I'M MEETING DEE AND HIS PARENTS FOR BREAKFAST. I'LL BE BACK AT YOUR HOUSE BEFORE LUNCH.Iyon ang mensaheng ipinadala ni Phillian sa kaniya nang magising siya kinabukasan. It was already nine in the morning; at nagising siya sa sakit ng ulo. Parang binabarena ang sentido niya. Thanks to that whole bottle of whiskey, he felt hellish.Ibinalik niya sa side table ang cellphone niya saka sapo ang ulong bumangon. Naupo siya sa kama at nagpalipas muna ng ilang sandali bago binalikan sa isip ang mga nangyari kagabi.Sa kabila ng kalasingan ay naalala niya ang ilan sa mga napag-usapan nila ni Phillian nang iuwi siya nito sa bahay niya.He continued to drink his whiskey when they got to his house, Phillian just sat across him, watching him as he drowned himself in pain."Do your best to calm down and think things over, Acky," naalala niyang sabi ni Phillian nang sunud-sunod niyang nilagok ang alak na nasa kaniyang harapan. "I know how you feel, and I know it's hard to manage your emotions at th
"TRINI, ARE YOU READY TO GO?"Inalis ni Trini ang tingin sa bahay ni Gene at ibinaling kay Jerome na nakatayo na sa tabi ng kotse nito. He was patiently waiting for her after loading her three large luggages into his trunk. Nasa back seat na rin ang dalawang malalaking pet carriers kung saan nakasilid ang mga pusa niya. The house had been locked, and so was the gate. Everything was all set. Siya na lang ang hinihintay, at ilang minuto na siyang naka-tayo sa harap ng bahay niya habang nakatanaw sa katapat na bahay.Alam niyang walang tao sa kabilang bahay sa mga sandaling iyon. Nag-e-empake sila ni Jerome sa silid niya sa itaas nang marinig niya mula sa nakabukas na bintana ang pagdating ng kotse ni Phillian. Sumilip siya mula sa siwang ng kurtina at nakita niya ang paglabas ni Gene bitbit ang traveling bag nito at ang pagsakay nito sa kotse ni Phill. Nauna itong umalis. Na ikinalungkot niya nang labis pero lihim din niyang ipinagpasalamat. Mabuti na ring wala ito roon sa p
DALAWANG LINGGO ANG MATULING LUMIPAS. At walang ibang ginawa si Trini kung hindi i-lugmok ang sarili sa kalungkutan. Sa unang linggo ay nagkulong lang ito sa condo unit ni Jerome Sison. She and her cats stayed in the guest room of Jerome's three-bedroom unit. Pinatay niya ang cellphone sa unang buong linggong iyon upang umiwas sa lahat.Sa ikalawang linggo ay nagpasiya na siyang buksan ang komunikasyon, at doon ay nakatanggap siya ng tawag mula sa abogado niya. Nalaman niya mula rito na isang linggo na ring wala si Gene sa Ramirez, at tulad niya'y hindi rin ma-contact ang numero nito. Ibig sabihin, sa unang linggo ay walang nagpapalakad sa Trinity's Place.Well, she had no one to blame; she just left without a word, and she knew it was so unprofessional of her to do. Ang dalawang staff niya sa facility ay pawang mga breadwinners; kung mapapabayaan ang Trinity's Place ay mawawalan ng trabaho ang mga ito.God, she had many things to worry about, but she just couldn't turn her back of he
SAPO ANG ULO NG MAGKABILANG MGA KAMAY, naupo si Gene sa kamang in-okupa niya sa loob ng ilang araw sa beach house ng mag-asawang Phillian at Calley.Ilang araw nang nananakit ang ulo niya sa kakulangan sa tulog at kain. He was restless, he lack of sleep and energy. Sinusubukan niyang matulog at magpahinga, pero sa tuwing nasa isang tahimik siyang lugar, mag-isa, at madilim, ay kaagad na gumagapang sa isip niya ang mga alaalang magkasama pa sila ni Trini.She invaded his senses-- and he didn't know how to manage it yet.Sa unang linggo simula nang dumating siya roon sa beach house ay wala siyang ginawa kung hindi mag-kulong. Si Nelly ay dinadalhan siya ng pagkain sa guest room na okupado niya, pero kainin-dili niya ang mga iyon. Phillian would always check on him, too. Pero wala itong sinabi na pinakinggan niya.Then, in the second week, Phillian allowed Theor to enter his room. At doon siya napilitang lumabas ng silid na okupado niya nang yayain siya ng pamangking maglaro sa labas. It
16 years ago..."I'M SORRY TO INFORM YOU, MR. VALENCIA. Mabilis na kumalat ang cancer sa katawan ng inyong asawa, at hindi na ito kayang agapan pa ng gamutan."Antony Valencia's face turned pale. Magkahalong pag-aalala at pagkalito ang makikita sa mga mata nit. "Pero... tinanggalan na siya ng matres sampung taon na ang nakararaan, hindi ba? Ikaw ang nag-opera sa kaniya noong sa ospital ka pa nagta-trabaho. I-I don't understand... Bakit pa..."Huminga nang malalim ang cuarenta y anyos na si Dra. Hernandez. "The cancer developed in another part of her reproductive organ, and—""Let's have that part removed, then." Pinagpapawisan na nang malapot si Anton
"NAKITA KO ANG MGA ITO SA BASURAHAN, TRINI."Napasulyap si Trini sa dose-dosenang mga tablets at capsules na ini-itsa ni Jerome sa ibabaw ng kama niya. Iyon ang mga resetang gamot na ibinigay sa kaniya ni Dra. Hernandez matapos ang huling bisita niya sa clinic nito.It's been a month already... and she still hadn't moved on from the confirmation of her fate. Walang araw siyang hindi umiyak kahit na inasahan na niyang ganoon ang resulta. Walang araw siyang hindi nagpuyat sa kaiisip kung gaano ka-tagal ang iindahin niya hanggang sa tuluyang sumuko ang kaniyang katawan. Walang araw na hindi niya inisip si Gene.She was crying not only for the status of her health but also for the man that she lost.No.
"TRIN..." Napasinghap siya nang marinig ang pagtawag ni Jerome sa likuran niya. She felt like she was drowning and there was a hand that pulled her back to the surface. Atubili niyang inalis ang tingin sa masakit na tanawin at nilingon si Jerome. "Do you want to leave?" he asked, careful with his words. "W-Why?" aniya. Alam ni Jerome ang damdamin niya kaya sigurado siyang alam nito na sa mga sandaling iyon ay nadudurog ang puso niya sa nakikita. "You don't want to be here witnessing that
NAKA-ILANG HILAMOS NA SI TRINI SUBALIT HINDI PA RIN MAALIS-ALIS ang pamumula ng ilong at mugto ng mga mata. She wanted to get rid of these unattractiveness, pero kahit ano ang gawin niya'y walang nangyayari. She had been standing in front of the mirror for a good couple of minutes, washed her face several times already, and she still looked awfull.Bwisit na bwisit na siya.Hindi niya alam kung ikatutuwa niya ang ginawa ni Gene kanina. He totally ignored her as if she was some kind of a stranger.Ikatutuwa ba niyang hindi na siya nito kinukulit at naka-usad na ito mula sa kaniya tulad ng huling sinabi nito sa telepono?O ikamamatay niyan