“Oh? Anong masamang hangin ang nagtulak sa inyo para mapadpad dito?” Taas kilay kong tanong ng datnan ko sa labas ng pintuan sina Josh, Carlo at Vincent na matiyagang naghihintay sa aking pagdating. Natigilan ako ng hindi gumagalaw ang mga ito mula sa kanilang kinatatayuan at nanatili lang nakatulala sa aking mukha. Umiiling na lumapit ako sa kanilang kinatatayuan, at nang makalapit ay binigyan ko ang mga ito ng tig-isang jab. Napaigík sila saka hinimas ang nasaktan nilang dibdib. “Lanya, itsura mo lang ang nagbago pero ang ugali at kilos ay ugaling askal pa rin.” Nang-aasar na sabi ni Carlo kaya pinukol ko siya ng isang matalim na tingin. “Kung maka-askal ka naman wagas, sinong di maiinis sa inyo eh, tinalo n’yo pa ang mukhang manyakis kung makatingin.” Anya sa sarkastikong tinig. “You know, bro, di mo kami masisisí dahil hindi ka na mukhang astig ngayon parang ikaw yung klase ng babae na siguradong pagpapan-“ hindi na nito itinuloy ang sasabihin ng umangat ang aking kamay sa ere,
“Laopanyang, Tāmen zài zhèlǐ.” Ani ng tauhan ni Mr. Yuay pagkatapos yumuko sa harap nito. “Hao, hm? Nǐ quèdìng tāmen zhīdào wǒsūnnû zài nǎlǐ ma?”(Are you sure they know where my granddaughter is?) seryosong tanong ni Mr. Yuay, habang matamang sinusuri ang kabuuan ng tatlo mula ulo hanggang paa.“What do you want from us?” Matapang na tanong ni Josh habang nakikipag tagisan ng tingin sa matandang Chinese habang si Carlo at Vincent ay labis na namamangha sa sa kabuuan ng malaking bahay na kanilang kinaroroonan. Tumaas ang sulok ng bibig ni Mr. Yuay bago ito nagsalita.“Tell me, where’s Vernice? Anya ng matanda habang nakatayo ito sa kanilang harapan hawak ang itim nitong baston.“We don’t know, you’re wasting your time on us because we don’t know who you're talking about.” Tinatamad na sagot ni Josh na hindi mo man lang kakikitaan ng takot ang mukha nito. Malakas na tinuktok ng matanda ang kanyang tungkod sa sahig kaya kumilos ang isang tauhan nito, bahagya namang napaatras sina Vince
Mula sa pagkaka-luhod sa sahig ay umangat ang luhaan kong mukha at saka matapang na tumitig sa mga mata ng aking ama. Wala akong makita na anumang reaksyon mula sa kanyang mukha at nanatiling blangko ang mga mata nito. Habang sa tabi ng aking Ama ay nakatayo ang walang puso kong Abueló na nanatiling matigas ang bukas ng mukha nito.“Sa simula’t sapul ay ginawa ko na ang lahat para mapansin mo ako at umasa na kahit katiting na pagmamahal mula sayo ay maambunan mo man lang ako. Anak mo ako Papa! at buong buhay ko ng pinagdusahan ang lahat. Sa bawat araw na binabalewala mo ako ay katumbas nito sa akin ay k-kamatayan...” ani ko sa pagitan ng aking pagtangis, ramdam ang matinding emosyon at sakit na kinimkim ko sa aking dibdib sa loob ng mahabang panahon. Unti-unting binalot ng matinding kilabot ang buong pagkatao ko dahil nilalamon ng kapighatian ang puso ko. Walang tigil sa pag-agos ang mga luha sa makinis kong pisngi habang ang puso ko ay wari mo’y sinasakal dahil nahihirapan na akong
Vernice Point of viewHindi ko alam kung ilang oras na akong nag pabalik-balik ng lakad dito sa loob ng kwarto habang patuloy na pinipiga ang aking mga kamay. Dalawang araw na akong nakakulong sa kwartong ito at kahit isa sa kanila ay hindi man lang ako hinaharap. Labis akong natatakot para sa kalagayan ng aking mga anak halos wala na rin akong tulog dala ng matinding pag-aalala. Lumapit ako sa bintana at hinawi ang puting kurtina saka sumilip sa labas, nag-aagaw na ang liwanag at dilim kaya sa palagay ko ay six thirty na ng hapon. Bigla akong napalayo sa bintana ng marinig ko ang pagpihit ng seradura mula sa labas ng pintuan kasunod nun ay ang pagpasok ng dalawang babae na may seryosong mukha. Pagkatapos nilang isarado ang pintuan ay tumingin sila sa aking direksyon, tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa.Umiilíng na lumapit ang isa sa kanila sa kama saka ibinaba nito ang isang mahabang puting bestida. “”Ma’am, kailangan n’yo ng maligo para maayusan ka na namin. Pakibilis lang d
Hindi ako nakahuma ng tila slow motion ang pagpasok ng isang matangkad na lalaki na may seryosong mukha at kagalang-galang tingnan sa suot nitong mamahalin na black, three piece suit. Habang napapaligiran ito ng kanyang mga bodyguard. Naagaw ng presensya nito ang atensyon ng lahat ng mga tao sa bulwagang ito at halos hindi magkandamayaw ang mga kababaihan sa pagtanaw sa lalaking kasalukuyang naglalakad patungo sa pinakasentro ng bulwagan, sa aking kinaroroonan. Ang matapang na awra nito ay hindi naging balakid upang katakutan ito bagkus ay matinding paghanga ang tanging makikita sa mga mata ng lahat.Para akong nabato balani sa aking kinatatayuan dahil sa isang malaking pasabog ngayong gabi. Hindi ko sukat akalain na ang lalaking naka-one-night stand ko, at the same time ay naging nobyo dahil sa isang one month agreement, na sinang-ayunan ko na kalaunan ay iniwan ko rin ng walang paalam pagkatapos kong nakawan. At ang kasunduan na pilit kong tinatakasan dahil sa mga anak ko ay isang
Vernice Point of view“Z-Zac, hayaan mo muna akong magpaliwanag.” Naiiyak kong sabi sa garalgal na tinig, nasasaktan ako sa klase ng pagtrato niya sa akin pakiramdam ko ay ibang tao ako sa paningin nito. Napakalayo na niya sa dating Zac na nakilala ko dahil ang mga mata niya ay puno ng galit at matinding pagkamuhi para sa akin. Lumuhod siya sa aking harapan saka mahigpit nitong hinawakan ang aking panga, ramdam ko ang mariing pagbaôn ng mga daliri niya sa magkabilang pisngi ko.“At ano? Para muling mabilog ang ulo ko at mapa-ikot mo ako sa iyong mga kamay? Hindi na Vernice, dahil kahit kailan at hindi na ako magpapauto pa sa mukhang ‘yan.” Matigas niyang pahayag bago ako nito hinila patayo habang nanatiling mahigpit na nakahawak sa aking panga ang kanyang kanang kamay. Nakaramdam ako ng sakit ngunit binalewala ko ito dahil higit na mas masakit ang puso ko. Para itong dinudurog ng pinong-pino, nakaramdam ako ng matinding guilt dahil sa nagawa ko sa kanya pero hindi ko ginusto na saktan
Zac Point of view “Batid ko na walang kapatawaran ang ginawa ko sayo Zac, at marahil ay abot langit ang galit mo sa akin. Z-Zac…. Nanikluhod ako sa iyong harapan at nagmamakaawa na sana ay pakinggan mo ako.” Nagsusumamong wika ni Vernice sa pagitan ng kanyang paghikbi. Kasalukuyang hubo’t hubad ito na nakaluhod sa aking harapan habang mahigpit niyang hawak ang kanang kamay ko. Sa totoo lang ay nakakaramdam na ako ng matinding awa para sa kanya at parang pinipiga ng husto ang puso ko ngunit mas pinili ko ang maging manhid sa harap nito at balewalain ang awa na nararamdaman ko. Kailangang matuto ang babaeng ito upang malaman niya kung ano ang kaya kong gawin, hindi lang sa kanya kundi maging sa pamilya nito.Nanatili akong nakatingin sa naka saradong pintuan na nasa likuran nito na para bang hindi ko siya nakikita. Habang nanatiling matigas ang expression ng aking mukha upang malaman niya na kailanman ay hindi ako madadala ng mga pagmamakaawa nito.“Don’t block my way, Vernice at baka
“Nam-myoho-renge-kyo... Nam-myoho-renge-kyo... Nam-myoho-renge-kyo...” Around eight thirty in the morning ay nangingibabaw sa buong paligid ang paulit-ulit na pagcha-chanting ng mga ilang Buddhist Monks sa Nanshan temple mula sa Hainan Island. Kasama ang ilang mga local Chinese na nag cha-chanting din ng isang pangako sa sarili na hindi kailanman susuko sa mga kahirapan at upang manalo sa pagdurusa. Habang sa harap ng isang malaking rebulto ng Buddha ay kasalukuyang nakatayo ang munting bata na si Zevi. Nababalot ang katawan nito ng isang makapal na jacket dahil sa matinding lamig ng panahon na umabot sa eight degree celsius ang temperatura. Kasalukuyang nakakaranas ngayon ng taglamig ang bansang China. Bahagya nakayuko si Zevi habang nakataas ang dalawang kamay at sa tapat ng kanyang noo ay hawak ang isang incense stick’s na may sindi sa dulo kaya patuloy ang pagkalat ng mabangong amoy nito sa buong paligid. Patuloy na binibigkas ng batang si Zevi ang mga salitang itinuro sa k