Share

03 Julie

last update Huling Na-update: 2021-06-07 00:06:35

INILAPAG KO NA sa loob ng kuna niya ang natutulog na si Jillian. Bumalik na ako sa pwesto ko sa may lamesa kung saan nakalapag ang mga librong ko at nagpatuloy sa pag-aaral para sa darating kong exam. I want to prove to everyone that I am worthy of getting that first rank. Naging top 1 ako hindi lang dahil distracted si Prince kay Rome kundi dahil pinaghirapan ko 'yon!

Nakakunot-noong sinundan ko ng tingin si Ate Julia nang lumabas siya mula sa kwarto namin at pormado pa.

"Ate, saan ka na naman pupunta?"

"May date ako," sagot niya habang nagsusuklay ng mahabang buhok.

"Ate, pwede bang sa susunod na lang 'yan? Walang magbabantay kay Jillian. Nasa palengke pa si nanay tapos nag-aaral pa ako kasi may exam pa kami bukas," pakiusap ko sa kanya.

Pumalatak si Ate Julia at binaba ang suklay para iduro ako gamit iyon.

"Sis, huwag kang aral nang aral. Mag-boys ka rin minsan para naman mag-enjoy ka–oh, wait! Hindi nga pala lalaki type mo. Teka nga lang..." aniya't nakangisi nang humalukipkip.

"Kaya ka ba ganyan ka-bitter ngayon kasi sina Prince na at Rome?"

"Ano namang pake ko sa kanila, ate? Nag-aaral ako ngayon at kailangan ko nang katulong sa pag-aalaga kay Jillian. Saka nagpaalam ka na ba kay nanay?"

"Hindi pa. Pakisabi na lang kay nanay. Papayag din naman 'yon. Anyway, payong kapatid lang 'to, sis. Kung hindi ikaw 'yong pinili ni beks, e, 'di manggulo ka na lang sa kanila. Alis na ako!"

"Ate, naman!" I called her frustratedly, but she was quick to leave.

Nagising ko ata sa pagsigaw ko si Jillian kaya ayun at nag-iiiyak na naman sa kuna niya. Nanggigigil na hinampas ko pababa sa lamesa ang hawak na ballpen ko saka tumayo na para patulugin na naman ang kapatid ko.

Ate Julia's always enjoying her time. Ni hindi na tumutulong dito sa bahay. Ako na lang palagi ang nagbabantay kay Jillian kapag wala si nanay. Tatay's too tired after his duty. Si nanay naman paborito si Ate Julia kasi nga maganda at kaliwa't kanan ang papuring natatanggap. Mataas din ang kumpyansa nila sa kanya dahil ito ang breadwinner namin. Pero average student lang naman si Ate Julia sa college, ni kamuntikan nang ipag-advise to shift kung hindi nakatungtong 'yong GWA niya sa quota para sa mga Accountancy students.

Ang mas nakakainis pa ro'n ay kahit alam ko namang hindi ako dapat nakikinig sa mga payo ni Ate Julia dahil mas sensible akong tao kumpara sa kanya ay naiimpluwensiyahan niya pa rin ako. Lalong-lalo na tuwing nakikita kong masayang magkasama sina Rome at Prince. Para talagang nagiging guardian devil ko si Ate Julia na bumubulong sa tenga ko para ipaalala iyong mga payo niyang hindi naman talaga nakakatulong.

Pagkatayo ni Prince para umalis sa tabi ni Rome ay kaagad kong sinara ang librong kunwari ay binabasa ko pero ginagamit ko lang harang habang palihim silang pinapanood kanina pa. Tumayo ako at dinala na ang pencil case ko at snack na hindi ko man lang nagalaw. Sa classroom na ako kakain kasi nakakawala nang gana rito.

Naglakad ako palapit sa pwesto niya at tumigil saka malakas na binagsak ang libro ko sa ibabaw ng lamesa. Rome lifted his head to look at me.

"Julie, may problema ba?" mahinahong tanong niya.

Nagtaas ako ng kilay. Naiinis ako sa kung bakit kahit na ganito na ang turing ko sa kanya ay nagagawa niya pa ring pakitunguhan ako nang maayos. Ang hinhin niya pa rin at ang bait. Nakakainis...

"Hindi ba Katoliko ka?" I asked.

Marahan naman siyang tumango. "Oo–"

"Oh, e, 'di dapat alam mong hindi sang-ayon ang simbahan sa relasyon niyo ni Prince!" putol ko agad sa kanya.

His lips slightly parted but he quickly pursed them. "Julie... opinyon mo 'yan kaya igagalang ko."

"Isa pa..." He stopped and licked his lips before continuing. "Gustong ipasok ng papa niya sa PMA si Prince kaya hindi naman ako umaasang magkakatuluyan pa kam-"

I laughed mockingly at that. Humalukipkip ako nang matigil at nanunuya siyang tiningnan.

"Magkatuluyan? With the kind of relationship you shared with Prince? That's wishful thinking, Rome! Well, except if you earn billions when you grow up. That's the only time you can afford to change other people's opinion about you and your choice of partner."

"Ano na namang ginagawa mo, Julie?" tanong ni Prince na mabilis na lumapit kay Rome na akala mo naman ay aping-api iyong prinsesa niya.

"Ayos ka lang?" he asked Rome softly. Tumango naman ang huli.

"Oo, nag-uusap lang kami ni Julie..." si Rome na pinagtatakpan ako.

Nainis ako bigla dahil hindi naman niya kailangang gawin 'yon. Gusto ko ngang mag-away kami ni Prince, e. 'Yong magsumbatan kami rito para alam nilang hindi ako sang-ayon sa relasyon nila. I harrumphed and grabbed my book from the table.

"Sama-sama kayong masusunog sa impyerno!" saad ko at nagmartsa na palabas ng canteen.

Pag-alis ko nang tuluyan sa canteen ay bumagal ang lakad ko. I didn't really mean the words I've given. That's the religious sector's take on same-sex relationship but not really mine. Vinerbalize ko lang. Hanggang ngayon kasi ay naniniwala pa rin akong wala naman talagang kasarian sa pagmamahal gaya nang sinabi sa akin ni nanay noon. It's just that... Ewan ko ba at naiinis talaga akong makitang magkasama silang dalawa! Basta ang alam ko lang at pinanghahawakan ay sinungaling si Rome! Sinungaling siya!

I shrieked in frustration. Napatingin pa sa akin iyong mga estudyanteng nasa malapit.

"Bwisit ka, Borromeo Buendia Jr.!" Pumihit  ako paharap ulit sa may canteen para sana iduro iyon. "Magsama kayo ni–"

Naumid ang dila ko nang maabutan si Rome na nakasunod lang pala sa akin pagharap ko nang tuluyan sa direksyon ng canteen. Binaba ko ang nakataas na kamay at tinaasan siya ng kilay habang pinupukol nang matatalim na tingin.

"Oh, bakit ka sumunod? Balak mong hilahin ang buhok ko? Balak mong gumanti? Go on!" I challenged him.

Kalmado lang akong tiningnan ni Rome hanggang sa napabuntong-hininga siya.

"Julie, bakit ba galit ka sa akin? Dahil ba sa relasyon namin ni Prince?"

"Sinasabi mo bang nagseselos ako?" hindi makapaniwalang tanong ko pabalik. "Wow, ha!"

Maagap namang umiling si Rome. "Hindi. Hindi... Ang ibig kong sabihin ay dahil ba hindi mo tanggap ang gano'ng klaseng setup..."

"Linawin mo para hindi tayo naghuhulaan dito, Rome."

"I mean... are you really against our kind of relationship? Iyong lalaki sa lalaki?" tanong niya sa maliit na boses.

Hindi ako nakasagot agad. Hindi naman ako galit kasi nagmamahalan sila–ang ibig kong sabihin ay hindi naman ako galit dahil pareho silang lalaki sa setup nila. Ang hindi ko lang matanggap ay 'yon nga... Hay, ang gulo ko!

Tahimik ulit akong nagngitngit dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko at hindi ko rin alam ang isasagot ko sa kanya. Should I just let him believe that I loathe them for their setup? Pero hindi naman talaga iyon ang problema ko, e...

Nag-iwas muna ako ng tingin saka siya sinagot. "Ewan ko sa 'yo..."

"Rome, halika na. Magsisimula na 'yong klase natin," tawag ni Prince sa kanya nang makalapit ito sa amin.

I frowned at them. He had his hand placed at Rome's back. Dikit na dikit sila. Ang sarap pag-uuntugin.

"Julie, halika na," aya pa ni Rome sa akin. Inirapan ko siya.

"Huwag nga kayong lumapit-lapit sa akin. Ayokong nakikita nang iba na magkasama tayong tatlo!" sigaw ko't tumalikod na at tumakbo.

I HAD READ a lot of articles about Roma while scrolling through my laptop. Tuwing may bago siyang idinadate ay lagi iyong na-fe-feature sa iba't ibang sites. Hindi lang dahil kilala siyang bilyonaryo kundi dahil na rin sa mga gender at sexuality ng mga ito. Iba-iba kasi... May lalaki, babae, bakla, tomboy, at kung anu-ano pa.

I even stumbled upon one article explaining that Roma was actually a pansexual. May isang interview din kasi kung saan inamin nitong isa siyang pansexual. People who were identified as pansexuals were sexually attracted to anyone regardless of gender. Roma also clarified that he's genderfluid. His gender can change from time to time. Depende sa kung ano ang gusto o feel niyang maging siya. This gave explanation as to why the way he dressed himself varied and had no definite style. Minsan panlalaki, minsan naman pambabae. Nonetheless, he's considered a fashion icon in both.

I closed my laptop and readied myself to go to work. Suot ang 'di naka-butones na purple and white flannel sa ibabaw ng puting camisole na siyang naka-tuck in naman sa mom jeans ko at pinaresan ng puting sneakers ay nakahanda na ako para umalis. I took my backpack and called both Bayani and Ponkan out of our tiny house. Sa garden ko sila iiwan para malaya silang nakakatakbo. Nilagyan ko na rin ng mga pagkain ang kanya-kanyang mga bowl nila.

Nang masigurong ayos na sila ay umalis na ako. Maaga akong nakarating sa studio kasi aalis din kami ngayong araw para sa documentary na gagawin namin sa isang kakaibang fashion show. Iyong mga kasali kasi ay mula sa LGBTQ+ community, mga plus size and with Down syndrome models saka mga albino, mga may dwarfism condition, inborn na walang mga braso, at iba pa. The goal of this fashion show was to redefine beauty, and I really think it will serve its real purpose and will be a success. We will be documenting the behind-the-scenes and the actual runaway.

"Julie, take this!" the production team head called me.

"Yes, sir!"

I hurried to get the tripods from him and took them inside our van. Dalawang van ang gagamitin namin. Isa para sa production team, isa naman para sa mga director, editors, videographers, and 'yong magsisilbing host.

Pagpasok ko sa van ay kaagad kong tinanggal ang purple scrunchie sa palapulsuhan ko saka tinali pa-ponytail ang buhok gamit iyon. I then folded the sleeves of my flannel up to my sleeves. I want to be comfortable and easy to move later on when we will be starting to arrange the set and our station. The entire frontline team had been briefed about the program and details. Kaming mga behind-the-scenes ay dapat laging ready lang sa mga utos nila at pag-aayos ng set.

Pagdating namin doon ay wala kaming inaksayang panahon para mag-ayos at maghanda.

"Water! Water, please!" tawag no'ng host habang inaayusan siya ng make-up artist niya.

Dali-dali akong kumuha ng water bottle mula sa cooler na dala namin at ibinigay iyon sa kanya.

"Here, ma'am," I said as I handed it to her.

Napairap naman siya at bahagyang tinabig pa ang kamay kong may hawak ng water bottle.

"I'm not drinking that! Get my tumbler over there!" utos niya.

"Yes, ma'am!" natatarantang sagot ko at nagmamadaling kinuha iyon mula sa mga gamit niya.

Mayamaya pa ay pumasok na iyong timekeeper namin at nagpaalalang kailangan standby na kami kasi magsisimula na 'yong red carpet. Mula sa dala naming television screen na nakakonekta sa mga gadget ng camera crew ay pinanood namin ang mga nangyayari sa labas. Naghihiyawan ang mga kasama ko habang isa-isang pumapasok ang mga sikat na artists and stars sa bansang 'to at maging sa buong mundo.

Napawi nga lang ang ngiti ko nang makita ang sumunod na pumasok. Rome Buendia Jr. a.k.a. Roma graced the red carpet with his dazzling silver suit top matched with its gray tulle maxi skirt which was announced as one of his recent creations. Iyong makeup and look niya ay bumagay rin sa magara niyang outfit — metallic style. Doon ko lang din nalaman na isa pala siya sa mga biggest sponsors at most respected guests ng event na 'to.

Bigla akong nanlumo nang mapansin ang malaki naming agwat sa buhay. Nag-iwas ako ng tingin at inabala na lamang ang sarili sa pag-aayos nang dapat pang mga ayusin.

Tuwang-tuwa kami sa team nang matapos na ang show. Umabot pa ng tanghali kaya nagdecide ang team na manatili muna at doon na lang mananghalian sa nilaan sa aming lugar sa venue na iyon. May part pa kasing hindi namin nakukuha para sa documentary. Iyon ay ang interview sa mga organizers ng event at sponsors na nandoon pa rin at ini-enjoy ang buffet celebration na kasama ang mga models. Kinuha ko ang baon ko sa loob ng bag ko saka ako lumapit sa may bakante pang lamesa.

"Hey, you, water girl. Come here and fill my tumbler," utos ulit sa akin no'ng host.

Binaba ko muna ang baon do'n sa may lamesa at agad na lumapit sa kanya para lagyan nga iyon ng tubig. Bumalik kaagad ako sa lamesa namin para makakain na pero nagulat ako nang mapansing nasa lapag na iyong baunan ko. Napabuntong-hininga ako at tahimik na pinulot iyon.

"Oh, so it's yours, Julie? Sorry, I just placed it there because as you can see, our table's already full," ani Cindy, isa sa mga editors ng team.

Napatingin ako sa table. Puno na nga dahil pati 'yong mga bag nila ay sinadya nilang ilagay. Pinalitan pa ako sa pwestong ako naman ang nauna. Maniniwala na sana akong totoo iyong sinasabi niya kaso ay hindi lang naman ito ang una at pangalawang beses na ginawa niya, nila ito sa akin. Nakakatawa dahil ngayon ay ako naman ang nabu-bully dito sa ibang bansa. I really thought before that if you're talented, people from other races will compliment you and treat you special or even extra. Sadly, I was completely wrong. They don't care about your talent and will continue look at you differently because you're not like them, because you're Asian.

"Julie, you can't be with us. There's already too many of us here. Can you just find your own place to eat?" she asked when she noticed that it was taking me long just by standing there.

Natauhan ako at pilit na ngumiti at tango na lang. "It's okay. I'll just find someplace near to eat."

Naghanap ulit ako ng lugar na pwedeng mapagkainan sa binigay sa team namin. Punuan na talaga iyong lamesa. Hindi rin naman 'to katulad sa Pilipinas na madalas nagpapaubaya iyong mga lalaki ng pwesto nila para sa mga babae. In here, you'll encounter people with different beliefs and perspectives, and they highly capitalize on personal choices. Kailangan mong respetuhin 'yong desisyon nilang unahin ang mga sarili nila.

Pinagkasya ko na lamang ang sarili ko sa isang sulok. Pader iyong hinihiligan ng likod ko tapos makapal na itim na kurtina naman sa kanan ko tapos iyong mga gamit na sa set iyong sa kaliwa. Naupo ako roon at binuksan na ang baon ko. Pinanood ko ang mga kasama kong nagtatawanan sa kani-kanilang lamesa habang nginunguya ko ang pagkain ko. Nagbaba ako ng tingin sa baon ko. Hirap pa akong lumunok dahil nahahabag ako sa sarili ko. I have never thought and expected that I would ever pity myself this way and this much. Akala ko imposibleng mangyari iyon. Pero nararamdaman ko na ngayon. Everyone's enjoying their meal while I am sitting at the corner, sadly staring at my food, weakly chewing, and looking utterly pitiful.

Gulat na napaangat ako ng tingin sa malakas at biglaang nagbukas no'ng itim na kurtina sa gilid ko.

"What the hell are you doing there?!" dumadagundong na tanong ng isang pamilyar na boses.

Iyong ekspresyon niya ay magkahalong gulat at galit. Iyong sikat na supermodel na dumalo bilang guest ay napansin kong nasa likuran niya pala at nakahawak pa sa braso niya.

"See you around..." Dinig kong bulong nito kay Roma bago ito halikan sa pisngi at bitawan para tumalikod na at umalis.

Sikat iyong modelo at balita ko pa ay isa ring pansexual. Mabilis akong tumayo habang hawak iyong baunan ko. Puno pa iyong bibig ko pero tinigil ko na muna ang pangnguya dahil nakakahiya. Nakakahiya ang buong itsura ko ngayon. Kaagad namang lumapit ang head ng production team para saklolohan ako.

"Mr. Buendia, I am so sorry for the inconve–"

"Why was she eating there?" putol ni Roma sa head namin.

Kaagad namang palihim na sumenyas iyong head namin sa mga kasama kong bigyan ako ng space sa isang table. He secretly gestured the hand at his back for them to move.

"Sir, our employee feels more comfortable there so we let her be. If I know that you and Ms. Cara were there, I would have forced her to stay with us," our head explained.

Napasulyap ako sa kanya at saglit na napapikit. I didn't know this could get worse. Pagdilat kong muli ay ang matalim na titig na ni Roma ang nakasalubong ko. Binalingan na rin ako ng head namin.

"Julie, go take your seat now at our table," he told me.

Nang malunok ko na ang natitirang laman ng bibig ko ay tinakpan ko na ang baunan bago sumagot. "It's okay, sir. I'm already full. I'm sorry for being stubborn."

I turned to look at Roma again and slightly bowed my head. "I am really sorry for disturbing you and your company, Mr. Buendia. I didn't know you two were there. Hope you can forgive me."

I let our production team head handle Roma after that. How many times would I feel and be humiliated in just a day? Napagalitan pa ako ng head namin matapos niyang makatapos si Roma. Nakakahiya raw ako... Kahit ako rin naman, sir... nahihiya rin para sa sarili ko.

Pagod na pagod akong umuwi galing trabaho nang araw na 'yon. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang isang magarang kotse sa tapat ng gate ng tiny house ko at isang babaeng nakapulang suit and tie na nakatayo roon.

"Excuse me, who are you?" I asked her when I got finally close to the unexpected visitor.

She held her hand for a shake and with a simple smile on her face. "Ms, Dimagiba, I am Tyra Guerrero, Roma's secretary," pakilala niya sa sarili.

Namilog ang mga mata ko at tinanggap ang kamay na inaabot niya agad.

"Nice to meet you, ma'am. Uhm... what can I do for you?" I asked her.

Bumitaw na siya sa kamayan namin. She snapped her fingers and a muscular man went out of that luxurious car and have handed me a neatly sealed food takeout from a five star restaurant nearby.

"Now if you don't mind opening your gate and inviting us inside your humble abode, Ms. Dimagiba. Para mailagay na ng mga staff sa loob ang iba pang mga pinabibigay ni Roma."

"Marunong kang mag-Tagalog?!" I asked, surprised at her sudden Tagalog.

She chuckled before answering, "I'm half-Filipino, half-Latina. I grew up in the Philippines but migrated here and worked with Roma and his very Filipino family so I was able to practice my Tagalog-speaking skills more."

"Sige, sandali lang. Bubuksan ko muna 'yong gate," paalam ko't dali-dali nang binuksan ang gate.

Pagbukas ay kaagad ko silang pinatuloy. May tatlong malalaking lalaki pa na parang mga bouncer na naka-barong at earpiece ang sunod-sunod na nagpasok ng mga groceries. Ang dami no'n kaya nabahala na ako bigla.

"Hoy, teka lang ang dami!" gulat at natatarantang bulalas ko sa mga pinapasok nila.

"Ma'am, wala po akong pambayad sa mga 'yan!" pag-amin ko kay Ma'am Tyra. She chuckled.

"Just call me Tyra, Ms. Dimagib–"

"Julie na lang din po. Para mas komportable akong pakinggan."

"Okay, Julie. All those are free. Roma ordered us to give you food because you obviously didn't finish yours earlier at the event. Nagbigay din siya ng mga additional groceries and stuff to give you a glimpse of what he can give you if you agree with his deal."

"Sabi ko na nga ba, e. Ma'a– I mean, Tyra, pakisuli na lang sa kanya lahat ng mga 'to. I don't need them at hindi pa rin ako papayag sa gusto niya. Ang dami namang babae r'yan na pwede niyang anakan..." I looked at her intently.

"Pwede namang ikaw..." dagdag ko pa. Napahalakhak lang siya.

"I can't do that, Julie. I'm asexual."

Oh... that means... "What kind of asexual? Biologically or sexuality?" I asked to make things clear.

If she's asexual biologically, that means she's lacking sex organs. If sexual orientati–

"Sexuality. I am not attracted to anyone," she clarified and added, "My gender identity and expression is soft butch."

"What's soft butch? I've never heard of that," I admitted and was kinda curious.

"Soft butch means I'm exhibiting traits of butch or that of a lesbian. You see, I wear mostly men's clothing but I don't totally fit to the stone butch stereotype. My hair's still long and I wear women's undergarments and a lot more reasons."

Tumango-tango naman ako sa paliwanag niya. So that's what they call soft butch. Interesting, I've learned something new today.

"Pero bakit ako ang gusto ni Roma..." I trailed off when I realized what I just said.

Imposible...

"Bakit ba ayaw mo? Give Roma a valid reason."

I licked my lips and clicked my tongue. It took me seconds to answer. "Kasi ayokong magka-pamilya..."

Tyra smirked. "See? That makes you a perfect candidate. No strings attached and when you already conceived and gave birth to his child, he was sure you'll give him the child's full custody. Magkakaroon ka pa nang malaking pera. It's a win-win situation, Julie."

•|• Illinoisdewriter •|•

Illinoisdewriter

I craft stories and furnish them with my advocacies. ♡

| 1

Kaugnay na kabanata

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   04 Julie

    HINILA KO ANG dulo ng blouse ko pagkatapos kong maisuot ang cap na parte ng uniporme namin. Ngumiti ako at lumabas na sa locker room namin para gampanan ang trabaho ko. Nakatoka ako sa pagdadala ng orders ngayong araw. “Good morning, ma'am and sir. Welcome to Jollibee. Here's your order,” I began and enumerated their orders as I laid them on their table. “Enjoy your meal,” huling sabi ko sa kanila't bumalik na sa counter. Pagkabalik ko’y may bago na namang order na naka-ready to serve na. I took the tray and went towards the table similar to the number given to me. Paglapit ko ro'n ay napatingin agad sa akin ang tatlong lalaking foreigner. Their stares were making me uncomfortable, but their smirks were making me feel worse. I still smiled to show them how professionalism worked. “Enjoy your meal,” simpleng hayag ko nang mailapag na ang mga order nila.

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   05 Julie

    GALIT NA HINAKLIT ni Prince ang braso ko nang makalapit siya sa akin. Hinarap niya rin ako sa kanya. “Sinabi sa akin ni Tita Korina ang nangyari kay Rome,” madiing saad niya. Absent si Rome ngayon dahil nagpapagaling pa sa ospital kung saan siya isinugod nina tatay at Ate Julia. Tita Korina was very mad too when she found out about it. Naiintindihan ko naman si tita. Siyempre, anak niya ‘yong nasaksak, e. She had all the right to be mad. Binawi ko ang braso ko at hindi na lamang sumagot. Ayokong maging mapagmataas lalo na ngayong may nanganib ang buhay dahil sa akin. Sana naman sa pananahimik ko ay makuha agad ni Prince na inaako ko naman ‘yong pagkakamali ko. “Alam mo, Julie... siguro mas mabuting layuan mo na lang si Rome. Kasi kung hindi mo siya iniinsulto ay pinapahamak mo naman siya,” aniyang tunog nang-aakusa. Nagkaroon tuloy ako ng lakas ng loob na mag-angat ng

    Huling Na-update : 2021-06-13
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   06 Julie

    PAGKATAPOS NAMING MAGPIRMAHAN ni Roma nang kontrata ay dinala niya ako sa mga establishment na pagmamay-ari niya. He said he'll give me a total makeover. “Roma, kailangan ba talaga ‘to?” Nauuna siyang maglakad sa akin kaya nilingon niya ako. He took his cat eye shades up on his head before he arched one delicate brow at me. “Of course!” Pagkatapos ay pinaraanan niya ako ng tingin. Ibang-iba ‘yong suot ko sa kanya ngayon na kahit na simple lang ay nagsusumigaw pa rin nang mamahalin. He was dressed more masculine today, or something in between. He was wearing a silk red sleeveless qipao style top which he paired with flared pants and black Chelsea boots. May sukbit din siyang Luis Vuitton pochette bag sa maskulado niyang balikat. Since he was donning a sleeveless, his tattoo was kind of visible. Pinaraanan ko rin ang akin. I was dressed in an oversized yellow graphic te

    Huling Na-update : 2021-06-14
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   07 Julie

    I WHISTLED WITHOUT sound repeatedly while we're driving to their mansion. I'm calming myself down. “Girl, what are you doing?” tanong ni Roma sabay sulyap saglit sa akin. “Kinakabahan ako. Paano kung hindi ako magustuhan ni Tita Korina sa plano mo?” He snorted which eventually led to his laughter. “Bish, we're not fucking getting married. Loosen up, you're too uptight.” “Sorry, kinakabahan lang. This is like the first time I'll be seeing Tita Korina again after a long time.” I licked my lips before biting it. I'm still worried that maybe until now, Tita Korina still hadn't forgiven me for ruining Rome's love story. I was stunned when we got into Roma's property. Nasa isang mamahaling subdivision iyon na kilala sa bansang ito bilang tirahan ng mga celebrity, businesspeople, at iba pa. Elevated ang location ng lugar kaya manghang-mangha ako sa overlook

    Huling Na-update : 2021-06-15
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   08 Julie

    TINUPAD NGA NI Rome ang hiniling ko. Hindi na niya ako nilalapitan. Pero paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang malungkot na nakatingin sa akin tapos kapag nagtagpo ‘yong mga mata namin ay nagbababa agad siya ng tingin. I always went home straight after school. Hindi rin ako active sa mga extra-curricular activities sa school o mga program man lang. I'm doing it purposely to less interact with Rome and Prince. I kept telling myself that I'll get used to it very soon. Masasanay na akong wala si Rome hanggang sa tuluyan ko na siyang makalimutan. I verily believe that works that way. Sana nga... Successful ang naging heart surgery ni Jillian. May mga maintenance pa ring binigay sa amin para sa mas bumuti ang kondisyon niya. Todo-todo ‘yong dasal namin habang hinihintay na matapos iyong operasyon. Paglabas ng doktor sa operating room at pagbigay niya sa amin ng magandang balita ay nahimatay agad si nanay si tuwa. Buong araw n

    Huling Na-update : 2021-06-16
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   09 Julie

    BINABA KO SI Jillian sa kuna niya matapos ko siyang patulugin. Hinanda ko na agad ang hapag para makakain na kami ng hapunan ni nanay. Kaming tatlo lang ngayong gabi ni Jillian dahil night shift si tatay. Pagkatapos kong maghanda ay kinatok ko agad sa kwarto niya si nanay. “Nay, kakain na po tayo.” “M-Mauna ka na, a-anak...” pumipiyok na tugon ni nanay. Natulala ako saglit sa seradula. Umiiyak na naman siya para kay Ate Julia. Lagi na lang... Ilang araw na... Nakakapagod nang makinig... Pinihit ko iyon kaya lumikha iyon ng ingay. Mabilis na pinunasan ni nanay ang mga luha niya bago ako nilingon. “Julie, hindi ba sinabi ko mauna ka nang kumain kung gusto mo?! Mamaya na ako!” Ilang araw na ring ganito si nanay. Madalas na niya kaming napagtataasan ng boses ni tatay kapag sinasabi naming magpahinga na muna siya o kumain. “Nay, kumain n

    Huling Na-update : 2021-06-17
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   10 Julie

    DALAWANG LINGGO NA simula no'ng ilipat ng school ng parents niya si Prince. Walang may alam kung saan. Para bang lahat ng koneksyon niya rito sa amin ay talagang pinutol na ng mga magulang niya. Dalawang linggo na rin akong hindi nilalapitan ni tapunan man lang ng tingin ni Rome. Alam at ramdam ko naman, e. Sinisisi niya ako. Ayaw niya lang talagang manumbat dahil nga siya si Rome, ang mahinhin at mabait na si Rome. Pero mas gugustuhin ko pa ata iyong sumbatan at sampalin niya ako kaysa sa ganito. Iyon bang para lang akong hanging dinadaan-daanan niya. Alam din ng buong klase kung anong nangyari at kung sino ang may pakana ng lahat. Kaya nga maging sila ay lalong naging mailap sa akin. Of course, they will all side Rome and Prince who showed them nothing but kindness with the latter being our responsible leader. Sino ba naman ako kompara sa kanila? I wasn't bad but I wasn't exactly very good to my c

    Huling Na-update : 2021-07-03
  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   11 Julie

    WARNING: This chapter contains explicit scenes not suitable for readers under 18 years. Reader discretion is advised. EVERYTHING WENT SO fast that I just found myself lying naked beneath Roma inside my bedroom. A part of him was already inside of me as well. It was really painful for a first-timer like me. Gulat na napatitig siya sa akin pagdilat ko nang dahan-dahan mula sa pag-inda no'ng sakit. “Fuck... You're crying,” he pointed out. “Do you want me to stop? Are you hurt?” tanong niyang nahimigan ko ng pag-aalala o baka guni-guni ko lang iyon. Pinunasan ko ang mga luha ko at umiling. “K-Kaya ko.” He looked at me for a couple of minutes, finding something I couldn't name until he slowly nodded. Dahan-dahan ulit niyang pinasok. No one touched me there and in places he had touched me. I bit my lip firmly to control myself. “

    Huling Na-update : 2021-07-04

Pinakabagong kabanata

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   Special Chapter 03

    This is a very special chapter and announcement because the next two installments under Eraserheads Series will be led by Mutyang Marikit or ‘Mari’ and Maliksing Makisig or ‘Maki’, respectively. Pag-iisipan ko pa kung anong story naman ang ibibigay ko for Kundimang Bahaghari or ‘Hari’. I would also like to take this opportunity to thank all of you with all my heart and soul for your gems, reviews, and ratings. I hope you could give me one as it will help me in promoting this story and in sharing my advocacy regarding gender and sexuality with a bigger and greater audience here on GoodNovel. Thank you, thank you so much! I wouldn't make it this far without all of you. This will be the last part for Julie Tearjerky but see you in my upcoming stories under the Eraserheads Series. I hop

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   Special Chapter 02

    This special chapter will chronicle the Buendia Twins' experiences while growing up. This will be told in third person point of view. MATINGKAD ANG SIKAT ng araw ng umagang iyon. Nagtipon-tipon ang mga preschool student sa gymnasium ng pribadong paaralan ng Roosevelt para sa isang espeyal na parangal. Tak... Tak... Tak... Iyan ang tunog na nililikha ng mga sapatos ni Maki na sadyang pinakintab ng kanyang ina para sa selebrasyon na iyon at sa tuwing ito ay tumatama sa sahig ng gymnasium kada padyak niya ng kanyang mga paa habang naghihintay na matawag ang pangalan niya. Ang kanyang mga kamay ay nakatuko pa sa may kandungan niya. Agad niyang tinaas ang mga iyon upang pumalakpak nang matawag na ang pangalan ng kakambal niyang siyang nangunguna sa buong klase nila. “Buendia, Mutyang Marikit D. First Honors.”

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   Special Chapter 01

    NASA MAY PATIO dining area kami at nagtipon-tipon nina Rosella at Florence kasama ng mga batang naglalaro sa may backyard. Pinagsasaluhan namin ang gawang merienda ni Rosella habang nag-uusap. “Valentine's Day na bukas!” masayang bulalas ni Rosella. “Saan ang lakad niyong mag-asawa, mga mars?” “Sa bahay lang pero sigurado akong may pa-flowers at chocolates na naman si Tommy. Kayo ba?” “May date kami ni Marvin. He said he doesn't want to make a surprise for me this year. Sinabi niya na sa akin iyong plano niya para makapaghanda na ako kasi ang pangit kong magulat, e, nananapak nang bongga. Mukhang pagod na rin si Marvin na masapak ko.” We all laughed at that and when it died down, they both turned to me. “Ikaw ba, Julie?” asked Florence. “Hindi ko alam, e. Pero gusto ko sana this year, ako naman ang sumurprisa sa kay Roma.” That was

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   03 Roma

    HINDI MAGAWANG ALISIN ni Roma ang titig sa susunod na aplikanteng pumasok sa opisina niya na sasalang sa interview at upang mag-apply bilang isa sa mga chemical engineer niya. “How are you? It's been a long time.” “Prince...” ang tanging nausal ni Roma. “I thought you joined the Philippine Military,” dugtong naman niya nang makabawi. Prince gave him his small boyish smile. “I didn't push through it. That's not what I want. This... is what I want.” Nakatitig lang si Roma sa mukha ni Prince. It's really been a long time since they last saw each other. They didn't even have a proper breakup. They were just taken away from each other. The changes in him were noticeable as well. He grew taller, had some stubbles, and gained more muscles, very similar to Roma right now except for the facial hair. His skin was maintained clear, smooth, and pristine. Skincare was life for Rom

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   02 Roma

    ROME KNEW IN his heart that he really loved Prince, but he also couldn't deny the immense care he had for Julie. Handa siyang magpabugbog at masaksak masigurong ligtas at ayos lang ito na siyang naging dahilan nang pagkakaratay niya ngayon sa ospital. “Diyos ko, salamat Po...” usal agad ng mommy niya ang narinig niya pagdilat niya. Hawak-hawak pa nito ang rosaryong ginamit sa pagdadasal nang lumapit ito sa kanya saka hinaplos ang ulo niya. “Anak, kumusta ka na? Ano nang pakiramdam mo? Dalawang araw ka nang n-natutulog...” “My, tatawag ako ng nurse,” paalam naman ng kuya niyang si Philip bago lumabas ng kwarto nila. “T-Tubig po...” “Nauuhaw ka ba? Sandali lang. Heto na, heto na.” Agad-agad naman siyang pinaupo saka inalalayan ng ina niya sa pag-inom ng tubig. “Anak, huwag mo na ulit gawin iyon, please.”

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   01 Roma

    This is the first part of the epilogue, and this will be told in Roma's point of view in third person. Words are not enough to express how grateful I am that you have stumbled and have became an important part of Julie and Roma's adventures and misadventures since high school to their lives overseas and back to the Philippines where they raised their own modern unconventional family and sort out what they truly mean to each other. I hope you bring with you the lessons you have gotten from here about life, love, faith, and most especially about gender and sexuality. Respect everyone and never lose faith. God bless!♡ BATA PA LAMANG si Rome, ang junior ng OFW na si Borromeo Buendia, ay alam at ramdam na niyang may espesyal sa kanya. He was also very vocal with it towards his family who never failed to support him in anyway they can. Tumunog ang bell, hudyat nang pagsisimula ng unang klase. Mabibilis na yapak ng mga

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   | 55 | Roma & Julie

    WARNING: This chapter contains scenes not suitable for readers under 18 years of age. Reader discretion is advised. I JUST FOUND Roma and I in our bed sharing another round of intimate moment. Patagilid at parehong hubad kaming dalawa na nakahiga ngayon sa kama. He was hugging me tightly with his left arm while he was also moving quickly in and out of me. Nakatanday naman ang isang binti niya sa akin habang patuloy siya sa mabilis na paggalaw. I kept meeting him, too. Ginalaw niya iyong kanang braso niyang inuunan ko upang igiya ako palingon sa kanya sa likuran ko. When I turned to face him, he instantly sealed my mouth with his tongue and hot kisses. “Ah...” I moaned in between our kisses, especially when I felt his thumb and index fingers toying with my already hard nipples. Mula sa pagkakayakap sa akin ay binaba niya ang kaliwang braso niya at kamay sa mas

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   | 54 | Roma & Julie

    PINUNTAHAN NAMIN NI Roma ang Pamilya Escobar sa ospital nang makapag-ayos na kami. We left the kids under Lilo's watch. Tumayo agad si Klarissa pagkakita niya sa aming papalapit sa kanya saka kami sinalubong. “Kumusta na si Tito Mon?” I asked. “Ayos na siya sa awa ng Diyos.” She turned to Roma, her eyes were now tearful. “Roma, maraming-maraming salamat talaga sa pagliligtas sa kanya.” Roma caressed her arm to soothe her as he gave her one thoughtful smile. “It's okay, Issa. Huwag ka nang mag-alala sa mga gagastusin niyo. I already contacted Marvin's construction company as well to fix your house as soon as possible.” “Roma, maraming-maraming salamat talaga sa lahat pero... matatagalan pa siguro bago kami makapagbayad sa iyo...” “Huwag kang mag-aalala sa bayad. It can always wait but I'm not asking you to pay me for it, okay? I just really wanted to

  • Julie Tearjerky (Eraserheads Series #2)   | 53 | Roma & Julie

    THE MAHOGANY GANG clapped, cheered, and teased us because we were making such a scene on stage. Agad kong pinunasan ang mga luha ko habang marahang naghahalakhakan kami ni Roma. I called Klarissa next because I was her secret Santa. Tuwang-tuwa naman siya nang hindi lang ang regalo ko ang binigay ko kundi pati na rin iyong mamahaling sapatos na props ni Roma para sa surprise niyang ito. When everything was said and done, we proceeded and feasted on the banquet. Maganang-magana ang kain ng mga anak namin ni Roma. Pagkatapos nila ay nagpaalam naman silang maglalaro lang sa may stage. Alexa and Gelo promised and assured us that they will be watching out for all of the Mahogany kids. Sinamahan na rin sila ni Nicolette na mukhang gusto ring makipaglaro sa mga bata. Naiwan sa mahabang table kaming mga matatanda. Dylan was with us as well. Napatingin kami kay Tito Ramon nang biglang tumayo siya at tinaas ang c

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status