Home / Romance / Kaleidoscopic Love / Simply Meant To Be

Share

Kaleidoscopic Love
Kaleidoscopic Love
Author: Youniqueen

Simply Meant To Be

Author: Youniqueen
last update Last Updated: 2020-10-27 13:26:54

Simply Meant To Be

Isa sa pinaka masarap na pakiramdam sa mundo ay 'yung masuklian mo 'yung paghihirap na ginawa ng mga magulang mo para itaguyod ang pamilya niyo.

Dahil sa mundong ito, walang lubos na nagmamahal sa 'tin kundi sila. Ang ating mga magulang. Kaya bago mo mahalin ang ibang tao, mahalin mo muna 'yung pamilya mo na laging nand'yan para sa 'yo. Dahil noong una pa lang, sila na ang humubog kung sino ka ngayon.

Maaring lahat ng tao talikuran ka ang iwan ka sa huli. Pero sila nananatiling nand'yan sa likod mo. Nakalalay, nakasuporta at hinding-hindi ka iiwan.

Bakit ko nga ba sinasabi ito? Simple lang, dahil mahal ko ang pamilya ko. 

"Anak, pagod na pagod ka na. Magpahinga ka muna," usal ng aking Nanay.

Ngumiti ako at umiling. "Okay lang Nay. Kaya ko pa naman. Tatapusin ko lang ito dahil kailangan na naming ipasa bukas."

Bumuntong hininga siya. "O sige, basta pagkatapos niyan magpahinga ka a?"

Tumango ako. "Sige po, Nay."

Bata pa lang, namulat na ako sa katotohanang mahirap lang ang aming pamilya at kailangan kong tulungan ang aking mga magulang lalo na't ako lang ang inaasahan nila. 

Ako ang pinaka-matanda sa aming magkakapatid. Si Nanay ay isang kasambahay, habang si Tatay naman ay isang construction worker noon. Pero ngayon nasa bahay na lang siya dahil nai-stroke 'yung kalahating katawan niya.

Noon pa man, ipinangako ko na sa sarili kong tutulungan ko sila't iaahon sa kahirapan. Noong nag-dalaga ako, umiiwas ako sa mga manliligaw. Inilayo ko ang sarili ko sa mga bagay na kadalasan ay ginagawa ng isang kabataan. Nag-aaral lang akong mabuti. 

Pagdating ko ng kolehiyo, nag-part time job ako. Sa umaga waitress ng isang fast food chain at sa hapon isang mag-aaral.

Sinikap kong pagsabayin iyon kahit sobrang hirap. Wala akong ginawa kundi trabaho, bahay, trabaho, bahay. Nasanay na rin ako sa gano'ng buhay dahil natutustusan ko ang mga pangangailangan ko sa school. Nawawala rin ang pagod ko sa tuwing nasasaksihan ko na malaking bagay pala sa kanila ang ginagawa ko. 

Hanggang isang araw tinanong ako ng isang service crew din sa fast food chain na pinapasukan ko. 

"May boyfriend ka na?"

Nabigla ako sa itinanong niya at hindi nakasagot. Tinalikuran ko na lang siya. Palagay ko, may balak siyang ligawan ako dahil panay ang pagpapalipad hangin niya tuwing kausap ako. Hindi ako assuming, nahalata ko 'yon sa mga kilos niya.

Dahil sa itinanong niya may isang bagay akong napagtanto. Hindi ko pa nararanasan ang magkaroon ng boyfriend. Hindi rin naman ako naghahanap. Kuntento na akong ganito. Dahil sa ginagawa ko, natutulungan ko ang pamilya ko.

Mas maganda rin na mas inuna ko 'yung utak ko kaysa sa puso ko. Dahik kung pinairal ko 'yung puso ko noon, hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko ngayon. Tama lang na una palang naging practical na ako. Mas mahalaga ang pagkain at edukasyon kaysa sa love na 'yan.

"Anak, haggang ngayon ba wala ka pa rin nagugustuhan sa mga manliligaw mo?"

Natauhan ako mula sa malalim na pag-iisip dahil sa tanong ni Nanay. "Nay, naman. Wala pa 'yan sa isip ko. Gusto ko munang matulungan kayo," amin ko.

Pumunta siya sa tagiliran ko at inakbayan ako. "Daina, marami ka na rin naitulong sa amin ng Tatay mo. Lahat ginawa mo, at proud kami sa 'yo bilang magulang mo. Dahil 'yung mga hindi namin nagawa bilang magulang niyo, ginagawa mo para sa amin na hindi man lang nagrereklamo. Ikaw 'yung nagtustos sa mga pangangailang dito sa bahay. Pinag-aral mo 'yung mga kapatid mo. Bilang magulang dapat kami ang gumawa lahat ng iyon, pero ginawa mo iyon ng walang hinihinging kapalit." Napangiti siya. "Talagang nagpapasalamat kami sa 'yo ng Tatay mo. At siguro panahon na para maging masaya ka naman. Magmahal ka, anak. Iyon ang pinaka masarap na pakiramdam sa mundo."

Napahinto ako sa ginagawa ko at niyakap siya. "Nay, masaya ako sa ginagawa ko at kailaman hindi ako mapapagod na tulungan kayo. Kahit man lang dito, masuklian ko lahat ng paghihirap niyo sa akin ni Tatay."

Bumuntong hininga siya. "Ang akin lang naman, isipin mo rin ang sarili mo. Gusto ko lang na maranasan mo iyon. Marami ka pang p'wedeng gawin. 'Wag mo lang sa amin paikutin ang mundo mo anak. Gusto ko pang magka-apo sa 'yo," biro niya.

"Nay naman!" angal ko kunwari habang nakalabi. "Parang pinamimigay mo na ako, e." Pareho na lang kaming natawa.

Siguro nga hindi naman masama sumubok magmahal. Pero, sino naman ang mamahalin ko?

Siguro nga hindi pa ito 'yung tamang panahon para magmahal ako. Maybe in God's time. In God's will, alam kong mahahanap ko rin ang taong 'yon. Hindi naman ako nagmamadali. Mahahanap ko rin naman 'yung tamang lalake para sa akin sa tamang panahon. 

***

Isang pangkaraniwang linggo, pumunta ako sa simbahan na madalas kong pinagsisimbahan.

Pagkaupo ko, mayamaya lang may isang lalake rin na umupo sa tabi ko. Hindi ko na lang siya pinansin. Tahimik lang akong nagdasal habang nakapikit. Hanggang sa napadilat ako. Napansin kong panay ang usog niya palapit sa akin. Nawala ako sa focus at tumingin sa kanya.

Ang creepy lang dahil ngumiti siya sa akin, sabay tingin sa altar na magkadaop pa ang kamay.

Hindi ko na lang pinansin at nagdasal nalang ulit ako. Hanggang sa hindi ko na natiis at nabuwisit na talaga ako dahil talagang nananadya na siya. Napakahaba ng upuan at apat lang kaming nakaupo. Kung tutuusin ang luwag luwag pa pero sinisiksik niya ako. Anong trip ng lalakeng 'to?

Isang masamang tingin ang ibinigay ko sa kanya. "Tss."

Kasalukuyan siyang nakatingin sa altar na magkadaop pa rin ang kamay at nakadikit iyon sa ilalim ng baba niya.

Kung titingnan, mukha nga siyang isang bata na mataimtim at tahimik na nagdadasal. Nagulat na lang ako ng bigla siyang napatingin sa akin nang nakangiti at kumindat pa.

Halos lumundag ang puso ko mula sa aking dibdib. Mabilis tuloy akong umiba ng tingin ng makaramdam ako ng pag-init mukha. Naramdaman ko rin na nakatitig pa rin siya sa akin.

Tumayo na ako at naghulog ng pera sa donation box at nagmamadaling umalis.

Grabe. Ang creepy talaga ng lalakeng 'yon.

Nang sumunod na linggo, isinama ko na ang nakababata kong kapatid na si Dyle.

Nakapikit ako habang nagdadasal, ngunit napansin kong ang likot ng kapatid ko. Hindi mapakali at baling nang baling. 

"'Yung lalake kasi Ate, kanina pa tingin ng tingin sa 'yo," aniya.

Biglang napakunot ang noo ko. "Sinong lalake?"

"Ayun o!"

Sinundan ko ng tingin 'yung itinuro niya at laking gulat ko nang makita ko 'yung creepy na lalakeng nakatabi ko noong nakaraang linggo.

Ngumiti pa siya at kumaway sa amin. Kaagad nga akong nag-iba ng tingin. 

"Ano ba talagang problema ng isang 'yon?" bulong ko.

Mayamaya lang nagpaalam si Dyle para pumunta sa banyo. Pinayagan ko naman dahil malapit lang iyon sa kinauupuan namin.

Isang oras ang nagdaan bago siya makabalik at laking gulat ko dahil may dala na siyang isang kumpol ng bulaklak.

"Ate, pinabibigay sa 'yo o." Iniabot niya iyon sa akin.

"Nino?" Tinanggap ko naman 'yon ng may pagtataka. 

"Ni Kuya pogi," aniya. "'Yung lalakeng tingin ng tingin sa 'yo kanina."

Awtomatikong napaawang ang bibig ko sa gulat dahil sa sinabi niya.

"Ang bait niya nga, e. Nagkasabay kami 'tapos kinausap niya ako. Madaldal din siya Ate, katulad ko. 'Tapos binilhan niya ako ng ice cream habang nagkukwentuhan kami. 'Tapos paborito rin niya 'yung ironman," kuwento ni Dyle habang nakangiti pa. "Ang astig nga dahil mayro'n daw siyang mga life-size action figure no'n."

Natigilan ako. Kaya pala nang tumingin ako sa direksyon ng lalake iyon kanina wala na siya. Naisip ko baka umuwi na siya, ayun pala kausap na niya si Dyle.

"Dyle, 'di ba kabilin-bilin ko sa 'yo, 'wag kang sasama o makikipag-usap sa mga taong hindi mo kilala?" usal ko.

Napakamot siya ng ulo habang nakalabim "Mabait naman siya e, hindi naman siya mukhang masamang tao."

"Gano'n ba?" sambit ko. "Pero kahit na! E, bakit niya ako binigyan ng rose? Ano bang pinag-usapan niyo?"

Biglang napangiti ang makulit kong kapatid. "Ayieeh! Si Ate curious!" mapang-asar na sabi niya.

Natauhan ako. Curious ba ako? Hindi naman a! Hindi kaya.

Pinisil ko na lang 'yung matabang pisngi ni Dyle. "Ikaw talaga o."

"Tinanong niya kasi sa akin kung ano raw pangalan mo," amin niya.

Nagsalubong ang kilay ko. "Talaga?"

Tumango siya. "Oo, 'tapos bumili siya ng rosas at ibigay ko raw sa 'yo kasi raw ang ganda ganda mo e."

Mas lalo akong natigilan. Maganda raw ako?

"Ate may sakit ka ba? Bakit namumula ka?" 

"H-ha?" Bigla akong natauhan. "Wala a!" mariing tanggi ko. "E, ano raw ba pangalan niya, nalaman mo ba?"

Umiling siya. "Hindi nga e. Basta pogi ang tawag niya sa akin at Kuya pogi rin ang tawag ko sa kanya dahil pareho raw kaming pogi."

Sino kaya ang lalakeng 'yon? Bakit niya kaya ako binigyan ng rosas?

***

Lumipas ang araw, gabi na ako nakapagsimba dahil medyo marami akong ginagawa. Last mass na 'yung naabutan ko. At sa hindi inaasahan, muli ko na naman nakita 'yung lalakeng nagbigay sa akin ng rosas. 'Yung lalakeng kumausap kay Dyle at nagtanong sa pangalan ko.

Nang mapatingin siya sa akin, ngumiti na naman siya at kumindat. May problema ba sa mata ang isang 'yon o nagpapacute lang? 

Pauwi na ako ng may napansin. Kaagad akong napatigil sa paglalakad. Naramdaman kong napatigil din siya kaya nilingon ko siya suot ang seryosong kong tingin.

"Sinusundan mo ba ako?"

"Yep." Ngumiti siya. "Sabi kasi ng Nanay ko, sundan ko raw 'yung kapalaran ko."

Biglang napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Kanina ko pa kasi napapansin si Creepy Guy na nakasunod sa akin.

Bigla siyang tumawa. "Biro lang. Hindi kita sinusundan. Siguro pareho lang 'yung dinadaanan natin."

Mukhang seryoso naman siya sa sinabi niya kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Tama nga si Dyle. Hindi siya mukhang masamang tao. Mukha nga siyang nakakaangat sa buhay base na rin sa itsura, ayos at porma niya.

Mayamaya tahimik lang siyang nakasunod sa likod ko hanggang sa binilisan na niya 'yung lakad niya at nagpantay na kami.

"Do you believe in destiny?"

Napakunot ang noo ko. Ako ba 'yung kinakausap niya? Psh. Malamang. Kami lang dalawa dito e. "Nope."

"Titigan mo kasi ako. Mukha ba akong pamilyar sa 'yo?"

Mas lalong napakunot ang noo ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Napangiti siya. "Kamukha ko ba 'yung future boyfriend mo?"

Nagulat ako sa sinabi niya at binilisan ko na lang ang paglalakad. Sobrang creepy naman ng lalakeng 'yon. Sino ba siya?

Hanggang sa palagi ko nang nakikita ang lalaking 'yon sa tuwing magsisimba ako. Sinabi nga sa akin no'ng isang sakristan na kilala ko, maaga pa lang daw palagi na 'yon nandoon sa simabahan.

Wala nga siyang ginawa kundi ngitian ako at kumindat. Napapansin ko na tintitigan niya talaga ako. Nadidistract nga ako at hindi ako makapagdasal ng maayos. Sa tuwing 'Ama namin' pa, napapansin kong hinihigpitan niya 'yung hawak sa kamay ko sabay kindat na naman sa akin nang nakangiti. Kundi ko pa nga bawiin, hindi niya pa bibitawan 'yung kamay ko.

Minsan naisip ko, nagpupunta lang ba ang taong 'to sa simbahan para magpacute at hindi magdasal? Sana sa park na lang siya pumunta 'di ba?

Ilang linggo ko na rin siya nakakasabay magsimba. Nalaman ko na rin na Guile ang pangalan niya. Paano ko nalaman? Simple lang, sinabi niya sa akin kahit hindi ko naman tinatanong.

Napansin ko nga na sa tuwing magkakasabay kaming maglakad, palagi niya akong kinakausap. Tama si Dyle ang daldal niya. Hindi siya nahihiya sa akin na para bang close kami.

Salita siya nang salita na parang hangin lang 'yung kausap niya. Panay ang kuwento niya pero hindi ako sumasagot. Hindi ko lang masabi na, "close ba tayo?" dahil ayokong maging bastos.

Minsan nakita ko rin na nagdadasal naman pala siya at hindi lang puro porma. Napansin ko habang magkatabi kami, mataimtim siyang nagdadasal habang nakapikit. Habang tinititigan ko siya mas lalo siyang nagiging cute sa paningin ko. Natauhan lang ako nang sinabi niyang, "magtatampo sa 'yo si God. Magdasal ka na lang. 'Wag mo na akong titigan."

Kaagad akong nag-iwas no'n ng tingin at nagpanggap na nagdadasal din. Mukhang hindi nga umepekto dahil natawa lang siya.

Habang tumatagal ang pagsasabay namin pagsisimba tuwing linggo, napapansin ko na makulit siya. Maraming tanong na hindi ko naman sinasagot. Actually, siya rin ang sumasagot ng tanong niya. Parang tanga lang 'di ba?

"Anong course mo?" biglang tanong niya.

Hindi ako sumagot. Nagpatay malisya ako. Nagbingi-bingihan.

"Ah, siguro caregiver 'no?"

Biglang napakunot ang noo ko. Nacurious naman ako. Paano niya nasabi 'yon? Dahil ba mukha akong katulong? 

"Bakit?" walang sa sariling tanong ko.

Napangiti siya. "Dahil alam kong ikaw ang nakatadhanang mag-alaga ng puso ko."

Nagulat nalang ako ng mapagtanto kong hindi pala isang tanong lang 'yung ginawa niya, kundi pick-up lines. Anak ng tupa!

Panay din ang kwento niya tungkol sa buhay niya o kung ano 'yung nangyari sa kanya ngayong araw. Kung magsalita pa siya para bang kaibigan niya ako. 

"Bakit mo ba ako kinakausap? Sino ka ba? Stalker ba kita?" Hindi ko na natiis e. 

Laking gulat ko nang lumabi siya. "Ang sakit naman no'ng stalker. Admirer ako."

Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. "Ano?!"

Huminga siya ng malalim at ngumiti. "Sige, aamin na ako sa 'yo." Natigilan ako at tila pansamantalang huminto sa pagtibok ang puso ko habang nakatingin sa kanya. "I think i've fallen for you."

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Tulala lang ako habang gulat na gulat. "Paano nangyari 'yon? Ni hindi mo nga ako kilala at hindi rin naman kita kilala a."

"Oo, hindi mo ako kilala, kaya nga gusto kong makilala mo ako," aniya.

Nasapo ko ang noo ko ng wala sa oras. Ano bang pinagsasabi ng isang 'to?

"Hindi rin totoong hindi kita kilala, dahil kilalang kilala kita," seryosong sambit niya. "Ikaw 'yung babaeng nakatadhana para sa 'kin."

"Ano?!" Mas lalong namilog ang mata ko. "Baliw ka na ba? Anong trip mo sa buhay? Tigilan mo nga ako."

Nawalan 'yung ngiti niya at napalitan iyon ng lungkot. "Can you give me a chance? Liligawan kita. Patutunayan ko sa 'yong totoo ang sinasabi ko."

Mabilis akong umiling. "Ni hindi nga kita kilala. Isa pa, hindi ako nagpapaligaw. Hindi ko priority 'yon. Kung ako sa 'yo 'wag kang nagpapapaniwala sa destiny-destiny na 'yan. Hindi totoo iyon. Kaya maraming tao ang nagmumukhang tanga na umaasa dahil sa tadhana na 'yan," sambit ko bago ko siya tinalikuran.

"Kahit ano pang sabihin mo, naniniwala pa rin ako sa destiny at alam kong ikaw 'yung babaeng nakatadhana sa 'kin." Narinig kong usal niya. "One day, you'll realize that I'm the one for you and I'll prove that to you. "

Napailing ako. "Bahala ka sa buhay mo. Paniwalaan mo 'yung gusto mong paniwalaan." Binilisan ko na ang lakad para hindi na siya makasunod pa.

Sino'ng maniniwala kung ang isang estranghero na pangalan ko lang naman ang alam, biglang magtatapat ng nararamdaman niya? Psh.

Dumaan pa ang ilang linggo. 

Gano'n pa rin. Nandoon pa rin siya. Kinakausap ako kahit hindi naman ako sumasagot at nagmumukha siyang timang. Mas naging makulit at madaldal pa nga siya. Minsan lihim ko rin pinapakinggan 'yung mga sinasabi niya. May sense naman din pala kahit paano.

Nang sumunod na linggo, naging sobrang busy na naman ako kaya nakaligtaan kong magsimba. Kaya noong sumunod na linggo ulit, maaga akong nagsimba. 

Napatingin ako sa paligid at napansin kong wala siya. Si Guile.

"Himala," usal ko. Isinawalang bahala ko lang 'yon. Maganda nga iyon, kahit ngayon linggo lang matatahimik ang buhay ko. 

Nang sumunod pang mga linggo, wala pa rin siya. Hindi ko na natiis at tinanong ko na 'yung kakilala kong sakristan. Sinabi niya na simula pa noong nakaraang linggo hindi niya na ito nakita pa.

Hanggang lumipas ang isang buwan. Hindi ko na ulit siya nakita pa. Namimiss ko siya sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Namimiss kong may nagpapacute sa 'kin sa tuwing nagsisimba ako. Namimiss ko 'yung kadaldalan niya. Namimiss kong may nangungulit sa 'kin. Namimiss kong may kasabay akong maglakad pauwi.

Huminga ako ng malalim. "Namimiss ko na si Guile," mahinang usal ko.

Isang araw nagulat nalang ako sa sarili ko dahil hinahanap-hanap ko na 'yung presensya niya. Nalulungkot na ako sa tuwing papasok ako sa simbahan at titingin sa paligid para alamin kung nand'yan siya. Wala na 'yung lalakeng panay ang ngiti at kindat sa 'kin. Wala na siya.

Siguro lumipat na siya ng bahay o baka naman nagsawa na siya sa pangungulit sa 'kin dahil hindi ko siya pinapansin.

Napangiti ako ng malungkot. "Akala ko pa naman totoo 'yung sinabi niya at patutunayan niya 'yon sa 'kin," bulong ko sa aking sarili. "Siguro napagtanto rin niya na hindi talaga totoo ang tadhana 'yan."

Isa lang 'yon salita na naimbento para magpaasa. Para may masaktan.

***

Hanggang isang araw, may natuklasan na lang ako.

"Nanay, bakit hindi ko na nakikita si Kuya Guile?"

Bigla kong nabitawan ang hawak kong ballpen nang marinig ko ang pangalan na 'yon. Mabilis na kumabog ng malakas ang dibdib ko. "Tama ba 'yung narinig ko? Guile?"

Nakita kong pinanlakihan ng mata ni Nanay si Dyle. Mukhang natakot naman ito at nanahimik.

"Nay, magsabi nga kayo sa akin ng totoo. Mayroon ba kayong hindi sinasabi sa 'kin?" seryosong tanong ko. "Dyle, si Guile ba 'yung tinutukoy mo?"

"Oo, Ate. Si Kuya pogi na nagsabi sa 'yong maganda ka at si kuya Guile ay iisa."

Pakiwari ko'y huminto sa pagtibok ang puso ko. Parang bang nawala ako sa huwisyo dahil sa sinabi niya.

Lumapit sa 'kin si Nanay at sumenyas kay Dyle na umalis muna. "Anak, may dapat kang malaman."

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tono ng boses niya.

"Isang araw, habang nagluluto ako may pumunta ditong isang lalake," umpisa niya. "Sinabi niyang manliligaw mo raw siya at Guile Cervantes ang pangalan niya."

Biglang nanlaki ang mata ko. "Ginawa 'yon ni Guile?"

Tumango siya. "Noong una pa nga hindi siya gusto ng Tatay mo dahil pakiwari niya, binobola lang kami. Noong pumunta kasi siya rito napakaraming dalang regalo at may mga pagkain pa. Sinabi ng Itay mo na 'wag ng gagawin iyon at nakinig naman siya. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at inamin na niya agad sa amin ang pakay niya sa 'yo. Siya mismo ang nagpakilala ng sarili niya sa amin," nakangiting komento ni Inay. "Noong una pa lang ay boto na ako sa kanya para sa 'yo dahil napakabait at napakagalang na bata niya. Hindi nga siya natakot sa masamang tingin sa kanya ng Itay mo. Palagi siyang nakangiti at malalaman mong seryoso siya sa sinasabi niya dahil makikita mo iyon sa mata niya," bilib na bilib pang sambit niya. "Lahat kami ay humanga sa inasal niya. Dahil ni isa man sa mga manliligaw mo, walang naglakas ng loob na pumanik sa bahay at ipag-tapat sa amin ang pakay nila sa 'yo," aniya pa. "Inamin rin niya binasted mo siya at nakiusap pa kung maari lang daw ay huwag na muna naming ipaalam sa 'yo ang lahat."

Walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Totoo ba ito? Si Guile? Naglakas ng loob na pumunta rito sa bahay para magpaalam sa mga magulang at mga kapatid ko para ligawan ako?

"Pinanindigan niya 'yung sinabi niya sa amin kahit ayaw mo sa kanya, anak. Tatlong beses sa isang linggo pumupunta siya rito. Hindi mo alam 'yon dahil subsob ka sa pag-aaral at sa trabaho. Lagi niyang kinakausap ang Tatay mong masungit at walang imik. Mahilig siyang magjoke. Lahat dito botong-boto sa kanya at si Dyle ang pinaka kasundo niya dahil minsan na pala silang nagkakilala."

Huminga ako ng malalim. Paano kaya nalaman ni Guile kung saan ang bahay namin? Hindi talaga ako makapaniwala.

"Sa paglipas ng mga araw nakakasanayan na namin na palagi siyang nandito. Palagi ngang napupuno nang tawanan ang bahay dahil sa kanya. Gusto niya raw kasing patunayan na kahit bastedin mo pa siya ng isang daang beses, babalik at babalik pa rin siya rito para mapatunayan ang mabuting intensyon niya sa 'yo," ani pa ni Nanay.

Napalunok ako at pakiramdam ko may sumakit sa parte ng dibdib ko. Puso ko ba 'yon?

"Nagulat nga ako dahil maging ang Itay mo nakasundo na rin niya. Napapatawa niya ito sa mga jokes niya at minsan nagjo-join pa sila. Madalas na silang magkwentuhan. Sabi nga ng Tatay mo, nakakalimutan daw  niya na may sakit siya sa tuwing nandito ang manliligaw mo na 'yon," sambit pa niya habang nakangiti.

Naramdaman kong mabilis na nag-init ang magkabilang sulok ng mata ko. Bigla na lang nanikip ang dibdib ko at para bang sa mga oras na ito, pinira-piraso na ito.

"N-nay, bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin ang lahat?" 

Huminga siya ng malalim. "Anak, ayaw niya kasing ipaalam sa 'yo dahil baka raw magalit ka sa kanya at pagbawalan mo na kaming makipagusap sa kanya. Nakakatuwa nga ang batang 'yon dahil mas inuna pa niya kaming ligawan kaysa sa 'yo. Nakakabilib ang gano'ng klaseng lalake. Hindi naduduwag na ipaglaban ang nararamdaman niya. Kung gano'n lang sana ang lahat ng lalake sa mundo, palagay ko, wala nang umiiyak na babae ngayon."

Tuluyan nang lumandas sa pisngi ko ang mainit na luha na galing sa aking mata, kahit na hindi ko maipaliwanag kung bakit.

"At alam mo ba? Noong araw na wala tayong kapera-pera at isinugod sa ospital ang Tatay mo, nagulat nalang ako nang iabot sa 'kin ng nurse 'yung fully paid na resibo at sinabing isang Guile Cervantes daw ang nagbayad no'n," amin ni Nanay.

Bigla akong napatakip ng bibig habang nanlalaki pa ang dalawang mata ko. S-siya?

"Nagulat pa nga ako noong sinabi kong babayaran ko siya pero sinabi niyang magtatampo raw siya sa 'kin kapag ginawa ko iyon, kaya pinasalamatan ko na lang siya. Para siyang hulog ng langit para sa 'tin."

Nawalan ako ng boses para magsalita. Hindi ko alam ang sasabihin. Blanko na ang isip ko.

Iyong lalake pala na iyon na palagi kong binabalewala, malaki pala ang naitulong sa amin. Hindi lang financially dahil maging ang magulang ko napasaya niya. 

Totoo pala 'yung sinabi niya sa 'kin na kahit ano pa'ng mangyari patutunayan niya pa rin ang sarili niya sa 'kin.

"P-pero....anong nangyari? Nasaan na siya ngayon? Bakit hindi ko na siya nakikita sa simbahan?" Tumingin ako ng seryoso kay Nanay. "Nay, sabihin niyo nga sa 'kin ang totoo. Alam niyo ba kung bakit?" Halos madurog ang puso ko nang tumango siya. Pakiramdam ko, bigla akong nanghina. "Bakit hindi niyo sinabi sa 'kin? Nay naman e!" Puno-puno na ng luha ang mata ko at sunod-sunod lang ang pag-agos nito. Ewan ko kung bakit, pero nasasaktan ako.

"Pasensya na anak. Akala kasi namin wala kang pakialam kay Guile. Dahil puro ka pag-aral at pagtatrabaho 'yung nasa utak mo. Maging kami nga, naawa na rin kay Guile dahil binabalewala mo siya pero hindi pa rin siya sumusuko."

"N-nasaan na siya?" Nanginginig na tanong ko.

"Noong isang buwan pa siya umalis, anak. Huli na nang sinabi niya na penitisyon na siya ng Mommy niyang nasa amerika at doon na raw siya titira," amin niya na halatang malungkot. "Sinabi niyang ipagpapatuloy na niya ang pag-aaral at tutuparin ang mga pangarap niya sa buhay."

Mas lalo akong nanghina sa aking narinig. Wala na siya. Iniwan na niya ako.

"Daina, anak. Kung para talaga kayo sa isa't-isa ni Guile, magkikita at magkikita pa rin kayo. At alam kong babalik siya para sa 'yo."

Sunod-sunod na sa pagpatak ang luha ko. Patuloy ako sa paghikbi at pakiramdam ko, wasak na ang puso ko.

Hanga ako sa kabutihan niya. Hanga ako sa lakas ng loob niya. Nakakapanghinayang na ngayon ko pa ito nalaman kung kailan wala na siya.

***

Isang taon na ang nakalipas mula nang mangyari iyon. Huli na ng mapagtanto kong gusto ko na rin pala siya. Hindi ko lang maamin sa sarili ko dahil naduduwag ako. Namimiss ko na ang ngiti niya, pati na lahat ng ginagawa niya. Iyong kadaldalan at kakulitan niya, pati ang pagpapacute niya sa 'kin. Miss na miss ko na si Guile.

Totoo talaga ang kasabihan na nasa huli ang pagsisisi. At wala ng mas sasakit pa sa sarili mong katangahan.

Noong nandito siya, binabalewala ko lang siya. Ngayong wala na siya, saka ko lang napapagtanto na mahalaga pala siya sa 'kin.

Pumasok ako sa simbahan. Iginala ko ang mata ko pero tulad ng dati, wala pa rin siya. Hindi pa rin siya bumabalik. Oo, naghihintay ako.

Umupo ako sa palagi kong inuupuan kung saan siya tumatabi sa 'kin. Iilan na lang ang tao dahil patapos na ang huling misa. 

Tumingin ako sa altar na puno ng pagsisisi at kalungkutan. 

God, sa buong buhay ko, ngayon lang ako hihiling ng para sa sarili ko. Nakalimutan kong kailangan ko rin palang maramdaman ang magmahal at mahalin. Tama si Nanay, iyon ang pinaka masarap na pakiramdam sa mundo. Pero iyon din ang pinaka masakit lalo na't bigla na lang nawala ang taong gusto ko.

Napangiti ako ng walang saya. 

Lord, isang taon na ang nakalipas mula ng mawala siya. Simula ng iwan niya ako. Lahat kasi 'yon binalewala ko lang. Ang tanga ko kasi e. Ngayon ko lang napagtanto lahat ng ito kung kailan wala na siya. Pero God, ibalik Mo lang siya sa 'kin, hindi ko na ulit siya babalewalain. Pahahalagahan ko siya, katulad ng pagpapahalaga niya sa 'kin.

Unti-unti ng umiinit ang mata ko. Tila nagbabadya ang luhang gustong kumawala rito. Ang bigat ng pakiramdam ko. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko na tila nadudurog na sa mga sandaling ito.

Dati, sinabi ko na sana kapag dumating 'yung taong mamahalin ko at magmamahal din sa 'kin, sana 'yung pangmatagalan na. At ngayon, hinihiling ko na sana siya ang lalakeng 'yon. 

Ngumiti ako na walang saya kasabay nang pagtulo ng luha sa aking mata. 

Nakakatawang isipin na noon, hindi ako naniniwala sa destiny na 'yan. Pero ngayon, hinihiling ko na sana totoo nga iyon. Na sana bumalik na siya kung siya talaga ang taong nakatadhana sa 'kin. Sana mabigyan ako ng pagkakataon para sabihin sa kanya 'tong nararamdaman ko. Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na babalik siya. Dito mismo, sa lugar kung saan kami unang nagkita.

"Malalaman mo lang pala 'yung halaga ng isang tao, kapag wala na siya," bulong ko at napapikit. Ito 'yung isang bagay na lubos kong pinagsisisihan sa buhay ko. Dahil pinakawalan ko 'yung taong lubos na nagmamahal sa 'kin.

Napadilat ako ng maramdaman kong may tumabi sa 'kin. Kaagad kong pinunasan ang luha ko nang makita ko ang isang lalake na nakajacket, black shades at cap. Napansin kong may high lights 'yung buhok niya at mukha siyang foreigner. 

Hindi man lang siya nag-abalang lingonin ako. Magkadaop lang 'yung kamay niya at mukhang mataimtim siyang nagdadasal. 

"God, natatandaan ko pa noong una akong pumunta rito. Sobrang lungkot ko no'n," umpisa niya. "Para akong wala sa sarili dahil iniwan ako ng babaeng mahal ko. Hindi lang 'yon, pinagpalit pa niya pa ako sa iba. Sinabi ko sa sarili ko ang sakit palang magmahal. Aalagaan mo, mamahalin mo, patatagalin mo pero ganoon pa rin sa huli. Masasaktan at masasaktan ka pa rin. Napagod akong magmahal." Bumutong hininga siya. "Hanggang sa humingi ako ng sign sa 'yo, na sana makita ko na 'yung babaeng para sa akin talaga." Napahinto siya. "Then unexpectedly, I saw her. Nakita ko siya sa lugar din na ito."

Natigilan ako at mabilis na napalingon sa katabi ko. Nang makita ko 'yung ngiti niya, bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko kilala ang lalaking 'to ngunit bakit ganoon ang pakiramdam ko? Kakaiba.

"Nakatabi ko siya at napalingon ako sa kanya. Kasalukuyan nga siyang nakapikit at nagdadasal no'n. Tinitigan ko siyang mabuti at hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang pinagmamasdan siya. Mukha siyang anghel, God." Mas lalo siyang napangiti. "Naisip ko na siguro siya na talaga ang binigay mo sa 'kin. Kaya ayon, naisipan kong magpapansin na kaagad. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya. Ginawa ko ang lahat kahit na ayaw niya sa 'kin."

Nagulat ako habang tahimik na nakikinig sa kanya. Naipilig ko ang ulo ko. Hindi siya p'wedeng maging si...Hindi. Hindi.

"Unang kita ko pa lang sa kanya alam ko na siya na ang babaeng nakatadhana para sa 'kin. Pero hindi naging madali ang lahat." Huminga siya ng malalim. "May kailangan pa kasi akong patunayan sa sarili ko kaya mas pinili kong magpakalayo-layo muna. Iniisip ko, hindi niya naman ako gusto. Ibaling ko na lang kaya sa iba itong nararamdaman ko? Hindi ko alam na tadhana na pala ang mismong pumigil sa aking gawin 'yon. Pinilit ko siyang kalimutan pero hindi sinasadya..." Napahinto siya. "Nakita ko ulit ang litrato niya na palihim kong ipinuslit sa kanila. Muling bumilis ang tibok ng puso ko. Nasabi ko na lang sa sarili ko na mali 'tong ginagawa ko. Hindi dapat ako lumayo sa kanya. Paano ko nga ba magagawang magmahal ng iba, kung sa simula't sapul pa lang hindi ko na kaya. Dahil kahit nasa malayo ako, 'yung puso ko, naiwan naman sa kanya."

Sandaling huminto sa pagtibok ang puso ko at unti-unting namumuo ang luha sa mata ko.

"Sinabi ko sa sarili ko na babalik ako. Kahit ano pang mangyari, kahit ilang ulit niya pa akong bastedin. Paulit-ulit ko pa rin siyang kukulitin hanggang sa magsawa siya at sagutin na niya ako," usal nito.

Mabilis na pumatak ang luha ko sa mata. Para bang bigla na lang naghilom ang malaking sugat sa puso ko. Para bang unti-unti na itong naghihilom at bumabalik na sa dati.

"Sinabi ko sa sarili ko na babalik ako rito sa tamang oras, sa tamang lugar at sa tamang panahon. Dahil gusto ko kapag binalikan ko siya, nasa tama na ang lahat," napangiti siya at unti-unti niyang tinanggal ang cap at shades na suot niya. "At sana nga hindi ako nagkamali." 

Namilog ang mata ko kasunod nang pagpatak ng luha ko nang tumabad sa 'kin ang mukha ni Guile.

Bumaling siya sa 'kin nang nakangiti. And the moment I heard those words, I know it's him. God answered my prayers.

"Bumalik ako sa lugar na ito. Para manumpa sa 'yo sa harap ng Diyos, na kahit paulit-ulit mo pa akong balewalain. Kahit paulit-ulit mong sabihin na hindi tayo para sa isa't-isa, ikaw lang ang tanging mamahalin ko, habambuhay."

Related chapters

  • Kaleidoscopic Love   Real Meaning of Love

    Real Meaning of Love"Paano mo pa ipagpapatuloy ang buhay mo, kung alam mong mamatay ka na?"'Yan ang tanong sa 'kin ng isang kaibigan ko rito sa ospital. Ospital para sa mga taong may cancer.Sabi nila, kapag nabigyan ka ng chance na mabuhay, maging masaya ka at 'wag sayangin ito. Dahil maraming tao ang gusto pang mabuhay pero hindi na nabibigyan ng pagkakataon.Kahit gustuhin mo pang mabuhay ng mas matagal para makasama ang mga taong mahal mo, kung hanggang dito na lang ang araw na itinakda sa 'yo, dapat mong tanggapin. Masakit man. Dahil hindi lang naman sa 'yo iikot ang mundo. Maraming tao. At sa pag-ikot nito, may mga taong nawawala, lumilisan. May mga taong iiyak sa pagkawala mo, pero sa kabila no'n may mga tao naman ang sumasaya dahil may isang bata na naman ang isinilang sa mundo.Isang taon na ang nakalipas nang malaman ko na may malubha akong sakit na

    Last Updated : 2020-10-27
  • Kaleidoscopic Love   Undeniably Yours

    Undeniably Yours"Baby!"Napatigil ako sa pagtipa sa keyboard nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon sa labas ng bahay namin.Unti-unting sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ko. Tumayo ako mula sa swivel chair at mabilis na sumulyap sa salamin para tignan kung maayos ba ang itsura ko.Bago lumabas ng bahay, huminga ako ng malalim at itinago na lang muna ang ngiti ko na dulot ay kilig. Makikita ko na naman siya.Binuksan ko yung gate at labis akong namangha sa aking nakita. Naramdaman kong unti-unting nag-alboroto ang puso ko nang makita ko siyang nakasandal sa pader habang nasuksok ang magkabilang kamay niya sa bulsa.Unti-unting nag-angat ang tingin ko at bigla akong napalunok nang sumilay ang isang magandang ngiti sa labi niya na dahilan para kumabog ng malakas ang puso ko n

    Last Updated : 2020-10-27
  • Kaleidoscopic Love   3:00 PM

    3:00 PMLove? Sa murang edad pa lang ito na agad ang salitang gumugulo hindi lang sa isip ko, pati na rin sa puso ko.Masarap magmahal ng isang tao na nagsisilbing inspirasyon mo sa lahat ng bagay. Iyong tipong ang sarap gumising sa umaga kapag litrato niya ang una mong makikita. Ang sarap pumasok sa school dahil nandoon 'yong inspirasyon mo. Iyong tipong mapapangiti ka na lang ng wala sa oras dahil bigla siyang papasok sa isip mo."Hay, Aden," bulong ko sa aking sarili habang nakangiti.Bakit ba kasi nagkagusto ako sa isang lalakeng suplado, isnabero, walang pakialam sa paligid, walang pakialam sa tao at mas lalong walang pakialam sa mundo. Oo gano'n siya dahil matagal ko na siyang kilala. Tatlong taon ko na siyang crush kaya ultimo kaliit-liitang detalye ng buhay niya, alam ko. Nakakahiya man aminin pero minsan na niya akong naging stalker.Kahit minsan nga hindi ko pa siya nak

    Last Updated : 2020-10-27
  • Kaleidoscopic Love   The Most Painful Goodbye

    The Most Painful GoodbyeDalawang taon na ang nakalipas, mula ng nangyari ang isang bagay na lubos kong pinagsisisihan sa buhay ko.Ako raw ay isang babaeng bato. 'Yan ang sabi nila sa 'kin. Hindi ako marunong magpakita ng emosyon sa mukha ko. Hindi ako palangiti. Wala akong imik. Hindi rin ako pala-kaibigan.Wala naman akong galit sa mundo. Sadyang lumaki lang ako na ganito. Walang love sa paligid ko.Sa katunayan nga, 'yung nanay at tatay ko'y hindi sweet sa isa't-isa. Para raw kaming mga robot. Hindi marunong ngumiti, walang nararamdaman. Pero nagkakamali sila.Ganito man ako, pero hindi ako robot. Nararamdaman ko rin ang nararamdaman nila. Tao rin ako. Marunong makaramdam ng paghanga sa isang tao.Minsan nagkagusto na rin ako sa isang lalake.

    Last Updated : 2020-10-27
  • Kaleidoscopic Love   Unregistered Number

    UNREGISTERED NUMBER"May nag-GM na naman!" inis na sambit ko habang nakatitig sa cellphone ko."Bakit ba kasi hindi ka na lang magpalit ng number para wala ng nagtetext sa 'yo?" sagot ng pinsan kong si Erie habang nasa sala kami ng bahay nila at fo-foodtrip."Tinatamad ako, e. Ang hassle no'n dahil isa-isa ko pang ise-save 'yung mga numbers sa contacts ko dahil lahat 'yon naka-save sa simcard." Bumuntong hininga ako. "Bakit ba kasi hindi sila makaintindi ng tagalog? Tagalog na 'yon, a. Hindi na nga ako kasali sa clan! Maliwanag naman 'yon 'di ba?" buwisit na sambit ko sabay kain ng piatos.Madalas kasi akong makatanggap ng napakaraming mensahe galing sa mga taong hindi ko kilala. Nakakabadtrip. Nakakainis. 'Yung tipong tatanungin mo kung sino siya tapos pagtitripan ka pa? Kaasar!Naka-encounter na ako ng sari-saring uri ng tao dahil sa text. Ako kasi yung tipo

    Last Updated : 2020-10-28
  • Kaleidoscopic Love   C is for Z

    C IS FOR Z"Zenaide, bakit wala ka pa rin boyfriend?" tanong sa 'kin ng kaklase kong si Ferlyn."E, kasi naman 'yung nagugustuhan niya, maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi siya magugustuhan," sabat pa ni Nicolette sa tono na parang nangangasar pa.Napakunot ang noo ni Ferlyn. "Ha? Bakit? Dahil ba may girlfriend na?"Biglang natawa ang lukaret kong kaibigan. "Girlfriend? Baka---" Kaagad kong tinakpan ang bibig niya at palihim siyang pinanlakihan ng mata.Muli akong bumaling kay Ferlyn. "Ha? Wala pa sa isip ko 'yan. Aral muna," pagdadahilan ko at inirapan ang intrimitidang ito.Hinila ko siya at pumunta muna kami sa Cafeteria. "Ikaw talagang babaita, napakadaldal mo!"Bumungisngis lang siya. "Alam mo, friendship. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng straight na lalaki sa mundo, si C2 pa ang napili mo."Pinanlakihan ko siya ng mata. "C2 ka riy

    Last Updated : 2020-10-29
  • Kaleidoscopic Love   Notebook of Love

    NOTEBOOK OF LOVELahat ng tao ay may kan'ya-kan'yang crush sa mundo. Minsan nga tinanong ako ng kaklase ko kung sino ang crush ko. Hindi ako nakapagsalita dahil 'yung mismong crush ko ay nakatingin sa amin.Sinabi ko na lang na wala lalo na't chismosa pa 'yung kaklase kong nagtanong sa 'kin. Sigurado ako na makakarating kaagad 'yon sa crush ko at iyon ang isang bagay na kinatatakutan ko.Oo, duwag ako sa nararamdaman ko. Ayokong malaman niya, ayokong maging awkward kami sa isa't isa. Pero sabagay, hindi naman talaga kami close e. Pero kahit na. Ayokong malaman ng iba ko pang mga kaklase na may gusto rin ako kay Janus.Hindi kasi ako katulad ng iba na nagpapakamatay pa sa kilig kapag nakikita 'yung crush nila. Hindi ako katulad ng iba na very vocal sa nararamdaman nila to the point na ipagduldulan nila sa harap ng mga crush nila ang mga salitang, "Hi, crush! I exist!" Hindi ako gano'n ka-OA sa nararam

    Last Updated : 2020-10-30
  • Kaleidoscopic Love   Hi, I'm Fey

    HI, I'M FEY"Kurimaw ka! Bumalik ka rito!" sigaw ko, matapos akong takbuhan ng tinaguriang bully lord ng school namin na nagngangalang Fey?Bumuntong hininga ako. Hay, naku! Hindi ko alam. Hindi ko mahuli-huli ang kurimaw na 'yon. Daig pa ang kabayo sa bilis ng takbo. Naalala ko nga noong una ko siyang nakita. Hindi ko akalain na siya pala ang damuho na pumiperwisyo sa mga miyembro ng Student Council na ako mismo ang Presidente.Napansin ko na may isang lalaking nakatingin sa' kin. Hanggang sa lumapit siya. He looked absolutely familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.Napangiti siya and I find him so cute."Hi, I'm Fey," sabi niya at inilahad pa ang isang kamay niya sa harap ko.Biglang nagsalubong ang kilay ko. "Ayokong ma-offend ka pero, are you gay?"Napahinto siya sandali. "Sa gwapo kong 'to? Bakla ako?" Bigla

    Last Updated : 2020-10-31

Latest chapter

  • Kaleidoscopic Love   Curse Of Love

    CURSE OF LOVESa isang malayong lugar, mayroon isang kaharian na tinatawag nilang Aiseah. Dito matatagpuan ang isang Prinsesa na nagngangalang, Hara.Tumingin si Hara sa mga napilang tagasilbi ng kanilang kaharian na kasalukuyang nasa kanyang harapan."Maaari niyo na akong iwan." nakangiting sambit niya.Napatingin yung isa sakanya ngunit kaagad din yumuko. "Paumanhin, mahal na Prinsesa. Ngunit kabilin-bilin saamin ng mahal na Reyna na dapat namin kayong bantayan."Ngumiti siya. "Hindi kayo dapat mag-alala saakin. Kayo ko ang sarili ko. Kaya maaari niyo na akong iwan dahil gusto kong mapag-isa."Tumango ang mga ito. "Masusunod mahal na prinsesa." At iniwan na siya mag-isa sa kanyang silid.Unti-unting nawala na parang bula ang kanyang ngiti. Hindi lahat ng taong maharlika, masaya. Isang patunay na rito si Prinsesa Hara.Masayahin siya noong siya'y bata pa ngunit ng biglang namatay ang kanyang ama na Hari

  • Kaleidoscopic Love   Magical Dream

    "Aray ko po, Auntie. Pasensya na po, hindi na po iyon mauulit!" pagmamakaawa ni Panyang habang namimilipit sa sakit dahil sa ginagawang pagpingot ng Auntie Sonia niya sa kanyang tainga."Napaka bagal mong kumilos bata ka! Talagang sinasagad mo ang pasensya ko! Sumosobra ka na! Kailangan sa'yo tanggalan na ng sungay dahil namimihasa ka na!" bulyaw nito sa kanya."Auntie tama na po! Nasasaktan na po ako! Pakiusap..." pagmamakaawa niya."Talagang masasaktan ka!" gigil na sabi nito tapos tinulak siya bigla kaya napaupo si Panyang.Naiyak nalang siya sa ginawa nito. Maaga siyang naulila ng mamatay ang kaniyang mga magulang at yung inaakala niyang kukupkop sa kanya, ngayon ay pinahihirapan siya.Kinagabihan, lupaypay si Panyang ng matapos niyang labhan ang maruruming damit ng mga pinsan niya na si Trisha at Vanesza dahil darating raw sa bayan nila sa isang linggo yung crush ng may ito.Pakiramdam niya bibigay na ang katawan niya dahil sa

  • Kaleidoscopic Love   A Daughter's Love

    A Daughter's Love"Erin, umuwi ka na," ani Kuya Elmond sa kabilang linya. Nasa tinig niya ang pag-aalala."Dito muna ako, Kuya. Bukas na lang ako uuwi, kapag okay na ako." Mabilis kong pinahid ang mainit na likidong umalpas mula sa mata ko. "Kapag okay na si Mama."Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Nandito ako sa bahay ng kaibigan ko, at makikitulog ako sa kanila ngayong gabi."Pagpasensyahan mo na si Mama. Alam mo naman na hindi biro ang pinagdadaanan niya. Intindihin mo na lang. Alam kong babalik din siya sa dati," aniya."S-sige." Nakagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang hikbi na tatakas sa bibig ko. "Sige, Kuya. Ibaba ko na ito. Matutulog na ako.""O sige, mag-iingat ka riyan." Muli pa siyang napabuntong hininga. "Basta kung may problema ka, 'wag kang mahiyang lapitan ako. Nandito lang ako.""Salamat, Kuya."Muling lumandas sa aking pisngi ang mga luha ko. Minabuti kong umalis muna sa bahay namin para kumalma na

  • Kaleidoscopic Love   Nakalimutang Haligi

    Nakalimutang HaligiSa panulat ni: YouniqueenNatulala ako nang lumapat ang tingin ko sa isang lalaki na sobrang pamilyar sa 'kin. Nanginig ang buong katawan ko. Maging ang mga binti ko'y hindi ko magawang ihakbang palapit sa kan'ya. Sa mga sandaling ito'y para bang naparalisa na ito.Mabilis na bumalik sa aking gunita ang nangyari, kahit mahigit isang dekada na ang nakalipas."Pa, ayokong umalis. Dito lang ako!"Bumuhos ang luha ko habang nakikiusap sa kan'ya, ngunit umiwas lang siya ng tingin at ibinalot ang aking mga damit."Napag-usapan na natin 'to, Mabel. Hindi puwede. Kailangan mong sumama sa totoo mong mga magulang."Pinilit kong hulihin ang mata niya, ngunit hindi na niya magawang tumingin sa 'kin. "'Pa, ayaw mo na ba sa 'kin kaya pinamimigay mo na ako sa kanila?"Nakagat ko ang ibabang labi ko nang tumakas ang hikbi sa aking b

  • Kaleidoscopic Love   Secret Behind

    "Tay, hindi niyo maaring kaligtaan ang pag-inom nitong gamot niyo. Paano kayo--" Hindi na natapos ni Nadia ang kaniyang sasabihin nang may nakita siyang mata na tila nagmamasid sa kanilang bintana.Kaagad siyang lumabas upang tignan ito. Labis siyang nagulat nang may makita siyang isang hayop. Ito yung hayop na laging nakabantay sa kanya. Kung titingnan mukha itong isang aso, ngunit kulay puti ito at mabalahibo. Natitiyak niyang hindi ito isang aso lamang. Ngayon lang siya nakakakita ng ganoong klase ng hayop.Lalapitan na sana ni Nadia ang inaakala niyang aso ngunit tila humahakbang ito patalikod upang lumayo sa kanya. Hindi niya na nagawang lumapit pa nang makita niyang kumislap pa ang bilugang kulay dilaw na mata ng aso.Hanggang sa tumakbo na ito. Doon niya na lang napagtanto na hindi pala ito isang aso, kundi isang lobo.Isang araw, nilapitan ni Nadia ang kaniyang ama."Tay, nananiwala ka ba sa mga lobo?" aniya.Biglang napatigi

  • Kaleidoscopic Love   The Best Damn Word: Trip

    The Best Damn Word: TripIsa sa pinaka masarap na pakiramdam sa mundo ay 'yung maging kami ng crush ko.Iyong crush ko na akala ko hanggang sa tingin ko na lang mamahalin. Iyong crush long inuubusan ko nang oras para lang titigan. Kahit hindi niya naman magawang tumingin sa 'kin.Iyong crush kong itinuturing kong star na ang hirap abutin. Ang sarap sa feeling kung 'yung star na 'yon ay kusang bumaba para sa 'kin at ngayon, abot-kamay ko na siya. Iyong crush kong kinahuhumalingan ng nag-gagandahan at nag-sesexyhan na estudyante sa school, 'tapos sa isang commoner lang na katulad ko mapupunta? Aba! Parang no'ng nagpaulan si Lord ng kasuwertehan sa mundo, marami akong nasalo ko.Noon kasi sa mga romantic novel books ko lang ito nababasa at kinikilig na ako, habang nangangarap na sana ako na lang 'yung bidang babae at 'yung crush ko naman 'yung bidang lalaki. Hindi ko alam na sa isang iglap lang, mararanasan ko

  • Kaleidoscopic Love   Exchange Gift

    Exchange Gift"Zairon! Crush ka raw ni-----"Tinakpan ko kaagad 'yung bibig ni Gideon nang mapatingin sa direksyon namin si Zairon."Ano ba! 'Wag ka nga r'yan maingay. Kainis ka!" singhal ko sa kanya.Bigla akong natauhan nang mapangiti siya kaya tinanggal ko na 'yung kamay ko.Nakakainis na talaga ang Gideon na 'to! Kundi ko lang siya... Tsk. Napakadaldal naman kasi ng Kiara chismosa na 'yon, e. Buwisit.Bigla ko tuloy naalala kung bakit."Cous, kilala ko na crush mo."Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nang pinsan kong si Ameli."Si Gideon 'di ba?""Ssh!" Nagsign ako na 'wag siyang maingay. "Paano mo nalaman?" bulong ko.Napangiti ang loka. "Cous, halata naman e. Sa titig mo pa lang gets ko na."Bumuntong hininga ako.

  • Kaleidoscopic Love   Magical Dream

    Magical Dream"Aray ko po, Auntie. Pasensya na po, hindi na po iyon mauulit!" pagmamakaawa ni Panyang habang namimilipit sa sakit dahil sa ginagawang pagpingot ng Auntie Sonia niya sa kanyang tainga."Napaka bagal mong kumilos bata ka! Talagang sinasagad mo ang pasensya ko! Sumosobra ka na! Kailangan sa'yo tanggalan na ng sungay dahil namimihasa ka na!" bulyaw nito sa kanya."Auntie tama na po! Nasasaktan na po ako! Pakiusap..." pagmamakaawa niya."Talagang masasaktan ka!" gigil na sabi nito tapos tinulak siya bigla kaya napaupo si Panyang.Naiyak nalang siya sa ginawa nito. Maaga siyang naulila ng mamatay ang kaniyang mga magulang at yung inaakala niyang kukupkop sa kanya, ngayon ay pinahihirapan siya.Kinagabihan, lupaypay si Panyang ng matapos niyang labhan ang maruruming dam

  • Kaleidoscopic Love   Stolen Shot

    STOLEN SHOTSa high-tech na panahon ngayon, lahat tayo ay may kakayahan na kumuha ng litrato. Pero ang tanong, natagpuan mo na 'yung best shot?Bata pa lang, mahilig na akong kumuha ng mga iba't ibang uri ng larawan. Sabi nila may potential daw ako. Puwede raw akong maging isang magaling na Photographer balang araw.Sinunod ko 'yung payo nila pero hindi lang naman dahil sa kanila iyon. Gusto ko rin naman kasi 'yung ginagawa ko. Iyon din talaga ang pangarap ko.Masaya ako kapag nakakakuha ng best subject. Nang best shot araw-araw. Picture is my happiness. Kaya nga Photography ang course na pinili ko. Halos lahat yata ng parte ng school na maganda, nakuhanan ko na ng litrato.Minsan nagto-tour din kami sa iba't ibang lugar. Tulad ng Bohol. A famous Chocolate hills. Puerto prinsesa sa Palawan. A breath-taking under ground river. Rice terreces, Boracay, La union. At marami pang iba.

DMCA.com Protection Status