Home / Romance / Kaleidoscopic Love / Real Meaning of Love

Share

Real Meaning of Love

Author: Youniqueen
last update Last Updated: 2020-10-27 13:27:43

Real Meaning of Love

"Paano mo pa ipagpapatuloy ang buhay mo, kung alam mong mamatay ka na?"

'Yan ang tanong sa 'kin ng isang kaibigan ko rito sa ospital. Ospital para sa mga taong may cancer. 

Sabi nila, kapag nabigyan ka ng chance na mabuhay, maging masaya ka at 'wag sayangin ito. Dahil maraming tao ang gusto pang mabuhay pero hindi na nabibigyan ng pagkakataon. 

Kahit gustuhin mo pang mabuhay ng mas matagal para makasama ang mga taong mahal mo, kung hanggang dito na lang ang araw na itinakda sa 'yo, dapat mong tanggapin. Masakit man. Dahil hindi lang naman sa 'yo iikot ang mundo. Maraming tao. At sa pag-ikot nito, may mga taong nawawala, lumilisan. May mga taong iiyak sa pagkawala mo, pero sa kabila no'n may mga tao naman ang sumasaya dahil may isang bata na naman ang isinilang sa mundo. 

Isang taon na ang nakalipas nang malaman ko na may malubha akong sakit na leukemia. Nagpagamot ako at ilang chemotherapy ang pinagdaanan ko pero habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman ang panghihina ng aking katawan. 

Hanggang isang araw, tinapat na kami ng doktor na halos magpadurog ng puso ng aking mga magulang. May taning na ang buhay ko. 

Masakit malaman iyon, lalo na't marami pa akong pangarap na hindi pa natutupad. Pero mas masakit pa lang makita 'yung mga taong mahal ko na pinipigilan ang luha nila, para lang hindi ko makita na nasasaktan sila.

Ginagawa ko ang lahat para labanan ang sakit kong ito dahil gusto kong umabot pa ako sa araw na itinakda sa 'kin ng Diyos. Gusto ko, bago ako mawala sa mundo, handa na 'yung mga taong mahal ko.

Sa kabila ng aking panghihina nand'yan pa rin ang mga magulang ko para palakasin ako. 

"Anak." Napalingon ako sa aking katabi at hinawakan niya ang kamay ko. "Magdasal tayo," ani Mommy.

Napangiti ako at dahan-dahang tumango. "Sige po."

Kahit nagkasakit ako ng ganito, kahit kailan hindi ko sinisi o kinuwestyon si God kung bakit sa bilyon-bilyong tao sa mundo, ako pa. Dahil alam kong may dahilan kung bakit nangyayari ito. 

Masuwerte pa nga ako dahil binigyan ako ng pagkakataon para makapag-paalam sa mga taong mahal ko. Iyon nga lang, naaawa lang ako sa mga magulang ko kapag naririnig ko silang sabay na nagdarasal at hinihiling na sana, gumaling na ako.

Hindi ko maitatanggi na sana mangyari nga 'yon, para mas matagal ko pa silang makasama sa mundo. Na sana, mabigyan pa ako ng pagkakataon. Na sana, totoo nga 'yung tinatawag nilang himala.

Hanggang nangyari na lang ang hindi inaasahan, bigla akong nawalan ng malay. Nang ako'y magising, nandito na naman ako sa isang puting kwarto na saksi, kung paano ako pinahirapan ng sakit ko.

Pagtingin ko sa aking kamay, may nakasaksak na kung ano-ano at marami na namang gamot ang itinurok sa 'kin. Mga gamot na alam ko sa sarili ko na wala na rin namang epekto. 

Palaging ganito na lang ang nangyayari. Gustuhin ko man na palagi ko silang kasama sa mga huling araw ng buhay ko, parang hindi na rin nakikiayon sa 'kin ang tadhana. Mismong doktor ko na ang nagsabi na mas makakabuti raw kung mamalagi na lang ako sa ospital dahil palala na raw nang palala ang kondisyon ko.

Mahirap man para sa 'kin, ako na mismo ang nagdesisyong na dumito na lang sa ospital.

Sa paglaban ko sa sakit kong ito, hindi ko akalain na may isang bagay pa akong hindi natutuklasan. May isang bagay pa akong hindi nararanasan at kailan ko lang ito nalaman.

Noong minsan nakita ko siya. Noong minsang natitigan ko ang mukha niya, bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko mabigyan ng paliwanag kung bakit nadama ko iyon at doon, napagtanto ko ang lahat.

Hindi ko pa pala nararanasan ang magmahal. Kaya pala no'ng nakita ko siya, tumibok nang malakas ang puso ko. Ang ganda ng tindig niya. Ang ganda niya pumorma. Ang amo ng mukha niya. Parang hindi nga siya marunong ngumiti pero ang gwapo pa rin niya.

Buong buhay ko, hindi ko pa nararanasan ang umibig. Nakakalungkot isipin na mamamatay ako na hindi man lang nararanasan ang pinakamasarap na pakiramdam sa mundo; ang magmahal.

Naisip ko nga, siguro kung wala akong malubhang karamdaman, maari kong maranasan iyon. Pero naisip ko na mas mabuti na rin pala na wala akong alam tungkol sa pag-ibig na 'yan. Dahil alam kong mas magiging mahirap para sa 'kin ang lisanin ang mundo.

Mabilis na lumipas ang mga araw, isang pamilyar na tao ang nakita kong muli. Nanlumo ako nang makilala kong siya. 

Hindi ako pwedeng magkamali... sambit ko sa aking sarili.

Siya. Iyong unang lalake na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Nahirapan akong huminga nang makita ko ang lungkot sa mata niya. Namumutla siya at mukha na rin siyang mahina katulad ko. May telang puti na nakabalot sa ulo niya at naka-hospital dress din siya. Ngunit hindi tulad ko, naglalakad pa siya mag-isa at hindi pa kailangan ng wheel chair o saklay.

Ibang-iba na ang itsura niya mula noong una ko siyang nakita. Isang tanong lang ang naglalaro sa sa isip ko. May sakit din ba siya katulad ko?

"Ah, si Von? May stage 2 lung cancer siya. Kailan lang 'yon nalaman ng magulang niya dahil inilihim niya iyon sa kanila," ani ng isang nurse na nakausap ko.

Nalungkot ako sa tuwing may mga kabataang tulad ko ang binibigyan na rin ng taning ang buhay at dinadala sa ospital na ito. Pero mas nakakalungkot na isa rin pala siya sa may malulubhang sakit kagaya ko.

***

Sa mga araw na nagdaan, mas lalo akong nacucurious kay Von. Katabi ko lang kasi siya ng kuwarto. Isang araw nga, nagmadali akong lumabas upang alamin kung bakit maingay sa kabilang kwarto.

At doon, nakita ko na nagwawala si Von. Lungkot at awa ang bumalot sa 'kin nang makita ko siyang umiiyak at sinasabing, "ayoko pang mamatay!"

Bumalik na lang ako sa k'warto ko na may luha sa mata. Doon naisip ko, paano kaya kung permanente na lang ang buhay natin sa mundo? Iyong walang katapusan. At mamamatay ka lang kapag gusto mo na. Kapag pagod ka na. Sana gano'n na lang 'no? Para wala ng taong malulungkot.

Kinabukasan, nagulat ako dahil sabay kaming lumabas ng k'warto. Napatingin siya sa 'kin at gano'n din ako.

"Hello. I'm Lemari," bati ko nang nakangiti.

Hindi siya nagsalita. Hindi rin siya ngumiti pabalik. Nananatiling blangko ang reaksyon niya. 

"Am I asking for your name?" masungit na sagot niya.

"Baka gusto mo lang naman malaman," nakalabing usal ko. Ang sungit naman nito.

Hindi na siya sumagot at bigla na lang siyang umalis. 

Nang sumunod na araw, nakita ko na naman siya at nilapitan. Mukhang malalim nga ang iniisip niya, e.

"Alam mo ba ang kasabihang laughter is the best medicine?"

Nagulat naman siya dahil bigla na lang akong nagsalita. "So?"

"Kung sisimangot ka nang sisimangot, walang mangyayari. Magkakawrinkles ka lang sa ginagawa mo," panenermon ko.

Tiningnan niya ako ng seryoso. "Bakit kung tatawa ba ako, may pag-asang gumaling ako?" hamon niya.

"Siguro. Pero alam mo, kung ngingiti ka, mababawasan ang lungkot mo. Mababawasan ang problema mo kahit sandali. Don't stress your self. Mas lalo mo lang pinapadali ang buhay mo," sambit ko.

Natahimik ako ng biglang magsalubong ang kilay niya. "Bakit mo ba ako kinakausap? Ni hindi mo nga ako kilala."

Ngumiti ako. "Wala lang. Gusto ko lang."

Napailing siya. "Tss. Bahala ka nga r'yan," sabi niya at umalis na naman.

Nang sumunod na araw ulit, nakita ko siyang nakaupo sa school garden kaya lumapit ako.

"Hi, Von."

Napatingin siya sa 'kin. Kumaway naman ako nang nakangiti.

Napakunot ang noo niya. "How did you know my name?" tanong niya.

Ngumiti ako. "I have my ways."

Natigilan naman siya at lumayo ng tingin. "Don't talk to me."

"Ang sungit mo naman. Parang nakikipag-kaibigan lang naman, e." Hindi ko namalayan na nakalabi na ako.

Tiningnan niya ulit ako ng seryoso. "I don't need a friend."

"Then treat me like a stranger and tell me your problem. I'm sure, you need a friend. Nahihiya ka lang," nakangiting sabi ko.

"Makulit ka talaga 'no?!" biglang bulyaw niya. Mukhang nabubwisit na siya sa 'kin. "Ayoko nga sabi!"

Bumuntong hininga ako bilang pagsuko. "Okay, fine. Basta lapitan mo lang ako, if you need someone to talk to."

Pagkatapos, pinaandar ko na 'yung wheel chair ko paalis. Mukhang marami siyang iniisip. Ayoko muna siyang kulitin at baka mas lalo pa siyang mainis sa 'kin.

***

Lumipas ang mga araw, hindi ko na siya kinukulit at napapansin kong panay ang tingin niya sa 'kin. Hanggang nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit.

"P'wede ba kitang makausap?" nahihiyang tanong niya.

Kaagad akong napangiti. "Oo naman."

Pumunta kami sa hospital garden at tulak-tulak pa niya ako. Umupo siya sa isang sementadong bato sa harap ko.

"Pasensya na, a? Wala kasi akong mapaglabasan nito," aniya.

Tumango ako. "Okay lang."

"3 years ago, nang malaman kong may lung cancer ako. Dinalahit ako ng ubo no'n kaya nagpatingin na ako sa doktor. Doon, ipinagtapat sa 'kin ang totoo." Napayuko siya. "Noong una pinabayaan ko lang dahil parang wala naman akong nararamdaman na epekto. Ang hindi ko alam, kahit pala wala akong nararamdaman, unti-unti na akong inaatake ng sakit ko," aniya. "Hanggang isang araw, nagising na lang ako na kailangan ko nang magpagamot. Noong una, hindi ako makapag-desisyon dahil inilihim ko sa pamilya ko ang tunay kong kondisyon. Natatakot kasi ako. Nakakahiya man aminin pero naduduwag ako. Dahil 'yung pamilya ko ang kahinaan ko at ayokong makita silang nasasaktan kahit nahihirapan ako."

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi ko akalain na ibabahagi niya sa 'kin ang masakit na kuwento ng buhay niya.

"Hanggang sa nalaman na nila. Wala silang ginawa kundi umiyak sa harap ko. Ang hirap nga, e." Napangiti siya ng walang saya. "Kasi kahit gusto kong umiyak at ipakita sa kanila na mahina ako, hindi ko ginawa. Dahil alam kong masasaktan sila. Nilakasan ko ang loob ko para ipakita sa kanilang malakas ako. Kahit na ang totoo'y, duwag na duwag ako."

Naramdaman ko na lang ang mabilis na pagtulo ng luha ko. Nalulungkot ako. Nasasaktan. Nararamdaman ko rin kasi ang nararamdaman niya.

"Nilabanan ko ang sakit ko, para sa kanila. Hanggang sa tinapat na ako ng doktor." Nakita kong may luhang tumulo sa mata niya pero kaagad niya 'yon pinunasan. "Tangina! Sila ba ang Diyos para bigyan ng taning ang buhay ko?! Bakit hindi na lang nila tayo paniwalain sa kasinungalingan na magtatagal pa ang buhay natin para hindi ganito kasakit tanggapin ang katotohanan na iyon!"

Imbis na siya ang abutan ko ng panyo, ako pa ang inabutan niya. "Pero hindi ba, mas magandang tapatin ka sa masakit na katotohanan kaysa paniwalain ka pa sa kasinungalingan?"

"Iyon na nga, e." Bumuntong hininga siya. "Pero bakit kaya gano'n? Iniingatan ko naman ang buhay ko kahit na alam kong ipinahiram Niya lang 'to. Pero bakit naman kung kailan ako masaya, doon pa Niya babawiin ito?"

Pinilit kong ngumiti. "May mga bagay kasi na ayaw man nating mangyari, kung iyon naman ang nakatakda, wala tayong magagawa kundi magtiwala sa Kanya."

Tumingin siya sa malayo. "Kaya naiinis ako sa mga taong sinasayang lang ang buhay nila. Iyong mga taong kinikitil ang mga buhay nila dahil lang sa mababaw na dahilan. Naiinis ako sa kanila! Dahil hindi nila naisip na maraming tao ang gusto pang mabuhay pero hindi na mabigyan pa ng pagkakataon."

Mas lalo akong naawa sa kanya. Ako, kahit masakit, tanggap ko na mawawala na ako sa mundo. Napagdaanan ko rin iyon, e. At sobrang hirap. 

Habang tumatagal mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. Mas lalo kong nalalaman kung sino talaga siya. 

"Ako, gusto ko bago ako mawala sa mundo, makapunta ulit ako sa park," nakangiting sambit ko habang nakatingin sa malayo.

"Bakit sa park?"

Nilingon ko siya. "Dahil gusto kong makakita ng lugar na masaya. Gusto kong makakita ng mga batang nagtatawanan, iyong mga inosenteng ngiti nila habang naglalaro sila sa playground. Gusto kong pagmasdaan lang ang kapaligiran," sambit ko.

Pagkatapos ng araw na 'yon, masungit na naman siya sa 'kin at bihira lang mamansin. Akala ko pa naman dahil doon magiging close na kami. Hindi rin pala.

***

Napansin kong panay ang tingin sa 'kin ni Von habang nasa garden kami pareho. Pagtitingin ako sa direksyon niya, nahuli ko siyang nakatingin sa 'kin at kaagad din naman siyang nag-iwas ng tingin. 

Hanggang sa hindi na ako nakatiis at nilapitan ko na siya. Pinagmasdan ko siyang mabuti habang nakangiti.

"Anong tinitingin-tingin mo r'yan?" masungit na tanong niya na tila naiilang.

"Nagsusungit-sungit ka pa r'yan. E, ikaw nga ang panay ang tingin sa 'kin," sambit ko habang nakangiti ng mapangasar.

Nanlaki ang mata niya at parang natauhan. Kaagad siyang yumuko at napansin ko ang mabilis na pamumula ng kanyang mukha. 

"Ewan ko sa 'yo," sabi niya at tinalikuran na naman ako. Ang hilig talagang magwalk out no'n.

Isang araw, naisipan kong kausapin na lang ang mga nurse. Marami silang itinatanong sa 'kin. 

"Pagsubok lang iyan, hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Alam kong kaya mo 'yan," sabi no'ng isang nurse.

Napangiti naman ako. "Salamat."

Masaya ako dahil kahit sa sandaling oras, itinuring nila akong kaibigan at hindi bilang isang pasyente. Pabalik na ako sa kwarto nang bigla na lang may nagsalita sa likuran ko.

"Are you kidding me? You're not afraid to die?"

Kahit na hindi ko lingonin kung sino iyon, boses pa lang kilala ko na. Si Von. 

Humarap ako sa kanya at kitang-kita ko ang kakaibang aura ng mukha niya ngayon. Para bang galit siya. Hindi lang basta masungit.

Bumuntong hininga ako. "Natatakot akong iwan 'yung mga taong mahal ko. Pero hindi ako natatakot mamatay."

Unti-unting nawala ang galit na iyon at mabilis na nabalot ng lungkot ang mukha niya. "Bakit hindi ko maramdaman ang nararamdaman mo? Bakit hindi mawala ang takot sa puso ko?" tanong niya.

Ngumiti ako ng malungkot. "Lahat naman ng tao may kinatatakutan. Nasa sa 'yo na 'yan kung paano mo lalabanan ang takot na 'yon at tanggapin ang katotohanan, gaano man kasakit." Huminga ako ng malalim. "Hindi ako takot mamatay dahil alam kong ginawa ko naman ang lahat. Sa labing siyam na taon ko sa mundo, naging masaya ako dahil maraming tao ang nagmamahal sa 'kin. Ang ikakatakot ko lang siguro, 'yong mamatay ako na wala man lang nagawa. Na kahit isang beses sa buhay ko, hindi man lang ako naging masaya. Kaya palagi kong sinasabi, kung mamamatay man ako ngayon, bukas o sa mga susunod pang araw, mamamatay akong masaya. Dahil wala akong pinagsisisihan." I forced a smile again. "Gaano man kasakit, you need to accept the truth. Dahil wala ka rin naman pagpipilian."

Hindi siya sumagot, tumalikod na lang siya at umalis. Pero napansin kong mas dumoble ang lungkot niya ngayon.

Makaraan ang isang linggo, nagulat na lang ako, nang lumapit sa 'kin si Von. Hindi ko maitago ang saya ko nang kausapin niya ako. Lumipas ang mga araw palagi na kaming nag-uusap. Masungit pa rin siya pero nabawasan na iyon.

Hanggang isang araw, nakaramdam na lang ako ng mabilis na panghihina ng aking katawan. Minsan sobrang sakit na ng ulo ko pero hindi ko iyon sinasabi sa doktor dahil tuturukan na naman nila ako ng gamot na pakiramdam ko, mas lalong nagpapahina sa 'kin.

Tanggap ko na ngunit habang pabawas nang pabawas ang numero sa kalendaryo, nalulungkot pa rin ako at hinihiling na sana, tumagal pa ang buhay ko.

Kahapon nga inatake na naman ako at hindi ko na nailihim sa mga doktor. Sinabi nila na 'wag daw muna akong magkikilos dahil mas lalong manghihina ang katawan ko. Pakiramdam ko, ayaw na makisama ng katawan ko para bigyan pa ako ng lakas.

Nagpahatid ako sa isang nurse na nagbabantay sa 'kin sa hospital garden. Ilang araw ko nang hindi nakikita si Von dahil hindi ako pinapayagan ng doctor na lumabas ng k'warto. 

Sa mga araw na hindi ko nakikita si Von, sobrang namimiss ko siya. Para kasing 'pag nakikita ko siya, nagkakaroon ako ng lakas.

Nagulat na lang ako nang maramdaman ko na may biglang tumulak sa wheel chair ko.

"Nurse, nagpaalam naman ako 'di ba? P'wede bang dito muna ako kahit sandali lang? May hinihintay kasi ako." At sana, dumating siya.

Hindi siya sumagot kaya napalingon ako. Laking gulat ko ng hindi 'yung nurse ang nakita kong nagtutulak sa 'kin.

"Von..."

Sumenyas siya na 'wag akong maingay at nagpatuloy lang siya sa pagtulak sa 'kin.

"Von, saan ba tayo pupunta? Saan mo ako dadalhin?" mahinang tanong ko. 

"You'll know when we get there."

Tumango na lang ako kahit na nagtataka ako. Nagulat na lang ako nang lumalabas kami sa likod ng ospital kung saan naka-parada ang mga sasakyan. Huminto siya sandali dahil tinanggal niya 'yung suot niyang hospital dress. 

Laking gulat ko nang biglang lumabas mula sa itim na sasakyan 'yung isang lalake, binuhat at inupo pa niya ako sa loob no'n. Sumakay din si Von sa tabi ko. At sa unahan 'yung lalake na palagay ko'y driver niya. Isa lang ang ibig sabihin nito.

Tatakas kami.

Habang nasa sasakyan, walang nagsasalita sa amin. Tanging nakakabinging katahimikan lang ang naghari. Hanggang ako na mismo ang bumasag ng katahimikang iyon.

"Von, saan tayo pupunta?"

Nilingon niya ako. "Sa park. 'Di ba sabi mo, gusto mong pumunta doon?"

Nagulat ako. Natatandaan pa niya iyon? "Paano kung may mangyaring masama sa atin? Baka hanapin nila tayo."

"Hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga ngayon, hindi ko na ulit hahayaan na maging duwag ako sa nararamdaman ko."

Natigilan ako at parang huminto ang mundo ko. "Von, anong ibig mong sabihin?"

Unti-unti siyang napangiti. Isang ngiti na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Dati, noong high school ako, may nagustuhan akong isang babae. Hindi ko man lang nasabi sa kanya iyon at tanging apelyido lang niya noon ang alam ko," aniya. "Lumipas ang mga araw, buwan at taon. G-um-raduate na kami at nag kanya-kanya na ng eskwelahan. Hinanap ko siya at doon nalaman kong hindi na pala siya nag-aaral. Nalungkot ako."

Biglang bumagal ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako sa hindi malamang dahilan.

"Hanggang sa isang araw, naisipan kong tingnan ulit 'yung year book namin at hanapin siya. Namalayan ko na lang na nakatitig na pala ako sa mukha ng isang babae. At siya ang babaeng iyon. Labis akong humanga sa ganda niya. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Hanggang hindi inaasahan, nakita ko siya." Huminto siya at saglit na tumingin sa 'kin. "Natakot ako bigla. Nakita ko siyang nakatitig sa 'kin. Malayong-malayo na siya sa itsura niya noon. Wala na rin sigla ang mukha niya. Alam kong siya 'yon, dahil iyon ang sinasabi ng puso ko. At sa kabila ng panghihina niya, maganda pa rin siya." Para akong nakuryente nang dumampi ang kamay niya sa kamay ko. "Ang pangalan niya ay Lemari Orpeña."

Nanlaki ang mata ko at naitakip ko ang isang kamay sa bibig ko. Para akong kinapos ng hininga at hindi ko nagawang magsalita. Paano... schoolmate ko siya dati? Bakit hindi ko man lang nalaman iyon?

Gayunpaman, unti-unti akong napangiti. "Alam mo ba noon, kontento na ako sa buhay ko. Tinanggap ko na ang lahat. Hanggang sa makita ko ang unang lalake na nagpatibok ng puso ko. Ubod siya ng sungit at palagi niya akong tinatalikuran. Pero napansin kong ang saya-saya ko kapag kinukulit ko siya. Napapangiti niya ako. Binigyan niya ako ng inspirasyon sa araw-araw, hanggang namalayan ko na lang na nahuhulog na ako sa kanya at hindi ko na kayang lumipas ang isang araw na hindi ko siya nakikita." Pinagdaop ko ang kamay namin. "Ang pangalan niya ay Von Edria."

Mataman niya akong tinitigan na parang gulat na gulat. Bigla akong nahirapan huminga dahil sa titig niya na sadyang nagpapalakas ng tibok ng puso ko.

"I'm just scared to admit it to myself. But everytime I hear your voice, my heart beat so fast." Unti-unti siyang napangiti. "Isang araw, nagising na lang na lang ako na mahal na pala kita. Nagsimula yata 'to no'ng nakita ko 'yung ngiti mo. Parang binigyan mo ako ng lakas na hindi pa huli ang lahat para labanan ito at ipagpatuloy ang buhay ko."

Naramdaman ko na lang na parang may mga paru-parong nagliliparan sa tiyan ko nang halikan niya ang kamay ko.

"Ikaw ang nag-alis ng takot sa puso ko. Ipinaintindi mo sa 'kin ang totoong ibig sabihin ng buhay. At isa lang ang gusto ko ngayon." Huminto siya at hinigpitan ang hawak sa kamay ko. "Ang makasama ka sa mga nalalabing araw ng buhay ko."

Nagulat ako, kasabay nang pagpatak ng luha sa mata ko. 

"Alam Niyang hindi ko makakaya kapag nauna ka sa 'kin. Heaven knows how much I love you and you mean everything to me, Lemari. Kung mawawala ka, hindi ko kaya."

Hindi ko napigilan at naluha na ako sa kaligayahan. Hindi ko alam na mararanasan ko pa ito. Ganito pala kasarap ang magmahal at mahalin. Ngayon, napatunayan ko na walang pinipili ang pag-ibig.

"Me too. I want to spend my remaining days with you."

Napangiti siya at lumapit sa 'kin. Napapikit ako ng naramdaman kong dumampi ang labi niya sa noo ko.

Noon, tanggap ko na ang lahat. Akala ko, mamamatay ako na hindi man lang nararanasan ang magmahal at mahalin. Because of him, I believe that true love really exist.

"Sir!"

Masyadong naging mabilis ang pangyayari, nagulat na lang kami ng may biglang sumulpot na 10 wheeler truck sa harap namin. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya dahil nahirapan akong huminga dahil hindi namin alam ang gagawin.

Hanggang sa niyakap niya ako at sabay kaming pumikit. Alam na namin ang susunod na mangyayari, ngunit nang marinig ko ang mga sinabi niya, nawala ang takot ko. Nawala lahat ng pangamba sa puso ko.

"Mahal na mahal kita, Lemari. At kahit sa kabilang buhay pa, patutunayan ko 'yon. Hahanapin kita, at doon sisimulan ko ang walang hanggang pagmamahal ko sa 'yo."

Lemari Orpeña

Time of death: 4:36 PM

Von Edria

Time of death: 4:36 PM

Related chapters

  • Kaleidoscopic Love   Undeniably Yours

    Undeniably Yours"Baby!"Napatigil ako sa pagtipa sa keyboard nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon sa labas ng bahay namin.Unti-unting sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ko. Tumayo ako mula sa swivel chair at mabilis na sumulyap sa salamin para tignan kung maayos ba ang itsura ko.Bago lumabas ng bahay, huminga ako ng malalim at itinago na lang muna ang ngiti ko na dulot ay kilig. Makikita ko na naman siya.Binuksan ko yung gate at labis akong namangha sa aking nakita. Naramdaman kong unti-unting nag-alboroto ang puso ko nang makita ko siyang nakasandal sa pader habang nasuksok ang magkabilang kamay niya sa bulsa.Unti-unting nag-angat ang tingin ko at bigla akong napalunok nang sumilay ang isang magandang ngiti sa labi niya na dahilan para kumabog ng malakas ang puso ko n

    Last Updated : 2020-10-27
  • Kaleidoscopic Love   3:00 PM

    3:00 PMLove? Sa murang edad pa lang ito na agad ang salitang gumugulo hindi lang sa isip ko, pati na rin sa puso ko.Masarap magmahal ng isang tao na nagsisilbing inspirasyon mo sa lahat ng bagay. Iyong tipong ang sarap gumising sa umaga kapag litrato niya ang una mong makikita. Ang sarap pumasok sa school dahil nandoon 'yong inspirasyon mo. Iyong tipong mapapangiti ka na lang ng wala sa oras dahil bigla siyang papasok sa isip mo."Hay, Aden," bulong ko sa aking sarili habang nakangiti.Bakit ba kasi nagkagusto ako sa isang lalakeng suplado, isnabero, walang pakialam sa paligid, walang pakialam sa tao at mas lalong walang pakialam sa mundo. Oo gano'n siya dahil matagal ko na siyang kilala. Tatlong taon ko na siyang crush kaya ultimo kaliit-liitang detalye ng buhay niya, alam ko. Nakakahiya man aminin pero minsan na niya akong naging stalker.Kahit minsan nga hindi ko pa siya nak

    Last Updated : 2020-10-27
  • Kaleidoscopic Love   The Most Painful Goodbye

    The Most Painful GoodbyeDalawang taon na ang nakalipas, mula ng nangyari ang isang bagay na lubos kong pinagsisisihan sa buhay ko.Ako raw ay isang babaeng bato. 'Yan ang sabi nila sa 'kin. Hindi ako marunong magpakita ng emosyon sa mukha ko. Hindi ako palangiti. Wala akong imik. Hindi rin ako pala-kaibigan.Wala naman akong galit sa mundo. Sadyang lumaki lang ako na ganito. Walang love sa paligid ko.Sa katunayan nga, 'yung nanay at tatay ko'y hindi sweet sa isa't-isa. Para raw kaming mga robot. Hindi marunong ngumiti, walang nararamdaman. Pero nagkakamali sila.Ganito man ako, pero hindi ako robot. Nararamdaman ko rin ang nararamdaman nila. Tao rin ako. Marunong makaramdam ng paghanga sa isang tao.Minsan nagkagusto na rin ako sa isang lalake.

    Last Updated : 2020-10-27
  • Kaleidoscopic Love   Unregistered Number

    UNREGISTERED NUMBER"May nag-GM na naman!" inis na sambit ko habang nakatitig sa cellphone ko."Bakit ba kasi hindi ka na lang magpalit ng number para wala ng nagtetext sa 'yo?" sagot ng pinsan kong si Erie habang nasa sala kami ng bahay nila at fo-foodtrip."Tinatamad ako, e. Ang hassle no'n dahil isa-isa ko pang ise-save 'yung mga numbers sa contacts ko dahil lahat 'yon naka-save sa simcard." Bumuntong hininga ako. "Bakit ba kasi hindi sila makaintindi ng tagalog? Tagalog na 'yon, a. Hindi na nga ako kasali sa clan! Maliwanag naman 'yon 'di ba?" buwisit na sambit ko sabay kain ng piatos.Madalas kasi akong makatanggap ng napakaraming mensahe galing sa mga taong hindi ko kilala. Nakakabadtrip. Nakakainis. 'Yung tipong tatanungin mo kung sino siya tapos pagtitripan ka pa? Kaasar!Naka-encounter na ako ng sari-saring uri ng tao dahil sa text. Ako kasi yung tipo

    Last Updated : 2020-10-28
  • Kaleidoscopic Love   C is for Z

    C IS FOR Z"Zenaide, bakit wala ka pa rin boyfriend?" tanong sa 'kin ng kaklase kong si Ferlyn."E, kasi naman 'yung nagugustuhan niya, maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi siya magugustuhan," sabat pa ni Nicolette sa tono na parang nangangasar pa.Napakunot ang noo ni Ferlyn. "Ha? Bakit? Dahil ba may girlfriend na?"Biglang natawa ang lukaret kong kaibigan. "Girlfriend? Baka---" Kaagad kong tinakpan ang bibig niya at palihim siyang pinanlakihan ng mata.Muli akong bumaling kay Ferlyn. "Ha? Wala pa sa isip ko 'yan. Aral muna," pagdadahilan ko at inirapan ang intrimitidang ito.Hinila ko siya at pumunta muna kami sa Cafeteria. "Ikaw talagang babaita, napakadaldal mo!"Bumungisngis lang siya. "Alam mo, friendship. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng straight na lalaki sa mundo, si C2 pa ang napili mo."Pinanlakihan ko siya ng mata. "C2 ka riy

    Last Updated : 2020-10-29
  • Kaleidoscopic Love   Notebook of Love

    NOTEBOOK OF LOVELahat ng tao ay may kan'ya-kan'yang crush sa mundo. Minsan nga tinanong ako ng kaklase ko kung sino ang crush ko. Hindi ako nakapagsalita dahil 'yung mismong crush ko ay nakatingin sa amin.Sinabi ko na lang na wala lalo na't chismosa pa 'yung kaklase kong nagtanong sa 'kin. Sigurado ako na makakarating kaagad 'yon sa crush ko at iyon ang isang bagay na kinatatakutan ko.Oo, duwag ako sa nararamdaman ko. Ayokong malaman niya, ayokong maging awkward kami sa isa't isa. Pero sabagay, hindi naman talaga kami close e. Pero kahit na. Ayokong malaman ng iba ko pang mga kaklase na may gusto rin ako kay Janus.Hindi kasi ako katulad ng iba na nagpapakamatay pa sa kilig kapag nakikita 'yung crush nila. Hindi ako katulad ng iba na very vocal sa nararamdaman nila to the point na ipagduldulan nila sa harap ng mga crush nila ang mga salitang, "Hi, crush! I exist!" Hindi ako gano'n ka-OA sa nararam

    Last Updated : 2020-10-30
  • Kaleidoscopic Love   Hi, I'm Fey

    HI, I'M FEY"Kurimaw ka! Bumalik ka rito!" sigaw ko, matapos akong takbuhan ng tinaguriang bully lord ng school namin na nagngangalang Fey?Bumuntong hininga ako. Hay, naku! Hindi ko alam. Hindi ko mahuli-huli ang kurimaw na 'yon. Daig pa ang kabayo sa bilis ng takbo. Naalala ko nga noong una ko siyang nakita. Hindi ko akalain na siya pala ang damuho na pumiperwisyo sa mga miyembro ng Student Council na ako mismo ang Presidente.Napansin ko na may isang lalaking nakatingin sa' kin. Hanggang sa lumapit siya. He looked absolutely familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.Napangiti siya and I find him so cute."Hi, I'm Fey," sabi niya at inilahad pa ang isang kamay niya sa harap ko.Biglang nagsalubong ang kilay ko. "Ayokong ma-offend ka pero, are you gay?"Napahinto siya sandali. "Sa gwapo kong 'to? Bakla ako?" Bigla

    Last Updated : 2020-10-31
  • Kaleidoscopic Love   Sentimental Value

    SENTIMENTAL VALUE"Hello, Robemel? Nand'yan ka pa ba? Hindi nga kasi ako puwede sa linggo dahil may tatapusin pa ako sa opisina. Alam mo naman 'yung mukhang surot kong boss di ba? Mukhang type pa yata ang lola mo dahil ako na lang ang palaging nakikita. Nakakaloka!" natatawang biro niya na sinamahan niya pa ng pag-ikot ng kaniyang mata. "Basta doon pa rin tayo magkita-kita ah? Miss na miss ko na kayo ni Sheena," sabi niya sa kaibigan.Kanina pa pala ito tumatawag sa kanya. Niyaya siya nito para makapagbonding na sila ulit. Isang buwan kasi siyang subsob sa trabaho kaya hindi niya nagawang makipagkita sa mga kaibigan niya. T'yak na nagtatampo na sa kanya ang kaibigang si Sheena. Gusto niya kasing ipunin ang mga ibinabayad sa kanya sa tuwing mag-o-overtime siya para ipambayad sa mga pinagkakautangan niya. Hindi niya lang masagot dahil nasa loob niya ng opisina ng kaniyang boss. Wala itong ginawa kundi talakan siya sa araw na ito.

    Last Updated : 2020-11-01

Latest chapter

  • Kaleidoscopic Love   Curse Of Love

    CURSE OF LOVESa isang malayong lugar, mayroon isang kaharian na tinatawag nilang Aiseah. Dito matatagpuan ang isang Prinsesa na nagngangalang, Hara.Tumingin si Hara sa mga napilang tagasilbi ng kanilang kaharian na kasalukuyang nasa kanyang harapan."Maaari niyo na akong iwan." nakangiting sambit niya.Napatingin yung isa sakanya ngunit kaagad din yumuko. "Paumanhin, mahal na Prinsesa. Ngunit kabilin-bilin saamin ng mahal na Reyna na dapat namin kayong bantayan."Ngumiti siya. "Hindi kayo dapat mag-alala saakin. Kayo ko ang sarili ko. Kaya maaari niyo na akong iwan dahil gusto kong mapag-isa."Tumango ang mga ito. "Masusunod mahal na prinsesa." At iniwan na siya mag-isa sa kanyang silid.Unti-unting nawala na parang bula ang kanyang ngiti. Hindi lahat ng taong maharlika, masaya. Isang patunay na rito si Prinsesa Hara.Masayahin siya noong siya'y bata pa ngunit ng biglang namatay ang kanyang ama na Hari

  • Kaleidoscopic Love   Magical Dream

    "Aray ko po, Auntie. Pasensya na po, hindi na po iyon mauulit!" pagmamakaawa ni Panyang habang namimilipit sa sakit dahil sa ginagawang pagpingot ng Auntie Sonia niya sa kanyang tainga."Napaka bagal mong kumilos bata ka! Talagang sinasagad mo ang pasensya ko! Sumosobra ka na! Kailangan sa'yo tanggalan na ng sungay dahil namimihasa ka na!" bulyaw nito sa kanya."Auntie tama na po! Nasasaktan na po ako! Pakiusap..." pagmamakaawa niya."Talagang masasaktan ka!" gigil na sabi nito tapos tinulak siya bigla kaya napaupo si Panyang.Naiyak nalang siya sa ginawa nito. Maaga siyang naulila ng mamatay ang kaniyang mga magulang at yung inaakala niyang kukupkop sa kanya, ngayon ay pinahihirapan siya.Kinagabihan, lupaypay si Panyang ng matapos niyang labhan ang maruruming damit ng mga pinsan niya na si Trisha at Vanesza dahil darating raw sa bayan nila sa isang linggo yung crush ng may ito.Pakiramdam niya bibigay na ang katawan niya dahil sa

  • Kaleidoscopic Love   A Daughter's Love

    A Daughter's Love"Erin, umuwi ka na," ani Kuya Elmond sa kabilang linya. Nasa tinig niya ang pag-aalala."Dito muna ako, Kuya. Bukas na lang ako uuwi, kapag okay na ako." Mabilis kong pinahid ang mainit na likidong umalpas mula sa mata ko. "Kapag okay na si Mama."Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Nandito ako sa bahay ng kaibigan ko, at makikitulog ako sa kanila ngayong gabi."Pagpasensyahan mo na si Mama. Alam mo naman na hindi biro ang pinagdadaanan niya. Intindihin mo na lang. Alam kong babalik din siya sa dati," aniya."S-sige." Nakagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang hikbi na tatakas sa bibig ko. "Sige, Kuya. Ibaba ko na ito. Matutulog na ako.""O sige, mag-iingat ka riyan." Muli pa siyang napabuntong hininga. "Basta kung may problema ka, 'wag kang mahiyang lapitan ako. Nandito lang ako.""Salamat, Kuya."Muling lumandas sa aking pisngi ang mga luha ko. Minabuti kong umalis muna sa bahay namin para kumalma na

  • Kaleidoscopic Love   Nakalimutang Haligi

    Nakalimutang HaligiSa panulat ni: YouniqueenNatulala ako nang lumapat ang tingin ko sa isang lalaki na sobrang pamilyar sa 'kin. Nanginig ang buong katawan ko. Maging ang mga binti ko'y hindi ko magawang ihakbang palapit sa kan'ya. Sa mga sandaling ito'y para bang naparalisa na ito.Mabilis na bumalik sa aking gunita ang nangyari, kahit mahigit isang dekada na ang nakalipas."Pa, ayokong umalis. Dito lang ako!"Bumuhos ang luha ko habang nakikiusap sa kan'ya, ngunit umiwas lang siya ng tingin at ibinalot ang aking mga damit."Napag-usapan na natin 'to, Mabel. Hindi puwede. Kailangan mong sumama sa totoo mong mga magulang."Pinilit kong hulihin ang mata niya, ngunit hindi na niya magawang tumingin sa 'kin. "'Pa, ayaw mo na ba sa 'kin kaya pinamimigay mo na ako sa kanila?"Nakagat ko ang ibabang labi ko nang tumakas ang hikbi sa aking b

  • Kaleidoscopic Love   Secret Behind

    "Tay, hindi niyo maaring kaligtaan ang pag-inom nitong gamot niyo. Paano kayo--" Hindi na natapos ni Nadia ang kaniyang sasabihin nang may nakita siyang mata na tila nagmamasid sa kanilang bintana.Kaagad siyang lumabas upang tignan ito. Labis siyang nagulat nang may makita siyang isang hayop. Ito yung hayop na laging nakabantay sa kanya. Kung titingnan mukha itong isang aso, ngunit kulay puti ito at mabalahibo. Natitiyak niyang hindi ito isang aso lamang. Ngayon lang siya nakakakita ng ganoong klase ng hayop.Lalapitan na sana ni Nadia ang inaakala niyang aso ngunit tila humahakbang ito patalikod upang lumayo sa kanya. Hindi niya na nagawang lumapit pa nang makita niyang kumislap pa ang bilugang kulay dilaw na mata ng aso.Hanggang sa tumakbo na ito. Doon niya na lang napagtanto na hindi pala ito isang aso, kundi isang lobo.Isang araw, nilapitan ni Nadia ang kaniyang ama."Tay, nananiwala ka ba sa mga lobo?" aniya.Biglang napatigi

  • Kaleidoscopic Love   The Best Damn Word: Trip

    The Best Damn Word: TripIsa sa pinaka masarap na pakiramdam sa mundo ay 'yung maging kami ng crush ko.Iyong crush ko na akala ko hanggang sa tingin ko na lang mamahalin. Iyong crush long inuubusan ko nang oras para lang titigan. Kahit hindi niya naman magawang tumingin sa 'kin.Iyong crush kong itinuturing kong star na ang hirap abutin. Ang sarap sa feeling kung 'yung star na 'yon ay kusang bumaba para sa 'kin at ngayon, abot-kamay ko na siya. Iyong crush kong kinahuhumalingan ng nag-gagandahan at nag-sesexyhan na estudyante sa school, 'tapos sa isang commoner lang na katulad ko mapupunta? Aba! Parang no'ng nagpaulan si Lord ng kasuwertehan sa mundo, marami akong nasalo ko.Noon kasi sa mga romantic novel books ko lang ito nababasa at kinikilig na ako, habang nangangarap na sana ako na lang 'yung bidang babae at 'yung crush ko naman 'yung bidang lalaki. Hindi ko alam na sa isang iglap lang, mararanasan ko

  • Kaleidoscopic Love   Exchange Gift

    Exchange Gift"Zairon! Crush ka raw ni-----"Tinakpan ko kaagad 'yung bibig ni Gideon nang mapatingin sa direksyon namin si Zairon."Ano ba! 'Wag ka nga r'yan maingay. Kainis ka!" singhal ko sa kanya.Bigla akong natauhan nang mapangiti siya kaya tinanggal ko na 'yung kamay ko.Nakakainis na talaga ang Gideon na 'to! Kundi ko lang siya... Tsk. Napakadaldal naman kasi ng Kiara chismosa na 'yon, e. Buwisit.Bigla ko tuloy naalala kung bakit."Cous, kilala ko na crush mo."Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nang pinsan kong si Ameli."Si Gideon 'di ba?""Ssh!" Nagsign ako na 'wag siyang maingay. "Paano mo nalaman?" bulong ko.Napangiti ang loka. "Cous, halata naman e. Sa titig mo pa lang gets ko na."Bumuntong hininga ako.

  • Kaleidoscopic Love   Magical Dream

    Magical Dream"Aray ko po, Auntie. Pasensya na po, hindi na po iyon mauulit!" pagmamakaawa ni Panyang habang namimilipit sa sakit dahil sa ginagawang pagpingot ng Auntie Sonia niya sa kanyang tainga."Napaka bagal mong kumilos bata ka! Talagang sinasagad mo ang pasensya ko! Sumosobra ka na! Kailangan sa'yo tanggalan na ng sungay dahil namimihasa ka na!" bulyaw nito sa kanya."Auntie tama na po! Nasasaktan na po ako! Pakiusap..." pagmamakaawa niya."Talagang masasaktan ka!" gigil na sabi nito tapos tinulak siya bigla kaya napaupo si Panyang.Naiyak nalang siya sa ginawa nito. Maaga siyang naulila ng mamatay ang kaniyang mga magulang at yung inaakala niyang kukupkop sa kanya, ngayon ay pinahihirapan siya.Kinagabihan, lupaypay si Panyang ng matapos niyang labhan ang maruruming dam

  • Kaleidoscopic Love   Stolen Shot

    STOLEN SHOTSa high-tech na panahon ngayon, lahat tayo ay may kakayahan na kumuha ng litrato. Pero ang tanong, natagpuan mo na 'yung best shot?Bata pa lang, mahilig na akong kumuha ng mga iba't ibang uri ng larawan. Sabi nila may potential daw ako. Puwede raw akong maging isang magaling na Photographer balang araw.Sinunod ko 'yung payo nila pero hindi lang naman dahil sa kanila iyon. Gusto ko rin naman kasi 'yung ginagawa ko. Iyon din talaga ang pangarap ko.Masaya ako kapag nakakakuha ng best subject. Nang best shot araw-araw. Picture is my happiness. Kaya nga Photography ang course na pinili ko. Halos lahat yata ng parte ng school na maganda, nakuhanan ko na ng litrato.Minsan nagto-tour din kami sa iba't ibang lugar. Tulad ng Bohol. A famous Chocolate hills. Puerto prinsesa sa Palawan. A breath-taking under ground river. Rice terreces, Boracay, La union. At marami pang iba.

DMCA.com Protection Status