Zac Point of view“Daddy! Pagpasok ko sa loob ng unit ay ito kaagad ang narinig ko at mula sa sala’s ay nag-uunahan na makalapit ang kambal sa aking kinatatayuan. Kulang na lang ay mapunit ang bibig ko dahil sa lapad ng ngiti ko ng makita ko ang mukha ng aking mga anak.Lumuhod ako sa sahig saka ibinuka ang aking dalawang braso, nang makalapit sila sa akin ay mahigpit ko silang niyakap at binuhat. Pinupog ko ng malutong na halik ang kanilang mga pisngi habang naglalakad patungo sa sofa.“I miss you, daddy,” naglalambing na saad ni Zevi bago siya humalik sa aking pisngi habang si Zach naman ay nakahimlay ang ulo sa aking balikat. Napaka-lambing talaga ng mga anak namin.“It’s already nine o’clock, why haven't you slept yet?” Seryoso kong tanong sa kanila,“Eh, Sir, they are still waiting for their Mommy.” Sagot naman ng kanilang tagapag-alaga na nakatayo sa aming harapan. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan ng marinig ko ang sinabi ng kanilang Yaya.Ilang araw na ba a
“Pagbaba namin ng sasakyan ay ganun na lang ang gulat ng pamilya ni Zac ng makita kaming mag-ina. Halos nanlalaki ang kanilang mga mata na nag palipat-lipat ang tingin sa aming mag-ina, halatang hindi makapaniwala ang mga ito sa kanilang nakikita. Kadarating lang namin galing China at dito kami dumiretso sa Mansion ng pamilya ni Zac at ito rin ang unang pagkakataon na nakaharap ko silang lahat. Masasabi ko na walang tulak kabigin sa kanilang lahat dahil mula sa mga magulang hanggang sa kanilang mga anak ay mga gwapo at magaganda silang lahat. Sa kanila din nagmana ang aking mga anak.“Zac! Anong ibig sabihin nito?” Seryosong tanong ng isang babae na kahit na maedad na ito ay nanatili pa ring maganda at sa palagay ko ay siya ang ina ni Zac. Habang sa tabi nito ay nakatayo ang asawa niyang si Mr. Cedric Hilton na una kong nakita noong engagement party namin noon ni Zac.“Mom, she’s Vernice Zhōu, my wife, and my children, Zevi and Zach.” Nakangiting pakilala sa amin ni Zac sa kanyang pam
Kasalukuyan akong nandito ngayon sa loob ng kwarto at abala sa pagtipâ sa keyboard ng laptop. May natanggap akong report na pumasok sa aking email, mula ito sa secretary ko na nasa China. Ito ay mga dokumento na kailangan kong pag-aralan bago ko bigyan ng approval. Hindi pa naman ako inaantok kaya naisipan ko na ngayon na ito gawin. It’s ten evening na ng gabi ngunit nagkakasiyahan pa rin ang pamilya ni Zac sa sala’s. Nauna na kaming mag-ina na umakyat sa kwarto dahil kailangan ng mag-pahinga ng mga bata.Tapos na rin akong maligo at naghihintay na lang kung kailan ako antukin. Patuloy lang ako sa pagtipâ sa aking laptop ng marinig ko na bumukas ang pintuan, hindi ko na ito nilingon dahil alam ko na si Zac ang pumasok. “Gabi na, iyan pa rin ang inaatupag mo? Bakit hindi ka pa matulog?” Tanong niya sa akin habang naghuhubad ng kanyang damit.“Sandali na lang ‘to matatapos na ako.” Sagot ko ng hindi siya nililingon. Narinig ko ng magpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bag
“Mommy, where are you going?” Anya ng maliit na tinig ni Zach habang nakayakap siya sa kanang hita ko.“I’m going to daddy’s office, because Mommy needs to talk to daddy, so behave to lola mommy, okay?” Malambing kong saad bago siya binuhat at hinalikan sa pisngi.“Stop it, uncle Andrade! Why are you so stubborn, talaga?” Narinig ko na napipikon na sabi ni Zevi pagkatapos nitong tumiliik habang ang kanyang mga uncle ay walang humpay sa katatawa tuwang-tuwa na nakakatuwang reaksyon ni Zevi sa tuwing nagagalit ito.“Mommy, I will come with you, I don't want to stay here!” Nakasimangot na sabi ni Zevi habang nanghahaba ang nguso nito at ang mga mata ay matalim na naka tingin sa kanyang mga uncle lalo na kay Uncle Andrade niya.“I’m sorry, baby Zevi, come let’s play now, I promise it will never happen again.” Nakangiting sabi nito bago lumapit at pilit na sinusuyo ang aking anak.“Anak, you can't come because children aren't allowed there, I promise I'll go home right away with Daddy.” Ma
“ Vernice, hindi mo ba talaga ako kakausapin?” Naiinis na tanong sa akin ni Zac ngunit nilampasan ko lang ito at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng kwarto ng mga bata. Para itong hangin sa aking paligid na hindi ko nakikita at hindi ko rin nararamdaman. Sweetheart naman.” Anya bago mahigpit na hinawakan nito ang braso ko kaya walang gana ko siyang hinarap.“Leave me alone, Zac, kung hindi mo susundin ang gusto ko ay mapipilitan akong umalis dito sa bahay mo at pansamantalang tumuloy sa hotel.” Matigas kong saad. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin kasabay nito ang isang malalim na buntong hininga.“Tell me, what do you want me to do para mawala ang galit mo sa akin?” Tila nauubusan ng pasensya na tanong niya sa akin kaya naman lalo lang akong naasar.“You don’t need to ask me, Zac, because you know what I want.” Walang buhay kong saad bago hinawi ang kamay nito sa aking braso. “It’s nonsense, Vernice, hindi mo kailangang magselos kay Olga, dahil pinsan ko s’ya at wala kaming relas
Vernice point of view“Daddy, sa tingin mo ano ang mas masarap sa dalawa?” Nakangiti kong tanong habang hawak ang dalawang klase ng mamahaling champagne. Saglit na nag-isip ito habang nakatingin sa itaas na akala mo ay nahihirapan na pumili sa dalawang alak na hawak ko.“Mas masarap ka pa rin, Mommy.” Nakangiting sagot nito kaya isang matalim na tingin ang binigay ko sa kanya, bahagya pang nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil nakaramdam ako ng hiya. Wala talagang pinipili ang kapilyuhan nito kahit pa sa harap ng maraming tao.Naiinis na tinalikuran ko ito at lumapit sa ibang produkto na nakadisplay habang sa aking likuran ay nakasunod si Zac na walang tigil sa katatawa habang tulak-tulak ang pushcart at sa loob nito ay nakasakay ang kambal.Nandito kami ngayon sa grocery upang mamili ng mga kakailanganin namin sa bahay. Saglit na huminto ang mag-ama at namili sa mga yoğurt na nakadisplay na kanilang nadaanan kaya iniwan ko muna ang mga ito.Natigil ako sa paglalakad ng mahagip ng
“Zac? Please naman, huwag ka ng magalit sa akin hindi ko naman sinasadya, sorry na.” Ani ko habang yakap ito mula sa likod. “Mamaya na tayo mag-usap, Vernice.” Seryoso niyang sabi bago pilit na inalis ang mga braso ko na nakapulupot sa kanyang baywang.“Bibitiwan lang kita kung sasabihin mo sa akin na hindi ka na galit.” Pangungulit ko sa kanya at mas humigpit pa ang pagkakayakap ko sa kanyang katawan. Kasalanan ko kasi, nakalimutan kong tanggalin ang posas sa kamay nito at nakokonsensya ako ng makita ko ang sugat sa kamay nito. Narinig ko na nagpakawala siya ng isang marahas na buntong hininga. “I’m not angry, Vernice, I need to take a shower because I’m running late now.” Malumanay niyang sagot kaya mabilis akong umikot papunta sa kanyang harapan ng hindi binibitiwan ang katawan nito.“Really? Hindi ka galit sa akin?” Nakangiti kong tanong ngunit napansin ko na nakatulala ito. Nagtataka na sinundan ko kung saan ito nakatingin, napako ang kanyang mga mata sa nakahantad kong dibdib
Sumasagitsit ang mga gulong ng sasakyan sa kalsada dahil sa tulin ng takbo nito. Pabalagbag na huminto ito sa harap ng tatlong magkaibigan na sina Vincent, Josh at Carlo. Halos takasan sila ng kaluluwa dahil gahibla na lang ang layo ng katawan nang mamahaling kotse mula sa kanilang kinatatayuan. Nang makabawi sa labis na pagkabigla ay napalitan ng galit ang takot sa mukha ng tatlo kaya galit na sinipa ni Carlo ang gulong ng sasakyan habang si Vincent at Josh ay pilit na pinapalabas ang driver nito.“P*tcha, ang yabang mo ah, porke nakakotse ka lang akala mo kung sino ka ng hari ng kalsada!” Umuusok sa galit na sigaw ni Josh bago malakas na hinampas ang hood ng kotse. Habang si Vincent ay lumapit sa bintana at malakas na kinatok ang tinted na salamin nito saka sumenyas sa driver na bumaba ng sasakyan. Halatang umuusok din ito sa galit na anumang oras ay handa ng manuntok. Marami ng tao ang nakikiusyuso at maging ang mga ito ay galit sa may-ari ng kotse. Ang tingin ng lahat ay matapob
Hindi magkamayaw ang mga kababaihan na makalapit si isang sikat na artista na nakaupo sa unahan habang sa harap nito ay isang mahabang lamesa. Kulang na lang ay makaihi sa sobrang kilig ang mga ito habang naglalaway na nakatitig sa mukha ng gwapong si Hanz Zimmer. Isa siyang half Filipino and half Canadian hollywood actor na labis na hinahangaan ng mga kababaihan. Isa-isang lumapit ang lahat upang magpapirma ng mga hawak nilang gamit na related sa aktor na si Hanz. Habang pimipirma ang binata sa larawan na hawak ng kanyang fan’s ay biglang tumahimik ang lahat. Dahil sa pagsulpot ng isang matabang babae. Matalim na tingin ang ipinupukol sa kanya ng mga tagahanga ng binata lalo na ang mga babaeng nasagi niya dahil sa pagpu-pumilit na makarating sa unahan kung saan nakaupo ang hinahangaan niyang binata.Ang ilan ay nakadama ng takot sa kanya kaya kusa ng tumabi ang mga ito upang magbigay-daan para sa kanya. Nang makarating sa unahan ay tahimik na ibinaba niya ang isang pirasong papel sa
Mag-isa akong nakatayo sa likod ng naka-saradong pintuan at naghihintay kung kailan ito bubuksan habang sa kanang kamay ko ay hawak ko ang isang puting mikropono. Kanina pa ako kinakabahan dahil ito ang unang pagkakataon na kakanta ako sa harap ng aking pamilya. Maya-maya ay narinig ko ang isang tunog ng piano at sinimulan na nitong tugtugin ang aking kakantahin. Sa pagbubukas ng pintuan ay nagsimula na rin akong umawit...(The moon represent my heart song by Teresa Teng)Ni wen wo ai ni you duo shen,(You asked me how deep my love is for you) —Wo ai ni you jifen.(I love you to the utmost).Wode qing ye zhen,(My feeling is also true),Wode ai yezhen,(My love is also true):Yueliang daibiao wode xin.(The moon represents my heart).Mula sa malamig na simoy ng hangin ay sumasabay ang isang malamyos na awitin na tumatagos sa puso ng lahat. Ang buong paligid ay nababalot ng matinding emosyon higit ang emosyon na nararamdaman ko. Kasing ganda ng sikat ng araw ang ngiti ng lahat at hi
Makapigil hininga ang bawat sandali at tanging ang malakas na tibok ng kanilang mga puso ang naririnig ng isa’t-isa. Nang mga oras na ito ay tila si Mr. Yuay at Vernice lang ang tao sa paligid. Kapwa nakatitig sa mata ng bawat isa at walang nangahas na magbaba ng tingin sa kanilang dalawa. Hanggang sa tuluyang nakalapit ang matanda at huminto ito mismo sa harap ng kanyang Apo. Nanatiling tahimik ang lahat ngunit hindi maikakaila ang matinding kabâ na kanilang nararamdaman dahil sa muling paghaharap ng mag-Lolo. Malakas na itinuktôk ng matanda ang tungkod nito sa sahig na marmol kaya napaigtad ang ilan sa kanila. Dahil bukod sa kinakabahan sila sa mga nangyayari ay hindi nila mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan ng matanda sapagkat nanatiling seryoso ang awra nito.Hindi nagpa-sindak si Vernice at matapang na sinalubong ang mga mata ng kanyang Abuelo. Di maikakaila kung kanino nagmana si Vernice dahil kahit na mukha ng kanyang ina ang nasa harapan ng matanda ay nakikita nito ang
“Ughhh…” isang mahabang ungol ang kumawala sa bibig ko ng naalimpungatan ako na masakit ang aking ulo. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata bago sinuri ang paligid upang malaman ko kung nasaan ako. Lumalim ang gatla sa noo ko ng tumambad sa aking paningin ang isang malaking salamin na nasa harapan ko. At ang labis na ikinagulat ko ay ang itsura ng mukha ko na halos hindi ko na nakilala dahil sa magandang pagkaka-ayos nito. Mukha itong isang diyosa na bumaba sa lupa pakiramdam ko ay nagmukha akong eighteen years old. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at saka ko lang napagtanto na nasa loob pala ako ng isang magarang silid habang sa likuran ko ay dalawang babae na may seryosong mukha. Marahil ay sila ang nag-ayos sa akin dahil hawak pa ng isa sa kanila ang isang foundation kit.Ilang sandali pa ay narinig ko na bumukas ang pintuan kaya mabilis na lumingon sa direksyon nito. Natigilan ako ng pumasok ang dalawang lalaki hanggang sa bumalik sa aking isipan ang mukha ng mga
Mula sa kahabaan ng highway ay tinutumbok ko ang daan pauwi. Mag ta-takipsilim na kaya nag-aagaw ang liwanag at dilim sa buong paligid. Saglit na itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada, bumaba ako ng kotse at sumandal sa gilid nito saka malungkot na pinagmasdan ang haring araw na kasalukuyang pa-palubog na. Masama talaga ang loob ko dahil sa mga nangyayari sa buhay ko, bakit ba kasi kung kailan masaya na kami at maayos na ang lahat saka naman nagkakaroon ng problema? Kahapon lang ay para akong nakalutang sa alapaap dahil sa labis na kaligayahan pero ngayon pakiramdam ko naman ay para akong namatayan. Parang natatakot na tuloy akong sumaya dahil sa huli kaakibat nito ay sakit at kalungkutan.Kailan ba ako magiging masaya? Nakakapagod na kasi ang paulit-ulit kang masasaktan, okay lang sana kung sakaling nasaktan ka ng isang beses ay magiging manhid kaagad ang puso mo. Kaso hindi eh, dahil sa tuwing masasaktan ka ay nag-iiwan ito ng pilat sa puso mo at maging ang panahon ay hindi
“Are you really going to leave me?” Malungkot na tanong ni Mr. Chen kay Vernice. Sa maikling panahon na kasama niya ang apo ni Mr. Yuay ay nagkaroon na ng puwang sa kanyang puso ang makulit na si Vernice na kung tutuusin ay lagi lang naman silang nag-aaway. Iyon kasi ang paraan niya kung paano maglambing sa mga anak ngunit nakakalungkot isipin na hindi ito alam ng kanyang mga anak at tanging si Vernice lang ang nakakaunawa sa kanya, ito rin ang nakatuklas ng totoo niyang ugali at kung paano siya maglambing.“Why? don't tell me you'll cry when I leave.” May pang-aasar na sagot ni Vernice habang naka de kwatro sa harapan ng matanda. Para siyang lalaki na walang pakialam habang naka-bukaka na nakaupo paharap sa matanda.“And why should I cry? can you adjust your seat, it's like you haven't been taught proper manners in acting as a woman.” Irritable na sagot ng matanda bago niya sinita ang upo ni Vernice. Natawa naman si Vernice dahil batid niya na nagkukunwaring galit lang ang matanda u
“Hello, Mrs. Hilton, according to Sir. Hilton, there is something wrong with the report that you’ve sent yesterday, you need to report to the office right now.” Malumanay na sabi ng Secretary ni Zac mula sa kabilang linya kaya halos magusot ang mukha ko dahil sa matinding inis. Halata naman kasi na nananadya ang lalaking ‘yun. Napaka imposible kasi ng sinasabi nitong maling report ko dahil makailang ulit kong sinuri iyon bago ipinasa sa kanya.“Correction, Zhōu. okay? Ms. Zhōu.” May diin kong bigkas na para bang kay hirap umintindi ng aking kausap.“I’m so sorry, Ma’am but I don’t want to lose my job.” Iyon lang bago ito tuluyang nagpaalam sa akin. Wala na akong magawa kundi ang mamuntong hininga na lamang. Naiinis na tumayo ako mula sa aking kinauupuan at nagdadabog na lumabas ng aking opisina upang tumungo sa opisina ni Zac na nasa kabilang dulo lang ng pasilyo.Nakabusangot na binuksan ko ang pintuan ng opisina nito ni hindi man lang ako nag-abalang kumatok. Naiinis na hinarap ko a
Narinig ko ng magbukas-sara ang pintuan ng opisina ni Mr. Chen ngunit hindi ko ito pinansin dahil ang utak ko ay kasalukuyang nililipad sa dako pa roon. Wala ako sa aking sarili dahil ilang araw na ang lumipas ay hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari sa amin ng baklang iyon. Hindi ko talaga matanggap ang lahat at hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako dahil ang hiyas ko ay nalawayan na ng iba. Wala na talagang mas sasaklap pa roon. Sinubukan kong kausapin ang anak ni Mr. Tsai ngunit mukhang pinagtataguan na ako nito dahil hindi na niya ako hinaharap. Lagi rin itong wala sa kanyang opisina kaya hindi na nabigyang linaw pa ang namagitan sa aming dalawa. Muli akong nagpakawala ng magkasunod na buntong hininga bago nanghihina na sumandig sa sandalan ng sofa.Maya-maya ay bigla akong nag tika-tikâ at nahihirapan na akong huminga, dahil ang magaling na matanda ay naglagay sa aking harapan ng tatlong stick ng incenso na nakatusok sa isang mangkok na puno ng bigas.“You finally woke u
Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan habang matamang pinagmamasdan ang patay-lasing na si Vernice na nakahiga sa kama. Kasalukuyan akong nakatayo ngayon sa paanan nito habang naka pamewang. Walang kamalay-malay ang asawa ko na nasa paligid lang ako at nakabantay sa bawat kilos nito. Kung nahulǐ ako ng dating marahil ay may hindi na magandang nangyari sa pagitan nito at ng babaeng iyon. Hindi ko yata maaatim na masayaran ng ibang kamay ang katawan aking asawa dahil pag-aari ko ito.Umupo ako sa gilid ng kama at hinawi ang ilang hibla ng buhok na kumalat sa kanyang mukha saka inayos ang pabalagbag na higa nito. Ilang linggo pa lang kaming hindi nagkita pero kay laki na ng pinagbago ni Vernice. Lalo siyang gumanda sa paningin ko, medyo kampanti lang ako na hindi siya maaagaw sa akin ng ibang lalaki dahil sa character nito. Simula ng iwan ako nito ay napansin ko na bumalik ang dating siya.Natuklasan ko na nagtatrabaho ito sa matandang Chinese na kalaban ng kanyang lol