"Salamat naman at dumating ka na mars. Nag-alala na ako sa iyo. Hindi mo naman kasi sinasagot ang mga text at tawag ko. Akala ko napaano ka na. Kanina ka pa umalis ng bangko ah. Ba't ngayon ka lang?", tanong ni Faye sa kanya nang makarating na siya sa apartment na kanyang tinutuluyan.
"O ba't ganyan ang mukha mo mars? Ano naman ang problema ba't nakasimangot ka? Nagkita ba kayo ni Ivan?", sunud-sunod na tanong nito. Hindi pa nga siya nakabihis ay inuulan na siya ng maraming mga tanong. Hanggang sa makapasok siya sa kanyang silid at nakasunod pa rin ito sa kanya.
Umupo ito sa kama habang naghihintay ng kanyang sasabihin. Tinitingnan lang siya nito habang nagbibihis. Nasanay naman kasi silang dalawa ng ganu'n at wala silang pakialam kahit nalalantad ang kanilang mga katawan dahil pareho naman silang babae.
Matapos siyang makapagbihis, umupo siya sa tabi ng kanyang kaibigan.
"Kumain ka na ba? Nauna na akong kumain kasi nagutom na ako kanina. Tagal mo kasi eh", wika ni Faye.
"Mars, ano ba ang nangyayari sa iyo? May problema ba kayo ni Ivan? Ba't umiyak ka kanina sa trabaho?, tanong na naman nito. Para nga itong imbestigador kung makapagtanong. Hindi pa nga nasasagot ang isa may tanong na namang iba.
Huminga ng malalim si Valerie bago siya nagsimulang magkwento.
"Mars, wala na kami ni Ivan", panimulang sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ni Faye nang marinig ang sinabi niya. Botong-boto pa naman ito doon sa boyfriend niyang manloloko.
"Mars, bakit anong problema? Bakit biglaan?", nagtatakang tanong nito.
Hindi na niya kaya pang pigilan ang sakit na nararamdaman niya kaya humahagulgol siya ng iyak. Niyakap naman siya kaagad ng kanyang kaibigan at inaapuhap nito ang likod niya.
"Sige mars, iiyak mo lang 'yan ha. Ilabas mo lahat ng sama ng loob mo at pagkatapos mag-usap tayo", sabi nito sa kanya.
Umiyak siya ng umiyak dahil talagang nasasaktan siya. Masakit na masakit ang puso niya dahil hindi niya iniexpect na dito lang pala magwawakas ang apat na taon nilang pinagsamahan ni Ivan. At nang matapos na niyang mailabas ang lahat ng sama ng loob niya, tumahan na rin siya sa pag-iyak at nagpunas ng kanyang mga luha. Tumayo naman agad si Faye para bigyan siya ng tubig.
"Mars, anong problema? Makikinig ako mars.", seryosong sabi nito.
Tumingin siya rito at nagsimulang magkwento.
"Mars, niloko ako ni Ivan. Hindi ko akalain na ako pala ang higit na masorpresa kahapon sa birthday niya. Nakita ko siya at ang babae sa banyo at gumawa ng kawalanghiyaan", aniya habang patuloy sa pagpahid ng kanyang mga luha.
"Ano??? Aba'y gago pala 'yong Ivan na 'yon ah!!!!", galit na wika ni Faye.
"Hindi ko nga akalaing magawa niyang lokohin ako mars, pagkatapos na maibigay ko sa kanya ang sarili ko",
"Kaya ako naglasing kagabi sa restobar. Uminom ako ng dalawang boteng beer at nalasing ako, dahil masakit na masakit mars!!!", muli na naman siyang napahagulgol ng iyak.
"Jusko mars, eh di sana'y tinawagan mo ako para masamahan kita. Eh, kung napaano ka doon? Marami pa namang masasamang taong nagkalat dito sa Maynila!"
Ipinaliwanag niya rito na gusto niyang mapag-isa kaya hindi na lamang niya ito tinawagan. Wala kasi siyang ibang maisip na gawin sa mga sandaling iyon kundi ang lunurin sa alak ang sarili niya at nang makalimutan saglit ang sakit na kanyang naramdaman.
"So, saan ka nakatulog kagabi? At--", tanong nito habang tiningnan ang kanyang suot.
"Kaninong blouse 'yan? Ngayon ko lang 'yan nakita ah!", tanong ulit nito. Hindi na yata nauubusan ng tanong itong kaibigan niya at naa-appreciate naman niya ito kahit papano. Nag-alala lang talaga ito sa kanya kaya hindi mapakali sa kakatanong.
Muli siyang nagpahid ng luha at t'saka nagsimulang magsalaysay sa kaibigan niya kung paano siya napunta sa bahay ni Lester at kung gaano ito kasungit sa kanya. Patuloy lang na nakikinig si Faye sa kanya at nang banggitin niya ang buong pangalan ng lalaki ay napanganga itong bigla.
"Lester Montefalcon? 'Yon bang naghatid sa iyo kanina sa bangko?Ayyyy...ang gwapo niya pala sa personal!!!", tumayo ito at biglang napatili.
Naku, mars alam mo ba kung sino siya???", tanong na naman ulit ni Faye.
Palakad-lakad ito na parang na-eexcite ng hindi niya mawari.
Bigla siyang napatitig sa kaibigan niya na halatang kinikilig mula nu'ng banggitin niya ang pangalan ng lalaki.
"Hindi ko alam, at wala akong pakialam sa bakulaw na iyon. Tinawag pa naman akong Miss Suka Girl. At saka ang sungit niya ha, walang modo!", naiinis na wika niya.
Tumingin lang si Faye sa kanya at ngumingiti-ngiti pa ito at saka muli itong naupo sa tabi niya.
"Alam mo ba kung gaano kayaman si Lester Montefalcon? Jusko, anak ng isang bilyonaryo mars!! at nag-iisang tagapagmana ng malaking pabrika ng sapatos sa Marikina!!!", bulalas nito.
Nanlaki ang mga mata niya sa kanyang narinig. Hindi niya akalain na si Lester pala ang anak ng may-ari ng malaking pagawaan ng sapatos sa Marikina. Kaya pala hindi man lang ito nag-atubiling alukin siya ng sampung milyon pumayag lang siya sa isang kasunduan. Napakayaman pala ng mokong na iyon, sa isip niya. Ngunit ang ipinagtataka niya kung bakit kailangan pa nitong magbayad ng malaki para magkaroon ng magiging bride na ipapakilala sa lola nito. Imposible namang wala itong girlfriend kung ganito naman ito kayaman, at saka gwapo naman ito kung tutuusin. Kaya lang magaspang ang ugali nito at mainitin ang ulo.
"Mars, anong iniisip mo?", tanong ni Faye nang mapansin nitong hindi siya umimik.
Binsnggit niya rito ang tungkol sa isang kasunduan na inalok sa kanya ni Lester kapalit ng isang malaking halaga. Sinabi niyang ito ang dahilan kung bakit natagalan siya sa pag-uwi sa apartment dahil dinala pa siya sa isang restaurant. Matamang nakikinig lang si Faye sa bawat sinasabi niya.
"Uhm, kaya pala nagmadali kang lumabas ng bangko kanina, dahil ayaw mong maabutan ka ni Lester!"
"Oo syempre. Ayaw kong makaharap ang mokong na iyon. Wala na kasing ibang nalalaman ang lalaking iyon kundi ang asarin ako. Nakakagigil nga! Sumasabay pa sa sakit ng ulo ko. Niloko na nga ako ng hayop na Ivan na iyon, eh dumagdag pa iyong bakulaw na iyon!!!", nakasimangot na tugon niya.
Tawa ng tawa lang si Faye sa mga kwento niya na parang nag-eenjoy pa ito habang nakikinig sa kanya.
"Oy, mars baka si Lester nga ang nakatadhana sa iyo. Kaya siguro nawala si Ivan dahil may panibagong darating. Tanggapin mo na ang inalok niya mars!!!", pangungumbinsing wika nito.
Inirapan lang niya ang kanyang kaibigan dahil sa isip niya nakapaka-imposibleng mangyari iyon. Hindi naman niya type si Lester dahil sa kagaspangan ng ugali nito. At t'saka wala na siyang planong magka love life ulit pagkatapos ng pinagdaanan niya. Ayaw na niyang magtiwala at masaktan kaya ibubuhos na lang niya ang kanyang panahon sa kanyang pamilya. Nais niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya sa probinsya at maipagaling din ang kanyang amang maysakit sa puso.
"Tumigil ka na dyan sa pangiti-ngiti mo mars, hindi ko gusto si Lester kaya imposible yang mga iniisip mo", seryosong sabi niya.
Buti na lang at hindi na ito nag-insist pa. Kilala naman siya nito at alam nitong hindi siya basta-basta nagtitiwala. Umabot nga sila ng apat na taon ni Ivan bago niya ipinagkaloob ang sarili sa lalaki, sayang nga lang at niloko siya nito.
"O siya, magpahinga ka na mars. At please h'wag mo ng isipin iyong ex-boyfriend mong gago. He doesn't deserve you! Sabihan mo nalang ako kung anong magiging desisyon mo tungkol sa kasunduan na inalok ni Lester. Kung ako ang tatanungin mo mars, okay sa akin 'yan, tutal trabaho lang naman at walang personalan", wika ni Faye at saka ito lumabas ng kwarto.
Magkaiba ang silid nilang dalawa dahil hindi sanay ang kaibigan niya na may katabi sa pagtulog. Ayaw din niya itong katabi sa higaan dahil masyadong malikot ito at malakas humilik. Dalawa lang silang umuupa sa apartment kaya pinaghahatian nila ang mga bayarin at gastusin. Medyo malaki-laki nga lang dahil dalawa lang silang naghahati, pero okay na rin iyon kaysa doon sa maraming okupante.
Nang mapag-isa na lamang siya, bigla niyang naalala ang papel na ibinigay sa kanya ni Lester. Kinuha niya iyon sa bag niya upang basahin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos na maisip kung bakit sa dinami-dami ng pwedeng alukin ng ganito ng lalaki, ay siya pa ang napili nito. Umiiling-iling siya at sinimulang basahin ang mga nakasulat sa papel.
Nakasaad doon na magpapanggap siya bilang fiancee ni Lester, at ipapakilala siya nito sa lola ng lalaki. Pagkatapos ay itatakda ang kanilang pekeng kasal. Magiging bride siya, pero hindi magiging asawa dahil hindi sila magsisiping ng lalaki. Kunyari magsasama sila sa loob ng isang silid ngunit lingid sa kaalaman ng lahat may pintuan sa loob na konektado sa isa pang silid at doon matutulog si Lester. Walang anumang dapat na mamagitan sa kanilang dalawa kundi gagawin lang kung ano ang nasa kasunduan. Nakasaad din doon na matatanggap niya ang paunang bayad na limang milyon pag nakapirma na siya sa kasunduan at ang natitirang bayad ay matatanggap niya pagkatapos ng anim na buwan.
Nang matapos basaahin ni Valerie ang lahat ng mga nakasulat sa papel, napabuntung-hininga siya. Hindi naman mahirap ang mga kondisyon doon, total gagawin lang naman niya ito sa loob ng anim na buwan. At pagkatapos noon, magiging malaya na siya at hindi na siya guguluhin pa ng lalaki. Iniisip niya, ang napakalaking halaga na kanyang makukuha. Makakatulong na ito ng malaki para sa operasyon ng kanyang ama sa puso. Mabibigyan na rin niya ng puhunan ang kanyang ina para sa pagpapatayo ng maliit na negosyo. Matutustusan na niya ang mga pangangailangan ng kanyang mga kapatid sa kanilang pag-aaral at magbabago na rin ang kanyang buhay.
Sumagi na naman sa isip niya ang panlolokong ginawa ni Ivan. Gusto niyang makaganti rito at sa pamamagitan ng perang makukuha niya mula kay Lester, makakabili na siya ng mga bagong gamit pati na rin ng kotse at makakapasok na rin sa mundo ng mga mayayaman. Naisip niya kaya siguro siya nagawang lokohin ni Ivan dahil mahirap lang siya, at ang babaeng kaulayaw nito ay nabibilang din sa alta sosyedad. Kahit pa man ganu'n masakit pa rin sa puso niya ang ginawa nito. Alam ng Diyos kung gaano niya ito kamahal. Buong puso niyang ipinagkaloob dito ang kanyang sarili, ang lahat sa kanya, ngunit nagkamali siya. Pumatak na naman ang mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya talaga mapipigilan ang kanyang mga luha sa tuwing maiisip niya ito. Kaya kung ang pagtanggap sa inaalok ni Lester ang magiging daan para tuluyan na niya itong makalimutan, nakahanda siyang gawin ito ngunit sa papel lang. Dahil hinding-hindi na niya maaari pang buksan ang puso niya para sa iba.
Labag man sa kalooban niya ang kanyang gagawin ngunit kailangan niyang magiging praktikal para sa kanyang pamilya. Hindi na rin biro ang limang milyong piso bilang paunang bayad. Mahirap kayang makakuha ng ganoong halaga, kahit pa yata ibuhos niya ng buong-buo ang kanyang panahon sa pagtatrabaho sa bangko hindi pa rin niya makukuha ang ganoon kalaking pera.
Bukas ay sasabihin niya ito kay Faye dahil may karapatan naman itong malaman ang mga plano niya. Matalik niya itong kaibigan at ito ang naging karamay niya sa tuwa, lungkot at saya kaya nararapat lang na ipapaalam niya rito ang desisyon niya.
Nakasanayan na ni Valerie ang gumising ng maaga kapag may may pasok sa trabaho. Kahit hindi pa nga siya magpa-alarm, kusa na lang siyang nagigising kapag alas singko na. Bahagya siyang nag-unat ng mga bisig bago siya tumayo. Ngunit bigla na namang sumagi sa isipan niya si Ivan, ayaw yata siyang tantanan ng walang hiyang lalaki na iyon at kahit wala na sila ay patuloy pa ring ginugulo nito ang isipan niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang tingnan kung may nagtext sa kanya. Marami ngang nagpa-pop-up na mga text messages at nang malaman niyang nanggagaling kay Ivan ang mga iyon, ay binura niya kaagad. May mga missed calls pa nga ito sa kanya pero dahil naka silent mode ang cellphone niya, hindi na niya ito narinig kagabi. Iniskrol muna niya saglit ang cellphone niya hanggang sa napunta siya sa kanyang gallery. Nand'un pa pala ang mga pictures ng manloloko niyang nobyo. Mga kuha iyon noong huli silang magkasama. Habang tiningnan niya ang mga iyon, muli na naman siyang nagiging emo
Araw ng sabado at walang pasok sa trabaho nang pumunta si Valerie sa opisina ng abogado ni Lester. Kumakabog ang puso niya nang makarating na siya sa loob ng building at kasalukuyang hinahanap ang opisina ni Attorney Leandro Alcantara. Hindi niya maiwasang nerbyusin dahil ngayon ang araw na itatali niya ang kanyang sarili sa isang kasunduan kay Lester Montefalcon, ang lalaking hindi niya masyadong kilala at ni sa panaginip ay hindi niya inaasahang magkrus ang kanilang landas. Oo nga't alam niya ang buong pangalan nito pati na rin ang estado nito sa buhay ngunit ,maliban dito'y wala na siyang nalalaman pa. Matapos nilang mag-usap kahapon ng lalaki ay sinabi nito sa kanya na ngayon siya pipirma ng kontrata. At ngayong nandito na siya, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba sa kanyang puso. Pero kailangan niyang magiging matatag alang-alang sa kanyang amang maysakit. Nakatanggap siya ng tawag kahapon mula sa kanyang ina na lumalala na ang sakit ng kanyang ama kaya kinakailangan na nito
"Wow mars, you look so gorgeous! Nababagay talaga sa iyo yang damit na suot mo! Para ka ng si Cinderella sa makabagong panahon!", bulalas ni Faye nang lumabas siya mula sa dressing room ng beauty salon na kanilang pinuntahan. Dito kasi siya pinapunta ni Lester para sa kanyang makeover. Kaibigan nito ang isa sa mga makeup artist dito lalo na itong baklang si Georgia. Hindi naman malayo ang salon mula sa kanilang apartment kaya nilakad lang nila ito ni Faye kanina. Hindi komportable si Valerie sa kanyang suot na maxi dress. Bagama't paborito niya ang kulay maroon, pero hindi niya type ang style at disenyo. Fitted off-shoulder kasi ito at may slit pa sa gilid, nakikita tuloy ang hita niya kapag naglalakad siya. Sa dinami-dami ba naman ng damit na sinubukan niyang i-fit in kahapon sa mall, ay ito pa ang napili ni Lester. "Hindi ko type 'tong damit na 'to mars, kung alam mo lang", nakasimangot na wika niya kay Faye habang nakaupo siya sa harap ng malaking salamin para sa kanyang makeover
Pagkaraan ng isa't kalahating oras ay nakarating na rin sila sa Montefalcon Ancestral House sa Batangas kung saan dito gaganapin ang salo-salo sa kaarawan ng lola ni Lester. Nang makarating na sila sa tapat ng bahay, namangha si Valerie sa laki nito. Gawa ito sa dalawang palapag at mga matitibay na mga kahoy at bato ang pangunahing ginamit sa pagpapatayo nito. Maliwanag ang buong paligid ng bahay dahil sa mga nag-iilawang mga lamp post. Nakita niya na medyo marami-rami na rin ang nakaparadang sasakyan sa labas kaya natitiyak niyang marami ng tao sa loob. "Nandito na tayo", wika ni Lester at nagtanggal ito ng seatbelt. Nagtanggal na rin siya ng kanyang seatbelt at akmang bubuksan na sana niya ang pintuan nang pigilin ng lalaki ang kamay niya. "Pinapaalala ko sa iyo ang trabaho mo Miss Valerie", wika nito at saka ito bumaba para pagbuksan siya ng pintuan. Iniabot ni Lester ang kamay niya para alalayan siya sa pagbaba. Sa isip niya, nagsimula ng gampanan ni Lester ang kanyang papel kaya
Alam ni Valerie na hindi siya gusto ng mommy ni Lester. Halata naman kasi sa mga kilos nito. Matalim ang tingin sa kanya ni Madam Elena nu'ng ipinakilala siya ng lalaki bilang fiancée. At kahit na nu'ng pormal na inanunsyo ng binata ang kanilang pagpapakasal, ay tahimik lamang na nakaupo ang mommy nito at nakasimangot itong tumingin sa kanya kasabay ng pag-arko ng isang kilay nito. Napakaistrikta nitong tingnan at sa tingin niya, matapobre nga ito kaya alam niyang may naghihintay na napakalaking gulo sa pagpasok niya sa buhay ni Lester Montefalcon. Ngunit nandito na siya, hindi na siya pwedeng umurong pa lalo na't nakapirma na siya ng kontrata at naihulog na rin sa kanyang bank account ang limang milyong piso bilang paunang bayad. Bukas ay ipapadala na niya ang isang milyon sa kanyang ina sa probinsya para maipagamot kaagad ang kanyang ama. Of course, hindi niya sasabihin na pumasok siya sa isang kasunduan kaya nagkaroon siya ng ganoon kalaking halaga. Sasabihin lang niya sa nanay niya
Sakay ng kanyang kotse ay umuwi pabalik ng Maynila si Madam Elena matapos itong makipag-usap sa kanyang biyenan. Punung-puno ng galit ang kanyang puso dahil sa balak na pagpapakasal ng kanyang anak na si Lester kay Valerie. Hindi niya maisip kung anong pumasok sa kukuti ng kanyang anak at pumili ng babaeng hindi nila ka level sa estado ng buhay. At hindi siya makakapayag na mapunta lang ang anak niya sa isang ordinaryong teller ng bangko. Kaya kailangan niyang makagawa ng paraan upang hindi matuloy ang kasal. "Ma'am diretso na po ba tayo sa bahay niyo?", tanong ng kanyang driver na si Mang Sebastian. "Diretso na tayo sa bahay. Gusto ko ng magpahinga dahil sumasakit na ang ulo ko dahil sa desisyon ng magaling kong anak" "Bakit po ma'am, hindi niyo po ba nagugustuhan ang mapapangasawa ni sir Lester? Napakaganda naman po ni ma'am Valerie ma'am at mukhang mabait naman", komento ng driver. "Tumigil ka riyan Sebastian! Hindi ko hiningi ang opinyon mo!!! Hindi nababagay ang Valerie na iyo
"O, anong nangyari sa iyo at parang masasabitan ng basket yang nguso mo?", tanong ni Lester kay Valerie nang makapasok na sila sa loob ng guest room. "Alam mo Mister Lester, ba't hindi na lang natin sabihin sa mommy mo na nagpapanggap lang tayo at binabayaran mo lang ako para mapagbigyan mo ang kahilingan ng lola mo, kaysa naman nagkakagulo kayo di ba?", wika ni Valerie habang nakaupo ito sa malambot na kama. "No way! Walang dapat makakaalam sa kasunduan natin Miss Valerie. Malinaw sa iyo 'yon kaya, hw'ag na h'wag mong mabanggit sa kahit sino man ang tungkol sa kontrata. Maliwanag?" Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Iniisip niya bakit kaya ayaw sabihin ni Lester sa mommy nito ang kanilang kasunduan. Siguro nama'y maiintindihan ito ng mommy niya dahil iniisip lang naman nito ang ikaliligaya ng kanyang lola. Kaysa naman patuloy na magagalit sa kanya ang ina ng lalaki, mas mabuti pang sabihin na lang ang totoo. Pero, nakasaad doon sa kasulatan na walang dapat makakaaalam ng katotohan
Biglang nagising si Valerie dahil sa pagpihit ng pintuan na parang may papasok sa loob. Akala niya si Lester iyon ngunit isa pala sa mga katulong ni Donya Lucita. Biglang niyang naalala nasa hardin siya kagabi at hindi niya matandaan na pumasok siya ng kwarto pagkagaling doon. Kaya nagtaka siya kung bakit nasa loob na siya ng silid at nakahiga sa kama. "Good morning ho ma'am, sorry po kung nadistorbo ko po kayo. Inihahatid ko lang po itong tuwalya ma'am, baka ho kasi maliligo na po kayo", wika ng babae. Sa tingin niya, bata pa ito at siguro'y nasa mga twenties pa. "May kailangan pa po ba kayo ma'am?" mahinahong tanong ng babae. "Ah eh, wala na miss--" "Nena po ang pangalan ko ma'am", nakangiting sabi nito. "Ah, okay. Salamat Nena". Nang makaalis na ang katulong, patuloy pa rin siyang napaisip kung sino ang naghatid sa kanya sa loob ng kwarto, gayong wala namang nakakaalam na nasa hardin siya kagabi. Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok.
THE FINALE Dumating na rin sa wakas ang araw na pinakahihintay nilang dalawa ni Lester---ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Alas kwatro pa lang ng umaga ay nagising na siya, at kahit gustuhin man niyanag matulog ulit, ayaw na talaga niyang dalawin ng antok. Inaamin niyang excited na talaga siyang humarap sa altar at mangako ng habang-buhay na pagmamahal sa lalaking pangarap niyang makasama habang buhay. Isang totoong kasalan na ang magaganap kaya hindi na niya masasabing magiging bride lang siya, ngunit hindi magiging asawa. Kasalukuyan silang nag-stay muna sa hotel kasama ng kanyang pamilya at iba pang kamag-anak na dumating kahapon mula sa iba't ibang probinsya. Ipinag-booked niya ng room ang mga ito dahil hindi naman magkasya sa bahay nila kung doon niya patutulugin. Nasa ibang room ang kanyang mga magulang at ang kasama lang niya sa kwarto ay si Faye. Sa kabilang silid naman nag-stay ang kanyang mga bridesmaids kasama na rito ang kanyang mga kapatid. Kinuha niyang maid of h
Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ni Valerie habang hinihintay niya ang araw ng kanilang kasal ni Lester. Kung pwede nga lang niya hilahin ang mga araw upang dumating na kaagad ang kanilang pag-iisang dibdib.Bagama't naghire sila ng wedding coordinator ngunit nagiging abala pa rin sila dahil nais ng lalaki na magiging enggrande ang kanilang kasal. Kahit ayaw naman niya ng ganu'n pero mapilit naman ito dahil minsan lang daw itong mangyayari sa buhay nila. "Babe, tapos ka na ba at aalis na tayo!", wika ni Lester na naghihintay sa kanya sa labas ng kwarto. "Yes babe, malapit na!""Mars, ready ka na ba?", tanong niya kay Faye."Saglit lang mars ha, at parang may email ako. Wait lang at basahin ko muna", sagot nito. Ngunit, bigla niyang narinig ang pagtili nito na parang nanalo ng lotto."Mars!!! Seryoso ka ba?", sabi nito at sinugod siya ng yakap."Ang alin mars?" "Ito oh!", ipinakita sa kanya ni Faye ang email."Mars, sobrang touch naman ako nito. Isang milyon talaga?"
Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang ina ay parang nabunutan siya ng tinik sa puso. Akala niya hindi na darating ang panahong magkakasundo sila ng mommy niya. Worth it naman ang apat na araw niyang pagbabantay sa ospital dahil mabilis naman itong nakakarecover. Salitan silang dalawa ni Ivan sa pag-aalaga sa mommy nila kaya dahil dito'y mas lalong napalapit ang loob niya sa kanyang kapatid."Bro, tapos ka na ba sa daily rounds mo sa mga pasyente?", tanong niya rito nang makitang nakasuot ng uniporme ang kanyang kapatid."Oo bro, katatapos lang. Mamaya na naman ulit. Ang mommy?""Ayun, nakatulog kaya lumabas muna ako", sagot niya."Uhm, by the way bro, pinuntahan mo na ba si Valerie sa probinsya nila?", curios na tanong ni Ivan nang makaupo sila sa mahabang upuan sa labas ng private room ng kanyang ina. "Yes bro, na-meet ko na rin ang pamilya niya. At---inalok ko na siya ng kasal!", masayang sabi niya."That's great bro! I'm happy for the two of you. Please, mahalin at alagaan mo si
Hindi niya maiwasang ngumiti nang una niyang masilayan sa kanyang paggising ang mukha ng lalaking labis niyang minamahal. Mahimbing pa itong natutulog habang yakap-yakap siya nito. Tumingin siya saglit sa orasan at pasado alas dyes na pala ng umaga. Dahan-dahan niyang pinalis ang kamay nito na nakayapos sa kanya at maingat na bumangon. Kumuha siya ng tuwalya at nagtungo sa banyo upang magshower.Pagkaraan ng fifteen minutes, lumabas na siya at nakatapis lamang ng tuwalya. Sinulyapan niya ang lalaki at natutulog pa rin ito.Habang nagbibihis siya'y biglang tumunog ang cellphone nito kaya nagising ito at dali-daling kinuha ang cellphone na iniligay sa ibabaw ng bedside table."Yes bro---""What? Oh, God! Nasaan siya ngayon bro?", narinig niyang sabi nito. Biglang sumeryoso ang mukha ni Lester kaya nag-aalala siya kung sino ang kausap nito sa cellphone."Babe, ano 'yon?", tanong niya nang matapos na itong makipag-usap."Si Ivan. Nasa ospital daw si mommy. Bigla daw itong hinimatay kahapo
Pasado alas dyes na ng gabi ngunit nasa roof top pa rin sila ng SJ Mansion Hotel. Nakaupo silang dalawa ni Lester sa mahabang upuan habang nakatingin sa kalawakan. Maraming bituin sa langit na animo'y masayang nagkikislapan na parang sumasabay din sa kaligayahang lumulukob sa kanilang mga puso. Nakahilig siya sa balikat ng lalaki habang buong higpit nitong hawak-hawak ang kanyang mga kamay."Babe?", buong pagsuyong sambit ni Lester."Uhm, ano iyon?", mahina niyang sagot."Napansin ko lang kasi eh. Bakit 'di mo na suot ang kwintas?", tanong nito.Bigla siyang kinabahan sa tanong nito. Oo nga pala ang kwintas! Naiwala niya ito nu'ng pumunta sila ni Faye ng Isabela. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. "Ah..eh..", nauutal niyang tugon."Hey, are you okay? Ba't parang kinakabahan ka?"Hindi pa rin siya makasagot. Iniisip niya na sabihin nalang ang totoo kay Lester. Hindi naman niya talaga sinadyang mawala ito. "Uhm,..ang totoo---kasi--Le
Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama na niya ngayon ang lalaking tanging laman ng kanyang puso't isipan. Parang isang panaginip lang ang lahat, kaya kinukurot pa niya ang kanyang pisngi, dahil akala niya nanaginip lamang siya ngunit totoo talaga ang lahat. Hindi niya maipaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman habang nakahilig siya sa balikat ni Lester. Nasa ganu'ng tagpo sila nang biglang bumukas ang pinto at tumambad mula doon ang nakangiti niyang mga magulang at kapatid, kasama na rin si Faye."Nay, tay, nandito po si Lester!", mangiyak-ngiyak na sambit niya.Lumapit ang mga ito sa kanila at naupo sa mahabang sopa. "Naku, anak kanina pa nandito 'yan at sinabi na niya ang lahat sa amin", wika ni Aling Melba."Ate, ang gwapo nga po pala ni Kuya Lester!", bulalas ni Aises."Kaya pala iyak ng iyak ka po ate, kasi ang gwapo pala nitong jowa mo. Parang artista!", dagdag na sabi nito saka bumungisngis ng tawa."Aises, ano ka ba! Nakakahiya sa kuya Lester mo!", saway ng kanyang ina.
Kahit anong pilit niyang maging masaya lagi pa ring may kulang sa buhay niya. Oo nga kasama niya ang kanyang pamilya at tanggap na ng mga ito ang kalagayan niya, ngunit hindi pa rin kumpleto ang kaligayahan niya. Sa kaibuturan ng kanyang puso'y may malaking kahungkagan at iisang tao lang ang tanging makapagpupuno nito---si Lester!"Anak, hindi ka ba maliligo? Tingnan mo ang mga kapatid mo oh! nag-eenjoy habang nagtatampisaw sa tubig na parang mga bata", nakangiting wika ng kanyang ina habang nakatingin ito kina Aises at Bela. "Dito na lamang po ako nay, masaya naman po ako habang tinitingnan ko sila.""Mars!!! Halika nga dito, magswimming tayo!", tawag sa kanya ni Faye, habang tuwang-tuwa ito sa pakikipaghabulan sa kanyang mga kapatid.Ngunit wala talaga siyang gana, matamlay ang kanyang pakiramdam. Paborito pa naman niyang maligo sa dagat. Naalala niya noong nasa elementarya pa lamang siya, umiiyak talaga siya kapag hindi siya nakakaligo sa dagat. Kaya lagi silang nagpi-picnic tuwin
Pangatlong araw na ni Lester sa France at nararamdaman na niya ang sobrang pagkabagot. Hindi kasi siya sanay nang walang ginagawa. Bigla niyang naisip ang pagbrika. Bagama't mapagkakatiwalaan naman ang kanyang assistant ngunit hindi pa rin niya maiwasang mag-alala sa kalagayan nito ngayong nasa ibang bansa siya. Upang hindi siya gaanong ma-bored sa hotel sumasama na lamang siya kay Zha zha sa mga modeling rehearsals nito. Kaya tuloy napagkamalan siyang boyfriend ng babae. "Les, okay ka lang ba?", tanong ni Zha zha sa kanya nang mag lunch-break ito. "Okay lang ako Zha, naisip ko lang ang pabrika" "So anong plano mo ngayon, uuwi ka na ba ng Pilipinas?" "Maybe next week Zha. Wala din naman kasi akong magawa dito eh!", matamlay niyang sabi. "O sya, kakain muna tayo Les, nagugutom na ako eh. Babalik pa kami mamayang ala una, kaya doon lang tayo sa malapit na restaurant kakain. Nasa tabi lang naman nitong building kaya lalakarin lang natin", sabi nito sabay hila sa kanyang kamay. "U
"Tay, nay, sorry po. Hindi ko po sinasadya eh!", tuluyan ng nalaglag ang kanyang mga luha. Hindi niya mapigilang umiyak lalo na't kaharap niya ang kanyang pamilya. "So anong ibig mong sabihing umalis 'yong lalaking nakabuntis sa iyo? Tinakasan niya ang kanyang responsibilidad?", galit na wika ng kanyang ama, habang nakakuyom ang mga palad nito. Ang kanyang ina't mga kapatid naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. "Tay, hindi naman po kasi alam ni Lester na buntis ako eh! Tay, nay, sorry po patawarin niyo ako kung nagiging kahihiyan ako ng pamilya natin", tuluyan na siyang humahagulgol. Si Faye naman na katabi niya sa upuan ay patuloy lang sa pag-apuhap sa kanyang likod. "Mars, tama na, makakasama 'yan sa baby mo!", sabi nito. "Tay, nay, nagmahal lang naman po ako. Hindi ko naman naisip na mangyari ito. Naging kumplikado lang ang lahat. Wala pong kasalanan si Lester nay!!!" "Diyos ko namang bata ka!", wika ng kanyang ina at sinugod siya ng yakap. Mas lalo tuloy siyang napah