Share

C is for Z

Penulis: Youniqueen
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

C IS FOR Z

"Zenaide, bakit wala ka pa rin boyfriend?" tanong sa 'kin ng kaklase kong si Ferlyn.

"E, kasi naman 'yung nagugustuhan niya, maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi siya magugustuhan," sabat pa ni Nicolette sa tono na parang nangangasar pa.

Napakunot ang noo ni Ferlyn. "Ha? Bakit? Dahil ba may girlfriend na?"

Biglang natawa ang lukaret kong kaibigan. "Girlfriend? Baka---" Kaagad kong tinakpan ang bibig niya at palihim siyang pinanlakihan ng mata.

Muli akong bumaling kay Ferlyn. "Ha? Wala pa sa isip ko 'yan. Aral muna," pagdadahilan ko at inirapan ang intrimitidang ito.

Hinila ko siya at pumunta muna kami sa Cafeteria. "Ikaw talagang babaita, napakadaldal mo!"

Bumungisngis lang siya. "Alam mo, friendship. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng straight na lalaki sa mundo, si C2 pa ang napili mo."

Pinanlakihan ko siya ng mata. "C2 ka riy

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

  • Kaleidoscopic Love   Notebook of Love

    NOTEBOOK OF LOVELahat ng tao ay may kan'ya-kan'yang crush sa mundo. Minsan nga tinanong ako ng kaklase ko kung sino ang crush ko. Hindi ako nakapagsalita dahil 'yung mismong crush ko ay nakatingin sa amin.Sinabi ko na lang na wala lalo na't chismosa pa 'yung kaklase kong nagtanong sa 'kin. Sigurado ako na makakarating kaagad 'yon sa crush ko at iyon ang isang bagay na kinatatakutan ko.Oo, duwag ako sa nararamdaman ko. Ayokong malaman niya, ayokong maging awkward kami sa isa't isa. Pero sabagay, hindi naman talaga kami close e. Pero kahit na. Ayokong malaman ng iba ko pang mga kaklase na may gusto rin ako kay Janus.Hindi kasi ako katulad ng iba na nagpapakamatay pa sa kilig kapag nakikita 'yung crush nila. Hindi ako katulad ng iba na very vocal sa nararamdaman nila to the point na ipagduldulan nila sa harap ng mga crush nila ang mga salitang, "Hi, crush! I exist!" Hindi ako gano'n ka-OA sa nararam

  • Kaleidoscopic Love   Hi, I'm Fey

    HI, I'M FEY"Kurimaw ka! Bumalik ka rito!" sigaw ko, matapos akong takbuhan ng tinaguriang bully lord ng school namin na nagngangalang Fey?Bumuntong hininga ako. Hay, naku! Hindi ko alam. Hindi ko mahuli-huli ang kurimaw na 'yon. Daig pa ang kabayo sa bilis ng takbo. Naalala ko nga noong una ko siyang nakita. Hindi ko akalain na siya pala ang damuho na pumiperwisyo sa mga miyembro ng Student Council na ako mismo ang Presidente.Napansin ko na may isang lalaking nakatingin sa' kin. Hanggang sa lumapit siya. He looked absolutely familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.Napangiti siya and I find him so cute."Hi, I'm Fey," sabi niya at inilahad pa ang isang kamay niya sa harap ko.Biglang nagsalubong ang kilay ko. "Ayokong ma-offend ka pero, are you gay?"Napahinto siya sandali. "Sa gwapo kong 'to? Bakla ako?" Bigla

  • Kaleidoscopic Love   Sentimental Value

    SENTIMENTAL VALUE"Hello, Robemel? Nand'yan ka pa ba? Hindi nga kasi ako puwede sa linggo dahil may tatapusin pa ako sa opisina. Alam mo naman 'yung mukhang surot kong boss di ba? Mukhang type pa yata ang lola mo dahil ako na lang ang palaging nakikita. Nakakaloka!" natatawang biro niya na sinamahan niya pa ng pag-ikot ng kaniyang mata. "Basta doon pa rin tayo magkita-kita ah? Miss na miss ko na kayo ni Sheena," sabi niya sa kaibigan.Kanina pa pala ito tumatawag sa kanya. Niyaya siya nito para makapagbonding na sila ulit. Isang buwan kasi siyang subsob sa trabaho kaya hindi niya nagawang makipagkita sa mga kaibigan niya. T'yak na nagtatampo na sa kanya ang kaibigang si Sheena. Gusto niya kasing ipunin ang mga ibinabayad sa kanya sa tuwing mag-o-overtime siya para ipambayad sa mga pinagkakautangan niya. Hindi niya lang masagot dahil nasa loob niya ng opisina ng kaniyang boss. Wala itong ginawa kundi talakan siya sa araw na ito.

  • Kaleidoscopic Love   Bestfriendzoned

    BESTFRIEND-ZONEDHave you ever heard bestfriend turned into lovers? Cliché sabi nila. Pero para sa 'kin hindi cliché 'yun dahil hindi naman kami gano'n ng bestfriend ko.Hindi ko naman ginusto ang ma-fall sa bestfriend ko. Basta isang araw nagulat nalang ako dahil sa tuwing may mga lalaking umaaligid sa kanya, hindi ko maiwasan makaramdam ng matinding selos. Iyon bang parang gusto kong sabihin sa lahat na akin siya pero hindi naman puwede. Iyon bang nagseselos ako kahit wala naman akong karapatan pero hindi ko maiwasan dahil mayro'n akong nararamdaman.Paano nga ba kami naging magbestfriend ni Ramina? Ganito 'yon, sabi ng Mommy ko, sumisibol pa lang daw kaming dalawa ni Ramina sa tiyan ng mga Mommy namin, ginusto na nila na maging magbestfriend kami. Simple lang, dahil mag-bestfriend si Mommy at 'yung Mommy niya.Noong mga bata kami naging mahirap sa 'kin ang lahat dahil hindi pala-labas ng bahay

  • Kaleidoscopic Love   Her Birthday Wish

    HER BIRTHDAY WISH"I love you and I want to be with you forever."Inilapit niya ang kanyang mukha sa 'kin kaya naman unti-unti akong napapikit. Our faces are just inches away. Konti na lang at..."Larena!"Napadilat ako at kaagad na bumalik sa reyalidad nang marinig ko ang pamilyar na tinig ng kaibigan kong si Timmy."Timmy naman e! Ang epal mo. Nandoon na e, hahalikan niya na ako. Nagtatapat na siya sa 'kin. Magiging kami na! 'Tapos bigla kang pumasok sa eksenang atribida ka! Asar ka naman o!" buwisit na sambit ko sabay simangot."Ayan ka na naman e. Wala ka bang ibang alam gawin sa buhay mo kundi pagpantasyahan si Ble---"Namilog ang mata ko at tinakpan ko kaagad ang bibig niya. Sumenyas pa ako na manahimik siya."Huwag ka ngang maingay! Pag may ibang nakaalam no'n, lagot ka sa 'kin!" pagbabanta ko.

  • Kaleidoscopic Love   McDo

    MCDOAng sarap sa feeling kapag nakikita mo 'yung taong gusto mo. 'Yung taong bumubuo ng araw mo. Mas lalong masarap sa pakiramdam kapag nalaman niyang nage-exist ka mundo. Pero may disadvantage rin pala 'yon. Dahil minsan nakakainis din!Napabuntong hininga ako. Binigyan niya kasi ako ng pet name. Iyong lokong crush ko. Ayos lang sana kung maganda. Kung sexy, beautiful, gorgeous. At kahit ano pa na maganda pakinggan. Kaso hindi e. Nakakabadtrip kaya 'yung tawag niya sa 'kin.McDo.I rolled my eyes heavenwards. Nakakainsulto 'di ba? Nakakabadtrip dahil feeling ko, pinagtitripan niya na ako. Anong ulit ang itsura ni McDonalds? Clown. E, ano bang itsura ng clown? Sobrang daming make-up sa mukha. Mukhang bangkay. Mukhang espasol.Masaya na sana dahil kilala niya ako. Kinakausap niya ako. Kaso lang palagi niya akong inaasar. Sa ibang babae naman hindi siya gan

  • Kaleidoscopic Love   Aristotle's Secret

    Aristotle's SecretBy Youniqueen"AYOKO nga Calix," angal ni Aristotle Pinipilit kasi siya nitong magtry out sa basketball.He smiled, teasingly. "Try out lang naman 'to. Sus. Sisiw lang 'to sa'yo," saad pa nito na tila bilib na bilib sa kanya ngunit bigla na lang nagsalubong ang kilay nito. "Wait, don't tell me hindi ka marunong magbasketball?"Nagulat siya sa tanong nito at mabilis na naramdaman ang pag-iinit ng kanyang mukha. Hanggang sa bumuntong hininga siya at dahan-dahang tumango. "O-oo."Ilang segundong naghari ang katahimikan hanggang sa nagulat na lang si Aris ng biglang humagalpak ng tawa si Calix.Natulala siya habang pinagmamasdan ito. It was like heaven opening and angels singing everywhere. Bigla siyang matauhan. Hindi niya mawari kung bakit kinakabahan siya sa tuwing pinagmamasdan siya ni Calix. "Sabi ko na nga ba, pagtatawanan mo

  • Kaleidoscopic Love   Gone

    GONE"Raizen!"Hindi na nag-abala si Raizen para lingunin ang babaeng tumawag sakanya. Ito na naman, magsisimula na naman ang aral niya sa pangungulit ng babaeng iyon na daig pa ang aso kung makasunod. Buti pa nga ang aso napapagod, ang babae yata na ito walang kapaguran. Palagi itong nakabuntot sa kanya at kahit anong taboy ang gawin niya hindi parin ito umaalis."Hoy Raizen!"Bigla siyang napaigtad nang may malakas na pwersang bumangga sa likuran niya. Pumasan pala ito sa kanya."Baba." Maawtoridad na utos niya."Ayoko nga!" mariing tanggi nito. Naramdaman niya pa ang pagwasiwas ng ulo nito at kahit hindi niya makita ang mukha nito dahil kasalukuyan itong nasa likod niya, alam niyang nakalabi ito. Sanay na siya doon. May pagka-isip bata kasi ito."Pagbilang ko ng tatlo at hindi ka pa bumaba, itatapon kita sa sapa." pan

Bab terbaru

  • Kaleidoscopic Love   Curse Of Love

    CURSE OF LOVESa isang malayong lugar, mayroon isang kaharian na tinatawag nilang Aiseah. Dito matatagpuan ang isang Prinsesa na nagngangalang, Hara.Tumingin si Hara sa mga napilang tagasilbi ng kanilang kaharian na kasalukuyang nasa kanyang harapan."Maaari niyo na akong iwan." nakangiting sambit niya.Napatingin yung isa sakanya ngunit kaagad din yumuko. "Paumanhin, mahal na Prinsesa. Ngunit kabilin-bilin saamin ng mahal na Reyna na dapat namin kayong bantayan."Ngumiti siya. "Hindi kayo dapat mag-alala saakin. Kayo ko ang sarili ko. Kaya maaari niyo na akong iwan dahil gusto kong mapag-isa."Tumango ang mga ito. "Masusunod mahal na prinsesa." At iniwan na siya mag-isa sa kanyang silid.Unti-unting nawala na parang bula ang kanyang ngiti. Hindi lahat ng taong maharlika, masaya. Isang patunay na rito si Prinsesa Hara.Masayahin siya noong siya'y bata pa ngunit ng biglang namatay ang kanyang ama na Hari

  • Kaleidoscopic Love   Magical Dream

    "Aray ko po, Auntie. Pasensya na po, hindi na po iyon mauulit!" pagmamakaawa ni Panyang habang namimilipit sa sakit dahil sa ginagawang pagpingot ng Auntie Sonia niya sa kanyang tainga."Napaka bagal mong kumilos bata ka! Talagang sinasagad mo ang pasensya ko! Sumosobra ka na! Kailangan sa'yo tanggalan na ng sungay dahil namimihasa ka na!" bulyaw nito sa kanya."Auntie tama na po! Nasasaktan na po ako! Pakiusap..." pagmamakaawa niya."Talagang masasaktan ka!" gigil na sabi nito tapos tinulak siya bigla kaya napaupo si Panyang.Naiyak nalang siya sa ginawa nito. Maaga siyang naulila ng mamatay ang kaniyang mga magulang at yung inaakala niyang kukupkop sa kanya, ngayon ay pinahihirapan siya.Kinagabihan, lupaypay si Panyang ng matapos niyang labhan ang maruruming damit ng mga pinsan niya na si Trisha at Vanesza dahil darating raw sa bayan nila sa isang linggo yung crush ng may ito.Pakiramdam niya bibigay na ang katawan niya dahil sa

  • Kaleidoscopic Love   A Daughter's Love

    A Daughter's Love"Erin, umuwi ka na," ani Kuya Elmond sa kabilang linya. Nasa tinig niya ang pag-aalala."Dito muna ako, Kuya. Bukas na lang ako uuwi, kapag okay na ako." Mabilis kong pinahid ang mainit na likidong umalpas mula sa mata ko. "Kapag okay na si Mama."Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Nandito ako sa bahay ng kaibigan ko, at makikitulog ako sa kanila ngayong gabi."Pagpasensyahan mo na si Mama. Alam mo naman na hindi biro ang pinagdadaanan niya. Intindihin mo na lang. Alam kong babalik din siya sa dati," aniya."S-sige." Nakagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang hikbi na tatakas sa bibig ko. "Sige, Kuya. Ibaba ko na ito. Matutulog na ako.""O sige, mag-iingat ka riyan." Muli pa siyang napabuntong hininga. "Basta kung may problema ka, 'wag kang mahiyang lapitan ako. Nandito lang ako.""Salamat, Kuya."Muling lumandas sa aking pisngi ang mga luha ko. Minabuti kong umalis muna sa bahay namin para kumalma na

  • Kaleidoscopic Love   Nakalimutang Haligi

    Nakalimutang HaligiSa panulat ni: YouniqueenNatulala ako nang lumapat ang tingin ko sa isang lalaki na sobrang pamilyar sa 'kin. Nanginig ang buong katawan ko. Maging ang mga binti ko'y hindi ko magawang ihakbang palapit sa kan'ya. Sa mga sandaling ito'y para bang naparalisa na ito.Mabilis na bumalik sa aking gunita ang nangyari, kahit mahigit isang dekada na ang nakalipas."Pa, ayokong umalis. Dito lang ako!"Bumuhos ang luha ko habang nakikiusap sa kan'ya, ngunit umiwas lang siya ng tingin at ibinalot ang aking mga damit."Napag-usapan na natin 'to, Mabel. Hindi puwede. Kailangan mong sumama sa totoo mong mga magulang."Pinilit kong hulihin ang mata niya, ngunit hindi na niya magawang tumingin sa 'kin. "'Pa, ayaw mo na ba sa 'kin kaya pinamimigay mo na ako sa kanila?"Nakagat ko ang ibabang labi ko nang tumakas ang hikbi sa aking b

  • Kaleidoscopic Love   Secret Behind

    "Tay, hindi niyo maaring kaligtaan ang pag-inom nitong gamot niyo. Paano kayo--" Hindi na natapos ni Nadia ang kaniyang sasabihin nang may nakita siyang mata na tila nagmamasid sa kanilang bintana.Kaagad siyang lumabas upang tignan ito. Labis siyang nagulat nang may makita siyang isang hayop. Ito yung hayop na laging nakabantay sa kanya. Kung titingnan mukha itong isang aso, ngunit kulay puti ito at mabalahibo. Natitiyak niyang hindi ito isang aso lamang. Ngayon lang siya nakakakita ng ganoong klase ng hayop.Lalapitan na sana ni Nadia ang inaakala niyang aso ngunit tila humahakbang ito patalikod upang lumayo sa kanya. Hindi niya na nagawang lumapit pa nang makita niyang kumislap pa ang bilugang kulay dilaw na mata ng aso.Hanggang sa tumakbo na ito. Doon niya na lang napagtanto na hindi pala ito isang aso, kundi isang lobo.Isang araw, nilapitan ni Nadia ang kaniyang ama."Tay, nananiwala ka ba sa mga lobo?" aniya.Biglang napatigi

  • Kaleidoscopic Love   The Best Damn Word: Trip

    The Best Damn Word: TripIsa sa pinaka masarap na pakiramdam sa mundo ay 'yung maging kami ng crush ko.Iyong crush ko na akala ko hanggang sa tingin ko na lang mamahalin. Iyong crush long inuubusan ko nang oras para lang titigan. Kahit hindi niya naman magawang tumingin sa 'kin.Iyong crush kong itinuturing kong star na ang hirap abutin. Ang sarap sa feeling kung 'yung star na 'yon ay kusang bumaba para sa 'kin at ngayon, abot-kamay ko na siya. Iyong crush kong kinahuhumalingan ng nag-gagandahan at nag-sesexyhan na estudyante sa school, 'tapos sa isang commoner lang na katulad ko mapupunta? Aba! Parang no'ng nagpaulan si Lord ng kasuwertehan sa mundo, marami akong nasalo ko.Noon kasi sa mga romantic novel books ko lang ito nababasa at kinikilig na ako, habang nangangarap na sana ako na lang 'yung bidang babae at 'yung crush ko naman 'yung bidang lalaki. Hindi ko alam na sa isang iglap lang, mararanasan ko

  • Kaleidoscopic Love   Exchange Gift

    Exchange Gift"Zairon! Crush ka raw ni-----"Tinakpan ko kaagad 'yung bibig ni Gideon nang mapatingin sa direksyon namin si Zairon."Ano ba! 'Wag ka nga r'yan maingay. Kainis ka!" singhal ko sa kanya.Bigla akong natauhan nang mapangiti siya kaya tinanggal ko na 'yung kamay ko.Nakakainis na talaga ang Gideon na 'to! Kundi ko lang siya... Tsk. Napakadaldal naman kasi ng Kiara chismosa na 'yon, e. Buwisit.Bigla ko tuloy naalala kung bakit."Cous, kilala ko na crush mo."Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nang pinsan kong si Ameli."Si Gideon 'di ba?""Ssh!" Nagsign ako na 'wag siyang maingay. "Paano mo nalaman?" bulong ko.Napangiti ang loka. "Cous, halata naman e. Sa titig mo pa lang gets ko na."Bumuntong hininga ako.

  • Kaleidoscopic Love   Magical Dream

    Magical Dream"Aray ko po, Auntie. Pasensya na po, hindi na po iyon mauulit!" pagmamakaawa ni Panyang habang namimilipit sa sakit dahil sa ginagawang pagpingot ng Auntie Sonia niya sa kanyang tainga."Napaka bagal mong kumilos bata ka! Talagang sinasagad mo ang pasensya ko! Sumosobra ka na! Kailangan sa'yo tanggalan na ng sungay dahil namimihasa ka na!" bulyaw nito sa kanya."Auntie tama na po! Nasasaktan na po ako! Pakiusap..." pagmamakaawa niya."Talagang masasaktan ka!" gigil na sabi nito tapos tinulak siya bigla kaya napaupo si Panyang.Naiyak nalang siya sa ginawa nito. Maaga siyang naulila ng mamatay ang kaniyang mga magulang at yung inaakala niyang kukupkop sa kanya, ngayon ay pinahihirapan siya.Kinagabihan, lupaypay si Panyang ng matapos niyang labhan ang maruruming dam

  • Kaleidoscopic Love   Stolen Shot

    STOLEN SHOTSa high-tech na panahon ngayon, lahat tayo ay may kakayahan na kumuha ng litrato. Pero ang tanong, natagpuan mo na 'yung best shot?Bata pa lang, mahilig na akong kumuha ng mga iba't ibang uri ng larawan. Sabi nila may potential daw ako. Puwede raw akong maging isang magaling na Photographer balang araw.Sinunod ko 'yung payo nila pero hindi lang naman dahil sa kanila iyon. Gusto ko rin naman kasi 'yung ginagawa ko. Iyon din talaga ang pangarap ko.Masaya ako kapag nakakakuha ng best subject. Nang best shot araw-araw. Picture is my happiness. Kaya nga Photography ang course na pinili ko. Halos lahat yata ng parte ng school na maganda, nakuhanan ko na ng litrato.Minsan nagto-tour din kami sa iba't ibang lugar. Tulad ng Bohol. A famous Chocolate hills. Puerto prinsesa sa Palawan. A breath-taking under ground river. Rice terreces, Boracay, La union. At marami pang iba.

DMCA.com Protection Status