Kaleidoscopic Love

Kaleidoscopic Love

last updateLast Updated : 2021-05-12
By:   Youniqueen  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
26Chapters
2.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Love is like a Kaleidoscope of colours. Intricate, unexpected but beautiful. And this story is not just about teenage love. It's about heartbreak, friendship, family and self-love.

View More

Latest chapter

Free Preview

Simply Meant To Be

Simply Meant To BeIsa sa pinaka masarap na pakiramdam sa mundo ay 'yung masuklian mo 'yung paghihirap na ginawa ng mga magulang mo para itaguyod ang pamilya niyo.Dahil sa mundong ito, walang lubos na nagmamahal sa 'tin kundi sila. Ang ating mga magulang. Kaya bago mo mahalin ang ibang tao, mahalin mo muna 'yung pamilya mo na laging nand'yan para sa 'yo. Dahil noong una pa lang, sila na ang humubog kung sino ka ngayon.Maaring lahat ng tao talikuran ka ang iwan ka sa huli. Pero sila nananatiling nand'yan sa likod mo. Nakalalay, nakasuporta at hinding-hindi ka iiwan.Bakit ko nga ba sinasabi ito? Simple lang, dahil mahal ko ang pamilya ko."Anak, pagod na pagod ka na. Magpahinga ka muna," usal ng aking Nanay.Ngumiti ako at umiling. "Okay lang Nay. Kaya ko pa naman. Tatapusin ko lang ito dahil kailangan na naming ipasa bukas."Bumun...

Interesting books of the same period

Comments

No Comments
26 Chapters
Simply Meant To Be
Simply Meant To Be Isa sa pinaka masarap na pakiramdam sa mundo ay 'yung masuklian mo 'yung paghihirap na ginawa ng mga magulang mo para itaguyod ang pamilya niyo. Dahil sa mundong ito, walang lubos na nagmamahal sa 'tin kundi sila. Ang ating mga magulang. Kaya bago mo mahalin ang ibang tao, mahalin mo muna 'yung pamilya mo na laging nand'yan para sa 'yo. Dahil noong una pa lang, sila na ang humubog kung sino ka ngayon. Maaring lahat ng tao talikuran ka ang iwan ka sa huli. Pero sila nananatiling nand'yan sa likod mo. Nakalalay, nakasuporta at hinding-hindi ka iiwan. Bakit ko nga ba sinasabi ito? Simple lang, dahil mahal ko ang pamilya ko.  "Anak, pagod na pagod ka na. Magpahinga ka muna," usal ng aking Nanay. Ngumiti ako at umiling. "Okay lang Nay. Kaya ko pa naman. Tatapusin ko lang ito dahil kailangan na naming ipasa bukas." Bumun
last updateLast Updated : 2020-10-27
Read more
Real Meaning of Love
Real Meaning of Love "Paano mo pa ipagpapatuloy ang buhay mo, kung alam mong mamatay ka na?" 'Yan ang tanong sa 'kin ng isang kaibigan ko rito sa ospital. Ospital para sa mga taong may cancer.  Sabi nila, kapag nabigyan ka ng chance na mabuhay, maging masaya ka at 'wag sayangin ito. Dahil maraming tao ang gusto pang mabuhay pero hindi na nabibigyan ng pagkakataon.  Kahit gustuhin mo pang mabuhay ng mas matagal para makasama ang mga taong mahal mo, kung hanggang dito na lang ang araw na itinakda sa 'yo, dapat mong tanggapin. Masakit man. Dahil hindi lang naman sa 'yo iikot ang mundo. Maraming tao. At sa pag-ikot nito, may mga taong nawawala, lumilisan. May mga taong iiyak sa pagkawala mo, pero sa kabila no'n may mga tao naman ang sumasaya dahil may isang bata na naman ang isinilang sa mundo.  Isang taon na ang nakalipas nang malaman ko na may malubha akong sakit na
last updateLast Updated : 2020-10-27
Read more
Undeniably Yours
Undeniably Yours "Baby!"  Napatigil ako sa pagtipa sa keyboard nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon sa labas ng bahay namin.  Unti-unting sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ko. Tumayo ako mula sa swivel chair at mabilis na sumulyap sa salamin para tignan kung maayos ba ang itsura ko.  Bago lumabas ng bahay, huminga ako ng malalim at itinago na lang muna ang ngiti ko na dulot ay kilig. Makikita ko na naman siya.  Binuksan ko yung gate at labis akong namangha sa aking nakita. Naramdaman kong unti-unting nag-alboroto ang puso ko nang makita ko siyang nakasandal sa pader habang nasuksok ang magkabilang kamay niya sa bulsa.  Unti-unting nag-angat ang tingin ko at bigla akong napalunok nang sumilay ang isang magandang ngiti sa labi niya na dahilan para kumabog ng malakas ang puso ko n
last updateLast Updated : 2020-10-27
Read more
3:00 PM
3:00 PM Love? Sa murang edad pa lang ito na agad ang salitang gumugulo hindi lang sa isip ko, pati na rin sa puso ko. Masarap magmahal ng isang tao na nagsisilbing inspirasyon mo sa lahat ng bagay. Iyong tipong ang sarap gumising sa umaga kapag litrato niya ang una mong makikita. Ang sarap pumasok sa school dahil nandoon 'yong inspirasyon mo. Iyong tipong mapapangiti ka na lang ng wala sa oras dahil bigla siyang papasok sa isip mo. "Hay, Aden," bulong ko sa aking sarili habang nakangiti. Bakit ba kasi nagkagusto ako sa isang lalakeng suplado, isnabero, walang pakialam sa paligid, walang pakialam sa tao at mas lalong walang pakialam sa mundo. Oo gano'n siya dahil matagal ko na siyang kilala. Tatlong taon ko na siyang crush kaya ultimo kaliit-liitang detalye ng buhay niya, alam ko. Nakakahiya man aminin pero minsan na niya akong naging stalker. Kahit minsan nga hindi ko pa siya nak
last updateLast Updated : 2020-10-27
Read more
The Most Painful Goodbye
The Most Painful Goodbye  Dalawang taon na ang nakalipas, mula ng nangyari ang isang bagay na lubos kong pinagsisisihan sa buhay ko.  Ako raw ay isang babaeng bato. 'Yan ang sabi nila sa 'kin. Hindi ako marunong magpakita ng emosyon sa mukha ko. Hindi ako palangiti. Wala akong imik. Hindi rin ako pala-kaibigan.  Wala naman akong galit sa mundo. Sadyang lumaki lang ako na ganito. Walang love sa paligid ko.  Sa katunayan nga, 'yung nanay at tatay ko'y hindi sweet sa isa't-isa. Para raw kaming mga robot. Hindi marunong ngumiti, walang nararamdaman. Pero nagkakamali sila.  Ganito man ako, pero hindi ako robot. Nararamdaman ko rin ang nararamdaman nila. Tao rin ako. Marunong makaramdam ng paghanga sa isang tao.  Minsan nagkagusto na rin ako sa isang lalake.  
last updateLast Updated : 2020-10-27
Read more
Unregistered Number
UNREGISTERED NUMBER  "May nag-GM na naman!" inis na sambit ko habang nakatitig sa cellphone ko. "Bakit ba kasi hindi ka na lang magpalit ng number para wala ng nagtetext sa 'yo?" sagot ng pinsan kong si Erie habang nasa sala kami ng bahay nila at fo-foodtrip. "Tinatamad ako, e. Ang hassle no'n dahil isa-isa ko pang ise-save 'yung mga numbers sa contacts ko dahil lahat 'yon naka-save sa simcard." Bumuntong hininga ako. "Bakit ba kasi hindi sila makaintindi ng tagalog? Tagalog na 'yon, a. Hindi na nga ako kasali sa clan!  Maliwanag naman 'yon 'di ba?" buwisit na sambit ko sabay kain ng piatos. Madalas kasi akong makatanggap ng napakaraming mensahe galing sa mga taong hindi ko kilala. Nakakabadtrip. Nakakainis. 'Yung tipong tatanungin mo kung sino siya tapos pagtitripan ka pa? Kaasar! Naka-encounter na ako ng sari-saring uri ng tao dahil sa text. Ako kasi yung tipo
last updateLast Updated : 2020-10-28
Read more
C is for Z
C IS FOR Z"Zenaide, bakit wala ka pa rin boyfriend?" tanong sa 'kin ng kaklase kong si Ferlyn."E, kasi naman 'yung nagugustuhan niya, maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi siya magugustuhan," sabat pa ni Nicolette sa tono na parang nangangasar pa.Napakunot ang noo ni Ferlyn. "Ha? Bakit? Dahil ba may girlfriend na?"Biglang natawa ang lukaret kong kaibigan. "Girlfriend? Baka---" Kaagad kong tinakpan ang bibig niya at palihim siyang pinanlakihan ng mata.Muli akong bumaling kay Ferlyn. "Ha? Wala pa sa isip ko 'yan. Aral muna," pagdadahilan ko at inirapan ang intrimitidang ito.Hinila ko siya at pumunta muna kami sa Cafeteria. "Ikaw talagang babaita, napakadaldal mo!"Bumungisngis lang siya. "Alam mo, friendship. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng straight na lalaki sa mundo, si C2 pa ang napili mo."Pinanlakihan ko siya ng mata. "C2 ka riy
last updateLast Updated : 2020-10-29
Read more
Notebook of Love
NOTEBOOK OF LOVE Lahat ng tao ay may kan'ya-kan'yang crush sa mundo. Minsan nga tinanong ako ng kaklase ko kung sino ang crush ko. Hindi ako nakapagsalita dahil 'yung mismong crush ko ay nakatingin sa amin. Sinabi ko na lang na wala lalo na't chismosa pa 'yung kaklase kong nagtanong sa 'kin. Sigurado ako na makakarating kaagad 'yon sa crush ko at iyon ang isang bagay na kinatatakutan ko. Oo, duwag ako sa nararamdaman ko. Ayokong malaman niya, ayokong maging awkward kami sa isa't isa. Pero sabagay, hindi naman talaga kami close e. Pero kahit na. Ayokong malaman ng iba ko pang mga kaklase na may gusto rin ako kay Janus. Hindi kasi ako katulad ng iba na nagpapakamatay pa sa kilig kapag nakikita 'yung crush nila. Hindi ako katulad ng iba na very vocal sa nararamdaman nila to the point na ipagduldulan nila sa harap ng mga crush nila ang mga salitang, "Hi, crush! I exist!" Hindi ako gano'n ka-OA sa nararam
last updateLast Updated : 2020-10-30
Read more
Hi, I'm Fey
HI, I'M FEY "Kurimaw ka! Bumalik ka rito!" sigaw ko, matapos akong takbuhan ng tinaguriang bully lord ng school namin na nagngangalang Fey? Bumuntong hininga ako. Hay, naku! Hindi ko alam. Hindi ko mahuli-huli ang kurimaw na 'yon. Daig pa ang kabayo sa bilis ng takbo. Naalala ko nga noong una ko siyang nakita. Hindi ko akalain na siya pala ang damuho na pumiperwisyo sa mga miyembro ng Student Council na ako mismo ang Presidente. Napansin ko na may isang lalaking nakatingin sa' kin. Hanggang sa lumapit siya. He looked absolutely familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. Napangiti siya and I find him so cute. "Hi, I'm Fey," sabi niya at inilahad pa ang isang kamay niya sa harap ko. Biglang nagsalubong ang kilay ko. "Ayokong ma-offend ka pero, are you gay?"  Napahinto siya sandali. "Sa gwapo kong 'to? Bakla ako?" Bigla
last updateLast Updated : 2020-10-31
Read more
Sentimental Value
SENTIMENTAL VALUE  "Hello, Robemel? Nand'yan ka pa ba? Hindi nga kasi ako puwede sa linggo dahil may tatapusin pa ako sa opisina. Alam mo naman 'yung mukhang surot kong boss di ba? Mukhang type pa yata ang lola mo dahil ako na lang ang palaging nakikita. Nakakaloka!" natatawang biro niya na sinamahan niya pa ng pag-ikot ng kaniyang mata. "Basta doon pa rin tayo magkita-kita ah? Miss na miss ko na kayo ni Sheena," sabi niya sa kaibigan. Kanina pa pala ito tumatawag sa kanya. Niyaya siya nito para makapagbonding na sila ulit. Isang buwan kasi siyang subsob sa trabaho kaya hindi niya nagawang makipagkita sa mga kaibigan niya. T'yak na nagtatampo na sa kanya ang kaibigang si Sheena. Gusto niya kasing ipunin ang mga ibinabayad sa kanya sa tuwing mag-o-overtime siya para ipambayad sa mga pinagkakautangan niya. Hindi niya lang masagot dahil nasa loob niya ng opisina ng kaniyang boss. Wala itong ginawa kundi talakan siya sa araw na ito.
last updateLast Updated : 2020-11-01
Read more
DMCA.com Protection Status