Home / Romance / Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2] / Ika limampung kabanata

Share

Ika limampung kabanata

Author: Dragon88@
last update Huling Na-update: 2023-11-18 22:58:35
Vernice Point of view

“Z-Zac, hayaan mo muna akong magpaliwanag.” Naiiyak kong sabi sa garalgal na tinig, nasasaktan ako sa klase ng pagtrato niya sa akin pakiramdam ko ay ibang tao ako sa paningin nito. Napakalayo na niya sa dating Zac na nakilala ko dahil ang mga mata niya ay puno ng galit at matinding pagkamuhi para sa akin. Lumuhod siya sa aking harapan saka mahigpit nitong hinawakan ang aking panga, ramdam ko ang mariing pagbaôn ng mga daliri niya sa magkabilang pisngi ko.

“At ano? Para muling mabilog ang ulo ko at mapa-ikot mo ako sa iyong mga kamay? Hindi na Vernice, dahil kahit kailan at hindi na ako magpapauto pa sa mukhang ‘yan.” Matigas niyang pahayag bago ako nito hinila patayo habang nanatiling mahigpit na nakahawak sa aking panga ang kanyang kanang kamay. Nakaramdam ako ng sakit ngunit binalewala ko ito dahil higit na mas masakit ang puso ko. Para itong dinudurog ng pinong-pino, nakaramdam ako ng matinding guilt dahil sa nagawa ko sa kanya pero hindi ko ginusto na saktan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ila limampu’t isang kabanata

    Zac Point of view “Batid ko na walang kapatawaran ang ginawa ko sayo Zac, at marahil ay abot langit ang galit mo sa akin. Z-Zac…. Nanikluhod ako sa iyong harapan at nagmamakaawa na sana ay pakinggan mo ako.” Nagsusumamong wika ni Vernice sa pagitan ng kanyang paghikbi. Kasalukuyang hubo’t hubad ito na nakaluhod sa aking harapan habang mahigpit niyang hawak ang kanang kamay ko. Sa totoo lang ay nakakaramdam na ako ng matinding awa para sa kanya at parang pinipiga ng husto ang puso ko ngunit mas pinili ko ang maging manhid sa harap nito at balewalain ang awa na nararamdaman ko. Kailangang matuto ang babaeng ito upang malaman niya kung ano ang kaya kong gawin, hindi lang sa kanya kundi maging sa pamilya nito.Nanatili akong nakatingin sa naka saradong pintuan na nasa likuran nito na para bang hindi ko siya nakikita. Habang nanatiling matigas ang expression ng aking mukha upang malaman niya na kailanman ay hindi ako madadala ng mga pagmamakaawa nito.“Don’t block my way, Vernice at baka

    Huling Na-update : 2023-11-19
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika limampu’t dalawang kabanata

    “Nam-myoho-renge-kyo... Nam-myoho-renge-kyo... Nam-myoho-renge-kyo...” Around eight thirty in the morning ay nangingibabaw sa buong paligid ang paulit-ulit na pagcha-chanting ng mga ilang Buddhist Monks sa Nanshan temple mula sa Hainan Island. Kasama ang ilang mga local Chinese na nag cha-chanting din ng isang pangako sa sarili na hindi kailanman susuko sa mga kahirapan at upang manalo sa pagdurusa. Habang sa harap ng isang malaking rebulto ng Buddha ay kasalukuyang nakatayo ang munting bata na si Zevi. Nababalot ang katawan nito ng isang makapal na jacket dahil sa matinding lamig ng panahon na umabot sa eight degree celsius ang temperatura. Kasalukuyang nakakaranas ngayon ng taglamig ang bansang China. Bahagya nakayuko si Zevi habang nakataas ang dalawang kamay at sa tapat ng kanyang noo ay hawak ang isang incense stick’s na may sindi sa dulo kaya patuloy ang pagkalat ng mabangong amoy nito sa buong paligid. Patuloy na binibigkas ng batang si Zevi ang mga salitang itinuro sa k

    Huling Na-update : 2023-11-20
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika limampu’t tatlong kabanata

    Mula sa loob ng isang sagradong silid ay kasalukuyang nakatayo sa harap ng altar si Mr. Yuay at ang asawa niyang si Mrs. Ling na may mahinang pangangatawan dahil sa karamdaman na nararanasan nito. Habang sa kanilang likuran ay ang kanilang mga anak na si Aiguo at ang kanyang Jiě jie (Ate). Tahimik na nakatayo ang buong mag-anak habang ang kanilang mga kamay ay may hawak na tatlong incense sticks na may isang dangkal ang layo sa tapat ng kanilang mga mukha habang sa kanilang harapan ay nakalatag ang napakaraming pagkain sa tapat ng isang malaking Buddha. Sa magkabilang panig nito ay may tig-tatlong kandila na pawang may mga sindí. Nangingi-babaw sa loob ng kwarto ang mabangong amoy ng insenso na nagmumula sa mga hawak nilang incense stick.Ang bawat isa ay umuusal ng isang pasasalamat para sa mga pagpapala na kanilang natanggap maging ang pagbabalik ng kumpanya sa kanilang pamilya. Isa ito sa kanilang tradisyon ang magsagawa ng paghahandog ng mga sari-saring pagkain sa kanilang sinasam

    Huling Na-update : 2023-11-21
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika limampu’t apat na kabanata

    “"We agreed, Hilton, that you will never bring Vernice here.".” Matigas na pahayag ng aking Abuelo halatang nagpipigil ito na huwag magtaas ng boses. Dumilim ang mukha ni Zac at hindi nakaligtas sa akin ang nagngangalit nitong mga bagâng, marahil kung hindi ko lang sila pamilya baka siguro kanina pa nakatikim sa kanya ang mga ito.Inalalayan akong makaupo ni Zac, hindi alintana ang galit ng aking Lolo at nanatili lang itong kalmado. Nakasunod ang tingin ng lahat sa bawat kilos ni Zac habang naghihintay ng sasabihin nito.“Calm down, Mr. Zhōu,” kalmadong utos ni Zac ngunit ramdam mo sa timbre ng boses nito ang hatid na panganib.“Now tell me, what do you need? because as far as I know all my family ties with you are closed. You've signed everything.” Seryosong tanong ng aking Abuelo habang nakakuyom ang mga kamay nito. Ang kanyang mga mata ay nakatutok lang sa isang direksyon na para bang iniiwasan nito na mahagip ng kanyang paningin ang aking mukha kaya lalo akong nakakaramdam ng saki

    Huling Na-update : 2023-11-21
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika limampu’t’ limang kabanata

    "You got what you wanted, and this is also the last time I will see you here in my company.” Matigas na pahayag ng aking Abuelo na may halong galit. Isang matalim na tingin ang ibinigay niya sa akin bago ito tumalikod at humakbang patungo sa pintuan. Masasabi ko na wala ng mas titigas pa sa puso ng aking Lolo at hindi na ako umaasa pa na darating ang araw na matatanggap ako nito kahit na yata magpantay ang kanyang mga paa.“You don’t have to right to say this, Mr. Yuay.” Ani ni Zac sa seryosong tinig na siyang nagpahinto sa paghakbang ng aking Abuelo. Naudlot ang akmang paglabas nito sa pintuan at Madilim ang mukha na muling humarap sa aming direksyon ang aking Abuelo maging ang aking Ama ay nagtataka na lumingon kay Zac.Sumenyas si Zac sa kanyang mga tauhan at kaagad na lumapit ang mga ito upang kunin ang mga bata. “M-Mommy…” natatakot na sambit ng aking anak na si Zevi kaya isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kanya upang malaman nito na hindi ako mawawala sa paningin nito.“Do

    Huling Na-update : 2023-11-22
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika limampu’t anim na kabanata

    Labag man sa kalooban ni Vernice ay sinunod niya ang nais na mangyari ni Zac at iyon ay ang pangasiwaan niya ang Liang Shang Company.Mula sa malawak na lobby ng Liang Shang Company ay halos mapuno ng mga empleyado ang buong bulwagan. Ang lahat ay walang alam sa mga nangyayari at kung ano ang dahilan kung bakit sila pinatawag.Natahimik ang lahat ng pumunta sa unahan ang tagapagsalita ng CEO kaya napunta sa kanya ang atensyon ng lahat.“I know that most of you here have been employees of Liang Shang Company for a long time and have tried the management of Mr. Yuay and his son Mr. Aiguo. But this time we will be able to test the skills of the Zhōu family heiress.” Saglit na huminto sa pagsasalita ang lalaki sa unahan ng magsimulang lumakas ang bulungan. Marahil ay labis na nabigla ang mga ito dahil sa naging pahayag ng tagapagsalita.Makikita sa mukha ng ilang empleyado ang takot para sa bagong may-ari ng kumpanya na kanilang pinagtatrabahuhan. May ilan naman ay nananabik na makilala an

    Huling Na-update : 2023-11-23
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika limampu’t pitong kabanata

    “Zac!” Napasigaw ako sa labis na gulat ng bigla niya akong inihagis sa ibabaw ng kama bago siya nagdive sa ibabaw ng katawan ko. “Shit, stop it, Zac!” Naiinis kong saway ng kagatin niya ang leeg ko habang hinihimas ng kanyang palad ang kanang dibdib ko. Imbes na masaktan ay naipikit ko ang aking mga mata habang mariin na kagat ang ibabang labi ko dahil ang dulo ng matigas niyang sandata ay nanunukso sa bungad ng aking kuweba. Halos hindi na mapakali ang aking katawan at pilit na inaabot ang kanyang kahabaan ngunit ang magaling na lalaki ay tanging dulo lang ang pinaparamdam niya sa akin kaya naman naiinis na ako sa kanya.“I said, s-stop it… augghh…” napahalinghing ako ng paglaruan ng kanyang dila ang isa sa aking mga pasas habang ang katawan ng mayabang niyang sandata ay patuloy na kinikiskis sa aking hiwa.“F-f**k you…” anas ko habang habol hininga dahil sa matinding kiliti na ipinaparanas niya sa akin at kulang na lang ay tumirik ang aking mga mata.“Hmmmm, I love that, Sweetheart

    Huling Na-update : 2023-11-24
  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika limapu’t walong kabanata

    Zac Point of view“Daddy! Pagpasok ko sa loob ng unit ay ito kaagad ang narinig ko at mula sa sala’s ay nag-uunahan na makalapit ang kambal sa aking kinatatayuan. Kulang na lang ay mapunit ang bibig ko dahil sa lapad ng ngiti ko ng makita ko ang mukha ng aking mga anak.Lumuhod ako sa sahig saka ibinuka ang aking dalawang braso, nang makalapit sila sa akin ay mahigpit ko silang niyakap at binuhat. Pinupog ko ng malutong na halik ang kanilang mga pisngi habang naglalakad patungo sa sofa.“I miss you, daddy,” naglalambing na saad ni Zevi bago siya humalik sa aking pisngi habang si Zach naman ay nakahimlay ang ulo sa aking balikat. Napaka-lambing talaga ng mga anak namin.“It’s already nine o’clock, why haven't you slept yet?” Seryoso kong tanong sa kanila,“Eh, Sir, they are still waiting for their Mommy.” Sagot naman ng kanilang tagapag-alaga na nakatayo sa aming harapan. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan ng marinig ko ang sinabi ng kanilang Yaya.Ilang araw na ba a

    Huling Na-update : 2023-11-25

Pinakabagong kabanata

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Special chapter- Book 3 (Pasilip)

    Hindi magkamayaw ang mga kababaihan na makalapit si isang sikat na artista na nakaupo sa unahan habang sa harap nito ay isang mahabang lamesa. Kulang na lang ay makaihi sa sobrang kilig ang mga ito habang naglalaway na nakatitig sa mukha ng gwapong si Hanz Zimmer. Isa siyang half Filipino and half Canadian hollywood actor na labis na hinahangaan ng mga kababaihan. Isa-isang lumapit ang lahat upang magpapirma ng mga hawak nilang gamit na related sa aktor na si Hanz. Habang pimipirma ang binata sa larawan na hawak ng kanyang fan’s ay biglang tumahimik ang lahat. Dahil sa pagsulpot ng isang matabang babae. Matalim na tingin ang ipinupukol sa kanya ng mga tagahanga ng binata lalo na ang mga babaeng nasagi niya dahil sa pagpu-pumilit na makarating sa unahan kung saan nakaupo ang hinahangaan niyang binata.Ang ilan ay nakadama ng takot sa kanya kaya kusa ng tumabi ang mga ito upang magbigay-daan para sa kanya. Nang makarating sa unahan ay tahimik na ibinaba niya ang isang pirasong papel sa

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika walumpu’t dalawang kabanata

    Mag-isa akong nakatayo sa likod ng naka-saradong pintuan at naghihintay kung kailan ito bubuksan habang sa kanang kamay ko ay hawak ko ang isang puting mikropono. Kanina pa ako kinakabahan dahil ito ang unang pagkakataon na kakanta ako sa harap ng aking pamilya. Maya-maya ay narinig ko ang isang tunog ng piano at sinimulan na nitong tugtugin ang aking kakantahin. Sa pagbubukas ng pintuan ay nagsimula na rin akong umawit...(The moon represent my heart song by Teresa Teng)Ni wen wo ai ni you duo shen,(You asked me how deep my love is for you) —Wo ai ni you jifen.(I love you to the utmost).Wode qing ye zhen,(My feeling is also true),Wode ai yezhen,(My love is also true):Yueliang daibiao wode xin.(The moon represents my heart).Mula sa malamig na simoy ng hangin ay sumasabay ang isang malamyos na awitin na tumatagos sa puso ng lahat. Ang buong paligid ay nababalot ng matinding emosyon higit ang emosyon na nararamdaman ko. Kasing ganda ng sikat ng araw ang ngiti ng lahat at hi

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika walumpu’t isang kabanata

    Makapigil hininga ang bawat sandali at tanging ang malakas na tibok ng kanilang mga puso ang naririnig ng isa’t-isa. Nang mga oras na ito ay tila si Mr. Yuay at Vernice lang ang tao sa paligid. Kapwa nakatitig sa mata ng bawat isa at walang nangahas na magbaba ng tingin sa kanilang dalawa. Hanggang sa tuluyang nakalapit ang matanda at huminto ito mismo sa harap ng kanyang Apo. Nanatiling tahimik ang lahat ngunit hindi maikakaila ang matinding kabâ na kanilang nararamdaman dahil sa muling paghaharap ng mag-Lolo. Malakas na itinuktôk ng matanda ang tungkod nito sa sahig na marmol kaya napaigtad ang ilan sa kanila. Dahil bukod sa kinakabahan sila sa mga nangyayari ay hindi nila mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan ng matanda sapagkat nanatiling seryoso ang awra nito.Hindi nagpa-sindak si Vernice at matapang na sinalubong ang mga mata ng kanyang Abuelo. Di maikakaila kung kanino nagmana si Vernice dahil kahit na mukha ng kanyang ina ang nasa harapan ng matanda ay nakikita nito ang

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika walumpung kabanata

    “Ughhh…” isang mahabang ungol ang kumawala sa bibig ko ng naalimpungatan ako na masakit ang aking ulo. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata bago sinuri ang paligid upang malaman ko kung nasaan ako. Lumalim ang gatla sa noo ko ng tumambad sa aking paningin ang isang malaking salamin na nasa harapan ko. At ang labis na ikinagulat ko ay ang itsura ng mukha ko na halos hindi ko na nakilala dahil sa magandang pagkaka-ayos nito. Mukha itong isang diyosa na bumaba sa lupa pakiramdam ko ay nagmukha akong eighteen years old. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at saka ko lang napagtanto na nasa loob pala ako ng isang magarang silid habang sa likuran ko ay dalawang babae na may seryosong mukha. Marahil ay sila ang nag-ayos sa akin dahil hawak pa ng isa sa kanila ang isang foundation kit.Ilang sandali pa ay narinig ko na bumukas ang pintuan kaya mabilis na lumingon sa direksyon nito. Natigilan ako ng pumasok ang dalawang lalaki hanggang sa bumalik sa aking isipan ang mukha ng mga

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika pitumpu’t siyam na kabanata

    Mula sa kahabaan ng highway ay tinutumbok ko ang daan pauwi. Mag ta-takipsilim na kaya nag-aagaw ang liwanag at dilim sa buong paligid. Saglit na itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada, bumaba ako ng kotse at sumandal sa gilid nito saka malungkot na pinagmasdan ang haring araw na kasalukuyang pa-palubog na. Masama talaga ang loob ko dahil sa mga nangyayari sa buhay ko, bakit ba kasi kung kailan masaya na kami at maayos na ang lahat saka naman nagkakaroon ng problema? Kahapon lang ay para akong nakalutang sa alapaap dahil sa labis na kaligayahan pero ngayon pakiramdam ko naman ay para akong namatayan. Parang natatakot na tuloy akong sumaya dahil sa huli kaakibat nito ay sakit at kalungkutan.Kailan ba ako magiging masaya? Nakakapagod na kasi ang paulit-ulit kang masasaktan, okay lang sana kung sakaling nasaktan ka ng isang beses ay magiging manhid kaagad ang puso mo. Kaso hindi eh, dahil sa tuwing masasaktan ka ay nag-iiwan ito ng pilat sa puso mo at maging ang panahon ay hindi

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika pitumpu’t walong kabanata

    “Are you really going to leave me?” Malungkot na tanong ni Mr. Chen kay Vernice. Sa maikling panahon na kasama niya ang apo ni Mr. Yuay ay nagkaroon na ng puwang sa kanyang puso ang makulit na si Vernice na kung tutuusin ay lagi lang naman silang nag-aaway. Iyon kasi ang paraan niya kung paano maglambing sa mga anak ngunit nakakalungkot isipin na hindi ito alam ng kanyang mga anak at tanging si Vernice lang ang nakakaunawa sa kanya, ito rin ang nakatuklas ng totoo niyang ugali at kung paano siya maglambing.“Why? don't tell me you'll cry when I leave.” May pang-aasar na sagot ni Vernice habang naka de kwatro sa harapan ng matanda. Para siyang lalaki na walang pakialam habang naka-bukaka na nakaupo paharap sa matanda.“And why should I cry? can you adjust your seat, it's like you haven't been taught proper manners in acting as a woman.” Irritable na sagot ng matanda bago niya sinita ang upo ni Vernice. Natawa naman si Vernice dahil batid niya na nagkukunwaring galit lang ang matanda u

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ika pitumpu’t pitong kabanata

    “Hello, Mrs. Hilton, according to Sir. Hilton, there is something wrong with the report that you’ve sent yesterday, you need to report to the office right now.” Malumanay na sabi ng Secretary ni Zac mula sa kabilang linya kaya halos magusot ang mukha ko dahil sa matinding inis. Halata naman kasi na nananadya ang lalaking ‘yun. Napaka imposible kasi ng sinasabi nitong maling report ko dahil makailang ulit kong sinuri iyon bago ipinasa sa kanya.“Correction, Zhōu. okay? Ms. Zhōu.” May diin kong bigkas na para bang kay hirap umintindi ng aking kausap.“I’m so sorry, Ma’am but I don’t want to lose my job.” Iyon lang bago ito tuluyang nagpaalam sa akin. Wala na akong magawa kundi ang mamuntong hininga na lamang. Naiinis na tumayo ako mula sa aking kinauupuan at nagdadabog na lumabas ng aking opisina upang tumungo sa opisina ni Zac na nasa kabilang dulo lang ng pasilyo.Nakabusangot na binuksan ko ang pintuan ng opisina nito ni hindi man lang ako nag-abalang kumatok. Naiinis na hinarap ko a

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ila pitumpu’t anim na kabanata

    Narinig ko ng magbukas-sara ang pintuan ng opisina ni Mr. Chen ngunit hindi ko ito pinansin dahil ang utak ko ay kasalukuyang nililipad sa dako pa roon. Wala ako sa aking sarili dahil ilang araw na ang lumipas ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari sa amin ng baklang iyon. Hindi ko talaga matanggap ang lahat at hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako dahil ang hiyas ko ay nalawayan na ng iba. Wala na talagang mas sasaklap pa roon. Sinubukan kong kausapin ang anak ni Mr. Tsai ngunit mukhang pinagtataguan na ako nito dahil hindi na niya ako hinaharap. Lagi rin itong wala sa kanyang opisina kaya hindi na nabigyang linaw pa ang namagitan sa aming dalawa. Muli akong nagpakawala ng magkasunod na buntong hininga bago nanghihina na sumandig sa sandalan ng sofa.Maya-maya ay bigla akong nag tika-tikâ at nahihirapan na akong huminga, dahil ang magaling na matanda ay naglagay sa aking harapan ng tatlong stick ng incenso na nakatusok sa isang mangkok na puno ng bigas.“You finally woke u

  • Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]   Ila pitumpu’t limang kabanata

    Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan habang matamang pinagmamasdan ang patay-lasing na si Vernice na nakahiga sa kama. Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa paanan nito habang naka pamewang. Walang kamalay-malay ang asawa ko na nasa paligid lang ako at nakabantay sa bawat kilos nito. Kung nahulǐ ako ng dating marahil ay may hindi na magandang nangyari sa pagitan nito at ng babaeng iyon. Hindi ko yata maaatim na masayaran ng ibang kamay ang katawan aking asawa dahil pag-aari ko ito.Umupo ako sa gilid ng kama at hinawi ang ilang hibla ng buhok na kumalat sa kanyang mukha saka inayos ang pabalagbag na higa nito. Ilang linggo pa lang kaming hindi nagkita pero kay laki na ng pinagbago ni Vernice. Lalo siyang gumanda sa paningin ko, medyo kampanti lang ako na hindi siya maaagaw sa akin ng ibang lalaki dahil sa character nito. Simula ng iwan ako nito ay napansin ko na bumalik ang dating siya.Natuklasan ko na nagtatrabaho ito sa matandang Chinese na kalaban ng kanyang lol

DMCA.com Protection Status