Share

Ika apatnapu’t limang kabanata

“Oh? Anong masamang hangin ang nagtulak sa inyo para mapadpad dito?” Taas kilay kong tanong ng datnan ko sa labas ng pintuan sina Josh, Carlo at Vincent na matiyagang naghihintay sa aking pagdating. Natigilan ako ng hindi gumagalaw ang mga ito mula sa kanilang kinatatayuan at nanatili lang nakatulala sa aking mukha.

Umiiling na lumapit ako sa kanilang kinatatayuan, at nang makalapit ay binigyan ko ang mga ito ng tig-isang jab. Napaigík sila saka hinimas ang nasaktan nilang dibdib.

“Lanya, itsura mo lang ang nagbago pero ang ugali at kilos ay ugaling askal pa rin.” Nang-aasar na sabi ni Carlo kaya pinukol ko siya ng isang matalim na tingin.

“Kung maka-askal ka naman wagas, sinong di maiinis sa inyo eh, tinalo n’yo pa ang mukhang manyakis kung makatingin.” Anya sa sarkastikong tinig.

“You know, bro, di mo kami masisisí dahil hindi ka na mukhang astig ngayon parang ikaw yung klase ng babae na siguradong pagpapan-“ hindi na nito itinuloy ang sasabihin ng umangat ang aking kamay sa ere,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status