Vernice Point of viewHindi ko alam kung ilang oras na akong nag pabalik-balik ng lakad dito sa loob ng kwarto habang patuloy na pinipiga ang aking mga kamay. Dalawang araw na akong nakakulong sa kwartong ito at kahit isa sa kanila ay hindi man lang ako hinaharap. Labis akong natatakot para sa kalagayan ng aking mga anak halos wala na rin akong tulog dala ng matinding pag-aalala. Lumapit ako sa bintana at hinawi ang puting kurtina saka sumilip sa labas, nag-aagaw na ang liwanag at dilim kaya sa palagay ko ay six thirty na ng hapon. Bigla akong napalayo sa bintana ng marinig ko ang pagpihit ng seradura mula sa labas ng pintuan kasunod nun ay ang pagpasok ng dalawang babae na may seryosong mukha. Pagkatapos nilang isarado ang pintuan ay tumingin sila sa aking direksyon, tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa.Umiilíng na lumapit ang isa sa kanila sa kama saka ibinaba nito ang isang mahabang puting bestida. “”Ma’am, kailangan n’yo ng maligo para maayusan ka na namin. Pakibilis lang d
Hindi ako nakahuma ng tila slow motion ang pagpasok ng isang matangkad na lalaki na may seryosong mukha at kagalang-galang tingnan sa suot nitong mamahalin na black, three piece suit. Habang napapaligiran ito ng kanyang mga bodyguard. Naagaw ng presensya nito ang atensyon ng lahat ng mga tao sa bulwagang ito at halos hindi magkandamayaw ang mga kababaihan sa pagtanaw sa lalaking kasalukuyang naglalakad patungo sa pinakasentro ng bulwagan, sa aking kinaroroonan. Ang matapang na awra nito ay hindi naging balakid upang katakutan ito bagkus ay matinding paghanga ang tanging makikita sa mga mata ng lahat.Para akong nabato balani sa aking kinatatayuan dahil sa isang malaking pasabog ngayong gabi. Hindi ko sukat akalain na ang lalaking naka-one-night stand ko, at the same time ay naging nobyo dahil sa isang one month agreement, na sinang-ayunan ko na kalaunan ay iniwan ko rin ng walang paalam pagkatapos kong nakawan. At ang kasunduan na pilit kong tinatakasan dahil sa mga anak ko ay isang
Vernice Point of view“Z-Zac, hayaan mo muna akong magpaliwanag.” Naiiyak kong sabi sa garalgal na tinig, nasasaktan ako sa klase ng pagtrato niya sa akin pakiramdam ko ay ibang tao ako sa paningin nito. Napakalayo na niya sa dating Zac na nakilala ko dahil ang mga mata niya ay puno ng galit at matinding pagkamuhi para sa akin. Lumuhod siya sa aking harapan saka mahigpit nitong hinawakan ang aking panga, ramdam ko ang mariing pagbaôn ng mga daliri niya sa magkabilang pisngi ko.“At ano? Para muling mabilog ang ulo ko at mapa-ikot mo ako sa iyong mga kamay? Hindi na Vernice, dahil kahit kailan at hindi na ako magpapauto pa sa mukhang ‘yan.” Matigas niyang pahayag bago ako nito hinila patayo habang nanatiling mahigpit na nakahawak sa aking panga ang kanyang kanang kamay. Nakaramdam ako ng sakit ngunit binalewala ko ito dahil higit na mas masakit ang puso ko. Para itong dinudurog ng pinong-pino, nakaramdam ako ng matinding guilt dahil sa nagawa ko sa kanya pero hindi ko ginusto na saktan
Zac Point of view “Batid ko na walang kapatawaran ang ginawa ko sayo Zac, at marahil ay abot langit ang galit mo sa akin. Z-Zac…. Nanikluhod ako sa iyong harapan at nagmamakaawa na sana ay pakinggan mo ako.” Nagsusumamong wika ni Vernice sa pagitan ng kanyang paghikbi. Kasalukuyang hubo’t hubad ito na nakaluhod sa aking harapan habang mahigpit niyang hawak ang kanang kamay ko. Sa totoo lang ay nakakaramdam na ako ng matinding awa para sa kanya at parang pinipiga ng husto ang puso ko ngunit mas pinili ko ang maging manhid sa harap nito at balewalain ang awa na nararamdaman ko. Kailangang matuto ang babaeng ito upang malaman niya kung ano ang kaya kong gawin, hindi lang sa kanya kundi maging sa pamilya nito.Nanatili akong nakatingin sa naka saradong pintuan na nasa likuran nito na para bang hindi ko siya nakikita. Habang nanatiling matigas ang expression ng aking mukha upang malaman niya na kailanman ay hindi ako madadala ng mga pagmamakaawa nito.“Don’t block my way, Vernice at baka
“Nam-myoho-renge-kyo... Nam-myoho-renge-kyo... Nam-myoho-renge-kyo...” Around eight thirty in the morning ay nangingibabaw sa buong paligid ang paulit-ulit na pagcha-chanting ng mga ilang Buddhist Monks sa Nanshan temple mula sa Hainan Island. Kasama ang ilang mga local Chinese na nag cha-chanting din ng isang pangako sa sarili na hindi kailanman susuko sa mga kahirapan at upang manalo sa pagdurusa. Habang sa harap ng isang malaking rebulto ng Buddha ay kasalukuyang nakatayo ang munting bata na si Zevi. Nababalot ang katawan nito ng isang makapal na jacket dahil sa matinding lamig ng panahon na umabot sa eight degree celsius ang temperatura. Kasalukuyang nakakaranas ngayon ng taglamig ang bansang China. Bahagya nakayuko si Zevi habang nakataas ang dalawang kamay at sa tapat ng kanyang noo ay hawak ang isang incense stick’s na may sindi sa dulo kaya patuloy ang pagkalat ng mabangong amoy nito sa buong paligid. Patuloy na binibigkas ng batang si Zevi ang mga salitang itinuro sa k
Mula sa loob ng isang sagradong silid ay kasalukuyang nakatayo sa harap ng altar si Mr. Yuay at ang asawa niyang si Mrs. Ling na may mahinang pangangatawan dahil sa karamdaman na nararanasan nito. Habang sa kanilang likuran ay ang kanilang mga anak na si Aiguo at ang kanyang Jiě jie (Ate). Tahimik na nakatayo ang buong mag-anak habang ang kanilang mga kamay ay may hawak na tatlong incense sticks na may isang dangkal ang layo sa tapat ng kanilang mga mukha habang sa kanilang harapan ay nakalatag ang napakaraming pagkain sa tapat ng isang malaking Buddha. Sa magkabilang panig nito ay may tig-tatlong kandila na pawang may mga sindí. Nangingi-babaw sa loob ng kwarto ang mabangong amoy ng insenso na nagmumula sa mga hawak nilang incense stick.Ang bawat isa ay umuusal ng isang pasasalamat para sa mga pagpapala na kanilang natanggap maging ang pagbabalik ng kumpanya sa kanilang pamilya. Isa ito sa kanilang tradisyon ang magsagawa ng paghahandog ng mga sari-saring pagkain sa kanilang sinasam
“"We agreed, Hilton, that you will never bring Vernice here.".” Matigas na pahayag ng aking Abuelo halatang nagpipigil ito na huwag magtaas ng boses. Dumilim ang mukha ni Zac at hindi nakaligtas sa akin ang nagngangalit nitong mga bagâng, marahil kung hindi ko lang sila pamilya baka siguro kanina pa nakatikim sa kanya ang mga ito.Inalalayan akong makaupo ni Zac, hindi alintana ang galit ng aking Lolo at nanatili lang itong kalmado. Nakasunod ang tingin ng lahat sa bawat kilos ni Zac habang naghihintay ng sasabihin nito.“Calm down, Mr. Zhōu,” kalmadong utos ni Zac ngunit ramdam mo sa timbre ng boses nito ang hatid na panganib.“Now tell me, what do you need? because as far as I know all my family ties with you are closed. You've signed everything.” Seryosong tanong ng aking Abuelo habang nakakuyom ang mga kamay nito. Ang kanyang mga mata ay nakatutok lang sa isang direksyon na para bang iniiwasan nito na mahagip ng kanyang paningin ang aking mukha kaya lalo akong nakakaramdam ng saki
"You got what you wanted, and this is also the last time I will see you here in my company.” Matigas na pahayag ng aking Abuelo na may halong galit. Isang matalim na tingin ang ibinigay niya sa akin bago ito tumalikod at humakbang patungo sa pintuan. Masasabi ko na wala ng mas titigas pa sa puso ng aking Lolo at hindi na ako umaasa pa na darating ang araw na matatanggap ako nito kahit na yata magpantay ang kanyang mga paa.“You don’t have to right to say this, Mr. Yuay.” Ani ni Zac sa seryosong tinig na siyang nagpahinto sa paghakbang ng aking Abuelo. Naudlot ang akmang paglabas nito sa pintuan at Madilim ang mukha na muling humarap sa aming direksyon ang aking Abuelo maging ang aking Ama ay nagtataka na lumingon kay Zac.Sumenyas si Zac sa kanyang mga tauhan at kaagad na lumapit ang mga ito upang kunin ang mga bata. “M-Mommy…” natatakot na sambit ng aking anak na si Zevi kaya isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya upang malaman nito na hindi ako mawawala sa paningin nito.“Do