Home / Romance / Kaleidoscopic Love / Undeniably Yours

Share

Undeniably Yours

Author: Youniqueen
last update Last Updated: 2020-10-27 13:27:51

Undeniably Yours

"Baby!"

Napatigil ako sa pagtipa sa keyboard nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon sa labas ng bahay namin.

Unti-unting sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ko. Tumayo ako mula sa swivel chair at mabilis na sumulyap sa salamin para tignan kung maayos ba ang itsura ko.

Bago lumabas ng bahay, huminga ako ng malalim at itinago na lang muna ang ngiti ko na dulot ay kilig. Makikita ko na naman siya.

Binuksan ko yung gate at labis akong namangha sa aking nakita. Naramdaman kong unti-unting nag-alboroto ang puso ko nang makita ko siyang nakasandal sa pader habang nasuksok ang magkabilang kamay niya sa bulsa.

Unti-unting nag-angat ang tingin ko at bigla akong napalunok nang sumilay ang isang magandang ngiti sa labi niya na dahilan para kumabog ng malakas ang puso ko na tila ba'y nais nitong lumabas mula sa dibdib ko.

"How are you baby?" He let out a soft and teasing laugh. "My crying baby."

Nawala ang sayang nararamdaman ko at biglang napasimangot. "Stop calling me crying baby. Nakakainis ka!" sambit ko.

Hindi siya natinag. Ngumiti lang siya ng malapad at nagpacute na naman sa akin. "Nasaan si Jeoff?"

Nagcrossed arms ako at nag galit-galitan kunwari. Kita mo 'to, ako yung nandito pero iba ang hinahanap. Buti nga si kuya Jeoff ang hinahanap niya at hindi si ate Shey. "Mukha ba akong hanapan ng mga nawawalang tao? Pumunta ka doon sa outpost baka makita mo. Update mo na lang ako." pilosopong sagot ko.

Mas lalo siyang napangiti na tila ba'y naaaliw pa. Nagulat na lang ako ng bigla siyang lumapit sa akin at ikinulong ako sa pagitan ng braso niya na nakadikit sa gate. 

My heart almost jump out of my chest when he smile and lower down his head. My eyes widened in shock. Bigla akong napalunok dahil pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga na tumama sa noo ko. Mas lalo niya pang ibinababa ang mukha niya habang nakatitig sa akin at nakangiti. Dumagundong ang puso ko. Biglang nanlambot ang tuhod ko habang magkahinang ang mata namin. 

"La...L-laud," nauutal na sambit ko kasabay ng isang malalim na paglunok. Our faces are just inches away. Parang konting kilos na lang, tuluyan ng magdidikit ang mga mukha namin. Amoy na amoy ko na ang mabango niyang hininga. Amoy fresh mint.

Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit gustong-gusto ko ang lalakeng ito. Dahil kayang-kaya niyang pabilisin ang tibok ng puso ko na para bang nakikipaghabulan ako sa kabayo.

"L-laud...a-ano b-bang...g-ginagawa m-mo?" utal na tanong ko. Paulit-ulit akong napalunok. Dapat sanay na ako dahil mahilig siyang mangasar ng ganiyan. Pero hindi eh. Palagi na lang naghuhurumentado ang puso ko.

Sumilay ang pilyong ngiti sa maliit at mapula niyang labi. "Gusto ko lang ipaamoy sa'yo kung mabango ba yung mouth wash na bagong bili ko." mahina ngunit mapang-akit na usal niya na kumiliti sa puso ko.

Natigilan ako habang nakatitig sa kanya. Nablanko ang isip ko sa pamatay na ngiti niya. Hanggang sa unti-unti na itong nag-sink sa isip ko.

"Gusto ko lang ipaamoy sa'yo kung mabango ba yung mouth wash na bagong bili ko."

Biglang nag-init ang dalawang tainga ko sa sobrang inis kaya gamit ang dalawang kamay ko, idinikit ko iyon sa dibdib niya at itinulak siya palayo sa akin.

"Nakakainis ka talaga! Doon ka na nga!" inis na sambit ko at nagmartsa paalis. Loko-loko talaga 'yon. Nagbibiro ng ganon para lang ipaamoy sa akin kung mabango ba ang bagong mouth wash na binili niya? Ugh. Bakit ano bang inaakala ko? Hahalikan niya ako?

Gusto kong iuntog ang sarili kong ulo dahil sa huling naisip ko. Loka ka talaga Jesriel Del Mundo! Kababae mong tao iyon talaga ang inisip mo? Naku.

Papasok na ako ng bahay nang makasalubong ko si kuya Jeoff. 

"Oh, Jes, bakit namumula ka?" Hindi ako sumagot at bumusangot lang ako at nag roll eyes. Lumingon siya sa direksyon ni Laud at tila nagulat. "Oh, dude, anong ginagawa mo dito? Manliligaw ka na naman?" pabirong wika ni kuya Jeoff.

Narinig kong natawa si Laud. "Dota tayo dude."

Pumalatak si kuya. "Sus. Para-paraan mo dude. Manliligaw ka ba o mangangasar?" natatawang sambit ni kuya sabay baling sa direksyon ko. "Kaya naman pala para kang inatake ng isang milyong langgam dahil nandiyan si Laud. Nandiyan na ang bubuo ng araw mo." mapangasar na wika niya.

Umusok ang ilong ko at sinamaan siya ng tingin. "Isa ka pa eh! Magsama nga kayong dalawa!" singhal ko atsaka ako nagmartsa papasok sa bahay.

Nakakainis talaga ang dalawang 'yon. Pasalamat talaga ang Laud na yan ang gusto ko siya eh. Kung hindi, matagal ko nang sinampiga ang mukha niya.

Sa tuwing magkikita kami palagi na lang akong inaasar. Join force pa nga sila ni kuya. Kainis din si kuya Jeoff eh. Ako yung kapatid pero nangunguna pa sa pambubully sa akin.

Noong bata pa lang kami ni kuya Jeoff, close na kami. Tapos ng nag high school siya, doon niya na rin nakilala at naging kaibigan si Laud. Noong mga panahon na iyon, elementary pa lang ako at naglalaro pa ng barbie doll. Pero nang makita ko si Laud. Nang una kong masilayan ang mukha niya, bigla na lang naghyperventilate ang puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. 

Iyon ang unang beses na tumibok ng ganoon kalakas ang puso niya na tila ba mabibingi na ako. Nang mga panahon na iyon, ang buong atensyon ko ay nasa kanya lang.

Naalala ko pa nga noong araw na una ko siyang nakita...

Tumakbo kami pababa ng hagdan ng bestfriend kong si Ylona nang makita namin mula sa bintana ng kwarto na may kasamang mga kaklase niya si kuya Jeoff pagkauwi nito galing school.

"Yla, sino yung kasamang lalaki ni kuya?"

Nag-shrug siya. "Ewan ko."

Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng hagdan, bigla akong nadulas dahil mayroon pa pa lang isa pang step na hindi ko nakita.

"Araaay! Araaay ko!" namilipit ako sa sakit ng tumama ang pang-upo ko. Pakiramdam ko nabali ang gulugod ko. Napaluha ako sa sakit hanggang sa ngumalngal na ako.

Biglang nataranta si Yla dahil nagulat din siya sa nangyari. Dumugo na rin kasi ang siko ko dahil nagasgas ito. "Jes, tumahan ka na." pang-aalo niya sa'kin ngunit mas lalo ko pang nilakasan ang iyak ko.

"Araaay ko mommy! Ang sakit!" ngawa ko habang nakaupo pa rin sa sahig at pumapadyak-padyak pa.

"Anong nangyari? Bakit umiiyak si Jesriel?" tila gulat na sambit ni kuya at bigla na lang umupo para pakalmahin ako. "Hey, stop crying. What happened?" Hindi ko siya sinagot at mas lalo lang akong umiyak.

"Kuya Jeoff, nadapa po kasi si Jes tapos po umiyak siya. Hindi ko nga po siya mapatahan eh." paliwanag ni Yla.

Nasapo ni kuya Jeoff ang ulo niya. "How many times do I have to tell you Jesriel? Wag kang tumatakbo pababa ng hagdan!" panenermon niya tapos binuhat niya ako at inupo sa sofa. "Kapag nalaman 'to ni mommy at daddy ako na naman ang mapapagalitan dahil sa'yo. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Mas lalo lang akong naiyak.

"Dude, tama na. Mas lalo mo lang pinaiiyak yung bata." biglang sagot ng isang lalaking kasama niya. Hindi ko siya makita ng maayos dahil hilam sa luha ang mata ko.

"Hindi na ako bata!" bulalas ko pa.

"If you're not a kiddo anymore, bakit umiiyak ka pa rin na parang baby?" nahimigan ko ang mapangasar na tono ng boses niya na nagpainit ng ulo ko.

Tuminga ako. "Hindi na sabi ako ba--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tuluyang lumapat ang tingin ko sa kanya. Nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga ko. My heart skip a beat. Pakiramdam nagliwanag ang buong paligid at naramdaman kong may mga paro-parong sumasayaw sa tiyan ko.

"Laud Henares?" gulat na sambit ko.

Ngumiti siya na mas lalong nagpakabog ng dibdib ko. "Hmm?" usal niya.

Napalunok ako. Siya nga! Siya nga yung crush ko. Yung math genius ng school namin noon na nag-aaral pa siya doon. Hindi ako makapaniwala na kaibigan siya ni kuya Jeoff at kaklase pa ngayon.

"Stop staring at me like that young lady." biglang wika niya. "Baka isipin ko na niyan na pinagpapantasyahan mo na ako." Pakiramdam ko, lahat ng pulang dugo ko ay umakyat na ngayon sa mukha ko. Sobrang nag-iinit ang dalawang pisngi ko.

"Potek ka dude. Pati ba naman kapatid ko tataluhin mo?" sabat ni kuya at nagtawanan silang dalawa. 

Matagal ko na siyang kilala. Grade 5 pa lang ako noon tapos Grade 6 siya. Sikat kasi yan sa school. Tapos ngayon na Grade 6 na ako, high school na sila ni kuya Jeoff.

"Wait, kukunin ko lang yung first aid kit. Nagdudugo pa rin yung sugat ni Jes oh." sambit ng isang babae. Doon ko lang napagtanto na nandito na rin pala si ate Shey. Pinsan namin.

Biglang umupo sa tabi ko si Laud. Tumaas ang balahibo nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Para bang nakuryente ako. 

"Patignan nga," sambit niya habang titig na titig doon sa siko ko na may galos. "Maliit lang naman. Gagaling din yan." Mas lalo akong kinilabutan ng bigla niya itong hinipan ng dahan-dahan. Bigla akong nagyelo sa kinauupuan ko dahil naramdaman ko ang mainit niyang hininga na tumama sa balat ko.

Napapitlag ako nang mapatingin siya sa akin. Kaagad akong napalunok nang ngumiti siya. Hindi talaga ako makapaniwala na si Laud ang kaharap ko ngayon. Para akong nananaginip. 

"Masakit pa ba CB?" nakangiting sambit niya.

Kaagad na nagsalubong ang kilay ko. "CB?" Cookie bear? Eww. Ang baduy.

Nagulat ako nang ngumiti siya na tila nanunukso. "Crying baby."

Natigilan ako sandali hangga't sa unti-unting namula ang mukha ko sa inis. "Hindi nga ako crying baby!" 

Hindi naman siya natinag at mas lalong ngumiti ng mapang-inis. "Don't worry, hindi ko ipagkakalat na crying baby ka promise."

"Heh!" Inirapan ko na lang siya kahit nagngingitngit ang kalooban ko sa sobrang inis. Pasalamat talaga ang lalaking 'to at siya si Laud Henares. Kundi, kanina ko pa siya tiniris na parang kuto!

Bumalik ako sa reyalidad at humiga sa kama. Bigla akong napabuntong hininga.

Doon nagsimula ang lahat. Dahil madalas siyang pumunta sa bahay at asarin ako ng CB, hindi naglaon ay naging magkaibigan kami. Nakakatawa nga dahil para kaming aso't pusa. Ngunit noong pumunta kami sa Tagaytay para magbakasyon kasama si kuya Jeoff, ate Shey, Yla, kuya Troy na kuya ni Yla at bestfriend din ni kuya Jeoff at Laud. Doon kami naging malapit sa isa't-isa. Hindi niya muna ako inasar ng CB na siyang ikinatuwa ko. At pagbalik namin sa manila, hindi na kami mapaghiwalay dalawa. 

Nakakatawang isipin na yung taong kinaiinisan mo noon, hindi mo aakalain na magiging bestfriend mo ngayon. Marami pala kaming similarities. Pareho rin kaming mahilig kumain ng maa-anghang na pagkain. Pareho kami ng mga gustong sport. Minsan nga nagtatampo na si kuya Jeoff kay Laud dahil imbis na si kuya, ako na ang palaging kasama niya. Parang bumaliktad daw ang mundo. Para daw nag-apoy ang araw. In other words, para daw nagkaroon ng himala.

Pati nga ang bestfriend kong si Yla nagtampo na sa akin. Ipinaliwanag ko naman sa kanya na masaya lang ako dahil first time kong magkaroon ng bestfriend na lalake at imagine, si Laud Henares na pinagkakaguluhan ng mga babae.

Kaya simula noong maging magkaibigan kami, naging pala-ayos na ako sa sarili ko. Ayoko kasing pagtawanan siya ng iba dahil may nene siyang kasama. Iniisip ko nga noon, gusto ko ng maging dalaga agad. Para magustuhan din ako ni Laud.

Huminga ako ng malalim habang nakangiti. Oo, gusto ko si Laud. Matagal na. Noong bata pa lang ako.

Dati naman wala 'to eh. Simpleng crush lang. Ginagawa pa namin yung pangkaraniwan na ginagawa ng magbestfriend. Masaya lang kami habang magkasama. Naghaharutan. Nagtatawanan. Pero bigla na lang naiba ang nararamdaman ko. Bakit bigla na lang tumibok ang puso ko para sa isang tao. Alam kong hindi lang ito isang kathang isip. 

Alam ko sa sarili ko na gusto ko talaga si Laud.

Kinabukasan

Nagpulbo ako at nagsuklay. Naglagay din ako ng konting lipgloss. Mamaya bigla na lang sumulpot si Laud. Naku. Mahirap na. Sa tuwing nandiyan nga siya, hindi ako mapakali. Talagang hindi na lang kaibigan ang tingin ko sa kanya.

Palabas na ako ng room para magrecess nang may nahagip ang mata ko na isang pamilyar na tao na nakatayo sa corridor malapit sa room namin.

Bigla akong nagyelo sa kinatatayuan ng mapagtanto ko kung sino iyon. Hanggang sa unti-unti siyang lumapit sa akin habang nakangiti. Hindi niya na inalintana ang ingay ng paligid kahit na nagtitilian ang mga kaklase ko.

"Anong ginagawa mo dito?" kunot-noong tanong ko kay Laud. Kahit kasi magbestfriend kami hindi yan pumupunta dito sa room dahil ayokong pag-chismisan kami. 

Tumaas-baba ang balikat niya. "Sinabi ni Troy na hindi pumasok si Ylona dahil may sakit kaya naisip kong sunduin ka na lang dito sa room niyo."

Sinasabi ko na nga ba. Buti na lang nagpaganda ako. "Oh, bakit mo ako susunduin? Ano ako, kinder?" pilosopong sambit ko kaya bigla siyang natawa.

"Ang sungit mo talaga baby. Tara, sabay na tayo magrecess. Nagugutom na rin ako." Hindi na ako nakapalag pa nang hawakan niya ako sa pulso at hilahin papunta sa canteen. Basta talaga ang lalakeng 'to, hindi ako makatanggi.

Pagkarating namin sa canteen ng Freedom high school, mas lalo pang dumami ang nagtitinginan sa amin kaya naman nagsisimula na akong mailang. Kung sa bahay o sa ibang lugar okay lang na sabay kaming kumain. Pero dito sa school nilalagyan nila ng malisya. 

"Don't mind them. Just stay here okay? Let me buy our foods." wika ni Laud kaya tumango na lang ako. Napansin niya rin pala na pinagtitinginan kami? 

"After Arthurine Rodriguez, siya na ba ang bagong girlfriend ni Laud? Gosh. She's not even pretty." 

Napalingon ako doon sa isang babae na nagsalita na hindi naman kalayuan sa table namin. May mga kasama siya at lahat sila'y nakatingin sa akin at inirapan ako.

Hindi ko na lang iyon inintindi dahil bigla kong naalala ang pangalan na sinambit ng babae. Arthurine Rodriguez? Kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa mga ex-girlfriends ni Laud.

Napangiti ako ng malungkot. Sabagay, ano nga naman ang panama ko sa mga magagandang ex-girlfriends ni Laud? Kapag may kasama nga kami, mukha lang akong nakababatang kapatid niya. 

Kaya minsan, kahit na pumapasok sa isip ko na baka magustuhan din ako ni Laud tutal palagi naman kaming magkasama at bestfriend niya ako. Ngunit sa tuwing mapagtatanto ko ang lahat, doon ko naiisip na wala naman talaga akong pag-asa sa kaniya. Kaya ayoko na lang paasahin ang puso ko. 

Nakakatawa nga isipin na siya gusto ko, pero para sa kanya bestfriend niya lang ako. At ang mas masaklap pa doon, isa lang akong nakababatang kapatid.  Samantalang two years lang naman ang age gap namin.

Sa tuwing magkasama nga kami at napapansin ko na may mga babaeng umaaligid sa kanya, hindi ko maitatangging nagseselos ako. Minsan nga natatakot na rin ako at baka nahahalata niya ng may gusto ako sa kanya. Natatakot ako. Natatakot ako na baka isang araw, magising na lang ako na wala na siya't nilayuan niya na ako. Iyon ang isa sa pinaka kinatatakutan ko sa buhay ko. Ang mawala si Laud.

"Tapos ka na ba sa pagde-day dream?"

Bigla akong tumikhim ng malakas ng mapagtanto kong nakaupo na si Laud sa harap ko. "K-kanina ka pa ba diyan?"

Umiling siya at inilapat sa harap ko yung pagkain. "Hindi naman. Kauupo ko lang," sambit niya at nagsalubong ang kilay niya. "Gaano ba kalalim ang iniisip mo at hindi mo man lang napansin na nandito na ako?"

Kaagad akong napalunok at umiling. "Ah, hindi naman. May naalala lang ako. Tara kain na tayo." pag-iiba ko kaya tumango na lang siya.

Tahimik kaming kumain hanggang sa may dumaang isang pamilyar na babae sa harap namin. Si Arthurine. Napatingin ako sa kanya ganon din si Laud. 

"Ang ganda niya 'no?" bulalas ko. Mukha pala siyang manika sa malapitan.

"Mas maganda ka." 

Pakiramdam ko biglang huminto ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang mga katagang sinambit ni Laud. Ngunit ng unti-unti na akong napatingin sa kanya, muling naghurumentado ang puso ko dahil nakatitig siya sa akin. Bigla akong napalunok kasabay ng pag-init ng dalawang pisngi ko. 

"S-sus bolero!" sambit ko sabay ngiti upang pagtakpan ang nararamdaman ko. "Bestfriend mo kasi ako kaya sinasabi mo 'yan. Pero ang totoo, siya naman talaga. Magiging ex-girlfriend mo ba siya kung hindi yan maganda?" 

Hindi siya natinag at nakipaglaban pa siya ng titigan sa akin. Halos kumawala ang puso ko sa loob ng dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog nito. "Kaya nga kami naghiwalay diba? Dahil naghahanap ako ng mas maganda. Hindi lang panlabas dahil gusto ko maging ang kalooban ay maganda rin," sambit niya at napangiti ng bahagya. "But I realize, kaya pala hindi ko makita ang babaeng 'yon dahil yung magandang babae na hinahanap ko ay nasa harap ko na." 

Kaagad na nag-sink sa akin yung sinabi niya kaya mas lalong nag-init ang magkabilang pisngi ko. Para akong pinakain ng isang milyong sili. Ngunit ang tanging nagawa ko lang ay tumawa. "Hands down na talaga ako sa pagiging bolero mo Laud." biro ko kahit na ang totoo'y kinilig ako sa sinabi niya.

Nawala ang ngiti niya at tinignan ako ng seryoso. "Tss. Naturingan na bestfriend kita pero kahit kailan hindi ka naniwala sa mga sinasabi ko." nahimigan ko ang pagtatampo sa boses niya.

"Kapag natuto ka na magsabi ng totoo, baka matuto na rin akong maniwala sa mga sinasabi mo." natatawang wika niya.

Mabilis na lumipas ang ilan pang araw. Madalas na lang kaming magkita. Napansin ko na tila nagiging malayo na sa akin si Laud dahil sa tuwing pupunta siya sa bahay, tanging si kuya na lang ang palagi niyang pinapansin. Kinakausap niya ako pero hindi na siya nakikipagbiruan sa akin. Hindi niya na ako kinukulit o tinatawag na cry baby. 

Kinakabahan na ako sa inaasal niya. Parang unti-unti na siyang nag-iiba. Parang inilalayo niya na talaga ang sarili niya sa akin. Nalulungkot ako at hindi mapakali sa araw-araw dahil iyon ang isang bagay na labis kong kinatatakutan at tila mangyayari na nga.

"Yla, madalas bang pumunta sa inyo si Laud?" tanong ko habang nasa canteen kami.

"Oo. Palagi silang magkakasama nila kuya. Tapos minsan nakikita ko rin siyang kausap si ate Shey doon malapit sa may plaza." 

Bigla akong natigilan at parang kinurot ang puso ko sa aking narinig. "S-si ate Shey?"

Tumango si Yla habang nakakunot ang noo. "Hindi mo ba napansin 'yon samantalang ikaw 'tong bestfriend niya." sambit niya na tila pumana sa puso ko. Tama siya. Naturingan na bestfriend ako pero wala akong alam. "Noong mga nakaraang araw, napansin ko na palagi silang magkasama. Magkaibigan naman sila pero parang mas naging malapit pa sila sa isa't-isa."

Natigilan ako at biglang napalunok. Pakiramdam ko biglang pinaulanan ng sibat ang puso ko. Noon, nilalayuan niya rin ako kapag may bago siyang nililigawan. Pero noong maging magkaibigan kami, hindi ko nabalitaan na nagkagirlfriend na siya ulit. Kaya kung hindi ako nagkakamali...

Hindi kaya may gusto si Laud sa pinsan kong si ate Shey?

Ipinilig ko ang aking ulo. Maari nga mangyari iyon ngunit hindi pa ako sigurado. Kailangan ko pang malaman ang totoo.

Dumaan pa ang ilang araw. Napansin kong naging mas malapit na nga sa isa't-isa si ate Shey at Laud. Iyong ginagawa niyang pangungulit at pagpapatawa sa akin noon, kay ate Shey niya na ginagawa ngayon. 

Ngumiti ako ng walang saya. Samantalang ako, parang hangin na lang na dinadaanan niya. Iyong buong atensyon niya'y nalipat na kay ate Shey.

Ngunit isang araw, bigla na lang siyang lumapit muli sa akin. Papauwi na sana ako.

"Hi, CB. Namiss kita." nakangiting sabi niya.

Kahit nakakalungkot napangiti na lang din ako. Kung hindi ko lang siguro alam na may gusto siya kay ate Shey baka kinilig na ako. "Namiss ka d'yan samantalang nakita mo naman ako kahapon." Hindi mo nga lang ako pinansin dahil busy ka sa kanya. Gusto ko sanang idagdag ngunit hindi ko na ginawa.

Bahagya siyang natawa. "Himala hindi ka na naiinis kapag tinatawag kitang CB."

Huminga ako ng malalim at inayos ang back pack ko. "Nasanay na siguro ako." nakangiti din ng bahagya na sambit ko atsaka umiwas ng tingin. 

"Jes, may problema ba?" Muli akong napatingin sa kanya at napansin kong wala na ang ngiti sa labi niya. Puno na ng pagtatanong ang kaniyang mata.

Problema? Ako, wala. Pero yung puso ko meron. Dahil sa paglipas ng araw, unti-unti na itong nadudurog. Iwanaglit ko iyon sa isip ko. "Problema? Ah, wala naman. Ikaw ba?" balik tanong ko upang mawala ang namumuong tensyon sa pagitan namin.

Kaagad siyang umiling ngunit hindi niya tinanggal ang tingin niya sa'kin. Pinagmasdan niya lang akong mabuti. 

Huminga ako ng malalim. Pinilit kong umarteng normal sa harap niya kahit alam ko na ang katotohanan na hindi na kami kagaya ng dati. Hindi na kami basta magkaibigan lang. May mga nagbago na. Tulad ng damdamin ko at ganoon din sa kanya. Ngunit ang masakit doon, the feeling is not mutual. 

"May kailangan ka pa ba?" untag ko.

Kitang-kitang ko ang pagsilay ng lungkot sa mata niya. "Mag-arcade muna tayo. Kagaya ng palagi nating ginagawa."

Napalunok ako. Gusto kong maiyak dahil sa sinabi niya. Kagaya ng ginagawa namin dati? Ngunit hindi na pwede. Hindi na. "Pasensya na, pupunta pa kasi ako sa bahay ng kaklase ko dahil may gagawin kaming project. Next time na lang." Pagdadahilan ko kahit hindi naman totoo atsaka ako ngumiti ng pilit. "Sige alis na ako."

Tumalikod na ako at bago pa man ako humakbang palayo, tuluyan ng bumagsak ang mainit na likido galing sa mata ko. 

Gusto ko siya pero may gusto na siyang iba kaya siguro kailangan ko ng umiwas.

Pero ang hirap pala 'no? Kung sino pa yung taong gustong-gusto mong lapitan, siya pa yung taong dapat mo ng layuan.

Gusto ko siya itulak papalayo para hindi na ako mas lalong mahulog sa kanya. Pero madalas gusto ko nandiyan lang siya sa tabi ko. Kahit hindi niya ako gusto. Kahit hindi niya masuklian ang nararamdaman ko. Masaya na ako basta nandiyan lang siya sa tabi ko.

Pero hindi na iyon maaari dahil patuloy ko lang sasaktan ang puso ko. Patuloy lang akong aasa sa wala.

Ilang araw pa ang lumipas napansin ko na hindi na palaging kasama ni Laud si ate Shey. Gustong magdiwang ng puso ko dahil doon ngunit alam kong mali iyon. Maling maging hadlang sa pag-iibigan ng dalawang tao. Siguro busy lang si ate Shey kaya bihira na sila magkita.

"Jes, buo na ba talaga ang desisyon mong layuan si Laud?" biglang untag sa akin ni Yla kaya napatingin ako sa kanya. Kasalukuyan kaming nandito sa kwarto ko. "Eh, paano mo siya lalayuan? Tignan mo nga nandiyan siya sa baba niyo kasama si kuya Troy at kuya mo."

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. "Iyon na nga ang mahirap doon. Para bang pinagtitripan ako ng tadhana at pilit na inilalapit sa kanya."

Nalungkot ang mukha ni Yla. Bilang bestfriend ko, alam niya ang alam. "Paano 'yan?" nag-aalalang tanong niya. "Pero alam mo ba Jes, sa tuwing nasa bahay yan si Laud, wala yan bukambibig kundi ikaw."

Natigilan ako. Parang huminto sa pagtibok ang puso ko nang marinig ko iyon. Wala siyang bukambibig kundi ako? Minsan nagtataka na rin ako. May mga ikinikilos siya na sadyang nagpapagulo sa isip ko. Mas lalo na sa puso ko. 

Ngunit alam kong hindi. Hindi totoo iyon. "Syempre bestfriend niya rin ako kahit papaano. Natural lang 'yon." pangungumbinsi ko hindi lang sa kanya pati na rin sa sarili ko.

Napailing siya na tila 'di sang-ayon sa sinabi ko. "Hindi. Iba eh. Nakangiti pa nga siya habang nagkukwento. Alam mo pakiramdam ko talaga, hindi lang kaibigan ang turing niya sa'yo. Kundi higit pa doon. Bulag ka lang kasi kaya hindi mo nakikita. Pero kung babasahin mo ang body language niya, madali mo iyon malalaman." giit ni Yla.

Hindi ko napigilang ngumiti dahil sa sinabi ni Yla. 

Napansin ko sa tuwing magkasama kami ni Laud, habang salita ako ng salita, mahuhuli ko na lang siyang titig na titig sa akin. Tapos sabay ngingiti. Tila ba'y pinagmamasdan niya pa ako. Ang gulo niya. Nalilito ako. Hindi niya ba alam na mas lalo niyang ginugulo ang isip ko. 

Mas lalo niya itong binibigyan ng pag-asang mahalin pa siya lalo. 

Nakakatawang isipin na noon pa man, gusto ko ng aminin sa kanya 'tong nararamdaman ko. Pero may parte sa isip ko na pinipigilan akong gawin 'yon. Dahil alam ko, sa huli, masasaktan lang ako kapag ipinagpatuloy ko ito.

Nakakainis lang dahil ang tagal ko siyang hinintay. Sabi ko kapag nagdalaga ako, gusto ko ng isang lalaking sweet. Lalaking hindi ako ikahihiya. Lalaking ipagtatanggol ako kahit kanino. Lalaking mamahalin ako ng sobra. Dumating nga siya, pero ang masaklap doon, nakapatid-zoned lang ako. Ang sakit.

Hinatid ko hanggang sa gate si Yla dahil mauuna na siyang umuwi sa kuya niya. Pagbalik ko napansin ko na si kuya Jeoff at Troy na lang ang nasa sala at wala na si Laud.

"Jes,"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang malamyos na boses na iyon na gustong-gustong marinig ng puso ko.

Pagharap ko, halos tumalon ang puso ko nang magtama ang paningin namin. "Hmm, bakit? May kailangan ka ba? Matutulog kasi ako." Inunahan ko na siya.

Kaagad na rumihistro sa mata niya ang lungkot. Dahil ba sa'kin iyon o kay ate Shey?

"Jes, iniiwasan mo ba ako?" mahinang sambit niya ngunit sapat na upang marinig ko.

Bigla akong napalunok. "Hindi." Kasinungalingan. Pati ang sarili ko niloloko ko na. Ayoko kasi talagang malaman niya na may gusto ako sa kanya. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin ng ganun-ganun lang. 

Huminga siya ng malalim. "Kung ganon, pwede bang dito ka muna? Samahan mo muna ako kahit saglit lang."

Nakipagtagisan muna ako ng titigan sa kanya hanggang sa ako na rin ang unang sumuko. Bumuntong hininga ako at tumango. Unti-unti siyang napangiti kaya lumapit na ako sa kanya. Umupo kami sa Veranda.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Hanggang sa siya na rin ang kusang bumasag non.

"Bukas na ang JS Prom ah? Pupunta ka ba?" tanong nito.

"Hindi ako pupunta. Ano naman ang gagawin ko doon? Tutunganga? Matutulog na lang ako." sambit ko habang sa malayo nakatingin. Pilit kong iniiwasan ang tingin niya. Ngunit tila may nag-uutos sa akin na tumingin 

"Bakit hindi ka ba niyaya ng manliligaw mo?" 

Bigla akong napalunok habang magkatitigan kaming dalawa. Parang nilulunod ako ng nga titig niya.

Hanggang sa narealize ko ang sinabi niya. 

Those words hit me. 

Sinabi ko kasi sa kanya na may nanliligaw na sa'kin para hindi ako magmukhang kawawa sa paningin niya. Para hindi niya na rin mahalata na may gusto ako sa kanya. Pero wala naman akong manliligaw. Invisble lang 'yon. Nang sinabi ko nga 'yon sa kanya, sabi niya kikilatisin niya daw ito. Natuwa ako dahil may pakialam siya sa'kin ngunit nalungkot ako dahil concern lang si Laud bilang nakakatandang kapatid.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin. "Ah, hindi rin kasi siya pupunta. Kaya akong na rin pumunta dahil wala naman akong makaka-date." pagdadahilan ko.

"Ako, pwede mo naman akong maging date." 

Mabilis ko siyang nilingon na gulat na gulat. Tama ba ang narinig ko. Niyayaya niya akong makipag-date?

Nais tumili ng puso ko sa mga sandaling ito ngunit natigil iyon nang mapagtanto kong hindi naman totoo iyon.

Ngumiti ako ng pilit upang pagtakpan ang masakit na katotohanan. "Niyaya mo ako kasi tinanggihan ka ni ate Shey 'no?" pabirong sabi ko kahit na totoo naman talaga 'yon. 

Palagi na lang akong pangalawa sa taong palagi kong inuuna. Second choice. Ang sakit.

Kinabukasan

Ala-sais ng gabi nang makarating kami sa school para sa pinakahihintay na Promenade.

Oo, kami. Kasama ko si Laud. Akala ko biro lang ngunit ako talaga ang kadate niya. Kahit papaano'y sumaya naman ako. Lalo na nang sabihin niyang ang ganda ko. Lahat nga ng mata ng mga tao lalo na ng mga kakaibahan ay nakasentro sa aming dalawa. Nanliliit nga ako dahil si Laud Henares kaya ang kasama ko.

Ilang minuto lang nagsimula na ang sayawan. Nakakaindak na tugtugin ang unang pinaingay. Ngunit bigla na lang naging sweet song.

"Jes, are you okay?" tanong ni Yla nang lapitan niya ako pag-upo ko.

Bumuntong hininga ako at umiling. "Hindi. Hindi niya pa rin ako niyayayang sumayaw. Manhid ba siya o bulag?" anas ko na may bahid ng hinanakit ang boses.

Noong una pa lang, hinihintay kong yayain niya akong sayaw ngunit tila may hinihintay ito at pabaling-baling. Hindi ito mapakali. Alam kong ang pinsan ko ang hinihintay niya. Ngunit ayokong magmukmok na lang kaya kahit malungkot ako pinilit ko pa rin umarteng normal. Kapag may nagyaya sa aking sumayaw, pumayag ako. 

Si Laud pa naman sana ang gusto kong first & definitely last dance ko ngunit mukhang hindi ito mangyayari. 

"Jes, siguro panahon na para palayain mo naman ang puso mo," seryosong sambit ni Yla at tinapik ang balikat ko. "Wag mo ng ipagpilitan ang sarili mo sa lalaking hindi ka gusto." 

Napangiti ako sa masakit na katotohanan na sinabi ni Yla. Pero hindi naman ganun kadali ang lahat diba? Dahil ngayon, iisipin ko pa lang na kakalimutan ko siya, hindi ko na kaya. Mahirap.

Muli kaming bumalik sa dance floor nang yayain ako ni Clifford sumayaw. Iyong kaklase ko na playboy. Panay nga ang pagpapacute at palipad hangin sa akin. Natatawa na lang ako.

Ngunit nang bumaling ako sa direksyon ni Laud labis akong nagulat sa aking nakita. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko.

Nakatingin sa amin si Laud. Ngunit ang higit na umagaw ng atensyon ko ay ang masama niyang tingin.

Umiwas na ako ng tingin dahil hindi ko maatim ang masamang tingin niya.

Ayaw kong mag-assume na nagseselos siya. Siguro binabantayan lang ako ni Laud bilang isang nakababatang kapatid. Iyon lang naman 'yon diba? Iyon lang.

"Pwede ko bang maisayaw ang DATE KO?"

Napatingin ako sa nagsalita. Namilog ang mata ko at tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko. Si Laud. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko iyon inaasahan.

Tumango lang si Cliff at iniabot ang kamay ko kay Laud. Bigla akong nakuryente nang magdikit ang palad namin.

Hindi ko magawang titigan siya mata sa mata dahil pakiramdam ko, malalaglag ang puso ko habang nagsasaway kami. Dikit na dikit na nga ang katawan namin at dama kong tinititigan niya akong mabuti.

"Bakit ba kung sino-sino ang sinasayaw mo?" 

Napatingin ako sa kanya dahil nagulat ako sa sinabi niya at tila may pagtatampo sa boses nito. 

'Hindi mo naman kasi ako niyayaya' sa isip-isip ko. 

"Busy ka kasi doon kaya hindi na kita inistorbo. Hinihintay mo si ate Shey diba?" tanong ko. 

Napakunot ang noo niya. "Shey?" Tila nagtatakang tanong niya.

Dahan-dahang akong tumango. "Kaya nga hindi ka mapakali diba?" 

Namilog ang mata ko at labis akong nagulat ng bigla hapitin ang baywang ko kaya naman sobrang lapit ko na sa kanya. Halos tumalon ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito sa pagdidikit namin ni Laud. Pakiramdam ko, bigla na lang nablanko ang isip ko.

"Paano kung sabihin ko na hindi siya ang hinihintay ko?" halos pabulong na sambit nito.

Napalunok ako dahil parang may kung anong humarang sa lalamunan ko. "Anong ibig mong sabihin?" Hindi ko alam kung bakit nagwawala ang puso ko.

Mataman siyang tumitig sa akin. "Jes," Huminga siya ng malalim na mas lalong nagpakaba sa akin. "I think I'm starting to kinda like you." Napailing siya. "Oh wait, let me rephrase it. I like you ever since I met you."

Natulala ako. Bigla na lang nablanko ang isip ko. Pansamantang huminto ang tibok ng puso ko pati na rin ang paligid ko. Tila ba'y kami na lang dalawa ang narito ngayon.

Ako. Siya. Kaming dalawa.

God. He like me? Walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Para akong nakalutang sa alapaap. 

"Pero...paano? Bakit?" mahinang tanong ko.

"Bago pa lang kaming maging magkaibigan ng kuya mo, kilala na kita. Gusto na kita. Pero pinigilan ko ang sarili ko dahil alam kong bata ka pa." Huminto siya. "Hanggang sa naging kaibigan ko ang kuya mo. Hanggang sa nakita kita ulit. Muling bumalik ang paghanga ko sa'yo." 

Sa pagkakataong ito, hindi ko na talaga alam ang sasabihin. Parang umurong ang dila ko at sa mga sandaling ito, gusto ko lang ay pakinggan siya. Titigan siya. Alamin ang totoo.

"I admit it. I'm a coward because I'm afraid to tell you. Kahit na noong una pa lang gusto ko ng sabihin sa'yo ang totoo. Pero iba pala kapag inatake na ang tao ng selos 'no?"

"Pero...paano? Paano na si ate Shey? Hindi ba't gusto mo rin siya?" matapang na tanong ko.

Nagulat siya dahil biglang nanlaki ang mata niya. "What? It's not true."

"Eh bakit mo ako nilayuan? Bakit kayo magkasama palagi?" parang bata na tanong ko dahil naramdaman kong nakatulis ang nguso ko.

Huminga siya ng malalim. "Well yeah, I admit it. Iniwasan kita upang pigilan ang mas lumalalang nararamdaman ko. Pero hindi ko pala kaya." sambit niya. "Palagi ko lang nakakausap si Shey dahil siya ang nagsasabi sa akin ng mga bagay na gusto at ayaw mo. Kahit magkasama kami palagi, ikaw pa rin ang pinag-uusapan namin. Kaibigan ko lang din siya dahil sa kaniya ko unang inamin na gusto kita. Bago pa iyon malaman ng kuya mo."

This time, mata ko naman ang nanlaki. "What? Alam ni kuya Jeoff? What did he say?"

"Hey calm down baby," nakangiting sambit niya at mas lalo pang hinapit ang baywang ko. Naramdaman ko na lang ang mga paru-parong nagsasayawan sa tiyan ko dahil sa kilig. "Alam na ng kuya mo. Nagpaalam ako at sinabi niyang, papayag siya basta wag lang kitang paiiyakin dahil sasaktan niya daw ako." 

Bahagya akong natawa kahit kelan talaga si kuya. Hay, ang sarap sa pakiramdam. Naramdaman ko lang na nangingilid na ang luha ko sa mata.

"Tsk. Ang hirap kaya non. Crying baby ka pa naman." panunukso niya kaya nahampas ko siya ng mahina sa dibdib.

"Ikaw talaga!" Naramdaman ko na lang ang luha kong sunod-sunod na bumagsak galing sa aking mata dahil sa sobrang saya.

Nagulat naman siya. "Tignan mo ngayon pa lang umiiyak ka na." Napailing siya habang nakangiti at pinunasan ang luha ko. "Papaiyakin kita pero sinisiguradong tears of joy iyon. Dahil ipinapangako ko, hindi kita sasaktan."

Kinabig niya pa ako lalo at niyakap ng mahigpit. Gumanti rin ito at napangiti. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Parang wala ako sa aking sarili. Ang sarap mahalin ng taong mahal ka rin.

Nagulat na lang ako ng biglang dumilim ang buong paligid. Naramdaman kong kumilos ang mga tao ngunit nanatili kaming dalawa na nakatayo. Hanggang sa muling bumukas ang spotlight at natutok sa amin. Labis akong nagulat dahil kami na lang dalawa ang nasa sumasayaw at nasa gitna pa kaming dalawa. Tila ba'y pumabilog ang mga estudyante upang palibutan kami. Lahat sila'y kinikilig.

Hanggang sa napatingin ako sa kaniya. Unti-unting siyang napangiti at may dinukot sa kaniyang bulsa sa likod. "For you, baby."

"Thank you." Kinuha ko iyon at napangiti ako hindi lang dahil sa tatlong rosas na kulay pula na sumisiblo ng tatlong mahalagang salita. Kundi sa tinawag niya sa'kin. Baby.

Napatingin ako sa paligid nang biglang tumugtog ang isang malamyos at nakakakilig na musika. Muli akong napatingin sa kaniya.

"May I have this dance again?" nakalahad ang isang kamay na sambit niya.

Hindi na ako nagdalawang isip at tinanggap iyon. Kagaya ng pagtanggap sa kaniya sa puso ko.

Nagulat na lang ako ng muli niya akong yakapin ng pagkahigpit-higpit na tila hindi na ako gusto pang pakawalan.

Napangiti na lang ako sa sobrang kilig at humilig sa kanyang dibdib. Mas masarap pa lang pakinggang ang tibok ng puso niya kaysa sa malamyos na musika. 

"Hindi kumpleto ang buhay ko kung wala ka sa tabi ko. You're always and forever be my baby. I love you." bulong niya sa tainga ko na kumompleto hindi lang sa puso ko, pati na rin sa buhay ko.

Related chapters

  • Kaleidoscopic Love   3:00 PM

    3:00 PMLove? Sa murang edad pa lang ito na agad ang salitang gumugulo hindi lang sa isip ko, pati na rin sa puso ko.Masarap magmahal ng isang tao na nagsisilbing inspirasyon mo sa lahat ng bagay. Iyong tipong ang sarap gumising sa umaga kapag litrato niya ang una mong makikita. Ang sarap pumasok sa school dahil nandoon 'yong inspirasyon mo. Iyong tipong mapapangiti ka na lang ng wala sa oras dahil bigla siyang papasok sa isip mo."Hay, Aden," bulong ko sa aking sarili habang nakangiti.Bakit ba kasi nagkagusto ako sa isang lalakeng suplado, isnabero, walang pakialam sa paligid, walang pakialam sa tao at mas lalong walang pakialam sa mundo. Oo gano'n siya dahil matagal ko na siyang kilala. Tatlong taon ko na siyang crush kaya ultimo kaliit-liitang detalye ng buhay niya, alam ko. Nakakahiya man aminin pero minsan na niya akong naging stalker.Kahit minsan nga hindi ko pa siya nak

    Last Updated : 2020-10-27
  • Kaleidoscopic Love   The Most Painful Goodbye

    The Most Painful GoodbyeDalawang taon na ang nakalipas, mula ng nangyari ang isang bagay na lubos kong pinagsisisihan sa buhay ko.Ako raw ay isang babaeng bato. 'Yan ang sabi nila sa 'kin. Hindi ako marunong magpakita ng emosyon sa mukha ko. Hindi ako palangiti. Wala akong imik. Hindi rin ako pala-kaibigan.Wala naman akong galit sa mundo. Sadyang lumaki lang ako na ganito. Walang love sa paligid ko.Sa katunayan nga, 'yung nanay at tatay ko'y hindi sweet sa isa't-isa. Para raw kaming mga robot. Hindi marunong ngumiti, walang nararamdaman. Pero nagkakamali sila.Ganito man ako, pero hindi ako robot. Nararamdaman ko rin ang nararamdaman nila. Tao rin ako. Marunong makaramdam ng paghanga sa isang tao.Minsan nagkagusto na rin ako sa isang lalake.

    Last Updated : 2020-10-27
  • Kaleidoscopic Love   Unregistered Number

    UNREGISTERED NUMBER"May nag-GM na naman!" inis na sambit ko habang nakatitig sa cellphone ko."Bakit ba kasi hindi ka na lang magpalit ng number para wala ng nagtetext sa 'yo?" sagot ng pinsan kong si Erie habang nasa sala kami ng bahay nila at fo-foodtrip."Tinatamad ako, e. Ang hassle no'n dahil isa-isa ko pang ise-save 'yung mga numbers sa contacts ko dahil lahat 'yon naka-save sa simcard." Bumuntong hininga ako. "Bakit ba kasi hindi sila makaintindi ng tagalog? Tagalog na 'yon, a. Hindi na nga ako kasali sa clan! Maliwanag naman 'yon 'di ba?" buwisit na sambit ko sabay kain ng piatos.Madalas kasi akong makatanggap ng napakaraming mensahe galing sa mga taong hindi ko kilala. Nakakabadtrip. Nakakainis. 'Yung tipong tatanungin mo kung sino siya tapos pagtitripan ka pa? Kaasar!Naka-encounter na ako ng sari-saring uri ng tao dahil sa text. Ako kasi yung tipo

    Last Updated : 2020-10-28
  • Kaleidoscopic Love   C is for Z

    C IS FOR Z"Zenaide, bakit wala ka pa rin boyfriend?" tanong sa 'kin ng kaklase kong si Ferlyn."E, kasi naman 'yung nagugustuhan niya, maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi siya magugustuhan," sabat pa ni Nicolette sa tono na parang nangangasar pa.Napakunot ang noo ni Ferlyn. "Ha? Bakit? Dahil ba may girlfriend na?"Biglang natawa ang lukaret kong kaibigan. "Girlfriend? Baka---" Kaagad kong tinakpan ang bibig niya at palihim siyang pinanlakihan ng mata.Muli akong bumaling kay Ferlyn. "Ha? Wala pa sa isip ko 'yan. Aral muna," pagdadahilan ko at inirapan ang intrimitidang ito.Hinila ko siya at pumunta muna kami sa Cafeteria. "Ikaw talagang babaita, napakadaldal mo!"Bumungisngis lang siya. "Alam mo, friendship. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng straight na lalaki sa mundo, si C2 pa ang napili mo."Pinanlakihan ko siya ng mata. "C2 ka riy

    Last Updated : 2020-10-29
  • Kaleidoscopic Love   Notebook of Love

    NOTEBOOK OF LOVELahat ng tao ay may kan'ya-kan'yang crush sa mundo. Minsan nga tinanong ako ng kaklase ko kung sino ang crush ko. Hindi ako nakapagsalita dahil 'yung mismong crush ko ay nakatingin sa amin.Sinabi ko na lang na wala lalo na't chismosa pa 'yung kaklase kong nagtanong sa 'kin. Sigurado ako na makakarating kaagad 'yon sa crush ko at iyon ang isang bagay na kinatatakutan ko.Oo, duwag ako sa nararamdaman ko. Ayokong malaman niya, ayokong maging awkward kami sa isa't isa. Pero sabagay, hindi naman talaga kami close e. Pero kahit na. Ayokong malaman ng iba ko pang mga kaklase na may gusto rin ako kay Janus.Hindi kasi ako katulad ng iba na nagpapakamatay pa sa kilig kapag nakikita 'yung crush nila. Hindi ako katulad ng iba na very vocal sa nararamdaman nila to the point na ipagduldulan nila sa harap ng mga crush nila ang mga salitang, "Hi, crush! I exist!" Hindi ako gano'n ka-OA sa nararam

    Last Updated : 2020-10-30
  • Kaleidoscopic Love   Hi, I'm Fey

    HI, I'M FEY"Kurimaw ka! Bumalik ka rito!" sigaw ko, matapos akong takbuhan ng tinaguriang bully lord ng school namin na nagngangalang Fey?Bumuntong hininga ako. Hay, naku! Hindi ko alam. Hindi ko mahuli-huli ang kurimaw na 'yon. Daig pa ang kabayo sa bilis ng takbo. Naalala ko nga noong una ko siyang nakita. Hindi ko akalain na siya pala ang damuho na pumiperwisyo sa mga miyembro ng Student Council na ako mismo ang Presidente.Napansin ko na may isang lalaking nakatingin sa' kin. Hanggang sa lumapit siya. He looked absolutely familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.Napangiti siya and I find him so cute."Hi, I'm Fey," sabi niya at inilahad pa ang isang kamay niya sa harap ko.Biglang nagsalubong ang kilay ko. "Ayokong ma-offend ka pero, are you gay?"Napahinto siya sandali. "Sa gwapo kong 'to? Bakla ako?" Bigla

    Last Updated : 2020-10-31
  • Kaleidoscopic Love   Sentimental Value

    SENTIMENTAL VALUE"Hello, Robemel? Nand'yan ka pa ba? Hindi nga kasi ako puwede sa linggo dahil may tatapusin pa ako sa opisina. Alam mo naman 'yung mukhang surot kong boss di ba? Mukhang type pa yata ang lola mo dahil ako na lang ang palaging nakikita. Nakakaloka!" natatawang biro niya na sinamahan niya pa ng pag-ikot ng kaniyang mata. "Basta doon pa rin tayo magkita-kita ah? Miss na miss ko na kayo ni Sheena," sabi niya sa kaibigan.Kanina pa pala ito tumatawag sa kanya. Niyaya siya nito para makapagbonding na sila ulit. Isang buwan kasi siyang subsob sa trabaho kaya hindi niya nagawang makipagkita sa mga kaibigan niya. T'yak na nagtatampo na sa kanya ang kaibigang si Sheena. Gusto niya kasing ipunin ang mga ibinabayad sa kanya sa tuwing mag-o-overtime siya para ipambayad sa mga pinagkakautangan niya. Hindi niya lang masagot dahil nasa loob niya ng opisina ng kaniyang boss. Wala itong ginawa kundi talakan siya sa araw na ito.

    Last Updated : 2020-11-01
  • Kaleidoscopic Love   Bestfriendzoned

    BESTFRIEND-ZONEDHave you ever heard bestfriend turned into lovers? Cliché sabi nila. Pero para sa 'kin hindi cliché 'yun dahil hindi naman kami gano'n ng bestfriend ko.Hindi ko naman ginusto ang ma-fall sa bestfriend ko. Basta isang araw nagulat nalang ako dahil sa tuwing may mga lalaking umaaligid sa kanya, hindi ko maiwasan makaramdam ng matinding selos. Iyon bang parang gusto kong sabihin sa lahat na akin siya pero hindi naman puwede. Iyon bang nagseselos ako kahit wala naman akong karapatan pero hindi ko maiwasan dahil mayro'n akong nararamdaman.Paano nga ba kami naging magbestfriend ni Ramina? Ganito 'yon, sabi ng Mommy ko, sumisibol pa lang daw kaming dalawa ni Ramina sa tiyan ng mga Mommy namin, ginusto na nila na maging magbestfriend kami. Simple lang, dahil mag-bestfriend si Mommy at 'yung Mommy niya.Noong mga bata kami naging mahirap sa 'kin ang lahat dahil hindi pala-labas ng bahay

    Last Updated : 2020-11-02

Latest chapter

  • Kaleidoscopic Love   Curse Of Love

    CURSE OF LOVESa isang malayong lugar, mayroon isang kaharian na tinatawag nilang Aiseah. Dito matatagpuan ang isang Prinsesa na nagngangalang, Hara.Tumingin si Hara sa mga napilang tagasilbi ng kanilang kaharian na kasalukuyang nasa kanyang harapan."Maaari niyo na akong iwan." nakangiting sambit niya.Napatingin yung isa sakanya ngunit kaagad din yumuko. "Paumanhin, mahal na Prinsesa. Ngunit kabilin-bilin saamin ng mahal na Reyna na dapat namin kayong bantayan."Ngumiti siya. "Hindi kayo dapat mag-alala saakin. Kayo ko ang sarili ko. Kaya maaari niyo na akong iwan dahil gusto kong mapag-isa."Tumango ang mga ito. "Masusunod mahal na prinsesa." At iniwan na siya mag-isa sa kanyang silid.Unti-unting nawala na parang bula ang kanyang ngiti. Hindi lahat ng taong maharlika, masaya. Isang patunay na rito si Prinsesa Hara.Masayahin siya noong siya'y bata pa ngunit ng biglang namatay ang kanyang ama na Hari

  • Kaleidoscopic Love   Magical Dream

    "Aray ko po, Auntie. Pasensya na po, hindi na po iyon mauulit!" pagmamakaawa ni Panyang habang namimilipit sa sakit dahil sa ginagawang pagpingot ng Auntie Sonia niya sa kanyang tainga."Napaka bagal mong kumilos bata ka! Talagang sinasagad mo ang pasensya ko! Sumosobra ka na! Kailangan sa'yo tanggalan na ng sungay dahil namimihasa ka na!" bulyaw nito sa kanya."Auntie tama na po! Nasasaktan na po ako! Pakiusap..." pagmamakaawa niya."Talagang masasaktan ka!" gigil na sabi nito tapos tinulak siya bigla kaya napaupo si Panyang.Naiyak nalang siya sa ginawa nito. Maaga siyang naulila ng mamatay ang kaniyang mga magulang at yung inaakala niyang kukupkop sa kanya, ngayon ay pinahihirapan siya.Kinagabihan, lupaypay si Panyang ng matapos niyang labhan ang maruruming damit ng mga pinsan niya na si Trisha at Vanesza dahil darating raw sa bayan nila sa isang linggo yung crush ng may ito.Pakiramdam niya bibigay na ang katawan niya dahil sa

  • Kaleidoscopic Love   A Daughter's Love

    A Daughter's Love"Erin, umuwi ka na," ani Kuya Elmond sa kabilang linya. Nasa tinig niya ang pag-aalala."Dito muna ako, Kuya. Bukas na lang ako uuwi, kapag okay na ako." Mabilis kong pinahid ang mainit na likidong umalpas mula sa mata ko. "Kapag okay na si Mama."Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Nandito ako sa bahay ng kaibigan ko, at makikitulog ako sa kanila ngayong gabi."Pagpasensyahan mo na si Mama. Alam mo naman na hindi biro ang pinagdadaanan niya. Intindihin mo na lang. Alam kong babalik din siya sa dati," aniya."S-sige." Nakagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang hikbi na tatakas sa bibig ko. "Sige, Kuya. Ibaba ko na ito. Matutulog na ako.""O sige, mag-iingat ka riyan." Muli pa siyang napabuntong hininga. "Basta kung may problema ka, 'wag kang mahiyang lapitan ako. Nandito lang ako.""Salamat, Kuya."Muling lumandas sa aking pisngi ang mga luha ko. Minabuti kong umalis muna sa bahay namin para kumalma na

  • Kaleidoscopic Love   Nakalimutang Haligi

    Nakalimutang HaligiSa panulat ni: YouniqueenNatulala ako nang lumapat ang tingin ko sa isang lalaki na sobrang pamilyar sa 'kin. Nanginig ang buong katawan ko. Maging ang mga binti ko'y hindi ko magawang ihakbang palapit sa kan'ya. Sa mga sandaling ito'y para bang naparalisa na ito.Mabilis na bumalik sa aking gunita ang nangyari, kahit mahigit isang dekada na ang nakalipas."Pa, ayokong umalis. Dito lang ako!"Bumuhos ang luha ko habang nakikiusap sa kan'ya, ngunit umiwas lang siya ng tingin at ibinalot ang aking mga damit."Napag-usapan na natin 'to, Mabel. Hindi puwede. Kailangan mong sumama sa totoo mong mga magulang."Pinilit kong hulihin ang mata niya, ngunit hindi na niya magawang tumingin sa 'kin. "'Pa, ayaw mo na ba sa 'kin kaya pinamimigay mo na ako sa kanila?"Nakagat ko ang ibabang labi ko nang tumakas ang hikbi sa aking b

  • Kaleidoscopic Love   Secret Behind

    "Tay, hindi niyo maaring kaligtaan ang pag-inom nitong gamot niyo. Paano kayo--" Hindi na natapos ni Nadia ang kaniyang sasabihin nang may nakita siyang mata na tila nagmamasid sa kanilang bintana.Kaagad siyang lumabas upang tignan ito. Labis siyang nagulat nang may makita siyang isang hayop. Ito yung hayop na laging nakabantay sa kanya. Kung titingnan mukha itong isang aso, ngunit kulay puti ito at mabalahibo. Natitiyak niyang hindi ito isang aso lamang. Ngayon lang siya nakakakita ng ganoong klase ng hayop.Lalapitan na sana ni Nadia ang inaakala niyang aso ngunit tila humahakbang ito patalikod upang lumayo sa kanya. Hindi niya na nagawang lumapit pa nang makita niyang kumislap pa ang bilugang kulay dilaw na mata ng aso.Hanggang sa tumakbo na ito. Doon niya na lang napagtanto na hindi pala ito isang aso, kundi isang lobo.Isang araw, nilapitan ni Nadia ang kaniyang ama."Tay, nananiwala ka ba sa mga lobo?" aniya.Biglang napatigi

  • Kaleidoscopic Love   The Best Damn Word: Trip

    The Best Damn Word: TripIsa sa pinaka masarap na pakiramdam sa mundo ay 'yung maging kami ng crush ko.Iyong crush ko na akala ko hanggang sa tingin ko na lang mamahalin. Iyong crush long inuubusan ko nang oras para lang titigan. Kahit hindi niya naman magawang tumingin sa 'kin.Iyong crush kong itinuturing kong star na ang hirap abutin. Ang sarap sa feeling kung 'yung star na 'yon ay kusang bumaba para sa 'kin at ngayon, abot-kamay ko na siya. Iyong crush kong kinahuhumalingan ng nag-gagandahan at nag-sesexyhan na estudyante sa school, 'tapos sa isang commoner lang na katulad ko mapupunta? Aba! Parang no'ng nagpaulan si Lord ng kasuwertehan sa mundo, marami akong nasalo ko.Noon kasi sa mga romantic novel books ko lang ito nababasa at kinikilig na ako, habang nangangarap na sana ako na lang 'yung bidang babae at 'yung crush ko naman 'yung bidang lalaki. Hindi ko alam na sa isang iglap lang, mararanasan ko

  • Kaleidoscopic Love   Exchange Gift

    Exchange Gift"Zairon! Crush ka raw ni-----"Tinakpan ko kaagad 'yung bibig ni Gideon nang mapatingin sa direksyon namin si Zairon."Ano ba! 'Wag ka nga r'yan maingay. Kainis ka!" singhal ko sa kanya.Bigla akong natauhan nang mapangiti siya kaya tinanggal ko na 'yung kamay ko.Nakakainis na talaga ang Gideon na 'to! Kundi ko lang siya... Tsk. Napakadaldal naman kasi ng Kiara chismosa na 'yon, e. Buwisit.Bigla ko tuloy naalala kung bakit."Cous, kilala ko na crush mo."Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nang pinsan kong si Ameli."Si Gideon 'di ba?""Ssh!" Nagsign ako na 'wag siyang maingay. "Paano mo nalaman?" bulong ko.Napangiti ang loka. "Cous, halata naman e. Sa titig mo pa lang gets ko na."Bumuntong hininga ako.

  • Kaleidoscopic Love   Magical Dream

    Magical Dream"Aray ko po, Auntie. Pasensya na po, hindi na po iyon mauulit!" pagmamakaawa ni Panyang habang namimilipit sa sakit dahil sa ginagawang pagpingot ng Auntie Sonia niya sa kanyang tainga."Napaka bagal mong kumilos bata ka! Talagang sinasagad mo ang pasensya ko! Sumosobra ka na! Kailangan sa'yo tanggalan na ng sungay dahil namimihasa ka na!" bulyaw nito sa kanya."Auntie tama na po! Nasasaktan na po ako! Pakiusap..." pagmamakaawa niya."Talagang masasaktan ka!" gigil na sabi nito tapos tinulak siya bigla kaya napaupo si Panyang.Naiyak nalang siya sa ginawa nito. Maaga siyang naulila ng mamatay ang kaniyang mga magulang at yung inaakala niyang kukupkop sa kanya, ngayon ay pinahihirapan siya.Kinagabihan, lupaypay si Panyang ng matapos niyang labhan ang maruruming dam

  • Kaleidoscopic Love   Stolen Shot

    STOLEN SHOTSa high-tech na panahon ngayon, lahat tayo ay may kakayahan na kumuha ng litrato. Pero ang tanong, natagpuan mo na 'yung best shot?Bata pa lang, mahilig na akong kumuha ng mga iba't ibang uri ng larawan. Sabi nila may potential daw ako. Puwede raw akong maging isang magaling na Photographer balang araw.Sinunod ko 'yung payo nila pero hindi lang naman dahil sa kanila iyon. Gusto ko rin naman kasi 'yung ginagawa ko. Iyon din talaga ang pangarap ko.Masaya ako kapag nakakakuha ng best subject. Nang best shot araw-araw. Picture is my happiness. Kaya nga Photography ang course na pinili ko. Halos lahat yata ng parte ng school na maganda, nakuhanan ko na ng litrato.Minsan nagto-tour din kami sa iba't ibang lugar. Tulad ng Bohol. A famous Chocolate hills. Puerto prinsesa sa Palawan. A breath-taking under ground river. Rice terreces, Boracay, La union. At marami pang iba.

DMCA.com Protection Status