin. Pakibilis lang d
Hindi ako nakahuma ng tila slow motion ang pagpasok ng isang matangkad na lalaki na may seryosong mukha at kagalang-galang tingnan sa suot nitong mamahalin na black, three piece suit. Habang napapaligiran ito ng kanyang mga bodyguard. Naagaw ng presensya nito ang atensyon ng lahat ng mga tao sa bulwagang ito at halos hindi magkandamayaw ang mga kababaihan sa pagtanaw sa lalaking kasalukuyang naglalakad patungo sa pinakasentro ng bulwagan, sa aking kinaroroonan. Ang matapang na awra nito ay hindi naging balakid upang katakutan ito bagkus ay matinding paghanga ang tanging makikita sa mga mata ng lahat.Para akong nabato balani sa aking kinatatayuan dahil sa isang malaking pasabog ngayong gabi. Hindi ko sukat akalain na ang lalaking naka-one-night stand ko, at the same time ay naging nobyo dahil sa isang one month agreement, na sinang-ayunan ko na kalaunan ay iniwan ko rin ng walang paalam pagkatapos kong nakawan. At ang kasunduan na pilit kong tinatakasan dahil sa mga anak ko ay isang
Hindi magkamayaw ang mga kababaihan na makalapit si isang sikat na artista na nakaupo sa unahan habang sa harap nito ay isang mahabang lamesa. Kulang na lang ay makaihi sa sobrang kilig ang mga ito habang naglalaway na nakatitig sa mukha ng gwapong si Hanz Zimmer. Isa siyang half Filipino and half Canadian hollywood actor na labis na hinahangaan ng mga kababaihan. Isa-isang lumapit ang lahat upang magpapirma ng mga hawak nilang gamit na related sa aktor na si Hanz. Habang pimipirma ang binata sa larawan na hawak ng kanyang fan’s ay biglang tumahimik ang lahat. Dahil sa pagsulpot ng isang matabang babae. Matalim na tingin ang ipinupukol sa kanya ng mga tagahanga ng binata lalo na ang mga babaeng nasagi niya dahil sa pagpu-pumilit na makarating sa unahan kung saan nakaupo ang hinahangaan niyang binata.Ang ilan ay nakadama ng takot sa kanya kaya kusa ng tumabi ang mga ito upang magbigay-daan para sa kanya. Nang makarating sa unahan ay tahimik na ibinaba niya ang isang pirasong papel sa
Mag-isa akong nakatayo sa likod ng naka-saradong pintuan at naghihintay kung kailan ito bubuksan habang sa kanang kamay ko ay hawak ko ang isang puting mikropono. Kanina pa ako kinakabahan dahil ito ang unang pagkakataon na kakanta ako sa harap ng aking pamilya. Maya-maya ay narinig ko ang isang tunog ng piano at sinimulan na nitong tugtugin ang aking kakantahin. Sa pagbubukas ng pintuan ay nagsimula na rin akong umawit...(The moon represent my heart song by Teresa Teng)Ni wen wo ai ni you duo shen,(You asked me how deep my love is for you) —Wo ai ni you jifen.(I love you to the utmost).Wode qing ye zhen,(My feeling is also true),Wode ai yezhen,(My love is also true):Yueliang daibiao wode xin.(The moon represents my heart).Mula sa malamig na simoy ng hangin ay sumasabay ang isang malamyos na awitin na tumatagos sa puso ng lahat. Ang buong paligid ay nababalot ng matinding emosyon higit ang emosyon na nararamdaman ko. Kasing ganda ng sikat ng araw ang ngiti ng lahat at hi
Makapigil hininga ang bawat sandali at tanging ang malakas na tibok ng kanilang mga puso ang naririnig ng isa’t-isa. Nang mga oras na ito ay tila si Mr. Yuay at Vernice lang ang tao sa paligid. Kapwa nakatitig sa mata ng bawat isa at walang nangahas na magbaba ng tingin sa kanilang dalawa. Hanggang sa tuluyang nakalapit ang matanda at huminto ito mismo sa harap ng kanyang Apo. Nanatiling tahimik ang lahat ngunit hindi maikakaila ang matinding kabâ na kanilang nararamdaman dahil sa muling paghaharap ng mag-Lolo. Malakas na itinuktôk ng matanda ang tungkod nito sa sahig na marmol kaya napaigtad ang ilan sa kanila. Dahil bukod sa kinakabahan sila sa mga nangyayari ay hindi nila mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan ng matanda sapagkat nanatiling seryoso ang awra nito.Hindi nagpa-sindak si Vernice at matapang na sinalubong ang mga mata ng kanyang Abuelo. Di maikakaila kung kanino nagmana si Vernice dahil kahit na mukha ng kanyang ina ang nasa harapan ng matanda ay nakikita nito ang
“Ughhh…” isang mahabang ungol ang kumawala sa bibig ko ng naalimpungatan ako na masakit ang aking ulo. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata bago sinuri ang paligid upang malaman ko kung nasaan ako. Lumalim ang gatla sa noo ko ng tumambad sa aking paningin ang isang malaking salamin na nasa harapan ko. At ang labis na ikinagulat ko ay ang itsura ng mukha ko na halos hindi ko na nakilala dahil sa magandang pagkaka-ayos nito. Mukha itong isang diyosa na bumaba sa lupa pakiramdam ko ay nagmukha akong eighteen years old. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at saka ko lang napagtanto na nasa loob pala ako ng isang magarang silid habang sa likuran ko ay dalawang babae na may seryosong mukha. Marahil ay sila ang nag-ayos sa akin dahil hawak pa ng isa sa kanila ang isang foundation kit.Ilang sandali pa ay narinig ko na bumukas ang pintuan kaya mabilis na lumingon sa direksyon nito. Natigilan ako ng pumasok ang dalawang lalaki hanggang sa bumalik sa aking isipan ang mukha ng mga
Mula sa kahabaan ng highway ay tinutumbok ko ang daan pauwi. Mag ta-takipsilim na kaya nag-aagaw ang liwanag at dilim sa buong paligid. Saglit na itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada, bumaba ako ng kotse at sumandal sa gilid nito saka malungkot na pinagmasdan ang haring araw na kasalukuyang pa-palubog na. Masama talaga ang loob ko dahil sa mga nangyayari sa buhay ko, bakit ba kasi kung kailan masaya na kami at maayos na ang lahat saka naman nagkakaroon ng problema? Kahapon lang ay para akong nakalutang sa alapaap dahil sa labis na kaligayahan pero ngayon pakiramdam ko naman ay para akong namatayan. Parang natatakot na tuloy akong sumaya dahil sa huli kaakibat nito ay sakit at kalungkutan.Kailan ba ako magiging masaya? Nakakapagod na kasi ang paulit-ulit kang masasaktan, okay lang sana kung sakaling nasaktan ka ng isang beses ay magiging manhid kaagad ang puso mo. Kaso hindi eh, dahil sa tuwing masasaktan ka ay nag-iiwan ito ng pilat sa puso mo at maging ang panahon ay hindi
“Are you really going to leave me?” Malungkot na tanong ni Mr. Chen kay Vernice. Sa maikling panahon na kasama niya ang apo ni Mr. Yuay ay nagkaroon na ng puwang sa kanyang puso ang makulit na si Vernice na kung tutuusin ay lagi lang naman silang nag-aaway. Iyon kasi ang paraan niya kung paano maglambing sa mga anak ngunit nakakalungkot isipin na hindi ito alam ng kanyang mga anak at tanging si Vernice lang ang nakakaunawa sa kanya, ito rin ang nakatuklas ng totoo niyang ugali at kung paano siya maglambing.“Why? don't tell me you'll cry when I leave.” May pang-aasar na sagot ni Vernice habang naka de kwatro sa harapan ng matanda. Para siyang lalaki na walang pakialam habang naka-bukaka na nakaupo paharap sa matanda.“And why should I cry? can you adjust your seat, it's like you haven't been taught proper manners in acting as a woman.” Irritable na sagot ng matanda bago niya sinita ang upo ni Vernice. Natawa naman si Vernice dahil batid niya na nagkukunwaring galit lang ang matanda u
“Hello, Mrs. Hilton, according to Sir. Hilton, there is something wrong with the report that you’ve sent yesterday, you need to report to the office right now.” Malumanay na sabi ng Secretary ni Zac mula sa kabilang linya kaya halos magusot ang mukha ko dahil sa matinding inis. Halata naman kasi na nananadya ang lalaking ‘yun. Napaka imposible kasi ng sinasabi nitong maling report ko dahil makailang ulit kong sinuri iyon bago ipinasa sa kanya.“Correction, Zhōu. okay? Ms. Zhōu.” May diin kong bigkas na para bang kay hirap umintindi ng aking kausap.“I’m so sorry, Ma’am but I don’t want to lose my job.” Iyon lang bago ito tuluyang nagpaalam sa akin. Wala na akong magawa kundi ang mamuntong hininga na lamang. Naiinis na tumayo ako mula sa aking kinauupuan at nagdadabog na lumabas ng aking opisina upang tumungo sa opisina ni Zac na nasa kabilang dulo lang ng pasilyo.Nakabusangot na binuksan ko ang pintuan ng opisina nito ni hindi man lang ako nag-abalang kumatok. Naiinis na hinarap ko a
Narinig ko ng magbukas-sara ang pintuan ng opisina ni Mr. Chen ngunit hindi ko ito pinansin dahil ang utak ko ay kasalukuyang nililipad sa dako pa roon. Wala ako sa aking sarili dahil ilang araw na ang lumipas ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari sa amin ng baklang iyon. Hindi ko talaga matanggap ang lahat at hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako dahil ang hiyas ko ay nalawayan na ng iba. Wala na talagang mas sasaklap pa roon. Sinubukan kong kausapin ang anak ni Mr. Tsai ngunit mukhang pinagtataguan na ako nito dahil hindi na niya ako hinaharap. Lagi rin itong wala sa kanyang opisina kaya hindi na nabigyang linaw pa ang namagitan sa aming dalawa. Muli akong nagpakawala ng magkasunod na buntong hininga bago nanghihina na sumandig sa sandalan ng sofa.Maya-maya ay bigla akong nag tika-tikâ at nahihirapan na akong huminga, dahil ang magaling na matanda ay naglagay sa aking harapan ng tatlong stick ng incenso na nakatusok sa isang mangkok na puno ng bigas.“You finally woke u
Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan habang matamang pinagmamasdan ang patay-lasing na si Vernice na nakahiga sa kama. Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa paanan nito habang naka pamewang. Walang kamalay-malay ang asawa ko na nasa paligid lang ako at nakabantay sa bawat kilos nito. Kung nahulǐ ako ng dating marahil ay may hindi na magandang nangyari sa pagitan nito at ng babaeng iyon. Hindi ko yata maaatim na masayaran ng ibang kamay ang katawan aking asawa dahil pag-aari ko ito.Umupo ako sa gilid ng kama at hinawi ang ilang hibla ng buhok na kumalat sa kanyang mukha saka inayos ang pabalagbag na higa nito. Ilang linggo pa lang kaming hindi nagkita pero kay laki na ng pinagbago ni Vernice. Lalo siyang gumanda sa paningin ko, medyo kampanti lang ako na hindi siya maaagaw sa akin ng ibang lalaki dahil sa character nito. Simula ng iwan ako nito ay napansin ko na bumalik ang dating siya.Natuklasan ko na nagtatrabaho ito sa matandang Chinese na kalaban ng kanyang lol