Home / Romance / Just a Bride, Not a Wife / Kabanata 9- The Fake Fiancée

Share

Kabanata 9- The Fake Fiancée

Author: Spinel Jewel
last update Huling Na-update: 2022-08-19 19:02:15

Pagkaraan ng isa't kalahating oras ay nakarating na rin sila sa Montefalcon Ancestral House sa Batangas kung saan dito gaganapin ang salo-salo sa kaarawan ng lola ni Lester. Nang makarating na sila sa tapat ng bahay, namangha si Valerie sa laki nito. Gawa ito sa dalawang palapag at mga matitibay na mga kahoy at bato ang pangunahing ginamit sa pagpapatayo nito. Maliwanag ang buong paligid ng bahay dahil sa mga nag-iilawang mga lamp post. Nakita niya na medyo marami-rami na rin ang nakaparadang sasakyan sa labas kaya natitiyak niyang marami ng tao sa loob.

"Nandito na tayo", wika ni Lester at nagtanggal ito ng seatbelt. Nagtanggal na rin siya ng kanyang seatbelt at akmang bubuksan na sana niya ang pintuan nang pigilin ng lalaki ang kamay niya.

"Pinapaalala ko sa iyo ang trabaho mo Miss Valerie", wika nito at saka ito bumaba para pagbuksan siya ng pintuan. Iniabot ni Lester ang kamay niya para alalayan siya sa pagbaba. Sa isip niya, nagsimula ng gampanan ni Lester ang kanyang papel kaya kailangan na rin niyang gagawin ang kanyang trabaho.  Maya't maya'y sinalubong sila ng may edad na mag-asawa at sa tingin niya'y mga pinagkakatiwalaang kasambahay ng lola ni Lester.

"Good evening ho sir, ma'am", bati ng may edad na babae. Nagbigay galang din ang may edad na lalaki at kinuha nito ang luggage ng kanyang amo. Nagtaka siya kung bakit may dalang luggage ang lalaki kung uuwi lang din sila ng Maynila pagkatapos ng party. Binati din niya ang dalawang kasambahay at nginitian niya ang mga ito. 

"Ito na po ba ang fiancée niyo sir? Napakaganda po niya!", wika ng may edad na babae. Tumango lang si Lester at saka ipinakilala siya nito kina Mang Kanor at Aling Sepa. Pagkatapos ay tumuloy na sila sa loob.

Nabigla siya nang hawakan ni Lester ang kamay niya, na animo'y totoo talaga silang magsyota. Alam naman niya ginagawa lang nito ang kanilang kasunduan kaya gagampanan na rin niya ng mabuti ang kanyang papel. Ngunit hindi niya talaga maiwasang kabahan lalo na't hindi pa niya nakikilala ang pamilya ng lalaki.

Nang makapasok na sila sa loob ng bahay ay nakasentro sa kanilang dalawa ang atensyon ng lahat ng mga taong naroroon. Karamihan sa kanila ay nakaupo sa mga plastic chairs na may kulay dilaw na seat covers katapat ng mga mesa na may maayos na mga skirting. Sa gitna ng mga ito ay may pulang carpet na inilagay mula sa pintuan hanggang sa dulo kung saan nakapwesto ang mahabang mesa. Hindi pa naman nag-uumpisa ang party kaya hindi siya nakaligtas sa mapanuring tingin ng mga tao. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili dahil palakas ng palakas ang kabog ng kanyang dibdib. Iginala nalang niya ang kanyang mga mata sa buong paligid upang hindi siya masyadong nerbiyusin.

Napakaayos ng ambiance ng buong bahay at talaga ngang ancestral house ito. Napakaluwag ng sala, makintab ang sahig na gawa sa matitibay na mga kahoy. May mga antigong plorera ng mga bulaklak ang nakalagay sa bawat sulok at mga mamahaling muwebles na halatang iniingatan sa loob na ng maraming taon. Ang buong sala ay pinalamutian ng mga customized na balloons at may malaki ding tarpaulin na nakasabit sa gitna ng mahabang mesa na may nakasulat "Happy 70th birthday Donya Lucita". May limang layer na customized cake sa ibabaw ng mesa at may nakalagay na ring pagkain at wine doon. Sa gawing kaliwa ay may winding staircase papunta sa ikalawang palapag. At sa ibabaw ng hagdan ay nakasabit doon ang malaking picture frame ng isang may edad na babae at natitiyak niyang iyon ang lola ni Lester. 

"Iho, welcome!", nakangiting salubong sa kanila ng babaeng kamukha noong nasa frame. Humalik si Lester dito at masuyo itong niyakap. Mas lalo niyang natiyak na ito nga ang lola ng lalaki. Maganda ito at kahit na nagkakaedad na, ay lutang pa rin ang taglay na kagandahan nito. Makinis at maputi ang balat nito na halatang mestisahin. Sa isip ni Valerie napakaganda siguro nito nu'ng kanyang kabataan dahil mapupungay ang mga mata nito at matangos ang ilong. Nakasuot ito ng magarang damit at may malaking kwintas sa leeg. Ngunit napansin niya na may bandana ito sa ulo kaya hindi niya nakikita ang buhok nito.

"Happy birthday po lola", bati ni Lester saka binalingan siya nito at masuyong inakbayan.

"La, this is Valerie Sandoval, my fiancée", wika niya

"Magandang gabi po ma'am. Happy birthday po", bati niya sa matanda.

Tinanguhan siya nito pagkatapos nginitian.

"Welcome here iha, nice meeting you. Napakaganda mong bata ka!",  bulalas na wika ng matanda.

"Pero h'wag mo akong tawaging ma'am. Lola nalang iha, pwede ba iyon?", tanong nito.

"Sige ho lola", nakangiting tugon niya. Kahit papano'y nabawasan ng kaunti ang kaba na kanyang naramdaman dahil sa maayos na pagtanggap nito sa kanya. 

"La, ang mommy po?", tanong ni Lester.

"Siguro'y papunta pa lang, iho. Maya't maya'y nandito na rin iyon".

Tumango lang ang lalaki at muling hinawakan nito ang kanyang kamay saka iginiya sa mga pinsan at kamag-anak nito. Para talaga siyang matutunaw sa mga titig ng mga kamag-anak ni Lester. Hindi niya matiyak kung anong ibig sabihin ng mga iyon. May iba na maayos ang pagtanggap sa kanya ngunit ang iba naman ay iniismiran lang siya na para bang pinagdududahan ang pagkatao niya. Hindi naman niya masisisi kung ganu'n ang trato ng mga ito sa kanya. Nagmula kasi ang mga ito sa mayayamang angkan at napakalayo ng agwat ng estado nila sa buhay ni Lester.

Eh ano naman ngayon? Sabi ni Valerie sa kanyang sarili. Ginagawa lang naman niya ang trabaho niya at wala namang personalan. Ki gusto o hindi siya gusto ng mga kamag-anak ng lalaki, wala naman siyang pakialam du'n basta't ang mahalaga magawa niya ng maayos ang trabaho niya.

"Okay ka lang ba?", bulong ni Lester sa kanya nang maupo sila sa sopa.

"Wala naman akong choice di ba? Pero please bitiwan mo na ang kamay ko".

Ngunit sa halip na bitawan ito ng lalaki, mas lalo pa nitong hinigpitan ang paghawak sa kamay niya na para bang nanunukso ito sa kanya.

"Bakit? Hindi ka ba nag-eenjoy habang hinahawakan ko ang kamay mo?", nanunuksong sabi nito.

"Hoy, h'wag mo akong simulan ha at baka hindi ako makapagpigil at masipa kita dyan", halos pabulong na tugon niya.

Buti na lang at biglang lumapit ang lola nito kaya sandaling naudlot ang pang-aasar nito sa kanya.

"Excuse me iho, pwede ko bang makausap ang fiancée mo?", tanong ni Donya Lucita.

Tumango lang ang lalaki, pagkatapos ay tumayo ito at nakikihalubilo sa mga kamag-anak nito. Samantalang siya ay kinakabahan kung ano ang pag-uusapan nila ng lola ni Lester. Sa tingin niya'y seryoso ang kanilang pag-uusapan dahil ayaw nitong may makarinig sa kanila. Bago ito nagsimulang magsalita tumikhim muna ito saka bumuntung-hininga ng malalim.

Sa may di kalayuan naman ay nakaupo si Lester at nakikipagkumustuhan sa kanyang mga kamag-anak. Matagal na ring hindi niya nakikita ang kanyang mga pinsan simula nu'ng lumipat siya ng Maynila at nagtayo ng sarili niyang restaurant. Nang mamatay ang kanyang ama dalawang taon na ang nakaraan dahil sa isang aksidente, ang kanyang ina na ang namamahala sa kanilang shoe factory sa Marikina dahil iyon naman ang nakasaad sa Last Will and Testament ng kanyang ama. Ngunit nakasaad doon na ililipat sa kanyang ang buong pamamahala ng pabrika kapag nakapag-asawa siya sa edad na tatlumpu.

Hindi naman siya intresado sa pabrika dahil ayaw niyang umaasa lang sa kung ano ang meron sa kanyang pamilya. Nais niyang magkaroon ng sariling mapagkakakitaan. Ngunit simula nu'ng ma brokenhearted siya, napabayaan niya ang kanyang negosyo at tuluyan itong bumagsak. Kaya ngayon ay wala na siyang trabaho kundi ang pumupunta nalang paminsan-minsan sa kanilang pabrika. Kaya nais ng kanyang lola na makapag-asawa na siya para sa kanya na ang buong pamamahala ng shoe factory. Ngunit hindi ito ang pangunahing dahilan niya kung bakit nakipagkasundo siya kay Valerie kundi ang mapagbigyan ang kahilingan ng kanyang lolang maysakit. Kanser sa ovary ang sakit ng kanyang lola at nasa stage four na ito. Kahit patuloy ito sa pag undergo ng chemotherapy ngunit marami na rin ang mga complications dahil sa nagkakaedad na rin ito. Ang totoo'y may taning na ang buhay nito at napakasakit ito para sa kanya. Mahal na mahal niya ang kanyang lola dahil ito ang nagpalaki sa kanya. Parehong busy ang mga magulang niya sa negosyo kaya ito na ang nag-alaga sa kanya simula nu'ng bata pa siya. Nahiwalay lang siya nito nang pumunta siya ng Maynila ngunit tuwing weekends ay dinadalaw naman niya ito dito sa ancestral house.

"Cuz, ang lalim ng iniisip mo ah!", pambabara ng kanyang pinsang si Angie. Sa lahat ng mga pinsan niya, ito ang pinakamalapit sa kanya.

"Uhm, desidido ka na ba talagang mag-asawa cuz? Ibig ba sabihin niyan nakalimutan mo na talaga si Scarlet?"

"Yes cuz, at hindi ko na siya naiisip. Life must go on so I need to accept na wala na kami", mariing tugon niya.

"Tama yan cuz, she doesn't deserve you. Buti naman at natauhan ka na", seryosong sabi nito.

"Pero in fairness cuz ha, maganda 'yang fiancée mo at mukha namang mabait. Pero mahal mo ba talaga yan, o ginawa mo lang panakip-butas?"

Nagulat siya sa tanong ni Angie sa kanya. Saglit na natahimik siya kasi hindi rin naman niya alam kung anong isasagot niya rito. Binayaran lang niya si Valerie at hindi niya ito gusto at mas lalong di niya mahal. Pero hindi rin niya ito ginamit para magiging panakip-butas lang. Oo nga't nakipagkasundo siya dito pero ang natatanging dahilan niya ay ang pagbigyan lang ang kahilingan ng kanyang lola at wala ng iba pa. Para sa kaligayahan ng lola niya, nakahanda siyang magbayad ng malaking halaga. Total may pera naman siyang naipon sa bangko nu'ng may negosyo pa siya. Bukod pa rito'y pinamanahan din siya ng malaking halaga ng kanyang ama bago ito namatay.

"Cuz? I'm asking if you really love that woman?", tanong ulit ni Angie.

"Of course naman cuz, hindi ko naman papakasalan kung hindi ko mahal diba?", tugon niya.

Maya't maya'y nakarinig sila ng tunog ng sasakyan na huminto sa tapat ng bahay. Alam ni Lester ito na ang mommy niya. Hindi naman siya nagkamali dahil pagkaraan ng ilang sandali ay pumasok na sa loob ang kanyang ina.

"Hi son!", bati nito sa kanya.

"Hi mom!", tugon niya at hinalikan sa pisngi ang kanyang ina.

"Hello po, tita", buong-galang na bati ni Angie. 

Tumango lang ang mommy niya at nang makita nito ang biyenan na nakaupo sa sopa ay dali-dali itong lumapit at humalik sa pisngi ng matanda. Sinundan niya ito dahil sa tingin niya tapos na ang lola niyang makipag-usap kay Valerie.

"Hi mama, happy birthday!", bati ng mommy niya sa kanyang lola. Pagkatapos ay bumaling ito ng tingin kay Valerie.

"Uhm. Mom, this is Valerie Sandoval, my fiancee", nakangiting sabi niya habang nakahawak siya sa kamay ng dalaga.

"What?", wika ng ina niya kasabay ang pag-arko ng isang kilay nito.

Kaugnay na kabanata

  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 10- Family Dispute

    Alam ni Valerie na hindi siya gusto ng mommy ni Lester. Halata naman kasi sa mga kilos nito. Matalim ang tingin sa kanya ni Madam Elena nu'ng ipinakilala siya ng lalaki bilang fiancée. At kahit na nu'ng pormal na inanunsyo ng binata ang kanilang pagpapakasal, ay tahimik lamang na nakaupo ang mommy nito at nakasimangot itong tumingin sa kanya kasabay ng pag-arko ng isang kilay nito. Napakaistrikta nitong tingnan at sa tingin niya, matapobre nga ito kaya alam niyang may naghihintay na napakalaking gulo sa pagpasok niya sa buhay ni Lester Montefalcon. Ngunit nandito na siya, hindi na siya pwedeng umurong pa lalo na't nakapirma na siya ng kontrata at naihulog na rin sa kanyang bank account ang limang milyong piso bilang paunang bayad. Bukas ay ipapadala na niya ang isang milyon sa kanyang ina sa probinsya para maipagamot kaagad ang kanyang ama. Of course, hindi niya sasabihin na pumasok siya sa isang kasunduan kaya nagkaroon siya ng ganoon kalaking halaga. Sasabihin lang niya sa nanay niya

    Huling Na-update : 2022-08-20
  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 11- Total Displeasure

    Sakay ng kanyang kotse ay umuwi pabalik ng Maynila si Madam Elena matapos itong makipag-usap sa kanyang biyenan. Punung-puno ng galit ang kanyang puso dahil sa balak na pagpapakasal ng kanyang anak na si Lester kay Valerie. Hindi niya maisip kung anong pumasok sa kukuti ng kanyang anak at pumili ng babaeng hindi nila ka level sa estado ng buhay. At hindi siya makakapayag na mapunta lang ang anak niya sa isang ordinaryong teller ng bangko. Kaya kailangan niyang makagawa ng paraan upang hindi matuloy ang kasal. "Ma'am diretso na po ba tayo sa bahay niyo?", tanong ng kanyang driver na si Mang Sebastian. "Diretso na tayo sa bahay. Gusto ko ng magpahinga dahil sumasakit na ang ulo ko dahil sa desisyon ng magaling kong anak" "Bakit po ma'am, hindi niyo po ba nagugustuhan ang mapapangasawa ni sir Lester? Napakaganda naman po ni ma'am Valerie ma'am at mukhang mabait naman", komento ng driver. "Tumigil ka riyan Sebastian! Hindi ko hiningi ang opinyon mo!!! Hindi nababagay ang Valerie na iyo

    Huling Na-update : 2022-08-23
  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 12- Disappointment

    "O, anong nangyari sa iyo at parang masasabitan ng basket yang nguso mo?", tanong ni Lester kay Valerie nang makapasok na sila sa loob ng guest room. "Alam mo Mister Lester, ba't hindi na lang natin sabihin sa mommy mo na nagpapanggap lang tayo at binabayaran mo lang ako para mapagbigyan mo ang kahilingan ng lola mo, kaysa naman nagkakagulo kayo di ba?", wika ni Valerie habang nakaupo ito sa malambot na kama. "No way! Walang dapat makakaalam sa kasunduan natin Miss Valerie. Malinaw sa iyo 'yon kaya, hw'ag na h'wag mong mabanggit sa kahit sino man ang tungkol sa kontrata. Maliwanag?" Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Iniisip niya bakit kaya ayaw sabihin ni Lester sa mommy nito ang kanilang kasunduan. Siguro nama'y maiintindihan ito ng mommy niya dahil iniisip lang naman nito ang ikaliligaya ng kanyang lola. Kaysa naman patuloy na magagalit sa kanya ang ina ng lalaki, mas mabuti pang sabihin na lang ang totoo. Pero, nakasaad doon sa kasulatan na walang dapat makakaaalam ng katotohan

    Huling Na-update : 2022-08-28
  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 13- Misunderstanding

    Biglang nagising si Valerie dahil sa pagpihit ng pintuan na parang may papasok sa loob. Akala niya si Lester iyon ngunit isa pala sa mga katulong ni Donya Lucita. Biglang niyang naalala nasa hardin siya kagabi at hindi niya matandaan na pumasok siya ng kwarto pagkagaling doon. Kaya nagtaka siya kung bakit nasa loob na siya ng silid at nakahiga sa kama. "Good morning ho ma'am, sorry po kung nadistorbo ko po kayo. Inihahatid ko lang po itong tuwalya ma'am, baka ho kasi maliligo na po kayo", wika ng babae. Sa tingin niya, bata pa ito at siguro'y nasa mga twenties pa. "May kailangan pa po ba kayo ma'am?" mahinahong tanong ng babae. "Ah eh, wala na miss--" "Nena po ang pangalan ko ma'am", nakangiting sabi nito. "Ah, okay. Salamat Nena". Nang makaalis na ang katulong, patuloy pa rin siyang napaisip kung sino ang naghatid sa kanya sa loob ng kwarto, gayong wala namang nakakaalam na nasa hardin siya kagabi. Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok.

    Huling Na-update : 2022-08-29
  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 14- The Bad Mood

    Pagkatapos na magpaalam si Valerie kay Donya Lucita at sa mga katulong, sumakay kaagad siya sa Ford Raptor. Buti na lang at holiday ngayon kaya wala siyang trabaho sa bangko kaya magpapahinga na lang siya sa apartment para makabawi siya ng tulog. Matapos ang ilang sandali, lumabas na si Lester ngunit hindi nito bitbit ang luggage. Alam niya na iniwan lang iyon ng lalaki sa loob ng guest room at pati na rin ang isinuot niyang damit dahil sabi pa nito ang katulong na ang maglalaba ng kanyang mga damit at tutal babalik din naman daw sila dito sa susunod na linggo. Gusto kasi ni Donya Lucita na sa Batangas idadaos ang kanilang kasal ni Lester kaya simula next week magiging abala na sila. Habang nasa daan sila'y wala silang imikan ng lalaki. Seryoso lang ito sa pagmamaneho kaya, hindi na rin siya nagbubukas ng usapan at baka magtalo na naman sila. Mas mabuting tumahimik na lamang siya para mapayapa ang kanyang kalooban. Kinuha niya ang kanyang headset sa bag at isinuksok sa cellphone at i

    Huling Na-update : 2022-08-31
  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 15- Going to the Party

    "Mars!!!", tuwang-tuwang bulalas ni Faye nang makapasok na si Valerie sa loob. Sinugod niya ito ng yakap na para bang ang tagal nilang hindi nagkikita. "Mars, namiss kita! Kumusta??", tanong ni Faye kay Valerie. "Okay lang mars", sagot ni Valerie at pagkatapos tumuloy ito sa kanyang silid. Sumunod naman sa kanya si Faye na para bang excited itong malaman ang lahat ng mga nangyayari sa pagpunta ng kanyang kaibigan sa Batangas. Umupo si Faye sa kama at hinintay na matapos si Valerie sa pagpapalit ng damit. Maya't maya'y may kinuha si Valerie sa loob ng kanyang shoulder bag. Dalawang supot ng bibingkang malagkit at inabot iyon kay Faye. "Wow Mars!!! Thank you!!! It's my favorite!", nakangiting sambit ni Faye. "Ibinigay yan sa akin ni Donya Lucita kanina at naisip ko na dalhin sa iyo dahil alam ko naman na paborito mo 'yan", sagot ni Valerie. "Talaga lang mars ha! Ang bait pala ng lola ni Lester kung ganun mars!", buong paghangang wika ni Faye kahit punung-puno ang bibig ng pagkain.

    Huling Na-update : 2022-09-01
  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 16- Unexpected Encounter

    "Love, sumama ka sa akin mamaya ha sa birthday ng kaibigan ko", malambing na wika ni Amber. "Wala naman akong kakilala doon pwedeng dito na lang ako at mag ba bar nalang kami ni Tristan", pagtangging sagot ni Ivan. "At isa pa parang wala ako sa mood na pumunta ng party kaya ikaw nalang love", dagdag na sabi ni Ivan saka ito tumagilid sa kama. Ngunit biglang lumipat ng pwesto si Amber at ngayo'y kaharap na niya si Ivan. Kagagaling lang nila sa isang mainit na p********k kaya hubo't hubad pa ang kanilang mga katawan. At nang magsimula na namang maglikot ang kamay ni Amber ay bigla na namang nabuhay ang pagkalalaki ni Ivan ngunit kunyari playing hard to get ang babae dahil alam naman niyang hindi siya tatantanan ni Ivan. "Basta't sumama ka sa akin mamaya and I will make you happy Dr. Ivan Castillo", pang-aakit ni Amber saka ito tumayo at gumiling-giling sa harap ng lalaki. "Okay fine...", sambit ni Ivan saka nito dinakmal ang dalawang mauumbok na dibdib ni Amber at sinimulang himasin

    Huling Na-update : 2022-09-02
  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 17- After All

    Hindi makapaniwala si Valerie na muli silang magkikita ni Ivan. Napakaliit lang talaga ang mundo at dito pa sila magkikita sa birthday party ng kaibigan ni Lester. Inaamin ni Valerie na hindi pa rin siya tuluyang nakapag move-on kay Ivan. Hindi naman talaga madali ang lumimot lalo na't sobra niyang mahal ang kanyang dating nobyo. Oo nga't kasama niya ngayon si Lester at sumasayaw silang dalawa sa dance floor, ngunit ang puso at isip niya ay lumilipad patungo kay Ivan. Sa isip ni Valerie, sana siya ngayon ang kasayaw at kayakap ni Ivan. Ngunit malabo ng mangyari iyon dahil hindi naman siya totoong mahal ng kanyang dating nobyo. Kaya kailangan niyang magiging praktikal at hindi siya dapat magpadaig sa kung ano man ang kanyang nararamdaman. Pero sa puso niya'y masakit pa rin sa kanya ang ginawang panloloko ni Ivan. At sa tuwing maalala niya ang tagpong kanyang naabutan noon sa banyo ay hindi niya maiwasang magiging emosyonal. At ngayo'y muli niyang nakita ang lalaking dahilan ng kanyang k

    Huling Na-update : 2022-09-06

Pinakabagong kabanata

  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 96- The Wedding Day

    THE FINALE Dumating na rin sa wakas ang araw na pinakahihintay nilang dalawa ni Lester---ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Alas kwatro pa lang ng umaga ay nagising na siya, at kahit gustuhin man niyanag matulog ulit, ayaw na talaga niyang dalawin ng antok. Inaamin niyang excited na talaga siyang humarap sa altar at mangako ng habang-buhay na pagmamahal sa lalaking pangarap niyang makasama habang buhay. Isang totoong kasalan na ang magaganap kaya hindi na niya masasabing magiging bride lang siya, ngunit hindi magiging asawa. Kasalukuyan silang nag-stay muna sa hotel kasama ng kanyang pamilya at iba pang kamag-anak na dumating kahapon mula sa iba't ibang probinsya. Ipinag-booked niya ng room ang mga ito dahil hindi naman magkasya sa bahay nila kung doon niya patutulugin. Nasa ibang room ang kanyang mga magulang at ang kasama lang niya sa kwarto ay si Faye. Sa kabilang silid naman nag-stay ang kanyang mga bridesmaids kasama na rito ang kanyang mga kapatid. Kinuha niyang maid of h

  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 95-Excitement

    Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ni Valerie habang hinihintay niya ang araw ng kanilang kasal ni Lester. Kung pwede nga lang niya hilahin ang mga araw upang dumating na kaagad ang kanilang pag-iisang dibdib.Bagama't naghire sila ng wedding coordinator ngunit nagiging abala pa rin sila dahil nais ng lalaki na magiging enggrande ang kanilang kasal. Kahit ayaw naman niya ng ganu'n pero mapilit naman ito dahil minsan lang daw itong mangyayari sa buhay nila. "Babe, tapos ka na ba at aalis na tayo!", wika ni Lester na naghihintay sa kanya sa labas ng kwarto. "Yes babe, malapit na!""Mars, ready ka na ba?", tanong niya kay Faye."Saglit lang mars ha, at parang may email ako. Wait lang at basahin ko muna", sagot nito. Ngunit, bigla niyang narinig ang pagtili nito na parang nanalo ng lotto."Mars!!! Seryoso ka ba?", sabi nito at sinugod siya ng yakap."Ang alin mars?" "Ito oh!", ipinakita sa kanya ni Faye ang email."Mars, sobrang touch naman ako nito. Isang milyon talaga?"

  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 94- Closer with Each Other

    Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang ina ay parang nabunutan siya ng tinik sa puso. Akala niya hindi na darating ang panahong magkakasundo sila ng mommy niya. Worth it naman ang apat na araw niyang pagbabantay sa ospital dahil mabilis naman itong nakakarecover. Salitan silang dalawa ni Ivan sa pag-aalaga sa mommy nila kaya dahil dito'y mas lalong napalapit ang loob niya sa kanyang kapatid."Bro, tapos ka na ba sa daily rounds mo sa mga pasyente?", tanong niya rito nang makitang nakasuot ng uniporme ang kanyang kapatid."Oo bro, katatapos lang. Mamaya na naman ulit. Ang mommy?""Ayun, nakatulog kaya lumabas muna ako", sagot niya."Uhm, by the way bro, pinuntahan mo na ba si Valerie sa probinsya nila?", curios na tanong ni Ivan nang makaupo sila sa mahabang upuan sa labas ng private room ng kanyang ina. "Yes bro, na-meet ko na rin ang pamilya niya. At---inalok ko na siya ng kasal!", masayang sabi niya."That's great bro! I'm happy for the two of you. Please, mahalin at alagaan mo si

  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 93- New Revelation

    Hindi niya maiwasang ngumiti nang una niyang masilayan sa kanyang paggising ang mukha ng lalaking labis niyang minamahal. Mahimbing pa itong natutulog habang yakap-yakap siya nito. Tumingin siya saglit sa orasan at pasado alas dyes na pala ng umaga. Dahan-dahan niyang pinalis ang kamay nito na nakayapos sa kanya at maingat na bumangon. Kumuha siya ng tuwalya at nagtungo sa banyo upang magshower.Pagkaraan ng fifteen minutes, lumabas na siya at nakatapis lamang ng tuwalya. Sinulyapan niya ang lalaki at natutulog pa rin ito.Habang nagbibihis siya'y biglang tumunog ang cellphone nito kaya nagising ito at dali-daling kinuha ang cellphone na iniligay sa ibabaw ng bedside table."Yes bro---""What? Oh, God! Nasaan siya ngayon bro?", narinig niyang sabi nito. Biglang sumeryoso ang mukha ni Lester kaya nag-aalala siya kung sino ang kausap nito sa cellphone."Babe, ano 'yon?", tanong niya nang matapos na itong makipag-usap."Si Ivan. Nasa ospital daw si mommy. Bigla daw itong hinimatay kahapo

  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 92-"You and me, no one else..."

    Pasado alas dyes na ng gabi ngunit nasa roof top pa rin sila ng SJ Mansion Hotel. Nakaupo silang dalawa ni Lester sa mahabang upuan habang nakatingin sa kalawakan. Maraming bituin sa langit na animo'y masayang nagkikislapan na parang sumasabay din sa kaligayahang lumulukob sa kanilang mga puso. Nakahilig siya sa balikat ng lalaki habang buong higpit nitong hawak-hawak ang kanyang mga kamay."Babe?", buong pagsuyong sambit ni Lester."Uhm, ano iyon?", mahina niyang sagot."Napansin ko lang kasi eh. Bakit 'di mo na suot ang kwintas?", tanong nito.Bigla siyang kinabahan sa tanong nito. Oo nga pala ang kwintas! Naiwala niya ito nu'ng pumunta sila ni Faye ng Isabela. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. "Ah..eh..", nauutal niyang tugon."Hey, are you okay? Ba't parang kinakabahan ka?"Hindi pa rin siya makasagot. Iniisip niya na sabihin nalang ang totoo kay Lester. Hindi naman niya talaga sinadyang mawala ito. "Uhm,..ang totoo---kasi--Le

  • Just a Bride, Not a Wife   Chapxter 91-The Proposal

    Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama na niya ngayon ang lalaking tanging laman ng kanyang puso't isipan. Parang isang panaginip lang ang lahat, kaya kinukurot pa niya ang kanyang pisngi, dahil akala niya nanaginip lamang siya ngunit totoo talaga ang lahat. Hindi niya maipaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman habang nakahilig siya sa balikat ni Lester. Nasa ganu'ng tagpo sila nang biglang bumukas ang pinto at tumambad mula doon ang nakangiti niyang mga magulang at kapatid, kasama na rin si Faye."Nay, tay, nandito po si Lester!", mangiyak-ngiyak na sambit niya.Lumapit ang mga ito sa kanila at naupo sa mahabang sopa. "Naku, anak kanina pa nandito 'yan at sinabi na niya ang lahat sa amin", wika ni Aling Melba."Ate, ang gwapo nga po pala ni Kuya Lester!", bulalas ni Aises."Kaya pala iyak ng iyak ka po ate, kasi ang gwapo pala nitong jowa mo. Parang artista!", dagdag na sabi nito saka bumungisngis ng tawa."Aises, ano ka ba! Nakakahiya sa kuya Lester mo!", saway ng kanyang ina.

  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 90- Expect the Unexpected

    Kahit anong pilit niyang maging masaya lagi pa ring may kulang sa buhay niya. Oo nga kasama niya ang kanyang pamilya at tanggap na ng mga ito ang kalagayan niya, ngunit hindi pa rin kumpleto ang kaligayahan niya. Sa kaibuturan ng kanyang puso'y may malaking kahungkagan at iisang tao lang ang tanging makapagpupuno nito---si Lester!"Anak, hindi ka ba maliligo? Tingnan mo ang mga kapatid mo oh! nag-eenjoy habang nagtatampisaw sa tubig na parang mga bata", nakangiting wika ng kanyang ina habang nakatingin ito kina Aises at Bela. "Dito na lamang po ako nay, masaya naman po ako habang tinitingnan ko sila.""Mars!!! Halika nga dito, magswimming tayo!", tawag sa kanya ni Faye, habang tuwang-tuwa ito sa pakikipaghabulan sa kanyang mga kapatid.Ngunit wala talaga siyang gana, matamlay ang kanyang pakiramdam. Paborito pa naman niyang maligo sa dagat. Naalala niya noong nasa elementarya pa lamang siya, umiiyak talaga siya kapag hindi siya nakakaligo sa dagat. Kaya lagi silang nagpi-picnic tuwin

  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 89- The Shocking Truth

    Pangatlong araw na ni Lester sa France at nararamdaman na niya ang sobrang pagkabagot. Hindi kasi siya sanay nang walang ginagawa. Bigla niyang naisip ang pagbrika. Bagama't mapagkakatiwalaan naman ang kanyang assistant ngunit hindi pa rin niya maiwasang mag-alala sa kalagayan nito ngayong nasa ibang bansa siya. Upang hindi siya gaanong ma-bored sa hotel sumasama na lamang siya kay Zha zha sa mga modeling rehearsals nito. Kaya tuloy napagkamalan siyang boyfriend ng babae. "Les, okay ka lang ba?", tanong ni Zha zha sa kanya nang mag lunch-break ito. "Okay lang ako Zha, naisip ko lang ang pabrika" "So anong plano mo ngayon, uuwi ka na ba ng Pilipinas?" "Maybe next week Zha. Wala din naman kasi akong magawa dito eh!", matamlay niyang sabi. "O sya, kakain muna tayo Les, nagugutom na ako eh. Babalik pa kami mamayang ala una, kaya doon lang tayo sa malapit na restaurant kakain. Nasa tabi lang naman nitong building kaya lalakarin lang natin", sabi nito sabay hila sa kanyang kamay. "U

  • Just a Bride, Not a Wife   Kabanata 88- Family Love

    "Tay, nay, sorry po. Hindi ko po sinasadya eh!", tuluyan ng nalaglag ang kanyang mga luha. Hindi niya mapigilang umiyak lalo na't kaharap niya ang kanyang pamilya. "So anong ibig mong sabihing umalis 'yong lalaking nakabuntis sa iyo? Tinakasan niya ang kanyang responsibilidad?", galit na wika ng kanyang ama, habang nakakuyom ang mga palad nito. Ang kanyang ina't mga kapatid naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. "Tay, hindi naman po kasi alam ni Lester na buntis ako eh! Tay, nay, sorry po patawarin niyo ako kung nagiging kahihiyan ako ng pamilya natin", tuluyan na siyang humahagulgol. Si Faye naman na katabi niya sa upuan ay patuloy lang sa pag-apuhap sa kanyang likod. "Mars, tama na, makakasama 'yan sa baby mo!", sabi nito. "Tay, nay, nagmahal lang naman po ako. Hindi ko naman naisip na mangyari ito. Naging kumplikado lang ang lahat. Wala pong kasalanan si Lester nay!!!" "Diyos ko namang bata ka!", wika ng kanyang ina at sinugod siya ng yakap. Mas lalo tuloy siyang napah

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status