Home / Romance / Just a Bride, Not a Wife / Kabanata 4- The Offer

Share

Kabanata 4- The Offer

Author: Spinel Jewel
last update Last Updated: 2022-08-12 05:59:58

Malapit ng mag-aalas singko ng hapon kaya nagpaalam si Valerie sa kaibigan niyang si Faye na mauna na lang muna siyang lumabas ng bangko dahil may dadaanan pa siya. Hindi na rin nagtanong pa ang kanyang kaibigan kung saan ang lakad niya.

Ngunit ang totooong dahilan kung bakit gusto na niyang lumabas ng bangko ay dahil naalala niya ang sinabi ni Lester na susunduin siya nito. Ayaw na niya itong makita pa dahil kapag nakakaharap niya ito'y palagi na lang kumukulo ang dugo niya. 

Nagmamadali siyang naglakad papunta sa sakayan ng LRT, dahil ayaw na niyang sumakay ng taxi para makatipid ng pamasahe. Nang biglang humarang ang itim na kotse sa harap niya kaya tuloyn natakot siya  at abot-abot ang kaba sa kanyang dibdib. Maya't maya ay ibinaba ang salamin ng sasakyan at tumambad sa paningin niya ang lalaking kani-kanina lang ay tinawag niyang 'Mister Bakulaw'. Kunot-noo itong tumingin sa kanya na tila nagagalit na naman.

"Iniiwasan mo yata ako Miss Suka Girl", naiinis na wika nito.

"Now, hop in. Kagaya ng sinabi ko may atraso ka sa akin at hindi ka pa bayad", dagdag na wika ng lalaki at binuksan nito ang pinto ng passenger's seat.

Tumalima na lamang siya dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao. Ang ibang mga babae naman ay kilig na kilig habang tinititigan si Lester.

"Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko Mister?", naiiritang wika niya nang makapasok na siya ng kotse. Ngunit parang bingi lang ang lalaki at hindi man lang ito sumagot sa kanya. Patuloy lang ito sa pagmamaneho hanggang sa huminto sila sa isang restaurant.

"Hoy, hindi ako nagugutom, pwede bang ihatid mo na lang ako?", naiiritang sabi niya.

"Hoy Miss, nagugutom ako kaya samahan mo muna akong kumain. Bahala ka kung ayaw mong kumain", sagot naman nito.

Pagkatapos bumaba ito ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto. Sumimangot na lamang siya dahil wala naman siyang magagawa at talagang mapilit ang bakulaw na ito. Hinayaan niyang mauna ito sa pagpasok sa loob ngunit nang mapansin ng lalaki na hindi siya sumasabay, biglang kumunot ang noo nito.

"Bakit nasa likuran kita, para kang atsay niyan!", sambit nito sabay hila sa kanyang kamay.

Nanginginig na talaga siya sa sobrang galit, konti na lang at hindi na siya makapagpigil pa. Pagdating nila sa loob ay binati agad sila ng mga crew doon. At sa bawat pagbigay-galang ng mga naroon, ngiti lang ang isinagot ni Lester. Nasa isip niya, baka dito laging kumakain itong bakulaw na ito, dahil sa tingin niya'y high class itong restaurant na kanilang pinasukan. Ngayon lang siya nakapasok sa ganitong klaseng restaurant dahil kuntento na siya sa mga turo-turo na mga pagkain sa kanto. Uso din naman ang mga street foods sa kanilang probinsya kaya mas gusto niya itong kainin kaysa mga mamahaling pagkain sa restaurant.

Pagkatapos na makahanap ng table, umupo na kaagad sila at agad namang kinuha ng waiter ang kanilang order.

"Tapos ka na ba Miss?", tanong ng lalaki sa kanya.

Hindi niya maintindihan kung anong ibig sabihin nito kaya biglang kumunot ang noo niya.

"Ang sabi ko, tapos ka na bang tumitig sa akin? Kanina ka pa kasi ganyan eh, parang ngayon ka lang yata nakakakita ng gwapo",  nang-uuyam na wika nito.

"Oy, ang yabang mo! Hindi kita tinititigan, tiningnan lang kita. Magkaiba ang titig kaysa tingin. Eh syempre may mata ako alangan namang di kita tingnan", naiinis na sagot niya at bahagya pang itinaas ang kilay. Nayayabangan talaga siya sa lalaking ito at parang gusto niyang sapakin. Kung ito palagi ang kaharap niya, baka maaga siyang tumanda at malamang magka heart attack pa siya.

Hindi niya alam kung bakit lagi siyang inaasar nitong bakulaw na kaharap niya. Oo nga't gwapo ito, pero hindi naman siya intresado dito, kasi kagagaling lang niya sa heartbreak. Iisipin pa ba niya yan ngayon?

Pagkaraan ng ilang sandali ay dumating na ang mga inorder na pagkain ng lalaki. Ito lang naman ang umorder ni hindi man lang siya tinanong nito kung anong gusto niyang kainin. Wala talagang modo!

"Oy kumain ka na dyan dahil may mahalaga tayong pag-uusapan pagkatapos", pabagsak pa rin ang tono ng lalaki.

Kumain na lang din siya kahit wala naman siyang gana. Ang nais lang niya ay malaman na kung ano ba talaga ang kailangan ng lalaking ito sa kanya at ng makauwi na siya sa apartment upang makapagpahinga na. 

Pagkatapos nilang kumain, tiningnan siya ng lalaki.

"Alam mo Miss Suka Girl, ah, ano ngang pangalan mo?", tanong nito.

"Valerie ang pangalan ko at hindi Suka Girl!"

Talagang pikon na pikon na siya sa lalaking ito. Kulang na lang at sapakin niya ito sa panga at nang matauhan. Aba, marunong yata siya ng karate kasi tinuruan naman siya noon ng tatay niya for self-defense.

"Kailangan ko ang isang babaeng ipapakilala ko sa lola ko bilang fiancee", pagsisimula nito.

Nabigla siya sa kanyang narinig dahil sa isip niya ano naman ang kinalaman niya roon?

Ikinuwento ni Lester na maysakit ang lola niya at may taning na ang buhay nito. Ang tanging hiling lang ng matanda ay makapag-asawa siya bago man lang ito pumanaw. 

"At gusto mong ako ang magpanggap na fiancee mo?", tanong niya rito.

"Exactly!"

At may kinuha itong papel sa bulsa ng kanyang jacket at ibinigay ito sa kanya. Sinabi ng lalaki na iyon ang mga kondisyong nakasaad sa kontrata at kailangan muna niyang basahin upang maintindihan niya ng maayos.

Tiningnan lang ni Valerie ang papel at hindi niya ito kinuha.

"At bakit ako naman ng napagtripan mong gumawa niyan? Mayaman ka naman at saka sabi mo pa nga gwapo ka , eh ba't hindi ka na lang humanap ng totoo mong girlfriend na magiging fiancee mo?", sarkastikong tanong niya.

"Hoy Miss, huwag kang magreklamo dahil may atraso ka sa akin. Alam mo bang kagabi sa birthday celebration ng kaibigan ko may ipapakilala sana siya sa akin na babaeng gagawa sana nito, ngunit naunsyami dahil nga sinukahan mo ako at hindi ko na nagawang i meet up pa iyon. Naintindihan mo?", inis pa ring wika ni Lester.

Hindi talaga niya maintindihan kung bakit laging aburido itong lalaking kaharap niya. Kung hindi ito nambubulyaw, nang-aasar naman. Napakasungit at napakagaspang ng ugali. Pinalaki yata sa poder ng lola kaya nagkaganito. Kasi sabi nila kapag ang mga apo raw ay pinalaki sa poder ng lola ay kadalasang magiging spoiled raw.

"Kaya naisip mong ako nalang? Ibang klase ka rin Mister---", hindi niya naituloy ang nais sabihin dahil tiningnan na siya ng masama ng lalaki.

"Wait Miss. I wanna make this clear to you. Hindi ako nakikipaglokohan dito. Seryoso ako kaya pwede bang makipag-usap ka ng maayos sa akin? Una, ikaw ang napili ko dahil may atraso ka sa akin. Sa pamamagitan nito, makakabayad ka na sa malaki mong atraso at perwisyong ginawa sa akin tapos magkakapera ka pa. Sampung milyon ang kabayaran nito Miss. Malaking pera na rin 'yon di ba? Ang gagawin mo lang ay magpanggap ka na fiancee sa lola ko. At magiging bride kita", wika ni Lester.

"Magiging bride? Magpapakasal tayo?", tugon niya na bahagyang nanlaki ang mga mata. Hindi niya akalaing ganun ka weird ang lalaking ito at kailangan pang gumastos ng malaking pera para humanap ng pekeng fiancee na magiging bride nito.

"Basahin mo na lang kasi ang nakasulat dyan sa papel. Marunong ka naman sigurong magbasa di ba? Bibigyan kita ng isang linggo para makapag-isip ng mabuti Miss. Kapag nakapagdesisyon ka na, tawagan mo na lang ako", sabi nito sabay abot ng kanyang calling card.

"I'm sorry Mister. Pero hindi ko magagawa 'yan. Hindi mo alam ang pinagdadaanan ko. Kagagaling ko lang sa heatbreak kaya nga ako naglasing kagabi para makalimutan ko ang walang hiyang lalaking nanloko sa akin", tugon niya at nagsisimula na namang maging emosyonal.

"Alam ko naman 'yan Miss. Kasi sabi ko nga kagabi nagdidileryo ka, at may pangalan kang binanggit. Ivan ba iyon? Kaya naisip ko, siguro'y niloko ka ng lalaking iyon dahil hindi naman naglalasing ang babae ng ganu'n kung wala itong mabigat na dahilan", biglang sumeryoso ang mukha ng lalaki.

"Babayaran na lang kita sa perwisyong ginawa ko sa iyo Mister. Pati na rin sa pagpapatulog at pagpapakain mo sa akin sa bahay mo. Pati na rin nitong damit na suot ko", aniya att bahagyang iniwas ang tingin sa lalaking kaharap niya.

"Babayaran mo ako?"

Sarkastiko itong ngumiti bago muling bumaling sa kanya.

"Miss, alam kong kaunti lang sinusweldo mo sa bangkong pinapasukan mo. Nagback ground check na rin ako sa iyo kaya alam ko na sa ngayon kailangan mo ng pera para sa pamilya mo sa probinsya. Tanggapin mo na ang alok ko, at kakalimutan ko na ang atraso mo. At pagkapirma mo pa lang sa kontrata, makakatanggap ka na kaagad ng paunang bayad", paniniyak na wika nito.

Sa isip niya ganito ba ka intresado itong Lester na ito at gumawa pa ng background checking sa kanya. At bakit siya pa ang napili nito gayong marami namang babaeng mapagpipilian. Wala man lang ba itong girlfriend at kailangan pa itong gumastos ng malaking pera?

Samut saring mga bagay-bagay ang nasa isipan niya. Sa ngayon ay hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Hindi pa nga siya nakapagmove-on kay Ivan tapos papasok pa ba siya sa mas malaki pang problema?

"Basta bibigyan kita ng sapat na panahon para mag-isip Miss. Isang linggo lang ang ibibigay ko sa iyo. At kung sakaling hindi ka pumayag, hindi ka pa rin makakawala sa akin dahil sisingilin pa rin kita sa atraso mo sa akin. At hindi ka makapagtatago, dahil mahahanap pa rin kita kahit saan ka pa magpunta", mariing wika nito saka ito tumayo.

"Aaalis na tayo",

Tumayo naman kaagad si Valerie dahil gustong-gusto na niyang makauwi sa apartment. Masyado ng magulo ang utak niya, dumagdag pa itong pambihirang lalaking mahirap ispelingin ang ugali. Dinampot niya ang papel sa mesa at inilagay niya sa bag. Ano na mang masama kung subukan niyang basahin ang mga nakasulat doon para magiging fair din sa Lester na ito. Mamaya na lang niya ito iisipin ng mabuti kapag nakauwi na siya ng apartment. Siguradong naghihintay na sa kanya ngayon ang kaibigan niya. 

"Ahm, Mister, bakit kailangan mo pang magbayad ng malaking halaga para sa kasunduan. Wala ka bang girlfriend, 'yong totoo na ipapakilala mo sa lola mo?", alanganing tanong niya nu'ng nasa loob na sila ng sasakyan.

"Shut up. Wala kang alam, kaya tumahimik ka na lang. Wala kang karapatang magtanong ng mga personal na bagay sa akin", sarkastikong tugon nito.

Medyo nainsulto siya sa sinabi ng lalaki ngunit ayaw na niyang makipagtalo pa rito dahil ayaw na niya ng gulo. Itinuon na lamang niya ang kanyang paningin sa labas ng bintana. Ngunit biglang niyang naalala, kaya pala sinabi sa kanya ni manang Martha kaninang umaga na hindi pwedeng tawagin nito sa pangalan lang ang girlfriend ng kanyang amo kasi siguro nga'y sinabi ni Lester na girlfriend siya nito. Gago talaga itong bakulaw na ito. Sinulyapan niya saglit ang lalaki para tingnan ang expression ng mukha nito. Hindi naman ito nagagalit o kaya'y naiinis. Seryoso lang ito sa pagmamaneho. 

"At bakit pasulyap-sulyap ka dyan Miss? Attacted ka na ba sa akin?",ngumingiting sabi ni Lester.

Hindi na lang niya ito pinansin dahil hindi naman talaga siya intresado dito. Nagtataka lang siya kung ano talaga ang tunay na ugali ng lalaking ito.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alyna Solid
nakakawalang ganang basahin kc ang bidang lalaki ay masyadong mabunganga, dinaig p ang babaing bungangera...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 5- The Contract Details

    "Salamat naman at dumating ka na mars. Nag-alala na ako sa iyo. Hindi mo naman kasi sinasagot ang mga text at tawag ko. Akala ko napaano ka na. Kanina ka pa umalis ng bangko ah. Ba't ngayon ka lang?", tanong ni Faye sa kanya nang makarating na siya sa apartment na kanyang tinutuluyan. "O ba't ganyan ang mukha mo mars? Ano naman ang problema ba't nakasimangot ka? Nagkita ba kayo ni Ivan?", sunud-sunod na tanong nito. Hindi pa nga siya nakabihis ay inuulan na siya ng maraming mga tanong. Hanggang sa makapasok siya sa kanyang silid at nakasunod pa rin ito sa kanya. Umupo ito sa kama habang naghihintay ng kanyang sasabihin. Tinitingnan lang siya nito habang nagbibihis. Nasanay naman kasi silang dalawa ng ganu'n at wala silang pakialam kahit nalalantad ang kanilang mga katawan dahil pareho naman silang babae. Matapos siyang makapagbihis, umupo siya sa tabi ng kanyang kaibigan. "Kumain ka na ba? Nauna na akong kumain kasi nagutom na ako kanina. Tagal mo kasi eh", wika ni Faye. "Mars,

    Last Updated : 2022-08-15
  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 6- Decision-making

    Nakasanayan na ni Valerie ang gumising ng maaga kapag may may pasok sa trabaho. Kahit hindi pa nga siya magpa-alarm, kusa na lang siyang nagigising kapag alas singko na. Bahagya siyang nag-unat ng mga bisig bago siya tumayo. Ngunit bigla na namang sumagi sa isipan niya si Ivan, ayaw yata siyang tantanan ng walang hiyang lalaki na iyon at kahit wala na sila ay patuloy pa ring ginugulo nito ang isipan niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang tingnan kung may nagtext sa kanya. Marami ngang nagpa-pop-up na mga text messages at nang malaman niyang nanggagaling kay Ivan ang mga iyon, ay binura niya kaagad. May mga missed calls pa nga ito sa kanya pero dahil naka silent mode ang cellphone niya, hindi na niya ito narinig kagabi. Iniskrol muna niya saglit ang cellphone niya hanggang sa napunta siya sa kanyang gallery. Nand'un pa pala ang mga pictures ng manloloko niyang nobyo. Mga kuha iyon noong huli silang magkasama. Habang tiningnan niya ang mga iyon, muli na naman siyang nagiging emo

    Last Updated : 2022-08-16
  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 7- Contract Signing

    Araw ng sabado at walang pasok sa trabaho nang pumunta si Valerie sa opisina ng abogado ni Lester. Kumakabog ang puso niya nang makarating na siya sa loob ng building at kasalukuyang hinahanap ang opisina ni Attorney Leandro Alcantara. Hindi niya maiwasang nerbyusin dahil ngayon ang araw na itatali niya ang kanyang sarili sa isang kasunduan kay Lester Montefalcon, ang lalaking hindi niya masyadong kilala at ni sa panaginip ay hindi niya inaasahang magkrus ang kanilang landas. Oo nga't alam niya ang buong pangalan nito pati na rin ang estado nito sa buhay ngunit ,maliban dito'y wala na siyang nalalaman pa. Matapos nilang mag-usap kahapon ng lalaki ay sinabi nito sa kanya na ngayon siya pipirma ng kontrata. At ngayong nandito na siya, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba sa kanyang puso. Pero kailangan niyang magiging matatag alang-alang sa kanyang amang maysakit. Nakatanggap siya ng tawag kahapon mula sa kanyang ina na lumalala na ang sakit ng kanyang ama kaya kinakailangan na nito

    Last Updated : 2022-08-18
  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 8- Arguments

    "Wow mars, you look so gorgeous! Nababagay talaga sa iyo yang damit na suot mo! Para ka ng si Cinderella sa makabagong panahon!", bulalas ni Faye nang lumabas siya mula sa dressing room ng beauty salon na kanilang pinuntahan. Dito kasi siya pinapunta ni Lester para sa kanyang makeover. Kaibigan nito ang isa sa mga makeup artist dito lalo na itong baklang si Georgia. Hindi naman malayo ang salon mula sa kanilang apartment kaya nilakad lang nila ito ni Faye kanina. Hindi komportable si Valerie sa kanyang suot na maxi dress. Bagama't paborito niya ang kulay maroon, pero hindi niya type ang style at disenyo. Fitted off-shoulder kasi ito at may slit pa sa gilid, nakikita tuloy ang hita niya kapag naglalakad siya. Sa dinami-dami ba naman ng damit na sinubukan niyang i-fit in kahapon sa mall, ay ito pa ang napili ni Lester. "Hindi ko type 'tong damit na 'to mars, kung alam mo lang", nakasimangot na wika niya kay Faye habang nakaupo siya sa harap ng malaking salamin para sa kanyang makeover

    Last Updated : 2022-08-19
  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 9- The Fake Fiancée

    Pagkaraan ng isa't kalahating oras ay nakarating na rin sila sa Montefalcon Ancestral House sa Batangas kung saan dito gaganapin ang salo-salo sa kaarawan ng lola ni Lester. Nang makarating na sila sa tapat ng bahay, namangha si Valerie sa laki nito. Gawa ito sa dalawang palapag at mga matitibay na mga kahoy at bato ang pangunahing ginamit sa pagpapatayo nito. Maliwanag ang buong paligid ng bahay dahil sa mga nag-iilawang mga lamp post. Nakita niya na medyo marami-rami na rin ang nakaparadang sasakyan sa labas kaya natitiyak niyang marami ng tao sa loob. "Nandito na tayo", wika ni Lester at nagtanggal ito ng seatbelt. Nagtanggal na rin siya ng kanyang seatbelt at akmang bubuksan na sana niya ang pintuan nang pigilin ng lalaki ang kamay niya. "Pinapaalala ko sa iyo ang trabaho mo Miss Valerie", wika nito at saka ito bumaba para pagbuksan siya ng pintuan. Iniabot ni Lester ang kamay niya para alalayan siya sa pagbaba. Sa isip niya, nagsimula ng gampanan ni Lester ang kanyang papel kaya

    Last Updated : 2022-08-19
  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 10- Family Dispute

    Alam ni Valerie na hindi siya gusto ng mommy ni Lester. Halata naman kasi sa mga kilos nito. Matalim ang tingin sa kanya ni Madam Elena nu'ng ipinakilala siya ng lalaki bilang fiancée. At kahit na nu'ng pormal na inanunsyo ng binata ang kanilang pagpapakasal, ay tahimik lamang na nakaupo ang mommy nito at nakasimangot itong tumingin sa kanya kasabay ng pag-arko ng isang kilay nito. Napakaistrikta nitong tingnan at sa tingin niya, matapobre nga ito kaya alam niyang may naghihintay na napakalaking gulo sa pagpasok niya sa buhay ni Lester Montefalcon. Ngunit nandito na siya, hindi na siya pwedeng umurong pa lalo na't nakapirma na siya ng kontrata at naihulog na rin sa kanyang bank account ang limang milyong piso bilang paunang bayad. Bukas ay ipapadala na niya ang isang milyon sa kanyang ina sa probinsya para maipagamot kaagad ang kanyang ama. Of course, hindi niya sasabihin na pumasok siya sa isang kasunduan kaya nagkaroon siya ng ganoon kalaking halaga. Sasabihin lang niya sa nanay niya

    Last Updated : 2022-08-20
  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 11- Total Displeasure

    Sakay ng kanyang kotse ay umuwi pabalik ng Maynila si Madam Elena matapos itong makipag-usap sa kanyang biyenan. Punung-puno ng galit ang kanyang puso dahil sa balak na pagpapakasal ng kanyang anak na si Lester kay Valerie. Hindi niya maisip kung anong pumasok sa kukuti ng kanyang anak at pumili ng babaeng hindi nila ka level sa estado ng buhay. At hindi siya makakapayag na mapunta lang ang anak niya sa isang ordinaryong teller ng bangko. Kaya kailangan niyang makagawa ng paraan upang hindi matuloy ang kasal. "Ma'am diretso na po ba tayo sa bahay niyo?", tanong ng kanyang driver na si Mang Sebastian. "Diretso na tayo sa bahay. Gusto ko ng magpahinga dahil sumasakit na ang ulo ko dahil sa desisyon ng magaling kong anak" "Bakit po ma'am, hindi niyo po ba nagugustuhan ang mapapangasawa ni sir Lester? Napakaganda naman po ni ma'am Valerie ma'am at mukhang mabait naman", komento ng driver. "Tumigil ka riyan Sebastian! Hindi ko hiningi ang opinyon mo!!! Hindi nababagay ang Valerie na iyo

    Last Updated : 2022-08-23
  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 12- Disappointment

    "O, anong nangyari sa iyo at parang masasabitan ng basket yang nguso mo?", tanong ni Lester kay Valerie nang makapasok na sila sa loob ng guest room. "Alam mo Mister Lester, ba't hindi na lang natin sabihin sa mommy mo na nagpapanggap lang tayo at binabayaran mo lang ako para mapagbigyan mo ang kahilingan ng lola mo, kaysa naman nagkakagulo kayo di ba?", wika ni Valerie habang nakaupo ito sa malambot na kama. "No way! Walang dapat makakaalam sa kasunduan natin Miss Valerie. Malinaw sa iyo 'yon kaya, hw'ag na h'wag mong mabanggit sa kahit sino man ang tungkol sa kontrata. Maliwanag?" Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Iniisip niya bakit kaya ayaw sabihin ni Lester sa mommy nito ang kanilang kasunduan. Siguro nama'y maiintindihan ito ng mommy niya dahil iniisip lang naman nito ang ikaliligaya ng kanyang lola. Kaysa naman patuloy na magagalit sa kanya ang ina ng lalaki, mas mabuti pang sabihin na lang ang totoo. Pero, nakasaad doon sa kasulatan na walang dapat makakaaalam ng katotohan

    Last Updated : 2022-08-28

Latest chapter

  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 96- The Wedding Day

    THE FINALE Dumating na rin sa wakas ang araw na pinakahihintay nilang dalawa ni Lester---ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Alas kwatro pa lang ng umaga ay nagising na siya, at kahit gustuhin man niyanag matulog ulit, ayaw na talaga niyang dalawin ng antok. Inaamin niyang excited na talaga siyang humarap sa altar at mangako ng habang-buhay na pagmamahal sa lalaking pangarap niyang makasama habang buhay. Isang totoong kasalan na ang magaganap kaya hindi na niya masasabing magiging bride lang siya, ngunit hindi magiging asawa. Kasalukuyan silang nag-stay muna sa hotel kasama ng kanyang pamilya at iba pang kamag-anak na dumating kahapon mula sa iba't ibang probinsya. Ipinag-booked niya ng room ang mga ito dahil hindi naman magkasya sa bahay nila kung doon niya patutulugin. Nasa ibang room ang kanyang mga magulang at ang kasama lang niya sa kwarto ay si Faye. Sa kabilang silid naman nag-stay ang kanyang mga bridesmaids kasama na rito ang kanyang mga kapatid. Kinuha niyang maid of h

  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 95-Excitement

    Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ni Valerie habang hinihintay niya ang araw ng kanilang kasal ni Lester. Kung pwede nga lang niya hilahin ang mga araw upang dumating na kaagad ang kanilang pag-iisang dibdib.Bagama't naghire sila ng wedding coordinator ngunit nagiging abala pa rin sila dahil nais ng lalaki na magiging enggrande ang kanilang kasal. Kahit ayaw naman niya ng ganu'n pero mapilit naman ito dahil minsan lang daw itong mangyayari sa buhay nila. "Babe, tapos ka na ba at aalis na tayo!", wika ni Lester na naghihintay sa kanya sa labas ng kwarto. "Yes babe, malapit na!""Mars, ready ka na ba?", tanong niya kay Faye."Saglit lang mars ha, at parang may email ako. Wait lang at basahin ko muna", sagot nito. Ngunit, bigla niyang narinig ang pagtili nito na parang nanalo ng lotto."Mars!!! Seryoso ka ba?", sabi nito at sinugod siya ng yakap."Ang alin mars?" "Ito oh!", ipinakita sa kanya ni Faye ang email."Mars, sobrang touch naman ako nito. Isang milyon talaga?"

  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 94- Closer with Each Other

    Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang ina ay parang nabunutan siya ng tinik sa puso. Akala niya hindi na darating ang panahong magkakasundo sila ng mommy niya. Worth it naman ang apat na araw niyang pagbabantay sa ospital dahil mabilis naman itong nakakarecover. Salitan silang dalawa ni Ivan sa pag-aalaga sa mommy nila kaya dahil dito'y mas lalong napalapit ang loob niya sa kanyang kapatid."Bro, tapos ka na ba sa daily rounds mo sa mga pasyente?", tanong niya rito nang makitang nakasuot ng uniporme ang kanyang kapatid."Oo bro, katatapos lang. Mamaya na naman ulit. Ang mommy?""Ayun, nakatulog kaya lumabas muna ako", sagot niya."Uhm, by the way bro, pinuntahan mo na ba si Valerie sa probinsya nila?", curios na tanong ni Ivan nang makaupo sila sa mahabang upuan sa labas ng private room ng kanyang ina. "Yes bro, na-meet ko na rin ang pamilya niya. At---inalok ko na siya ng kasal!", masayang sabi niya."That's great bro! I'm happy for the two of you. Please, mahalin at alagaan mo si

  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 93- New Revelation

    Hindi niya maiwasang ngumiti nang una niyang masilayan sa kanyang paggising ang mukha ng lalaking labis niyang minamahal. Mahimbing pa itong natutulog habang yakap-yakap siya nito. Tumingin siya saglit sa orasan at pasado alas dyes na pala ng umaga. Dahan-dahan niyang pinalis ang kamay nito na nakayapos sa kanya at maingat na bumangon. Kumuha siya ng tuwalya at nagtungo sa banyo upang magshower.Pagkaraan ng fifteen minutes, lumabas na siya at nakatapis lamang ng tuwalya. Sinulyapan niya ang lalaki at natutulog pa rin ito.Habang nagbibihis siya'y biglang tumunog ang cellphone nito kaya nagising ito at dali-daling kinuha ang cellphone na iniligay sa ibabaw ng bedside table."Yes bro---""What? Oh, God! Nasaan siya ngayon bro?", narinig niyang sabi nito. Biglang sumeryoso ang mukha ni Lester kaya nag-aalala siya kung sino ang kausap nito sa cellphone."Babe, ano 'yon?", tanong niya nang matapos na itong makipag-usap."Si Ivan. Nasa ospital daw si mommy. Bigla daw itong hinimatay kahapo

  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 92-"You and me, no one else..."

    Pasado alas dyes na ng gabi ngunit nasa roof top pa rin sila ng SJ Mansion Hotel. Nakaupo silang dalawa ni Lester sa mahabang upuan habang nakatingin sa kalawakan. Maraming bituin sa langit na animo'y masayang nagkikislapan na parang sumasabay din sa kaligayahang lumulukob sa kanilang mga puso. Nakahilig siya sa balikat ng lalaki habang buong higpit nitong hawak-hawak ang kanyang mga kamay."Babe?", buong pagsuyong sambit ni Lester."Uhm, ano iyon?", mahina niyang sagot."Napansin ko lang kasi eh. Bakit 'di mo na suot ang kwintas?", tanong nito.Bigla siyang kinabahan sa tanong nito. Oo nga pala ang kwintas! Naiwala niya ito nu'ng pumunta sila ni Faye ng Isabela. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. "Ah..eh..", nauutal niyang tugon."Hey, are you okay? Ba't parang kinakabahan ka?"Hindi pa rin siya makasagot. Iniisip niya na sabihin nalang ang totoo kay Lester. Hindi naman niya talaga sinadyang mawala ito. "Uhm,..ang totoo---kasi--Le

  • Just a Bride, Not a Wife   Chapxter 91-The Proposal

    Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama na niya ngayon ang lalaking tanging laman ng kanyang puso't isipan. Parang isang panaginip lang ang lahat, kaya kinukurot pa niya ang kanyang pisngi, dahil akala niya nanaginip lamang siya ngunit totoo talaga ang lahat. Hindi niya maipaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman habang nakahilig siya sa balikat ni Lester. Nasa ganu'ng tagpo sila nang biglang bumukas ang pinto at tumambad mula doon ang nakangiti niyang mga magulang at kapatid, kasama na rin si Faye."Nay, tay, nandito po si Lester!", mangiyak-ngiyak na sambit niya.Lumapit ang mga ito sa kanila at naupo sa mahabang sopa. "Naku, anak kanina pa nandito 'yan at sinabi na niya ang lahat sa amin", wika ni Aling Melba."Ate, ang gwapo nga po pala ni Kuya Lester!", bulalas ni Aises."Kaya pala iyak ng iyak ka po ate, kasi ang gwapo pala nitong jowa mo. Parang artista!", dagdag na sabi nito saka bumungisngis ng tawa."Aises, ano ka ba! Nakakahiya sa kuya Lester mo!", saway ng kanyang ina.

  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 90- Expect the Unexpected

    Kahit anong pilit niyang maging masaya lagi pa ring may kulang sa buhay niya. Oo nga kasama niya ang kanyang pamilya at tanggap na ng mga ito ang kalagayan niya, ngunit hindi pa rin kumpleto ang kaligayahan niya. Sa kaibuturan ng kanyang puso'y may malaking kahungkagan at iisang tao lang ang tanging makapagpupuno nito---si Lester!"Anak, hindi ka ba maliligo? Tingnan mo ang mga kapatid mo oh! nag-eenjoy habang nagtatampisaw sa tubig na parang mga bata", nakangiting wika ng kanyang ina habang nakatingin ito kina Aises at Bela. "Dito na lamang po ako nay, masaya naman po ako habang tinitingnan ko sila.""Mars!!! Halika nga dito, magswimming tayo!", tawag sa kanya ni Faye, habang tuwang-tuwa ito sa pakikipaghabulan sa kanyang mga kapatid.Ngunit wala talaga siyang gana, matamlay ang kanyang pakiramdam. Paborito pa naman niyang maligo sa dagat. Naalala niya noong nasa elementarya pa lamang siya, umiiyak talaga siya kapag hindi siya nakakaligo sa dagat. Kaya lagi silang nagpi-picnic tuwin

  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 89- The Shocking Truth

    Pangatlong araw na ni Lester sa France at nararamdaman na niya ang sobrang pagkabagot. Hindi kasi siya sanay nang walang ginagawa. Bigla niyang naisip ang pagbrika. Bagama't mapagkakatiwalaan naman ang kanyang assistant ngunit hindi pa rin niya maiwasang mag-alala sa kalagayan nito ngayong nasa ibang bansa siya. Upang hindi siya gaanong ma-bored sa hotel sumasama na lamang siya kay Zha zha sa mga modeling rehearsals nito. Kaya tuloy napagkamalan siyang boyfriend ng babae. "Les, okay ka lang ba?", tanong ni Zha zha sa kanya nang mag lunch-break ito. "Okay lang ako Zha, naisip ko lang ang pabrika" "So anong plano mo ngayon, uuwi ka na ba ng Pilipinas?" "Maybe next week Zha. Wala din naman kasi akong magawa dito eh!", matamlay niyang sabi. "O sya, kakain muna tayo Les, nagugutom na ako eh. Babalik pa kami mamayang ala una, kaya doon lang tayo sa malapit na restaurant kakain. Nasa tabi lang naman nitong building kaya lalakarin lang natin", sabi nito sabay hila sa kanyang kamay. "U

  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 88- Family Love

    "Tay, nay, sorry po. Hindi ko po sinasadya eh!", tuluyan ng nalaglag ang kanyang mga luha. Hindi niya mapigilang umiyak lalo na't kaharap niya ang kanyang pamilya. "So anong ibig mong sabihing umalis 'yong lalaking nakabuntis sa iyo? Tinakasan niya ang kanyang responsibilidad?", galit na wika ng kanyang ama, habang nakakuyom ang mga palad nito. Ang kanyang ina't mga kapatid naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. "Tay, hindi naman po kasi alam ni Lester na buntis ako eh! Tay, nay, sorry po patawarin niyo ako kung nagiging kahihiyan ako ng pamilya natin", tuluyan na siyang humahagulgol. Si Faye naman na katabi niya sa upuan ay patuloy lang sa pag-apuhap sa kanyang likod. "Mars, tama na, makakasama 'yan sa baby mo!", sabi nito. "Tay, nay, nagmahal lang naman po ako. Hindi ko naman naisip na mangyari ito. Naging kumplikado lang ang lahat. Wala pong kasalanan si Lester nay!!!" "Diyos ko namang bata ka!", wika ng kanyang ina at sinugod siya ng yakap. Mas lalo tuloy siyang napah

DMCA.com Protection Status